Isinagawa ang selebrasyon ng Buwan ng Wika noong Agosto 2017 sa mga mababang paaralan sa Inopacan bilang pagsunod sa Pampanguluhang Proklamasyon Bilang 1041, s. 1997. Layunin ng selebrasyon na ipaalam ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pakikilahok ng mga guro, mag-aaral, at stakeholders. Ang tema ngayong taon ay 'Filipino: Wikang Mapagbago,' at tunay na naging matagumpay ang selebrasyon sa mga paligsahan at aktibidad na nagpakita ng pagmamahal sa sariling wika.