SlideShare a Scribd company logo
5
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Pananalig at pagmamahal sa Diyos; Paninindigan sa
Kabutihan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Komite sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Mary Ann Grace C. Eito
Editor: Nida C. Francisco
Tagasuri: Perlita M. Ignacio RGC, Ph.D./Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Manuel A. Laguerta EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio RGC PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ika-apat na Markahan
Modyul para sa Sariling
Pagkatuto 6
Pananalig at Pagmamahal sa
Diyos; Paninindigan sa
Kabutihan
5
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao
ng Modyul para sa araling Pananalig at Pagmamahal sa Diyos; Paninindigan
sa Kabutihan!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng
mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan
sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong
Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral
ay makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo
na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and
Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang
pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa pagpapahalaga 5 Modyul ukol sa
Pananalig at Pagmamahal sa Diyos; Paninindigan sa Kabutihan!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga
dapat mo pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa
mga naunang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.
MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat
sagutan ng mga mag-aaral.
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyan halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
INAASAHAN
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mag-aaral ay maisasaalang-
alang ang kabutihan ng lahat sa pananalangin
PAUNANG PAGSUBOK
Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Lagyan ng tsek o ekis ang
pangungusap na isinasaalang ang kabutihan para sa lahat.
_____1.Ang pakikiisa ay nagpapakikita sa pagsasaalang-alang sa
kapakanan ng kapwa
_____2.Walang pinipiling lugar at panahon ang pagpapakita ng
kabutihan sa kapwa.
_____3. Ang sama-samang pananalangin ay nakakabuti para sa lahat.
_____4. Ang pakikiisa sa pagdadasal ay nagdududlot ng katatagan ng
loob sa bawat isa.
_____5.Hindi nakakabuti ang sama-samang pagdarasal sa panahon ng
pandemya.
BALIK-ARAL
Bilugan ang o kung ang sitwasyon ay may pakikiisa sa
pagdarasal o wala.
1. Isang mabisang paraan ng pagtawag sa Diyos ang sama-
samang pananalangin.
2. Ako ay sasama parin sa pagdadasal kahit wala akong hihilingin
sa Diyos.
3. Hindi na ako kailangang makisama sa mga nagdadasal dahil
iba naman relihiyon ko.
4. Tatahimik muna ako sa simbahan habang may nagdadasal
kapag hindi ko alam sundan ang dasal.
5. Marami na naman silang nagdadasal kaya hindi nalang ako
sasali sa kanila.
ARALIN
Basahin ang kuwento
Sama-samang Panalangin
Pataas nang pataas ang tubig, aabot na sa ikalawang palapag ng mga
bahay. Malakas din ang hangin at biglang nawalan ng kuryente. Nagsigawan
ang mga tao. May mga nag-iiyakan. May humihingi rin ng tulong. May
malalakas na tunog ng mga kung anong bagay na sumasalpok sa mga bahay
na nasira at kasamang inaanod ng malakas na tubig.
“Magdasal tayo! Humingi tayo ng tulong sa ating Panginoon.” At may
isang pangkat ng pamilya ang nag-ipon-ipon sa lugar na hindi inaabot ng
baha. “Halina kayong lahat. Tumawag tayo sa Panginoon. Hilingin natin na
sana patigilin na Niya ang malakas na hangin at ulan,” ang yakag ng isang
nakatatanda.
Nagsisunod ang mga taong naroroon. Narito ang kanilang dasal.
Damhin ang kahulugan at hiling ng mga tao.
Mahal na Panginoon narito po kaming lahat
Nagpapasalamat sa mga biyayang ipinagkaloob ninyo sa amin,
Sa Inyong patnubay sa amin araw-araw,
Sa pagkain at hanapbuhay na ipinagkaloob Ninyo sa amin.
Kami po’y nagkasala sa inyo at sa lahat ng inyong nilikha.
Panginoon, ipinagwalang-bahala namin ang lahat ng mga ito
Pinagmalabisan namin ang mga biyayang ibinigay Ninyo.
Inakala namin na hindi mauubos ang mga ito.
Hindi na nakaya ng kalikasan ang aming pagmamalabis
Kaya naman inaani na namin ang bunga ng aming gawain.
Nakaamba sa amin ang patuloy na pag-init ng daigdig.
Padalas at palakas ang mga bagyo, lindol, tagtuyot, baha, at iba
pang kalamidad.
Narito kami sa Inyong harapan at nagmamakaawa:
Kami ay Iyong patawarin.
Iligtas po Ninyo kami at ang aming pinaghirapang ari-arian sa lahat
ng kalmidad, likas man o gawa ng tao.
Akayin po Ninyo kami upang gampanan ang aming pananagutan
Na pangalagaan ang Iyong mga nilikha pati ang mga nangangailangan.
Ito po ang dasal at hiling namin sa Inyo, mahal naming Panginoon.
Pagkatapos magdasal, lumakas ang loob ng mga tao. Nagtulong tulong
sila upang iligtas ang kanilang mga ari-arian at ang mga taong higit na
nangangailangan ng tulong.-
Gabay sa Pagpapakatao 5, p.276-280
Sagutin ang mga tanong. Isulat sa patlang ang sagot.
1. Bakit sama-samang nagdasal ang mga tao?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Ano ang ipinagpapasalamat ng mga tao sa kanilang dasal?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Ano ang pinagsisihan ng mga tao?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Bakit nagsisi ang mga tao?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
5. Paano nakatulong sa mga tao ang sama-samang pagdadasal?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
6. Ano ang maaring mangyari kung hindi sama-samang nagdasal ang mga
tao?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
7. Matapos mag dasal ang mga tao ano ang kanilang ginawa?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
TANDAAN
Ang pagsasaalang-alang sa kabutihan ng lahat ay maaari nating maipakita
sa pamamagitan ng pananalangin.
MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1
Lagyan ng o kung ang larawan ay nakakabuti o nakakasama para
sa kapwa. Kung nakakabuti , isulat kung paano ito nakakabuti.
_______1.
_______2.
_______3.
_______4.
https://vectortoons.com/products/a-man-solemnly-says-his-prayers-to-the-
lord-and-a-ghost-city-after-a-disaster-background
https://www.dreamstime.com/illustration/hospital-praying.html
https://theconversation.com/how-religions-and-religious-leaders-can-
help-to-combat-the-covid-19-pandemic-indonesias-experience-140342
http://clipart-library.com/person-praying.html
_______5.
Pagsasanay 2
Basahin at suriin ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang NP kung ang
pangungusap ay naisasaalang-alang ang kabutihan ng lahat sa pananalangin
at ilagay ang HNP naman kung hindi.
_____1. Palagian akong nagdadasal para sa mga magulang ko kahit na ako ay
inaantok na.
_____2. Palaging ipinapanalangin ni Padre na mailayo ang lahat sa pandemya.
_____3. Ang mga tao ay nagkakaisang manalangin sa online kahit na hindi
nagkikita-kita ng harapan.
_____4. Dahil hindi makapunta sa simbahan ang mga tao, dumadalo naman
sila ng misa sa live streaming sa youtube.
_____5. Hindi na sumasali sa prayer request ang magkakapitbahay simula ng
pandemya kahit maari naman itong gawin sa online at messenger.
Pagsasanay 3
Isulat ang T kung tama o M kung mali ang ipinapahayag sa pananalangin.
_______ 1. Pagdalo sa online streaming para sa prayer request dahil bawal
paring lumabas.
_______ 2.Pagsambit ng maikling panalangin bago matulog para sa mga
kamag-anak na nasa malayong lugar.
https://www.canstockphoto.com/stickman-family-pray-rosary-church-
64273082.html
_______ 3. Magpasalamat sa Diyos dahil sa pagbibigay Niya ng talino sa mga
scientist upang makatuklas ng gamot para sa Covid-19.
_______ 4. Pananalangin na makapulot sana ng limpak na salapi dahil
mahirap magtrabaho.
_______ 5. Pagdarasal ng paulit-ulit upang mapabuti na ang kalagayan ng
bansa at maalis na ang kinatatakutang pandemya.
PAGLALAHAT
Bilugan ang tamang salita na dapat bumuo tungkol sa kabutihan ng
pananalangin.
PAGPAPAHALAGA
Tapusin ang pangungusap.
Mabisang sandata ang pananalangin nang sama-sama sapagkat
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
(Nakabubuti, Nakasasama) para sa lahat ang sama-samang
(pagdarasal, pamamasyal) para sa (katatagan,kahinaan) ng lahat.
Ang sama-samang (paglahok, pagtanggi) sa pananalangin ay tanda ng
pagmamalasakit sa (kapwa,kapatid) at pagpapasalamat sa Diyos.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Basahin ang sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng wastong sagot.
1. Ang iyong tatay ay lumuwas patungong Maynila dahil sa importanteng
lakad kahit mayroon pang banta ng Covid-19. Bago pa man umalis ang
bus na kanyang sinasakyan ay nananalangin ang iyong nanay na
maging ligtas at maayos ang biyahe ng iyong tatay. Ano ang gagawin
mo?
A. Sasabihin ko sa drayber na ayusin ang pagmamaneho.
B. Makikilahok ako sa pananalangin ng aking nanay.
C. Magpapabili ako ng maraming pasalubong.
D. Iiyak ako dahil aalis ang tatay ko.
2. Tuwing araw ng Linggo ay laging nagsisimba ang pamilya Eito at mga
pistang pangilin. Hindi sila nakakalimot na magpasalamat sa Diyos sa
tuwi-tuwina. Ang pamilyang ito ay _____
A. Makakalikasan
B. Maka-Diyos
C. Makabansa
D. Makatao
3. Nabalitaan mong namatay ang iyong lola na nasa Samar. Hindi kayo
nakapunta sa kanyang burol dahil bawal ang pagbyabyahe sa panahon
ng pandemya. Ano ang pinakamainam mong gawin?
A. Matutuwa dahil wala nang ulyaning lola.
B. Pipilitin ang mga magulang na umuwi kahit walang masakyan.
C. Ipagdarasal ko nang taimtim ang namayapang kaluluwa ng aking lola.
D. Hahayaan ko na lang ang pangyayari dahil wala na akong magagawa.
4. Laging nagtatalo ang mga magulang mo dahil nawalan sila ng trabaho
mula noong magkaroon ng pandemyang Covid-19. Hindi sila
makapaghanap ng bagong trabaho dahil bawal pang lumabas at
marami rin ang mga nagsasarang kumpanya. Ano ang pinakamainam
mong magagawa sa panahon ito?
A. Magagalit sa magulang dahil palagi silang nag-aaway.
B. Hindi ko na lang sila papansinin, magbabati rin naman sila.
C. Ipapanalangin ko sa Panginoon na makapagtrabaho na uli sila.
D. Magtatampo ako sa Diyos dahil sa kahirapang nararanasan sa pamilya.
5. Ang inyong samahan sa simbahan ay patuloy pa ring nananalangin
para sa mga tao sa gitna ng pandenya. Napansin mo na hindi na
nakikihalubilo sa gawaing ito ang isa ninyong miyembro. Ano ang
gagawin mo?
A. Hahayaan ko lang dahil hindi siya marunong madasal.
B. Hihikayatin ko parin siya na makiisa sa pananalangin.
C. Aawayin ko sita at hindi ko na papansinin.
D. Ipo-post ko sa FB ang ginagawa niya.
Pagsasanay
2
1.
NP
2.
NP
3.
NP
4.
NP
5.
HNP
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Gabay sa Pagpapakatao 5, p.276-280
Panapos
na
Pagsusulit
1.
B
2.
B
3.
C
4.
C
5.
B
Paunang
Pagsubok
1.
2.
3.
4.
5.
Pagsasanay
1
1.
2.
3.
4.
5.
Balik-Aral
1.
2.
3.
4.
5.
Pagsasanay
3
1.
T
2.
T
3.
T
4.
M
5.
T

More Related Content

Similar to Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf

Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
charmaignegarcia
 
AP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.pdf
AP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.pdfAP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.pdf
AP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.pdf
MARIADELCORTEZ
 
Filipino 3 Learner's Manual 3rd Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 3rd  QuarterFilipino 3 Learner's Manual 3rd  Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 3rd Quarter
EDITHA HONRADEZ
 

Similar to Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf (20)

Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
 
Science Grade 3 Q1.pdf
Science Grade 3 Q1.pdfScience Grade 3 Q1.pdf
Science Grade 3 Q1.pdf
 
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
 
AP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.pdf
AP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.pdfAP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.pdf
AP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.pdf
 
AP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.docx
AP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.docxAP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.docx
AP_5Q1_Mod8_Ang Islam at ang mga Aral Nito_Version3.docx
 
Ap 8 quarter 1 module 6
Ap 8 quarter 1 module 6Ap 8 quarter 1 module 6
Ap 8 quarter 1 module 6
 
Filipino 3 Learner's Manual 3rd Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 3rd  QuarterFilipino 3 Learner's Manual 3rd  Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 3rd Quarter
 
3 fil lm q3
3 fil lm q33 fil lm q3
3 fil lm q3
 
Q2-Module-3 (1).pdf
Q2-Module-3 (1).pdfQ2-Module-3 (1).pdf
Q2-Module-3 (1).pdf
 
Gr. 3 tagalog es p q1
Gr. 3 tagalog es p q1Gr. 3 tagalog es p q1
Gr. 3 tagalog es p q1
 
MTB MLE Grade 3 Q1.pdf
MTB MLE Grade 3 Q1.pdfMTB MLE Grade 3 Q1.pdf
MTB MLE Grade 3 Q1.pdf
 
EsP 8 week 1.4
EsP 8 week 1.4EsP 8 week 1.4
EsP 8 week 1.4
 
Gr8 es p learners manual
Gr8 es p learners manualGr8 es p learners manual
Gr8 es p learners manual
 
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner ModuleK to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
 
esp_learners_module.pdf
esp_learners_module.pdfesp_learners_module.pdf
esp_learners_module.pdf
 
Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8
Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8
Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8
 
ESP MODULE GRADE 8
ESP MODULE GRADE 8ESP MODULE GRADE 8
ESP MODULE GRADE 8
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learner's Material
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learner's MaterialEdukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learner's Material
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learner's Material
 
Lesson plan sa Hekasi
Lesson plan sa HekasiLesson plan sa Hekasi
Lesson plan sa Hekasi
 
EsP-SLM-1.2.pdf
EsP-SLM-1.2.pdfEsP-SLM-1.2.pdf
EsP-SLM-1.2.pdf
 

More from AizaStamaria3

ElementarythirdquarterCongruent Polygons.ppt
ElementarythirdquarterCongruent Polygons.pptElementarythirdquarterCongruent Polygons.ppt
ElementarythirdquarterCongruent Polygons.ppt
AizaStamaria3
 
Elementary Student Reading passages.pptx
Elementary Student Reading passages.pptxElementary Student Reading passages.pptx
Elementary Student Reading passages.pptx
AizaStamaria3
 
Grade 5 PPT_Math_Q3_W3_Lesson 62_Visualizing, Naming and Describing Polygons ...
Grade 5 PPT_Math_Q3_W3_Lesson 62_Visualizing, Naming and Describing Polygons ...Grade 5 PPT_Math_Q3_W3_Lesson 62_Visualizing, Naming and Describing Polygons ...
Grade 5 PPT_Math_Q3_W3_Lesson 62_Visualizing, Naming and Describing Polygons ...
AizaStamaria3
 
tatlongpamamahalangroyalcounciloftheindies-240219041412-181c1316.pdf
tatlongpamamahalangroyalcounciloftheindies-240219041412-181c1316.pdftatlongpamamahalangroyalcounciloftheindies-240219041412-181c1316.pdf
tatlongpamamahalangroyalcounciloftheindies-240219041412-181c1316.pdf
AizaStamaria3
 
Grade 5 PPT_ESP_thirdquarter_W5_Day 1-5.pptx
Grade 5 PPT_ESP_thirdquarter_W5_Day 1-5.pptxGrade 5 PPT_ESP_thirdquarter_W5_Day 1-5.pptx
Grade 5 PPT_ESP_thirdquarter_W5_Day 1-5.pptx
AizaStamaria3
 
Grade 5 PPT_Math_Q3_W3_Lesson 63_Describing and Comparing Properties of Polyg...
Grade 5 PPT_Math_Q3_W3_Lesson 63_Describing and Comparing Properties of Polyg...Grade 5 PPT_Math_Q3_W3_Lesson 63_Describing and Comparing Properties of Polyg...
Grade 5 PPT_Math_Q3_W3_Lesson 63_Describing and Comparing Properties of Polyg...
AizaStamaria3
 

More from AizaStamaria3 (18)

volume of rectangular prisms for elementary.pptx
volume of rectangular prisms for elementary.pptxvolume of rectangular prisms for elementary.pptx
volume of rectangular prisms for elementary.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
probabilityelementaryelementaryelem.pp.ppt
probabilityelementaryelementaryelem.pp.pptprobabilityelementaryelementaryelem.pp.ppt
probabilityelementaryelementaryelem.pp.ppt
 
Section Section Section Section Section 32.ppt
Section Section Section Section Section 32.pptSection Section Section Section Section 32.ppt
Section Section Section Section Section 32.ppt
 
Si Musa na Walang Pagkukusa.reading 5.pdf
Si Musa na Walang Pagkukusa.reading 5.pdfSi Musa na Walang Pagkukusa.reading 5.pdf
Si Musa na Walang Pagkukusa.reading 5.pdf
 
The_Mini_Problem.reading intervention.pdf
The_Mini_Problem.reading intervention.pdfThe_Mini_Problem.reading intervention.pdf
The_Mini_Problem.reading intervention.pdf
 
4 PICS 1 word game for elementary students.pptx
4 PICS 1 word game for elementary students.pptx4 PICS 1 word game for elementary students.pptx
4 PICS 1 word game for elementary students.pptx
 
Grade 5 PPT_Math_Q4_W3_Lesson 87 Name the unit of measure for measuring the v...
Grade 5 PPT_Math_Q4_W3_Lesson 87 Name the unit of measure for measuring the v...Grade 5 PPT_Math_Q4_W3_Lesson 87 Name the unit of measure for measuring the v...
Grade 5 PPT_Math_Q4_W3_Lesson 87 Name the unit of measure for measuring the v...
 
Grade 5 PPT_Math_Q4_W3_Lesson 87 Name the unit of measure for measuring the v...
Grade 5 PPT_Math_Q4_W3_Lesson 87 Name the unit of measure for measuring the v...Grade 5 PPT_Math_Q4_W3_Lesson 87 Name the unit of measure for measuring the v...
Grade 5 PPT_Math_Q4_W3_Lesson 87 Name the unit of measure for measuring the v...
 
Grade 5 PPT_Edukasyonsapagpapakatao_Q3_W2.pptx
Grade 5 PPT_Edukasyonsapagpapakatao_Q3_W2.pptxGrade 5 PPT_Edukasyonsapagpapakatao_Q3_W2.pptx
Grade 5 PPT_Edukasyonsapagpapakatao_Q3_W2.pptx
 
Grade 5 PPT_EdukasyonsaPagpapakatao5_Q3_W4.pptx
Grade 5 PPT_EdukasyonsaPagpapakatao5_Q3_W4.pptxGrade 5 PPT_EdukasyonsaPagpapakatao5_Q3_W4.pptx
Grade 5 PPT_EdukasyonsaPagpapakatao5_Q3_W4.pptx
 
ElementarythirdquarterCongruent Polygons.ppt
ElementarythirdquarterCongruent Polygons.pptElementarythirdquarterCongruent Polygons.ppt
ElementarythirdquarterCongruent Polygons.ppt
 
Elementary Student Reading passages.pptx
Elementary Student Reading passages.pptxElementary Student Reading passages.pptx
Elementary Student Reading passages.pptx
 
Grade 5 PPT_Math_Q3_W3_Lesson 62_Visualizing, Naming and Describing Polygons ...
Grade 5 PPT_Math_Q3_W3_Lesson 62_Visualizing, Naming and Describing Polygons ...Grade 5 PPT_Math_Q3_W3_Lesson 62_Visualizing, Naming and Describing Polygons ...
Grade 5 PPT_Math_Q3_W3_Lesson 62_Visualizing, Naming and Describing Polygons ...
 
tatlongpamamahalangroyalcounciloftheindies-240219041412-181c1316.pdf
tatlongpamamahalangroyalcounciloftheindies-240219041412-181c1316.pdftatlongpamamahalangroyalcounciloftheindies-240219041412-181c1316.pdf
tatlongpamamahalangroyalcounciloftheindies-240219041412-181c1316.pdf
 
Grade 5 PPT_ESP_thirdquarter_W5_Day 1-5.pptx
Grade 5 PPT_ESP_thirdquarter_W5_Day 1-5.pptxGrade 5 PPT_ESP_thirdquarter_W5_Day 1-5.pptx
Grade 5 PPT_ESP_thirdquarter_W5_Day 1-5.pptx
 
Grade 5-melcbasedPolygonsthirdquarter.pptx
Grade 5-melcbasedPolygonsthirdquarter.pptxGrade 5-melcbasedPolygonsthirdquarter.pptx
Grade 5-melcbasedPolygonsthirdquarter.pptx
 
Grade 5 PPT_Math_Q3_W3_Lesson 63_Describing and Comparing Properties of Polyg...
Grade 5 PPT_Math_Q3_W3_Lesson 63_Describing and Comparing Properties of Polyg...Grade 5 PPT_Math_Q3_W3_Lesson 63_Describing and Comparing Properties of Polyg...
Grade 5 PPT_Math_Q3_W3_Lesson 63_Describing and Comparing Properties of Polyg...
 

Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf

  • 2. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Pananalig at pagmamahal sa Diyos; Paninindigan sa Kabutihan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig Komite sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Mary Ann Grace C. Eito Editor: Nida C. Francisco Tagasuri: Perlita M. Ignacio RGC, Ph.D./Josephine Z. Macawile Tagaguhit: Edison P. Clet Tagalapat: Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin OIC-Schools Division Superintendent Carolina T. Rivera CESE OIC-Assistant Schools Division Superintendent Victor M. Javeña EdD Chief, School Governance and Operations Division Manuel A. Laguerta EdD Chief, Curriculum Implementation Division Education Program Supervisors Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE) Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP) Bernard R. Balitao (AP/HUMSS) Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS) Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports) Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM) Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang) Perlita M. Ignacio RGC PhD (EsP) Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE) Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
  • 3. Edukasyon sa Pagpapakatao Ika-apat na Markahan Modyul para sa Sariling Pagkatuto 6 Pananalig at Pagmamahal sa Diyos; Paninindigan sa Kabutihan 5
  • 4. Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng Modyul para sa araling Pananalig at Pagmamahal sa Diyos; Paninindigan sa Kabutihan! Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito: Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala at estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
  • 5. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa pagpapahalaga 5 Modyul ukol sa Pananalig at Pagmamahal sa Diyos; Paninindigan sa Kabutihan! Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid- aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. MGA INAASAHAN Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul. PAUNANG PAGSUBOK Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa. BALIK-ARAL Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga naunang paksa. ARALIN Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito. MGA PAGSASANAY Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-aaral. PAGLALAHAT Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyan halaga. PAGPAPAHALAGA Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga. PANAPOS NA PAGSUSULIT Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
  • 6. INAASAHAN Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mag-aaral ay maisasaalang- alang ang kabutihan ng lahat sa pananalangin PAUNANG PAGSUBOK Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Lagyan ng tsek o ekis ang pangungusap na isinasaalang ang kabutihan para sa lahat. _____1.Ang pakikiisa ay nagpapakikita sa pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa _____2.Walang pinipiling lugar at panahon ang pagpapakita ng kabutihan sa kapwa. _____3. Ang sama-samang pananalangin ay nakakabuti para sa lahat. _____4. Ang pakikiisa sa pagdadasal ay nagdududlot ng katatagan ng loob sa bawat isa. _____5.Hindi nakakabuti ang sama-samang pagdarasal sa panahon ng pandemya. BALIK-ARAL Bilugan ang o kung ang sitwasyon ay may pakikiisa sa pagdarasal o wala. 1. Isang mabisang paraan ng pagtawag sa Diyos ang sama- samang pananalangin. 2. Ako ay sasama parin sa pagdadasal kahit wala akong hihilingin
  • 7. sa Diyos. 3. Hindi na ako kailangang makisama sa mga nagdadasal dahil iba naman relihiyon ko. 4. Tatahimik muna ako sa simbahan habang may nagdadasal kapag hindi ko alam sundan ang dasal. 5. Marami na naman silang nagdadasal kaya hindi nalang ako sasali sa kanila. ARALIN Basahin ang kuwento Sama-samang Panalangin Pataas nang pataas ang tubig, aabot na sa ikalawang palapag ng mga bahay. Malakas din ang hangin at biglang nawalan ng kuryente. Nagsigawan ang mga tao. May mga nag-iiyakan. May humihingi rin ng tulong. May malalakas na tunog ng mga kung anong bagay na sumasalpok sa mga bahay na nasira at kasamang inaanod ng malakas na tubig. “Magdasal tayo! Humingi tayo ng tulong sa ating Panginoon.” At may isang pangkat ng pamilya ang nag-ipon-ipon sa lugar na hindi inaabot ng baha. “Halina kayong lahat. Tumawag tayo sa Panginoon. Hilingin natin na sana patigilin na Niya ang malakas na hangin at ulan,” ang yakag ng isang nakatatanda. Nagsisunod ang mga taong naroroon. Narito ang kanilang dasal. Damhin ang kahulugan at hiling ng mga tao. Mahal na Panginoon narito po kaming lahat Nagpapasalamat sa mga biyayang ipinagkaloob ninyo sa amin, Sa Inyong patnubay sa amin araw-araw,
  • 8. Sa pagkain at hanapbuhay na ipinagkaloob Ninyo sa amin. Kami po’y nagkasala sa inyo at sa lahat ng inyong nilikha. Panginoon, ipinagwalang-bahala namin ang lahat ng mga ito Pinagmalabisan namin ang mga biyayang ibinigay Ninyo. Inakala namin na hindi mauubos ang mga ito. Hindi na nakaya ng kalikasan ang aming pagmamalabis Kaya naman inaani na namin ang bunga ng aming gawain. Nakaamba sa amin ang patuloy na pag-init ng daigdig. Padalas at palakas ang mga bagyo, lindol, tagtuyot, baha, at iba pang kalamidad. Narito kami sa Inyong harapan at nagmamakaawa: Kami ay Iyong patawarin. Iligtas po Ninyo kami at ang aming pinaghirapang ari-arian sa lahat ng kalmidad, likas man o gawa ng tao. Akayin po Ninyo kami upang gampanan ang aming pananagutan Na pangalagaan ang Iyong mga nilikha pati ang mga nangangailangan. Ito po ang dasal at hiling namin sa Inyo, mahal naming Panginoon. Pagkatapos magdasal, lumakas ang loob ng mga tao. Nagtulong tulong sila upang iligtas ang kanilang mga ari-arian at ang mga taong higit na nangangailangan ng tulong.- Gabay sa Pagpapakatao 5, p.276-280 Sagutin ang mga tanong. Isulat sa patlang ang sagot. 1. Bakit sama-samang nagdasal ang mga tao? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________
  • 9. 2. Ano ang ipinagpapasalamat ng mga tao sa kanilang dasal? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ 3. Ano ang pinagsisihan ng mga tao? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ 4. Bakit nagsisi ang mga tao? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ 5. Paano nakatulong sa mga tao ang sama-samang pagdadasal? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ 6. Ano ang maaring mangyari kung hindi sama-samang nagdasal ang mga tao? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ 7. Matapos mag dasal ang mga tao ano ang kanilang ginawa? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ TANDAAN Ang pagsasaalang-alang sa kabutihan ng lahat ay maaari nating maipakita sa pamamagitan ng pananalangin. MGA PAGSASANAY Pagsasanay 1 Lagyan ng o kung ang larawan ay nakakabuti o nakakasama para sa kapwa. Kung nakakabuti , isulat kung paano ito nakakabuti.
  • 11. _______5. Pagsasanay 2 Basahin at suriin ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang NP kung ang pangungusap ay naisasaalang-alang ang kabutihan ng lahat sa pananalangin at ilagay ang HNP naman kung hindi. _____1. Palagian akong nagdadasal para sa mga magulang ko kahit na ako ay inaantok na. _____2. Palaging ipinapanalangin ni Padre na mailayo ang lahat sa pandemya. _____3. Ang mga tao ay nagkakaisang manalangin sa online kahit na hindi nagkikita-kita ng harapan. _____4. Dahil hindi makapunta sa simbahan ang mga tao, dumadalo naman sila ng misa sa live streaming sa youtube. _____5. Hindi na sumasali sa prayer request ang magkakapitbahay simula ng pandemya kahit maari naman itong gawin sa online at messenger. Pagsasanay 3 Isulat ang T kung tama o M kung mali ang ipinapahayag sa pananalangin. _______ 1. Pagdalo sa online streaming para sa prayer request dahil bawal paring lumabas. _______ 2.Pagsambit ng maikling panalangin bago matulog para sa mga kamag-anak na nasa malayong lugar. https://www.canstockphoto.com/stickman-family-pray-rosary-church- 64273082.html
  • 12. _______ 3. Magpasalamat sa Diyos dahil sa pagbibigay Niya ng talino sa mga scientist upang makatuklas ng gamot para sa Covid-19. _______ 4. Pananalangin na makapulot sana ng limpak na salapi dahil mahirap magtrabaho. _______ 5. Pagdarasal ng paulit-ulit upang mapabuti na ang kalagayan ng bansa at maalis na ang kinatatakutang pandemya. PAGLALAHAT Bilugan ang tamang salita na dapat bumuo tungkol sa kabutihan ng pananalangin. PAGPAPAHALAGA Tapusin ang pangungusap. Mabisang sandata ang pananalangin nang sama-sama sapagkat ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ (Nakabubuti, Nakasasama) para sa lahat ang sama-samang (pagdarasal, pamamasyal) para sa (katatagan,kahinaan) ng lahat. Ang sama-samang (paglahok, pagtanggi) sa pananalangin ay tanda ng pagmamalasakit sa (kapwa,kapatid) at pagpapasalamat sa Diyos.
  • 13. PANAPOS NA PAGSUSULIT Basahin ang sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng wastong sagot. 1. Ang iyong tatay ay lumuwas patungong Maynila dahil sa importanteng lakad kahit mayroon pang banta ng Covid-19. Bago pa man umalis ang bus na kanyang sinasakyan ay nananalangin ang iyong nanay na maging ligtas at maayos ang biyahe ng iyong tatay. Ano ang gagawin mo? A. Sasabihin ko sa drayber na ayusin ang pagmamaneho. B. Makikilahok ako sa pananalangin ng aking nanay. C. Magpapabili ako ng maraming pasalubong. D. Iiyak ako dahil aalis ang tatay ko. 2. Tuwing araw ng Linggo ay laging nagsisimba ang pamilya Eito at mga pistang pangilin. Hindi sila nakakalimot na magpasalamat sa Diyos sa tuwi-tuwina. Ang pamilyang ito ay _____ A. Makakalikasan B. Maka-Diyos C. Makabansa D. Makatao 3. Nabalitaan mong namatay ang iyong lola na nasa Samar. Hindi kayo nakapunta sa kanyang burol dahil bawal ang pagbyabyahe sa panahon ng pandemya. Ano ang pinakamainam mong gawin? A. Matutuwa dahil wala nang ulyaning lola. B. Pipilitin ang mga magulang na umuwi kahit walang masakyan. C. Ipagdarasal ko nang taimtim ang namayapang kaluluwa ng aking lola. D. Hahayaan ko na lang ang pangyayari dahil wala na akong magagawa. 4. Laging nagtatalo ang mga magulang mo dahil nawalan sila ng trabaho mula noong magkaroon ng pandemyang Covid-19. Hindi sila makapaghanap ng bagong trabaho dahil bawal pang lumabas at marami rin ang mga nagsasarang kumpanya. Ano ang pinakamainam mong magagawa sa panahon ito? A. Magagalit sa magulang dahil palagi silang nag-aaway. B. Hindi ko na lang sila papansinin, magbabati rin naman sila. C. Ipapanalangin ko sa Panginoon na makapagtrabaho na uli sila.
  • 14. D. Magtatampo ako sa Diyos dahil sa kahirapang nararanasan sa pamilya. 5. Ang inyong samahan sa simbahan ay patuloy pa ring nananalangin para sa mga tao sa gitna ng pandenya. Napansin mo na hindi na nakikihalubilo sa gawaing ito ang isa ninyong miyembro. Ano ang gagawin mo? A. Hahayaan ko lang dahil hindi siya marunong madasal. B. Hihikayatin ko parin siya na makiisa sa pananalangin. C. Aawayin ko sita at hindi ko na papansinin. D. Ipo-post ko sa FB ang ginagawa niya.
  • 15. Pagsasanay 2 1. NP 2. NP 3. NP 4. NP 5. HNP SUSI SA PAGWAWASTO Sanggunian Gabay sa Pagpapakatao 5, p.276-280 Panapos na Pagsusulit 1. B 2. B 3. C 4. C 5. B Paunang Pagsubok 1. 2. 3. 4. 5. Pagsasanay 1 1. 2. 3. 4. 5. Balik-Aral 1. 2. 3. 4. 5. Pagsasanay 3 1. T 2. T 3. T 4. M 5. T