2. Ito ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng
isang patinig (a,e,i,o,u) at isang malapatinig (w,y)
sa loob ng isang pantig. Ngunit kapag ang /y/ o
/w/ ay napapagitan sa dalawang patinig, ito ay
napapasama na sa sumusunod na patinig, kaya‟t
hindi na maituturing na diptonggo. Ang “iw”,
halimbawa, sa “aliw” ay diptonggo. Ngunit sa
“aliwan” ay hindi na ito maituturing na isang
diptonggo sapagkat ang “w” ay napagitan na sa
dalawang patinig. Ang magiging pagpapantig sa
“aliwan” ay a-li-wan at hindi a-liw-an.
4. Ang /iy/ sa kami‟y, halimbawa, ayaw tanggapin
ng iba bilang diptonggo sa katwirang dinaglat
lamang daw ang “ay” at ikinabit pagkatapos sa
“kami”. Paano raw ang kudlit („)? Linawain
nating hindi binibigkas ang kudlit, na ang ating
pinag-uusapan ay bigkas at hindi bantas.
Pansinin na ang magiging transkripsiyon ng
“kami‟y” ay /kamiy/. Dito ay litaw ang
diptonggong /iy/. Kung may salita tayong
maibibigay upang lumitaw ang /ew/at /uw/, may
pagdadaglat mang naganap o wala, tatanggapin
nating diptonggo ang mga ito
5. Tsart sa Pagbigkas ng Diptonggo
Harap
Sentral
Likod
Mataas
/iw/ , /ay/
/uy/
/ey/
/oy/
Gitna
Mababa
/aw/
/ay/
7. Ang pares na salita na magkaiba ng
kahulugan ngunit magkatulad na
magkatulad sa bigkas maliban sa isang
ponema sa magkatulad na pusisyon ay
tinatawag na pares minimal. Ito ay
ginagamit upang ipakita ang pagkokontrast
ng dalawang ponema sa magkatulad na
kaligiran.
8. Pansinin na ang mga ponemang /p/ at /b/ ay nasa
magkatulad na kaligiran – pala:bala. Nasa
magkatulad na kaligiran ang /p/ at /b/ sapagkat
magkatulad ang kanilang kinalalagyan – kapwa nasa
pusisyong inisyal: na kung aalisin ang /p/ at /b/ sa
mga salitang /pala at bala/, ang matitira ay dalawang
anyong magkatulad – ala at ala.
9. Sa ganitong kalagayan ay masasabi natin na ang
pagkakaiba sa kahulugan ng pala at bala ay dahil
sa mga ponemang /p/ at /b/ at hindi dahil sa alin
mang tunog sa dalawang salita. Kung gayon ang
/p/ at /b/ ay masasabing magkaibang ponema sa
Filipino sapagkat kapag inilagay sa magkatulad
na kaligiran na tulad nga ng pala at bala,
nagiging magkaiba ang kahulugan ng dalawang
salita.
10. Halimbawa ng pares-minimal upang ipakita ang dalawang
magkahiwalay na ponema
Inisyal
Midyal
Pinal
pala – bala
belo – bilo
sapat – sapad
ewan – iwan
tela – tila
talukap – talukab
sipag – hipag
ipa – iba
titik – titig
bangkay – langkay
botas – butas
sabaw – sabay
wari - yari
basag – bahag
ulan - ulang
12. Ang klaster ay ang dalawa o higit pang
magkakatabing katinig sa loob ng isang salita.
Katulad ito sa kambal-katinig sa Tagalog (mula
sa mga salitang KAMBAL o dalawa at
KATINIG). Subalit tanging yung dalawang
magkatabing katinig sa isang pantig o silabol
lamang ang ikinokonsider na ganito (sa
Tagalog). Walang kasing higit sa tatlong
magkakatabing konsonant sa isang silabol sa
Tagalog hindi tulad sa Filipino na posible ang
pagkakaroon ng tatlo hanggang apat.