SlideShare a Scribd company logo
Ang Isyu ng Wika sa Larangan ng Bilingwal na Edukasyon
Teksto: Baylingwal na Edukasyon: Malabong Patakaran at Hilaw na Pagkatuto
Bilang isang tubong Quezon, hindi ko maiikakailang may ibang wikang nakahalo sa
Tagalog-Quezon na wika namin na iba pa sa Tgalog- Batanggas at ibang barasyon ng wikang
Tagalog. Wikang Filipino na ang nakagisnan kong wikang panturo sa loob ng paaralan naming
noong ako’y nasa Elementrya subalit kasabay niyon, nililinang at may mga asignatura rin
kaming nasa wikang Ingles. Katunayan, nasa ikatlong antas pa lamang kami ng elementarya ay
tinuturo na rin sa amin ang wikang Ingles na nagbunga sa amin na kalituhan. Noong Hayskul
naman ay mas malala ang lagay ng Baylingwalismo sapagkat sa aking pinasukang paaralan,
palibhasa ay pribado, may buwan na talagang opisyal na ipinapatupad ang buwan ng Wikang
Ingles o kapag buwan ng Pebrero. Kaming mga mag-aaral ay obligadong magsalita ng Wikang
Ingles maging sa Canteen.
Subalit noong panahong iyon ay hindi ko man lamang magawang kwestyunin ang mga
bagay na iyon sapagkat bunga nga ng baylingwalismong Edukasyon, sabay na pinapasok sa
paaralan ang wikang Filipino at Wikang Ingles bilang Midyum ng Pagtuturo.lumaki akong
kasabay na ginagamit sa paaralan ang nasabing mga wika kaya naman hindi na ako ganoon
naguguluhan. Tanggap na naming na sa mga asignaturang syensya, matematika at ingles ay
wikang Ingles ang panturo habang sa mga asignaturang pagpapahalaga, araling panlipunan at
makabayan pumapasok ang wikang Filipino.
Doon umikot ang buhay paaralan naming mga estudyante. Bilang isang pribadong
paaralan, namulat ako sa mga misa at mga santong nasa Ingles ang basehan pero walang
kwestun parin sa akin ang mga iyon subalit ng pumasok ako sa daigdig ng Kolehiyong mundo,
nabuksan ang isa pang mundong dapat kong matuklasan at iyon ang mga hiwaga sa likod ng
mga wikang umiiral o midyum na ginagamit sa pagtuturo: ang Baylingwalismong Edukasyon.
Balik-tanaw sa Patakarang Baylingwalismo sa Bansa
Isinasaad ng artikulo XIV, seksiyon 7 ng 1987 konstitusyon na sa mga layuning pang
komunikasyon at pampagtuturo, ang mga wikang opisyal ng pilipinas ay filipino at ingles
hangga’t hindi itinatadhana ng batas. Samantala ang kagawaran ng edukasyon kultura at
isports bilang pagpapatibay sa idineklarang patakaran ng kagawaran ng bilinggualismo sa mga
paaralan ( NBE Resolusyon Blg. 73-7, s. 1997) ay naglalahad ng patakaran ng edukasyong
bilingual na naglalayong matamo ang kahusayan sa filipino at ingles ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng paggamit ng dalawang wikang ito sa lahat ng antas.
Maliwanag na itinadhanang magkaroon ng dalawang wikang opisyal: pilipino at
ingles...samakatuwid, nakatalaga ang ating pamahalaan sa patakaran ng pagkakaroon ng
dalawang wika: pilipino at ingles...kaya lalong dapat linawin ng pambansang lupon ng
edukasyon at ng kagawaran ng edukasyon at kultura ang pagpapatupad n patakarang ito:
pilipino para sa ating pambansang pangangailalngan, bilang buklod ng pagkakaisa at tatak ng
ating kaangkinang pambansa at ingles, para sa ating pakikipagtalastasang pandaigdig.”
Isa sa layunin ng patakarang bilingguwal ang pagpapalawak ng filipino bilang wika ng literasi.
Sinabi ni sibayan( 1987) na ang isang tao ay kailangan g may sapat na kaalaman sa wikang
ginagamit sa pamahalaan, administrasyon, hukuman, agham at teknolohiya, negosyo at
industriya, media at iba pang larangan. Sa sitwasyong ng Pilipinas, kailangang maging mahusay
sa filipino at ingles ang mga mag-aaral.
Dahil sa mahalagang tungkulin ng wiikang Filipino may dalawang probisyon na sadyang
isinaman dahil gudtong matiyak na kalauna’y mag-isa at tanging wika na lang ito para sa mga
opisyal na komunikasyon at sa sistema ng edukasyon sa bansa. makikitang ipinagdiinan ito sa
skesyon 6 at 7. ipinag-aatas na:
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaring ipasya sa
kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Bukod dito, ipinagdiinan pa rin sa skesyon 7 na para matiyak na balang- araw ito na lamang
ang magiging tanging wikang panturo kung hindi ma’y pangunahing midyum ng pagtuturo sa
lahat ng level ng pag-aaral. Ayon sa seksyong ito:
Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng pilipinas
ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ingles.
Samakatuwid, nakatalaga an gating pamahalaan sa patakaran ng pagkakaroon ng
dalawang wika. Kaya naman aking artikulong ito, nais kong mabigyan linaw kung anon a nga
ba ang mga nagawa at ginagawang aksyon ng Pambansang lupon sa Edukasyon at ng
Kagawaran ng Edukasyon at kultura para sa pagpapatupad ng patakarang: “Filipino para sa
ating pambansang pangangailangan, bilang bukold ng pagkakaisa at tatak n gating
kaangkinang pambansa at Ingles, para sa ating pakikipagtalastasang pandaigdig.” Sa punto de
bistang iyon, malinaw na Bilingwalismo ang nangingibabaw sa Pilipinas simula pa noon. Ang
Ingles at Filipino ang laging magka-angkla para gamitin bilang midyum ng pagtuturo sa mga
paaralan at bunga ng isinumiting polisiya ng pambansang lupon ng Edukasyon, nais nilang
malinang at makapagbuo pa ng mga susuportang batas hinggil sa Bilingwalismo sa larangan ng
pagtuturo.
Patakarang Baylingwalisom sa Ilang Unibersidad sa Bansa
Batay na rin sa interbyu sa ilang mga administrador, malinaw na hindi sila nag-uusap-
usap tungkol sa pataakarang pangwika. Hindi rin malinaw ang paninindigan ng UA and P ukol
sa pagpapayaman at pagpapayabong ng filipino sa buong unibersidad, gayong tinutukoy naman
sa kredo nito na gagawin inla ang lahat upang maitaas ang moral, kultural, at materyal na level
ng bansa. Bigyan muna nating pansin ang maliwanag na pagsipat sa itinadhana ng batas na
pagkakaroon natin ng dalawang wikang opisyal: Filipino at Ingles.
Hindi lamang rebisyon ng kurikulum at singkronisasyon ng mga sabyek ang isinagawa,
Isinunod ang isa pang workshop para sa mga komite sa kurilulum ng bawat kolehiyo sa bawat
kampus sa layuning gawing komon din ang mga silabus sa mga sabjek erya upang tumugma sa
singkronisayon. Ang ganitong pagpaplano ay batay na rin sa naging rekomendasyon ng AACUP
na dapat magkaroon ng komon na silabus ang bawat sabjek, medyor man o batayan. Ang mga
tagapangulo ng departamento ng mga wika at ang mga propesor sa ingles at filipino na mga
meyembro ng komite at nagkaisa sa pagbuo ng komon na silabus para sa ingles at filipino. (
Talegon)
Ang kawalan ng institusyunal na patakarang pangwika ng unibersidad ang
pinakamalaking hadlang sa ganap na modernisasyon ng wikang pambansa sa institusyong ito.
Anumang pagpaplanog pangwikang napagkakasunduan ay hindi nagtatagal at walang sapilitang
pagpapatupad. Ang kawalan o kakulangan ng suporta ng departamento ng mga wika ay isa ring
suliraning nakikita sa pagpaplanong pangwika para sa pambansang wika lalo na kung ang
tagapangulo nito ay isang propesor sa ingles na tahasang sinasabing wala siyang alam sa
Filipino.( Tarun)
Maliwanang na ang pamamahala at patakaran sa fiilipino ng MSU System ay hindi
binibigyan ng gaanong akademikong pagpapahalaga kung ihahamabing sa ingles. May mga
programang pandigri sa Filipino dahil ito’y kailangang makatugon din sa pangangilangan ng
komunidad lalo na sa edukasyon. Sybalit walang gaanong bigat ang ibinibigay sa Filipino bilang
karagdagang bahagi ng tinatawag na general education curriculum. Kung magagawa nga
lamang sa ilang mga kolehiyo na huwag nang isama ang filipino sa kanilang programang
pandigri, matagal na itong nangyari. ( Magracia)
Patakarang Bilingwalismo: Pagkakaiba sa ibang mga Bansa
Kakaiba naman ang nangyari sa Singapore, naging patakaran sa wika ang pagbibigay ng
pantay-pantay na pagkakataon sa mga katutbong wika na maging midyum ng pagtuturo sa
mga paaralan kasama ng ingles bilang pangunahing midyum ng pagtuturo sa sa lahat ng
paaralan. Nangyari ito na hindi itinakda o plinano at nasa likuran ng hindi nakikitang plano.na
ito ang mga magulang, mga estudyante at mga propesyunal kasama na ang mga guro. Naging
matagumpay sa mga paaralan ang pagtuturo ng ingles, at sa kasalukuyan, hindi na pinag-
uusapan ang istatus ng ingles kundi ang estandard ng ingles na dapat linangin sa mga paaralan
(Lam, 1994). Sa kabila nito, may nabubuong konsern sa parte ng gobyerno at mga magulang
sa pagkakaroon ng deteryorasyon sa kultura at pagpapahalagang intsik dala ng pagbibigay-
halaga sa pag-aaral ng ingles.
Sa Pilipinas, bagama’t malinaw ang itinakdang patakaran sa wika na nauukol sa
paggamit ng dalawang wika, ingles at Filipino sa pagtuturo ng mga tiyak na asignatura,
masasabing ang pagpapatupad nito ay may kalabuan. Simula pa noong 1974 hanggang sa
kasalukuyan ay walang ginagawang pagbabago sa mga naunang plano gayong may mga
nakikitang problema sa mga paaralan. Katulad ng sa pagpapahayag at pag-unawa sa dalawang
wika, filipino at ingles. Ngunit higit na ikinabahala ng mga namumuno sa edukasyon ang
pagbaba ng kalidad ng ingles ng mga mag-aaral na minsan ay isinisisi sa mismong patakaran sa
wika. (Liwanag)
Ipinapakitang malabo talaga ang puntirya ng baylingwalismo sa pamamalakad sa ating
bansa katulad na lamang ng ipinahayag ni Liwanag.
Baylingwaslimo: Isang malabong patakaran
Batay sa mga nabasa at nakalap kong impormasyon hinggil sa mga pag-aaral ng mga
dalubhasa sa wika tulad nila Andrew Gonzales, Bonifacio Sibayan at Ernesto Constantino,
lumalabas na nagin pokus ng pag-aaral nila ang ebalwasyon hinggil sa mga pinatunguhan na ng
mga batas na ipinapatupad hinggil sa pagpapalaganap ng Bilingwalismong Edukasyon saan
mang part eng bansa at kung nagin matagumpay ba naman ang mga nasabing pag-aaral.
Unahin nating ipasok ang isinagawang pag-aaral ni Andrew Gonzales na isang Elitistang anak
ng isang pristehiyosong unibersidad. Siya ang isa sa lupon ng mga Komite na nagsasagawa ng
mga pag-aaral hinggil sa baylingwalismo.
Dagdag ni Gonzales: “ sa pilipinas, ang isyu sa ingles ay nahahati sa bansa—iyong pabor
sa pagpapanatili ng ingles ngunit hindi opisyal na ipinapahayag ito dahil sa gustong ipakitang
nasyonalistiko sila: at iyong ginagaya ang malaysia na may mga panganib at sana nga’y
pansamantalang hadlang bilang resulta ng transisyon. Ang buong- buong intelektwalisasyon ng
filipino at iba pang wika ay nananatiling problematiko at walang malinaw at madaling solusyon.
Batay sa lumabas na resulta ng kanyang pag-aaral, hilaw ang pagkatuto ng mga mag-
aaral sa ilalim ng batas na ito. Mas nangingibabaw na preperensiya ng mga nasa lalawigan na
gamitin nila ang kanilang bernakular na wika at totoong ang wikang Filipino ay nasa ilang
asignatura lamang tinuturo sa kanila. Lumabas din sa pag-aaral na katulad ng karanasan ko
bilang prudukto ng pribadong paaralan ng sekondarya, mas ginagamit ng mga kaguruan ang
wikang ingles bilang Midyum ng kanilang pagtuturo na nagkakaroon ng malaking impak sa
mag-aaral.
At bilang nais ipunto ni Gonzales, hindi ganoon ka-epektibo ang wikang Filipino o
kalaganap bilang midyum ng pagtuturo. Doon lumalabas ang koneksyon ng mga Elitista at alaki
nilang koneksyon hinggil sa pagtataguyod ng wika. Sa kaso naman ni Ernesto Constantino na
dakilang tagapagsulong ng wikang umiiral sa buong bansa. para sa kanya, Tawaging English
Speaking Country tayo ay isa lamang ilusyon. Sabagay, may punto siya doon dahil base sa
aking sariling karanasan, kahit may multa sa aming paaralan ang magsalita ng wikang Filipino
tuwing Buwan ng Ingles ay nagsasalita pa rin kami ng natural na wika namin. Si Constantino
din ang tagapagsulong ng paglilinang ng sarili nating kaakuhan o wika natin. Ayon sa kanya,
kung manghihiram nga naman tayo ng wika, maari natin itong baybayin sa sariling atin batay
sa ortograpiyang mayroon tayo tulad ng mga bansang Rusya, britanya at Iba pa.
Kaugnay ng modernong kasaysayan ng wika sa edukasyon, dapat banggitin ang umiiral
na sitwasyong pangwika noon sa bansa. isang taon pa ang lumipas bago kinilala ng
konstitusyon ang Filipino bilang pambansang wika. Samantala ang opisyal na wika ng mga
paaralan at gobyerno ay ingles.
Kaugnay ng modernong kasaysayan ng wika sa edukasyon, dapat banggitin na noong
1970, iniutos ng national board of education ang patakarang gradwal na paggamit ng filipino
bilang isang wikang panturo sa elementarya, mula grade one ng taong- aralan 1972-1973, at
pinaunlad taon taon hanggang sa magamit ang Filipino sa lahat ng grado. Sa taon ding iyon
pinagtibay ng NBE ang paggamit ng Filipino sa kursong Rizal at mga klase ng pamhalaan at
kasaysayan sa mga kolehiyo at unibersidad.
Patakarang baylingwalismo: Hilaw na pagkatuto
Kaya naman buhat sa mga nasabing pag-aaral ng mga dalubhasa sa wika at resultang
ipinamuka sa atin ng Baylingwasilismong Edukasyon, masasabi ba natin na tagumpay ang batas
na iyan? Gayong base sa mga nasabing pag-aaral, lahat ay bigo. Sapagkat naging hilaw ang
pagkatuto nating mga Pilipino. hilaw sa paraang hindi muna tayo nahahayaang linangin ang
sariling mayroon tayo bago tayo makipagsabayan sa global na pangangailangan. Ang paaralan
ang tumatayong napakalaking impluwensya sa pagpapatupad at pagsasagawa ng mga batas
kaya naman sa paaralan din pinasok ang Baylingwalimong iyan. Paaralang may malaking papel
sa pagpapalaganap ng wika. Kung ano man ang nais gawin ng pamahalaan para masolusyunan
ang bigong resultang ito ng Bilingwalismo sa ating bansa, dapat hanggang maaga ay umaksyon
na lalo na sa akwisisyon o larangan ng edukasyon sapagkat sa pagtuturo nakasalalay ang
kaalaman ng mga kabataan o bagong sibol na tanggapin ang wikang Filipino bukod pa sa
Wikang ingles.
Sa lawak ng pagpaplanong pangwika sa edukasyon sa Filipinas, kailangan ang matapat
na pagsusuri sa bilinggual na patakaran sa edukasyon na ipinatupad sa buong bansa. Sa
layunin nito na maging mahusay ang mga mag-aaral sa dalawang wika, ingles at Filipino na
magagamit nila sa pang araw-araw na pakikipaugnayan sa ibang tao, ang kalagayang
pangkapaligiran sa pilipinas ay hindi sumusuporta sa layuning ito. Magkaiba rin ang karansan
ng mga bata sa pagkatuto sa dalawang wika. Ang ingles ay pangalawang wika para sa
karamihan ng mga mag-aaral at ang struktura nito ay naiiba sa kanilang mga katutubong wika.
Wala ring kapaligiran o komunidad na sumusuporta sa gamit ng ingles lalo na sa mga rural na
lugar sa bansa.
Samantalang ang filipino ay wikang batay sa mga katutubong wika ng mga mag-aaral at
ang estruktura nito ay halos kapareho ng mga wikang sinasalita sa kani-kanilang pangkat wika.
Sa pagpapatupad ng Edukasyong Bilingguwal sa kalahatan, ang nagkakaroon lamang ng
bentahe rito ay ang mga mag-aaral sa mahuhusay na paaralan at unibersidad. Sa ganitong
kalagayan, lalong lumalawak ang pagitan ng mga mag-aaral na mahihirap at mga mag-aaral na
may pagkakataong matuto mula sa magagaling na guro at paaralan. Hindi nakatutulong ang
patakaran sa wika sa nakararaming mag-aaral na nais magtamo ng kaalaman na ginagamit ang
kanilang katutubong wika.
Dapat magkaroon ng ibang alternatibong programa sa edukasyong bilinguwal ayon sa
pangangailangan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. kung kinakailangang
gamitin muna ang Filipino bilang midyum ng pagtuturo upang magkaroon ng sapat na
kasanayan at kaalaman dito ang mga mag-aaral, dapat itong ipatupad . ang pagtuturo ng ingles
bilang sabjek sa mga paaralan ay isa ring alternatibo kung ang layunin ay magkaroon din ng
kasanayan ang mga mag-aaral sa wikang ito kailangangin man ito.
Bibliyograpiya
Assessing Manpower and teaching materials for Bilingual Education: A Final Report
Andrew Gonzales. FSC, July 1974
Ang wika ng nasyon o bansa Teksto: Nasyonalisayon ng Filipino ni Virgilio Almario
Ang isyu ng wika sa larangan ng Edukasyon Teksto: ang wikang Filipino sa Edukasyonal na mga
Isyu sa panahon ng Globalisayon ni Wilfrido Villacorta.
Panimulang Pagsusuri sa Patakarang Pangwika ng Unibersidad ng Pilipinas ni Melania Lagahit-
Abad
Pagpaplanong pangwika para sa Pambansang wika ng Isabela State University ni Jaine Z. Tarun
Pamamahala at patakaran sa Filipino ng mindanao State university: Filipino bilang kurikular na
pangangailangan ni Emma B. Magracia, Ph.D
Pagpaplanong pangwika para sa pambansang wika ng isabela State university ni Jaine Z. Tarun
Tungo sa pagbuo ng patakaran at programa sa wika para sa university of asia and hthe pacific
ni Vivencio M. talegon jr.
Pagmulat ng mata: isang personal na salaysay sa patakarang pangwika ng Batibot ni Rene o.
villanueva
Pagpaplanong pangwika sa edukakasyon; karanasan ng Filipinas, Singapore at Hongkong ni
Lydia B. Liwanag
Kahusayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa elementarya at hayskul: pagsusuri at implikasyon
ni Lydia P. lalunio
Sibayan, Bonifacio P. 1987 “language as a resources for personal and national development.”
Pagpalanong pangwika at intelektwalisasyon ni Andrew B. gonzales, F.S.C
Florencia C. Victor “Lingguwistikong dibersidad: Komparitbong pagsusuri ng pagpaplanong
pangwika ng india at Pilipinas”

More Related Content

What's hot

ANGKAN NG WIKA
ANGKAN NG WIKAANGKAN NG WIKA
Ang kurikulum ng edukasyong sekondari ng 2010
Ang kurikulum ng edukasyong sekondari ng 2010Ang kurikulum ng edukasyong sekondari ng 2010
Ang kurikulum ng edukasyong sekondari ng 2010
MamWamar_SHS Teacher/College Instructor at ESTI
 
Sintaksis
SintaksisSintaksis
Sintaksis
John Ervin
 
MORPOLOHIYA
MORPOLOHIYAMORPOLOHIYA
MORPOLOHIYA
clauds0809
 
Barayti ng wika
Barayti ng wikaBarayti ng wika
Barayti ng wika
Christopher E Getigan
 
Ang Paglinang ng Kurikulum
Ang Paglinang ng KurikulumAng Paglinang ng Kurikulum
Ang Paglinang ng Kurikulum
Charmaine Madrona
 
Ponolohiya (FIL 101)
Ponolohiya (FIL 101)Ponolohiya (FIL 101)
Ponolohiya (FIL 101)
NeilStephen19
 
Wika, varayti at varyasyon,diskurso at mga teorya ng diskurso
Wika, varayti at varyasyon,diskurso at mga teorya ng diskursoWika, varayti at varyasyon,diskurso at mga teorya ng diskurso
Wika, varayti at varyasyon,diskurso at mga teorya ng diskurso
Marissa Guiab
 
Pagsasaling Wika - Filipino 3
Pagsasaling Wika - Filipino 3Pagsasaling Wika - Filipino 3
Pagsasaling Wika - Filipino 3
Jenny Reyes
 
Panahon ng Hapon
Panahon ng HaponPanahon ng Hapon
Panahon ng Hapon
Margielyn Aniñon
 
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at LipunanFil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
JoshuaBalanquit2
 
Pagtuturo ng filipino (1)
Pagtuturo ng filipino (1)Pagtuturo ng filipino (1)
Pagtuturo ng filipino (1)Elvira Regidor
 
Diskurso
DiskursoDiskurso
Diskurso sa Filipino
Diskurso sa FilipinoDiskurso sa Filipino
Diskurso sa Filipino
Avigail Gabaleo Maximo
 
Aralin 2 kakayahang komunikatibo
Aralin 2 kakayahang komunikatiboAralin 2 kakayahang komunikatibo
Aralin 2 kakayahang komunikatibo
DG Tomas
 
TUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON : Barayti at Register ng Wika
TUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON : Barayti at Register ng WikaTUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON : Barayti at Register ng Wika
TUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON : Barayti at Register ng Wika
Emmanuel Calimag
 
Sintaks
SintaksSintaks

What's hot (20)

ANGKAN NG WIKA
ANGKAN NG WIKAANGKAN NG WIKA
ANGKAN NG WIKA
 
11. pagsasalin
11. pagsasalin11. pagsasalin
11. pagsasalin
 
Ang kurikulum ng edukasyong sekondari ng 2010
Ang kurikulum ng edukasyong sekondari ng 2010Ang kurikulum ng edukasyong sekondari ng 2010
Ang kurikulum ng edukasyong sekondari ng 2010
 
Sintaksis
SintaksisSintaksis
Sintaksis
 
MORPOLOHIYA
MORPOLOHIYAMORPOLOHIYA
MORPOLOHIYA
 
Barayti ng wika
Barayti ng wikaBarayti ng wika
Barayti ng wika
 
Attachments 2012 06_29
Attachments 2012 06_29Attachments 2012 06_29
Attachments 2012 06_29
 
Ang Paglinang ng Kurikulum
Ang Paglinang ng KurikulumAng Paglinang ng Kurikulum
Ang Paglinang ng Kurikulum
 
Ponolohiya
PonolohiyaPonolohiya
Ponolohiya
 
Ponolohiya (FIL 101)
Ponolohiya (FIL 101)Ponolohiya (FIL 101)
Ponolohiya (FIL 101)
 
Wika, varayti at varyasyon,diskurso at mga teorya ng diskurso
Wika, varayti at varyasyon,diskurso at mga teorya ng diskursoWika, varayti at varyasyon,diskurso at mga teorya ng diskurso
Wika, varayti at varyasyon,diskurso at mga teorya ng diskurso
 
Pagsasaling Wika - Filipino 3
Pagsasaling Wika - Filipino 3Pagsasaling Wika - Filipino 3
Pagsasaling Wika - Filipino 3
 
Panahon ng Hapon
Panahon ng HaponPanahon ng Hapon
Panahon ng Hapon
 
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at LipunanFil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
 
Pagtuturo ng filipino (1)
Pagtuturo ng filipino (1)Pagtuturo ng filipino (1)
Pagtuturo ng filipino (1)
 
Diskurso
DiskursoDiskurso
Diskurso
 
Diskurso sa Filipino
Diskurso sa FilipinoDiskurso sa Filipino
Diskurso sa Filipino
 
Aralin 2 kakayahang komunikatibo
Aralin 2 kakayahang komunikatiboAralin 2 kakayahang komunikatibo
Aralin 2 kakayahang komunikatibo
 
TUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON : Barayti at Register ng Wika
TUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON : Barayti at Register ng WikaTUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON : Barayti at Register ng Wika
TUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON : Barayti at Register ng Wika
 
Sintaks
SintaksSintaks
Sintaks
 

Viewers also liked

Mga konseptong pangkomunikasyon
Mga konseptong pangkomunikasyonMga konseptong pangkomunikasyon
Mga konseptong pangkomunikasyon
njoy1025
 
Case study
Case studyCase study
Case study
janice irinco
 
Lesson Exemplar sa Filipino 11
Lesson Exemplar sa Filipino 11Lesson Exemplar sa Filipino 11
Lesson Exemplar sa Filipino 11
Albertine De Juan Jr.
 
Shs core pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik cg
Shs core pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik cgShs core pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik cg
Shs core pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik cg
Rickson Saydoquen
 
Kahalagahan ng Pananaliksik
Kahalagahan ng Pananaliksik Kahalagahan ng Pananaliksik
Kahalagahan ng Pananaliksik
Avigail Gabaleo Maximo
 
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHONTHESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
Mi L
 
K to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners ModuleK to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners Module
Nico Granada
 

Viewers also liked (11)

Mga konseptong pangkomunikasyon
Mga konseptong pangkomunikasyonMga konseptong pangkomunikasyon
Mga konseptong pangkomunikasyon
 
Case study
Case studyCase study
Case study
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
 
Lesson Exemplar sa Filipino 11
Lesson Exemplar sa Filipino 11Lesson Exemplar sa Filipino 11
Lesson Exemplar sa Filipino 11
 
Mga batas pangwika
Mga batas pangwikaMga batas pangwika
Mga batas pangwika
 
Teoryang pampanitikan
Teoryang pampanitikanTeoryang pampanitikan
Teoryang pampanitikan
 
Shs core pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik cg
Shs core pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik cgShs core pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik cg
Shs core pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik cg
 
Kahalagahan ng Pananaliksik
Kahalagahan ng Pananaliksik Kahalagahan ng Pananaliksik
Kahalagahan ng Pananaliksik
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHONTHESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
 
K to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners ModuleK to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners Module
 

Similar to Baylingwalismo

GE 5 - YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA
GE 5 - YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSAGE 5 - YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA
GE 5 - YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA
Samar State university
 
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
ChristineIgnas2
 
PRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdf
PRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdfPRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdf
PRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdf
JosephRRafananGPC
 
Sitwasyong pangwika
Sitwasyong pangwikaSitwasyong pangwika
Sitwasyong pangwika
Emma Sarah
 
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptx
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptxANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptx
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptx
DindoArambalaOjeda
 
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang PanturoWikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
REGie3
 
chapter 1-2.docx
chapter 1-2.docxchapter 1-2.docx
chapter 1-2.docx
Bearitzpalero1
 
Kasaysayan ng wika sa kasalukuyan
Kasaysayan ng wika sa kasalukuyanKasaysayan ng wika sa kasalukuyan
Kasaysayan ng wika sa kasalukuyan
TrishaCabrera01
 
Kasaysayan ng wika sa kasalukuyan
Kasaysayan ng wika sa kasalukuyanKasaysayan ng wika sa kasalukuyan
Kasaysayan ng wika sa kasalukuyan
villanuevasheila
 
PPT KOM ARALIN 2.pptx
PPT KOM ARALIN 2.pptxPPT KOM ARALIN 2.pptx
PPT KOM ARALIN 2.pptx
ChristianMarkAlmagro
 
418287596-Multilingguwalismo.pptx
418287596-Multilingguwalismo.pptx418287596-Multilingguwalismo.pptx
418287596-Multilingguwalismo.pptx
alexalyn
 
KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO.pptx
KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO.pptxKAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO.pptx
KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO.pptx
PamelaOrtegaOngcoy
 
WIKANG PAMBANSA.pptx
WIKANG PAMBANSA.pptxWIKANG PAMBANSA.pptx
WIKANG PAMBANSA.pptx
margiemarcos1
 
Sariling wikang-panturo-mle-2010
Sariling wikang-panturo-mle-2010Sariling wikang-panturo-mle-2010
Sariling wikang-panturo-mle-2010Lorna Balicao
 
Pagdalumat sa Pagpaplanong Pangwika ng Pamantasang Normal ng Cebu
Pagdalumat sa Pagpaplanong Pangwika ng Pamantasang Normal ng CebuPagdalumat sa Pagpaplanong Pangwika ng Pamantasang Normal ng Cebu
Pagdalumat sa Pagpaplanong Pangwika ng Pamantasang Normal ng Cebu
AJHSSR Journal
 
Pagsasaling wika report
Pagsasaling wika reportPagsasaling wika report
Pagsasaling wika reportshekinaconiato
 
Filipino gawain1.docx
Filipino gawain1.docxFilipino gawain1.docx
Filipino gawain1.docx
MarichuFernandez2
 
WEEK 1- day2.pdf
WEEK 1- day2.pdfWEEK 1- day2.pdf
WEEK 1- day2.pdf
AnnaleiTumaliuanTagu
 
Unang wika
Unang wikaUnang wika
Unang wika
Stephanie Lagarto
 
Konsepto ng wika
Konsepto ng wikaKonsepto ng wika
Konsepto ng wika
The Seed Montessori School
 

Similar to Baylingwalismo (20)

GE 5 - YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA
GE 5 - YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSAGE 5 - YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA
GE 5 - YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA
 
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
 
PRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdf
PRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdfPRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdf
PRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdf
 
Sitwasyong pangwika
Sitwasyong pangwikaSitwasyong pangwika
Sitwasyong pangwika
 
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptx
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptxANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptx
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptx
 
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang PanturoWikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
 
chapter 1-2.docx
chapter 1-2.docxchapter 1-2.docx
chapter 1-2.docx
 
Kasaysayan ng wika sa kasalukuyan
Kasaysayan ng wika sa kasalukuyanKasaysayan ng wika sa kasalukuyan
Kasaysayan ng wika sa kasalukuyan
 
Kasaysayan ng wika sa kasalukuyan
Kasaysayan ng wika sa kasalukuyanKasaysayan ng wika sa kasalukuyan
Kasaysayan ng wika sa kasalukuyan
 
PPT KOM ARALIN 2.pptx
PPT KOM ARALIN 2.pptxPPT KOM ARALIN 2.pptx
PPT KOM ARALIN 2.pptx
 
418287596-Multilingguwalismo.pptx
418287596-Multilingguwalismo.pptx418287596-Multilingguwalismo.pptx
418287596-Multilingguwalismo.pptx
 
KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO.pptx
KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO.pptxKAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO.pptx
KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO.pptx
 
WIKANG PAMBANSA.pptx
WIKANG PAMBANSA.pptxWIKANG PAMBANSA.pptx
WIKANG PAMBANSA.pptx
 
Sariling wikang-panturo-mle-2010
Sariling wikang-panturo-mle-2010Sariling wikang-panturo-mle-2010
Sariling wikang-panturo-mle-2010
 
Pagdalumat sa Pagpaplanong Pangwika ng Pamantasang Normal ng Cebu
Pagdalumat sa Pagpaplanong Pangwika ng Pamantasang Normal ng CebuPagdalumat sa Pagpaplanong Pangwika ng Pamantasang Normal ng Cebu
Pagdalumat sa Pagpaplanong Pangwika ng Pamantasang Normal ng Cebu
 
Pagsasaling wika report
Pagsasaling wika reportPagsasaling wika report
Pagsasaling wika report
 
Filipino gawain1.docx
Filipino gawain1.docxFilipino gawain1.docx
Filipino gawain1.docx
 
WEEK 1- day2.pdf
WEEK 1- day2.pdfWEEK 1- day2.pdf
WEEK 1- day2.pdf
 
Unang wika
Unang wikaUnang wika
Unang wika
 
Konsepto ng wika
Konsepto ng wikaKonsepto ng wika
Konsepto ng wika
 

Baylingwalismo

  • 1. Ang Isyu ng Wika sa Larangan ng Bilingwal na Edukasyon Teksto: Baylingwal na Edukasyon: Malabong Patakaran at Hilaw na Pagkatuto Bilang isang tubong Quezon, hindi ko maiikakailang may ibang wikang nakahalo sa Tagalog-Quezon na wika namin na iba pa sa Tgalog- Batanggas at ibang barasyon ng wikang Tagalog. Wikang Filipino na ang nakagisnan kong wikang panturo sa loob ng paaralan naming noong ako’y nasa Elementrya subalit kasabay niyon, nililinang at may mga asignatura rin kaming nasa wikang Ingles. Katunayan, nasa ikatlong antas pa lamang kami ng elementarya ay tinuturo na rin sa amin ang wikang Ingles na nagbunga sa amin na kalituhan. Noong Hayskul naman ay mas malala ang lagay ng Baylingwalismo sapagkat sa aking pinasukang paaralan, palibhasa ay pribado, may buwan na talagang opisyal na ipinapatupad ang buwan ng Wikang Ingles o kapag buwan ng Pebrero. Kaming mga mag-aaral ay obligadong magsalita ng Wikang Ingles maging sa Canteen. Subalit noong panahong iyon ay hindi ko man lamang magawang kwestyunin ang mga bagay na iyon sapagkat bunga nga ng baylingwalismong Edukasyon, sabay na pinapasok sa paaralan ang wikang Filipino at Wikang Ingles bilang Midyum ng Pagtuturo.lumaki akong kasabay na ginagamit sa paaralan ang nasabing mga wika kaya naman hindi na ako ganoon naguguluhan. Tanggap na naming na sa mga asignaturang syensya, matematika at ingles ay wikang Ingles ang panturo habang sa mga asignaturang pagpapahalaga, araling panlipunan at makabayan pumapasok ang wikang Filipino. Doon umikot ang buhay paaralan naming mga estudyante. Bilang isang pribadong paaralan, namulat ako sa mga misa at mga santong nasa Ingles ang basehan pero walang kwestun parin sa akin ang mga iyon subalit ng pumasok ako sa daigdig ng Kolehiyong mundo, nabuksan ang isa pang mundong dapat kong matuklasan at iyon ang mga hiwaga sa likod ng mga wikang umiiral o midyum na ginagamit sa pagtuturo: ang Baylingwalismong Edukasyon. Balik-tanaw sa Patakarang Baylingwalismo sa Bansa Isinasaad ng artikulo XIV, seksiyon 7 ng 1987 konstitusyon na sa mga layuning pang komunikasyon at pampagtuturo, ang mga wikang opisyal ng pilipinas ay filipino at ingles hangga’t hindi itinatadhana ng batas. Samantala ang kagawaran ng edukasyon kultura at isports bilang pagpapatibay sa idineklarang patakaran ng kagawaran ng bilinggualismo sa mga paaralan ( NBE Resolusyon Blg. 73-7, s. 1997) ay naglalahad ng patakaran ng edukasyong bilingual na naglalayong matamo ang kahusayan sa filipino at ingles ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng dalawang wikang ito sa lahat ng antas. Maliwanag na itinadhanang magkaroon ng dalawang wikang opisyal: pilipino at ingles...samakatuwid, nakatalaga ang ating pamahalaan sa patakaran ng pagkakaroon ng dalawang wika: pilipino at ingles...kaya lalong dapat linawin ng pambansang lupon ng edukasyon at ng kagawaran ng edukasyon at kultura ang pagpapatupad n patakarang ito: pilipino para sa ating pambansang pangangailalngan, bilang buklod ng pagkakaisa at tatak ng ating kaangkinang pambansa at ingles, para sa ating pakikipagtalastasang pandaigdig.”
  • 2. Isa sa layunin ng patakarang bilingguwal ang pagpapalawak ng filipino bilang wika ng literasi. Sinabi ni sibayan( 1987) na ang isang tao ay kailangan g may sapat na kaalaman sa wikang ginagamit sa pamahalaan, administrasyon, hukuman, agham at teknolohiya, negosyo at industriya, media at iba pang larangan. Sa sitwasyong ng Pilipinas, kailangang maging mahusay sa filipino at ingles ang mga mag-aaral. Dahil sa mahalagang tungkulin ng wiikang Filipino may dalawang probisyon na sadyang isinaman dahil gudtong matiyak na kalauna’y mag-isa at tanging wika na lang ito para sa mga opisyal na komunikasyon at sa sistema ng edukasyon sa bansa. makikitang ipinagdiinan ito sa skesyon 6 at 7. ipinag-aatas na: Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaring ipasya sa kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Bukod dito, ipinagdiinan pa rin sa skesyon 7 na para matiyak na balang- araw ito na lamang ang magiging tanging wikang panturo kung hindi ma’y pangunahing midyum ng pagtuturo sa lahat ng level ng pag-aaral. Ayon sa seksyong ito: Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ingles. Samakatuwid, nakatalaga an gating pamahalaan sa patakaran ng pagkakaroon ng dalawang wika. Kaya naman aking artikulong ito, nais kong mabigyan linaw kung anon a nga ba ang mga nagawa at ginagawang aksyon ng Pambansang lupon sa Edukasyon at ng Kagawaran ng Edukasyon at kultura para sa pagpapatupad ng patakarang: “Filipino para sa ating pambansang pangangailangan, bilang bukold ng pagkakaisa at tatak n gating kaangkinang pambansa at Ingles, para sa ating pakikipagtalastasang pandaigdig.” Sa punto de bistang iyon, malinaw na Bilingwalismo ang nangingibabaw sa Pilipinas simula pa noon. Ang Ingles at Filipino ang laging magka-angkla para gamitin bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan at bunga ng isinumiting polisiya ng pambansang lupon ng Edukasyon, nais nilang malinang at makapagbuo pa ng mga susuportang batas hinggil sa Bilingwalismo sa larangan ng pagtuturo. Patakarang Baylingwalisom sa Ilang Unibersidad sa Bansa Batay na rin sa interbyu sa ilang mga administrador, malinaw na hindi sila nag-uusap- usap tungkol sa pataakarang pangwika. Hindi rin malinaw ang paninindigan ng UA and P ukol sa pagpapayaman at pagpapayabong ng filipino sa buong unibersidad, gayong tinutukoy naman sa kredo nito na gagawin inla ang lahat upang maitaas ang moral, kultural, at materyal na level ng bansa. Bigyan muna nating pansin ang maliwanag na pagsipat sa itinadhana ng batas na pagkakaroon natin ng dalawang wikang opisyal: Filipino at Ingles. Hindi lamang rebisyon ng kurikulum at singkronisasyon ng mga sabyek ang isinagawa, Isinunod ang isa pang workshop para sa mga komite sa kurilulum ng bawat kolehiyo sa bawat kampus sa layuning gawing komon din ang mga silabus sa mga sabjek erya upang tumugma sa singkronisayon. Ang ganitong pagpaplano ay batay na rin sa naging rekomendasyon ng AACUP na dapat magkaroon ng komon na silabus ang bawat sabjek, medyor man o batayan. Ang mga tagapangulo ng departamento ng mga wika at ang mga propesor sa ingles at filipino na mga
  • 3. meyembro ng komite at nagkaisa sa pagbuo ng komon na silabus para sa ingles at filipino. ( Talegon) Ang kawalan ng institusyunal na patakarang pangwika ng unibersidad ang pinakamalaking hadlang sa ganap na modernisasyon ng wikang pambansa sa institusyong ito. Anumang pagpaplanog pangwikang napagkakasunduan ay hindi nagtatagal at walang sapilitang pagpapatupad. Ang kawalan o kakulangan ng suporta ng departamento ng mga wika ay isa ring suliraning nakikita sa pagpaplanong pangwika para sa pambansang wika lalo na kung ang tagapangulo nito ay isang propesor sa ingles na tahasang sinasabing wala siyang alam sa Filipino.( Tarun) Maliwanang na ang pamamahala at patakaran sa fiilipino ng MSU System ay hindi binibigyan ng gaanong akademikong pagpapahalaga kung ihahamabing sa ingles. May mga programang pandigri sa Filipino dahil ito’y kailangang makatugon din sa pangangilangan ng komunidad lalo na sa edukasyon. Sybalit walang gaanong bigat ang ibinibigay sa Filipino bilang karagdagang bahagi ng tinatawag na general education curriculum. Kung magagawa nga lamang sa ilang mga kolehiyo na huwag nang isama ang filipino sa kanilang programang pandigri, matagal na itong nangyari. ( Magracia) Patakarang Bilingwalismo: Pagkakaiba sa ibang mga Bansa Kakaiba naman ang nangyari sa Singapore, naging patakaran sa wika ang pagbibigay ng pantay-pantay na pagkakataon sa mga katutbong wika na maging midyum ng pagtuturo sa mga paaralan kasama ng ingles bilang pangunahing midyum ng pagtuturo sa sa lahat ng paaralan. Nangyari ito na hindi itinakda o plinano at nasa likuran ng hindi nakikitang plano.na ito ang mga magulang, mga estudyante at mga propesyunal kasama na ang mga guro. Naging matagumpay sa mga paaralan ang pagtuturo ng ingles, at sa kasalukuyan, hindi na pinag- uusapan ang istatus ng ingles kundi ang estandard ng ingles na dapat linangin sa mga paaralan (Lam, 1994). Sa kabila nito, may nabubuong konsern sa parte ng gobyerno at mga magulang sa pagkakaroon ng deteryorasyon sa kultura at pagpapahalagang intsik dala ng pagbibigay- halaga sa pag-aaral ng ingles. Sa Pilipinas, bagama’t malinaw ang itinakdang patakaran sa wika na nauukol sa paggamit ng dalawang wika, ingles at Filipino sa pagtuturo ng mga tiyak na asignatura, masasabing ang pagpapatupad nito ay may kalabuan. Simula pa noong 1974 hanggang sa kasalukuyan ay walang ginagawang pagbabago sa mga naunang plano gayong may mga nakikitang problema sa mga paaralan. Katulad ng sa pagpapahayag at pag-unawa sa dalawang wika, filipino at ingles. Ngunit higit na ikinabahala ng mga namumuno sa edukasyon ang pagbaba ng kalidad ng ingles ng mga mag-aaral na minsan ay isinisisi sa mismong patakaran sa wika. (Liwanag) Ipinapakitang malabo talaga ang puntirya ng baylingwalismo sa pamamalakad sa ating bansa katulad na lamang ng ipinahayag ni Liwanag.
  • 4. Baylingwaslimo: Isang malabong patakaran Batay sa mga nabasa at nakalap kong impormasyon hinggil sa mga pag-aaral ng mga dalubhasa sa wika tulad nila Andrew Gonzales, Bonifacio Sibayan at Ernesto Constantino, lumalabas na nagin pokus ng pag-aaral nila ang ebalwasyon hinggil sa mga pinatunguhan na ng mga batas na ipinapatupad hinggil sa pagpapalaganap ng Bilingwalismong Edukasyon saan mang part eng bansa at kung nagin matagumpay ba naman ang mga nasabing pag-aaral. Unahin nating ipasok ang isinagawang pag-aaral ni Andrew Gonzales na isang Elitistang anak ng isang pristehiyosong unibersidad. Siya ang isa sa lupon ng mga Komite na nagsasagawa ng mga pag-aaral hinggil sa baylingwalismo. Dagdag ni Gonzales: “ sa pilipinas, ang isyu sa ingles ay nahahati sa bansa—iyong pabor sa pagpapanatili ng ingles ngunit hindi opisyal na ipinapahayag ito dahil sa gustong ipakitang nasyonalistiko sila: at iyong ginagaya ang malaysia na may mga panganib at sana nga’y pansamantalang hadlang bilang resulta ng transisyon. Ang buong- buong intelektwalisasyon ng filipino at iba pang wika ay nananatiling problematiko at walang malinaw at madaling solusyon. Batay sa lumabas na resulta ng kanyang pag-aaral, hilaw ang pagkatuto ng mga mag- aaral sa ilalim ng batas na ito. Mas nangingibabaw na preperensiya ng mga nasa lalawigan na gamitin nila ang kanilang bernakular na wika at totoong ang wikang Filipino ay nasa ilang asignatura lamang tinuturo sa kanila. Lumabas din sa pag-aaral na katulad ng karanasan ko bilang prudukto ng pribadong paaralan ng sekondarya, mas ginagamit ng mga kaguruan ang wikang ingles bilang Midyum ng kanilang pagtuturo na nagkakaroon ng malaking impak sa mag-aaral. At bilang nais ipunto ni Gonzales, hindi ganoon ka-epektibo ang wikang Filipino o kalaganap bilang midyum ng pagtuturo. Doon lumalabas ang koneksyon ng mga Elitista at alaki nilang koneksyon hinggil sa pagtataguyod ng wika. Sa kaso naman ni Ernesto Constantino na dakilang tagapagsulong ng wikang umiiral sa buong bansa. para sa kanya, Tawaging English Speaking Country tayo ay isa lamang ilusyon. Sabagay, may punto siya doon dahil base sa aking sariling karanasan, kahit may multa sa aming paaralan ang magsalita ng wikang Filipino tuwing Buwan ng Ingles ay nagsasalita pa rin kami ng natural na wika namin. Si Constantino din ang tagapagsulong ng paglilinang ng sarili nating kaakuhan o wika natin. Ayon sa kanya, kung manghihiram nga naman tayo ng wika, maari natin itong baybayin sa sariling atin batay sa ortograpiyang mayroon tayo tulad ng mga bansang Rusya, britanya at Iba pa. Kaugnay ng modernong kasaysayan ng wika sa edukasyon, dapat banggitin ang umiiral na sitwasyong pangwika noon sa bansa. isang taon pa ang lumipas bago kinilala ng konstitusyon ang Filipino bilang pambansang wika. Samantala ang opisyal na wika ng mga paaralan at gobyerno ay ingles. Kaugnay ng modernong kasaysayan ng wika sa edukasyon, dapat banggitin na noong 1970, iniutos ng national board of education ang patakarang gradwal na paggamit ng filipino bilang isang wikang panturo sa elementarya, mula grade one ng taong- aralan 1972-1973, at pinaunlad taon taon hanggang sa magamit ang Filipino sa lahat ng grado. Sa taon ding iyon pinagtibay ng NBE ang paggamit ng Filipino sa kursong Rizal at mga klase ng pamhalaan at kasaysayan sa mga kolehiyo at unibersidad.
  • 5. Patakarang baylingwalismo: Hilaw na pagkatuto Kaya naman buhat sa mga nasabing pag-aaral ng mga dalubhasa sa wika at resultang ipinamuka sa atin ng Baylingwasilismong Edukasyon, masasabi ba natin na tagumpay ang batas na iyan? Gayong base sa mga nasabing pag-aaral, lahat ay bigo. Sapagkat naging hilaw ang pagkatuto nating mga Pilipino. hilaw sa paraang hindi muna tayo nahahayaang linangin ang sariling mayroon tayo bago tayo makipagsabayan sa global na pangangailangan. Ang paaralan ang tumatayong napakalaking impluwensya sa pagpapatupad at pagsasagawa ng mga batas kaya naman sa paaralan din pinasok ang Baylingwalimong iyan. Paaralang may malaking papel sa pagpapalaganap ng wika. Kung ano man ang nais gawin ng pamahalaan para masolusyunan ang bigong resultang ito ng Bilingwalismo sa ating bansa, dapat hanggang maaga ay umaksyon na lalo na sa akwisisyon o larangan ng edukasyon sapagkat sa pagtuturo nakasalalay ang kaalaman ng mga kabataan o bagong sibol na tanggapin ang wikang Filipino bukod pa sa Wikang ingles. Sa lawak ng pagpaplanong pangwika sa edukasyon sa Filipinas, kailangan ang matapat na pagsusuri sa bilinggual na patakaran sa edukasyon na ipinatupad sa buong bansa. Sa layunin nito na maging mahusay ang mga mag-aaral sa dalawang wika, ingles at Filipino na magagamit nila sa pang araw-araw na pakikipaugnayan sa ibang tao, ang kalagayang pangkapaligiran sa pilipinas ay hindi sumusuporta sa layuning ito. Magkaiba rin ang karansan ng mga bata sa pagkatuto sa dalawang wika. Ang ingles ay pangalawang wika para sa karamihan ng mga mag-aaral at ang struktura nito ay naiiba sa kanilang mga katutubong wika. Wala ring kapaligiran o komunidad na sumusuporta sa gamit ng ingles lalo na sa mga rural na lugar sa bansa. Samantalang ang filipino ay wikang batay sa mga katutubong wika ng mga mag-aaral at ang estruktura nito ay halos kapareho ng mga wikang sinasalita sa kani-kanilang pangkat wika. Sa pagpapatupad ng Edukasyong Bilingguwal sa kalahatan, ang nagkakaroon lamang ng bentahe rito ay ang mga mag-aaral sa mahuhusay na paaralan at unibersidad. Sa ganitong kalagayan, lalong lumalawak ang pagitan ng mga mag-aaral na mahihirap at mga mag-aaral na may pagkakataong matuto mula sa magagaling na guro at paaralan. Hindi nakatutulong ang patakaran sa wika sa nakararaming mag-aaral na nais magtamo ng kaalaman na ginagamit ang kanilang katutubong wika. Dapat magkaroon ng ibang alternatibong programa sa edukasyong bilinguwal ayon sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. kung kinakailangang gamitin muna ang Filipino bilang midyum ng pagtuturo upang magkaroon ng sapat na kasanayan at kaalaman dito ang mga mag-aaral, dapat itong ipatupad . ang pagtuturo ng ingles bilang sabjek sa mga paaralan ay isa ring alternatibo kung ang layunin ay magkaroon din ng kasanayan ang mga mag-aaral sa wikang ito kailangangin man ito. Bibliyograpiya Assessing Manpower and teaching materials for Bilingual Education: A Final Report Andrew Gonzales. FSC, July 1974
  • 6. Ang wika ng nasyon o bansa Teksto: Nasyonalisayon ng Filipino ni Virgilio Almario Ang isyu ng wika sa larangan ng Edukasyon Teksto: ang wikang Filipino sa Edukasyonal na mga Isyu sa panahon ng Globalisayon ni Wilfrido Villacorta. Panimulang Pagsusuri sa Patakarang Pangwika ng Unibersidad ng Pilipinas ni Melania Lagahit- Abad Pagpaplanong pangwika para sa Pambansang wika ng Isabela State University ni Jaine Z. Tarun Pamamahala at patakaran sa Filipino ng mindanao State university: Filipino bilang kurikular na pangangailangan ni Emma B. Magracia, Ph.D Pagpaplanong pangwika para sa pambansang wika ng isabela State university ni Jaine Z. Tarun Tungo sa pagbuo ng patakaran at programa sa wika para sa university of asia and hthe pacific ni Vivencio M. talegon jr. Pagmulat ng mata: isang personal na salaysay sa patakarang pangwika ng Batibot ni Rene o. villanueva Pagpaplanong pangwika sa edukakasyon; karanasan ng Filipinas, Singapore at Hongkong ni Lydia B. Liwanag Kahusayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa elementarya at hayskul: pagsusuri at implikasyon ni Lydia P. lalunio Sibayan, Bonifacio P. 1987 “language as a resources for personal and national development.” Pagpalanong pangwika at intelektwalisasyon ni Andrew B. gonzales, F.S.C Florencia C. Victor “Lingguwistikong dibersidad: Komparitbong pagsusuri ng pagpaplanong pangwika ng india at Pilipinas”