Halimbawa ng mga Lathalain sa Filipino Journalism. Ang mga lathalain ay nakuha din lamang sa bro-browse ko sa internet. Subalit ito ay pinaghirapan ko sa pag-hahanap ng mga ito.
Halimbawa ng mga Lathalain sa Filipino Journalism. Ang mga lathalain ay nakuha din lamang sa bro-browse ko sa internet. Subalit ito ay pinaghirapan ko sa pag-hahanap ng mga ito.
Which of the following composers, fascinated by the dynamics and harmonies of Debussy, retained much of the Romantic style in his melody?
A. Antonio Molina C. Hilarion Rubio
1. CONCORDIA COLLEGE
HIGHER EDUCATION DEPARTMENT
A.Y 2017-2018
PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA
I. Tema: Filipino: Wikang Mapagbago
II. Pangkalahatang Layunin:
A. Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041;
B. Mahikayat ang iba’t ibang ahensyang pampamahalaan at pampribado na makiisa
sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko;
C. Maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahalagahan ang wikang pambansa
sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga Gawain kaugnay ng Buwan ng
Wikang Pambansa.
III. Mga Paksang Diwa/tema
A. Wikang Filipino, Susi sa Pagbabago;
B. Pangangalaga sa Wikang Katutubo, Pagpapayaman sa Wikang Filipino;
C. Wikang Filipino: Wika ng Maka-Filipinong Saliksik; at
D. Pagsasalin, Mahalaga sa Bago at Mapagbagong Karunungan.
IV. Mga Gawain: (Tentative Date)
Agosto 12, 2017 (Sabado) – Pagsasalin Awit “Awitin sa Himig Filipino”
Pagsasalin ng isang ingles na awit sa wikang Filipino.
Isahan o dalawahang paligsahan mula sa mga mag-aaral sa kolehiyo.
Ito ay gaganapin sa Gymnasium sa ganap na ika 5 ng hapon.
Ang paksa ay hango sa Tema na: “Pagsasalin, Mahalaga sa Bago at
Mapagbagong Karunungan”
Agosto 18, 2017 (Biyernes) – Paglikha ng Islogan at Poster
Isahan pagligsahan na gagamitin ang paksang diwang: “Wikang Filipino, Susi sa
Pagbabago”
Ito ay bukas sa lahat ng mga mag-aaral sa kolehiyo.
Mga Kagamitan: pangkulay, cartolina, at lapis
Ito ay gaganapin sa SVP Hall sa ganap na ika 5 ng hapon.
Ang mapipiling natatanging malikhain ng islogan at poster ay paparangalan sa
Pampinid na palatuntunan ng Buwan ng Wika.
2. Agosto 29, 2017 (Martes) – Pagsulat ng Sanaysay at Tula
Isahang pagligsahan at gagamitin ang paksang diwang: “Wikang Filipino: Wika
ng Maka-Filipinong Saliksik”
Ito ay bukas sa lahat ng mga mag-aaral sa kolehiyo.
Ito ay gaganapin sa SVP Hall sa ganap na ika 5 ng hapon.
Ang mapipiling natatanging pagsulat ng sanaysay at tula ay paparangalan sa
Pampinid na palatuntunan ng buwan ng wika.
Agosto 29, 2017 (Martes) – Lakan at Lakambini 2017
(Pagpapakita ng Husay/Talento)
Ito ay taunang gawain ng Kagawaran ng Mataas na Edukasyon na ang mga
kalahok ay mula sa iba’t ibang kurso:
LAEd, BSN, BSSW, BSBA Day Program, BSBA Evening Program
Ang paksang diwa ay hango sa tema na: “Pangangalaga sa Wikang Katutubo,
Pagpapayaman sa Wikang Filipino”
Ito ay gaganapin sa SVP Hall sa ganap na ika 6 ng gabi.
Ang mapipiling pinakamahusay na talento ay paparangalan sa Pampinid na
palatuntunan ng Buwan ng Wika.
Agosto 30, 2017 (Miyerkules) – Sabayan Pagbigkas
Ito ay taunang gawain ng Kagawaran ng Mataas na Edukasyon na ang mga
kalahok ay mula sa mga mag-aaral na kumukuha ng asignaturang FILIPINO.
Ang paksang diwa ay hango sa tema na: “Wikang Filipino, Susi sa Pagbabago”
Ito ay gaganapin sa Auditorium sa ganap na ika 5 ng hapon.
Agosto 30, 2017 (Miyerkules) – Lakan at Lakambini 2017
Ito ay taunang gawain ng Kagawaran ng Mataas na Edukasyon na ang mga
kalahok ay mula sa iba’t ibang kurso:
LAEd, BSN, BSSW, BSBA Day Program, BSBA Evening Program
Ang paksang diwa ay hango sa tema na: “Pangangalaga sa Wikang Katutubo,
Pagpapayaman sa Wikang Filipino”
Ito ay gaganapin sa Auditorium sa ganap na ika 5 ng hapon.
Agosto 30, 2017 (Miyerkules) – Pampanid na Palatuntunan
Pampinid na Palatuntunan 5:00N.H – 8:00N.G sa Auditorium.
Pampinid na palatuntunan at pagbibigay ng mga sertipiko at tropeyo sa mga
nagwagi mula sa iba’t ibang patimpalak na ginawa sa Buwan ng Wika.
Daloy ng Pampinid na Palatuntunan
- Pambungad na Panalangin (COM)
- Pambansang Awit (CC Chorale)
- Pagpapakilala sa mga Hurado
- Pagbasa ng Pamatayan sa Pagpili ng mananalo sa Sabayang Pagbigkas, Lakan
at Lakambini
- Unang kalahok ng Sabayang Pagbigkas
- Lakan at Lakambini
- Ikalawang kalahok ng Sabayang Pagbigkas
- Lakan at Lakambini (Pagtatanong at Pagsagot)
- Ikatlong kalahok ng Sabayang Pagbigkas
- Natatanging pag-awit mula sa nagwagi sa Pagsasaling Awit
“Awitin sa Himig Filipino”
- Pagbibigay ng parangal sa mga nagwagi mula sa mga patimpalak ng Filipino
- Pangwakas na Panalangin (SSVP)
3. V. Komite ng Palatuntunan:
- Kabuuang Programa – Mga Guro sa Filipino, Bb. Diolola at SEB
- Programa sa Palatuntunan – Bb. Diolola, G. Lanuza at SEB
- Dekorasyon/PPT – SEB
- Pamatid-uhaw – Bb. Diolola, G. Lanuza
- Reserbasyon ng Audi at Kagamitan – G. Lanuza
- Aftercare – SEB
VI. Iskedyul ng Ensayo:
Inihanda nina:
G. Darell A. Lanuza
Guro sa Filipino
Bb. Nereann H. Tuaño
Guro sa Filipino
Inaprobahan ni:
Bb. Ma. Victoria C. Diolola
Koordineytor ng Gawaing Pangmag-aaral
Pinagtibay ni:
Dr. Rosalina A. Caubic
Dekana, Kagawaran ng Mataas ng Edukasyon