Activity Completion Report [ACR] Buwan ng Wika 2017
1. Republic of the Philippines
Department of Education
Region VIII (Eastern Visayas)
Division of Leyte
Inopacan District
INOPACAN DISTRICT
sa
Pangalan ng
Gawain
SELEBRASYON NG BUWAN NG WIKA 2017
PETSA AGOSTO 31, 2017
LUGAR Mga Mababang Paaralan sa Buong Distrito ng Inopacan
Mga Taong
Nakikiisa
Mga Punong guro, Mga Guro, Mga Mag-aaral, PTA at mga stakeholders
Makatwirang
Paliwanag/
Rationale
Alinsunod sa Pampanguluhang Proklamasyon Bilang 1041, s.1997,
ang Agosto ay itinakda bilang pagdiriwang sa Buwan ng Wikang Pambansa.
Ito ay itinakda upang isapuso at maintindihan ng bawat mamamayang
Pilipino ang tunay na diwa at kahalagahan ng wika sa pagsasabuhay nito sa
pang-araw-araw na gawain at mithiin na uunlad ang pamumuhay.
Sa taong ito, ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagpapalabas ng
Memorandum Pangkagawaran Bilang 58 s. 2017 na may pamagat “Buwan
ng Wikang Pambansa 2017”. Ang memorandum na ito ay nagbibigay ng
mga suhestiyon kung paano ito ipagdiwang kaya ang ang lahat ng
mababang paaralan sa distrito ng Inopacan ay ipinagdiwang at binigyang
halaga ang Wikang Filipino dahil ito ang nagbubuklod sa mga
mamamayang Pilipino.
Mga Layunin/
Objectives
Ang mga Layunin ng selebrasyon ay ang mga sumusunod:
1. Ganap na maipapatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Bilang
1041, s. 1997.
2. Maintindihan at maisapuso ang kahalagahan ng Wikang Filipino sa
pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwang
ng Wikang Pambansa
2. 3. Maipaliwanag ang tema, “Filipino: Wikang Mapagbago”
4. Mahikayat ang mga magulang at mga stakeholders na makikilahok sa
selebrasyon pati na ang lahat ng ahensya ng gobyerno upang mapataas ang
kamalayang pangwika at sibiko.
Pinakamataas na
Bahagi ng Gawain/
Highlights
Dahil sa pagbibigay halaga sa ating wikang pambansa na siyang
pinakakaluluwa ng ting lahi ay nagkakaroon ng pagkakaisa at kalayaan ang
mga Pilipino, kung kaya’t taon-taon idinaraos ito sa lahat ng paaralan ng
ating bansa. Ang tema ngayong taon ay “Filipino: Wikang Mapagbago”
Nag-uumpisa ang selebrasyon sa unang linggo ng buwan na kung
saan ang mga guro, mag-aaral, mga ,magulang at iba pang mga stakeholders
ay nagkakaroon ng isang parada at maikling programa. Bawat Lunes ng
Linggo ay ay nagsusuot ng kasuotang “Filipiniana” ang mga guro, punong-
guro at mga mag-aaral. Nagkakaroon din ng paligsahan ng talino at talento
sa bawat linggong nagdaan. Sa pagtatapos ng buwan ay nagkakaroon ng
kulminasyon sa isang buwang selebrasyon na kung saan mas naipapakita
ang angking talino at galing ng mga kabataan.
Mga Resulta/
Awtput Pagkatapos
ng “Monitoring at
Evaluation:
Bawat mababang paaralan sa Inopacan ay aktibong nakikilahok sa
programang ito.
Matagumpay na naintindihan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng
Wikang Filipino
Naging kasiya-kasiya at makulay ang selebrasyon dahil sa iba’t
ibang mga paligsahan.
Nalinang ang kakayahan ng mga kabataan sa pagpapakita ng
pagpapahalaga at pagmamamahal sa ating sariling wika.
Dokumentasyon/
Mga Larawans
Makikita sa susunod na pahina ang mga larawan ng mga
paaralang nagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Prepared by:
GINA S. INOCENTE
Noted: P-I/District Filipino Coordinator
RUTH U. RETULLA, Ed.D.
Principal-In-Charge
3. Ang wika ay isa sa mga pagkakakilanlan ng isang bansa kung kaya’t
napakahalagang ito ay pagkaingatan at mahalin ng bawat mamamayang naninirahan
dito. Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya,sinisikap ng ating pamahalaan katuwang
ang Kagawaran ng Edukasyon na mapanatiling buhay at maalab ang ating pagmamahal
sa sarili nating wika, ang Wikang Filipino kung kaya’t taun-taon ipinagdiriwang ang
Buwan ng Wika tuwing Agosto bilang pagpupugay na rin sa Ama ng Wikang Pambansa,
si Manuel L. Quezon.
Ang lahat ng mababang paaralan sa Inopacan ay sabay-sabay na nagdiwang ng
buong puso sa buong buwan ng Agosto na may temang “Filipino: Wikang Mapagbago”.
Ang kulminsayon ay ginanap noong ika-31 ng Agosto 2017 sa umaga at ibang paaralan
naman ay sa hapon.
Ang programa ay sinimulan sa pagpupugay sa bandila at pagpupuri sa
Panginoon. Susundan naman ito ng pambungad na pananalita ng pangulo sa SPG.
Mahalaga ding ipaalam at bigyan ng malalim na kahulugan ang tema sa taon na ito
kaya naman hinikayat ng mga punong-guro ang lahat na mahalin, igalang at
pagyamanin ang ating sariling wika. Kasunod nito ay ang tagisan ng galing at talento
ng mga piling mga mag-aaral sa lahat ng baitang. Ang mga presentasyon o paligsahan
ang nagsisilbing paraan upang mahasa pa at maipakita ang pagmamahal sa ating
wikang Filipino.
Ang mga guro, magulang at mga mag-aaral ay galak na galak na ipinagdiwang
ang selebrasyong ito lalo na ang mga nakatanggap ng mga sertipiko bilang simbolo ng
kanilang pagpakapanalo. Hindi maipinta ang dulot na saya nito sa lahat.
Naging matagumpay ang selebrasyon dahil sa pagkakaisa ng bawat isa para
makamit ang layunin.