2. SINTAKSIS
pag- aaral ng istruktura ng mga
pangungusap, pagsasama- sama ng
mga salita paramakabuo ng mga
parirala o mga pangungusap
3. PANGUNGUSAP
Isang lipon ng mga salita na nagsasaad ng buong
diwa.
Ngunit may mga pangungusap na binubuo lamang ng
isang salita ngunit naghahayag ng buong diwa na
tinatawag na SAMBITLA.
4. Halimbawa:
Juan! (panawag)
Aray! (nagsasaad ng damdamin)
Tigil! (isang pag-uutos o utos)
Magandang umaga po. (pagbati)
Opo. (Panagot sa tanong)
Bumabagyo (penomenal o pandiwang palikas)
Mahirap mag-isip kapag may problema ( lipong may buong diwa)
5. BAHAGI NG PANGUNGUSAP
SIMUNO PANAGURI
simuno ay tumutukoy sa pinag-
uusapan sa pangungusap.
Maaari itong ngalan ng tao,
pook, pangyayari, hayop, at iba
pa.
Ang panaguri ay tumutukoy sa
kung ano ang ginagawa ng
simuno o nang pinag-uusapan sa
pangungusap. Ito ay nagsisimula
sa maliit na titik at kadalasang
nakasunod sa simuno sa
pangungusap.
6. 1. Ang aso ay malakas kumahol.
2. Pauwi na si Tita galing Hongkong.
3. Ang kalamidad ay mapinsala.
S P
S
P
S P
7. APAT NAANYO NG PANGUNGUSAP
1. PAYAK- ang pangungusap nagpapahayag ng isang kaisipan lamang.
hal: Maganda ang selfon ni Aida
2. TAMBALAN- kapag nagpapahayag ng dalawang magkaugnay na kaisipan.
hal: Iniinig kita ngunit iba nag tinitibok g iyong puso.
3. HUGNAYAN- kapag ang pangungusap ay nagpapahayag ng isang punong
kaisipan at isang pantulong na kaisipan.
hal: Patatawarin kita kung mangangako kang magbabago ka.
4. LANGKAPAN- kapag ang pangungusap ay naghahayag ng isang punong kaisipan
at dalawa o higit pang katulong na kaisipan.
hal: Umalis na ako ng bahay nang tumila ang ulan at dumating ang hinihintay kong
sasakyan.
8. AYOS NG PANGUNGUSAP
KARANIWAN
Ang pangungusap ay nagsisimula
sa panaguri (predicate) at
nahuhuli ang simuno (subject).
Hal:
1. Masaya ang mga bata.
2. Matalino si Jimmy.
3. Nagtuturo ang guro.
DI-KARANIWAN
Kapag ang simuno (subject) ay
nauuna kaysa sa panaguri
(predicate). Kalimitang
nakakabit ang salitang AY sa
unahan ng pandiwa o verb.
Hal:
1. Ang mga bata ay masaya.
2. Si Jimmy ay matalino.
3. Ang guro ay nagtuturo.
9. Istruktura ng Ayos ng Pangungusap
KARANIWAN DI-KARANIWAN
Panaguri Paksa Paksa Panaguri
10.
11. MGA URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT
1. Pasalaysay o Paturol. Ito ay naglalarawan o nagku-kwento tungkol sa isa
o mga pangngalan. Nagtatapos ito sa tuldok (.).
Halimbawa:
Ang luto ni nanay ay masarap.
Malapit ang simbahan sa bahay namin.
2. Patanong. Ito ay may tinatanong tungkol sa isang bagay. Nagtatapos ito
sa tandang pananong (?).
Halimbawa:
Sino ang kumuha ang pagkain sa mesa?
Malayo ba ang palengke dito?
12. 3. Pautos o Pakiusap. Ito ay nakikiusap o nagbibigay ng utos sa isang tao
upang gawin ang isang bagay. Nagsisimula ito sa isang pandiwa o salitang-
kilos at nagtatapos sa tuldok (.).
Halimbawa:
Pakiligpit ng kalat sa sahig.
Pakisara ng pinto.
4. Padamdam. Ito ay nagpapahayag ng matinding emosyon o nagpapakita ng
damdamin. Nagtatapos ito sa tandang padamdam (!).
Halimbawa:
Naku! Nahulog ang mga itlog.
Takbo!
Sa wakas! Natapos din.