2. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang
Ika-apat na Markahan – Modyul 8: Maipakikita ang tunay na pagmamahal sa
kapwa tulad ng: pagkalinga at pagtulong sa kapwa.
Unang Edisyon 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Komite sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Frances Fatima T. Tolod
Editor: Nida C. Francisco
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC, PhD., Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
Manuel A. Laguerta EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio RGC, PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
4. Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 5 ng
Modyul para sa araling Pagkalinga at Pagtulong sa Kapwa.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng
modyul sa loob kahong ito:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
5. Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul ukol sa
Pagkalinga at Pagtulong sa Kapwa!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.
MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
6. I N A A S A H A N
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang
makapagpakita nang tunay na pagmamahal sa kapwa tulad ng pagkalinga at
pagtulong sa kapwa.
PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Pusuan ang mga pangyayari na nagpapakita nang tunay na
pagmamahal sa kapwa at hating -puso naman kapag hindi
nagpapakita ng pagkalinga. Iguhit ang tamang sagot sa patlang.
__________ 1. Pag-aalaga sa mga matatanda na kasama sa bahay sa
pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na pagkain at gamot.
__________ 2. Pamimigay ng mga damit, pagkain at gamot sa mga nasalanta
ng anumang sakuna.
__________ 3. Pangungutya sa mga PWD o mga taong may kapansanan tuwing
makakasalamuha sila.
__________ 4. Pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga batang naulila o kaya
naman ay pinabayaan nang lumaki sa lansangan.
__________ 5. Pagtatanggol sa kaibigan na binu-bully sa pamamagitan ng
pakikipagsuntukan sa mga ito.
BALIK-ARAL
Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng mabuting
kaisipan at MALI naman kung nagpapahayag ng di-mabuting kaisipan.
__________ 1. Ang isa sa mga nangungunang dahilan kung bakit tayo
nabubuhay ay para maglingkod sa ibang tao at sa Diyos.
__________ 2. At dahil tayo ay nilalang ng Diyos, marapat na tayo ay
magkanya-kanya bilang miyembro ng iisang pamilya.
7. __________ 3. Ang bawat tao ay patuloy na maghihirap dahil sa pagbibigay
tulong sa kapwa tao.
__________ 4. Ang pananalig at pagmamahal sa Diyos ay pagmamalasakit sa
kalagayan ng iba at pagbibigay ng pag-asa sa kapwa.
__________ 5. Maipakikita ang pagpapahalaga sa Diyos sa pamamagitan ng
paggawa at paghahanggad ng mabuti sa ating kapuwa.
ARALIN
Handa ka bang tumulong sa ibang tao sa oras ng pangangailangan? Alamin
natin ang tunay na pagmamahal sa kapuwa sa awitin na nasa ibaba.
Larawan ng Kabutihan
(awit sa tono ng Paru-parong Bukid)
Tayo ay umawit
Sa poon na mabait
Pagkat ito’y larawan
Ng taong mabait
Tumulong sa taong
Sa lungkot nalulong
Upang sa ati’y
Matuwa ang poon
Sa kapwa ay tumulong-Uy
Sa lahat ng layon-Uy
Sarili’y ingatan sa pakikitugon.
Magbigay ng tugon
Sa lahat ay tumugon
Upang pagsasama ay lalong lumaon.
8. Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang nais ipahiwatig ng awit sa mambabasa?
_______________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang pagtulong sa kapwa?
_______________________________________________________________________
3. Ipaliwanag kung bakit ang pagtulong sa sarili ay pagtulong sa kapwa ay
pagtulong sa Diyos.
_______________________________________________________________________
4. Ano ang dapat na tugon sa taong sa iyo’y tumulong?
_______________________________________________________________________
5. Paano mo matutulungan ang iyong kamag-aaral na malungkot?
_______________________________________________________________________
MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1
Gamitin ang mga code na nasa loob ng kahon upang tukuyin ang pangkat
na kinabibilangan ng pagpapakita ng pagkalinga at pagtulong sa kapwa.
___________ 1. Marahang tinutulak ni Frances ang wheelchair ng kanyang
pinsan upang makapasok sa kanilang bahay.
___________ 2. Ginugol ni Arabella ang kanyang bakanteng oras sa paggawa
ng mga pandisenyo sa proyekto ng kanyang kaibigan.
___________3. Palaging sinasamahan ni Russanne ang kanyang Lola Mila sa
pamamasyal sa malapit na parke tuwing Sabado at Linggo.
___________ 4. Pinaaalalahanan lagi ni Aley ang kanyang kapatid na
maging mabait at magalang sa lahat ng kinakausap.
___________ 5. Nagsasagawa ng proper waste management ang bawat
pamilya upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran.
PM -Pagtulong sa Matatanda PB- Pagtulong sa mga bata
PK – Pagtulong sa may Kapansanan PBR- Pagtulong sa Baranggay
9. Pagsasanay 2
Bilugan ang like icon kung nagpapahayag ng pagkalinga at pagtulong
sa kapwa at dislike icon naman kung hindi.
1. Itinatama nang mga nakatatandang kapatid ang kanilang
mga kapatid na sumasagot nang pabalang sa magulang.
2. Ibinabalik ang napulot na pera sa totoong may-ari kahit na
may sarili ring pangangailangan.
3. Itinataboy ang mga batang kalye kapag nakakasalubong sa
daan upang hindi madumihan.
4. Bumibisita sa bahay-ampunan upang mamigay ng mga
damit, laruan, gamot at iba pa.
5. Patay-malisya sa loob ng bus kahit na may matandang
sumakay na walang maupuan.
Pagsasanay 3
Piliin ang angkop na salita sa loob ng kahon upang itama ang mga may
salungguhit na salita sa mga pangungusap nang maipakita ang pagkalinga
at pagtulong sa kapuwa.
_______________ 1. Hayaan ang mga matatanda sa paglalakad sa daan lalo
na sa maraming tao.
_______________ 2. Sagut-sagutin ang mga magulang palagi kapag
kinakausap ng mga anak.
_______________ 3. Iwanan ang mga taong nasalanta nang mga sakuna tulad
ng sunog, lindol, bagyo at iba pa.
_______________ 4. Awayin ang kapwa-tao bilang bahaging isang lipunan na
kinabibilangan.
_______________ 5. Pabayaan ang mga kasapi ng pamilya na mayroong
karamdaman.
Mahalin kupkupin igalang
alagaan alalayan
10. PAGLALAHAT
Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagdurugtong ng mga
grupo ng salita upang makabuo ng kaisipan tungkol sa tunay na
pagamamahal ng isang tao sa kanyang kapwa.
Ang tunay na pagmamahal sa kapwa ay naipakikita sa pamamagitan ng
________________________ at ____________________ tulad ng ________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.
PAGPAPAHALAGA
Walang sinuman ang nabubuhay ng mag-isa lamang. Lahat tayo ay narito sa
mundo upang iparamdam ang tunay na pagmamahal sa bawat isa.
Bilang isang mag-aaral, magbigay ng dalawang karanasan na nagpapatunay
na ikaw ay nagpakita ng pagmamahal sa iyong kapwa. Gamit ang dalawang
template, ipaliwanag kung paano ninyo ito ginawa.
Pagkalinga sa Kapwa
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
Pagtulong sa Kapwa
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
___________
Pagmamahal sa Kapwa
11. PANAPOS NA PAGSUSULIT
Lagyan ng nakangiting mukha ang loob ng kahon kung ang
sumusunod na pangungusap ay nagpapakita ng pagkalinga at pagtulong sa
kapwa at malungkot na mukha kung hindi.
1. Walang pagdadalawang isip na pinatuloy ng pamilyang
Arciaga ang kanilang kapitbahay nang lumipad ang bubong
ng bahay nito sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.
2. Namimigay ng libreng pagkain sa mga nasalanta ng lindol ang
mayamang negosyante bilang paghahanda sa nalalapit na
halalan.
3. Bagamat may kapansanan, tinutulungan pa rin ni Charlie ang
kanyang magulang sa mga gastusin sa pamamagitan ng
pagguhit at pagpipinta na kanyang ibinebenta sa abot kayang
halaga.
4. Bumibisita si Fatima sa Tahanan ng mga matatanda tuwing
kaarawan niya upang maghatid ng munting regalo, saya at
pagkain sa mga lolo at lola na nakalimutan na ng kani-
kanilang pamilya.
5. Dahil sa pagod, hinayaan ni Nickson ang buntis na nakatayo
sa kanyang harapan habang umaandar ang bus na kanilang
sinasakyan.