Ayon kay Barrett (banggit ni Ollenburger: 1992), sa kanyang "Women's Oppression Today: Problems in Feminist Analysis," ang institusyon ng isang nuklear na pamilya ang nagbibigay ng kakayahan sa lalaki upang madominahan ang babae. Ang pananaw ng ating mga ninuno sa sistemang pambahay ng pamilya ay may ganitong istruktura, na siyang masasalamin sa mga katangian at tungkuling kanilang itinakda sa dalawang kasarian sa ilang anyo ng foklor.
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
QUEENIE-602..pptx
1. Kayarian ng pagbubuo
ng salita
Alomorp ng Morpema
Pagbabagong
Morpoponemoko
QUEENIE ROSE Q. FERNANDEZ
Taga-Ulat
2. KAYARIAN NG PAGBUBUO NG
SALITA
• Ang salita ay may ibat ibang kayarian.
Kaya ito ay nauuri sa apat
1. Payak
2. Maylapi
3. Inuulit
3. Tambalan
3. PAYAK
Binubuo ng salitang ugat at walang
panlapi; hindi inuulit at walang
katambal na mga salita
Hal:
Tao, huwag,
ganda, guro,
sayaw, tulog
4. Maylapi
• Ang salita ay masasabing may lapi kapag ito ay
nilalapian (unlapi)(gitlapi)(hulapi).
UNLAPI:
Um + asa = umasa Mag + aral = mag-aral
Gitlapi
In + Kain = Kinain in + Bili = Binili
HULAPI
In + Linis = Linisin An + Gamit = Gamitan
5. Inuulit
• Salitang binubuo ng pag-uulit ng isang bahagi
ng salita o buong salita.
Hal:
Masayang masaya
Maduming madumi
Itim na itim
Bahay-bahayan
6. Tambalan
Salitang binubuo sa pamamagitan ng
pagsasama o pagtatambal ng dalawang salita
upang makabuo ng isang buong tambalang
salita.
Hal:
Dalagang-Bukid
Balik- bayan
7. ALOMORP NG MORPEMA
• Ang Filipino ay may apat na panlapi
na may mga alomorp. Ang bawat isa
ay may tuntuning sinusunod.
Ang panlaping [pang] ay may tatlong
alomorp. [pang-]. [pam-],[pan-]
Pang – a,e,i,o,u [ k,g,ng,m,n,w,y]
Pam - /b/ o /p/
Pan – d.l.r.s.t
10. Pagbabagong Morpoponemiko
Asimilasyon
Di ganap na Asimilasyon - ang ponemang / ŋ / ay
nagiging /n/ o/m/ o mananatiling / ŋ / dahil sa ga
kasunod na tunog
Kapag ikinabit ang sa isang salitang ugat na
nagsisimula sa /p/ o /b/ ang / ŋ / ay nagiging ma
Pang + paaralan= pampaaralan
Pang + bayan = pambayan
11. Nagiging n naman ang salitang / ŋ / kung ang
kasunod ay alinman sa mga sumusunod na
ponema: /d,l,r,s,t/
Hal:
Pang + dikdik = pandikdik
Pang + taksi = pantaksi
12. Asimilasyon
Ganap ng Asimilasyon – bukod sa pagbabagong
naganap sa ponemang /ŋ/ ayon sa punto ng
artikulasyon ng kasunod na tunog, nawawala na rin
ang unang ponema ng ilalapiang salita dahil ito ay
inaasimila o napapaloob na sa sinusundang ponema
Hal: pang + palo = pamalo
pang + tali = panali
May mga salitang maaring gamitin alin man sa asimilasyon, ngunit
mga salitang nakamihasnan ng gamitin lamang ng asimilasyong di
ganap.
13. Halimbawa:
pang + kuha = pangkuha - panguha
pang + tabas = pangtabas – panabas
Ang mga sumusunod na hindi ginagamitan ng
asimilasyong ganap:
Pang- + bansa = pambansa
Pang- + luto = panluto
14. Pagpapalit Ponemana
• (d-r)
Ang ponemang /d/ sa posisyon ng inisyal ng salitang
nilalapian ay karaniwang napapalitan ng ponemang
/r/ kapag patinig ang huling ponema ng unlapi
Hal:
Ma- + dapat = marapat
Ma- + dunong = marunong
Lapad + -an = laparan
Tawid + -an=tawidan
15. • (h-n)
sa ilang halimbawa, ang /h/ bagamat hindi
binabaybay o tinutumbasan ng titik sa pagsulat
ng panlaping /-han/ ay nagiging /n/.
Hal: tawah + -an =tawahan=tawanan
• (o-u)
Hal: dugo + -an = duguan
16. Metatesis
• Kapag ang salitang –ugat ay nagsisimula sa /l/ o / y/ ay
nilalagyan ng gitlaping –in- ang /i/ at /n/ ay nagkakapalitan
ng posisyon.
Hal:
-in- + lipad = nilipad (linipad)
-in- + yaya =niyaya (yinaya)
• May mga salitang nagkakaraoon pa ng pagkakaltas ng
ponema bukod sa pagkakapalit ng posisyon ng dalawang
morpema.
Hal:
Tanim + - an = taniman = tamnan
17. Pagkakaltas
• Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang
huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay
nawawala sa paghuhulapi nito.
Hal:
takip + -an = takipan = takpan
kitil + -in = kitilin = kitlin
18. Paglilipat-diin
• May mga salitang nagbabago ng diin kapag
nilalapian. Maaaring malipat ang isa o
dalawang pantig ang diin patungong huling
pantig o maaaring malipat ng pantig
patungong unahan ng salita.
Hal:
BAsa + -hin = basAhin
ka- + Sama+ han = kasamahAn
larO + -an = laruAn
19. Reduplikasyon
• Pag-uulit ito ng pantig ng salita. Ang pag-uulit
na ito ay maaaring magpapahiwatig ng kilos
na ginagawa o gagawin pa lamang, tagagawa
ng kilos o pagpaparami.
Hal:
Aalis, matataas,magtataho,pupunta,masasaya,
naglalakad.
20. Sanggunian
• Ang alomorp ng Morpema
https://akosibebelz.weebly.com/alomorp-ng-
wikang-filipino.
• Pagbabagong Morpoponemiko
https://www.slideshare.net/arnielapuz/mga-pagbabagong-
morpoponemiko