2. Panuto:Hanapin ang kahulugan ng
talasalitaan Sa
hanay A sa hanay B.
A.
1.Maitatatwa
2.Wagas
3.Kapanalig
4.Kapisanan
5.Mayumi
B.
A. Marahan, mahinay o
mahinhin
B. Isang uri ng samahan
samahang damayan o
unyon
C. Tumutukoy sa isang
indibidwal o grupo ng
mga tao na iyong
kasama o katulad.
D. Walang katapusan
E. Mapagtatawanan
3. Buod
Si kapitan Tiago ay isang lalaking bilugan ang mukha,
kayumanggi ang kulay, at hindi kataasan kung titingnan
sa pisikal na anyo. Ngunit kung susumahin sa kabuuang
pagtingin ng bayan ng San Diego, isa siya sa
pinakamayaman, malapit sa simbahan at sa
pamahalaan. Mahusay siyang makisama sa lahat ng tao,
mahirap man o mayaman, mangmang o edukado,
ordinaryong mamamayan o maging may tungkulin sa
lipunan at simbahan. Kilala bilang isang mabuting tao si
kapitan Tiago. Bagama’t hindi nakapag-aral dahil sa
kakuriputang taglay ng ama, natuto siya sa
pamamasukan sa isang paring Dominiko.
4. Buod
Pinagtiyagaan siyang turuan upang matuto
kapalit ay ang paninilbihan sa pari. Kahit na sa
pisikal ay maliit ang kanyang ulo, ang paniniwala
naman ng marami ay may angkin siyang husay at
talino. Napatunayan ito nang mapangasawa nya
si Donya Pia Alba, isang mayamang dalaga. Sa
sipag at tiyaga sa pangangalakal, napayabong
nilang mag-asawa ang kanilang kabuhayan.
Ngunit sa kanilang pagsama na umabot ng anim
na taon, hindi sila nabiyayaang magkaanak.
Mula sa payo ng kaibigan at
5. Kapanalig sa pananampalataya sa si Padre Damaso, nanalig silang
mag-asawa sa Birhen ng Obando upang sila’y mabiyayaan ng
supling. Hindi naglaon ay naglihi ang babae. Nagbunga ang
kanilang pananampalataya ng isang napakarikit sa sanggol na
pinangalanang Maria Clara. Naging malaking palaisipan ang
pananamlay ni Donya Pia Alba nang ito ay magdaangtao. Naging
malulungkutin ito at nanghina ang pangangatawan hanggang sa
dapunan ng malubhang karamdaman. Iyon ang naging dahilan ng
kanyang pagkasawi. Isang mestisang babae si Maris Clara,
maganda at mayuming binibini na hinahangaan ng kapwa babae
at lalaki.
6. Tunay ngang malapit si kapitan Tiago sa simbahan at
sa mga kaparian dahil nagagawa nitong tumbasan ng
salapi ang kabanalan. Nagagamit rin niya ang
kanyang salapi upang ipagdasal. Siya ay deboto rin ng
halos lahat ng mga santo at ang bahay niya ay puno
ng mga imahen. Hindi niya nalilimutan na
magpasalamat sa mga pari sa paraan ng pagbibigay
ng regalo at donasyon sa tuwing may okasyon. Ang
pagiging malapit rin niya sa pamahalaan ay hindi
maitatatwa dahil sa pagiging masunurin niya sa
batas. Maaalalahanin din siya sa mga opisyales sa
pagbibigay ng regalo sa lahat ng okasyon.
7. Ang kanyang pagiging malapit sa pamahalaan at
pakikipagmabutihan sa mga opisyales ang nagdulot ng usapin ng
mga taong bayan tungkol sa pagkakaluklok niya bilang kapitan ng
kapisanan ng mga mestiso gayong hindi naman siya mestiso.
Marami ang tumutol ngunit dahil sa kanyang katayuan sa lugar at
impluwensiya ay nakuha niya ang posisyon. Mula pagkasanggol ay
pinalaki si Maris Clara ng kanyang Tuya Isabel at sa pangangalaga ng
amang si Kapitan Tiago at amain na si Padre Damaso. Nakasanayan
na siyang maging anghel, Birhen o sagala sa tuwing may prusisyon
dahil sa taglay na katangian at kagandahan. Mamula-myla ang
kanyang buhok matangos ang ilong, may biloy sa pisngi at taglay ang
maputi at manipis na balat.
8. Pinaniniwalaan ni Tiya Isabel na ang sanhi ng pagiging mestisa ni Maria
Clara ay dahil sa ipinaglihi ito kay San Antonio. Walang minana si Maria
Clara kay Kapitan Tiago maliban sa pagiging maliit ang tainga. Anu’t
anuman ay labis ang naging pasasalamat ni Kapitan Tiago sa Obando dahil
sa pagmamahal at kabaliwan sa anak. Nang magkatorse anyos si Maria
Clara ay ipinadala siya sa beateryo ng Sta. Catalina. Tutol man ang
kalooban ni Maria Clara ay hindi niya nagawang suwayin ang kagustuhan
ng amaing sa Padre Damaso sa ipasok siya ng kumbento. Napahiwalay si
Maria sa kanyang ama at tiyahin, mga kaibigan at kababatang di
Crisostomo Ibarra. Iiang taon pa lamang ang nakalipas mula nang
napagpasyahan ng matalik na magkaibigang kapitan Tiago at Don Rafael
Ibarra na ang kani-kanilang mga anak ay ipakasal sa takdang panahon.
Naniniwala ang dalawa ng wagas ang pagmamahalan nina Crisostomo
Ibarra at Maria Clara.
9. Panuto:basahin ang mga katanungan at
sagutan, isulat ito sa kalahating papel.
1.Paano natuto si kapitan Tiago gayong hindi siya nakapag-aral?
2.Ano ang kulang sa matagumpay na pagsasama nina Kapitan Tiago at
Pia Alba?
3.Ano ang ipinayo kay Donya Pia Alba upang magkaanak?
4.Nang magk-atorse si Maria Clara ay saan siya ipinadala at bakit?
5.Ipaliwanag kung paanong nakilala si kapitan Tiago ng taong bayan
bilang malapit sa simbahan at pamahalaan?