Which of the following composers, fascinated by the dynamics and harmonies of Debussy, retained much of the Romantic style in his melody?
A. Antonio Molina C. Hilarion Rubio
4. Ang INTERDISIPLINARYO ay pagsasama ng dalawang
akademikong disiplina sa isang aktibidad. (Halimbawa
ay ang paggawa ng isang interdisiplinaryong
pananaliksik.)
Ito ay paggawa ng bagong ideolohiya sa pamamagitan ng
crossing boundaries. Ito ay maiuugnay sa isang
interdisiplina o interdisciplinary field.
Ang INTERDISIPLINARYO ay kasama ang mga
mananaliksik, mag-aaral at mga guro na layunin na
magkaroon ng pag-uugnay sa iba’t ibang pananaw sa
akademik, propesyon at teknolohiya tungo sa isang
ispisipikong perspektibo para sa isang hangarin.
5. Ang multidisiplinaryo ay pag-aaral
mula sa iba’t ibang disiplina o
multiple discipline;
Ito ay pagsilip sa ibang pananaw
panlabas upang higit na maunawaan
ang kompleks ng isang sitwasyon.
6. Ang paggawa ng istratehiyang pananaliksik
na pumapasok sa iba’t ibang larang o
disiplina para sa holistikong pananaw;
Isang pananaw sa isang larangan na nabuo
sa pamamagitan ng ibang disiplina na
muling ginagamit sa ibang disiplina.
(Halimbawa ay ethnograpiya na orihinal sa
antropolohiya na nagagamit na rin sa ibang
larang.)
7. Interdisiplinaryo ;
Magamit ang wikang Filipino
sa iba’t ibang larangan at sa
pananaliksik ;
Maituro ang Filipino bilang
hiwalay na Asignatura ;
8. Kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang
tradisyonal at modernong midya na
makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa
iba’t ibang antas at larangan;
Praktikal na kursong nagpapalawak at
nagpapalalim sa kontekstwalisadong
komunikasyon sa wikang Filipino ng mga
mamamayang Pilipino sa kani-kanilang
mga komunidad.
9. KOMFIL (Kontektstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino);
FILDIS (Filipino sa Iba't Ibang Disiplina);
DALUMATFIL (Dalumat ng/sa Filipino);
SOSLIT (Sosyedad at Literatura/
Panitikang Panlipunan) at;
SINESOS (SineSosyedad/Pelikulang
Panlipunan).
10. Ang FILDIS ay isang praktikal na kursong
nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa
malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at
pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang
larangan, sa konteksto ng kontemporaryong
sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at
ng mga mamamayang Pilipino. Nakatuon ang
kursong ito sa makrong kasanayan pagbasa at
pagsulat.
11. Gamit ang mga makabuluhang interdisiplinaryong
pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng
pagsasagawa ng pananaliksik na ito (mula sa
pangangalap ng datos at pagsulat ng borador ng
pananaliksik hanggang sa publikasyon at/o
presentasyon nito) na nakaugat sa mga suliranin at
realidad ng mga komunidad ng mga mamamayan sa
bansa at maging sa komunidad ng mga Pilipino sa iba
pang bansa. Saklaw rin ng kursong ito ang paglinang
sa kasanayang pagsasalita, partikular sa presentasyon
ng interdisiplinaryong pananaliksik sa iba’t ibang
porma at venue.”
12. Filipino Bilang Larangan at Filipino sa
Iba’t Ibang Larangan
(Pokus nito ang pasaklaw na pagtalakay
sa naabot na at sa possible pang
direksyon o ekspansyon ng unique na
diskurso sa Filipino bilang larangan at
sa Filipino sa iba’t ibang larangan)
13. Filipino sa Humanidades, Agham Panlipunan at Iba
Pang Kaugnay na Larangan
(Pokus nito ang pagbasa ng piling tekstong Filipino sa
Humanidades, Agham Panlipunan at iba pang kaugnay
na larangan, bilang lunsaran ng paglinang sa kasanayan
sa pagsulat ng pananaliksik sa Filipino sa iba’t ibang
larangan. Ang lahat ng estudyante – kahit ang mga NON-
HUSOCOM ang kurso – ay kailangang masanay na
makipagdiskurso sa Filipino sa Humanidades, Agham
Panlipunan at iba pang kaugnay na larangan, alinsunod
na rin sa layunin ng kompleto o holistikong General
Education/GE.)
14. Filipino sa Siyensya, Teknolohiya, Inhenyeriya,
Matematika At Iba Pang Kaugnay na Larangan
(Pokus nito ang pagbasa ng piling tekstong Filipino sa
Siyensya, Teknolohiya, Inhenyeriya, Matematika at iba
pang kaugnay na larangan, bilang lunsaran ng paglinang
sa kasanayan sa pagsulat ng pananaliksik sa Filipino sa
iba’t ibang larangan. Ang lahat ng estudyante – kahit ang
mga HUSOCOM ang kurso – ay kailangang masanay na
makipagdiskurso sa Filipino sa Siyensya, Teknolohiya,
Inhenyeriya, Matematika at iba pang kaugnay na
larangan, alinsunod na rin sa layunin ng kompleto o
holistikong General Education/GE.)
15. ARALIN 2:
Filipino Bilang Wikang
Pambansa; Filipino bilang
Wika ng Bayan
Kasaysayan ng Pag-unlad
ng Wikang Pambansa
16. Ang Wikang Pambansa ay ang wikang
pagkakakilanlan ng mamamayan ng isang
bansa. Ang Pilipinas bilang isang
multilinggwal na bansa ay nararapat na
may wikang magsisilbing bigkis na
magbubuklod sa isang lahi. Ang Filipino
bilang Wikang Pambansa ay maraming
pinagdaanan upang maabot ang
katawagang ito.
18. Ang kasaysayan nang pagkakaroon ng
Wikang Pambansa sa Pilipinas ay dumaan sa
ilang mga pagbabago - ang Pilipino na
nagmula sa Tagalog na pagkaraa’y naging
Filipino.
Kasalukuyang gumagamit ng 87 na iba’t
ibang wika.
Kabilang sa mga pangunahing wika ay
Tagalog, Cebuano, Ilocano, Pampanga, Bicol,
Pangasinan, Hiligaynon, Waray at Maranao.
19. Nang dumating ang mga Kastila sa ating
bansa, hinangad nilang mapalaganap ang
Kristiyanismo, kaya’t minabuti ng mga
prayle na mag-aral ng iba’t ibang wikain sa
Pilipinas sa halip na ituro ang kanilang wika
sa mga katutubo.
Sa ganitong paraan, nakapag-ambag sa wika
ang mga mananakop ng Kastila dahil sa
pagkakasulat nila ng aklat gramatika ng
iba’t ibang wikain sa Pilipinas.
20. Nang panahon ng himagsikan ng sumibol sa
mga manghihimagsik na Pilipino laban sa
mga Kastila. Kaya nga’t pinili nila ang
Tagalog na siyang wikang tagalog sa
panahon ng propaganda - mga sanaysay,
tula, kuwento, liham at mga talumpati na
punung-puno sa damdaming bayan.
21. Nang dumating ang mga Amerikano, biglang
naunsyami ang mithiin ng mga Pilipino ng
itakda ng pamahalaan na ang wikang Ingles
ang gawing opisyal na wikang panturo sa mga
paaralan. Ipinagbawal ang paggamit ng
bernakular sa paaralan at sa tanggapan nito. Ito
ang dahilan kung bakit simula noong
pananakop ng mga Amerikano hanggang bago
sumiklab ang pangalawang digmaang
pandaigdigan , hindi umunlad ang ating wika.
22. Ang ating mga lider na makabayan tulad nina
Lope K. Santos, Cecilio Lopez, Teodoro Kalaw
at iba pa ay nagtatag ng kilusan nakung saan
sila ay naging masigasig sa pagkakaroon ng
Wikang Pambansa. Nagharap ng panukula si
Manuel Gillego na gawing Wikang Pambansa at
Wikang Opisyal ang Tagalog subalit patuloy pa
ring namayani ang wikang Ingles.
23. Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking
hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang
pambansa. Ito ay utang natin sa naging Pangulong
Manuel L. Quezon, ang tinaguriang "Ama ng Wikang
Pambansa."
Noong 1934, isang Kombensyong Konstitusyonal ang
binuo ng Pamahalaang Komonwelt upang
maisakatuparan ang pangarap ni Quezon. At upang
ipaalala ang kahalagahan ng wika, isang probisyon
tungkol sa Wika ang isinama sa ating Saligang Batas.
Ito’y napapaloob sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng
Konstitusyon noong Pebrero 8, 1935.
24. “Ang Pambansang Kapulungan ay
magsasagawa ng mga hakbangin tungo sa
paglinang at paggamit ng pambansang
wikang batay sa isa sa umiiral na
katutubong mga wika. Samantalang hindi
pa itintadhana ng batas ng Ingles at
Kastila ay patuloy na mga Wikang
Opisyal.”
25. Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa, binuo ng
mga kinatawang nagmula sa mahahalagang mga
rehiyon sa Pilipinas bilang mga kasapi. Pagkatapos ng
puspusang pag-aaral ng iba’t ibang wika sa Pilipinas,
ipinasya ng Surian na Tagalog ang siyang dapat
pagbatayan ng Wikang Pambansa pagkat ito’y
nagtataglay ng nalinang nang panitikan at wikang
sinasalita ng nakahihigit ng dami ng mga Pilipino.
Kaya, noong Disyembre 30, 1937, inihayag ni
Pangulong Quezon na ang Wikang Pambansa ng
Pilipinas ay Tagalog.
26. Nobyembre 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas
Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang
Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga
katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng
Wikang Pambansa.
Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang
Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.
Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na
nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang
diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo
ang Wikang Pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na
nagsimula noong Hunyo 19, 1940.
27. Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570
na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang
Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang
Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng
Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4.
Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-
19 tuwing taon.
Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa
ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng
Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito,
kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino
ang gagamitin.
Oktubre 24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang
kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga
tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.
28. Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap,
Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng
pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at
mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.
Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng
Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting
midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya
hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o
pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974--75.
Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng
Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang
Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng
edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at
pamantasan.
29. Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa,
bumuo muli ang pamahalaang
rebolusyonaryo ng Komisyong
Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia
Muñoz Palma. Pinagtibay ng Komisyon
ang Konstitusyon at dito’y nagkaroon
muli ng pitak ang tungkol sa Wika:
30. Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa ang salig sa mga
umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa
nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang
ibunsad at paspasang itaguyod ang paggamit ng
Pilipinas bilang midyum na opisyal na Komunikasyon
at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.
31. Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at
pagtuturo, ang mga Wikang Opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at , hanggat walang itinatadhana ang batas,
Ingles. Ang mga Wikang Panrelihiyon ay pantulong ng
mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na
pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat
itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.
Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa
Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing
Wikang Panrehiyon, Arabic at Kastila.
32. Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng
isang Komisyon ng Wikang Pambansa na
binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang
mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik sa
Filipino at iba pang mga wika para sa
kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanitili.
33. 1987 –Atas Tagapagganap Blg 117. Nilagdaan ng
Pangulong Corazon Aquino ang paglikha ng Linangan ng
mga Wika sa Pilipinas LWP bilang pamalit sa dating SWP
at makatugon sa panibagong iniatas na gawain nitong
patuloy na pagsasaliksik at pagpapaunlad ng wikang
pambansa.
Agosto 25, 1988 - Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
335 ay ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong Corazon
Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong
Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng
Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino
bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga
piling asignatura.
34. 1991 -Batas Republika 7104 .Itinatag ang Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF), bilang pagsunod sa itinatadhana ng
Saligang Batas ng 1987, Seksiyon 9. Ito rin ay pamalit sa
dating SWP at LWP.Ang pagtatalaga ngtauang pagdiriwang
ng Buwan ng Wikang Pambansa, Agosto 1-31. Nilagdaan ito
ni Pangulong Fidel Ramos Isinainstitusyon ang gamit ng
Inang Wika sa Elementarya O Multiligual Language
Education (MLE). Nauna rito, may inilahad nang bersyon
ang ikalabing-apat na kongreso ng mababang Kapulungan
na House Bill No. 3719- An act Establishing a Multi-
Lingual Education and Literacy Program and for other
Purpose sa pamamagitan ni hon. Magtanggol T.
Gunigundo.
35. Ayon sa ipinalabas na Resolusyon Blg. 1-92 (Mayo 13,
1992) na sinusugan ng Resolusyon Blg. 1-96 (Agosto,
1996) ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang depinisyon
ng Filipino ay.. “ang katutubong wika na ginagamit s
buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang
Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa
pamamagitan ng mga paghihiram sa mga wika ng
Pilipinas at mga di- katutubong wika at sa ebolusyon ng
iba’t ibang salitang barayti ng wika para sa iba’t ibang
sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang
salitang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at
iskolarling pagpapahayag.”
36. Sa panayam na ibinigay ni Komisyoner Ricardo Ma.
Duran Nolasco (ng KWF, 2007) sa Mariano Marcos
State University, aniya ang kasalukuyang Filipino ay
dating wika ng katagalugan na naging Wikang
Pambansa bunga ng kombinasyon ng mga pangyayari
historikal, ekonomikal, at sosyopolitikal, kayat naging
pambansang lingua franca ng magkakaibang
etnolingguwistikong grupo sa bansa.
Nagpapatibay sa alpabeto at patnubay sa ispeling ng
wikang Filipino, kasabay ng tuwirang pagtukoy ng
Konstitusyon ng 1987 sa Wikang Pambansa.
37. Ang pagbaybay ay patitik at bibigkasin ayon sa tawa-
Ingles maliban sa n (enye) na tawag-kastila (ey, bi, di,
i, ef, eych, ay, key, el, em en, enye, endyi, o, pi, kyu,
ar, es, ti ,yu, vi, dobol, yu, eks, way, zi. A, B, C, D, E,
F, G, H, I, J, K, L, M, N, Ñ, NG, O, P, Q, R, S, T, U, V,
W, X, Y, Z,.
May 28 letra pa rin sa 2001 alpabeto, walang
idinagdag, walang ibinawas at gumaganap bilang
pagpapatuloy ng 1987 patnubay Ang binago ay mga
tuntunin saa paggamit ng walong dagdag letra na
pinagmulan ng maraming kalituhan simula nang
pormal na ipinasok sa alpabeto ng 1976.
38. Pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng
2001 Rebisyon sa Alpabeto at Patnubay sa ispeling ng
wikang Filipino.
Kailangan ang MLE. Matagal na itong sinabi ni Najib
Saleeby noong 1924 nang suportahan niya ang ulat ng
Monroe Commission, na bigo ang paggamit ng
monolingguwal na edukasyon sa Ingles. Higit na
mabilis na matututo ang batàng Filipino kung wika
nila ang gagamitin sa pag-aaral. Ito rin ang batayan ng
1935 Kumbensiyong Konstitusyonal sa pagpilì ng
isang wika batay sa isang katutubong wika bilang
wikang pambansa sa halip na Ingles.
39. 14 Hulyo 2009, inilabas ang DepEd Order No. 74 na may
pamagat na “Institutionalizing Mother Tongue-Based
Multilingual Education (MLE).” ang pagkilála sa Mother Tongue-
Based Multilingual Education bilang “Fundamental Educational
Policy and Program” ng Kagawaran sa buong panahon ng
edukasyong pormal kasama ang pre-school at ang Alternative
Learning System (ALS).Iniaatas sa unang tatlong taon ang
implementasyon ng tinatawag na MLE Bridging Plan, isang
plano para sa pagbuo at produksiyon ng mga kagamitang
panturo sa mga itinakdang wika ng paaralan, dibisyon, at
rehiyon, lalo na sa panimulang pagbabasá at panitikang
pambatà, at ang paggamit ng unang wika ng mga mag-aaral
bilang pangunahing wikang panturo (MOI) mula pre-school
hanggang Grade 3.
40. Sa antas sekundarya, bumalik sa Patakarang Bilingguwal dahil
Filipino at Ingles ang magiging pangunahing wikang panturo.
Patuloy na gagamitin ang unang wika bilang auxiliary medium
of instruction. Resulta sa eksperimento ng DepEd, ng SIL, at ni
Dr Nolasco ipinakita diumano ng eksperimento na higit na
mabilis natuto ang mga batà ginamit ang kanilang unang wika
sa pagtuturo. Sa ilalim ng simulaing unang wika, at upang ganap
na maging epektibo ang MLE, kailangang gamitin ang 150 wika’t
wikaing ito sa mga paaralan ng bansa.
Kailangang maghanda ng mga kasangkapang panturo sa 150
wika’t wikain. Kailangang magdeploy ng mga guro sa buong
bansa na may kahandaan ang bawat isa sa isa sa 150 wika’t
wikain. Kailangan din pagkuwan na maghanda ng mga test sa
150 wika’t wikain.
41.
42. Ang Sikolohiyang Pilipino ay sikolohiyang
bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyong
Pilipino. Ito ay para mas higit na mauunawaan
ng isang Pilipino ang kanyang sarili upang sa
gayon ay mapaunlad niya ang kanyang buhay.
Isang alternatibong perspektibo kung paano
ipapaliwanagnag pag-iisip, pagkilos at
damdaming Pilipino, na malaki ang kaibahan sa
43. Noong 1960’s pa lamang ay tinuturo na ang sikolohiya sa
mga paaralan na may bahid ng mga Kanluranin. Sinabi ni
Dr. Rogelia Pe-Pua na kahit na ang mga illustrados na
pinagpalang mag-aral ng sikolohiya noong nasa ilalim pa ng
mga Kastila, gaya ng ating mga pambansang bayaning sina
Dr. Jose Rizal at Apolinario Mabini, ay nagpahayag ng
pagkadismaya sa paraan ng pagkakatuto nito. Nakita noon
ng tagapangulo noon ng Departamento ng Sikolohiya sa
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman , na si Dr. Virgilio
Enriquez na may kailangang baguhin para mas madaling
44. Ayon kay Dr. Virgilio Enriquez,
mayroong tatlong anyo ang
Sikolohiyang Pilipino:
1. Sikolohiya sa Pilipinas
2. Sikolohiya ng Pilipino
3. Sikolohiyang Pilipino
45. Ang Sikolohiya sa Pilipinas ay tumutukoy sa lahat
ng mga pag-aaral, libro, at sikolohiyang makikita
sa Pilipinas, banyaga man o maka-Pilipino.
Ang Sikolohiya ng Pilipino naman ay tumutukoy sa
lahat ng mga pag-aaral, pananaliksik at mga
konsepto sa sikolohiya na may kinalaman sa mga
Pilipino.
Ang panghuling anyo ng Sikolohiyang Pilipino ay
walang iba kundi ang Sikolohiyang Pilipino,
mismo. Ayon dito, ang Sikolohiyang Pilipino ay
bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyon ng sa
Pilipinas. Samakatuwid, mga Pilipino lamang ang
46. Sa maikling salita, Ang
sikolohiya sa Pilipinas ay "bisita
sa bahay", Sikolohiya ng mga
Pilipino ay "tao sa bahay, at
Sikolohiyang Pilipino ay "ang
47. Kinikilala ng maraming sikolohista sa
akademiya na mayroong
pangangailangang isalin ang ibang mga
salita sa Filipino upang mas maigi silang
talakayin. Ang anim na konsepto ng
Sikolohiyang Pilipino ay ang mga
48. Ang Katutubong konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay
tumutukoy sa mga salitang galing at ginagamit sa
Pilipinas. Ang kahulugan din nito ay kinuha mula sa
mga Pilipino.
Ang sumunod na lebel sa mga konsepto ng Sikolohiyang
Pilipino ay ang pagtatakda ng kahulugan. Dito naman,
ang salitang ginagamit ay galing sa Pilipinas, habang
ang kahulugan nito ay banyaga. Mga halimbawa nito
ay ang pagsasalin ng mga salitang alaala at gunitain sa
mga salitang “memory” at “recall” upang mas
mabuting maintindihan ng mga mambabasa ang ibig
sabihin ng mananaliksik. Kasali rin dito ang lahat ng
49. Ang Pagaandukha na konsepto ng
Sikolohiyang Pilipino ay ang pagkukuha ng
salitang dayuhan at baguhin ang kanyang
anyo hangga’t magkaroon siya ng Pilipinong
kahulugan. Isang halimbawa nito ay ang
tambay na nanggaling sa salitang standby.
Ang ibig sabihin ng standby sa Ingles ay
paghihintay ngunit dahil sa pag-iiba ng anyo
at kahulugan nito sa Pilipino naging tambay
ang salita kung saan ang ibig sabihin nito ay
50. Ang konsepto ng Pagbibinyag sa
Sikolohiyang Pilipino ay madali lang
intindihan sapagkat ang ibig sabihin nito
ay ang paglalagay ng mga dayuhan ng
kanilang mga sariling kahulugan sa mga
salitang Pilipino. Tingnan ang salitang
hiya kung sa Pilipino ay napaka-lalim ang
kahulugan habang sa Ingles ay ibig sabihin
lang ay shame. Gayunman, alam ng bawat
Pilipino na hindi lamang shame ang ibig
51. Ang pangalawa sa huling konsepto ng
Sikolohiyang Pilipino ay ang
Paimbabaw na Asimilasyon. Sa
Paimbabaw na Asimilasyon pinag-
uusapan ang mga salitang banyaga na
ginagamit sa Pilipinas ngunit mahirap
isalin sapagkat iiba ang kahulugan
52. Ang pinakahuling konsepto ng
Sikolohiyang Pilipino ay ang
Ligaw/Banyaga na mga salita. Tumutukoy
ito sa mga salita o konsepto na hindi
ginagamit sa Pilipinas, kaya’t walang
Pilipinong katapat ito. Isang halimbawa
nito ay ang konsepto ng home for the aged
na walang katumbas na Pilipinong salita
dahil hindi naman uso, o katanggap-
tanggap, na iiwanan lamang ang mga
53. Ayon kay Zeus Salazar, mayroong apat na
piliyasyon, o filiation sa Ingles, ang Sikolohiyang
Pilipino:
Sikolohiyang Akademiko-Pilosopikal
Sikolohiyang Akademiko-Siyentipiko
Sikolohiyang Katutubo
Sistemang Sikomedikal at Relihiyon
Sikolohiyang Akademiko-Pilosopikal:
Nagsimula ito sa panahon ng mga
Amerikano sa Unibersidad ng Pilipinas,
ngunit malaki rin ang papel ng Unibersidad
ng Santo Tomas at Unibersidad ng San
Carlos sa pag-aaral ng ganitong klaseng
sikolohiya. Madalas ay pilosopikal at
Sikolohiyang Akademiko-Siyentipiko:
Nagsimula rin ito sa UP at hinikayat ng
piliyasyong ito ang mga akademiko na
ituring ang pananaliksik bilang importante
sa sikolohiya. Dito rin naging uso ang
pagnanais ng mga sikolohista na magkaroon
ng mga resulta na empirikal.
Sikolohiyang Katutubo: Ang sikolohiyang katutubo ay
hindi nagsimula sa isang unibersidad katulad ng
nauunang dalawa dahil dati pa itong pinapraktis ng mga
katutubong Pilipino. Nahahati ito sa dalawa: ang
Katutubong Sikolohiya at Kinagisnang Sikolohiya.
Tinutukoy ng katutubong sikolohiya ang mga paniniwala
at karanasan ng mga katutubong Pilipino, habang sakop
naman ng kinagisnang sikolohiya ang wika, kultura, at
Sistemang Sikomedikal at
Relihiyon: Nagsimula ito mula sa
medikong relihiyosong gawa ng
mga naunang babaylan at
katalonan.Tinatalakay rito ang
54. PAKIKIPAGKAPWA-TAO
Ibang-iba ang konsepto ng kapwa sa salitang
Ingles na others sapagkat ang kapwa ay ang
pagkakaisa ng sarili at ng ibang tao. Ito ang
pagtatanggap sa ibang tao bilang kapantay,
at katulad. Nakikitungo ang Pilipino sa
kapwa na may respeto at dignidad bilang
55. PAGIGING MALAPIT SA PAMILYA
Sa mga kanluraning kultura, inaasahang umalis na sa
bahay ng magulang, mamuhay at suportahan ang sarili
kapag may edad ng 18 ang isang tao. Iba ang kaugaliang
Pilipino: kahit may edad na ang isang Pilipino, namumuhay
pa rin siya sa bahay ng kanyang magulang hanggang
handang-handa na siyang magkaroon na siya ng sariling
pamilya. Kapag matanda na ang magulang at hindi na
maalagaan ang sarili, inaasahang sa mga anak na mag-alaga
sa kanila, bihira ang "Tahanan para sa mga Matatanda" sa
Pilipinas na nakikita sa mga kanluraning lipunan at kultura.
Hindi rin pambihira sa kulturang Pilipino ang mga
pagtitipon at kainan kasama ang buong angkan.
56. BIRO
Marunong magbiro ang mga Pilipino
sa kahit anong situwasyon. Kahit hindi
angkop sa situwasyon ang pagbibiruan,
sinasalamin nito ang pagiging maasahin at
determinado ng mga Pilipino sa harap ng
kahirapan. Ginagamit rin ang biro upang
maiwasan ang hiya kapag napahiya o may
nagawang nakakahiya o kinahihiyaan.
57. PAKIKIBAGAY SA SITWASYON
Organiko at likas ang konsepto ng oras ng mga
Pilipino, ginagawa nila ang mga bagay kapag
nararamdaman nila na tamang-tama na ang panahon
upang gawin iyon. Hindi sila nakatali sa mga mahigpit sa
itinakda (schedule), at nakatuon sila sa kasalukuyan, hindi
sa kinabukasan. Nakikibagay ang mga Pilipino sa kanyang
situwasyon, kapag may oras para huminga, hihinga siya, at
kung kailangan nang magtrabaho, magtatrabaho na siya.
Hindi sila mag-aalala sa mga bagay na hindi pa nangyayari,
dahil alam nila na kapag dumating na ang oras,
makikibagay sila. Mabilis mag-isip ang mga Pilipino at
magaling maghanap ng solusyon sa mga problema kahit
58. PANANAMPALATAYAAT RELIHIYON
Napakahalaga sa mga Pilipino ang kanilang
pananampalataya at relihiyon. Kristiyano ang
mga 85% ng populasyon sa Pilipinas, at
makikita at kahalagahan nitong relihiyon sa
dami ng mga pista opisyal, sa siksikan sa mga
simbahan tuwing Linggo, hilig ng mga Pilipino
sa dasal at Novena, moralidad ng mga Pilipino,
mga pista para sa imahe (katulad ng Sto. Nino at
mga Santo), at mga malalang ritwal tuwing
59. TIBAY AT LAKAS
Mayaman sa kabiguan at kahirapan ang
kasaysayan ng Pilipinas, ngunit nagtagumpay
pa rin ang mga Pilipino sa harap ng mga ito.
Sinakop na ng ibang bansa, nawasak ng
giyera, napasailalim sa batas militar,
pinamahalaan ng mangungurakot, nawasak
ng bagyo, at kahit ano pa, hindi sumuko at
hindi susuko ang mga Pilipino, at
magsusumikap hanggang may mahanap na
60. KASIPAGAN
Masipag at matiyaga ang mga Pilipino sa mga
gawaing determinado nilang tapusin. Makikita ito
ong kaugaliang Pilipino sa kanilang mga sakahan.
Kahit laos na ang mga teknolohiya at kagamitan ng
mga magsasaka, at madalas na nawawasak ang mga
bukid dahil sa mga bagyo nagpupursigi pa rin sila
para para mamuhay. Malapit sa kamalayang
Pilipino ang konsepto ng OFW o Overseas Pilipino
Worker na nagsasakrapisyo upang matulungan at
masuportahan ang kanilang mga pamilya.
61. PAGGALANG
Napakahalaga sa mga Pilipino ang
paggalang, at makikita ito sa kanilang paggamit
ng "po" at "opo". Ang mga bata ay inaasahang
makinig at sumunod palagi sa magulang at mas
nakatatanda. Inaasahan din silang magmano sa
mga mas nakatatanda. At kahit may sapat na
gulang na ang isang Pilipino, iginagalang pa rin
nila ang mga mungkahi, nais at gusto ng kanyang
mga magulang, naiimpluwensiya pa rin ng mga
62.
63. Ayon kay Henry Gleason, “ang wika ay
masistemang balangkas na sinasalitang
tunog na pinili sa paraang arbitraryo
upang magamit ng taong kabilang sa
isang kultura.” Mula sa kaniyang
depinisyon ay maiisa-isa ang katangian
65. Sa pahayag na ito ipinapakita ng
wika ang kaugnayan niya sa kultura.
Sa pag-aaral nga ni Zeus Salazar
(1996), isang historyador, kritiko,
manunulat, itinampok niya ang mga
sumusunod higgil sa ugnayan ng wika
1. Alinmang wika ay ekspresyon, imbakan-
hanguan at agusan ng kultura ng isang grupo ng
tao, maliit man o malaki, na may sarili at likas
na katangian. Wika ang ekspresyong
kakikilanlan ng isang kultura, sapagkat ito ang
nagbibigay-anyo rito sa labas, ang siyang
nagtatakda ng pagkakaiba at sariling uri nito-ng
2. Wika ang nagpapahayag ng diwa mismo ng
kinaukulang kultura, ang wika hindi lamang tangi
at di maiiwasang kasangkapan sa pakikiugali sa
loob ng isang kabuuang kultural kundi ang
pinakabalangkas parin ng pagkakaunawa nito sa
reyalidad-kung paano nadarama,inuuri,
isinasaayos at natatarok upang hubugin ng isang
kultura ang mga katotohanan, ang lahat ng bagay;
3. Wika ang bukod tanging pagtanaw at
pagsasaayos ng reyalidad upang ang isang kultura
ay umiral at magkaroon ng kakayahang gumawa
at lumikha. Ang daigdig at reyalidad bilang
karanasan maipapahiwatig ng bawat isa sa
kaniyang kapwa at kakultura ay nakapapaloob at
nakabalangkas sa wika ng isang kabuuang
4. Wika ang impukan-kuhanan ng isang kultura.
Dito natitipon ang pag-uugali, isip at
damdamin ng isang grupo ng tao;
5. Wika ay impukan kuhanan din ng nakaraan at
kaalaman ng isang kultura;
6. Wika ay daluyan din ng
kultura/pagsasakultura, sarili mang kultura o
hindi. Sa huli ang pagkawika-at-kultura ay isang
kabuuang hindi maihahati o mapaghahati. Dagdag
pa niya walang kulturang hindi dala ang isang
wika, na bilang saligan at kaluluwa, ay siyang
bumubuo, humuhubog at nagbibigay diwa sa
66. “Ayon kay Ronald Wardhaugh (1986), “ang
sosyolinggwistik ay nababahala sa imbestigasyon
hinggil sa uganayan sa pagitan ng wika at lipunan na
may layunin ng isang mas mahusay na-unawa ng
istraktura ng wika at kung paano ang function/gamit
ng wika sa komunikasyon. Samantalang ang katumbas
na layunin sa sosyolohiya ng wika ay upang matuklasan
kung paano ang panlipunang istraktura ay maaaring
mas mahusay na maunawaan sa pamamagitan ng pag-
“Ayon sa pagtingin ni Hudson, “ang
sosyolinggwistik ay ang pag-aaral ng wika
sa kaugnayan sa lipunan samantalang ang
sosyolohiya ng wika ay ang pag-aaral ng
lipunan sa kaugnayan sa wika.”
67. Ang Speech Community ay “isang grupo ng mga tao na
ibinabahagi ang isang hanay ng mga kaugalian at mga
inaasahan tungkol sa paggamit ng wika”.
“Ibinabahagi ang isang tiyak na hanay ng mga kaugalian
para sa paggamit ng wika sa pamamagitan ng pamumuhay
at pakikipag-ugnayan sa isa’t isa. Samakatuwid lumabas sa
lahat ng mga grupo na madalas na nakikipag-ugnayan at
ibahagi ang ilang mga kaugalian at ideyolohiya tulad ng mga
grupo sa isang partikular na lugar, bansa, pampulitika o
propesyonal na mga komunidad, mga komunidad na
nagbahagi ng mga interes, libangan, o mga lifestyles, o kahit
68. Ang Speech Community ay maaaring
ibahagi ang parehong mga partikular na
hanay ng bokabularyo (set of vocabulary) at
gramar, pati na rin ang estilo ng pagsasalita
(speech style) at genres, at gayundin ang
kaugalian para sa kung paano at kailan
makikipag-usap sa isang partikular na
69.
70. ANG KATEGORISASYON NG MGA SALITA
Salitang may pag-aangkop sa wikang ingles
Ang mga salitang ginagamit sa lugar na ito ng mga
manginginom ay karamihan nagmula sa wikang Ingles
o mismong wikang ingles. Ang mga salitang ito na mula
sa wikang Ingles ay nagiging wikang Filipino tulad ng
salitang alkohol, alkoholiko, alkoholismo, solb na.
Samantalang ang mga salitang Ingles na mismo na
inangkin na natin mga Pilipino at inugnay sa pag-iinom
ng alak ay ang mga salitang tulad ng black-out,
bottom’s up, far-out, hard, heavy drinker, hapi-hapi,
lights, runner, school bus, shot, sour, tipsy, volt-in.
71. ALKOHOL- isang likido na madaling sumiklab;
hinahalo sa mga inuming nakalalasing.
ALKOHOLIKO- tao na nagumon sa alkohol.
ALKOHOLISMO-pagkagumon sa mga inuming
may alkohol.
SOLB NA- isang pakiramdam na natamo na ng tao
ang kagustuhan niya na malasing.
BLACK-OUT- sa sobrang pagkalasing ay hindi na
alam ang ginagawa ;labis na hindi nakayanan ng
katawan ang alak na ininom.
BOTTOM’S UP- pag-ubos sa pag-inom ng alak sa
72. FAR-OUT- kainumang malayo ang intindi sa pinag-
uusapan.
HARD- alak na malakas magpalasing;may mataas
na alcohol content.
HAPI-HAPI- sama-samang nagsasaya habang nag-
iinom.
HEAVY DRINKER- taong malakas uminom.
LIGHTS- inuming hindi gaanong nakalalasing;
mababa ang alcohol content.
RUNNER- utusan sa inuman; siya ang tagabili sa
tindahan ng inumin o pulutan.
73. SCHOOL BUS- pagsundo ng isang
kainuman at ito ay hindi deretsong
tumutukoy sa asawa.
SHOT- pag-inom ng alak.
SOUR- pagtukoy sa kalamansi.
TIPSY-kondisyon ng naka-inom na hindi
naman masyadong lasing.
VOLT-IN-pag-anyaya sa mga kasamahan
para sa pagpapasimula ng inuman.
74. Salitang may pag-aangkop sa wikang Espanyol
Ang wikang Espanyol ay ang wikang may malaking ambag
ngayon sa ating wikang Filipino at ilan sa mga salita ng mga
manginginom ay nagmula dito tulad ng salitang gusar,
lasengero/a, pwesto na, tanggero/a, toma, tomador.
GUSAR- kainumang manlilibre ng inuming alak.
LASENGGERO/A- pala-inom ng alak o mahilig
maglasing.
PWESTO NA- pagpapasimula sa sesyon ng inuman.
TOMA- pag-inom ng alak.
TOMADOR- adik sa pag-iinom at laging nandyan kung
may inuman.
TANGGERO/A-mula sa salitang ugat na tungga na
75. Salitang may pag-aangkop sa wikang
Hapon
Isa sa mga salitang ginagamit ng mga
manginginom sa pag-aaral na ito ay
mula sa wikang hapon at inangkin na
nating atin tulad ng salitang kampay.
KAMPAY-pag-inom ng alak.
76. Pagiging matalinghaga ng mga salita
Ang mga salitang ito ng mga manginginom ay
nagpapakita ng pagiging matalinghaga o mga
salitang may konotatibong kahulugan o mga
salitang binigyan ng ibang anyo o kulay upang
maging kaaya-aya at hindi nagpapakita ng
direktang tinutukoy nito. Ang mga salitang ito na
itinuturing na matalinghaga sa wika ng mga
manginginom ay tulad ng inuugat na ang baso,
magtira ng pang-uwi, nanakawan tayo, nangangain
ng lamesa, punit ka na, punta tayo sa lamay, takusa
77. INUUGAT NA ANG BASO- mabagal ang umiinom
kaya napapabagal ang pag-ikot ng inumin.
MAGTIRA NG PANG-UWI- huwag masyadong
magpakalasing.
NANAKAWAN TAYO- isang ekspresyon na
tumutukoy sa baso na nawawala dahil sa mabagal
na pag-iinom at dahilan ng mabagal na pag-ikot ng
baso.
NANGANGAIN NG LAMESA- nakakatulog sa
inuman/lamesa sa sobrang dami ng nainom na alak.
PUNIT KA NA- katumbas ng lasing kana.
78. PUNTA TAYO SA LAMAY–pag-ayaya o paghikayat
sa ibang mga kainuman na magpunta sa disco o
kaya sa beerhouse.
TAKUSA KA PALA-kainumang takot sa asawang
babae kung kaya’t sa tuwing susunduin na ito para
umuwi ay susunod agad.
TUMATAWAG NG UWAK- pagsuka dahil sa
sobrang pagkalasing at naparami ang nainom.
WARAT NA-kondisyon ng katawan dahil sa sobrang
kalasingan; hindi na kayang bumangon dahil sa
dami ng ininom.
79. Pinaiksing salita
Isa sa mga katangian ng wika ng mga manginginom ang
mga salitang pinaiksi . Ito ang mga salita na hinati o
pinutol upang mapaiksi, ang pagpuputol na ito ay ang
lumikha sa sariling salita na ito sa pamamagitan ng
paggamit ng mga tao upang magkaroon ng estado ng
pagiging isang salita at ito nga ay nakita sa ilan sa mga
salitang ginagamit ng mga manginginom. Ilan sa mga
salitang ito ay binigyan ng ibang anyo sa pamamagitan ng
pagpapalit ng ilang letra mula sa salitang pinutol o kaya ay
binaligtag, pagdaragdag ng pantig sa mga pinutol na salita
at marami pang iba. Ilan sa mga salitang ito ay dizon,
80. DIZON- bansag sa mga kainumang kadalasang
tinatawag ng asawa; mula sa salitang disundo.
EKSPI- pinaiksing katawagan sa eksperimental na
pinaghalu-halong alak.
EMPI- pinaiksing katawagan sa emperador ng mga
manginginom.
GRANMA- pinaiksing katawagan sa alak na gran
matador.
MAMU-matakaw sa pulutan; mula sa salitang kung
mamulutan; ma+pulutan.
NOMO- pag-inom ng alak; mula sa salitang i+nom,
dinagdagan ng o.
81. PATA- patagalan ng kuwento; mula sa salitang
patagalan.
PATSAM- eksperimentong luto sa pulutan; mula sa
salitang pa+tsamba.
USA- pinaiksing salita ng usapan, kuwentuhan ng
mga lasenggero sa tuwing may inuman sesyon.
UPAK-kalimitang ginagamit na nagsasaad ng
sitwasyong pagkalasing ng lasenggero; sagad na;
mula sa salitang upakan.
YOSI- tawag sa sigarilyong kalimitang ginagamit ng
mga manginginom na isinasabay sa pag-inom ng
82. Pagbabaligtad ng mga salita
Ilan sa mga salita ng mga manginginom ay binaligtad
tulad ng salita amats, nomo, tampulot at yosi. Ngunit ilan sa
mga ito ay may pagdaragdag.
AMATS- katamtamang pagkalango; mula sa salitang
tama at dinagdagan ng letrang s.
NOMO- pag-inom ng alak; mula sa salitang i+nom,
dinagdagan ng o.
TAMPULOTS- pagkain na makikita sa inuman; mula sa
salitang pulutan at dinagdagan ng letrang s.
YOSI- tawag sa sigarilyong kalimitang ginagamit ng mga
manginginom na isinasabay sa pag-inom ng alak; mula sa
salitang si garil yo, magkabilaang pantig at binaligtad.
83. Pagsasama ng dalawang salita o kumbinasyon
Isa sa mga katangian ng wika ng mga
manginginom ang pagsasama ng dalawang salita.
Karamihan ang pagsasama ng mga salitang ito ay
ugnay o konektado sa isa’t isa. Halimbawa nito ang
salitang bangkiki at uwihi.
BANGKIKI-nagsisilbing bida sa kaingayan at
kwento sa inuman tinatawag na bangka sa
kadaldalan; mula sa mga salitang bangka at kiki.
UWIHI-pag-alis sa inuman na walang paalam na
tila nagkunwaring pupunta sa isang lugar para
84. Pangalan ng mga alak
Ang mga pangalan ng alak na ito ay ang
mga karaniwang alak na iniinom ng mga
tao sa pag-aaral na ito. Ilan sa mga ito ay
ang beer, boracay, gin bulag, serbesa, empi,
granma. Ang mga ito ay kabahagi ng wika
ng mga manginginom at ang pagpapangalan
ng mga ito ay may salik na epekto o kaya’y
depende sa kalikasan nito.
85. BEER- serbesa; karaniwang tawag ng mga kabataan.
BORACAY- isang inuming alak na pinaghalong gin,
kopiko brown at melon juice; pagiging makulay nito at
yun sarap ng pakiramdam ng nasa boracay ka.
GIN BULAG- karaniwang tawag sa alak na ginebra; mula
sa karanasan ng mga taong umiinom nito na habang
tumatagal ay nanlalabo ang iyong paningin sa kalasingan
halintulad ng pagkabulag.
SERBESA- isang uri ng alak, tinatawag ding beer;
karaniwang tawag ng matatanda.
EMPI- pinaiksing katawagan sa emperador ng mga
manginginom.
GRANMA- pinaiksing katawagan sa alak na gran
86. Salitang may ibang kahulugan at inugnay sa pag-iinom ng alak
Kabahagi ng wika ng mga manginginom sa pag-aaral na ito ay ang mga
salitang may kahulugan na ngunit ang mga ito ay inugnay sa pag-iinom ng
alak sa kalikasan at danas upang mabigyan ulit ng kahulugan ang mga ito
na kabilang sa wika ng pag-iinom ng alak. Ang mga salitang ito ay banlaw,
hilamos, sundot, patak-patak,tiki-tiki at tinitira.
BANLAW-karaniwang pag-iinom ng beer pagkatapos uminom ng isang
hard na inumin.
HILAMOS- pag-inom muli ng isang bote ng alak pagkatapos maubos
ang naunang alak.
SUNDOT- pag-inom ng alak kinabukasan para mawala ang hilo.
PATAK-PATAK- ambagan ng bawat kasama sa inuman upang makabili
ng serbesa; kanya- kanyang bigay ng halaga upang makabuo ng sapat
na salaping pambili ng inuming alak.
TIKI-TIKI- kaunting pag-inom na alak; mula sa pambatang gamut na
tiki-tiki.
87. Salitang ugnay sa pagkalalake
Ang mga salitang ito ay tumutukoy sa dikta ng
lipunan na dapat ang isang lalake ay nagagawa ang
kaniyang naisin higit sa lahat ang kalayaan niyang
uminom at hindi basta-basta mapipigilan ng kahit sinuman
higit sa lahat ng kaniyang asawa.
DIZON- bansag sa mga kainumang kadalasang
tinatawag ng asawa; mula sa salitang disundo.
SCHOOL BUS- pagsundo ng isang kainuman at ito ay
hindi deretsong tumutukoy sa asawa.
TAKUSA KA PALA-kainumang takot sa asawang babae
kung kaya’t sa tuwing susunduin na ito para umuwi ay
88. Iba pang mga salita
Ang mga salitang ito ay ilan pa sa
mga ginagamit ng mga manginginom
sa pag-aaral na ito. Tulad ng salitang
alak, bangag, bangenge,ikot, inom,
inuman, inumin, itumba, kainuman,
kondisyon, lakas ng tama, longsi,
pulutan, tagayat tungga.
89. ALAK- anumang inuming nakakalasing.
BANGAG- epekto nang pag-inom na high na
high sa kalasingan.
BANGENGE-naiibang pakiramdam ng taong
tinamaan ng kalasingan tulad rin ng lasing at
bangag.
IKOT- tumutukoy sa pagkasunod-sunod ng
iinom.
INOM- toma, tungga o paglagok ng anumang
uri ng alak.
90. INUMIN- iba’t ibang uri ng alak. Ito ay maaaring
brandi, gin, vodka at iba pa.
ITUMBA- pag-ubos sa inilaang alak para sa sesyon
ng inuman.
KAINUMAN- pagtukoy sa bawat indibidwal na
kasama sa pag-iinom ng alak.
KONDISYON- ang pangangatawan ay nakahanda
sa pag-iinom at kaya ito ay hindi madaling
malasing.
LAKAS NG TAMA- may impluwensiya o epekto
ng alkohol.
LONGSI-pagtukoy sa taong lasing o nakainum ng
91. PULUTAN- inihandang pagkain para pangkutkot
habang umiinom ng alak; tinatawag ding
tampulots; mula sa salitang pulot.
TAGAY- pagbati o pagpupugay na ipinahahayag
bago lumagok o sumimsim ng alak; sabay-sabay na
pagtataas ng baso sa isang inuman; paanyaya
upang uminon; ang alak na ginagamit sa gayong
pag-iinom; pag-iinom na gumagamit ng isang
basong ipinapasa sa lahat ng kalahok; sukat ng
alak sa baso.
TUNGGA-lagok, pag-inom ng alak.
92.
93. Taong 2016 ng nagkaroon ng bagong programa sa
edukasyong ng Pilipino ang K to 12 program, layunin
nito na makaagapay sa pandaigdigang batayan sa
edukasyon. Bunga ng ganitong pangyayari ay ang
pagbabago sa kurikulum sa antas ng kolehiyo. Ang mga
asignaturang GENED o General Education gaya ng mga
asignaturang English, Biology, Chemistry, Physics,
Algebra at Filipino ay nailipat sa Senior High School
bilang mga asignatura. Dahil dito ang mga asignatura sa
94. Sa pangyayaring ito ay kumalat ang balita ng
pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo,
kaya sa pangunguna ng iba’t ibang unibersidad
tulad ng UP, La Salle, PUP at pakikibahagi ng
OLFU sa mga aktibidad sa pagtatanggol sa
Filipino bilang asignatura sa antas ng kolehiyo
ay napagtagumpayan ng Tanggol Wika ang
pagtatanggol sa pagbabalik ng asignaturang
95. Ilan sa mga mungkahing asignatura na kinukuha na ng
mga mag-aaral simula 2018 ay ang KOMFIL o
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino, FILDIS o
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina, SOSYOLIT o Sosyedad at
Literatura at DALFIL o Dalumat ng Filipino. Ang ganitong
hakbangin ang patuloy na pagtuturo ng asignaturang
Filipino bilang asginatura sa kolehiyo at pagsunod sa
kontitusyon na dapat na patuloy na payamanin at ituro sa
lahat ng anta sang wikang Filipino.
Ang wika ay salamin ng kultura at pagkakakilanlan ng
96. Ang literasi ay mahalagang iugnay sa wika lalo na kung
susuriin ito bilang mahalagang aspekto ng edukasyon,
pulitika at ekonomiya ng bansa. Ang literasi ay hindi lamang
pagkatuto kundi pagkatuto sa wika upang maging
kapakipakinabang ang mamamayan sa lipunan. Ang isang
bansang may problemang ekonomiko ay siguradong mababa
o di malawak ang literasi ng mamamayan. Dahil dito ang
kanilang pagsangkot sa mga prosesong pulitikal ay mahina
rin. Dahil din dito, ang eksploytasyon at pagdodomina sa
kanila ay lalong naging malalim at masidhi. Ayon nga kay
97. Anumang pagtatangkang bumuo ng isang bagay na may pag
uugnayan at may malawak na pakikisangkot ng mga
mamamayan ay nangangailangan ng mas malawak na
literasi. Malinaw na ito rin ang kailangan para magkaroon
ng epektibong demokrasyang pulitikal. (salin)
1. Sa Pilipinas, ang lumalalang problemang ekonomiko ay
nakakaapekto nang malaki sa literasi ng bansa. Ayon sa
World Health Development Report noong 1986, noong 1973-
1974 ang Pilipinas ang may pinaka- mababang porsyento ng
pag-unlad sa mga bansang ASEAN.
98. Ang kahirapan ay may malaking impak sa literasi
dahil sa pagdami ng drop-outs kayat hindi dapat
magulat at magtaka ang marami kung bakit ngayong
madaling bilhin ang boto ng mga botante at kung bakit
alyenado, walang alam at walang interes ang mga
karaniwang mga mamamayan. Makakatulong ang
paggamit ng katutubong wika (maaaring ang wika sa
rehiyon o kaya wikang pambansa) upang magkaroon
ng minimum functional literacy ( o iyong kaalaman sa
wika para sa mga praktikal na pangangailangan) ang
mga naka raraming mamamayan sa Pilipinas at nang
sa gayoy maging kapaki pakinabang sila sa lipunan.
99. Ang kapakinabangan ito naman ang siyang tutulong
upang magkaroon ng kapakinabangang sosyal at
panlipunang pakikisangot ang mga mamamayan. Ang
pakiisangkot na ito ay tutulong naman upang
magkaroon ng kultural na pagbabago at pagkakaisa,
Tutulong lalo ito para ang bawat mamamayan ay hindi
maging kaaway ng lipunan at gobyerno sa halip ay
maging kasama nga mga ito tungo sa pag unlad ng
bansa.
Mula sa Wika Bilang Kasangkapang Panlipunan: Wikang
Pambansa Tungo sa Pangkaisipan at Pang-ekonomikong
Kaunlaran ni Pamela C. Constantino