Proyekto ng mga mag-aaral na kumukuha ng Bachelor of Secondary Education Major in Filipino sa University of Perpetual System Dalta Molino.
Ipinasa ni Jorebel Billones
Ipinasa kay Mrs. Salvacion Frondozo

Ayon kay Barrett (banggit ni Ollenburger: 1992), sa kanyang "Women's Oppression Today: Problems in Feminist Analysis," ang institusyon ng isang nuklear na pamilya ang nagbibigay ng kakayahan sa lalaki upang madominahan ang babae. Ang pananaw ng ating mga ninuno sa sistemang pambahay ng pamilya ay may ganitong istruktura, na siyang masasalamin sa mga katangian at tungkuling kanilang itinakda sa dalawang kasarian sa ilang anyo ng foklor.

2. Ang salita ay pinagsama-samang mga
titik at pantig na may kahulugan.
Ano ang salita?
3. Ang salita ay may apat na kayarian. Ito ay ang sumusunod:
1. Payak
2. Maylapi
3. Inuulit
4. Tambalan
4. 1. Payak ang salita kung ito ay binubuo ng
salitang-ugat lamang.
Halimbawa:
apoy
asa
araw
isa
5. 2. Maylapi ang salita kung ito ay binubuo ng
salitang-ugat at ng isa o higit pang panlapi.
May limang uri ng paglalapi. Ito ay ang
unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan, laguhan.
6. Ang limang uri ng Paglalapi:
a. Unlapi—Ikinakabit sa unahan ng salitang-
ugat.
Halimbawa:
um + asa
nag + apoy
— umasa
— nag-apoy
7. Ang limang uri ng Paglalapi:
b. Gitlapi—Ikinakabit sa gitna ng salitang-
ugat.
Halimbawa:
-um + laban
-in + mahal
— lumaban
— minahal
8. Ang limang uri ng Paglalapi:
c. Hulapi—Ikinakabit sa hulihan ng salitang-
ugat.
Halimbawa:
isa + han
araw + an
— isahan
— arawan
9. Ang limang uri ng Paglalapi:
d. Kabilaan—ikinakabit sa unahan, at hulihan
ng salitang ugat.
Halimbawa:
pag + apoy + in
pa + asa + hin
— pag-apuyin
— paasahin
10. Ang limang uri ng Paglalapi:
e. Laguhan—ikinakabit sa unahan, gitna at
hulihan ng salitang-ugat.
Halimbawa:
pag + um + sikap + an
mag + in + dugo + an
— pagsumikapan
— magdinuguan
11. 3. Inuulit naman ang salita kung ang
kabuuang salita o ang mga unahang pantig
nito ay inuulit. May dalawang
pangkalahatang uri ng pag-uulit. Ito ay ang
pag-uulit na ganap at pag-uulit na parsiyal.
12. Ang dalawang pangkalahatang uri ng pag-uulit:
a. Pag-uulit na ganap—sa uring ito ang
buong salitang-ugat ay inuulit.
Halimbawa:
araw + araw
isa + isa
— araw-araw
— isa-isa
13. Ang dalawang pangkalahatang uri ng pag-uulit:
b. Pag-uulit na parsiyal— ito ay pag-uulit na
ang bahagi lamang ng salitang-ugat ang
inuulit.
Halimbawa:
ikot
asa
— iikot
— aasa
14. 4. Tambalan ang salita kung may dalawang
salitang pinagsama upang makabuo ng
isang salita. Ito ay may dalawang uri. Ang
tambalang ganap at tambalang di-ganap.
15. Ang dalawang uri ng Tambalan:
a. Tambalang ganap—sa uring ito, ang dalawang
salitang pinagtatambal ay nagkakaroon ng bagong
kahulugan. Hindi ito nilalagyan ng gitling kapag
pinagsasama.
16. Ang dalawang uri ng Tambalan:
a. Tambalang ganap—sa uring ito, ang dalawang
salitang pinagtatambal ay nagkakaroon ng bagong
kahulugan. Hindi ito nilalagyan ng gitling kapag
pinagsasama.
Halimbawa:
hampas + lupa — hampaslupa (mahirap)
dalaga + bukid — dalagambukid (isang uri ng isda)
17. b. Tambalang di-ganap—sa uring ito, Ang taglay na
kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal ay
hindi nawawala, ito ay kadalasang ginigitlingan.
Halimbawa:
ingat + yaman
kulay + dugo
— ingat-yaman
— kulay-dugo
Ang dalawang uri ng Tambalan:
18. Baisa-Julian, A. G. & Lontoc, N. S. Dayag, A. M.
(2009) PLUMA Wika at Panitikan sa Mataas na
Paaralan II. (pp. 92-94) Phoenix Publishing House.
Sanggunihan