2. Ang PANDIWA ay salitang nagpapahayag ng:
• Kilos, aksiyon, o gawa.
HALIMBAWA:
kumain, mag-aral, bigyan, maglinis
• Proseso o pangyayaring karaniwang sadya, di-sadya, likas o di-
likas.
HALIMBAWA:
masunog, bumagyo, kumidlat, umulan, natabunan,
naaksidente
• Karanasan o damdamin
HALIMBAWA:
matuwa, sumaya, magmahal, nilamig, nainitan, yumabang
3. Pandiwa
Ang pandiwa ay salitang nagsasaad ng kilos o
nagbibigaybuhay sa isang lipon ng mga salita. Ito ay
binubuo ng salitang ugat at panlapi. Maaaring gumagamit
ng isa o higit pang panlapi sa pagbuo ng salitang kilos na
ito.
4. May dalawang pangkalahatang anyo ang
pandiwa. Maaaring binubuo lamang ito ng
salitang-ugat (root word) na karaniwang
ginagamit sa pag-uutos.
HALIMBAWA:
Alis! Takbo!
Lakad! Upo.
5. Maaari rin itong binubuo ng
salitang-ugat+panlapi na
tinatawag na panlaping
makadiwa.
7. • Ang mga pandiwa sa Filipino ay
nababanghay ayon sa aspekto at
hindi ayon sa panahunan. Ang
ASPEKTO ay katangian ng
pandiwang nagsasaad kung kailan
nangyari, nangyayari, mangyayari o
isasagawa pa lamang ang kilos.
8. aspekto ng pandiwa
Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapakita kung
kailan nangyari, nangyayari, o ipagpapatuloy pa ang
kilos.
9. Aspekto ng pandiwa
1. Aspektong Naganap o Perpektibo
■ Aspektong Katatapos
2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo
3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo
10. 1. ASPEKTONG NAGANAP O PERPEKTIBO
Ito ay nagsasaad na tapos nang gawin ang
kilos.
Pormula: Nag + Salitang Ugat
11. Naganap o perpektibo
Mga Halimbawa:
Nagluto Nagtanong
Nagsimba Nagtanim
Naghugas Nagbiro
Naglinis Nagsulat
14. 2. asPEKTONG NAGAGANAP O IMPERPEKTIBO
Ito ay nagsasaad ng kilos na laging ginagawa o
kasalukuyang nangyayari.
Pormula: Nag + Unang Pantig + Salitang Ugat
15. NAGAGANAP o Imperpektibo
Mga Halimbawa:
Naglalaba Naglilinis
Nag-aaral Nagtatanim
Nagsisimba Nagbabasa
Naghuhugas Nagsusulat
16. 3. Magaganap O koNTEMPLATIBO
Ito ay nagpapahayag na ang kilos ay hindi pa
nasisimulan o naisasagawa. Ito ay gagawin pa
lamang.
Pormula: Mag + Unang Pantig + Salitang Ugat
17. NAGAGANAP o Imperpektibo
Mga Halimbawa:
Maglalaba Maglilinis
Mag-aaral Magtatanim
Magsisimba Magbabasa
Maghuhugas Magsusulat