SlideShare a Scribd company logo
KABANATA 2
KALIKASAN AT ISTRUKTURA NG
WIKA
2.1 GRAMMAR AT LINGGWISTIKA
Sa makabagong pag-aaral ng wika, dapat pag-ukulan ng pansin ang
linggwistika. Ang wastong paglalapat ng mga tuntunin ng wika. Dito
kailangan ang puspusang pag-aaral at pagsusuri ng bawat tunog
(ponema), letra (grapema), yunit ng salita (morpema), salita
(leksika), pangungusap (sintaks), at pagpapahayag (diskors). Ang
linggwistika ay sining ng pag-aaral ng wika samantalang ang grammar ay
pagtalakay sa kalikasan at anyo ng wikang Filipino.
LINGGWISTIKA
Linggwistika ang tawag sa masistema at maka-agham na pag-aaral sa
wika. Ang mga taong nakakapagsasalita ng iba't ibang lenggwahe, tatlo o
higit pang wika ay itinuturing natin na "polyglot", at sila ang mga taong
may kakayahang makapag aral at makapagdalubhasa sa larangan ng
wika.
John michael magno
Ang kasaysayan ng linggwistika sa Pilipinas ay may tatlong
panahon, ayon sa aklat ni Alfonso Santiago (2002), at ito ay ang mga
sumusunod.
• Panahon ng Kastila
• Panahon ng mga Amerikano
• Panahon ng kalayaan
2.2 BALANGKAS AT LINGGWISTIKA
PONOLOHIYA MORPOLOHIYA SINTAKS
Makabuluhang
Tunog
Salitang-ugat
Panlapi
Ponema
Pangungusap
Sugnay
Parirala
D
I
S
K
O
R
S
Ponolohiya
Ang ponolohiya ay nagmula sa salitang griyego na "phono"na nangangahulugang tunog o tinig at "logia" na
nangangahulugan namang diskurso teorya o siyentipiko.
Ang ponolohiya o palatunugan ay ang pag-aaral ng wastong bigkas ng mga ponema. Ito ay kumbinasyon ng
mga tunog upang makabuo ng isang salita.
Bawat wika ay may sariling tunog na Sinusunod batay sa paraan ng pagsasaayos nito para ihayag ang iniisip
o nadarama. Ang mga tunog na ito sa lalamunan at bibig ay siyang ginagamit para ihayag ang anumang nais sabihin.
Ang mga tunog na ito ay tinatawag na fown o mga speech sounds na ginagamit sa pagsasalita.
Tulad ng alinmang wika, ang Filipino ay binubuo ng iba't ibang tunog na nalilikha sa pamamagitan ng
pagsasalita. Fonetiks ang tawag sa sangay na ito ng linggwistiks.
TATLONG SALIK NA KINAKAILANGAN PARA MAKAPAGPRODYUS NG TUNOG
1. Pinanggagalingang lakas o enerhiya - ito ang gumagawa ng puwersa on presyon na nagpapalabas ng hangin na galing sa
baga.
2. Artikulador - bagay na nagpapagalaw sa hangin na lumilikha ng mga tunog.
3. Resonador - sumasala at nagmomodipika ng mga tunog patungong bibig.
Enerhiya
Resonador
Artikulador
Ponema –
ito ay salitang Griyego na "phonema" o "phone" na ibig
sabihin ay tunog. Ang pinakamaliit na yunit ng tunog ay nakapag-
papabago ng kahulugan ng salita.
2.3 PRINSIPAL NA SANGKAP SA PAGSASALITA
1. Dila at panga (sa ibaba)
2. Ngipin at labi (sa unahan) Tsart ng mga Ponemang Katinig
3. Matigas na ngala-ngala (sa itaas)
4. Malambot na ngala-ngala (sa likod)
2.5 PONEMANG SEGMENTAL
Ang Filipino ay may 21 ponemang segmental - 16 sa mga ito ay katinig at lima naman ang patinig. Mga Katinig - /b, k,
d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y, ?/. Mga patinig a, e, i, o, u, .
PARES-MINIMAL
Pares ng mga salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban lamang sa isang
ponema sa magkatulad na posisyon.
Pasa = /pasa'/'bruise’
Tandaan:
• Magkaparehong kaligiran ang mga ponemang /p/ at /b/(ponemang panlabi) gayundin ang /g/ at /k/(ponemang velar)
. Hindi pa masasabi sa wikang Filipino na magkaibang ponema ang /p/ at /f/ sapagkat may mga salita na nagtataglay ng
ponemang ito sa magkatulad na magkatulad na kaligiran gayundin ang bigkas tulad ng kape at kafe. Subalit sa wikang
Ingles, kitang-kita na magkaibang ponema ang mga ito tulad ng pin at fin, pan at fan.
PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN .
Pares ng salita na katatagpuan ng magkaibang ponema sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nakakaapekto o
nakapagpapabago ng kahulugang taglay ng mga salita:
Halimbawa:
Lalaki = lalake Estruktura = istruktura
DIPTONGGO
Tumutukoy sa alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /w/o/y/sa loob ng isang pantig.
Sayaw giliw langoy apoy
KLASTER
- Sunuran ng dalawa o higit pang katinig na matatagpuan sa loob ng isang pantig na maaaring sa inisyal o pinal na posisyon
- Tumutukoy sa magkasunod na tunog katinig
- Halimbawa: unahan: drama, blusa gitna: eskwela, sombrero hulihan: nars, rekord
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng titik o letra sa pagsulat. Inihuhudyat ito ng mga notasyong
ponemik upang matukoy ang paraan ng pagbigkas ng isang salita o isang pahayag
1. INTONASYON, TONO AT PUNTO
Intonasyon - pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, maaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag
Tono - nakatuon sa paraan ng pagbigkas o pagsasalita na nagpapahayag ng matinding damdamin na maaaring malambing,
pagalit, marahan at iba pa.
Tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at mataas na tono.
* maaaring gamitin ang blg. 1 sa mababa, blg. 2 sa katamtaman at blg. 3 samataas.
halimbawa ng salita:
Halimbawa:
2. HABA AT DIIN
Haba - tumutukoy sa haba o ikli ng bigkas sa patinig ng pantig ng salita.
bu.kas = nangangahulugang susunod na araw
bukas = hindi sarado
Diin - paglakas o paghina ng bigkas sa pantig ng isang salita.
BU:hay = kapalaran ng tao
bu:HAY = humihinga pa
LA:mang = natatangi
la:MANG = nakahihigit; nangunguna
3. ANTALA AT HINTO - ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipabatid:
Hindi ako ang may kasalanan
Hindi, ako ang may kasalanan
2.6 MORPOLOHIYA
May kinalaman sa pagbuo ng salita o maka-agham na
pag-aaral ng mga morpema.
Mga paraan ng pagbuo ng salita
a. paggamit ng salitang ugat
b. paglalapi
c. pag-uulit
d. Pagtatambal
Mga pagbabagong morpoponemiko
1. asimilasyong parsyal
Ang/ng/ ay nagiging /m/ kung ang salitang ugat ay nagsisimula sa /p/ o /b/
Halimbawa:
Pang + paaralan = pampaaralan
Pang + bayan = pambayan
Ang /ng/ ay nagiging /n/ kung ang salitang ugat ay nagsisimula sa mga letrang /d, 1, r, s, t/.
Halimbawa:
Pang + dikdik = pandikdik
Pang + taksi = pantaksi John michael magno
2. asimilasyong ganap
Bukod sa napapalitan ang /ng/ nawawala pa rin ang unang ponema ng nilalapiang salita.
Halimbawa:
Pang + palo > pampalo = pamalo
Pang + tali > pantali = panali
3. pagpapalit
May mga ponemang nagbabago o napapalitan sa pagbubuo ng mga salita.
/d/>/r/ hal.
Halimbawa:
Ma + dapat = marapat
Ma + dunong = marunong
John michael magno
/o/>/u/ hal. dugo + an = duguan
Liko + an = likuan
4. pagkakaltas
Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang ugat ay nawawala
sa paghuhulapi nito.
Halimbawa: takip + an > takipan = takpan
Kitil + in > kitilin = kitlin
5. metatesis
Kapag ang salitang- ugat na nagsisimula sa /1/o/y/ ay nilalagyan ng gitlaping-in-, ang/i/at/n/ ay
nagkakapalitan ng pusisyon.
Halimbawa: * - in - + lipad = linipad ----- nilipad
* - in + yaya = yinaya ----- niyaya
May mga salitang nagkakaroon pa ng pagkakaltas ng ponema bukod sa pagkakapit ng pusisyon ng
dalawang ponema.
Halimbawa: * atip + an = atipan ---- aptan
* tanim + an = tani man ---- tamnan
Yves Rosales
6. paglilipat – diin
May mga salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian. Maaring malipat ng isa o dalawang pantig
ang diin patungong huling pantig o maaaring malipat ng pantig patungong unahan ng salita.
Halimbawa: * ba’sa + hin = basa'hin
* Ka + sa’ma + han = kasamaha’n
* laro’ + -an = larua’n (lugar)
7. Reduplikasyon
Pag-uulit ng pantig ng salita. Ang pag-uulit na ito ay maaaring magpahiwatig ng kilos na
ginagawa o gagawin pa lamang, tagagawa ng kilos o pagpaparami.
Halimbawa:
* aalis matataas magtataho
* pupunta masasaya naglalakad
2.7 SINTAKS
Sangay ito ng linggwistikang nakatuon sa pagbuo ng pangungusap. Pinag-aaralan dito ang
pgsasama-sama ng mga salita para makabuo ng isang kaisipang kompleto ang diwa.
MGA URI NG PANGUNGUSAP AYON SA KAYARIAN
1. Payak
Nagtataglay ang pangungusap na ito ng isang diwa. Maari itong magkaroon ng isang
paksa at isang panaguri lamang; dalawang paksa o isang panaguri; isang paksa at
dalawang panaguri
Halimbawa: May ilang mambabatas ang iniimbestigahan dahil sa nagawang katiwalian.
2. Tambalan
Ang pangungusap na ito ay may dalawa o higit pang sugnay na nakapag iisa (may
kompletong diwa). Karaniwan itong gumagamit ng pangatnig. (at, ngunit, subalit,
datapwa't, habang, samantalang)
Halimbawa: Si Angel Locsin ay mahusay gumanap samantalang si Sarah G. ay magaling
umawit.
3. Hugnayan
Nagtataglay ang pangungusap na ito ng isang sugnay na makapag-iisa (may
kumpletong diwa) at sugnay na di nakapag-iisa. (hindi kumpleto ang diwa) Karaniwan
itong ginagamitan ng pangatnig na upang, dahil at sapagkat.
Halimbawa: Upang makapagtapos siya sa kanyang pag-aaral, namasukan si George na
dyanitor sa eskwelahan.
4. Langkapan
Binubuo ito ng dalawa o higit pang sugnay na nakapag-iisa (may kompletong
diwa) at isa o higit pang sugnay na di nakapag-iisa (hindi kompleto ang diwa).
Halimbawa: Ang mga katiwalian sa Kongreso ay iniimbestigahan na at napag
alamang may ilang mambabatas, na posibleng nagwaldas ng pondo ng bayan kaya
sila ay sasampahan ng pormal na kaso.
2.8 MGA PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA
1. Eksistensiyal
Nagpapahayag ngpagkakaroon ng isang bagay. Pinangungunahan ito ng
salitang mayroon o may.
Halimbawa: May kanin pa, May pulong, Mayroon pa,
2. Maikling Sambitla
Mga kataga na may isa o dalawang pantig lamang na nagiging unang
bukang-bibig, kapag nasa sitwasyong may matinding damdamin.
Halimbawa: Naku!, Aray!, Ouch!
Halimbawa ng mga Sambitla:
a. Sambitlang panaway
Ate! Kuya!
b. Sambitlang nagsasaad ng damdamin
Aray! Naku po!
c. Sambitlang panagot sa tanong
Opo! Hindi po!
d. Sambitla ng pagtawag
Halika! Halina!
e. Sambitla ng matinding damdamin
Sunog!
f. Sambitlang pautos
Pakiabot! Alis!
g. Formulasyong panlipunan
Magandang gabi po! Tao po!
h. Pangungusap na pamanahon
Kumikidlat Umuulan
i. Pangungusap na eksistensyal
Walang tao Mayroon
j. Pahanga
Wow! Hanep!
3. Mga Pangungusap na Walang Paksa
a. Pahanga - mga kataga na may isa o dalawang pantig lamang na ginagamit sa
pagpapahayag ng matinding pagkamangha o panggigilalas.
Halimbawa: Wow! Hanep!
b. Pamanahon - pangungusap na nagsasaad ng oras o naglalarawan sa kalagayan ng
kalikasan.
Halimbawa: Bukas-makalawa, Bumabagyo dali!
Ang pangungusap salita o lipon ng salita na may buong diwa. Sa katuturan na isang
salita ay maaaring isang pangungusap kung ito ay may buong diwa gayon din ang mga
sambitla.
Pangungusap na may panaguri at paksa:
Bahagi ng pangungusap
1. Simuno/Paksa - bagay na pinag-uusapan sa pangungusap. Ang maaaring maging paksa ng
pangungusap ay:
a. Pangalan; Mahalin natin ang ating bayan.
b. Panghalip; Sila ay mga marino.
c. Pang-uri; Ang mga mahuhusay ay magtatagumpay.
d. Pang-abay; Ang dito ay maiiwan sa "conference room".
e. Pandiwa; Ang gumagawa ng masama ay di nagtatagumpay.
f. Pawatas; Ang magtutulungan ay makagagaan sa Gawain.
2. Panaguri ng pangungusap
a. Pangalan : Filipino ang wika ko.
b. Panghalip : Sila ang dapat tularan.
c. Pang-uri : Masisipag ang mga Pilipinong marino.
d. Pang-abay : Bukas ang pag-uulat ng unang pangkat.
e. Pandiwa : Nagpapahinga ang kapitan ng barko.
f. Panaguring parirala : Pagbababa ng angkla ang trabaho niyo.
PAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP
Napapalawak ang pangungusap sa pamamagitan ng paggamit ng paningit,
panuring, (pang-uri at pang-abay) at kaganapan ng pandiwa.
1. Mga paningit ang tawag sa mga katagang isinasama sa mga pangungusap upang
higit na maging malinaw ang kahulugan nito.
Halimbawa ng mga paningit:
Ba sana naman
Na kaya lamang
Ho nga daw
Kasi man rin
Din yata pala
• Ang mga katagang "ka", "ko", at "mo" ay maaring manguna sa paningit.
• Ang rin at raw ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa
patinig at malapatinig na "w" at "y".
• Ang din at daw ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa
katinig maliban sa "w" at "y".
Halimbawa:
May bahay rin sa Cainta sina Femay.
Si Francine ay katulad mo ring maganda at tahimik.
2. Mga Panuring (pang-uri at pang-abay), bilang pampalawak.
Halimbawa:
Batayang pangungusap
Ang atleta ay iskolar.
Yves Rosales
a. Pagpapalawak sa pamamagitan ng karaniwang pang-uri.
Halimbawa: Ang maliksing atleta ay iskolar.
3. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pariralang panuring.
• Ang maliksing atleta sa paaralan namin ay iskolar.
• Ang maliksing atleta sa basketbol ay iskolar.
• Ang maliksing atleta ng basketbol na mahusay magtalumpati ay iskolar ng palakasan sa pamantasan.
4. Pagpapalawak sa pamamagitan ng ibang bahagi ng pananalita na gumaganap ng tungkulin ng pang-uri.
5. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang tagatanggap.
Naghanda si Lola Pat para sa mga bata.
6. Pagpapalawak sa pamamagitan sa kaganapang taga-tanggap ng kilos ng pandiwa.
Binugbog ni Manny Paquiao ang kanyang
a. Pangngalang ginagamit na panuring. Ang mananayaw na dalaga ay artista.
Ang mananayaw na dalagang iyon.
b. Panghalip na ginagamit na panuring. "ay artista"
c. Pandiwang ginagamit na panuring
Ang mananayaw na dalagang iyon na kumakanta ay artista.
7. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pang-abay batayang pangungusap.
Lumalakad ang magkapatid.
Anthony Sevilla
8. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pang-abay na pamanahon.
Lumakad agad ang magkapatid.
Banayad na lumakad ang magkapatid.
Mga kaganapan ng Pandiwa bilang Pagpapalawak
a. Kaganapan ng kilos ng pandiwa
Halimbawa: Naglanguyan ang mag-anak sa dagat.
b. Kaganapang na gamit sa kilos ng pandiwa
Halimbawa: Pinuksaniya ang mga insekto sa kanyang pananim sa pamamagitan ng paggamit ng bagong kemikal.
c. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang direksyunal.
Halimbawa: Tumakbo ang magnanakaw patungo sa madilim na kalye na iyon.
9. Pagpapalawak ng pangungusap sa pamamagitan ng sanhi. Halimbawa: Nanalo siya dahil sa tiyaga at sipag sa pag-
iinsayo.
10. Pagpalawak sa pamamagitan ng kaganapang layon.
Halimbawa: Namili ng bukirin si Donya Mary sa kanyang kalaban.
Periferal na Istruktura: Paraan ng Pagpapahaba ng pangungusap.
Ang pangungusap ay maaaring pahabain sa iba't ibang kaparaanan. Maaaring pahabain ang simuno't
panaguri sa iba't ibang paraan.
Ang Pagpapahaba ng Panaguri.
1. Pagpapahaba sa pag-gamit ng direksyunal.
Ipinagkaloob sa mahirap ang donasyon
Dumalaw sa ina ang anak.
2. Pagpapahaba sa pag-gamit ng lokatib.
Naglaba sa sapa si nikki
Magpupulong sa Manila Hotel ang mga senador.
3.Sa pag-gamit ng mga katagang nagpapahayag ng;
Pag-aagam-agam tulad ng tila, baka, yata, marahil.
Ikaw yata ang magsasalita.
a. Mga kataga tulad ng lamang, sana, pa, daw (raw), din (rin), pala, muli, na man atbp.
Ikaw pala ang nanalo
b. Panahon tulad ng kahapon, ngayon, bukas atbp.
Kahapon dumating ang pangulo.
c. Direksyon o pook tulad ng sa paaralan, sa tabi, sa ibabaw, sa ilalim.
Nagtungo sa paaralan ang mag-aaral.
Umupo sa ibabaw ng mesa ang bata.
4. Kaganapan o komplemento tulad ng:
a. Gol na pinangungunahan ng (ng).
Bumuli ng gamot ang anak.
Naglaba ng lampin si Annie.
b. Benepaktib na pinangungunahan ng (para sa/kay).
Namili ang anak para sa ina.
Nagluto ang kusinero para sa bisita.
c. Kosatib na pinangungunahan ng (dahil sa).
Nahihilo siya dahil sa gutom.
Natuwa siya dahil sa panalo.
d. Instrumental na pinangungunahan ng (sa pamamagitan ng).
Kumain si Nestor sa pamamagitan ng kamay.
Nagluto siya sa pamamagitan ng kahoy.
2.9 ISTANDARDISASYON AT INTELEKTUWALISASYON NG WIKANG FILIPINO
Sa paglipas ng panahon, patuloy na nagbabago at magbabago ang lahat ng bagay sa mundo. Hindi lamang
ang teknolohiya kundi pati na rin ang wika na siyang pinakapangunahing instrumento ng tao sa pang-araw-araw na
pamumuhay nito. Naging pangangailangan na ang isinasagawang pagpapaunlad sa wika upang makasabay sa agos
ng panahon at mga taong gumagamit nito. Ang wika ay maaaring malinang pa sa pamamagitan ng pag-iisip ng
pinakamabuting anyo ng kod upang maisulong at ma-iangat sa estandardisasyon nito. Isa ang wika sa itinuturing na
pinakamalaking isyu o usapin sapagkat ito ang hininga ng isang bansa. Kung nanaisin ang intelektuwalisasyon,
kakailanganin nito ang tinatawag na estandardisasyon. Subalit, hindi lingid sa ating kaisipan na kahit may sapat at
kongkretong proseso na maaaring sundan sa pag-eestandardisa ng wika ay sadyang hindi madali na bigyang
kaganapan ang ganitong pangyayari.
INTELEKTWALISASYON
Ang intelektwalisasyon ay proseso upang ang isang wika na di pa intelektwalisado ay maitaas at mailagay
sa antas na intelektwalisado nang sa gayo'y mabisang magamit sa mga sopistikadong lawak ng karunungan. Ang
intelektwalisadong wika ay di lamang gamit na wika ng tahanan, wika ng lansangan, wika ng malikhaing panitikan
kundi bilang wika rin ng agham, ng teknolohiya at sa mga iba pang antas ng karunungan.
May pagkakahawig ang modernisasyon at intelektwalisasyon. Ang modernisasyon ay naglulunsad sa
proseso ng pagsasanay ng bagong wika samantalang ang intelektualisasyon ay naglulunsad sa proseso ng pagtaas ng
wika mula sa mababang kalagayan nito. (Santiago 1990)
ISTANDARDISASYON - proseso kung saan ang isang tiyak na talaan ng mga talasalitaan o bokabularyo sa isang tiyak na
disiplina ng karunungan ay tanggap at ginagamit ng nakararaming tao..
PAGSASALIN - Paglilipat sa pinag-salinang wika ng pinakamalapit na katumbas ng diwa o mensaheng isinasaad sa wikang
isinalin.
Ang Pagsasaling-Wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat ay nagaganap sa isang wika at
pinapahayag na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika. Ayon kay E.Nida 1959/1966,"
Ang pagsasaling wika ay muling paglalahad.“
Sa payak na kahulugan , ito ay paglilipat ng isang teksto sa pinakamalapit na diwa mula sa pinagmulang wika papunta sa
tunguhang wika, tulad din ng paglilipat ng kaluluwa ng isang nilalang sa katawan ng isang patay." (wilamowtz) (Zean Esteves,
Prezi) mar 12,2013.
2.10 ANG PROSESO NG PAGSASALIN
Ayon kay Newmark ang pagsasalin ay operasyonal. Nagsisimula ito sa pagpili ng pamamaraang-lapit at nagtatapos
ang salin sa apat na level:
1. Textual Level - ang batayang level ng pagsasalin. Ito ang literal na pagsasalin ng
isang text.
2. Referensyal Level - ang level ng object at pangyayari.
Tunay at ginuniguni;
Kung saan ang nagsasalin ay bumubuo ng larawang mahalaga sa pag-unawa at saka isinusunod ang proseso ng
reproduksyon. Ang level na ito ay nauukol sa malalimang pag-unawa sa text bago simulan ang pagsasalin.
3. Cohesion Level - ang level na panlahat at gramatikal, tumutunton ng mga kawing ng mga kaisipan, himig ng damdamin
(pasitiv o negative) at iba pang pagpapalagay. Ang level na ito ang naglalantad ng kabuuang larawan kung saan iaakma ang level
ng wika. Sa level na ito tinitingnan ang iba pang aspeto ng pagsasalin tulad ng layunin ng orihinal, istilo atbp.
4. Natural na Level - ito ang proseso ng pagsasalin kung saan iniaangkap ng nagsasalin ang salin sa tiyak na pagkakataon
upang maging natural ang dating. Dito sinisikap iaakma ng nagsasalin ang kanyang salin sa istilo ng kasalukuyang panahon pati
na ang pagpili ng mga angkop na salita.
Kahalagahan ng Pagsasaling-wika
Bawat wika ay naka-ugat sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito.
1. Nagkakaroon ng mga kaalaman at mga karunungang nababasa at napag-aaralan
na naisusulat sa iba't ibang wika.
2. Napapahalagahan ang aspekto ng kasaysayan at kultura ng iba't ibang lipunan ng lahi ng ibat-ibang bansa sa partikular na
panahon.
3. Mas kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng mga paksa at asignaturang malapit na
kaugnay ng mga karanasan, kapaligiran, ugali at kaasalan ng mga mag-aaral.
Ang pagsasaling-wika ay sining
1. Sistemang paraan ng paglilipat ng diwa o mensahe mula sa isang wika patungo sa ibang wika.
2. Paglalahad sa ibang wika ng katumbas na kahulugan ng isang wika.
3. Paglalahad ng isang kaisipan sa wikang iba sa orihinal.
Anthony Sevilla
2.11 GABAY SA ORTOGRAPIYA NG WIKANG FILIPINO 2009
Panimula: Ang gabay sa ortograpiya ng wikang Filipino ay binubuo ng mga kalakaran kung paano
sumusulat ang mga Pilipino sa kanilang wikang pambansa. Inilalahad sa ortograpiyang ito ang
estandardisadong mga grapema (o pasulat na mga simbolo) at mga tuntunin sa paggamit ng mga
simbolong ito.
MGA GRAPEMA
Ang mga grapema sa praktikal na ortograpiya ng wikang Filipino ay binubuo ng:
Letra. Ang serye ng mga letra ay tinatawag na alpabeto
Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng dalawampu't walong (28) letra at
binibigkas sa tunog Ingles maliban sa ń.
Asher Apolito
Hindi letra. Maaaring buuin ito ng:
1. Tuldik na pahilis (') na sumisimbulo sa impit na tunog at/o haba.
2. Bantas, gaya ng tuldok (.), pananong (?), padamdam (!), kuwit (,). tuldok-kuwit(), tutuldok (:), kudlit ('),
at gitling (-).
I. MGA TUNTUNING PANLAHAT SA PAGBAYBAY
Pasalitang pagbaybay
Paletra ang pasalitang pagbaybay sa Filipino. Ang ibig sabihin ay isa-isang pagbigkas sa
maayos na pagkakasunod-sunod ng mga letrang bumubuo sa isang salita, pantig, akronim, daglat, inisyal,
simbolong pang-agham, atbp.
Halimbawa:
PASULAT PABIGKAS
Salita boto /bi-o-ti-o/
plano /pi-el-ey-no
Fajardo /kapital ef-ey-jey-ey-ar-di-ol
Pantig it ay-ti/
kon /key-o-en/
trans /ti-ar-ey-en-es
Akronim
MERALCO (Manila Electric Company)/em-i-ar-ey-el-si-o/
PASATAF (Pambansang Samahan ng mga Tagamasid at Tagapagtaguyod ng Filipino) /pi-ey-es-ey-ti-ey-ef/
ARMM (Autonomous Region of Muslim Mindanao)/ey-ar-em-em/ ASEAN (Association of Southeast
Asian Nation /ey-es-i-ey-en/
Daglat
Bb. (Binibini)
G. (Ginoo)
Dr. (Doktor)
Inisyal ng Tao
MLQ (Manuel L. Quezon)
CPR (Carlos P. Romulo)
JVP (Jose Villa Panganiban)
Inisyal ng Samahan/Institusyon
KWF (Komisyon sa Wikang Filipino) /key-dobolyu-ef/
KBP (Kapisanan ng mga Broadkaster sa Pilipinas) /key-bi-pi/
PLM (Pamantasan ng Lungsod ng Maynila) /pi-el-em/
Simbolo ng Pang-agham/Pangmatematika
Fe (iron) /ef-i/
HO (water) /eych-tu-o/
/kapital bi-bi/
/kapital ji/
/kapital di-ar/
/em-eLkyu/
/si-pi-ar/
hey-vi-pi/ /el-key-es
Pasulat na Pabaybay
1. Panatilihin ang orihinal na anyo ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika sa Pilipinas.
"vakúl" (Ivatan) panakip sa ulo na yari sa palmera na ginagamet bilang pananggalang sa ulan at init
ng araw.
"payyo/payew" (Ifugaw) opangkalahatang tawag sa palayan ng mga
Ifugaw "bananu" (Hudhuh) sa halip na hagdan-hagdang palayan (rice terraces)
"tnalák" o "Inalák" (Tboli) habing yari sa abak ng mga T'boli "butanding" (Bicol) sa halip na "whale
shark"
"cabalén" (Pampango) kababayan
"hádja" babaeng Muslim na nagsasagawa ng banal na paglalakbay sa Mecca
2. Sa pagbaybay ng mga hiram na salita mula sa mga banyagang wika. panatilihin ang orihinal nitong
anyo.
status quo
pizza pie
bouquet
3. Sa pagbaybay ng mga salitang mula sa Español, baybayin ito ayon sa ABAKADA.
familia pamilya
baño banyo
4. Sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na "e" hindi ito pinapalitan ng letrang "I".
Kinakabitan ng pang-ugnay/linker (-ng) at ginagamitan ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat.
bérde berdeng-berde
kape kapeng-kapé
5. Sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na "o" hindi ito pinapalitan ng letrang "u".
Ginagamitan ng gitling sa pagitan ng salitang ugat.
Ano ano-ano
Sino sino-sino
Pito pito-pito
May mga salitang nabubuo sa pag-uulit ng salitang-ugat na hindi ginagamitan ng gitling. Ang hindi
paggamit ng gitling ay nagpapahiwatig na hindi na taglay ng salitang-ugat ang kahulugan nito, at sa halip,
nagkakaroon na ng bagong kahulugan ang nabuong salita tulad ng:
haluhalo (pagkain)
salusalo (piging/handaan)
6. Kapag hinuhulapian ang huling pantig ng salitang-ugat na nagtatapos sa "e", ito ay nagiging "i" at ang
"o" ay "u".
Kórte - kortihán
Gayunman, may mga salitang nananatili ang "e" kahit hinuhulapian.
Sinehan - sine
Bote - botehan
7. Makabuluhan ang tunog na "e" at "o' kapag inihahambing ang mga hiram na salita sa mga katutubo o
hiram na salita.
Mesa - misa téla - tila
8. Gayunman hindi pwedeng palitan ng "i" ang "e" at "o" ng "u". Dapat pa ring gamitin ang baybay na
matagal na o lagi nang ginagamit.
babác, hindi babái
búhos, hindi búhus
II. ANG PANTIG AT PALAPANTIGAN
1. Ang Pantig
Ang pantig ay isang titik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita. May isa (1)
lamang sa bawat pantig.
Halimbawa:
Oras o.ras
Ulo u.lo
Ilaw i.law Asher Apolito
2. Kayarian ng Pantig
Tinutukoy ang pantig ayon sa kayarian nito sa pamamagitan ng paggamit ng simbolo: K para sa katinig, P para sa
patnig.
Kayarian Halimbawa
P i.log
KP bungal
PK us,bong
3. Pagpapantig
Ang pagpapantig ay paraan ng paghahati ng salita. Ito ay binabatay sa grapema o nakasulat na simbolo.
3.1. Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa posisyong
inisyal, midyal at pinal ng salita, ito ay hiwalay na mga pantig.
Halimbawa:
Salita Mga Pantig
Aakyat a.ak.yat
Aalis a.a.lis
King Vincent cunag
3.2. Kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, katutubo man o hiram, ang una ay kasama sa patinig na
sinusundan at ang pangalawa ay sa kasunod na patinig.
Halimbawa:
Salita Mga Pantig
Aklat ak.lat
Bunso bun.so
3.3. Kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, katutubo man o hiram, ang una ay kasama sa patinig na
sinusundan at ang pangalawa ay sa kasunod na patinig.
Halimbawa:
Salita Mga Pantig
Eksperto eks.per.to
Transpormer trans.por.mer
3.4. Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay mon at ang kasunod na dalawa ay alinman sa bl, br, dr, pl, tr, ang unang
katinig (mon) ay sa sinusundang patinig kasama at ang huling dalawa ay kasunod na patinig.
Halimbawa:
Salita Mga Pantig
Alambre a.lam.bre
Balandra ba.lan.dra
Empleyado em.ple.ya.do
3.5. Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawang katinig ay kasama sa patinig
na sinusundan at ang huling dalawa ay sa patinig na kasunod.
Halimbawa:
Salita Mga pantig
Ekstra eks.tra
Eksklusibo eks.klu.si.bo
4. Ang pag-uulit ng pantig
Ang mga tuntunin sa pag-uulit ay ang sumusunod:
4.1. Kung ang unang tunog ng salitang-ugat o batayang salita ay patinig ang patinig lamang ang inuulit. Halimbawa:
Salita Mga pantig
Alis a.alis
Iwan i.iwan
4.2. Sinusunod din ang tuntuning ito kahit may unlapi ang salita.
Halimbawa:
Salita Mga pantig
Maiwan ma.i.i.wan
Uminom u.mi.i.nom
Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay nagsisimula sa KP, ang katinig at kasunod na patinig lamang ang inuulit.
Halimbawa:
Salita Mga pantig
ba.ha ba.ba.ha mag.ba.ba.ha
pu.lot pu.pu.lot mag.pu.pu.lot
su.lat su.su.lat mag.su.su.lat
4.3. Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay may kambal-katinig o klaster, inuulit lamang ang unang katinig at patinig.
Halimbawa:
Salita Mga pantig
plan.tsa pa.plan.tsa.hin mag.pa.plan.tsa
pri.to pi.pri.tu.hin mag.pi.pri.to
III. ANG PAGHIHIRAM
ay Ang mga tuntunin sa panghihiram at pagbabaybay ng mga hiram na salita ang umusunod:
1. Tumbasan ng kasalukuyang leksikon sa Filipino ang mga salitang hiram o banyaga.
Rule = tuntunin
Narrative = salaysay
Skill = kasanayan
2. Gamitin ang mga natatanging mga salita mula sa mga katutubong wika sa Pilipinas at panatilihin ang orihinal na
baybay...
Bana (Hiligaynon at Sugbuanong Binisaya) tawag sa asawang lalake)
Butanding (Bikol) whale shark
"imam“ (Tausug) tawag sa paring Muslim
"cañao" (Igorot) panseremonyang sayaw
3. Mga salitang hiram sa Español.
3.1. Baybayin ang salita ayon sa ABAKADA.
vocabulario = bokabularyo
Telefono = telepono
celebracion = selebrasyon
3.2. Baybayin ang salita ayon sa ABAKADA.
estudyanye = hindi istudyante
Estilo = hindi istilo
Espiritu = hindi ispiritu
3.3. Sa mga salitang hiram sa Español na may "o", panatilihin ang " "o".
Politika hindi pulitika
Opisina hindi upisina
Tradisyonal hindi tradisyunal
3.4. May mga salitang hiram sa Español na nababago ang kasunod na katinig, ang "o" ay nagiging "u" sa ilang mga
salitang sinusundan rig "n" o pailong na katinig. At ang "n" ay nagiging "m".
Español Filipino
convencion kumbensiyon
Conferencia kumperensiya
Convento kumbento
4. Mga salitang hiram sa Español at Ingles: Kung hindi tiyak ang pagtutumbas, hiramin ang orihinal na Español at
Ingles.
hindi ipinapayong panumbas ang mga sumusunod
imeyds imahe (para sa image)
dayalog diyalogo (para sa dialogue)
prayoriti prayoridad (para sa priority)
5. Panghihiram sa wikang Ingles: Kung wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan ang pinag-hiraman, panatalihin
ang orihinal na ispeling kung makalilito ang pagsasa-Filipino ng baybay.
Toupee spaghetti
Habeas corpus bouquet
King Vincent cunag
6. Panatilihin ang orihinal na baybay ng mga salitang pantangi, teknikal, pang agham, at mga simbolong pang-agham at
matematika.
Manuel Quezon varicose vein
Biñan, Laguna chemotheraphy
IV. KARAGDAGANG TUNTUNIN
A. Ginigitlingan ang pangngalang pantangi at salitang-hiram kapag inu-unlapian.
maka-Diyos
maka- Ingles
pa- Davao
Sa aspektong kontemplatibo (pang-hinaharap), inuulit ang unang katinig at patinig (KP) ng salita.
mag-Pal magfo-Ford magvi-Vios
B. Sa paglalapi at pag-uulit ng mga salitang hiram, idinurugtong ang tunog ng KP sa unlapi.
magju-juice magfo-Ford magdu-duty magji-jeep
C. Pangmaramihang anyo ng mga salita sa pagsulat.
c.1. Ginagamit ang "mga" sa pagsulat ng maramihang anyo ng salita.
mga painting mga opisyal
Khingz Abalos
c.2. Hindi ginagamitan ng "mga" ang salitang hiram na nasa anyong maramihan.
Paintings = hindi "mga paintings“
Opisyales = hindi "mga opisyales“
c.3. Hindi ginagamitan ng "pamilang" at "mga" ang mga salitang nasa anyong maramihan.
Kalalakihan hindi "mga kalalakihan"
hindi "limang kalalakihan"
Kababaihan hindi "mga kababaihan"
hindi "anim na kababaihan“
c.4. Pagbuo ng pang-uri.
Ginagamit ang panlaping makauri sa salitang-ugat na hindi orihinal na pang-uri.
pang-akademya/akademiko hindi "pang-akademiko"
pangkultura/kultural hindi "pangkultural“
D. Mga salitang may Digrapo.
d.1. Sa mga salitang Ingles na nagtatapos sa "ct", ang "ct" ay nagiging "k" kapag binabaybay sa Filipino.
Abstract abstrak
Impact impak
Addict adik
4.2. Sa mga salitang hiram na may "ch" tatlong paraan ang maaaring
gamitin.
d.2.1 Panatilihin ang orihinal na anyo.
Chunks chess
d.2.2 Palitan ng ts ang ch at baybayin sa Filipino.
Chinelas = tsinelas
Chapter = tsapter
Chart = tsart
d.2.3 Palitan ng kang ch at baybayin sa Filipino.
Machine = makina
Scholar = iskolar
*Maging konsistent sa paggamit ng alinman sa tatlong paraan.
d.3. Mga salitang may sh.
d.3.1 Panatilihin ang orihinal na anyo.
Shower shop showcase shuttle
d.3.2 Palitan ng sy ang sh at baybayin sa Filipino.
Worksyap workshop
Shooting syuting
E. Mga salitang hiram na nagsisismula sa letrang "s" ay maaaring baybayin sa dalawang paraan.
e.1. Panatilihin ang orihinal na anyo.
Scarf slogan spark script spa
e.2. Lagyan ng "i" kapag sa unahan binaybay sa Filipino.
Schedule iskedyul
Sport isport
Scout iskawt
F. Mga salitang may dalawang magkasunod Kinakaltas ang isa sa dalawang magkasunod na parehong katinig.
na parehong katinig.
Buletin bulletin.
Grammar grammar
Pattern patern
G. Mga salitang may kambal-patinig.
Sa mga salitang hiram sa Español na may kambal-patinig.
1. Nanatili ang a+ a+ (e, i, o, u) at e+ (a,i,o,u)
a+ (e, i, o, u) = maestro, oarta, bailarina, baul, laurel
e+ (a, i, o, u) = teatro, oleo, beinte, neutral, neurosis
2. Kinakaltas ang unang patinig at pinapalitan ito ng y.
i+(a, e, o) = barberya (barberia), akasya (acacia)
= Disyembre (Diciembre), serye (serie)
= bisyo (vicio), ambisyon (ambicjon)
3. Sinisingitan ng y o w sa mga sumusunod na posisyon.
a. Kung ang kambal patinig ay nasa unang pantig ng salita.
ia - diyabetes (diabetes), biyahe (viaje), piyano (piano)
ie - Biyernes (biernes), piyesta, (piesta), siyete (sigte), piyesa (piesa)
io - Diyos (Dios), piyorea (piorrea)
ua - awto (auto), guwapo (guapo)
ue - kuwenta (cuenta), kuwerdas (cuerdas)
b. Kung ang kambal-katinig ay sumusunod sa dalawa o mahigit pang mga katinig.
ia - diperensiya (diferencia), impluwensiya (influencia).
menudensiya (menudencia)
ie - impiyerno (infierno), gobyerno (gobierno)
io - albolaryo (albolario), edipisyo (edificio)
ua - awto (auto), guwapo (guapo), karuwahe (caruaje), aguwador (aguador)
ue - sarsuwela (zarzuela)
ui - buwitre (buitre)
uo - oblikwo ( oblique )
c. Kung ang kambal-patinig ay sumusunod sa h.
lohiya (logia)
kolehiyal (collegial)
perwisyo (perjuicio)
rehiyon (region)
kolehiyo (colegio) Khingz abalos
KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.ppt

More Related Content

What's hot

Pandiwa at Aspekto ng Pandiwa
Pandiwa at Aspekto ng PandiwaPandiwa at Aspekto ng Pandiwa
Pandiwa at Aspekto ng Pandiwa
ardie malaran
 
Kabanata ii (ang istruktura ng wika)
Kabanata ii (ang istruktura ng wika)Kabanata ii (ang istruktura ng wika)
Kabanata ii (ang istruktura ng wika)
alona_
 
Pagbuo ng Pangungusap
Pagbuo ng PangungusapPagbuo ng Pangungusap
Pagbuo ng Pangungusap
RitchenMadura
 
Ebalwasyon ng sulatin julie
Ebalwasyon ng sulatin   julieEbalwasyon ng sulatin   julie
Ebalwasyon ng sulatin julie
belengonzales2
 
Arasaas at Pagsasao
Arasaas at PagsasaoArasaas at Pagsasao
Arasaas at Pagsasao
Princess Morales
 
ang panitikan ng rehiyon 1
ang panitikan ng rehiyon 1ang panitikan ng rehiyon 1
ang panitikan ng rehiyon 1
Evangeline Romano
 
Wastong bigkas ng mga salita
Wastong bigkas ng mga salitaWastong bigkas ng mga salita
Wastong bigkas ng mga salita
Jenita Guinoo
 
Alomorp ng morpema requirements by Maribeth Lactaotao
Alomorp ng morpema requirements by Maribeth LactaotaoAlomorp ng morpema requirements by Maribeth Lactaotao
Alomorp ng morpema requirements by Maribeth Lactaotao
jethrod13
 
KASAYSAYAN NG KURIKULUM SA PILIPINAS.pptx
KASAYSAYAN NG KURIKULUM SA PILIPINAS.pptxKASAYSAYAN NG KURIKULUM SA PILIPINAS.pptx
KASAYSAYAN NG KURIKULUM SA PILIPINAS.pptx
AimieFeGutgutaoRamos
 
Pang-Uri
Pang-UriPang-Uri
Pang-Uri
Mary Marie Flor
 
Kambal Katinig
Kambal KatinigKambal Katinig
Kambal Katinig
JessaMarieVeloria1
 
Morpolohiya
MorpolohiyaMorpolohiya
Morpolohiya
geli6415
 
BAHAGI NG PANANALITA
BAHAGI NG PANANALITABAHAGI NG PANANALITA
BAHAGI NG PANANALITA
Donita Rose Aguada
 
ANG PONEMIKA
ANG PONEMIKAANG PONEMIKA
Mga aspekto ng pandiwa
Mga aspekto ng pandiwaMga aspekto ng pandiwa
Mga aspekto ng pandiwa
Sarah3098
 

What's hot (20)

Pandiwa at Aspekto ng Pandiwa
Pandiwa at Aspekto ng PandiwaPandiwa at Aspekto ng Pandiwa
Pandiwa at Aspekto ng Pandiwa
 
Kabanata ii (ang istruktura ng wika)
Kabanata ii (ang istruktura ng wika)Kabanata ii (ang istruktura ng wika)
Kabanata ii (ang istruktura ng wika)
 
Pagbuo ng Pangungusap
Pagbuo ng PangungusapPagbuo ng Pangungusap
Pagbuo ng Pangungusap
 
Ebalwasyon ng sulatin julie
Ebalwasyon ng sulatin   julieEbalwasyon ng sulatin   julie
Ebalwasyon ng sulatin julie
 
Arasaas at Pagsasao
Arasaas at PagsasaoArasaas at Pagsasao
Arasaas at Pagsasao
 
PONEMIKO.pptx
PONEMIKO.pptxPONEMIKO.pptx
PONEMIKO.pptx
 
ang panitikan ng rehiyon 1
ang panitikan ng rehiyon 1ang panitikan ng rehiyon 1
ang panitikan ng rehiyon 1
 
Ang Sugnay
Ang Sugnay Ang Sugnay
Ang Sugnay
 
Wastong bigkas ng mga salita
Wastong bigkas ng mga salitaWastong bigkas ng mga salita
Wastong bigkas ng mga salita
 
Alomorp ng morpema requirements by Maribeth Lactaotao
Alomorp ng morpema requirements by Maribeth LactaotaoAlomorp ng morpema requirements by Maribeth Lactaotao
Alomorp ng morpema requirements by Maribeth Lactaotao
 
Istruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipinoIstruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipino
 
KASAYSAYAN NG KURIKULUM SA PILIPINAS.pptx
KASAYSAYAN NG KURIKULUM SA PILIPINAS.pptxKASAYSAYAN NG KURIKULUM SA PILIPINAS.pptx
KASAYSAYAN NG KURIKULUM SA PILIPINAS.pptx
 
Pang-Uri
Pang-UriPang-Uri
Pang-Uri
 
Kambal Katinig
Kambal KatinigKambal Katinig
Kambal Katinig
 
Morpolohiya
MorpolohiyaMorpolohiya
Morpolohiya
 
Ponema
PonemaPonema
Ponema
 
Ortograpiya
OrtograpiyaOrtograpiya
Ortograpiya
 
BAHAGI NG PANANALITA
BAHAGI NG PANANALITABAHAGI NG PANANALITA
BAHAGI NG PANANALITA
 
ANG PONEMIKA
ANG PONEMIKAANG PONEMIKA
ANG PONEMIKA
 
Mga aspekto ng pandiwa
Mga aspekto ng pandiwaMga aspekto ng pandiwa
Mga aspekto ng pandiwa
 

Similar to KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.ppt

Ponoloji, Morpoloji, Leksikal
Ponoloji, Morpoloji, LeksikalPonoloji, Morpoloji, Leksikal
Ponoloji, Morpoloji, Leksikal
CarloPMarasigan
 
Proyekto sa Instrukura ng Wikang Filipino
Proyekto sa Instrukura ng Wikang FilipinoProyekto sa Instrukura ng Wikang Filipino
Proyekto sa Instrukura ng Wikang Filipino
Jorebel Billones
 
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.pptKOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
ELLAMAYDECENA2
 
Ponolohiya.pptx
Ponolohiya.pptxPonolohiya.pptx
Ponolohiya.pptx
aldrinorpilla1
 
1112734 634466593814442500
1112734 6344665938144425001112734 634466593814442500
1112734 634466593814442500Tyron Ralar
 
Ang Estruktura at Kayarian ng Wika.pptx
Ang Estruktura at Kayarian ng Wika.pptxAng Estruktura at Kayarian ng Wika.pptx
Ang Estruktura at Kayarian ng Wika.pptx
RyanRodriguez98
 
KAYARIAN NG SALITA.pdf
KAYARIAN NG SALITA.pdfKAYARIAN NG SALITA.pdf
KAYARIAN NG SALITA.pdf
DONNA G. DELGADO-OLIVERIO, MATF, LPT
 
Ponema 110207003034-phpapp01
Ponema 110207003034-phpapp01Ponema 110207003034-phpapp01
Ponema 110207003034-phpapp01Noemi Morales
 
Retorika at Gramatika
Retorika at GramatikaRetorika at Gramatika
Retorika at Gramatika
Jo Annie Barasina
 
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint PresentationPonemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Jenita Guinoo
 
ponemangsuprasegmentalpowerpoint-150909120649-lva1-app6891.pdf
ponemangsuprasegmentalpowerpoint-150909120649-lva1-app6891.pdfponemangsuprasegmentalpowerpoint-150909120649-lva1-app6891.pdf
ponemangsuprasegmentalpowerpoint-150909120649-lva1-app6891.pdf
melliahnicolebeboso2
 
427233070-Ponema-Morpema-at-Leksikon.pdf
427233070-Ponema-Morpema-at-Leksikon.pdf427233070-Ponema-Morpema-at-Leksikon.pdf
427233070-Ponema-Morpema-at-Leksikon.pdf
YvonneAasco1
 
Noeme Silvano.pptx
Noeme Silvano.pptxNoeme Silvano.pptx
Noeme Silvano.pptx
NoelTancinco
 
G9-ponemang-suprasegmental-gr9-powerpoint-presentation.pptx
G9-ponemang-suprasegmental-gr9-powerpoint-presentation.pptxG9-ponemang-suprasegmental-gr9-powerpoint-presentation.pptx
G9-ponemang-suprasegmental-gr9-powerpoint-presentation.pptx
RenanteNuas1
 
Istruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipinoIstruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipinoAirez Mier
 
Kaalaman sa Pagsasalin
Kaalaman sa PagsasalinKaalaman sa Pagsasalin
Kaalaman sa Pagsasalin
Avigail Gabaleo Maximo
 
BAHAGI NG PANALITA.pdf
BAHAGI NG PANALITA.pdfBAHAGI NG PANALITA.pdf
BAHAGI NG PANALITA.pdf
DONNA G. DELGADO-OLIVERIO, MATF, LPT
 

Similar to KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.ppt (20)

Ponoloji, Morpoloji, Leksikal
Ponoloji, Morpoloji, LeksikalPonoloji, Morpoloji, Leksikal
Ponoloji, Morpoloji, Leksikal
 
Proyekto sa Instrukura ng Wikang Filipino
Proyekto sa Instrukura ng Wikang FilipinoProyekto sa Instrukura ng Wikang Filipino
Proyekto sa Instrukura ng Wikang Filipino
 
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.pptKOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
 
Ponolohiya.pptx
Ponolohiya.pptxPonolohiya.pptx
Ponolohiya.pptx
 
1112734 634466593814442500
1112734 6344665938144425001112734 634466593814442500
1112734 634466593814442500
 
Ang Estruktura at Kayarian ng Wika.pptx
Ang Estruktura at Kayarian ng Wika.pptxAng Estruktura at Kayarian ng Wika.pptx
Ang Estruktura at Kayarian ng Wika.pptx
 
KAYARIAN NG SALITA.pdf
KAYARIAN NG SALITA.pdfKAYARIAN NG SALITA.pdf
KAYARIAN NG SALITA.pdf
 
Morpolohiya
MorpolohiyaMorpolohiya
Morpolohiya
 
Ponema 110207003034-phpapp01
Ponema 110207003034-phpapp01Ponema 110207003034-phpapp01
Ponema 110207003034-phpapp01
 
Fil101 istruktura ng wika
Fil101 istruktura ng wikaFil101 istruktura ng wika
Fil101 istruktura ng wika
 
Ponema
PonemaPonema
Ponema
 
Retorika at Gramatika
Retorika at GramatikaRetorika at Gramatika
Retorika at Gramatika
 
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint PresentationPonemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
 
ponemangsuprasegmentalpowerpoint-150909120649-lva1-app6891.pdf
ponemangsuprasegmentalpowerpoint-150909120649-lva1-app6891.pdfponemangsuprasegmentalpowerpoint-150909120649-lva1-app6891.pdf
ponemangsuprasegmentalpowerpoint-150909120649-lva1-app6891.pdf
 
427233070-Ponema-Morpema-at-Leksikon.pdf
427233070-Ponema-Morpema-at-Leksikon.pdf427233070-Ponema-Morpema-at-Leksikon.pdf
427233070-Ponema-Morpema-at-Leksikon.pdf
 
Noeme Silvano.pptx
Noeme Silvano.pptxNoeme Silvano.pptx
Noeme Silvano.pptx
 
G9-ponemang-suprasegmental-gr9-powerpoint-presentation.pptx
G9-ponemang-suprasegmental-gr9-powerpoint-presentation.pptxG9-ponemang-suprasegmental-gr9-powerpoint-presentation.pptx
G9-ponemang-suprasegmental-gr9-powerpoint-presentation.pptx
 
Istruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipinoIstruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipino
 
Kaalaman sa Pagsasalin
Kaalaman sa PagsasalinKaalaman sa Pagsasalin
Kaalaman sa Pagsasalin
 
BAHAGI NG PANALITA.pdf
BAHAGI NG PANALITA.pdfBAHAGI NG PANALITA.pdf
BAHAGI NG PANALITA.pdf
 

More from YollySamontezaCargad

4-5 FILipino 3 ARALIN 6 KOMPOSISYON.pptx
4-5 FILipino 3 ARALIN 6 KOMPOSISYON.pptx4-5 FILipino 3 ARALIN 6 KOMPOSISYON.pptx
4-5 FILipino 3 ARALIN 6 KOMPOSISYON.pptx
YollySamontezaCargad
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
YollySamontezaCargad
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
YollySamontezaCargad
 
FIL-2-REPORT.ppt. power point presentation
FIL-2-REPORT.ppt. power point presentationFIL-2-REPORT.ppt. power point presentation
FIL-2-REPORT.ppt. power point presentation
YollySamontezaCargad
 
tekstong-propesyonal-fil2.ppt power point presentation
tekstong-propesyonal-fil2.ppt power point presentationtekstong-propesyonal-fil2.ppt power point presentation
tekstong-propesyonal-fil2.ppt power point presentation
YollySamontezaCargad
 
Altea Tekstong-Akademik.ppt. power point
Altea Tekstong-Akademik.ppt. power pointAltea Tekstong-Akademik.ppt. power point
Altea Tekstong-Akademik.ppt. power point
YollySamontezaCargad
 
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointPANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
YollySamontezaCargad
 
Tula uri at elemento Grade 9.ppt. powe point presentation
Tula uri at elemento Grade 9.ppt. powe point presentationTula uri at elemento Grade 9.ppt. powe point presentation
Tula uri at elemento Grade 9.ppt. powe point presentation
YollySamontezaCargad
 
FILIPINO 3-.pptx abcdefghijklmnopqrstuvw
FILIPINO 3-.pptx abcdefghijklmnopqrstuvwFILIPINO 3-.pptx abcdefghijklmnopqrstuvw
FILIPINO 3-.pptx abcdefghijklmnopqrstuvw
YollySamontezaCargad
 
FIL-2Andulan.pptx abcdhkeurujehehdhhdhjd
FIL-2Andulan.pptx abcdhkeurujehehdhhdhjdFIL-2Andulan.pptx abcdhkeurujehehdhhdhjd
FIL-2Andulan.pptx abcdhkeurujehehdhhdhjd
YollySamontezaCargad
 
NAT reviewer KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO.ppt
NAT reviewer KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO.pptNAT reviewer KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO.ppt
NAT reviewer KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO.ppt
YollySamontezaCargad
 
FIL 2 tekstong ekspositori-231107193004-842af223.ppt
FIL 2 tekstong ekspositori-231107193004-842af223.pptFIL 2 tekstong ekspositori-231107193004-842af223.ppt
FIL 2 tekstong ekspositori-231107193004-842af223.ppt
YollySamontezaCargad
 
....Lesson 3 Teoryang Metakognisyon sa Pagbasa.ppt
....Lesson 3 Teoryang Metakognisyon sa Pagbasa.ppt....Lesson 3 Teoryang Metakognisyon sa Pagbasa.ppt
....Lesson 3 Teoryang Metakognisyon sa Pagbasa.ppt
YollySamontezaCargad
 
Aralin 4 Maikling kwento ppt.pptx Filipino 7
Aralin 4 Maikling kwento ppt.pptx Filipino 7Aralin 4 Maikling kwento ppt.pptx Filipino 7
Aralin 4 Maikling kwento ppt.pptx Filipino 7
YollySamontezaCargad
 
tekstong-propesyonal-fil2.pptx Pagbasabat Pagsulat
tekstong-propesyonal-fil2.pptx Pagbasabat Pagsulattekstong-propesyonal-fil2.pptx Pagbasabat Pagsulat
tekstong-propesyonal-fil2.pptx Pagbasabat Pagsulat
YollySamontezaCargad
 
Third Grading Aralin 12.ppt Filipino baitang 8
Third  Grading Aralin 12.ppt  Filipino baitang 8Third  Grading Aralin 12.ppt  Filipino baitang 8
Third Grading Aralin 12.ppt Filipino baitang 8
YollySamontezaCargad
 
KASAYASAYAN NG KOMUNIKASYON--- fil 1.ppt
KASAYASAYAN NG KOMUNIKASYON--- fil 1.pptKASAYASAYAN NG KOMUNIKASYON--- fil 1.ppt
KASAYASAYAN NG KOMUNIKASYON--- fil 1.ppt
YollySamontezaCargad
 
22 BEED-UTS-CH1-L2-Self-Soc.-Culture.pptx
22 BEED-UTS-CH1-L2-Self-Soc.-Culture.pptx22 BEED-UTS-CH1-L2-Self-Soc.-Culture.pptx
22 BEED-UTS-CH1-L2-Self-Soc.-Culture.pptx
YollySamontezaCargad
 
PPT Aralin 1.pptx Baitang 7 Kanlunga reference book
PPT Aralin 1.pptx Baitang 7 Kanlunga reference bookPPT Aralin 1.pptx Baitang 7 Kanlunga reference book
PPT Aralin 1.pptx Baitang 7 Kanlunga reference book
YollySamontezaCargad
 
Lesson 1 mgabatayangkaalamansapagbasa.ppt
Lesson 1 mgabatayangkaalamansapagbasa.pptLesson 1 mgabatayangkaalamansapagbasa.ppt
Lesson 1 mgabatayangkaalamansapagbasa.ppt
YollySamontezaCargad
 

More from YollySamontezaCargad (20)

4-5 FILipino 3 ARALIN 6 KOMPOSISYON.pptx
4-5 FILipino 3 ARALIN 6 KOMPOSISYON.pptx4-5 FILipino 3 ARALIN 6 KOMPOSISYON.pptx
4-5 FILipino 3 ARALIN 6 KOMPOSISYON.pptx
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
FIL-2-REPORT.ppt. power point presentation
FIL-2-REPORT.ppt. power point presentationFIL-2-REPORT.ppt. power point presentation
FIL-2-REPORT.ppt. power point presentation
 
tekstong-propesyonal-fil2.ppt power point presentation
tekstong-propesyonal-fil2.ppt power point presentationtekstong-propesyonal-fil2.ppt power point presentation
tekstong-propesyonal-fil2.ppt power point presentation
 
Altea Tekstong-Akademik.ppt. power point
Altea Tekstong-Akademik.ppt. power pointAltea Tekstong-Akademik.ppt. power point
Altea Tekstong-Akademik.ppt. power point
 
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointPANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
 
Tula uri at elemento Grade 9.ppt. powe point presentation
Tula uri at elemento Grade 9.ppt. powe point presentationTula uri at elemento Grade 9.ppt. powe point presentation
Tula uri at elemento Grade 9.ppt. powe point presentation
 
FILIPINO 3-.pptx abcdefghijklmnopqrstuvw
FILIPINO 3-.pptx abcdefghijklmnopqrstuvwFILIPINO 3-.pptx abcdefghijklmnopqrstuvw
FILIPINO 3-.pptx abcdefghijklmnopqrstuvw
 
FIL-2Andulan.pptx abcdhkeurujehehdhhdhjd
FIL-2Andulan.pptx abcdhkeurujehehdhhdhjdFIL-2Andulan.pptx abcdhkeurujehehdhhdhjd
FIL-2Andulan.pptx abcdhkeurujehehdhhdhjd
 
NAT reviewer KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO.ppt
NAT reviewer KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO.pptNAT reviewer KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO.ppt
NAT reviewer KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO.ppt
 
FIL 2 tekstong ekspositori-231107193004-842af223.ppt
FIL 2 tekstong ekspositori-231107193004-842af223.pptFIL 2 tekstong ekspositori-231107193004-842af223.ppt
FIL 2 tekstong ekspositori-231107193004-842af223.ppt
 
....Lesson 3 Teoryang Metakognisyon sa Pagbasa.ppt
....Lesson 3 Teoryang Metakognisyon sa Pagbasa.ppt....Lesson 3 Teoryang Metakognisyon sa Pagbasa.ppt
....Lesson 3 Teoryang Metakognisyon sa Pagbasa.ppt
 
Aralin 4 Maikling kwento ppt.pptx Filipino 7
Aralin 4 Maikling kwento ppt.pptx Filipino 7Aralin 4 Maikling kwento ppt.pptx Filipino 7
Aralin 4 Maikling kwento ppt.pptx Filipino 7
 
tekstong-propesyonal-fil2.pptx Pagbasabat Pagsulat
tekstong-propesyonal-fil2.pptx Pagbasabat Pagsulattekstong-propesyonal-fil2.pptx Pagbasabat Pagsulat
tekstong-propesyonal-fil2.pptx Pagbasabat Pagsulat
 
Third Grading Aralin 12.ppt Filipino baitang 8
Third  Grading Aralin 12.ppt  Filipino baitang 8Third  Grading Aralin 12.ppt  Filipino baitang 8
Third Grading Aralin 12.ppt Filipino baitang 8
 
KASAYASAYAN NG KOMUNIKASYON--- fil 1.ppt
KASAYASAYAN NG KOMUNIKASYON--- fil 1.pptKASAYASAYAN NG KOMUNIKASYON--- fil 1.ppt
KASAYASAYAN NG KOMUNIKASYON--- fil 1.ppt
 
22 BEED-UTS-CH1-L2-Self-Soc.-Culture.pptx
22 BEED-UTS-CH1-L2-Self-Soc.-Culture.pptx22 BEED-UTS-CH1-L2-Self-Soc.-Culture.pptx
22 BEED-UTS-CH1-L2-Self-Soc.-Culture.pptx
 
PPT Aralin 1.pptx Baitang 7 Kanlunga reference book
PPT Aralin 1.pptx Baitang 7 Kanlunga reference bookPPT Aralin 1.pptx Baitang 7 Kanlunga reference book
PPT Aralin 1.pptx Baitang 7 Kanlunga reference book
 
Lesson 1 mgabatayangkaalamansapagbasa.ppt
Lesson 1 mgabatayangkaalamansapagbasa.pptLesson 1 mgabatayangkaalamansapagbasa.ppt
Lesson 1 mgabatayangkaalamansapagbasa.ppt
 

KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.ppt

  • 1. KABANATA 2 KALIKASAN AT ISTRUKTURA NG WIKA
  • 2. 2.1 GRAMMAR AT LINGGWISTIKA Sa makabagong pag-aaral ng wika, dapat pag-ukulan ng pansin ang linggwistika. Ang wastong paglalapat ng mga tuntunin ng wika. Dito kailangan ang puspusang pag-aaral at pagsusuri ng bawat tunog (ponema), letra (grapema), yunit ng salita (morpema), salita (leksika), pangungusap (sintaks), at pagpapahayag (diskors). Ang linggwistika ay sining ng pag-aaral ng wika samantalang ang grammar ay pagtalakay sa kalikasan at anyo ng wikang Filipino. LINGGWISTIKA Linggwistika ang tawag sa masistema at maka-agham na pag-aaral sa wika. Ang mga taong nakakapagsasalita ng iba't ibang lenggwahe, tatlo o higit pang wika ay itinuturing natin na "polyglot", at sila ang mga taong may kakayahang makapag aral at makapagdalubhasa sa larangan ng wika. John michael magno
  • 3. Ang kasaysayan ng linggwistika sa Pilipinas ay may tatlong panahon, ayon sa aklat ni Alfonso Santiago (2002), at ito ay ang mga sumusunod. • Panahon ng Kastila • Panahon ng mga Amerikano • Panahon ng kalayaan
  • 4. 2.2 BALANGKAS AT LINGGWISTIKA PONOLOHIYA MORPOLOHIYA SINTAKS Makabuluhang Tunog Salitang-ugat Panlapi Ponema Pangungusap Sugnay Parirala D I S K O R S
  • 5. Ponolohiya Ang ponolohiya ay nagmula sa salitang griyego na "phono"na nangangahulugang tunog o tinig at "logia" na nangangahulugan namang diskurso teorya o siyentipiko. Ang ponolohiya o palatunugan ay ang pag-aaral ng wastong bigkas ng mga ponema. Ito ay kumbinasyon ng mga tunog upang makabuo ng isang salita. Bawat wika ay may sariling tunog na Sinusunod batay sa paraan ng pagsasaayos nito para ihayag ang iniisip o nadarama. Ang mga tunog na ito sa lalamunan at bibig ay siyang ginagamit para ihayag ang anumang nais sabihin. Ang mga tunog na ito ay tinatawag na fown o mga speech sounds na ginagamit sa pagsasalita. Tulad ng alinmang wika, ang Filipino ay binubuo ng iba't ibang tunog na nalilikha sa pamamagitan ng pagsasalita. Fonetiks ang tawag sa sangay na ito ng linggwistiks. TATLONG SALIK NA KINAKAILANGAN PARA MAKAPAGPRODYUS NG TUNOG 1. Pinanggagalingang lakas o enerhiya - ito ang gumagawa ng puwersa on presyon na nagpapalabas ng hangin na galing sa baga. 2. Artikulador - bagay na nagpapagalaw sa hangin na lumilikha ng mga tunog. 3. Resonador - sumasala at nagmomodipika ng mga tunog patungong bibig.
  • 7. Ponema – ito ay salitang Griyego na "phonema" o "phone" na ibig sabihin ay tunog. Ang pinakamaliit na yunit ng tunog ay nakapag- papabago ng kahulugan ng salita.
  • 8. 2.3 PRINSIPAL NA SANGKAP SA PAGSASALITA 1. Dila at panga (sa ibaba) 2. Ngipin at labi (sa unahan) Tsart ng mga Ponemang Katinig 3. Matigas na ngala-ngala (sa itaas) 4. Malambot na ngala-ngala (sa likod)
  • 9. 2.5 PONEMANG SEGMENTAL Ang Filipino ay may 21 ponemang segmental - 16 sa mga ito ay katinig at lima naman ang patinig. Mga Katinig - /b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y, ?/. Mga patinig a, e, i, o, u, . PARES-MINIMAL Pares ng mga salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban lamang sa isang ponema sa magkatulad na posisyon. Pasa = /pasa'/'bruise’ Tandaan: • Magkaparehong kaligiran ang mga ponemang /p/ at /b/(ponemang panlabi) gayundin ang /g/ at /k/(ponemang velar) . Hindi pa masasabi sa wikang Filipino na magkaibang ponema ang /p/ at /f/ sapagkat may mga salita na nagtataglay ng ponemang ito sa magkatulad na magkatulad na kaligiran gayundin ang bigkas tulad ng kape at kafe. Subalit sa wikang Ingles, kitang-kita na magkaibang ponema ang mga ito tulad ng pin at fin, pan at fan. PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN . Pares ng salita na katatagpuan ng magkaibang ponema sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nakakaapekto o nakapagpapabago ng kahulugang taglay ng mga salita: Halimbawa: Lalaki = lalake Estruktura = istruktura
  • 10. DIPTONGGO Tumutukoy sa alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /w/o/y/sa loob ng isang pantig. Sayaw giliw langoy apoy KLASTER - Sunuran ng dalawa o higit pang katinig na matatagpuan sa loob ng isang pantig na maaaring sa inisyal o pinal na posisyon - Tumutukoy sa magkasunod na tunog katinig - Halimbawa: unahan: drama, blusa gitna: eskwela, sombrero hulihan: nars, rekord PONEMANG SUPRASEGMENTAL Makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng titik o letra sa pagsulat. Inihuhudyat ito ng mga notasyong ponemik upang matukoy ang paraan ng pagbigkas ng isang salita o isang pahayag 1. INTONASYON, TONO AT PUNTO Intonasyon - pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, maaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag Tono - nakatuon sa paraan ng pagbigkas o pagsasalita na nagpapahayag ng matinding damdamin na maaaring malambing, pagalit, marahan at iba pa. Tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at mataas na tono. * maaaring gamitin ang blg. 1 sa mababa, blg. 2 sa katamtaman at blg. 3 samataas. halimbawa ng salita: Halimbawa:
  • 11. 2. HABA AT DIIN Haba - tumutukoy sa haba o ikli ng bigkas sa patinig ng pantig ng salita. bu.kas = nangangahulugang susunod na araw bukas = hindi sarado Diin - paglakas o paghina ng bigkas sa pantig ng isang salita. BU:hay = kapalaran ng tao bu:HAY = humihinga pa LA:mang = natatangi la:MANG = nakahihigit; nangunguna 3. ANTALA AT HINTO - ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipabatid:
  • 12. Hindi ako ang may kasalanan Hindi, ako ang may kasalanan 2.6 MORPOLOHIYA May kinalaman sa pagbuo ng salita o maka-agham na pag-aaral ng mga morpema. Mga paraan ng pagbuo ng salita a. paggamit ng salitang ugat b. paglalapi c. pag-uulit d. Pagtatambal Mga pagbabagong morpoponemiko 1. asimilasyong parsyal Ang/ng/ ay nagiging /m/ kung ang salitang ugat ay nagsisimula sa /p/ o /b/ Halimbawa: Pang + paaralan = pampaaralan Pang + bayan = pambayan Ang /ng/ ay nagiging /n/ kung ang salitang ugat ay nagsisimula sa mga letrang /d, 1, r, s, t/. Halimbawa: Pang + dikdik = pandikdik Pang + taksi = pantaksi John michael magno
  • 13. 2. asimilasyong ganap Bukod sa napapalitan ang /ng/ nawawala pa rin ang unang ponema ng nilalapiang salita. Halimbawa: Pang + palo > pampalo = pamalo Pang + tali > pantali = panali 3. pagpapalit May mga ponemang nagbabago o napapalitan sa pagbubuo ng mga salita. /d/>/r/ hal. Halimbawa: Ma + dapat = marapat Ma + dunong = marunong John michael magno
  • 14. /o/>/u/ hal. dugo + an = duguan Liko + an = likuan 4. pagkakaltas Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito. Halimbawa: takip + an > takipan = takpan Kitil + in > kitilin = kitlin 5. metatesis Kapag ang salitang- ugat na nagsisimula sa /1/o/y/ ay nilalagyan ng gitlaping-in-, ang/i/at/n/ ay nagkakapalitan ng pusisyon. Halimbawa: * - in - + lipad = linipad ----- nilipad * - in + yaya = yinaya ----- niyaya May mga salitang nagkakaroon pa ng pagkakaltas ng ponema bukod sa pagkakapit ng pusisyon ng dalawang ponema. Halimbawa: * atip + an = atipan ---- aptan * tanim + an = tani man ---- tamnan Yves Rosales
  • 15. 6. paglilipat – diin May mga salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian. Maaring malipat ng isa o dalawang pantig ang diin patungong huling pantig o maaaring malipat ng pantig patungong unahan ng salita. Halimbawa: * ba’sa + hin = basa'hin * Ka + sa’ma + han = kasamaha’n * laro’ + -an = larua’n (lugar) 7. Reduplikasyon Pag-uulit ng pantig ng salita. Ang pag-uulit na ito ay maaaring magpahiwatig ng kilos na ginagawa o gagawin pa lamang, tagagawa ng kilos o pagpaparami. Halimbawa: * aalis matataas magtataho * pupunta masasaya naglalakad 2.7 SINTAKS Sangay ito ng linggwistikang nakatuon sa pagbuo ng pangungusap. Pinag-aaralan dito ang pgsasama-sama ng mga salita para makabuo ng isang kaisipang kompleto ang diwa.
  • 16. MGA URI NG PANGUNGUSAP AYON SA KAYARIAN 1. Payak Nagtataglay ang pangungusap na ito ng isang diwa. Maari itong magkaroon ng isang paksa at isang panaguri lamang; dalawang paksa o isang panaguri; isang paksa at dalawang panaguri Halimbawa: May ilang mambabatas ang iniimbestigahan dahil sa nagawang katiwalian. 2. Tambalan Ang pangungusap na ito ay may dalawa o higit pang sugnay na nakapag iisa (may kompletong diwa). Karaniwan itong gumagamit ng pangatnig. (at, ngunit, subalit, datapwa't, habang, samantalang) Halimbawa: Si Angel Locsin ay mahusay gumanap samantalang si Sarah G. ay magaling umawit. 3. Hugnayan Nagtataglay ang pangungusap na ito ng isang sugnay na makapag-iisa (may kumpletong diwa) at sugnay na di nakapag-iisa. (hindi kumpleto ang diwa) Karaniwan itong ginagamitan ng pangatnig na upang, dahil at sapagkat. Halimbawa: Upang makapagtapos siya sa kanyang pag-aaral, namasukan si George na dyanitor sa eskwelahan.
  • 17. 4. Langkapan Binubuo ito ng dalawa o higit pang sugnay na nakapag-iisa (may kompletong diwa) at isa o higit pang sugnay na di nakapag-iisa (hindi kompleto ang diwa). Halimbawa: Ang mga katiwalian sa Kongreso ay iniimbestigahan na at napag alamang may ilang mambabatas, na posibleng nagwaldas ng pondo ng bayan kaya sila ay sasampahan ng pormal na kaso. 2.8 MGA PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA 1. Eksistensiyal Nagpapahayag ngpagkakaroon ng isang bagay. Pinangungunahan ito ng salitang mayroon o may. Halimbawa: May kanin pa, May pulong, Mayroon pa, 2. Maikling Sambitla Mga kataga na may isa o dalawang pantig lamang na nagiging unang bukang-bibig, kapag nasa sitwasyong may matinding damdamin. Halimbawa: Naku!, Aray!, Ouch!
  • 18. Halimbawa ng mga Sambitla: a. Sambitlang panaway Ate! Kuya! b. Sambitlang nagsasaad ng damdamin Aray! Naku po! c. Sambitlang panagot sa tanong Opo! Hindi po! d. Sambitla ng pagtawag Halika! Halina! e. Sambitla ng matinding damdamin Sunog! f. Sambitlang pautos Pakiabot! Alis! g. Formulasyong panlipunan Magandang gabi po! Tao po! h. Pangungusap na pamanahon Kumikidlat Umuulan i. Pangungusap na eksistensyal Walang tao Mayroon j. Pahanga Wow! Hanep!
  • 19. 3. Mga Pangungusap na Walang Paksa a. Pahanga - mga kataga na may isa o dalawang pantig lamang na ginagamit sa pagpapahayag ng matinding pagkamangha o panggigilalas. Halimbawa: Wow! Hanep! b. Pamanahon - pangungusap na nagsasaad ng oras o naglalarawan sa kalagayan ng kalikasan. Halimbawa: Bukas-makalawa, Bumabagyo dali! Ang pangungusap salita o lipon ng salita na may buong diwa. Sa katuturan na isang salita ay maaaring isang pangungusap kung ito ay may buong diwa gayon din ang mga sambitla. Pangungusap na may panaguri at paksa: Bahagi ng pangungusap 1. Simuno/Paksa - bagay na pinag-uusapan sa pangungusap. Ang maaaring maging paksa ng pangungusap ay: a. Pangalan; Mahalin natin ang ating bayan. b. Panghalip; Sila ay mga marino. c. Pang-uri; Ang mga mahuhusay ay magtatagumpay. d. Pang-abay; Ang dito ay maiiwan sa "conference room". e. Pandiwa; Ang gumagawa ng masama ay di nagtatagumpay. f. Pawatas; Ang magtutulungan ay makagagaan sa Gawain.
  • 20. 2. Panaguri ng pangungusap a. Pangalan : Filipino ang wika ko. b. Panghalip : Sila ang dapat tularan. c. Pang-uri : Masisipag ang mga Pilipinong marino. d. Pang-abay : Bukas ang pag-uulat ng unang pangkat. e. Pandiwa : Nagpapahinga ang kapitan ng barko. f. Panaguring parirala : Pagbababa ng angkla ang trabaho niyo. PAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP Napapalawak ang pangungusap sa pamamagitan ng paggamit ng paningit, panuring, (pang-uri at pang-abay) at kaganapan ng pandiwa. 1. Mga paningit ang tawag sa mga katagang isinasama sa mga pangungusap upang higit na maging malinaw ang kahulugan nito. Halimbawa ng mga paningit: Ba sana naman Na kaya lamang Ho nga daw Kasi man rin Din yata pala
  • 21. • Ang mga katagang "ka", "ko", at "mo" ay maaring manguna sa paningit. • Ang rin at raw ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at malapatinig na "w" at "y". • Ang din at daw ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa "w" at "y". Halimbawa: May bahay rin sa Cainta sina Femay. Si Francine ay katulad mo ring maganda at tahimik. 2. Mga Panuring (pang-uri at pang-abay), bilang pampalawak. Halimbawa: Batayang pangungusap Ang atleta ay iskolar. Yves Rosales
  • 22. a. Pagpapalawak sa pamamagitan ng karaniwang pang-uri. Halimbawa: Ang maliksing atleta ay iskolar. 3. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pariralang panuring. • Ang maliksing atleta sa paaralan namin ay iskolar. • Ang maliksing atleta sa basketbol ay iskolar. • Ang maliksing atleta ng basketbol na mahusay magtalumpati ay iskolar ng palakasan sa pamantasan. 4. Pagpapalawak sa pamamagitan ng ibang bahagi ng pananalita na gumaganap ng tungkulin ng pang-uri. 5. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang tagatanggap. Naghanda si Lola Pat para sa mga bata. 6. Pagpapalawak sa pamamagitan sa kaganapang taga-tanggap ng kilos ng pandiwa. Binugbog ni Manny Paquiao ang kanyang a. Pangngalang ginagamit na panuring. Ang mananayaw na dalaga ay artista. Ang mananayaw na dalagang iyon. b. Panghalip na ginagamit na panuring. "ay artista" c. Pandiwang ginagamit na panuring Ang mananayaw na dalagang iyon na kumakanta ay artista. 7. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pang-abay batayang pangungusap. Lumalakad ang magkapatid. Anthony Sevilla
  • 23. 8. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pang-abay na pamanahon. Lumakad agad ang magkapatid. Banayad na lumakad ang magkapatid. Mga kaganapan ng Pandiwa bilang Pagpapalawak a. Kaganapan ng kilos ng pandiwa Halimbawa: Naglanguyan ang mag-anak sa dagat. b. Kaganapang na gamit sa kilos ng pandiwa Halimbawa: Pinuksaniya ang mga insekto sa kanyang pananim sa pamamagitan ng paggamit ng bagong kemikal. c. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang direksyunal. Halimbawa: Tumakbo ang magnanakaw patungo sa madilim na kalye na iyon. 9. Pagpapalawak ng pangungusap sa pamamagitan ng sanhi. Halimbawa: Nanalo siya dahil sa tiyaga at sipag sa pag- iinsayo. 10. Pagpalawak sa pamamagitan ng kaganapang layon. Halimbawa: Namili ng bukirin si Donya Mary sa kanyang kalaban. Periferal na Istruktura: Paraan ng Pagpapahaba ng pangungusap. Ang pangungusap ay maaaring pahabain sa iba't ibang kaparaanan. Maaaring pahabain ang simuno't panaguri sa iba't ibang paraan.
  • 24. Ang Pagpapahaba ng Panaguri. 1. Pagpapahaba sa pag-gamit ng direksyunal. Ipinagkaloob sa mahirap ang donasyon Dumalaw sa ina ang anak. 2. Pagpapahaba sa pag-gamit ng lokatib. Naglaba sa sapa si nikki Magpupulong sa Manila Hotel ang mga senador. 3.Sa pag-gamit ng mga katagang nagpapahayag ng; Pag-aagam-agam tulad ng tila, baka, yata, marahil. Ikaw yata ang magsasalita. a. Mga kataga tulad ng lamang, sana, pa, daw (raw), din (rin), pala, muli, na man atbp. Ikaw pala ang nanalo b. Panahon tulad ng kahapon, ngayon, bukas atbp. Kahapon dumating ang pangulo. c. Direksyon o pook tulad ng sa paaralan, sa tabi, sa ibabaw, sa ilalim. Nagtungo sa paaralan ang mag-aaral. Umupo sa ibabaw ng mesa ang bata.
  • 25. 4. Kaganapan o komplemento tulad ng: a. Gol na pinangungunahan ng (ng). Bumuli ng gamot ang anak. Naglaba ng lampin si Annie. b. Benepaktib na pinangungunahan ng (para sa/kay). Namili ang anak para sa ina. Nagluto ang kusinero para sa bisita. c. Kosatib na pinangungunahan ng (dahil sa). Nahihilo siya dahil sa gutom. Natuwa siya dahil sa panalo. d. Instrumental na pinangungunahan ng (sa pamamagitan ng). Kumain si Nestor sa pamamagitan ng kamay. Nagluto siya sa pamamagitan ng kahoy.
  • 26. 2.9 ISTANDARDISASYON AT INTELEKTUWALISASYON NG WIKANG FILIPINO Sa paglipas ng panahon, patuloy na nagbabago at magbabago ang lahat ng bagay sa mundo. Hindi lamang ang teknolohiya kundi pati na rin ang wika na siyang pinakapangunahing instrumento ng tao sa pang-araw-araw na pamumuhay nito. Naging pangangailangan na ang isinasagawang pagpapaunlad sa wika upang makasabay sa agos ng panahon at mga taong gumagamit nito. Ang wika ay maaaring malinang pa sa pamamagitan ng pag-iisip ng pinakamabuting anyo ng kod upang maisulong at ma-iangat sa estandardisasyon nito. Isa ang wika sa itinuturing na pinakamalaking isyu o usapin sapagkat ito ang hininga ng isang bansa. Kung nanaisin ang intelektuwalisasyon, kakailanganin nito ang tinatawag na estandardisasyon. Subalit, hindi lingid sa ating kaisipan na kahit may sapat at kongkretong proseso na maaaring sundan sa pag-eestandardisa ng wika ay sadyang hindi madali na bigyang kaganapan ang ganitong pangyayari. INTELEKTWALISASYON Ang intelektwalisasyon ay proseso upang ang isang wika na di pa intelektwalisado ay maitaas at mailagay sa antas na intelektwalisado nang sa gayo'y mabisang magamit sa mga sopistikadong lawak ng karunungan. Ang intelektwalisadong wika ay di lamang gamit na wika ng tahanan, wika ng lansangan, wika ng malikhaing panitikan kundi bilang wika rin ng agham, ng teknolohiya at sa mga iba pang antas ng karunungan. May pagkakahawig ang modernisasyon at intelektwalisasyon. Ang modernisasyon ay naglulunsad sa proseso ng pagsasanay ng bagong wika samantalang ang intelektualisasyon ay naglulunsad sa proseso ng pagtaas ng wika mula sa mababang kalagayan nito. (Santiago 1990)
  • 27. ISTANDARDISASYON - proseso kung saan ang isang tiyak na talaan ng mga talasalitaan o bokabularyo sa isang tiyak na disiplina ng karunungan ay tanggap at ginagamit ng nakararaming tao.. PAGSASALIN - Paglilipat sa pinag-salinang wika ng pinakamalapit na katumbas ng diwa o mensaheng isinasaad sa wikang isinalin. Ang Pagsasaling-Wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat ay nagaganap sa isang wika at pinapahayag na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika. Ayon kay E.Nida 1959/1966," Ang pagsasaling wika ay muling paglalahad.“ Sa payak na kahulugan , ito ay paglilipat ng isang teksto sa pinakamalapit na diwa mula sa pinagmulang wika papunta sa tunguhang wika, tulad din ng paglilipat ng kaluluwa ng isang nilalang sa katawan ng isang patay." (wilamowtz) (Zean Esteves, Prezi) mar 12,2013. 2.10 ANG PROSESO NG PAGSASALIN Ayon kay Newmark ang pagsasalin ay operasyonal. Nagsisimula ito sa pagpili ng pamamaraang-lapit at nagtatapos ang salin sa apat na level: 1. Textual Level - ang batayang level ng pagsasalin. Ito ang literal na pagsasalin ng isang text. 2. Referensyal Level - ang level ng object at pangyayari. Tunay at ginuniguni; Kung saan ang nagsasalin ay bumubuo ng larawang mahalaga sa pag-unawa at saka isinusunod ang proseso ng reproduksyon. Ang level na ito ay nauukol sa malalimang pag-unawa sa text bago simulan ang pagsasalin.
  • 28. 3. Cohesion Level - ang level na panlahat at gramatikal, tumutunton ng mga kawing ng mga kaisipan, himig ng damdamin (pasitiv o negative) at iba pang pagpapalagay. Ang level na ito ang naglalantad ng kabuuang larawan kung saan iaakma ang level ng wika. Sa level na ito tinitingnan ang iba pang aspeto ng pagsasalin tulad ng layunin ng orihinal, istilo atbp. 4. Natural na Level - ito ang proseso ng pagsasalin kung saan iniaangkap ng nagsasalin ang salin sa tiyak na pagkakataon upang maging natural ang dating. Dito sinisikap iaakma ng nagsasalin ang kanyang salin sa istilo ng kasalukuyang panahon pati na ang pagpili ng mga angkop na salita. Kahalagahan ng Pagsasaling-wika Bawat wika ay naka-ugat sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito. 1. Nagkakaroon ng mga kaalaman at mga karunungang nababasa at napag-aaralan na naisusulat sa iba't ibang wika. 2. Napapahalagahan ang aspekto ng kasaysayan at kultura ng iba't ibang lipunan ng lahi ng ibat-ibang bansa sa partikular na panahon. 3. Mas kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng mga paksa at asignaturang malapit na kaugnay ng mga karanasan, kapaligiran, ugali at kaasalan ng mga mag-aaral. Ang pagsasaling-wika ay sining 1. Sistemang paraan ng paglilipat ng diwa o mensahe mula sa isang wika patungo sa ibang wika. 2. Paglalahad sa ibang wika ng katumbas na kahulugan ng isang wika. 3. Paglalahad ng isang kaisipan sa wikang iba sa orihinal. Anthony Sevilla
  • 29. 2.11 GABAY SA ORTOGRAPIYA NG WIKANG FILIPINO 2009 Panimula: Ang gabay sa ortograpiya ng wikang Filipino ay binubuo ng mga kalakaran kung paano sumusulat ang mga Pilipino sa kanilang wikang pambansa. Inilalahad sa ortograpiyang ito ang estandardisadong mga grapema (o pasulat na mga simbolo) at mga tuntunin sa paggamit ng mga simbolong ito. MGA GRAPEMA Ang mga grapema sa praktikal na ortograpiya ng wikang Filipino ay binubuo ng: Letra. Ang serye ng mga letra ay tinatawag na alpabeto Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng dalawampu't walong (28) letra at binibigkas sa tunog Ingles maliban sa ń. Asher Apolito
  • 30.
  • 31. Hindi letra. Maaaring buuin ito ng: 1. Tuldik na pahilis (') na sumisimbulo sa impit na tunog at/o haba. 2. Bantas, gaya ng tuldok (.), pananong (?), padamdam (!), kuwit (,). tuldok-kuwit(), tutuldok (:), kudlit ('), at gitling (-). I. MGA TUNTUNING PANLAHAT SA PAGBAYBAY Pasalitang pagbaybay Paletra ang pasalitang pagbaybay sa Filipino. Ang ibig sabihin ay isa-isang pagbigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga letrang bumubuo sa isang salita, pantig, akronim, daglat, inisyal, simbolong pang-agham, atbp. Halimbawa:
  • 32. PASULAT PABIGKAS Salita boto /bi-o-ti-o/ plano /pi-el-ey-no Fajardo /kapital ef-ey-jey-ey-ar-di-ol Pantig it ay-ti/ kon /key-o-en/ trans /ti-ar-ey-en-es Akronim MERALCO (Manila Electric Company)/em-i-ar-ey-el-si-o/ PASATAF (Pambansang Samahan ng mga Tagamasid at Tagapagtaguyod ng Filipino) /pi-ey-es-ey-ti-ey-ef/ ARMM (Autonomous Region of Muslim Mindanao)/ey-ar-em-em/ ASEAN (Association of Southeast Asian Nation /ey-es-i-ey-en/
  • 33. Daglat Bb. (Binibini) G. (Ginoo) Dr. (Doktor) Inisyal ng Tao MLQ (Manuel L. Quezon) CPR (Carlos P. Romulo) JVP (Jose Villa Panganiban) Inisyal ng Samahan/Institusyon KWF (Komisyon sa Wikang Filipino) /key-dobolyu-ef/ KBP (Kapisanan ng mga Broadkaster sa Pilipinas) /key-bi-pi/ PLM (Pamantasan ng Lungsod ng Maynila) /pi-el-em/ Simbolo ng Pang-agham/Pangmatematika Fe (iron) /ef-i/ HO (water) /eych-tu-o/ /kapital bi-bi/ /kapital ji/ /kapital di-ar/ /em-eLkyu/ /si-pi-ar/ hey-vi-pi/ /el-key-es
  • 34. Pasulat na Pabaybay 1. Panatilihin ang orihinal na anyo ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika sa Pilipinas. "vakúl" (Ivatan) panakip sa ulo na yari sa palmera na ginagamet bilang pananggalang sa ulan at init ng araw. "payyo/payew" (Ifugaw) opangkalahatang tawag sa palayan ng mga Ifugaw "bananu" (Hudhuh) sa halip na hagdan-hagdang palayan (rice terraces) "tnalák" o "Inalák" (Tboli) habing yari sa abak ng mga T'boli "butanding" (Bicol) sa halip na "whale shark" "cabalén" (Pampango) kababayan "hádja" babaeng Muslim na nagsasagawa ng banal na paglalakbay sa Mecca 2. Sa pagbaybay ng mga hiram na salita mula sa mga banyagang wika. panatilihin ang orihinal nitong anyo. status quo pizza pie bouquet 3. Sa pagbaybay ng mga salitang mula sa Español, baybayin ito ayon sa ABAKADA. familia pamilya baño banyo
  • 35. 4. Sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na "e" hindi ito pinapalitan ng letrang "I". Kinakabitan ng pang-ugnay/linker (-ng) at ginagamitan ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat. bérde berdeng-berde kape kapeng-kapé 5. Sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na "o" hindi ito pinapalitan ng letrang "u". Ginagamitan ng gitling sa pagitan ng salitang ugat. Ano ano-ano Sino sino-sino Pito pito-pito May mga salitang nabubuo sa pag-uulit ng salitang-ugat na hindi ginagamitan ng gitling. Ang hindi paggamit ng gitling ay nagpapahiwatig na hindi na taglay ng salitang-ugat ang kahulugan nito, at sa halip, nagkakaroon na ng bagong kahulugan ang nabuong salita tulad ng: haluhalo (pagkain) salusalo (piging/handaan) 6. Kapag hinuhulapian ang huling pantig ng salitang-ugat na nagtatapos sa "e", ito ay nagiging "i" at ang "o" ay "u". Kórte - kortihán
  • 36. Gayunman, may mga salitang nananatili ang "e" kahit hinuhulapian. Sinehan - sine Bote - botehan 7. Makabuluhan ang tunog na "e" at "o' kapag inihahambing ang mga hiram na salita sa mga katutubo o hiram na salita. Mesa - misa téla - tila 8. Gayunman hindi pwedeng palitan ng "i" ang "e" at "o" ng "u". Dapat pa ring gamitin ang baybay na matagal na o lagi nang ginagamit. babác, hindi babái búhos, hindi búhus II. ANG PANTIG AT PALAPANTIGAN 1. Ang Pantig Ang pantig ay isang titik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita. May isa (1) lamang sa bawat pantig. Halimbawa: Oras o.ras Ulo u.lo Ilaw i.law Asher Apolito
  • 37. 2. Kayarian ng Pantig Tinutukoy ang pantig ayon sa kayarian nito sa pamamagitan ng paggamit ng simbolo: K para sa katinig, P para sa patnig. Kayarian Halimbawa P i.log KP bungal PK us,bong 3. Pagpapantig Ang pagpapantig ay paraan ng paghahati ng salita. Ito ay binabatay sa grapema o nakasulat na simbolo. 3.1. Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa posisyong inisyal, midyal at pinal ng salita, ito ay hiwalay na mga pantig. Halimbawa: Salita Mga Pantig Aakyat a.ak.yat Aalis a.a.lis King Vincent cunag
  • 38. 3.2. Kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, katutubo man o hiram, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan at ang pangalawa ay sa kasunod na patinig. Halimbawa: Salita Mga Pantig Aklat ak.lat Bunso bun.so 3.3. Kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, katutubo man o hiram, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan at ang pangalawa ay sa kasunod na patinig. Halimbawa: Salita Mga Pantig Eksperto eks.per.to Transpormer trans.por.mer 3.4. Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay mon at ang kasunod na dalawa ay alinman sa bl, br, dr, pl, tr, ang unang katinig (mon) ay sa sinusundang patinig kasama at ang huling dalawa ay kasunod na patinig. Halimbawa: Salita Mga Pantig Alambre a.lam.bre Balandra ba.lan.dra Empleyado em.ple.ya.do
  • 39. 3.5. Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawang katinig ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling dalawa ay sa patinig na kasunod. Halimbawa: Salita Mga pantig Ekstra eks.tra Eksklusibo eks.klu.si.bo 4. Ang pag-uulit ng pantig Ang mga tuntunin sa pag-uulit ay ang sumusunod: 4.1. Kung ang unang tunog ng salitang-ugat o batayang salita ay patinig ang patinig lamang ang inuulit. Halimbawa: Salita Mga pantig Alis a.alis Iwan i.iwan 4.2. Sinusunod din ang tuntuning ito kahit may unlapi ang salita. Halimbawa: Salita Mga pantig Maiwan ma.i.i.wan Uminom u.mi.i.nom
  • 40. Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay nagsisimula sa KP, ang katinig at kasunod na patinig lamang ang inuulit. Halimbawa: Salita Mga pantig ba.ha ba.ba.ha mag.ba.ba.ha pu.lot pu.pu.lot mag.pu.pu.lot su.lat su.su.lat mag.su.su.lat 4.3. Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay may kambal-katinig o klaster, inuulit lamang ang unang katinig at patinig. Halimbawa: Salita Mga pantig plan.tsa pa.plan.tsa.hin mag.pa.plan.tsa pri.to pi.pri.tu.hin mag.pi.pri.to III. ANG PAGHIHIRAM ay Ang mga tuntunin sa panghihiram at pagbabaybay ng mga hiram na salita ang umusunod: 1. Tumbasan ng kasalukuyang leksikon sa Filipino ang mga salitang hiram o banyaga. Rule = tuntunin Narrative = salaysay Skill = kasanayan
  • 41. 2. Gamitin ang mga natatanging mga salita mula sa mga katutubong wika sa Pilipinas at panatilihin ang orihinal na baybay... Bana (Hiligaynon at Sugbuanong Binisaya) tawag sa asawang lalake) Butanding (Bikol) whale shark "imam“ (Tausug) tawag sa paring Muslim "cañao" (Igorot) panseremonyang sayaw 3. Mga salitang hiram sa Español. 3.1. Baybayin ang salita ayon sa ABAKADA. vocabulario = bokabularyo Telefono = telepono celebracion = selebrasyon 3.2. Baybayin ang salita ayon sa ABAKADA. estudyanye = hindi istudyante Estilo = hindi istilo Espiritu = hindi ispiritu
  • 42. 3.3. Sa mga salitang hiram sa Español na may "o", panatilihin ang " "o". Politika hindi pulitika Opisina hindi upisina Tradisyonal hindi tradisyunal 3.4. May mga salitang hiram sa Español na nababago ang kasunod na katinig, ang "o" ay nagiging "u" sa ilang mga salitang sinusundan rig "n" o pailong na katinig. At ang "n" ay nagiging "m". Español Filipino convencion kumbensiyon Conferencia kumperensiya Convento kumbento 4. Mga salitang hiram sa Español at Ingles: Kung hindi tiyak ang pagtutumbas, hiramin ang orihinal na Español at Ingles.
  • 43. hindi ipinapayong panumbas ang mga sumusunod imeyds imahe (para sa image) dayalog diyalogo (para sa dialogue) prayoriti prayoridad (para sa priority) 5. Panghihiram sa wikang Ingles: Kung wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan ang pinag-hiraman, panatalihin ang orihinal na ispeling kung makalilito ang pagsasa-Filipino ng baybay. Toupee spaghetti Habeas corpus bouquet King Vincent cunag
  • 44. 6. Panatilihin ang orihinal na baybay ng mga salitang pantangi, teknikal, pang agham, at mga simbolong pang-agham at matematika. Manuel Quezon varicose vein Biñan, Laguna chemotheraphy IV. KARAGDAGANG TUNTUNIN A. Ginigitlingan ang pangngalang pantangi at salitang-hiram kapag inu-unlapian. maka-Diyos maka- Ingles pa- Davao Sa aspektong kontemplatibo (pang-hinaharap), inuulit ang unang katinig at patinig (KP) ng salita. mag-Pal magfo-Ford magvi-Vios B. Sa paglalapi at pag-uulit ng mga salitang hiram, idinurugtong ang tunog ng KP sa unlapi. magju-juice magfo-Ford magdu-duty magji-jeep C. Pangmaramihang anyo ng mga salita sa pagsulat. c.1. Ginagamit ang "mga" sa pagsulat ng maramihang anyo ng salita. mga painting mga opisyal Khingz Abalos
  • 45. c.2. Hindi ginagamitan ng "mga" ang salitang hiram na nasa anyong maramihan. Paintings = hindi "mga paintings“ Opisyales = hindi "mga opisyales“ c.3. Hindi ginagamitan ng "pamilang" at "mga" ang mga salitang nasa anyong maramihan. Kalalakihan hindi "mga kalalakihan" hindi "limang kalalakihan" Kababaihan hindi "mga kababaihan" hindi "anim na kababaihan“ c.4. Pagbuo ng pang-uri. Ginagamit ang panlaping makauri sa salitang-ugat na hindi orihinal na pang-uri. pang-akademya/akademiko hindi "pang-akademiko" pangkultura/kultural hindi "pangkultural“ D. Mga salitang may Digrapo. d.1. Sa mga salitang Ingles na nagtatapos sa "ct", ang "ct" ay nagiging "k" kapag binabaybay sa Filipino. Abstract abstrak Impact impak Addict adik
  • 46. 4.2. Sa mga salitang hiram na may "ch" tatlong paraan ang maaaring gamitin. d.2.1 Panatilihin ang orihinal na anyo. Chunks chess d.2.2 Palitan ng ts ang ch at baybayin sa Filipino. Chinelas = tsinelas Chapter = tsapter Chart = tsart d.2.3 Palitan ng kang ch at baybayin sa Filipino. Machine = makina Scholar = iskolar *Maging konsistent sa paggamit ng alinman sa tatlong paraan. d.3. Mga salitang may sh. d.3.1 Panatilihin ang orihinal na anyo. Shower shop showcase shuttle d.3.2 Palitan ng sy ang sh at baybayin sa Filipino. Worksyap workshop Shooting syuting
  • 47. E. Mga salitang hiram na nagsisismula sa letrang "s" ay maaaring baybayin sa dalawang paraan. e.1. Panatilihin ang orihinal na anyo. Scarf slogan spark script spa e.2. Lagyan ng "i" kapag sa unahan binaybay sa Filipino. Schedule iskedyul Sport isport Scout iskawt F. Mga salitang may dalawang magkasunod Kinakaltas ang isa sa dalawang magkasunod na parehong katinig. na parehong katinig. Buletin bulletin. Grammar grammar Pattern patern G. Mga salitang may kambal-patinig. Sa mga salitang hiram sa Español na may kambal-patinig. 1. Nanatili ang a+ a+ (e, i, o, u) at e+ (a,i,o,u) a+ (e, i, o, u) = maestro, oarta, bailarina, baul, laurel e+ (a, i, o, u) = teatro, oleo, beinte, neutral, neurosis 2. Kinakaltas ang unang patinig at pinapalitan ito ng y. i+(a, e, o) = barberya (barberia), akasya (acacia) = Disyembre (Diciembre), serye (serie) = bisyo (vicio), ambisyon (ambicjon)
  • 48. 3. Sinisingitan ng y o w sa mga sumusunod na posisyon. a. Kung ang kambal patinig ay nasa unang pantig ng salita. ia - diyabetes (diabetes), biyahe (viaje), piyano (piano) ie - Biyernes (biernes), piyesta, (piesta), siyete (sigte), piyesa (piesa) io - Diyos (Dios), piyorea (piorrea) ua - awto (auto), guwapo (guapo) ue - kuwenta (cuenta), kuwerdas (cuerdas) b. Kung ang kambal-katinig ay sumusunod sa dalawa o mahigit pang mga katinig. ia - diperensiya (diferencia), impluwensiya (influencia). menudensiya (menudencia) ie - impiyerno (infierno), gobyerno (gobierno) io - albolaryo (albolario), edipisyo (edificio) ua - awto (auto), guwapo (guapo), karuwahe (caruaje), aguwador (aguador) ue - sarsuwela (zarzuela) ui - buwitre (buitre) uo - oblikwo ( oblique ) c. Kung ang kambal-patinig ay sumusunod sa h. lohiya (logia) kolehiyal (collegial) perwisyo (perjuicio) rehiyon (region) kolehiyo (colegio) Khingz abalos