2. PANG-URI
-Ang Pang-uri ay tawag sa mga salitang
naglalarawan o nagbibigay-turing sa mga
Pangngalan o Panghalip. Ito ay may kaantasan o
kasidhian. Ang Pang-uri ay naaayon sa tatlong
kaantasan, ito ay ang lantay, pahambing at pasukdol
3. 1. Lantay- ito ay naglalarawan lamang ng isa o
payak na Pangngalan o Panghalip.
Hal. Ipinaglalaban na ng mga kababaihan ng
modernong panahon ang kanilang karapatan.
4. 2. Pahambing- ito ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang
Pangngalan o Panghalip. Ito ay may dalawang uri:
Magkatulad- ang paghahambing kung patas sa katangian
ang pinagtutulad. Ginagamit ang mga panlaping ka, magka,
sing, gaya, tulad atbp.
Hal. Sa kasalukuyan, ang kababaihan at kalalakihan ay
magkasing-husay na sa iba’t-ibang larangan.
5. 3. Di-magkatulad- ang paghahambing kung nagbibigay ito ng
diwa ng pagkakait, pagtanggi o pagsalungat. Ito ay may
dalawang uri:
1)Palamang- may higit na positibong katangian ang
inihahambing sa bagay na pinaghahambing. Naipapakita ito
sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang lalo, higit, di-
hamak, mas, atbp.
Hal. Di-hamak na matiyaga ang mga babae sa gawaing
bahay kaysa sa mga lalaki.
6. (2) Pasahol- may higit na negatibong katangian ang
pinaghahambingan. Gumagamit ng di-gaano, di-gasino at di-
masyado.
Hal. Ang kababaihan naman ay di-masyadong mahilig sa
mga maaksyong pelikula.
7. 3. Pasukdol- nasa pinakadulong digre ng kaantasan. Maaaring
positibo o negatibo. Ang paglalarawan ay masidhi kaya
gumagamit ng mga katagang sobra, ubod, tunay, talaga,
saksakan, hari ng at kung minsan ay pag-uulit ng pang-uri.
Hal. Pinakamabisang paraan upang ipaglaban ang karapatan
ng kababaihan ay ang magkaroon ng sapat na kaalaman
tungkol sa kanilang karapatan.
8. PANUTO: Isulat sa patlang na may bilang kung ito ay
lantay, pahambing na magkatulad, pahambing na di-
magkatulad o pasukdol.
Maraming kababaihan ang (1) tagumpay sa larangang
kanilang pinili. Kung susuriin (2) mas komplikado ang mga
Gawain ng kababaihan sa kasalukuyan kung ikokompara ito sa
kababaihan noon. Bagama’t (3) di-hamak na mahirap ang
trabaho ng kababaihan ngayon ay nagagawa pa rin nila ito ng
buong husay. Lalong naging (4) masipag ang kababaihan at
mas sistematiko ang kanilang trabaho. (5) Sobrang maaasahan
ang kababaihan ng kasalukuyan. Kaya naman, karapat-dapat
silang hangaan at purihan.