1. Simuno/Paksa
Pangngalan na pinag-
uusapan sa pangungusap.
2. Pamuno sa simuno
Ito ang pangngalang
tumutukoy sa simuno ng
pangungusap.
Halimbawa:
Si Tigmamanukin, ang
ibon, ay lumapit sa unang
pares ng tao.
3. Pangngalang pantawag
Ito ang pangngalang
ginagamit sa pantawag o
tumutukoy sa tao o sa mga
taong kinakausap.
4. Kaganapang pansimuno
Ito ang pangngalang nasa
panaguri na tumutukoy sa
simuno ng pangungusap.
Halimbawa:
Si Bathala ay ang
maylikha ng lahat ng bagay
sa sanlibbutan.
5. Layon ng Pandiwa
Ito ang pangngalang
tumatanggap sa kilos ng
pandiwa. Ito ay nasa panaguri.
Halimbawa:
Tinawag ni Tigmamanukin
si Inang Araw.
6. Layon ng Pang-ukol
Ito ang pangngalang
ginagamit kasunod ng
pang-ukol sa pangungusap.
Halimbawa:
Para kay Bathala ang
lahat ng pasasalamat.

Gamit ng pangngalan