1. URI NG PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
1. ASIMILASYON
Ito ay pagbabagong nagaganap sa /π/ o /ng/ sa impluwensiya ng ponemang
kasunod nito, isa sa mga ponemang binibigkas nang pailong ang maaaring
gamitin sa pagbabago.
Ang pang- magiging pam- kapag napapasana sa /p/ at /b/
Halimbawa: pang- + babae = pambabae
pang- + parke = pamparke
Ang pang- magiging pan- kapag napapasama sa /d/, /l/, /r/, /s/ at /t/
Halimbawa: pang- + dakot = pandakot
pang- + lalaki = panlalaki
pang- + regalo = panregalo
pang- + sulsi = pansulsi
pang- + taksi = pantaksi
Asimilasyong parsyal ang nagaganap sa mga salitang pambabae, pandakot,
panregalo, pantaksi at panlalaki. Magiging ganap lamang ang asimilasyon kapag
nawawala ang unang ponema at napapasama na sa kasunod.
Halimbawa:
pang- + parke = pamparke = pamarke
pang- + sulsi = pansulsi = panulsi
pang- + takot = pantakot = panakot
pang- + palo = pampalo = pamalo
2. Pagpapalit ng Ponema
ang /d/ ay nagiging /r/
Halimbawa:
lakad + -an = lakadan = lakaran
ma- + dunong = madunong = marunong
ang /i/ ay nagiging /e/
Halimbawa:
ka- + babae + -han = kababaehan = kababaihan
ang /o/ ay nagiging /u/
Halimbawa:
laro + -an = laroan = laruan
3. Pagkakaltas ng Ponema
kinakaltas ang huling ponema ng salitang-ugat kapag kinakabitan ng hulapi.
2. Halimbawa:
takip + -an = takipan = takpan
sara + -han = sarahan = sarhan
4. Metatesis
Nagkakapalit ng posisyon an gang /l/ at /y/ na simula ng salitang-ugat ang /n/
sa gitalaping –in- na ikinakabit sa nasabing salitang-ugat.
Halimbawa:
-in- + lipad = linipad = nilipad
-in- + yaya = yinaya = niyaya
Minsan ay nagaganap sa isang salita ang pagkakaltas at metatesis.
Halimbawa:
atip + -an = atipan = aptan
tanim + -an = taniman = tamnan
5. Paglilipat-diin
Halimbawa:
basa + -hin = basahin
laro + -an = laruan
/magka).i.bi.gan/ - magkasama, may matapat na loob sa isa’t-isa.
/magka)ibigan/ - may pag-ibig na higit pa sa magkaibigan
6. Pagsusudlong o Pagdaragdag
Pagdaragdag ng isa pang hulapi sa salita gayong mayroon na.
Halimbawa:
alala + -han + -in = alalahanin
totoo + -han + -in = totohanin
7. May pungos
Pagbabawas ng unlapi sa salita
Halimbawa:
ipagamot ay nagiging pagamot
magpalinis ay nagiging palinis