SlideShare a Scribd company logo
1 of 8
PAMANTASAN NG FATHER SATURNINO URIOS
PROGRAMA NG SINING AT AGHAM
SANGAY NG PANGKATAUHAN
LUNGSOD NG BUTUAN
MGA ARALIN SA BALARILA SA WIKANG FILIPINO
BAHAGI NG PANALITA
I. MGA SALITANG PANGNILALAMAN
Sa panlahat na katuturan, ang salitang nominal ay nangangahulugang pangalan o anumang
salitang nauukol sa pangngalan. Sa balarilang ito, ang tinutukoy na mga nominal ay ang mga pangngalan
at ang mga panghalip. Angkop na tawaging nominal ang dalawang ito sapagkat kapwa tumutukoy sa ngalan
ng tao, hayop, bagay, pook, pangyayari, atbp.
A. MGA PANGNGALAN
- Isang pasalitang simbolong ang tinutukoy ay tao, hayop, bagay, pook, pangyayari, atbp.
- Ang pangngalan ay ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, pangyayari, atbp.
Ang unang katuturan ay gumagamit ng katawagang pansemantika, pasalitang simbolo; ang ikalawa ay ang
karaniwang katuturang ibinibigay ng balarilang tradisyunal.
Halimbawa:
a. Mga Pangngalang Ngalan ng Tao
Manolo ama guro
Bong anak manananggol
b. Mga Pangngalang Ngalan ng Hayop
Tagpi aso tandang
Muning pusa katyaw
c. Mga Pangngalang Ngalan ng Bagay
Mongol lapis pagkain
Bagong balarilang Filipino aklat laruan
d. Mga Pangngalang Ngalan ng Pook
Pilipinas lungsodkaparangan
Bundok ng Apo bundok kamaynilaan
e. Mga Pangngalang Ngalan ng Katangian
Bait kabaitan pagkamabait
Tapang katapangan pagkamatapang
f. Mga Pangngalang Ngalan ng Pangyayari
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Unang Pambansang Seminar sa Bilinggwaslismo
Kasalan pulong
Pag-aaway suntukan
B. MGA PANGHALIP
Sa dating balarila, ganito ang katuturan ng panghalip: “Ang panghalip ay salita o katagang panghalili
sa pangngalan.”
Halimbawa:
MGA PANGHALIP NA PANAO
Panauhan/Kailanan Anyong ang Anyong ng Anyong sa
(palagyo) (paukol) (paari)
Isahan
Una ako ko akin
Ikalawa ikaw, ka mo iyon
Ikatlo siya niya kanya
Dalawahan
Una *(kata) *(nita) *(kanita)
kita, tayo natin atin
Ikalawa kayo ninyo inyo
Ikatlo sila nila kanila
Maramihan
Una kami namin anim
Ikalawa kayo ninyo inyo
Ikatlo sila nila kanila
Ipinakikita sa tsart ang mga panghalip na panao sa iba’t ibang anyo, sa iba’t ibang panauhan at sa iba’t
ibang kailanan.
Mga Panghalip na Pamatlig
- Ang tawag sa mga panghalip na humahalili sa ngalan ng tao, bagay, atb. Na itinuturo o
inihihimaton. Halimbawa, sa pangungusap na :
“Giya ng mga tursita ang kapatid nito.”
Ang nito ay may hinahalinhang pangalan at gayundin, nagpapahiwatig na ang tinutukoy ay
itinuturo ng nagsasalita. Nariyan sa ibaba ang iba pang halimbawa ng panghalip na pamatlig.
MGA PANGHALIP NA PAMATLIG
I. Pronominal
A. Anyong ang (Paturol)
1. *ire (ibang anyo: yari)
2. ito
3. iyan (ibang anyo: yaan)
4. iyon (ibang anyo: yaon)
B. Anyong ng (paari)
1. *nire (ibang anyo: niyari)
2. nito
3. niyan
4. noon (ibang anyo: niyon, niyaon)
C. Angyong sa (paukol)
1. *dine
2. dito
3. diyan
4. doon
II. Panawag-pansin o Pahimaton
1. *(h) ere
2. (h) eto
3. (h) ayan
4. (h) ayun
III. Patulad
1. *ganire
2. ganito
3. ganyan
4. ganoon (ibang anyo: gayon)
IV. Panlunan
1. *narini (ibang anyo: nandini)
2. narito (ibang anyo: nandito)
3. nariyan (ibang anyo: nandiyan)
4. naroon (ibang anyo: nandoon)
C. MGA PANG-URI
Pang-uri ang mga salitang-ugat na nagpapahayag ng katangian o mga salitang
naglalarawan. Maaari itong salitang-ugat at panlaping makauri at salitang-ugat.
1. Mga salitang-ugat
Banal pula bago
Dakila puti luma
2. May panlaping pang-uri
Maganda masintahin palangiti
Ilang panlaping makauri
a. -an – nangangahulugan ng labis ang laki o higit na dami sa karaniwan.
Halimbawa: pangahan, bibigan, uluhan
b. ka- - nangangahulugan ng kaisa. Halimbawa: kakulay, kalahi, katulad
c. kay – nangangahulugan ng paghanga. Halimbawa: kaybuti, kay-inam, kaylayo
d. ma – nangangahulugan ng pagtataglay ng katangiang sinasabi ng salitang-ugat at
pagkarami. Ito ang karaniwang panlapi ng pang-uri. Halimbawa: malusog,
matalino, madamo
e. maka – nangangahulugan ng mahilig, kampi o tagapagmalasakit. Halimbawa:
Makabayan, makatao, makaluma
f. mala – nangangahulugan ng tila, para o halos. Halimbawa: malausog, malakanin,
malasebo
g. mapag – nangangahulugan ng may ugaling taglay ng salitang-ugat. Halimbawa:
mapagbasa, mapagbiro, mapaglaro
h. mapang- / mapam- / mapan – nangangahulugan din ng may ugaling taglay ng
salitang-ugat.
i. pala – nangangahulugan din ito na may ugaling taglay ng salitang-ugat ng
mapang- .Halimbawa: palabasa, palabiro, palasigaw
j. -in – nangangahulugan ng may hugis o uri ng bagay na sinasabi ng salitang-ugat
at kapag may gitlapi ng pagkamahilig o palagian kapag hulapi. Halimbawa:
sinampalok, binalimbing, antukin
D. MGA PANDIWA
Binubuo ng salitang-ugat at panlaping makadiwa ang pandiwang nagsasaad ng kilos.
Salitang-ugat Panlapi + salitang-ugat
basa um- + awit = umawit
lakad mag- + puti = magputi
takbo mang- + isda = mangisda
Ilang Panlaping Makadiwa
1. [ um- ] - karaniwang panlapi ng pandiwa ang um, nangangahulugan ito ng likas na pagkaganap o
sadyang pangyayari. Halimbawa:
umulan lumindol umaraw
2. [ mag- ] – nagsasaad ng pagganap ng isang hanapbuhay, pagganap sa sarili, pagganap ng madalas,
pagbungkal o likas na pagganap. Halimbawa:
magtinda mag-ahit mag-usbong
3. [ ma- ] – nagsasaad ng pagkakaroon ng bagay na sinasabi ng salitang-ugat, pagganap ng sariling
hilig. Halimbawa: magalit, malungkot, maligo
4. [ ma- ] – nagsasaad ng di-sinasadyang pagganap. Halimbawa: mapikit, malason, madapa
5. [ mang- ] – nagsasaad ng paghahanap-buhay, nagsasaad ng damdamin ng katawan.
6. [ maka- ] – nagsasaad ng paghahanap-buhay, kakayahang maikilos ang katawan. Halimbawa:
makabuti, makagaling, makahiga
7. [ naki- ] – nagsasaad ng pangunguutang ng loob, pagsuyo. Halimbawa: makisakay, makiinom,
makabili
8. [ in- ] – nagsasaad ng pagiging simuno. Halimbawa: tuwirang layon tulad ng suklayin, sulatin,
lutuin, sakahin
9. [ i- ] – nagsasaad ng pagiging simuno ng di-tuwirang layon. Halimbawa: itahi, ibili, igawa
10. [ -an ] – nagsasaad ng pagiging simuno ng lokatib o lugar. Halimbawa: higaan, bakuran, bilihan
E. MGA PANG-ABAY
Kabilang sa mga panuring ang tinatawag na pang-abay. Nahahati sa apat na mahahalagang uti ang
mga pang-abay: pamanahon, panlunan, pamaraan, panggaano.
1. Ang Pamanahon
Nagsasaad ng panahon ng uring ito, may salita at may mga kataga lamang na nagsasaad ng
panahon. Sumasagot ito sa tanong na kalian.
Kataga
na – nangangahulugan ng tapos na
pa – nangangahulugan ng ginaganap o gaganapin pa noon
Salita
bukas lingo hapon
ngayon umaga gabi
Panlapi + salitang-ugat
ka + gabi = kagabi
ka + hapon = kahapon
Inuulit
gabi-gabi
araw-araw
linggu-linggo
2. Ang Panlunan
Nagsasaad ng pook o lunang kinaroroonan o pinaggagampanan ng kilos. Sumasagot ito sa
tanong na saan o nasaan. Nagkakaroon lamang ng kahulugan ang mga kataga kapag kasama ng ibang
salita tulag ng sa o nasa ( sa ibabaw ng mesa, sa ilalim ng silya, sa harap ng bahay, sa likod ng garahe).
Halimbawa:
Saan ka pupunta? Sa Baguio.
Saan ka ipinanganak? Sa Maynila.
3. Ang Pamaraan
Nagsasaad kung paano ginaganap ang kilos at sumasagot sa tanong na paano. Panlapi +
salitang-ugat na ang anyo’y pang-uri kaya lamang tinatawag na pang-abay sapagkat ang binibigay-
turing ay mga pandiwa o pang-uri, tulad ng mahusay siya 9pang-uri dahil tinuturing ang siya)
mahusay lumangoy (pang-abay dahil tinuturing ang langoy).
Ginagamitan din ito ng katagang nang na nangangahulugan ng pamamaraan ng
pagkaganap ng kilos. Halimbawa: Nakatulog siya nang padapa, maaari rin itong sabihing padapa
siyang nakatulog.
Samaktuwid, ang pa- kakabit ng salitang-ugat ay makapagpapahayag din ng pang-abay.
Isa pang halimbawa ang patalikod siyang lumapit.
4. ANG PANGGAANO
Nangangahulugan ito ng kalidad ng ipinahahayag ng kilos, sumasagot ito sa katanungang
gaano. Bagama’t masasabi ring ang malamang ipakahulugan dito’y ang pagiging pang-uri.
Halimbawa ang katamtaman lamang iyan (pang-uri ito dahil tumuturing sa iyan), kapag sinabing
katamtamang kumain ang taong iyan. (Pang-abay na ito dahil kumain na ang tinuturingan.)
Sa masusing pag-aaral ang mga pamaraan at panggaano’y may istruktural ng pang-uri kaya
hindi magkaiba ang istruktura, lamang ay naiiba ang tinuturingan.
II. MGA SALITANG PANGKAYARIAN
Nahahati sa dalawang bahagi ang mga pangkayariang bahagi ng pananalita: ang mga pang-ugnay
at ang mga pananda. Ang mga pananda’y tinatalaky na sa unang bahagi kaugnay ng mga pangalan at
panghalip. Ang hindi na lamang natatalakay ay ang tinatawag na pananda ng predikeyt na walang iba kundi
ang ay na tatalakayin sa dakong huli ng bahaging ito.
A. ANG MGA PANG-UGNAY
Nahahati sa pang-angkop o linker, pangatnig at pang-ukol ang mga pang-ugnay. Mahalaga sa
pagbubuo ng mga pangungusap ang mga ito sapagkat ito ang nag-uugnay-ugnay sa mga nilalamang
ipinahahayag sa unahan. Higit na nagging malinaw at maluwag ang pagbigkas ng mga pangungusap kapag
may mga pang-ugnay.
1. Ang Pangatnig
Pangatnig ang mga katagang nag-uugnay sa mga salita, parirala o sugnay. Maaaring panimbang o
pantulong ang mga pangatnig.
Ang Panimbanng – nag-uugnay ng magkatimbang na mga salita, parirala o sugnay. Binubuo ito ng
at, pati, ngunit, datapwat, subakit, o, ni man, maging.
Halimbawa:
Ang arkitekto at ang inhinyero.
Ang prusisyon pati ang parada.
2. Ang mga Pang-ukol/Preposisyon
Ang mga tinatawag na preposisyon ay mga kataga lamang na masasabing iniuugnay sa lugar, direksyon
at kinauukulan. Kasama na ito ng mga pang-abay na panlunan. Babanggitin na lamang dito ang mga
bumubuo sa mga pang-ukol na kinabibilangan ng ayon sa, alinsunod sa, tungkol sa, ukol sa, laban sa.
Kapag tinutukoy ang tao, ang sa’y napapalitan ng kay.
Halimbawa:
Ayon sa nagsisiyasat ang gumawa ng bilding ang maysala.
Ayon kay Noel ang gumawa ng bilding ang maysala.
3. Ang mga Pang-angkop/Linker
Dalawa ang anyo ng linker: na at -ng. Ginagamit ang na kapag ang salitang inuugnay ay nagtatapos sa
katinig maliban sa n. Maaaring baligtarin ang salitang pinag-uugnay na hindi nababago ang kahulugan
ngunit ang linker ay lagging nasa unang salita. May ilang pagkakataong di maaaring pagbaligtarin.
Halimbawa: anim na piso hindi maaaring pisong anim. Ang -ng ay ginagamit kapag ang salitang iuugnay
ay nagtatapos sa patinig. Kapag ang salita nama’y nagtatapos sa n kinakaltas ang n at ginagamit ang -ng.
Maaring pag-ugnayin ang iba’t ibang salitang pangnilalaman.
B. ANG MGA PANANDA
Dalawang uri ng pananda: mga marker na siyang tagapagpakilala ng relasyon ng pangngalan sa mga
bahagi ng pangungusap at ang ay na nagpapakita ng kaayusan ng pangungusap sapagkat ito ang
nagpapakilala ng panaguri ng pangungusap kapag nauuna ang simuno sa panaguri na siyang
kabaligtarang ayos sa istruktura ng pangungusap sa Filipino. Natalakay na ang iba’t ibang marker –
ang, ng, sa at mga maaaring ipanghalili sa mga panandang ganito. Kaya ang panandang pampanaguri
o predikeyt na lamang ang tatalakayin dito.
Ang panandang Pampredikeyt
Ay ang panandang pampredikeyt. Matatagpuan lamang ito sa pangungusap kung hindi normal ang
ayos ng pangungusap. Sa Filipino, normal ang ayos ng pangungusap kung ang panaguri ang nauuna at
nag simuno ang nahuhuli.
Halimbawa:
Normal:
Panaguri + Simuno
Gurang na ang lolo ni Johnny
Bligtad:
Simuno/Sabjek + Panandang + Panaguri/Predikeyt
Ang lolo ni Johnny ay gurang na.
Ang ay bagiging ‘y kapag ang nauunang salitang ikakabit sa predikeyt ay nagtatapos sa a, e, i, o, u, w. Kapag
nagtatapos naman sa n nawawala ang n at ‘y ang inilalagay tulad ng :
Ang baya’y inabot ng kalamidad.
Pagbubuo
Sa pagbubuo, lahat ng mga salitang may kabuluhan sa ganang sarili’y nabibilang sa mga salitang
pangnilalaman at lahat ng mga katagang ang kahulugan ay depende lamang sa mga salitang kasama’y
panrelasyon lamang. Nililinaw lamang ang relasyon ng mga sangkap ng pangungusap sa isa’t isa.
Inihanda ni:
Donna Delgado Oliverio, MATF
Instructor
Father Saturnino Urios University
A.Y. 2020-2021, 1st Semester
Ang mga araling ito ay sinaliksik at inayos upang magsilbing gabay ng mga mag-aaral na kumukuha ng
GE 114 Balarila ng Wikang Filipino. Ilang mga impormasyon ay hinalaw sa iba’t ibang aklat na ginamit ng guro
para sa asignaturang ito.
MGA SANGGUNIANG AKLAT:
Montera, Godfrey G. 2013. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Likha Publications: Cebu City.
Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang Linggwistika. Rex Book Store: Quezon City.
Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G.2003. Makabagong Balarilang Filipino.Rex Book Store: Manila City.
Zamora, Nina Christina et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mutya Publishing, Inc.: Malabon City.
Ugot, Irma V. 2005. Batayang Linggwistika. University of San Carlos Press: Cebu City.
_______________. Manual sa Panimulang Linggwistika. Mindanao State University, Marawi City.
_______________.2014.Ortograpiyang Pambansa.Komisyon ng Wikang Filipino:Manila City.

More Related Content

What's hot

Pagbabagong Morpoponemiko ni Ginoong Jose Valdez hango sa aklat ni Szhayne A...
Pagbabagong Morpoponemiko  ni Ginoong Jose Valdez hango sa aklat ni Szhayne A...Pagbabagong Morpoponemiko  ni Ginoong Jose Valdez hango sa aklat ni Szhayne A...
Pagbabagong Morpoponemiko ni Ginoong Jose Valdez hango sa aklat ni Szhayne A...
Jose Valdez
 
Fil 103 ponolohiya suprasegmental
Fil 103 ponolohiya suprasegmentalFil 103 ponolohiya suprasegmental
Fil 103 ponolohiya suprasegmental
Edwin Del Rosario
 
Filipino morpolohiya
Filipino morpolohiyaFilipino morpolohiya
Filipino morpolohiya
Ann Pacuño
 

What's hot (20)

ANG PALABAYBAYANG FILIPINO: PAPANTIG AT PATITIK
ANG PALABAYBAYANG FILIPINO: PAPANTIG AT PATITIKANG PALABAYBAYANG FILIPINO: PAPANTIG AT PATITIK
ANG PALABAYBAYANG FILIPINO: PAPANTIG AT PATITIK
 
KAYARIAN NG SALITA.pdf
KAYARIAN NG SALITA.pdfKAYARIAN NG SALITA.pdf
KAYARIAN NG SALITA.pdf
 
Presentation
PresentationPresentation
Presentation
 
MGA PARES MINIMAL NG WIKANG FILIPINO
MGA PARES MINIMAL NG WIKANG FILIPINOMGA PARES MINIMAL NG WIKANG FILIPINO
MGA PARES MINIMAL NG WIKANG FILIPINO
 
ANG PONEMIKA
ANG PONEMIKAANG PONEMIKA
ANG PONEMIKA
 
MGA ALOMORP NG MORPEMA.pdf
MGA ALOMORP NG MORPEMA.pdfMGA ALOMORP NG MORPEMA.pdf
MGA ALOMORP NG MORPEMA.pdf
 
Pagbabagong morpoponemiko
Pagbabagong morpoponemikoPagbabagong morpoponemiko
Pagbabagong morpoponemiko
 
Lexical at istruktura semantika.docx
Lexical at istruktura semantika.docxLexical at istruktura semantika.docx
Lexical at istruktura semantika.docx
 
Diptonggo
DiptonggoDiptonggo
Diptonggo
 
PALAPANTIGAN
PALAPANTIGAN PALAPANTIGAN
PALAPANTIGAN
 
Palabantasan
PalabantasanPalabantasan
Palabantasan
 
morpolohiya
morpolohiyamorpolohiya
morpolohiya
 
ANG PAGSASALITA
ANG PAGSASALITAANG PAGSASALITA
ANG PAGSASALITA
 
ANG PONEMANG SUPRASEGMENTAL
ANG PONEMANG SUPRASEGMENTALANG PONEMANG SUPRASEGMENTAL
ANG PONEMANG SUPRASEGMENTAL
 
Ponema
PonemaPonema
Ponema
 
Pagbabagong Morpoponemiko ni Ginoong Jose Valdez hango sa aklat ni Szhayne A...
Pagbabagong Morpoponemiko  ni Ginoong Jose Valdez hango sa aklat ni Szhayne A...Pagbabagong Morpoponemiko  ni Ginoong Jose Valdez hango sa aklat ni Szhayne A...
Pagbabagong Morpoponemiko ni Ginoong Jose Valdez hango sa aklat ni Szhayne A...
 
Fil 103 ponolohiya suprasegmental
Fil 103 ponolohiya suprasegmentalFil 103 ponolohiya suprasegmental
Fil 103 ponolohiya suprasegmental
 
Mga bantas
Mga bantasMga bantas
Mga bantas
 
ANG ALPABETONG FILIPINO: PAHAPYAW NA KASAYSAYAN
ANG ALPABETONG FILIPINO: PAHAPYAW NA KASAYSAYANANG ALPABETONG FILIPINO: PAHAPYAW NA KASAYSAYAN
ANG ALPABETONG FILIPINO: PAHAPYAW NA KASAYSAYAN
 
Filipino morpolohiya
Filipino morpolohiyaFilipino morpolohiya
Filipino morpolohiya
 

Similar to BAHAGI NG PANALITA.pdf

Filipino 5 - Ikalawang Markahan - Aralin 6 - Lektyur No. 2 (1).pptx
Filipino 5 - Ikalawang Markahan - Aralin 6 - Lektyur No. 2 (1).pptxFilipino 5 - Ikalawang Markahan - Aralin 6 - Lektyur No. 2 (1).pptx
Filipino 5 - Ikalawang Markahan - Aralin 6 - Lektyur No. 2 (1).pptx
EmilJohnLatosa
 
filipinoretorikatayutayatidyoma-171005183005.pdf
filipinoretorikatayutayatidyoma-171005183005.pdffilipinoretorikatayutayatidyoma-171005183005.pdf
filipinoretorikatayutayatidyoma-171005183005.pdf
SemajojIddag
 
Filipino retorika, tayutay at idyoma
Filipino   retorika, tayutay at idyomaFilipino   retorika, tayutay at idyoma
Filipino retorika, tayutay at idyoma
Arneyo
 
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.pptKOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
ELLAMAYDECENA2
 
pakikipagkapwa
pakikipagkapwapakikipagkapwa
pakikipagkapwa
almeron
 
retorikal na pang-ugnay..............pptx
retorikal na pang-ugnay..............pptxretorikal na pang-ugnay..............pptx
retorikal na pang-ugnay..............pptx
carmilacuesta
 

Similar to BAHAGI NG PANALITA.pdf (20)

Retorika at Gramatika
Retorika at GramatikaRetorika at Gramatika
Retorika at Gramatika
 
Filipino 5 - Ikalawang Markahan - Aralin 6 - Lektyur No. 2 (1).pptx
Filipino 5 - Ikalawang Markahan - Aralin 6 - Lektyur No. 2 (1).pptxFilipino 5 - Ikalawang Markahan - Aralin 6 - Lektyur No. 2 (1).pptx
Filipino 5 - Ikalawang Markahan - Aralin 6 - Lektyur No. 2 (1).pptx
 
Group 6 mga salitang pangnilalaman
Group 6   mga salitang pangnilalamanGroup 6   mga salitang pangnilalaman
Group 6 mga salitang pangnilalaman
 
Filipino grace
Filipino graceFilipino grace
Filipino grace
 
filipinoretorikatayutayatidyoma-171005183005.pdf
filipinoretorikatayutayatidyoma-171005183005.pdffilipinoretorikatayutayatidyoma-171005183005.pdf
filipinoretorikatayutayatidyoma-171005183005.pdf
 
Filipino retorika, tayutay at idyoma
Filipino   retorika, tayutay at idyomaFilipino   retorika, tayutay at idyoma
Filipino retorika, tayutay at idyoma
 
KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.ppt
KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.pptKABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.ppt
KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.ppt
 
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.pptKOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
 
lesson 1 kayarian ng salita.pptx
lesson 1 kayarian ng salita.pptxlesson 1 kayarian ng salita.pptx
lesson 1 kayarian ng salita.pptx
 
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salitaIba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
 
Assignment 3_Wagsingan, Minnie A..pptx
Assignment 3_Wagsingan, Minnie A..pptxAssignment 3_Wagsingan, Minnie A..pptx
Assignment 3_Wagsingan, Minnie A..pptx
 
Fil101 istruktura ng wika
Fil101 istruktura ng wikaFil101 istruktura ng wika
Fil101 istruktura ng wika
 
pakikipagkapwa
pakikipagkapwapakikipagkapwa
pakikipagkapwa
 
mgabahagingpananalita-140706023238-phpapp01.pdf
mgabahagingpananalita-140706023238-phpapp01.pdfmgabahagingpananalita-140706023238-phpapp01.pdf
mgabahagingpananalita-140706023238-phpapp01.pdf
 
pdfslide.net_mga-bahagi-ng-pananalita-558492b745a65.ppt
pdfslide.net_mga-bahagi-ng-pananalita-558492b745a65.pptpdfslide.net_mga-bahagi-ng-pananalita-558492b745a65.ppt
pdfslide.net_mga-bahagi-ng-pananalita-558492b745a65.ppt
 
Yunit 3 istruktura ng wika
Yunit 3  istruktura ng wikaYunit 3  istruktura ng wika
Yunit 3 istruktura ng wika
 
Morpolohiya
MorpolohiyaMorpolohiya
Morpolohiya
 
Bahagi ng Pananalita
Bahagi ng PananalitaBahagi ng Pananalita
Bahagi ng Pananalita
 
bahagingpananalita-171106104815.pptx
bahagingpananalita-171106104815.pptxbahagingpananalita-171106104815.pptx
bahagingpananalita-171106104815.pptx
 
retorikal na pang-ugnay..............pptx
retorikal na pang-ugnay..............pptxretorikal na pang-ugnay..............pptx
retorikal na pang-ugnay..............pptx
 

More from DONNA G. DELGADO-OLIVERIO, MATF, LPT

More from DONNA G. DELGADO-OLIVERIO, MATF, LPT (15)

LEKSIKOGRAPIYA.pdf
LEKSIKOGRAPIYA.pdfLEKSIKOGRAPIYA.pdf
LEKSIKOGRAPIYA.pdf
 
SEMANTIKA.pdf
SEMANTIKA.pdfSEMANTIKA.pdf
SEMANTIKA.pdf
 
MGA ANYO AT URI NG MOPEMA.pdf
MGA ANYO AT URI NG MOPEMA.pdfMGA ANYO AT URI NG MOPEMA.pdf
MGA ANYO AT URI NG MOPEMA.pdf
 
MGA SALITANG HIRAM SA INGLES
MGA SALITANG HIRAM SA INGLESMGA SALITANG HIRAM SA INGLES
MGA SALITANG HIRAM SA INGLES
 
Balangkas ng mga aralin para sa midterm
Balangkas ng mga aralin para sa midtermBalangkas ng mga aralin para sa midterm
Balangkas ng mga aralin para sa midterm
 
PATNUBAY SA PAKIKIPAGKOMUNIKASYON
PATNUBAY SA PAKIKIPAGKOMUNIKASYONPATNUBAY SA PAKIKIPAGKOMUNIKASYON
PATNUBAY SA PAKIKIPAGKOMUNIKASYON
 
MGA DAHILAN BAKIT MAHALAGA ANG KOMUNIKASYON
MGA DAHILAN BAKIT MAHALAGA ANG KOMUNIKASYONMGA DAHILAN BAKIT MAHALAGA ANG KOMUNIKASYON
MGA DAHILAN BAKIT MAHALAGA ANG KOMUNIKASYON
 
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAKIKIPAGKOMUNIKSYON
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAKIKIPAGKOMUNIKSYONMGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAKIKIPAGKOMUNIKSYON
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAKIKIPAGKOMUNIKSYON
 
MGA LAYUNIN NG KOMUNIKASYON
MGA LAYUNIN NG KOMUNIKASYONMGA LAYUNIN NG KOMUNIKASYON
MGA LAYUNIN NG KOMUNIKASYON
 
Balangkas ng mga Aralin para sa Balarila ng Wikang Filipino
Balangkas ng mga Aralin para sa Balarila ng Wikang FilipinoBalangkas ng mga Aralin para sa Balarila ng Wikang Filipino
Balangkas ng mga Aralin para sa Balarila ng Wikang Filipino
 
PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN
PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITANPONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN
PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN
 
MGA KLASTER NG WIKANG FILIPINO
MGA KLASTER NG WIKANG FILIPINOMGA KLASTER NG WIKANG FILIPINO
MGA KLASTER NG WIKANG FILIPINO
 
ANG PONOLOHIYANG FILIPINO
ANG PONOLOHIYANG FILIPINOANG PONOLOHIYANG FILIPINO
ANG PONOLOHIYANG FILIPINO
 
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
GAMIT NG WIKA SA LIPUNANGAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
 
TEORYANG PAMPANITIKAN: ISANG PAG-AARAL
TEORYANG PAMPANITIKAN: ISANG PAG-AARALTEORYANG PAMPANITIKAN: ISANG PAG-AARAL
TEORYANG PAMPANITIKAN: ISANG PAG-AARAL
 

Recently uploaded

MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
diannesofocado8
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
SundieGraceBataan
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
jeynsilbonza
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
VillasoClarisse
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
CindyManual1
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
HannaLingatong
 

Recently uploaded (20)

MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
 
Communication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptxCommunication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptx
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 

BAHAGI NG PANALITA.pdf

  • 1. PAMANTASAN NG FATHER SATURNINO URIOS PROGRAMA NG SINING AT AGHAM SANGAY NG PANGKATAUHAN LUNGSOD NG BUTUAN MGA ARALIN SA BALARILA SA WIKANG FILIPINO BAHAGI NG PANALITA I. MGA SALITANG PANGNILALAMAN Sa panlahat na katuturan, ang salitang nominal ay nangangahulugang pangalan o anumang salitang nauukol sa pangngalan. Sa balarilang ito, ang tinutukoy na mga nominal ay ang mga pangngalan at ang mga panghalip. Angkop na tawaging nominal ang dalawang ito sapagkat kapwa tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, pangyayari, atbp. A. MGA PANGNGALAN - Isang pasalitang simbolong ang tinutukoy ay tao, hayop, bagay, pook, pangyayari, atbp. - Ang pangngalan ay ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, pangyayari, atbp. Ang unang katuturan ay gumagamit ng katawagang pansemantika, pasalitang simbolo; ang ikalawa ay ang karaniwang katuturang ibinibigay ng balarilang tradisyunal. Halimbawa: a. Mga Pangngalang Ngalan ng Tao Manolo ama guro Bong anak manananggol b. Mga Pangngalang Ngalan ng Hayop Tagpi aso tandang Muning pusa katyaw c. Mga Pangngalang Ngalan ng Bagay Mongol lapis pagkain Bagong balarilang Filipino aklat laruan d. Mga Pangngalang Ngalan ng Pook Pilipinas lungsodkaparangan Bundok ng Apo bundok kamaynilaan e. Mga Pangngalang Ngalan ng Katangian Bait kabaitan pagkamabait Tapang katapangan pagkamatapang f. Mga Pangngalang Ngalan ng Pangyayari Ikalawang Digmaang Pandaigdig Unang Pambansang Seminar sa Bilinggwaslismo Kasalan pulong Pag-aaway suntukan
  • 2. B. MGA PANGHALIP Sa dating balarila, ganito ang katuturan ng panghalip: “Ang panghalip ay salita o katagang panghalili sa pangngalan.” Halimbawa: MGA PANGHALIP NA PANAO Panauhan/Kailanan Anyong ang Anyong ng Anyong sa (palagyo) (paukol) (paari) Isahan Una ako ko akin Ikalawa ikaw, ka mo iyon Ikatlo siya niya kanya Dalawahan Una *(kata) *(nita) *(kanita) kita, tayo natin atin Ikalawa kayo ninyo inyo Ikatlo sila nila kanila Maramihan Una kami namin anim Ikalawa kayo ninyo inyo Ikatlo sila nila kanila Ipinakikita sa tsart ang mga panghalip na panao sa iba’t ibang anyo, sa iba’t ibang panauhan at sa iba’t ibang kailanan. Mga Panghalip na Pamatlig - Ang tawag sa mga panghalip na humahalili sa ngalan ng tao, bagay, atb. Na itinuturo o inihihimaton. Halimbawa, sa pangungusap na : “Giya ng mga tursita ang kapatid nito.” Ang nito ay may hinahalinhang pangalan at gayundin, nagpapahiwatig na ang tinutukoy ay itinuturo ng nagsasalita. Nariyan sa ibaba ang iba pang halimbawa ng panghalip na pamatlig. MGA PANGHALIP NA PAMATLIG I. Pronominal A. Anyong ang (Paturol) 1. *ire (ibang anyo: yari) 2. ito 3. iyan (ibang anyo: yaan) 4. iyon (ibang anyo: yaon) B. Anyong ng (paari)
  • 3. 1. *nire (ibang anyo: niyari) 2. nito 3. niyan 4. noon (ibang anyo: niyon, niyaon) C. Angyong sa (paukol) 1. *dine 2. dito 3. diyan 4. doon II. Panawag-pansin o Pahimaton 1. *(h) ere 2. (h) eto 3. (h) ayan 4. (h) ayun III. Patulad 1. *ganire 2. ganito 3. ganyan 4. ganoon (ibang anyo: gayon) IV. Panlunan 1. *narini (ibang anyo: nandini) 2. narito (ibang anyo: nandito) 3. nariyan (ibang anyo: nandiyan) 4. naroon (ibang anyo: nandoon) C. MGA PANG-URI Pang-uri ang mga salitang-ugat na nagpapahayag ng katangian o mga salitang naglalarawan. Maaari itong salitang-ugat at panlaping makauri at salitang-ugat. 1. Mga salitang-ugat Banal pula bago Dakila puti luma 2. May panlaping pang-uri Maganda masintahin palangiti Ilang panlaping makauri a. -an – nangangahulugan ng labis ang laki o higit na dami sa karaniwan. Halimbawa: pangahan, bibigan, uluhan
  • 4. b. ka- - nangangahulugan ng kaisa. Halimbawa: kakulay, kalahi, katulad c. kay – nangangahulugan ng paghanga. Halimbawa: kaybuti, kay-inam, kaylayo d. ma – nangangahulugan ng pagtataglay ng katangiang sinasabi ng salitang-ugat at pagkarami. Ito ang karaniwang panlapi ng pang-uri. Halimbawa: malusog, matalino, madamo e. maka – nangangahulugan ng mahilig, kampi o tagapagmalasakit. Halimbawa: Makabayan, makatao, makaluma f. mala – nangangahulugan ng tila, para o halos. Halimbawa: malausog, malakanin, malasebo g. mapag – nangangahulugan ng may ugaling taglay ng salitang-ugat. Halimbawa: mapagbasa, mapagbiro, mapaglaro h. mapang- / mapam- / mapan – nangangahulugan din ng may ugaling taglay ng salitang-ugat. i. pala – nangangahulugan din ito na may ugaling taglay ng salitang-ugat ng mapang- .Halimbawa: palabasa, palabiro, palasigaw j. -in – nangangahulugan ng may hugis o uri ng bagay na sinasabi ng salitang-ugat at kapag may gitlapi ng pagkamahilig o palagian kapag hulapi. Halimbawa: sinampalok, binalimbing, antukin D. MGA PANDIWA Binubuo ng salitang-ugat at panlaping makadiwa ang pandiwang nagsasaad ng kilos. Salitang-ugat Panlapi + salitang-ugat basa um- + awit = umawit lakad mag- + puti = magputi takbo mang- + isda = mangisda Ilang Panlaping Makadiwa 1. [ um- ] - karaniwang panlapi ng pandiwa ang um, nangangahulugan ito ng likas na pagkaganap o sadyang pangyayari. Halimbawa: umulan lumindol umaraw 2. [ mag- ] – nagsasaad ng pagganap ng isang hanapbuhay, pagganap sa sarili, pagganap ng madalas, pagbungkal o likas na pagganap. Halimbawa: magtinda mag-ahit mag-usbong 3. [ ma- ] – nagsasaad ng pagkakaroon ng bagay na sinasabi ng salitang-ugat, pagganap ng sariling hilig. Halimbawa: magalit, malungkot, maligo
  • 5. 4. [ ma- ] – nagsasaad ng di-sinasadyang pagganap. Halimbawa: mapikit, malason, madapa 5. [ mang- ] – nagsasaad ng paghahanap-buhay, nagsasaad ng damdamin ng katawan. 6. [ maka- ] – nagsasaad ng paghahanap-buhay, kakayahang maikilos ang katawan. Halimbawa: makabuti, makagaling, makahiga 7. [ naki- ] – nagsasaad ng pangunguutang ng loob, pagsuyo. Halimbawa: makisakay, makiinom, makabili 8. [ in- ] – nagsasaad ng pagiging simuno. Halimbawa: tuwirang layon tulad ng suklayin, sulatin, lutuin, sakahin 9. [ i- ] – nagsasaad ng pagiging simuno ng di-tuwirang layon. Halimbawa: itahi, ibili, igawa 10. [ -an ] – nagsasaad ng pagiging simuno ng lokatib o lugar. Halimbawa: higaan, bakuran, bilihan E. MGA PANG-ABAY Kabilang sa mga panuring ang tinatawag na pang-abay. Nahahati sa apat na mahahalagang uti ang mga pang-abay: pamanahon, panlunan, pamaraan, panggaano. 1. Ang Pamanahon Nagsasaad ng panahon ng uring ito, may salita at may mga kataga lamang na nagsasaad ng panahon. Sumasagot ito sa tanong na kalian. Kataga na – nangangahulugan ng tapos na pa – nangangahulugan ng ginaganap o gaganapin pa noon Salita bukas lingo hapon ngayon umaga gabi Panlapi + salitang-ugat ka + gabi = kagabi ka + hapon = kahapon Inuulit gabi-gabi araw-araw linggu-linggo 2. Ang Panlunan Nagsasaad ng pook o lunang kinaroroonan o pinaggagampanan ng kilos. Sumasagot ito sa tanong na saan o nasaan. Nagkakaroon lamang ng kahulugan ang mga kataga kapag kasama ng ibang salita tulag ng sa o nasa ( sa ibabaw ng mesa, sa ilalim ng silya, sa harap ng bahay, sa likod ng garahe). Halimbawa:
  • 6. Saan ka pupunta? Sa Baguio. Saan ka ipinanganak? Sa Maynila. 3. Ang Pamaraan Nagsasaad kung paano ginaganap ang kilos at sumasagot sa tanong na paano. Panlapi + salitang-ugat na ang anyo’y pang-uri kaya lamang tinatawag na pang-abay sapagkat ang binibigay- turing ay mga pandiwa o pang-uri, tulad ng mahusay siya 9pang-uri dahil tinuturing ang siya) mahusay lumangoy (pang-abay dahil tinuturing ang langoy). Ginagamitan din ito ng katagang nang na nangangahulugan ng pamamaraan ng pagkaganap ng kilos. Halimbawa: Nakatulog siya nang padapa, maaari rin itong sabihing padapa siyang nakatulog. Samaktuwid, ang pa- kakabit ng salitang-ugat ay makapagpapahayag din ng pang-abay. Isa pang halimbawa ang patalikod siyang lumapit. 4. ANG PANGGAANO Nangangahulugan ito ng kalidad ng ipinahahayag ng kilos, sumasagot ito sa katanungang gaano. Bagama’t masasabi ring ang malamang ipakahulugan dito’y ang pagiging pang-uri. Halimbawa ang katamtaman lamang iyan (pang-uri ito dahil tumuturing sa iyan), kapag sinabing katamtamang kumain ang taong iyan. (Pang-abay na ito dahil kumain na ang tinuturingan.) Sa masusing pag-aaral ang mga pamaraan at panggaano’y may istruktural ng pang-uri kaya hindi magkaiba ang istruktura, lamang ay naiiba ang tinuturingan.
  • 7. II. MGA SALITANG PANGKAYARIAN Nahahati sa dalawang bahagi ang mga pangkayariang bahagi ng pananalita: ang mga pang-ugnay at ang mga pananda. Ang mga pananda’y tinatalaky na sa unang bahagi kaugnay ng mga pangalan at panghalip. Ang hindi na lamang natatalakay ay ang tinatawag na pananda ng predikeyt na walang iba kundi ang ay na tatalakayin sa dakong huli ng bahaging ito. A. ANG MGA PANG-UGNAY Nahahati sa pang-angkop o linker, pangatnig at pang-ukol ang mga pang-ugnay. Mahalaga sa pagbubuo ng mga pangungusap ang mga ito sapagkat ito ang nag-uugnay-ugnay sa mga nilalamang ipinahahayag sa unahan. Higit na nagging malinaw at maluwag ang pagbigkas ng mga pangungusap kapag may mga pang-ugnay. 1. Ang Pangatnig Pangatnig ang mga katagang nag-uugnay sa mga salita, parirala o sugnay. Maaaring panimbang o pantulong ang mga pangatnig. Ang Panimbanng – nag-uugnay ng magkatimbang na mga salita, parirala o sugnay. Binubuo ito ng at, pati, ngunit, datapwat, subakit, o, ni man, maging. Halimbawa: Ang arkitekto at ang inhinyero. Ang prusisyon pati ang parada. 2. Ang mga Pang-ukol/Preposisyon Ang mga tinatawag na preposisyon ay mga kataga lamang na masasabing iniuugnay sa lugar, direksyon at kinauukulan. Kasama na ito ng mga pang-abay na panlunan. Babanggitin na lamang dito ang mga bumubuo sa mga pang-ukol na kinabibilangan ng ayon sa, alinsunod sa, tungkol sa, ukol sa, laban sa. Kapag tinutukoy ang tao, ang sa’y napapalitan ng kay. Halimbawa: Ayon sa nagsisiyasat ang gumawa ng bilding ang maysala. Ayon kay Noel ang gumawa ng bilding ang maysala. 3. Ang mga Pang-angkop/Linker Dalawa ang anyo ng linker: na at -ng. Ginagamit ang na kapag ang salitang inuugnay ay nagtatapos sa katinig maliban sa n. Maaaring baligtarin ang salitang pinag-uugnay na hindi nababago ang kahulugan ngunit ang linker ay lagging nasa unang salita. May ilang pagkakataong di maaaring pagbaligtarin. Halimbawa: anim na piso hindi maaaring pisong anim. Ang -ng ay ginagamit kapag ang salitang iuugnay ay nagtatapos sa patinig. Kapag ang salita nama’y nagtatapos sa n kinakaltas ang n at ginagamit ang -ng. Maaring pag-ugnayin ang iba’t ibang salitang pangnilalaman. B. ANG MGA PANANDA Dalawang uri ng pananda: mga marker na siyang tagapagpakilala ng relasyon ng pangngalan sa mga bahagi ng pangungusap at ang ay na nagpapakita ng kaayusan ng pangungusap sapagkat ito ang nagpapakilala ng panaguri ng pangungusap kapag nauuna ang simuno sa panaguri na siyang kabaligtarang ayos sa istruktura ng pangungusap sa Filipino. Natalakay na ang iba’t ibang marker – ang, ng, sa at mga maaaring ipanghalili sa mga panandang ganito. Kaya ang panandang pampanaguri o predikeyt na lamang ang tatalakayin dito.
  • 8. Ang panandang Pampredikeyt Ay ang panandang pampredikeyt. Matatagpuan lamang ito sa pangungusap kung hindi normal ang ayos ng pangungusap. Sa Filipino, normal ang ayos ng pangungusap kung ang panaguri ang nauuna at nag simuno ang nahuhuli. Halimbawa: Normal: Panaguri + Simuno Gurang na ang lolo ni Johnny Bligtad: Simuno/Sabjek + Panandang + Panaguri/Predikeyt Ang lolo ni Johnny ay gurang na. Ang ay bagiging ‘y kapag ang nauunang salitang ikakabit sa predikeyt ay nagtatapos sa a, e, i, o, u, w. Kapag nagtatapos naman sa n nawawala ang n at ‘y ang inilalagay tulad ng : Ang baya’y inabot ng kalamidad. Pagbubuo Sa pagbubuo, lahat ng mga salitang may kabuluhan sa ganang sarili’y nabibilang sa mga salitang pangnilalaman at lahat ng mga katagang ang kahulugan ay depende lamang sa mga salitang kasama’y panrelasyon lamang. Nililinaw lamang ang relasyon ng mga sangkap ng pangungusap sa isa’t isa. Inihanda ni: Donna Delgado Oliverio, MATF Instructor Father Saturnino Urios University A.Y. 2020-2021, 1st Semester Ang mga araling ito ay sinaliksik at inayos upang magsilbing gabay ng mga mag-aaral na kumukuha ng GE 114 Balarila ng Wikang Filipino. Ilang mga impormasyon ay hinalaw sa iba’t ibang aklat na ginamit ng guro para sa asignaturang ito. MGA SANGGUNIANG AKLAT: Montera, Godfrey G. 2013. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Likha Publications: Cebu City. Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang Linggwistika. Rex Book Store: Quezon City. Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G.2003. Makabagong Balarilang Filipino.Rex Book Store: Manila City. Zamora, Nina Christina et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mutya Publishing, Inc.: Malabon City. Ugot, Irma V. 2005. Batayang Linggwistika. University of San Carlos Press: Cebu City. _______________. Manual sa Panimulang Linggwistika. Mindanao State University, Marawi City. _______________.2014.Ortograpiyang Pambansa.Komisyon ng Wikang Filipino:Manila City.