2. Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa
mo ang mga sumusunod:
1. naipaliliwanag ang heograpikal, morpolohikal,
at ponolohikal na varayti ng wika;
2. nasasabi kung ang mga halimbawang
pangungusap ay nagpapakita ng varayti ng wika
sa heograpiya, morpolohiya, at ponolohiya; at
3. 3. nakapagtatala ng mga tiyak na
halimbawa ng varayti sa heograpiya,
morpolohiya, at ponolohiya partikular sa
mga wika sa Pilipinas
4. Ang barayti ng wika ay ang pagkakaroon ng natatanging
katangian nanauugnay sa partikular na uri ng
katangiang sosyo-sitwasyunal na makatutulong sa
pagkilala sa isang partikular na baryasyon o barayti ng
wika.
Ito rin ang pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng
mga tao sa bansa. Maaaring ang pagkakaiba ay nasa
bigkas, tono, uri at anyo ng salita.
5. Nagging salik ang heograpiya o lugar ng
nagsasalita sa pagkakaroon ng varayti ng wika.
Dahil ang Pilipinas ay isang archipelago na nahahati
ng katubigan at kapatagan, at napaghihiwalay ng
mga pulo at kabundukan, hindi maiwasang
makalikha ng sailing kultura o paraan ng
pamumuhay ang mga tong sama-samang
naninirahan sa sang particular na pulo o lugar.
6. Kasabay ng nabubuong kultura ang pagbuo rin
ng wika sapagkat kultura ay kabuhol ng wika. Ito
ay dahilan kung bakit sa magkakahiwalay ay
magkakaibang lugar, ang isang bagay o konsepto
ay nagkakaroon ng magkaibang katawagan.
7. Halimbawa, ang 'ibon" sa Filipino ay "langgam"
naman sa Sinugbuanong Binisaya. Kaya, kapag
magkasama sa isang lugar ang isang nagsasalita ng
Filipino at isang nagsasalita ng Sinugbuanong
Binisaya, at narinig nila ang salitang "langgam," ang
una ay yuyuko at maghahanap ng langgam sa ibaba;
samantala, ang huli ay titingala at maghahanap ng
ibon sa ere.
8. Samakatuwid, isang salita ngunit magkaiba ng
kahulugan sa dalawang magkaibang wika.
Kapag nasa Pampanga ka at naliligaw at ibig mong
magtanong n direksiyon, "mangungutang" ka.
Samantala, kung nasa Maynila ka, kapag ibig mon
"mangutang," nanghihiram ka ng pera. Ang
"maganda" sa wikang Filipino a "mahusay" sa
Samar.
9. Sa Pangasinan, ang salitang "Oras" ay "hugas"
ang ibig sabihin sa Filipino; samantalang may
salitang "Oras" din sa Filipino na panahon
naman ang tinutukoy.
Nangyayari rin na nagkakaroon ng magkaibang
kahulugan sa magkahiwalay na lugar na may
magkaibang kultura ang isang salita.
10. Halimbawa, ang salitang salvage ay
nangangahulugang "iligtas o isalba" sa Ingles.
Nang hiramin ng Filipino ang salitang ito,
kabaligtaran ang nagging kahulugan nito, dahil
ang salvage ay nagging "pagpatay nang hindi
nilitis."
11. Ang "baka" sa wikang Niponggo ay
nangangahulugan ng "bobo" samantalang sa
Filipino, ito ay isang hayop. Ang ganitong
pagkakaiba sa mga katawagan at kahulugan ng
salitang ginagamit sa iba't bang lugar ang
tinatawag nating heograpikal a barayti ng wika.
12. Pansinin ang tumbasan ng mga salitang ito:
inihaw = binabange
tagilid = tabinge
lanngam = hantik/guyam
saranggola = papagayo/bulado
iimik = naghiso
13. Ang pares ng mga salitang nakalista ay
magkasingkahulugan subalit may magkaibang
katawagan. Ang mga salita sa kaliwa ay ginagamit
sa Manila samantalang ang mga nakalista sa
kanan ay mga salitang ginagamit at naririnig sa
Batangas at sa iba pang lalawigang Tagalog. Ang
hantik at gayum ay ginagamit din sa lalawigan ng
Quezon.
14. Tingnan ang mga halimbawang salita sa iba't
ibang katawagan para sa pulis at kung saan-
saang bansa ito ginagamit.
• Polise (Indonesia)
• Policija (Crotia, Latvia, Poland)
• Polis (Malaysia, Sweden, Turkey)
• Police (America, France)
• Pu;lisya (Pilipinas
15. Tingnan ang mga halimbawang salita sa iba't
ibang katawagan para sa pulis at kung saan-
saang bansa ito ginagamit.
• Policie (Czetch Republic)
• Pulisya (Pilipinas)
• Polizie (Germany)
• Poliza (Italy)
16. Marami ka pang masasaliksik na iba pang
katawagan sa iba't ibang bansa para sa salitang
pulis.
Basahin ang mga salita sa loo ng kahon sa ibaba.
Ang mga ito ay mga halimbawa ng varayti sa
heograpiya:
19. Hindi lamang ang lokasyon ng mga lugar at ang
magkakaibang kultura na lumilikha ng
magkakaibang katawagan at kahulugan ang
nagging dahilan ng varayti sa wika. Ang iba't
ibang paraan ng pagbuo ng salita ng mga taong
kabilang sa iba't ibang kultura ay nagging salik
din sa varayti ng wika.
20. Basahing muli ang mga pahayag na ito:
"napatak ang mga dahon"
"nasuray ang dyipni"
"mapurol ang ulo"
21. Sa unang pahayag, ginamit ang salitang
"napatak" para sa dahon. Sa Tagalog-Batangas
at sa iba pang lalawigang Tagalog, maaaring
gamitin ang salitang "napatak" para tukuyin ang
mga bagay na nalalaglag o nahuhulog (mula sa
itaas).
22. Halimbawa nito ang pangungusa na: "Tayo
nang mamulot ng mga napatak na
mangga.”Malapit nang mamunga ang
sinewelas, kayrami nang napatak na dahon."
Samantala, sa Maynila, mas ginagamit ang
"napatak" para sa tubig, gaya ng ulan at luha.
23. Halimbawa: "Pagewang-gewang ang
sasakyang minamaneho ng lasing a drayber.
"Gumegewang ang sasakyang minamaneho
ng lasing na drayber." Pansinin mo ang
pagbuo ng mga salitang "napatak" at
"nasuray."
24. Sa ilang lalawigang Tagalog gaya ng
Batangas, ang pandiwa o salitang
nagpapakita g aksiyon o kilos ay
nakabanghay sa unlaping /na-/ tulad ng
naiyak, naulan, nakanta, at natakbo.
25. Sa Manila, ang pandiwa o salitang
nagpapakita ng aksiyon o kilos ay
nakabanghay sa gitlaping /-um-/ gaya ng
umiyak, umuulan, kumakanta, at tumatakbo.
Kaya sa Maynila, ang napatak ay pumapatak
at ang nasuray ay sumusuray.
26. Kung paghahambingin natin ang gamit ng
mga salitang "napatak" at "nagewang" sa
Tagalog ng Batangas at Maynila, ganito
ang mga pangungusa na mabubuo natin:
27. Batangas: Napatak ang buko.
Maynila: Pumapatak ang ulan.
Batangas: Nasuray ang auto.
Maynila: Sumusuray ang paglakad (ng lasing
na lalaki).
28. Dahil iba-iba ang wikang ginagamit sa iba't
ibang lugar, nagkakaiba rin ang paraan ng
pagbuo ng salita ng mga naninirahan sa mga
ito. Ang pagkakaiba-ibang ito sa pagbuo ng
mga salita dahil sa paglalapi ang tinatawag a
morpolohikal na barayti ng wika.
31. Sa pelikulang Heneral Luna, sa eksenang
natimbuwang na ang heneral sa dami ng taga at
tama ng baril na tinamo, ipinakita ang isang
babang nasa bintana ng kumbento. Nagsalita ang
babae: "Nagalaw pa ba iyan?" Ipinapakita sa
pangungusap na ito ang barayti ng wikang gamit
sa Hilagang Katagalugan: nagalaw sa halip na
gumagalaw.
33. Halimbawa:
Salitang ugat: bumili
Panlaping -um-
Nabuong salita; bumili (sa Ingles, to buy)
Salitang ugat: bili
Panlaping -mag-
Nabuong salita; magbili (sa Ingles, to sell)
34. May mga pagkakataon naman na kahit magkaibang
panlapi ang ginagamit, hindi pa rin nagbabago ang
kahulugan ng salita.
Tignan natin ang mga panlaping i-(unlapi) at -in
(hulapi).
Pareho lamang ang kahulugan ng mga sumusunod
na salita:
36. Ngunit tingnan ang mga halimbawang
pangungusap sa ibaba:
1. lakyat mo na sa maysakit ang kanyang hapunan.
(Dalhan (sa itaas ng bahay) ng hapunan ang
maysakit.)
2. Akyatin na natin ang mayamang mangangalakal
mamayang gabi. (Umakyat g bahay ng iba nang
walang pahintulot upang gumawa ng masama.)
37. Samakatuwid, maging maingat sa paggamit ng
panlapi. Kung minsan, hindi lamang varayti o
magkaibang anyo ng isang salita ang sangkot sa
usapan; maaari ding maging iba ang kahulugan.
Ngayon, dahil marami nang gumagamit ng wikang
Filipino na may iba't ibang unang wika,
nagkakaroon ng iba't ibang anyo ang mga salita
batay sa mga
38. Halimbawa, ang dating "makialam" (maki- + alam),
ngayon ay"mangialam" na (mang- + -ki+ alam), lalo
na sa mga kabataan. Tandaan lagi ang wastong
pagpili ng panlapi upang wastong maipahayag ang
gustong sabihin.
39. Halimbawa, magpugay sa bandila (alisin ang
sumbreo - dating nakasumbrero ang mga tao noon,
upang magbigay-galang), hindi pugayan ang
bandila (alisan ng dangal). Kasama sa mga varayti
ng isang wika ang ispeling o baybay ng salita.
40. American English British English
acknowledgment acknowledgment
airplane aeroplane
anesthesia acknowledgment
Tingnan ang halimbawa ng magkakaibang ispeling
ng mga salita sa American at British English:
41. American English British English
analog analogue
catalog catalogue
characterize characterize
endeavor endeavor
amor armour
fiber fibre
43. Bukod sa mga pagkakaiba sa katawagan at
kahulugan (heograpikal na varayti), anyo at
ispeling (morpolohikal na varayti),
nagkakaroon din ng pagbabago sa bigkas at
tunog ng mga salita ayon sa pangkat ng mga
taong gumagamit nito.
44. Tiyak na napansin mo na magkakaiba ang
bigkas at tunog ng mga salita sa bawat lugar.
Katulad ng natalakay na, lumilikha ng sailing
wika ang mga tong magkakasama sa isang
kultura at lugar. Sa paglikha ng kani-kaniyang
wika, hindi maiwasang malikha rin ang
magkakaibang tunog at bigkas sa mga salita.
45. Nagkakaroon ng kani-kaniyang dialectal accent
ang bawat lugar. Halimbawa, sa Bisaya,
nagkakapalitan ang bigkas ng /e/ at /i/ at ng 10/ at
/u/. Maaaring ang maging bigkas ng isang Bisaya
sa "pera" ay "pira," ang "pitaka" ay "petaka," ang
"kuva" ay "koya," " at ang "bola" ay "bula." Mali
ba ang ganitong pagbigkas?
46. Ang sagot ay hindi, sapagkat ang
nagsasalita ay bumibigkas ayon sa kanyang
dialectal accent. Ang pagkakaiba-ibang ito
sa bigkas at ng mga salita ang tinatawag na
Varayti sa ponolohiya.
47. Ang ganitong varayti sa ponolohiya ay hindi
ekslusibo sa mga wika sa Pilipinas.
Nangyayari rin ang mga ganitong
pagkakaiba sa bigkas at tunog sa mga wika
sa daigdig.
Narito ang ilang halimbawa:
50. Sa heograpikal na varayti, nasa katawagan
at kahulugan ng salita ang pagkakaiba. Sa
morpolohikal na varayti, ang pagkakaiba ay
nasa anyo at ispeling ng salita at hindi sa
taglay na kahulugan nito. Samantala, sa
ponolohikal na varayti, nasa bigkas at
tunog ng.
51. Panuto: Pangkatin ang buong klase ng dalawa. Ang
tagapag-ulat ang siyang may karapatan sa
pagpapangkat. Ang gawain ay may pamagat na
“Piliin Mo Ako”. Ang naka-tukang dalawang
magkatunggali ang pipili ng isa mula labindalawang
katanongan at sasagotin. May kalayaang pumili ang
mananalo kung mapagtagumpayan ang ipapagawa
ng tagapag-ulat.
52. May dalawang paraan ng pag-iiskor. Kung mauna at
makasasagot ang nanalo mula sa tanong at ipapagawa,
may 5 puntos na agad na matatanggap. Ang pag-iiskor
sa ikalawang bahagi ay nakadepende sa o maituturo ng
Wheel. Tandaan na kahit makasasagot ka may
posibilidad pa rin na mabawasan, madagdagan, at
mabahagian ang isang groupo. Ang makatatanggap ng
pinakamataas na iskor ay tatanggap ng 50 na iskor at
ang matatalo ay makatatangap ng 30 na puntos
53. +10
+20
- 20 sa katunggali
+5
+15
+15 sa katunggali
+20
-35 ang katunggali
-5
-15 ang katunggali
+15
-10 ang katunggali
-20
+20 ang katunggali
+20
-10
-5 sa katunggali
54. Hiraya vs Manawwaari
Nobleza vs Cariazo
Bulan vs Camilo
Galang vs Miranda
Eleria vs Andrada
Tunan vs Mendal
Torentira vs Labao
55. Pagbuo ng Awit:
Mula sa mga natalakay, ang bawat pangkat ay bumuo
ng awit na pumapaksa mula sa tatlong natalakay. Ang
bawat pangkat ay may kalayaang gumamit ng
nakompos na awit, palitan lamang ang liriko o hindi
kaya ay gagawa ng sariling komposisyon. Ang
pagtatanghal ay magaganap sa itinakdang araw, oras,
at pagkakataon. Pamantayan ng pagmamarka ay ang
mga sumusunod.
56. Pagbuo ng Awit: Pamantayan
Nilalaman, limangpung {50} bahagdan
(Ang nilikhang awit ay kompleto at tumpak ayon sa natalakay)
Pagtatanghal, tatlumpung {30} bahagdan
(Sa nilikhang awit ay maayos na naitanghal at nakikitaan ng
kasiningan. Nasa tuno at angkop ang liriko sa bawat ritmo.)
Impak sa tagapanood, sampung {10} bahagdan
Pagkakaisa ng bawat kasapi , sampung{10} bahagdan
May kabuuang isang danng {100} bahagdan