3. PAYAK
• Binubuo ng salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi
inuulit at walang katambal na salita.
• Halimbawa:
alay kahoy bango araw
dasal dahon lakad gabi
4. MAYLAPI
• Ay mga salitang binubuo ng salitang-ugat na may
kasamang isa o higit pang panlapi.
• Halimbawa:
Usigin pagsumikapan
Katapangan sumpa-sumpaan
5. A. Paglalapi
• Tumutukoy sa pagbuo ng salita sa papagitan ng pagsasama ng panlapi at
salitang-ugat.
• URI NG PANLAPI:
a. Unlapi ikinakabit sa unahan ng salitang ugat
b. Gitlapi isinisingit (unahang katinig at kasunod na patinig)
c. Hulapi ikinakabit sa hulihan ng salitang ugat
7. B. Mga Paraan ng Paglalapi
1. pag-uunlapi
2. Paggigitlapi
3. Paghuhulapi
4. Pag-uunlapi at paggigitlapi
5. Pag-uunlapi at paghuhulapi o kabilaan
6. Paggigitlapi at paghuhulapi
7. Pag-uunlapi, paggigitlapi, at paghuhulapi o laguhan
8. INUULIT
• Ang buong salita ay inuulit o kaya naman, ang isa, o higit
pang patinig ay inuulit.
• Mayroong dalawang uri:
a.) pag-uulit na ganap
b. ) pag-uulit na di-ganap
9. a. Pag-uulit na ganap
• Inuulit ang buong salitang-ugat
• May nababgo ang diin kapag inuulit mayroon naming nananatili ang diin.
Halimbawa:
Salitang-ugat pag-uulit
Gabi gabi-gabi
Araw araw-araw
10. b. Pag-uulit na di-ganap
• Bahagi lamang ng salita ang inuulit
Halimbawa:
Salitang-ugat Pag-uulit
Inom iinom
Sulat susulat
Usok uusok
Takbo tatakbo
11. Halimbawa ng patinig na may kayariang Katinig Patinig Katinig, ang
inuulit ay ang unang katinig at kasunod na patinig ng pantig.
Halimbawa:
Salitang ugat Pag-uulit
Lukso lulukso
Benta bebenta
Sipsip sisipsip
12. TAMBALAN
• Tawag sa pagsasama ng dalawang salita
• May dalawang uri:
a.) mga tambalang ganap
b.) mga tambalang di-ganap
13. a. Mga tambalang ganap
• Nagkakaroon ng iba sa isinasaad ng mga salitang pinagsama
• Ang dalawang salitang pinagtambal ay nagkakaroon ng ikatlong kahulugang
iba kaysa isinasaad ng mga salitang pinagsama:
Halimbawa:
Bahag + hari bahaghari
Patay + gutom patay-gutom
14. b. Mga tambalang di-ganap
• Pinagsamang dalawang salita na nananatili ang kahulugan
Halimbawa: bahay-kubo (ang ‘bahay’ ay tirahan ng tao at ang ‘kubo’ ay maliit na bahay)
• May iba’t ibang uri ng tambalang salita batay sa kahulugang idinaragag ng ikalawang
salita.
Halimbawa:
1. Naglalarawan – burdang-Batangas
2. Pagtitimbangan – bantay-salakay, hatid-sundo, araw-gabi