THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHONMi L
I uploaded this thesis for the reference of the future researchers.
Entitled Wikang Filipino, sa Makabagong Panahon.
We tackled about the progress of Filipino language as time pass by. And the factors that affect it.
Enjoy and God bless! :)
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHONMi L
I uploaded this thesis for the reference of the future researchers.
Entitled Wikang Filipino, sa Makabagong Panahon.
We tackled about the progress of Filipino language as time pass by. And the factors that affect it.
Enjoy and God bless! :)
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Kabihasnang Sumer, ang pinakamatandang kabihasnan sa daigdig. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang sistema ng Kabihasnang Sumer.
Talumpati at mga halimbawa
TALUMPATI TUNGKOL SA KABATAAN – Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling talumpati tungkol sa kabataan ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pakikipagrelasyon ng kabataan at droga ay iwasan sa Pilipinas ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat. Kabataan ang pag-asa ng bayan. Ngunit paano kung hindi sila nagabayan ng tama? May pag-asa pa ba ang bayan? Droga, pre-marital sex, bullying, atbp., yan ang mga problema ng kabataan ngayon. Kaya bilang magulang at nakatatanda dapat natin silang gabayan patungo sa mabuting landas. Sa mga kabataan naman, makinig sa mga mabubuting aral ng mga nakatatanda sa inyo at mag-aral ng mabuti upang buhay niyo ay bumuti.
Sana sa pamamagitan nitong mga talumpati tungkol sa pakikipagrelasyon ng kabataan droga ay iwasan ay maging inspirasyon natin ito para magsumikap at pangalagaan ang kapwa kabataan para sa kinabukasan. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng talumpati tungkol sa kabataan ang pag-asa ng bayan sa Pilipinas. Narito ang mga Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Kahirapan Sa Pilipinas.
Ang Kabataan sa Makabagong Henerasyon
Kabataan: Pag-asa Pa Ba Ng Bayan?
Talumpati Para Sa Kabataan
Kabataan, Isipin Ang Kinabukasan
Ang Nais Mabatid Ng Mga Kabataan
Talumpati Tungkol Sa Kabataan
Talumpati mula sa panitikan.com.ph
Kabataang Pag-asa Ng Bayan Sa Panahon Ng Dota
Kabataan, Simula Ng Pagbabago
Ang Uri Ng Kabataan
Kabataan: Pag-asa Pa Rin Ba Ng Ating Bayan? (Isang Talumpati)
Maikling Talumpati Para Sa Atin
Kabataan, Tuloy Ang Laban
Ang Kabataan Noon At Ngayon
Ang Kabataang Pilipino Sa Makabagong Panahon
Hinaing Ng Kabataan Sa Mga May Katungkulan Sa Bayan
Ang Kabataan Sa Panahon Ngayon
Talumpati Tungkol Sa Kabataan
Talumpati mula sa takdangaralin.ph
Kabataan Ng Makabagong Henerasyon: Iba Pero Tanaw Pa Rin Ang Pag-asa
Tugon Ng Mga Kabataan Sa Mga Isyu Ng Lipunan
Kabataan: Pag-asa Pa Nga Ba Ng Bayan?
Ang Paggalang Ng Kabataan Sa Mga Magulang
Kabataan Pag-asa Pa Ba Ng Bayan?
Kabataan: Noon At Ngayon
Ang Tamang Oras
Ang Papel Ng Kabataan Sa Bayan
Kabataan: Pag-asa Pa Rin Ba Ng Bayan?
Banderang Bahaghari
Kabataan, Pag-asa Ng Bayan
Isang Talumpati Para sa Kabataan
1. Filipino: Wika ng Kaunlaran
ni Vilma T. Fuentes
Teacher III
Mataas na Paaralan ng Bangcud
Lumipas man ang panahon, ilang siglo man ang kailangang lumisan, ang wika ay isa pa rin
sa pinakamahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehan ng antas ng karunungan ng
lipunang ginagalawan. Pinatibay rin nito ang kasarinlang tinatamasa ng isang bayan.Nagsisilbi
itong tulay na nag-uugnay sa ibat ibang lahi upang bigyang-daan ang komunikasyon,
pagkauunawaan, at higit sa lahat ay ang pagkakaisa na bunga ng dunong at kaalamang hatid ng
iisang wikang mula sa ating bibig na nagpasalin-salin sa bawat dila ng makabagong kabataan.
Sa bansang ating sinilangan na siyang naging tahanan at tanggulan ng ating puso’t
kaluluwa, Tagalog o Filipino ang wikang ginagamit. Binubuklod nito ang mga may dugong Pilipino
hindi lamang sa Luzon, Visayas at Mindanao kundi sa ibat ibang parte ng daigdig.
Paano nga ba tayo nabigyan ng karunungan ng isang wika lamang? Ang dunong bang ito
ay sapat upang iahon tayo sa maputik na lilo ng kamangmangan at magsilbing ating pakpak na
papagaspas tungo sa paraiso ng kaunlaran?
Hindi na mabilang ang pangyayari na nakatala sa kasaysayan na nagpatatag sa Wikang
Filipino. Ang pagkakaroon ng wikang sarili ay nagdulot ng malaking epekto sa tatlong yugto ng
ating buhay-noon, ngayon at bukas.
Nagsimula ang lahat sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Manuel Luis Molina
Quezon, unang pangulo ng Komomwelt at tinaguriang” Ama ng Wikang Pambansa”. Itinatag niya
ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184. Layunin nito na
piliin ang katutubong wika na gagamitin sa pagpalalaganap at pagpatitibay ng wikang pambansa
ng Pilipinas. Mula rito, maraming batas pa ang nag-uutos na pagyamanin ang wika.Hanggang sa
ipasa ang Saligang Batas ng 1987 konstitusyon na pormal na isinasaad na ang wikang pambansa
ng Pilipinas ay Filipino at ito ang gagamiting midyum ng instruksiyon sa paaralan at ahensiya ng
gobyerno.
Sa unang siglo ng paggamit ng mga Pilipino ng Tagalog, binuhay nito ang sibilisasyon.
Naging matalino tayo upang piliin ang pagkakaisa para sa ikabubuti ng ating bansa. Ang
pagkakaintindihan ng bawat pangkat ay dala ng iisang lengguwaheng nauunawaan ng lahat.
Naging bukas ang kaisipan ng bawat isa sa pagbibigay at pagbabahagi ng opinyon at ideya sa mga
kaganapan sa loob at labas ng lipunan. Pinag-ugnay nito ang mga nakasanayang tradisyon at
naibahagi ang ibat ibang kultura’t paniniwala.
Sa kasalukuyang panahon, mas yumabong at umigting ang paggamit ng Filipino. Sa tulong
ng mga modernong kagamitang dala ng agham at teknolohiya, lumaganap ang wika saan mang
sulok ng mundo. Ang mga purong dayuhan ay pinag-aralan na rin kung paano gamitin ang wikang
pambansa. Nakasabay na ang Pilipinas sa malawakang globalisasyon.
Dagdag pa rito, lumobo ring ang bilang ng mga batas na pinatutupad ng pamahalaan
upang mas lalong pagyamanin ang Tagalog. Isa na dito ay ang Pampanguluhang Proklamasyon
Blg. 1041 na nagsasaad ng taunang pagdiriwang tuwing Agosto1-31 bilang Buwan ng Wikang
Pambansa.Ito ay naglalayon na mapanatili ang paggunita sa wikang minsang tayo”y binigyang
katarungan, kalayaan at karunungan. May programa ring tulad ng paggamit ng Filipino sa mga
paaralan at mga ahensiya ng gobyerno . Ito ay upang mapaigting ang paggamit at pagsasalita ng
bawat Pilipino sa sariling wika.
2. Nararapat lamang na tayong mga Pinoy ang magtutulong-tulongan sa pagpapayaman ng
ating sariling wika. Mahalagang maintindihan ang tunay na halaga nito. Ito ay isang karangalan
ng Pilipinas, sukatan ng yaman ng lahi sa kultura, tradisyon, at paniniwala, at higit sa lahat, ang
pambansang wika ang utak ng ating bayan.Hindi batayan ang pagiging mahusay sa wikang
dayuhan upang tawagin kang pantas at marunong.
Ang pagtanggap at pagmamahal sa sariling atin ay nagpapakita ng pagiging makabayan
at walang sukat na kabayanihan.Walang katumbas ang karunungang alay sa ating ng wikang
pambansa.Karunungang maaaring magbigay sa atin ng biyaya. Ang kaalamang ito ang magiging
kalasag upang walisin at labanan ang hukbo ng kamangmangan, ililihis tayo nito sa pangarap na
walang katuparan.
WIKA. Apat na letra, isang salita, ngunit napakalaki ng ginagampanan sa ating bansa.
Tunay ngang nararapat na pahalagahan at bigyang-karangalan. Karunungan na inialay sa bayan
ay pagyamanin at lilinangin ng sangkatauhan hanggang sa dulo ng walang hanggan.