Ang araling ito ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng alomorp sa pag-aaral ng balarila. Itinatampok dito ang paraan kung paano binubuo ang salita sa pamamagitan ng paggamit nito. Bukod pa dito, ipinababatid din ang mga uri at kung paano ito nagbabago batay sa unang titik ng salitang-ugat.
1. PAMANTASAN NG FATHER SATURNINO URIOS
PROGRAMA NG SINING AT AGHAM
SANGAY NG PANGKATAUHAN
LUNGSOD NG BUTUAN
MGA ARALIN SA BALARILA SA WIKANG FILIPINO
MGA ALOMORP NG MORPEMA
Ang isang morpema ay maaaring magbago ng anyo dahil sa impluwensya ng kaligiran.
Halimbawa, ang morpemang [pang-] ay may tatlong anyo na tatawagin nating mga alomorp: [pang-],
[pam-] at [pan-]. Bawat alomorp ay may sariling distribusyon. Ginagamit ang alomorp na [pang-]
(walang pagbabago sa anyo) kung ang inuunlaping salita ay nagsisimula sa alinman sa mga ponemang
patinig na /a, e, i, o, u/ o alinman sa mga ponemang katinig na /k, g, ng, m, n, ng, w, y /; ginagamit
ang [pam-] kung ang inuunlaping salita ay nagsisimula sa /b/ o /p/, at ginagamit naman ang [pan-]
kung ang salitang inuunlapian ay nagsisimula sa alinman sa /d, l, r, s, t/.
Mga halimbawa:
pampito pangyarda pangngalan
pambansa pangwakas pang-ihaw
Tulad ng [pang-], ang panlaping [mang-] ay may mga alomorp din, ang [mang-], [mam-], at
[man-]; gayundin naman ang [sang-] at [sing-] na may kanya-kanya ring mga alomorp.
Halimbawa:
p t k ʔ
b d g
m n ŋ
s h
l
r
y w
pam- pan- pang-
mam- man- mang-
sim- sin- sing-
sam- san- sang-
Halimbawa:
1. Pandamit 2. Manggagamot 3. Sambayanan
= A.L + S.U = A.L + S.U + P2 = A.L + S.U +P.L
= [ pang -] + [damit] = [mang -] + [gamot] + ga2 = [sang-] + [bayan] + [-an]
= pangdamit ~ pandamit// = manggamot + ga2 = sangbayan + [-an]
= manggagamot// = sangbayanan ~ sambayanan//
2. 4. Magkasingkahulugan
= A.L + S.U + P.L
= [sing-] + [ kahulugan] + [magka-]
= singkahulugan + [magka-]
= magkasingkahulugan//
Gawain:
1. Salinggo
2. Manlalangoy
3. Pansadok
4. Pambata
5. Sangkatauhan
Inihanda ni:
Donna Delgado Oliverio, MATF
Instructor
Father Saturnino Urios University
A.Y. 2020-2021, 1st Semester
Ang mga araling ito ay sinaliksik at inayos upang magsilbing gabay ng mga mag-aaral na kumukuha ng GE 114
Balarila ng Wikang Filipino. Ilang mga impormasyon ay hinalaw sa iba’t ibang aklat na ginamit ng guro para sa asignaturang
ito.
MGA SANGGUNIANG AKLAT:
Montera, Godfrey G. 2013. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Likha Publications: Cebu City.
Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang Linggwistika. Rex Book Store: Quezon City.
Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G.2003. Makabagong Balarilang Filipino.Rex Book Store: Manila City.
Zamora, Nina Christina et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mutya Publishing, Inc.: Malabon City.
Ugot, Irma V. 2005. Batayang Linggwistika. University of San Carlos Press: Cebu City.
_______________. Manual sa Panimulang Linggwistika. Mindanao State University, Marawi City.
_______________. 2014.Ortograpiyang Pambansa.Komisyon ng Wikang Filipino:Manila City.