3. z
SIMULA
Sa plasa ng Binondo ay nagpalakad-lakad si Ibarra at napansin
nito na wala man lang pinagbago ang kanyang bayan sa kabila
ng matagal na panahon niyang pangingibang-bansa. Tila wala
man lang ipinag-unlad ang bayang iyon.
4. z
Habang naglalakad ay palaisipan pa rin kay Ibarra ang sinapit
ng ama. Sinundan naman siya ni Tinyente upang kwentuhan ng
tungkol sa kanyang ama.
Si Don Rafael na ama ng binata ay isa sa pinakamayaman sa
bayan ng San Diego. Siya ay matulungin at marami ang
nagmamahal sa kanya.
5. z
Sa kabila ng pagiging mabait ay marami din umano ang naiinggit dito.
Kabilang na diyan ang mga pari sa simbahan sa pangunguna ni Padre
Damaso. Dahil dito, minabuti diumano ni Don Rafael na hindi
mangumpisal, bagay na lalong ikinagalit ng mga pari.
6. z
GITNA
May isang Kastila noon na walang kaalam-alam, palaboy, at
pinagkakatuwaan ng lahat na hinirang ni Don Rafael bilang
isang kolektor.
Isang araw ay ‘di nakapagpigil ang kolektor sa mga batang
nagtatawa sa kanya kaya naman inakma niyang saktan ang
mga ito.
7. z
Tumakbo ng mabilis ang mga bata ng nang hindi niya maabutan
ay ibinalibag niya ang baton at may tinamaang isa.
Natumba ang bata at walang-awang pinagsisipa ng artilyero.
Nakita ito ni Don Rafael kaya inawat niya ito.
Ayon sa mga sabi-sabi, sinaktan diumano ng Don ang Kastila
hanggang sa tumama ang ulo nito sa malaking bato.
8. z
Natulungan ni Don Rafael ang binata samantalang ang Kastila ay sumuka ng
dugo hanggang sa natuluyang mamatay.
Dahil sa pangayayaring iyon ay nagkaroon ng imbestigasyon ang mga gwardya
sibil. Ikinulong nila si Don Rafael at dito na naglabasan ang mga lihim niyang
kaaway.
Pinaratangan siya ng pagiging erehe at pilibustero, pangangamkam ng lupain at
iba pang ilegal na paraan sa pagpapayaman, ang pagbabasa ng El Correo de
Ultramar at iba pang ipinagbabawal na babasahin, pagtatago diumano ng mga
sulat at larawan mula sa isang binitay na pari, pakikipagkaibigan at pagkupkop
sa mga tulisan, at ang pagsusuot ng Barong Tagalog.
9. z
Nangawala at tumalikod ang mga dating kaibigan ng Don. Sa kabila ng
paniniwala ng taong bayan na si Tinyente Guevarra ay nasisiraan ng bait,
tanging siya na lamang ang naging kakampi ni Don Rafael.
Ayon sa pakiusap ng Don, ang Tinyente rin ang humanap ng Kastilang
abugado para dito. Sa kabila ng kahusayan ng abogado ay tumagal at
naging masalimuot ang kaso dahil na rin sa pagsulputan ng mga kalaban
ng Don.
Ang masaklap pa dito, hindi pa man tapos ang paglilitis ay nakakulong na
at nagdadanas ng hirap sa loob ng rehas si Don Rafael.
10. z
WAKAS
Dahil sa mga pangyayaring iyon ay labis na naapektuhan ang
Don kung kaya’t ito ay nagkasakit.
Tuluyang namatay sa bilangguan si Don Rafael. Wala man
lamang nakiramay na kapamilya o kaibigan ang nasirang Don
11. z
TANONG
1.SINO ANG AMA NI IBARRA?
2.MABAIT BA ANG AMA NI IBARRA?
3.ANO ANG KOMPLETONG PANGALAN NI IBARRA?
SUMAGOT NG MAY PAG-ASA KUNG TAMA AT WALANG PAG
ASA KUNG MALI.
1.ANG AMA NI IBARRA AY NAGING ISANG KOLEKTOR
2.SA WAKAS NG BINASA AY NAWALAN NG KAIBIGAN SI
DON RAFAEL IBARRA