3. Pagluluwas/Export –
tumutukoy sa
pagluluwas o
pagbebenta ng mga
produkto o serbisyo
sa pandaigdigang
pamilihan.
Pag-aangkat/Import
– tumutukoy sa
pagbili o pag-aangkat
ng mga produkto
galing ibang bansa sa
lokal na pamilihan.
Item 1 Item 2 Item 3 Item
4
Item
5
50
40
30
20
10
0
4. Kalakalang Panlabas ng
Pilipinas:
Ang Balance of
payment (BOP)
ang nagsisilbing sukatan ng
pandaigdigang gawaing
pang-ekonomiya ng isang
bansa o ito ay isang
summary statement tungkol
sa transaksiyon ng isang
bansa sa lahat ng iba pang
mga bansa sa loob ng isang
tiyak na panahon.
5. •Samantala, ang Balance of
trade (BOT) ay makukuha sa
pamamagitan ng
pagbabawas ng halaga ng
kalakalan na inaangkat sa
halaga ng kalakal na
iniluluwas. Kapag mas
mataas ang kabuuang
halaga ng luwas kaysa
angkat, sinasabing may trade
surplus ang isang bansa. May
Trade deficit naman kapag
mas mataas ang kubuuang
halaga ng angkat kaysa
luwas.
6. Ang ilan sa mga patakarang
umaapekto sa kalakalang
panlabas ay ang sumusunod:
•Subsidy- Ito ang tulong na
ibinibigay ng gobyerno upang
bumaba ang halaga ng
produksyon ng mga lokal na
produkto
•Halimbawa: Kung
nasusuportahan ng gobyerno
ang isang produkto sa ating
bansa, maaaring magbaba o
magbawas ng buwis para dito.
7. •Kota – ito ay tumutukoy sa bilang o dami
ng kalakal o produktong inaangkat o
iniluluwas upang mapangalagaan ang
lokal na produkto sa pagdagsa ng
maraming produktong dayuhan, sa
ganitong paraan patuloy na
natatangkilik ang sariling produkto.
Halimbawa: Kung gusto ng gobyerno na
pangalagaan ang lokal na industriya ng
sapatos laban sa mga sapatos na mula
sa Italy, maaaring iutos ito na huwag
papasukin sa bansa ang sobra sa 10,000
pares ng sapatos mula sa Italy.
8. • Taripa – ang taripa ay espesyal na
buwis na ipinapataw lamang sa
mga kalakal na inaangkat. Ang
pagpataw ng buwis sa mga angkat
na kalakal ay nagpapataas sa
presyo nito. Kapag lubhang mataas
ang taripang ipinataw sa isang
kalakal, posibleng napipigil ang
pag-aangkat o kaya tuluyang
napahihinto ang operasyon sa
kalakalang ito.