1. ------------------------------------------------------------------------------------------
Ⓒ 2015 LiGhT | All Rights Reserved. | For Personal Use Only. www.slideshare.net
LAPG FILIPINO 3
PAKIKINIG
Para sa bilang 1-6
BAKIT UMIIYAK SI KIKO?
Namamaga ang kaliwang pisngi ni Kiko.
“Masakit ang ngipin ko, Nanay “humihikbing wika ni
Kiko. “Tulungan ninyo ako.”
Ipinabuka ng Nanay ang bibig ni Kiko. May
butas ang isang bagang. Puno ng butil ng kanin ang
butas, wika niya, “Hindi ka marahil nag sisipilyo ng
ngipin.
Kailangang sipilyuhin mo ang iyong ngipin
pagkakain.
Sinabi ko rin sa iyong iwasan ang labis na
pagkain ng kendi. Nakasisira ng ngipin ang kendi.
Sumama ka sa akin sa dentista ngayon para ipagamot
yan.”
------------------------------------------------------------------
Para sa bilang 7-12
PAGHAHANDA SA PIKNIK
Biglang nagising ang apat na taong gulang na si
Pepe sa ingay na galing sa kusina. Lumabas siya upang
alamin kong ano ang pinagmulan ng ingay.
Naroon sina Nora at Serafin na tumutulong sa
Nanay sa paghahanda ng kanilang baon para sa piknik
sa paaralan. Pinuno ni Nora ng tubig ang pitsel na
plastik. Isinilid ni Serafin sa basket ang mga sandwich.
Binalot ni Nanay sa dahong saging ang kanin. Inilagay
niya ang adobong manok sa isang plastik na baonan.
“Kapag malaki ka na ,”sabi ni Serafin kay Pepe,
“isasama ka namin sa aming piknik sa paaralan.”
I. Pakikinig (1-12)
Panuto: Makinig nang mabuti sa kuwento at sagutin
ang mga sumusunod na mga tanong. Piliin lamang ang
titik ng tamang sagot.
1. Bakit umiiyak si Kiko?
a. Sumasakit ang kanyang ngipin
b. Nawala ang kanyang lapis.
c. Pinalo siya ng nanay.
d. Nadapa siya.
2. Sino ang humihingi ng tulong?
a. Kiko c. Nanay
b. Dentista d. Tatay
3. Ano ang nakita ng nanay sa loob ng bibig ni
Kiko?
a. Gintong ngipin
b. Ngiping may butas
c. Maraming kendi
d. Walang ngipin
4. Ano ang nasa loob ng butas?
a. Bulak c. gamot
b. Kendi d. kanin
5. Gaano kalimit dapat sipilyuhin ang ngipin?
a. minsan sa isang araw
b. matapos kumain
c. minsan sa isang lingo
d. minsan sa isang buwan
6. Ano ang dapat iwasan ni Kiko?
a. karne c. prutas
b. tinapay d. kendi
7. Ilang taon na si Pepe?
a. Apat c. tatlo
b. Lima d.dalawa
8. Ano ang dahilan ng pagkagising ni Pepe?
a. Putok ng baril
b. Ingay ng kotse
c. Ingay mula sa kasina
d. Tahol ng aso
9. Sino-sino ang sasama sa piknik?
a. Ang nanay at si Nora
b. Si Pepe at si Nora
c. Si na Nora at Serafin
d. Si Pepe at si nanay
10. Sino ang naglagay ng tubig sa pitsel?
a. Nora c. Serafin
b. Nanay d.Pepe
11. Saan nilagay ang adobong manok?
a. Tasa c. baonan
b. Plato d. baso
12. Sino ang naghanda ng mga sandwich?
a. Nora c. Serafin
b. Nanay d.Pepe
II. Pagbasa (13-30)
Panuto: Basahing mabuti ang kuwento at sagutin
ang mga sumusunod na mga tanong. Piliin lamang
ang titik ng tamang sagot.
Para sa bilang 13-17
“Pinatatawad na kita. Kahit nasaktan ako sa
ginagawa mo sa akin, hindi na ako galit sa iyo.
Subalit sa susunod pang mga pangyayari sa buhay
mo ay huwag ka nang padadala sa simbuyo ng
iyong damdamin,” ang pangaral ni Raymond sa
kababatang si Ted.
“ Salamat! Mula ngayon ay hindi na ako
makikinig sa basta sumbong lang, mag – iisip
muna ako,” pagsisisi ni Ted.
13. Sa pamamagitan ng pananalita ni Raymond sa
talata, matutukoy na siya ang ______tauhan
dito.
a. Pangunahing tauhan
b. ekstrang tauhan
c. pangalawang tauhan
d. iba pang tauhan
14. Alin sa sumusunod ang angkop na pamagat ng
talata?
a. Mga Sumbong na Walang Batayan
b. Si Raymond, Ang Maawain
c. Huwag Magpadalos – dalos!
d. Iwasan ang pananakit.
15. Alin sa sumusunod na maiikling salita ang hindi
nakapaloob sa salitang “kababata”?
2. ------------------------------------------------------------------------------------------
Ⓒ 2015 LiGhT | All Rights Reserved. | For Personal Use Only. www.slideshare.net
a. baba c. kaba
b. aba d. awa
16. “ Kahit sinaktan mo ako ay pinatatawad na
kita.” Alin sa pangungusap na ito ang
tumutukoy sa sanhi o dahilan?
a. sinaktan c. kahit
b. pinatatawad d. ako
17. “ Salamat at pinatawad mo ako,” ito ang ______
na pahayag ni Ted. Alin sa sumusunod ang
angkop na salitang dapat ipuno sa patlang?
a. damang – dama c. maramdamin
b. ramdam na ramdam d. madamdamin
Para sa bilang 18-24
Ang mag_asawang Juan at Linda ay
nagmamahalan. Nakatira sila sa bayan ng Nalbuan.
Nang magdalang tao si Linda ay naisip ni Juan na
manguha ng maliliit at malalaking kawayan upang
gawing papag. Dito niya nais manganak si Linda.
Malapit na kasing magsilang si Linda.
May kapangyarihan si Juan. Nakasasakay siya sa
hangin. Nauutusan din niya ang kidlat. Sa tulong ng
mga ito ay madali niyang nakuha ang mga kawayan
na kailangan sa paggawa ng papag.
Mahal na mahal ni Juan si Linda kaya’t gusto
niyang maging maginhawa ang panganganak nito.
Gayundin si Linda, mahal na mahal niya si Juan
kaya’t ibig niya itong mabigyan ng anak.
18. Batay sa kwento, bakit nanguha ng mga kawayan si
Juan?
a. manganganak si Linda
b. gagawin niya itong papag
c. wala siyang magamit
d. gusto lang niyang maghanap
19. Ang kwentong binasa ay nagtataglay ng mga
pangyayaring kathang-isip lamang. Alin sa
sumusunod na pangyayari ang nagpapakita ng di
katotohan?
a. Sumakay sa hangin si Juan.
b. Gagawa ng papag si Juan.
c. Manganganak si Linda.
d.Mag-asawa sina Juan at Linda.
20. Saan matatagpuan ang posisyon ng paksang
pangungusap sa kwento?
a. unahan c. gitna
b. wakas d. hulihan
21. Alin sa sumusunod na pahayag ang walang
kaugnayan sa kwentong binasa?
a. Nakatira sa bayan ng Nalbuan ang mag-
asawang Juan at Linda
b. Nautusan ni Juan ang kidlat
c. Gagawa ng papag si Juan.
d. Hilot ang magpapaanak kay Linda.
22. Alin sa sumusunod ang mga salitang ginamit sa
kwento ang magkasalungat?
a. mag-asawa – nagmamahalan
b.maliliit – malalaki
c. kapangyarihan – kathang-isip
d. Juan – Linda
23. Alin sa sumusunod na mga pangyayari ang
magbibigay ng walang katumbas na
kaligayahan kay Juan batay sa kwento?
a. kapag nagawa niya ang papag
b. kapag nanganak na si Linda
c. kapag nakuha niya ang lahat ng kawayan
na gagamitin niya
d. kapag nagdalantao si Linda
24. Ang mga salitang magsilang at manganak na
hango sa kwento ay tinatawag na mga
________.
a. salitang magkasalungat
b. salitang magkasingkahulugan
c. salitang magkasingtunog
d. salitang magkahawig
Para sa bilang 25-27
1.Bakit umiiyak ang isang sanggol?
2. Maaaring siya ay nagugutom, basa ang lampin,
kinagat na langgam o kinakabagan.
3.Maaaring ibig niya magpakarga.
4. Ang pag-iyak ng sanggol ay pagpapahayag ng
isang bagay na hindi niya masabi.
25. Ang talata ay tungkol sa_________________
a. mga dahilan ng pag-iyak ng sanggol
b. kilos ng sanggol
c. iba’t ibang gusto ng sanggol
d. pag-aalaga sa sanggol
26.Ang paksang pangungusap sa talata
ay___________
a. Pangungusap 1 c. Pangungusap 2
b. Pangungusap 3 d. Pangungusap 4
27. Aling pangungusap ang nagsasabi sa maraming
detalye?
a. Pangungusap 1 c. Pangungusap 2
b. Pangungusap 3 d. Pangungusap 4
Para sa bilang 28-30
Mahina ang paningin ng mga paniki.
May natatangi silang pag-aangkop.
Kapag lumilipad, hindi sila nababangga sa puno.
Naririnig nila ang alingawngaw ng pagaspas ng
kanilang pakpak kapag malapit sila sa puno.
Lumalayo o umiiwas na sila.
28. Ang talata ay tungkol sa ___________
a. mahinang paningin ng mga paniki
b. pagaspas ng mga pakpak ng mga paniki
c. pag-iwas ng mga paniki sa puno
d. paraan ng pag-aangkop ng mga paniki
29.Alin ang paksang pangungusap ng talata?
a. Pangungusap 1 c. Pangungusap 2
b. Pangungusap 3 d. Pangungusap 4
30. Paano nalalaman ng mga paniki na malapit sila
sa puno?
a. May pagaspas ang kanilang pakpak
b. Nakaririnig sila ng alingawngaw
3. ------------------------------------------------------------------------------------------
Ⓒ 2015 LiGhT | All Rights Reserved. | For Personal Use Only. www.slideshare.net
c. Nararamdaman nila ang galaw ng mga dahon
d. Mataas ang kanilang pakiramdam
III. Wika (31-45)
31. “Mahusay tumanggap na mga panauhin ang mga
Pilipino”. Aling salita sa pangungusap ang
tumutukoy sa pang-abay na pamaraan?
a. Mahusay c. tumanggap
b. panauhin d. mga Pilipino
32.” Sa ilalim ng puno, naghain si Nanay ng masarap na
pagkain”. Alin sa pangungusap na ito ang salitang
tumutukoy sa pang-abay na panlunan ?
a. naghain c. sa ilalim ng puno
b. ng pagkain d. Si Nanay
33. “Noong Linggo ay pista sa aming bayan.”Ang mga
salitang Noong Linggo sa pangangusap ay
tumtukoy sa pag-abay na ________________.
a. Pamaraan c. Pasukdol
b. Panlunan d. Pamanahon
(Para sa bilang 34-36) Ibigay ang kahulugan ng
salitang may salungguhit.
34. Masungit ang panahon kanina bago kami umalis.
a. maliwanag c. masama
b. malamig d. mainit
35.Maliksing kumilos si Mang Tomas kahit na siya ay
matanda na.
a. makupad c mabagal
b. mabilis d. marahan
36. Galing sa Amerika ang aking sapatos na bigay ni
Aling Tinay.
a. ginamit c. dinala
b. nagmula d. iniwan
(Para sa bilang 37-38) Ibigay ang kasalungat ng
salitang may salungguhit.
37. Matarik ang bundok na aming inakyat.
a. mababa c. mabato
b. malapad d. madulas
38.Nagdilim ang langit ng kami na ay pauwi.
a. bumuka c.nagliwanag
b. nawala d.umitim
39. Kung aayusin ang mga sumusunod na salita nang
pa alphabeto , alin ang dapat na mauna?
a.Timba c.Tuka
b.Tela d.Trono
40. Aling salita ang dapat na mahuli kung aayusin ang
mga sumusunod na mga salita?
a. santo c. sampalok
b. suha d. sinta
Pag aralan ang isang bahagi ng talaan ng nilalaman.
Gamitin ito sa pagsagot sa bilang 41-45
Ang Mga Tahanan ng Pinoy
Kabanata Pahina
1 Yungib: Mga Unang Tahanan ………... 1
2 Tanggaling Tahanan …………………….. 12
3 Mga Tahanang Puno ………………………. 25
4 Mga Tahanang Bangka …………………… 43
5 Malapalasyong mga Tahanan …………….. 59
41. Ano ang pamagat ng aklat kong saan kinuha ang
talaan ng nilalaman?
a. Ang mga Tahanan ng Pinoy
b. Mga Tahanang Puno
c. Mga Tahanang Bangka
d. Malapalasyong Tahanan
42. Saang kabanata mababasa ang mga kagamitang
nakita sa Yungib: Tabon ng Palawan?
a. kabanata 4 c. kabanata 2
b. kabanata 1 d. kabanata 3
43. Ang paglalarawan sa Malacanang ay nasa _____.
a. Yungib: Mga Unang Tahanan
b. Mga Tahanang Puno
c. Mga Tahanang Bangka
d. Malapalasyong Mga Tahanan
44. Aling salita ang binuo ng panlapi?
a. nagmamadali c. bag
b. naman d. kahit
45. Aling salita ang walang panlapi?
a. katulong c. namumupo
b. edad d. humanga