Performing word classification game as means of unlocking difficult words to prepare students’ vocabulary
Capture students’ schemata through mind mapping game
BOOK TALK: Call at least 1 student to present the story he/she has read to further invite other students the fun in reading.
2. Maihahalintulad ang yugto ng
pagsulat sa isang proseso o siklo na
may umpisa at katapusan. Pinag-
uugnay-ugnay ang simula at wakas ng
iba pang mga hakbang upang maging
komprehensibo at epektibo ang isang
akademikong sulatin.
3. Sandigan bago sumulat ang dating kaalaman at
karanasan ng isang indibidwal na bubuo ng
akademikong sulatin. Mas yumayaman ang dating
kaalaman at karanasan mula sa pagbabasa,
panonood, at pakikinig. Kasama rin ang kahusayan
sa pagmamasid at pakikisalamuha sa ibat-ibang tao
bilang kuhanan ng impormasyong ipapahayag.
4. Sa yugtong ito, matiyagang iniisa-isa ang konsepto na
lalamanin ng akademikong sulating. Mula sa balangkas
na konsepto na maaaring papaksa o pangungusap,
magigigng gabay ito upang pagyamanin ang nililinang na
akademikong sulatin.
5. Iwinawasto ang kamalian tulad ng baybay, bantas, at
mismong ang nilalaman ng akademikong sulatin. Sa
yugto ng pag e-edit may mga tiyak simbolo upang ituwid
ang mga nakitang mali. Mula sa nakitang pagkakamali,
ilalapat ang pagrerebisa upang ayusin, ituwid, at baguhin
ang akademikong sulatin.
6. Kitang kita ang kalinisan at kaayusan ng akademikong
sulatin. Pulidong isinulat at handing ipasa sa guro at
Mabasa ng iba upang ipabatid ang layunin kung bakit
isinulat ang akademikong sulatin
7.
8. Ang panimula ang nagpapakilala sa paksa o tesis ng
akademikong sulatin. Ito ay tanging mahalagang bahagi
ng sulatin dahil nagsisilbi itong pang akit sa mga
mambabasa upang basahin ang sultain. Sa bahaging ito
iikot ang proposisyon , paglalarawan, paglalahad o
pangangatuwiran. Dapat sa umpisa pa lamang ay epektibo
na nag pagpapahayag ng paksa at tesis.
9. Sa nilalaman, marapat na huwag kalimutan ang estruktura
at kaayusan ng akademikong sulatin. Ito ang
pinakamahalagang bahagi ng akademikong sualatin. Ang
epektibong katawan ng isang sulatin ay nakabatay sa
maigting na ugnayan ng estruktura at impormasyon na
nakahanay sa lohikal na paraan.
10. • Ugnayan ng Nilalaman at Estruktura
- Kronolohikal na paglalahad
- Pagpopook o Paglulugar
- Pagbibigay-diin o Tuon
- Pagtutulad o Pag iiba
- Paglalahad ng sanhi o bunga
- pagtutukoy sa Suliranin o Solusyon
11. • Elaborasyon o Pagpapalawak
- Paglalantad ng mga patunay o testimonya
- Paglalahad ng estatistika
- Pagbibigay ng halimbawa
12. Bilang panghuling bahagi ng akademikong sulatin,
marapat itong mag-iwan ng mahalagang puntos na dapat
matandaan o maikintal sa puso at isip ng mambabasa.
Hamon sa pangwakas na maipahayag ang pinakanais na
mensaheng iparating taglay ang impluwensiyang nais
mapanatili.
13. Sa huling bahagi mababasa ang lagom o buod ng buong
sulatin na inilahad sa pinakamaikling paraan. Samantala,
ang konklusyon ay tumutukoy sa mga kasagutan sa
katanungan mula sa pagsusuri ng mga nakalap na datos.