Ang presentasyong ito ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa ponemang malayang nagpapalitan sa wikang Filipino. Ipinaliwanag dito ang kahulugan, layunin at kahalagahan ng pag-aaral ng ponemang malayang nagpapalitan.
1. Inihanda ni:
DONNA G. DELGADO-OLIVERIO,MATF
Father Saturnino Urios University
Butuan City
2. “Kalapating puti sa gitna ng hardin,
Iginawa kita ng bahay na siim;
May dalawang latang palay at inumin,
Saka walong pinto sa apat na dingding.”
MARUPOK
ni: JoseCorazondeJesus
3. PonemangMalayang
Nagpapalitan
Ang magkaibang ponemang matatagpuan sa magkatulad na
kaligiran ngunit hindi nagbabago sa kahulugan sa magkatulad na kaligiran
ngunit hindi nagpapabago sa kahulugan ng mga salita, ay sinasabing nasa
malayang pagpapalitan. Sa ibang salita, ang isang ponema ay maaaring ipalit sa
pusisyon ng ibang ponema nang hindi mababago ang kahulugan ng salita. Ang
malayang pagpapalitan ng dalawang ponema ay karaniwang nangyayari sa mga
ponemang patinig na / i / at /e/, gayundin sa /u / at /o/. Ang ponemang ito ay
hiram sa Kastila.
4. Madaling patunayan na ang /i/ at /e/, gayundin ang /u/
at /o/ ay magkahiwalay na ponema sa Filipino sapagkat ang mga
ito’y nagkokontrast sa magkatulad na kaligiran. Kapag
sinasabing nagkokontrast sa magkatulad na kaligiran ang ibig
sabihin, ang dalawang tunog o ponemang pinag-uusapan ay
nakapagpapabago sa kahulugan. Balikan natin ang ating
halimbawang pares minimal na pala:bala. Ang /p/ at /b/ sa pares
minimal na ito ay nagkokontrast o nagsasalungatan sa
magkatulad na kaligiran sapagkat magkaiba ang kahulugan ng
pala at bala.
PAGPAPALIWANAG
5. Sampo – Sampu
Kurot - Kurut
Lalaki – Lalake
Bibi - Bibe
Tutoo – Totoo
Nuon - Noon
5
Mga halimbawa ng ponemang
malayang nagpapalitan
6. Ang bawat titik ng ating alpabeto
ay ponetiko (phonetic), sa
madaling salita, kung ano ang
tunog ay siyang baybay.
Gayunpaman, sa pagiging
ponetiko nito, hindi rin
nailalarawan sa pagsulat ang
tunay na tunog na bawat titik lalo
na sa mga binibigkas nang may
kaunting kaibahan.
At dahil sa kaibahan ng bigkas
nito, nagkakaroon ng ibang
kahulugan sapagkat ito ay
pares minimal at hindi
ponemang malayang
nagpapalitan.******
PAGPAPALIWANAG
7. Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G.2003.
Makabagong Balarilang Filipino.Rex Book Store: Manila
City.
Zamora, Nina Christina et al. Komunikasyon sa
Akademikong Filipino. Mutya Publishing, Inc.:
Malabon City.
Montera, Godfrey G. 2013. Komunikasyon sa
Akademikong Filipino. Likha Publications: Cebu City.
Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang Linggwistika. Rex
Book Store: Quezon City.
MGA SANGGUNIAN