Successfully reported this slideshow.
Your SlideShare is downloading. ×
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Upcoming SlideShare
Tula, elemento at uri nito
Tula, elemento at uri nito
Loading in …3
×

Check these out next

1 of 47 Ad

More Related Content

Slideshows for you (20)

Advertisement

Recently uploaded (20)

Tula

  1. 1. TULA
  2. 2. Mga Uri ng Tulang Lumaganap sa Panahon ng mga Espanyol
  3. 3. 1. Korido – Ito ay mga tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig sa taludtod at nagtataglay ng mga paksang kababalaghan at malaalamat na karamiha’y hiram at halaw sa paksang europeo na dala rito ng mga Espanyol.
  4. 4. Jose Dela Cruz Nakilala bilang isa sa mga sikat na manunulat ng Korido. Ananias Zorilla Halimabawa: - Ibong Adarna
  5. 5. 2. Awit – Ito ay isang tulang romansa (metrical romance) na may sukat na labindalawang pantig bawat taludtod na kalimitang ang pangunahing paksa ay patungkol sa bayani at mandirigma at larawan ng buhay.
  6. 6. Halimbawa: Florante at Laura ni Francisco Baltazar (isa sa pinakatanyag na awit na lumaganap sa bansa. )
  7. 7. Pagkakaiba ng Awit at Korido Pamantayan Awit Korido Batay sa Anyo Binubo ng 12 pantig sa loob ng isang taludturan, apat na taludtod sa isang taludturan. Binubuo ng walong pantig sa loob ng isang taludtod at apat na taludtod sa isang taludturan.
  8. 8. Pagkakaiba ng Awit at Korido Pamantayan Awit Korido Musika Mabagal na tinatawag na andante. Mabilis na tinatawag na allegro. Paksa Tungkol sa bayani at mandirigma at larawan ng buhay. Tungkol sa pananampalat aya , alamat, at kababalaghan.
  9. 9. Pagkakaiba ng Awit at Korido Pamantayan Awit Korido Katangian ng mga Tauhan Walang taglay na kapangyarihang supernatural ngunit nahaharap din sa pakikipagsapala ran ngunit higit na makatotohanan o hango sa tunay na buhay. May kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa ng mga kababalaghan na hindi magagawa ng karaniwang tao.
  10. 10. Pagkakaiba ng Awit at Korido Pamantayan Awit Korido Mga Halimbawa - Florante at Laura - Pitong Infantes de Lara - Doce Pares ng Pransya - Haring Patay - Ang Ibong Adarna - Kabayong Tabla - Ang Dama Ines - Prinsipe Florinio
  11. 11. 3. Tulang Patnigan (Justice Poetry) - Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng magkatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula. Ito ay paligsahan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino at tulain. Ang tulang ito ay may iba’t ibang uri gaya ng mga sumusunod: a. Karagatan – Isang paligsahan sa tula na kalimitang nilalaro sa mga luksang lamayan o pagtitipong parangal sa isang yumao na bago pa man dumating ang mga Espanyol ay ginagawa na ng ating mga ninuno.
  12. 12. 3. Tulang Patnigan (Justice Poetry) Paksa: “Patungkol sa isang dalaga na di umano’y nahulog sa gitna ng karagatan.” Binubuo ng mga saknong na apatang taludtod at labindalawang pantig. Mainam kaysa sa duplo. (Nagtataglay ito ng mga malulundong talinghaga at malalim na palaisipan.)
  13. 13. 3. Tulang Patnigan (Justice Poetry) b. Duplo – Ito ay pagtatalo rin na ginagamitan ng tula at kahusayan sa pagbigkas. Ang mga katwirang ginagamit dito ay karaniwang hango sa mga salawikaan, kawikaan, at kasabihan. Pinasisimulan ang paligsahang ito sa pamamagitan ng pag-usal ng isang “Ama Namin,” isang “Aba Ginoong Maria,” at isang “Rekyemeternum,” para sa kaluluwa ng yumaong pinararangalan. c. Balagtasan – Sa isang pulong na dinaluhan ng mga makata sa Instituto de Mujeres sumilang ang uring ito ng panulaang Tagalog.
  14. 14. Halimbawa: 3. Tulang Patnigan (Justice Poetry) Bulalak ng Kalinis-linisan ni Jose Corazon De Jesus at Francisco T. Collantes Bubuyog – Francisco T. Collantes Paruparo – Jose Corazon De Jesus Bulaklak – Soña Enriquez Lakandiwa – Lope K. Santos
  15. 15. 4. Batutian - Bilang pagpaparangal sa yumaong Jose Corazon de Jesus ay sumilang ang isang bagong anyo ng tulang patnigan nong 1933 sa mga dahon ng Magasing Batute sa panulat ni G. Fernando B. Manleon na katulong na patnugot noon ng nasabing magasin. Ang pinagkaiba nito sa balagtasan ay pagkamapang-uroy nito. Ang pangunahing layunin nito ay makapagbigay ng aliw sa mga nakikinig o bumabasa sa pamamagitan ng katawa-tawa ngunit makatotoong mga kayabangan, Pnunudyo, at palaisipan.
  16. 16. Ano nga ba ang TULA? Ang tula ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating sa ating damdamin, at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw. Ito ay naiiba sa ibang sangay ng panitikan sapagkat ito ay nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, pagbilang ng mga pantig, at paggamit ng magkakatugmang salita upang madama ang isang damdamin o kaisipang nais ipahayag ng isang manunulat.
  17. 17. SUKAT – Ito ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtodng saknong. I/ pa/ han/ dog/ -han/ dog/ ang/ bu/ ong/ 1 2 3 4 5 6 7 8 9 pag/ -i/ big 10 11 12 At/ hang/ gang/ may/ du/ go’y/ u/ bu/ sing/ 1 2 3 4 5 6 7 8 9 i/ ti/ gis, 10 11 12
  18. 18. Kung/ sa/ pag/ ta/ tang/ gol/, bu/ hay/ 1 2 3 4 5 6 7 8 ay/ ma/ pa/ tid, 9 10 11 12 i/ to’y/ ka/ pa/ la/ ran/ at/ tu/ nay/ na/ 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 La/ ngit. 11 12 Ang saglit na tigil na ito ay tinatawag na Sesura.
  19. 19. TUGMA - Ang pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa dula ng panghuling salita ng taludtod. a. Ganap ang tugma kapag nagkakapareho ang tunog o titik ng huling salita sa bawat taludtod, Halimbawa: Bakit? Alin ito na sakdal ng laki na hinandugan ng buong pagkasi na sa lalong mahal makapangyayari at ginugugulan ng buhay na iiwi?
  20. 20. TUGMA b. Di-ganap ang tugma kapag magkapareho lamang ng tunog ang huling salita sa bawat taludtod, ngunit magkakaiba ang titik. Halimbawa: Walang mahalagang hindi inihandog ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop, dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod. Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.
  21. 21. 3. Talinghaga (Paggamit ng Tayutay) - Ito ay sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang maging kaakit-akit at mabisa ang pagpapahayag.
  22. 22. a. Pagtutulad (Simile) - paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng mga pariralang katulad ng, gaya ng, at iba pa. Halimbawa: Bayang Pilipinas katulad ng mamahaling hiyas Ang iyong kalayaan ay ingatan kapag iyong namalas.
  23. 23. b. Pagwawangis (Metaphor) - naghahambing din ito tulad ng pagtutulad ngunit ito ay tiyakang naghahambing at hindi gumagamit ng pariralang tulad ng, gaya ng at iba pa. Halimbawa: Ang Pilipinas ay perlas ng kagandahan
  24. 24. c. Pagmamalabis (Hyperbole) - lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao, bagay, o pangyayari. Halimbawa: Bumaha ng dugo Na ang bayan ay lumaya
  25. 25. d. Pagbibigay-katauhan (Personification) - pagbibigay-katangian ng isang tao sa isang bagay na walang buhay. Halimbawa: Ang baya’y umiiyak dahil ito’y may tanikala.
  26. 26. e. Pagpapalit-saklaw (Synechdoche) - ito ay pagpapahayag sa pamamagitan ng pagbanngit sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuoan. Halimbawa: Maraming puso ang nadurog Nang ang Pilipinas ay nasakop
  27. 27. f. Pagtawag (Apostrophe) - Ito naman ay ang tila pakikipag-usap sa karaniwang bagay na malayo o wala naman. Halimbawa: O aking bayan, ang kaunlaran mo, Ang madalas sa Diyos isinasamo.
  28. 28. g. Pag-uyam (Irony) - ito ay isang pangungutya sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang kapuri-puri ngunit kabaligtaran naman ang kahulugan. Halimbawa: Ang bayan natin ay malaya, Kaya’t mga dayuhan ang namamalakaya.
  29. 29. 4. Larawang-diwa (Imagery) - ito ay ang mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. Halimbawa: Kung ang bayang ito’y mapapasa-panganib At siya ay dapat na ipagtangkilik, Ang anak, asawa, magulang kapatid, Isang tawag niya’y tatalikdang pilit
  30. 30. 5. Simbolismo (Symbol) - ito ang mga salita sa tula na may kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa. Halimbawa: puno – buhay ilaw – pag-asa tinik – pagsubok / hirap Bathala - Panginoon
  31. 31. 6. Kariktan - Pagsasama-sama ng mga katangiang nagpapatingkad sa katangian ng tula at pumupukaw sa mayamang imahinasyon ng bumabasa.
  32. 32. Mga Uri ng Taludturan Kapag ang taludtod ng isang tula ay pinangkat-pangkat ayon sa pinagkaugalian nang ayos, ang bawat pangkat na ito ay tinatawag na taludturan. Ayon sa aklat na Panulaang Tagalog ni Jose Villa Panganiban, may iba’t ibang tawag sa taludturan depende sa dami ng taludtod na bumubuo rito. Isa sa mga katangian ng tula ay ang pagkakaroon nito ng mga taludtod.
  33. 33. o Kopla – Ito ang tawag kapag ang taludtod ay pinangkat sa dalawahan. o Triplet – Kung ang taludturan ay binubuo ng tatlong taludtod. o Quatrain – Ito ay taludturang may apat na taludtod. o May mga taludturang binubuo ng limang taludtod. o Sextet – Ito ang tawag sa taludturang may anim na taludtod. o Soneto – Ito naman ay tulang binubuo ng labing-apat na taludtod.
  34. 34. Ang tula naman batay sa kayarian ng taludturan ay maaaring uriin sa tatlo: • May Sukat at May Tugmang Taludturan – Ang tugmaan sa hulihan ng taludtod ay maaaring: a-a-a-a a- b-a-b a-b-b-a a-a-b-b
  35. 35. Malayang Taludturan - Ito ang makabagong kayarian ng mga tulang walang sukatb at tugma. Di-tugmang Taludturan (Blank Verse) - Ito ay tulang may sukat subalit walang tugma.
  36. 36. Mga Patnubay sa Pagbigkas ng Tula
  37. 37. 1. Layunin 2. Pagkakaugnay ng Mambibigkas sa Madla 3. Tikas 4. Panuonan ng Paningin 5. Tinig 6. Himig 7. Pagbigkas 8. Pagkumpas
  38. 38. Sa pagbuo ng tula ay mahalagang maging maingat sa pagpili ng mga salitang gagamitin sa pabuo nito. Dapat na isaalang-alang sa pagpili ng salitang gagamitin sa pagbuo ng tula ang edad ng magbabasa o makikinig ng tulang gagawin. Pagpili ng angkop na Salita sa Pagbuo ng Tula
  39. 39. Pagpili ng angkop na Salita sa Pagbuo ng Tula
  40. 40. Kung pambata ang tula ay mga salitang maunanawaan ng bata ang iyong gagamitin. Kung ito’y para sa kabataan o matatanda maaring gumamit ng mga salita ayon sa kanilang mga lengguwahe. Sa pagbuo ng tula, mahalagang maging malawak ang iyong kaalaman sa kahulugan ng mga salita. Ito ay nakatutulong upang mapanatili ang kariktan at kasiningan ng tulang bubuoin. Ang kahulugan ng mga salitang ay makikilala ayon sa…….
  41. 41. 1. Kasingkahulugan o Kasalungat • Maipaparating ang mensaheng nais sabihin sa tulang gagawin. • Sa paggamit ng magkasingkahuluggan o pareho ang ibig sabihin ay makapagpapatibay sa mensahe ng tula. • Ang paggamit naman ng mga salitang magkasalungat o hindi pareho ang ibig sabihin ay nakatutulong upang maipakita ang ugnayang nais ipahayag sa tula.
  42. 42. 1. Kasingkahulugan o Kasalungat - Maipaparating ang mensaheng nais sabihin sa tulang gagawin. Kasingkahulugan Sa paggamit ng magkasingkahulu gan o pareho ang ibig sabihin ay makapagpapatib ay sa mensahe ng tula. Kasalungat  Ang paggamit naman ng mga salitang magkasalungat o hindi pareho ang ibig sabihin ay nakatutulong upang maipakita ang ugnayang nais ipahayag sa tula.
  43. 43.  Balat Sibuyas – Maramdamin  Basang sisiw – kaawa-awa; api  Buto’t balat – payat na payat  Huling hantungan – libingan  Ikapitong langit – malaking katuwaan  Laylay ang balikat – nabigo  Magbilang ng poste – walang trabaho  Magdildil ng asin – maghirap  Mahaba ang pisi – pasensyoso  Pabalat – bunga – hindi totoo 2. Idyoma Sa pamamagitan ng idyoma ay nakakilala ang yaman ng isang wika. Naririto ang halimbawa ng mga idyoma at mga kahulugan nito.
  44. 44. Ito ang dalawang dimensyon sa pagpapakahulugan ng mga salita. KONOTASYON Karaniwang kahulugan dala ng diksyonaryo o salitang ginagamit sa pangkarinawan o simpleng pahayag. DENOTASYON May dalang ibang kahulugan o maaaring pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa karaniwang pakahulugan.
  45. 45. Halimbawa: KONOTASYON  Ang ganda ng bulaklak sa kaniyang halamanan. (bahagi ng isang halaman na karaniwan ay makulay)  Lumaki na ang punong itinanim ko sa aming likod-bahay. (halamang lumalaki ng mataas) DENOTASYON  Maraming magagandang bulaklak sa aming paaralan. (babae)  Ang kaniyang anak ay mabait. Nanggaling kasi sa mabuting puno. (magulang/angkan)
  46. 46. Tindi ng Kahulugan o Clining Ito ay pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o tindi ng kahulugang nais ipahiwatig.
  47. 47. Poot (matinding galit na halos gusto nang makapanakit) Suklam (matinding galit sa dibdib na matagal bago mawala) Galit (tumatagal na inis) Inis (tumatagal na tampo) Tampo (munting galit na madaling mawala) Pikon (damdamin ng pagkagalit bunga ng maliit na bagay lamang)

×