5. Sepulturero
• Beterano sa paghuhukay
ng mga libingan.
Katulong ng
Sepulturero
• Baguhan sa trabaho at hindi
mapakali sa ginagawa
Padre Damaso (Padre
Garrote)
• Dating kura paroko na nag-
utos ng paghukay sa bangkay.
6. Kabanata
12: Araw
ng mga
Patay
Matatagpuan sa isang malawak na palayan na
nababakuran ng lumang pader at kawayan ang
sementeryo ng San Diego. May malaking krus
na nakatirik sa kalagitnaan nito. Masukal
ang libingan at makipot ang daan patungo
sa sementeryo. Maputik kung tag-ulan at
maalikabok naman kung tag-araw.
Noong gabing iyon ay napakalakas ng buhos
ng ulan. Dalawang tao ang abala sa
paghuhukay sa isang bahagi ng sementeryo.
Ang isa ay matagal nang sepulturero
samantalang ang katulong nito ay bago pa
at hindi mapakali sa kanilang ginagawa.
Iniahon ng dalawa ang bangkay na kanilang
hinukay na dalawampung araw pa lamang
naililibing mula ng mamatay.
Ang utos na paghukay sa bangkay at
paglipat nito sa libingan ng mga Intsik ay
mula kay Padre Garrote na walang iba kundi
si Padre Damaso, ang kura paroko ng
panahong iyon.
7. Mga aral:
1.Pagtrato sa mga Yumaong Mahihirap: Ang
paglipat ng bangkay sa libingan ng mga Intsik
ay sumasalamin sa hindi pantay na pagtrato sa
mga yumaong mahihirap at hindi Kristiyano.
2.Impluwensiya ng Simbahan sa Sosyal na
Kaayusan: Ang utos ni Padre Damaso ay
nagpapakita ng malakas na impluwensiya ng
simbahan sa mga usaping sosyal, kahit na sa
pagtrato sa mga patay.
3.Diskriminasyon at Hindi Pagkakapantay-pantay:
Ang kabanata ay nagpapakita ng diskriminasyon
at hindi pagkakapantay-pantay na nararanasan
8. Mga tanong:
1.Sino ang nag utos na hukayin
ang bangkay?
2.Anong tawag sa naghuhukay ng
bangkay?
3.Ano pa ang ibang tawag kay
Padre Damaso?
4.Ano ang nakatirik sa
kalagitnaan ng sementeryo?