7. Magbigay ng mga pangungusap
gamit ang mga sumusunod na
pangatnig
at
o
ngunit
8. Sino sa inyo ang may lolo pa?
Ano ang katangian niya?
9. Tingnan ang mga larawan. Sino sa inyo ang may
lolong kagaya sa A? B?
A B
10. Tingnan ang larawan. Ibigay ang
kasingkahulugan ng salitang
may salungguhit.
1. Ang matandang dukha ay
kawawa.
a. mayaman
b. mahirap
c. bakuran
19. Ngayon ay pakinggang mabuti ang tula
tungkol sa matandang masipag at
pagkatapos basahin natin ito ng sabay.
Ano-ano ang mga pamantayan sa
pakikinig sa tula? Sa pagbasa?
Pagkatapos basahin ang tula, sagutin
natin ang tanong na ito :
Sino ang naging huwaran ng bata sa tula?
Bakit?
20. May tao akong hinahangaan sa malayong nayon
Isang dukhang lalaking may magandang kaugalian
Mapagmahal, maalaga, at masipag na matanda
Palaging nag-iisip ng gawaing marangal
Bakurang malawak puno ng pananim
Sariwang hangin kay sarap langhapin
Makikita rin alagang manok na inahin
Mabuting libangan hatid ay pagkain
Bakasyong kay saya aking inaabangan
Sabik akong puntahan ang munting tahanan
Ng lolo kong matiyaga at abala sa paggawa
Pagtulong at pag-alaga sa kanya’y aking ipadama.
“Matandang Masipag”
21. a.Sino ang naging huwaran ng bata sa tula?
Sagot: Isang dukhang lalaki
Bakit?
Sagot: May magandang Kaugalian
b. Tungkol saan ang tula?
Sagot: Matandang Masipag
c. Saan nakatira ang matandang masipag?
Sagot: sa malayong nayon
22. Katangian ng
Matanda
d. Anong katangian mayroon ang matanda?
Isulat sa pisara ang sagot.
MAY MAGANDANG
KAUGALIAN
MAPAGMAHAL
MAALAGA
MASIPAG
23. Basahin ang sumusunod na dalawang salita na sinipi sa tulang
binasa natin.
Pansinin ang mga titik na may salungguhit.
I. magandang kaugalian
malayong nayon
II. masipag na matanda
manok na inahin
III. bakurang malawak
gawaing marangal
Anong kataga ang may salungguhit?
Ang mga katagang –ng, -na-, at –g ay mga pang-angkop.
Pang angkop- ito ay mga katagang nag uugnay sa dalawang magkakasunod na salita.
Aling pang-angkop ang nakadugtong?
Aling pang-angkop ang nakahiwalay?
Ano pang parirala na may pang-angkop ang makikita sa
tula?
24. Gawain I
Lagyan ng kaukulang pang-angkop ang mga parirala
at gamitin ang mga ito sa pangungusap. Ipaliwanag
ang iyong sagot.
1. masipag __ mag-aaral
2. pagkain __ pampalusog
3. dalawa__ anak
4. buhangin__ pino
5. tulay__ kawayan
25. Mga Pamantayan sa Paggawa ng
pangkatang gawain
Pumili ng lider, sekretarya at taga ulat
Basahin ng mabuti ang panuto
Makilahok sa Gawain ng Grupo
Magsalita ng mahinahon
Tapusin ang Gawain sa tinakdang oras
26. Gawain 2 (Pangkatang Gawain)
Pangkat A
Gamitin ang wastong pang-angkop sa pagbuo ng bawat
27. Pangkat B
Gamitin sa pangungusap ang mga parirala at lagyan
ng kaukulang pang-angkop.
1. mataas___ puno
2. bata___ magalang
3. bayan___ minamahal
4. matiyaga___ mag-aral
5. matulungin___ mag-anak
28. Ano ang tawag sa mga katagang nag-uugnay
sa dalawang magkasunod na salita?
PANG –ANGKOP
Ano ang pang-angkop?
ito ay mga katagang nag uugnay sa
dalawang magkakasunod na salita
Kailan ginagamit ang pang-angkop na ng?
na? g?
29. Show-me-board
Isulat ang tamang pang-angkop sa inyong
show-me-board para sa sagot ng mga
pangungusap na ipapakita ko.
1. Maraming magaganda__ balak si Linda sa kanyang
pagtatapos.
1.Maraming magagandang balak si Linda sa kanyang
pagtatapos.
2.Ang batang magala__ ay dangal ng magulang.
2.Ang batang magalang ay dangal ng magulang.
30. 3.Pinutulan niya ang mataas ____ puno.
3.Pinutulan niya ang mataas na puno.
4.Dumaan sila sa tulay ___ mahaba.
4.Dumaan sila sa tulay na mahaba.
5.Naglalaro sila sa buhangin__ pino malapit sa
daan.
5.Naglalaro sila sa buhanging pino malapit sa
daan.
31. Tingnan ang mga bagay sa loob at labas ng
ating silid aralan. Magbigay ng mga
pangungusap gamit ang wastong pang-
angkop.
Batay sa tulang ating binasa kanina ano ang
dapat nating gawin sa mga matatanda?Paano
ninyo ipakikita ang pagmamahal sa mga
matatanda?
32. Pagtataya
Panuto: Gamitin ang wastong pang-angkop sa
pagbuo ng bawat pangungusap.
1. Umalis patungo__ probinsya ang mag-anak.
2. Siya ay isang mutulungin__ anak.
3. Mangunguha rin sila ng sariwa__ prutas at gulay sa
bukid.
4. Maliligo rin sila sa malinis ___ tubig sa ilog.
5. Makikipaghabulan din sila sa mga hayop ___
maamo sa parang.
49. Paglalahat Ano ang tawag sa mga katagang nag-uugnay ng dalawang salita?
Ano ang pang-angkop?
Kailan ginagamit ang pang-angkop?
50. Pagpapayamang Gawain
Pangkatang Gawain
-(Aktibity Kard)
Gamitin sa pangungusap ang mga parirala at
lagyan ng kaukulang pang-angkop.
1. masipag __ mag-aaral
2. pagkain __ pampalusog
3. dalawa__ anak
Sa pag-uulat ipaliwanag ang sagot.
51. Pagtataya Gamitin sa pangungusap ang
mga parirala at lagyan ng kaukulang pang-
angkop.
1.mataas___ puno
2. bata___ magalang
3. bayan___ minamahal
4. matiyaga___ mag-aral
5. matulungin___ mag-anak