SlideShare a Scribd company logo
1 of 29
EdFil 300:
Pagsusuri sa Awit
Doc. Joseph Baluya
Propesor
Roeva Gerline S. SalaFrania Grace May B. Sinobago Taga-
ulat-1 Taga-ulat-2
PAKSA:
Magdalena na Isinulat at Inawit
ni Freddie Aguilar noong 1983
LAYUNIN:
a. Naipapahayag ang Isang Awiting Kinilala at
Pumukaw sa Puso ng Madla
b. Nalalaman ang suri sa elmentong ginamit sa
awit
c. Naipapahayag ang iba’t ibang
halimabawa ng awit
Introduksiyon
Ang musika ay may malaking bahagi sa buhay
ng bawat Pilipino. Sumasalamin ito sabuhay,
kinagisnan, kultura, pakikibaka, inspirasyon,
pangyayari sa kapaligiran maging
sanararamdaman natin bilang mga tao
(Canabangon,2009).
Ang kantang “Magdalena” ay isa lamang sa
kanyang mga awitin na tumatalakay sa isyung
panlipunan. Ang naturang awitin ay isinulat noong
1983 kasabay ng paglobo ng bilang ng mga
kababaihang kumakapit sa patalim para lamang
matustusan ang kanilang pang araw-araw
napangangailangan. Ito ay agad na sumikat sa
Pilipinas noong 1980s na hanggang sa kasalukuyanay
tinatangkilik pa rin ng maraming Pilipino. Ang
angking ganda ng awiting ito ay nakapag-iwan na ng
marka sa mga puso ng mga tagapakinig nito
Tingin sa iyo'y isang putik, larawan mo'y nilalait
Magdalena ikaw ay 'di maintindihan
Ika'y isang kapuspalad, bigo ka pa sa pag-ibig
Hindi ka nag-aral, 'pagkat walang pera
Kaya ika'y namasukan, doon sa Mabini napadpad
Mula noon, binansagang kalapating mababa ang lipad
Hindi mo man ito nais, ika'y walang magagawa
'Pagkat kailangan mong mabuhay sa mundo
Tiniis mo ang lahat, kay hirap ng kalagayan
Ang pangarap mo, maahon sa hirap
Magdalena
Freddie Aguilar
Kaya ika'y namasukan, doon sa Mabini napadpad
Mula noon, binansagang kalapating mababa ang lipad
Magdalena, ikaw ay sawimpalad
Kailan ka nila maiintindihan
Magdalena, ikaw ay sawimpalad
Kailan ka nila maiintindihan
Magdalena, Magdalena
Magdalena
Freddie Aguilar
Ibig mo nang magbago at mamuhay na nang tahimik
Ngunit ang mundo'y sadyang napakalupit
Hanggang kailan maghihintay, hanggang kailan magtitiis
Ang dalangin mo, kailan maririnig
Magdalena, ikaw ay sawimpalad
Kailan ka nila maiintindihan
Magdalena, ikaw ay sawimpalad
Kailan ka nila maiintindihan
Magdalena, Magdalena
Magdalena
Freddie Aguilar
Suri sa Elemento ng
Awit
1. Ritmo
Ang ritmo ay ang pulso at indayog ng tunog upang mabigyang
buhay ang kanta.Ito ang paulit-ulit na tunog na naririnig. Masasabing ito ay
mahalaga sa kadahilanang makukuha ang tono ng isang awitin. Sa pagsusuri
ng awitin na Magdalena ni Freddie Aguilar, mapapansin na dalawang beses
inulit ang tono ng naunang saknong at sinundanng panibagong tono upang
maipakita ang bagong diwa ng awitin.
Nailahad nang maayos ng mang-aawit ang kasidhian ng damdamin
ng mga naunang talata dahil sa pagkakaroonng mababang indayog nito.
Katulad ng mga naunang awitin ni Freddie Aguilar, ito ay nananatiling
magaang emosyon na mabigat ang pasanin. Nabigyang tugon din ito sa
mganaturang kanta noong 1980s
2.Timbre
Isa sa mga elemento ng musika ang timbre. Ito ay
tumutukoy sa kalidad ng isang tono, nota o kaya naman ay tunog sa
isang kanta. Ayon naman sa Acoustical Society ofAmerica (ASA), ito
ay ang kakayahan ng ating pandinig na makatukoy ng kaibahan
ngdalawang tunog na magkapareho ang lakas at taas. Ang
timbre ng mang-aawit napinamagatang “Magdalena” ay
tenor, mataas na tono sa tinig ng mga
kalalakihan.Masasabing garalgal ang boses ng mang-aawit lalo sa
mga saknong na matataas na angtono. Pansinin ang linyang ito
Suri sa Elemento
“Kaya ika’y namasukan, doon sa Mabini napadpadMula
noon, binansagang kalapating mababa ang lipad
Magdalena, ikaw ay sawimpaladKailan ka nila
maiintindihanlaMagdalena, ikaw ay sawimpaladKailan ka
nila maiintindihanMagdalena, Magdalena .”
Bagamat mapapansin sa mga unang linya na
malumanay at kaunting garalgal lamang ang narinig,
mayroon pa ring parte na tuluyan ang naturang tono nito.
3.Daynamiks
Ang daynamiks ay isa sa mga sangkap ng
musika. Ito ay pumapatungkol sa paglakas at
paghina ng awitin o isang tugtugin. Kung ating susuriin
ang kanta ni FreddieAguilar na pinamagatang
“Magdalena”, mapapansing naging balanse ang
pagkabigkas ng malalakas at mahihinang parte.
Naiugnay rin ang kahulugan ng awitin sa angkop na
antas ng daynamiks kagaya na lamang ng mahinang
pagbigkas ng mapanglaw na mga taludtodsa nasabing
kanta. Kagaya na lamang ng linya sa ibaba:
Tingin sa iyo’y isang putik, larawan
mo’y nilalait,Magdalena ikaw ay ‘di
maintindihan Ika’y isang kapuspalad,
bigo ka pa sa pag-ibigHindi ka nag-
aral, ‘pagkat walang pera”
4.Liriko
Bukod sa pagkakaroon ng mayamang damdamin, ang liriko ay
isang instrumentong nagpapakita ng damdamin ng mang-aawit o ng manunulat.
Kadalasang binubuo ito ng mga taludtod. Kung ating susuriin ang kantang
"Magdalena", tila pasokang mga liriko nito sa gustong ipahiwatig ng mang-
aawit o manunulat kung saan binibigyang tampok nito ang damdamin at
maging ang pagbubulay-bulay ng mang-aawit. Mapapansin din na swak sa
tyempo ang mga salitang ginamit sa bawat taludtod. Naipamalas din ang
angking katapatan ng manunulat patungkol sa isyung lipunan nakinakaharap ng
bansa, ang prostitusyon. Pagdating sa mga salita, ginamit ng mang-aawitang
malalalim na salita at mga tayutay na kung iisipin man ay aabutin ka ng ilang minuto
upang ito ay maintindihan. Bagamat malalim makikita pa rin ang buong mensahe ng
nasabing kanta. Isang indikasyon ito upang masabi na pulido at makikita ang diwa
ng liriko.”
5.Melodiya
Ang melodiya sa musika ay ang kumbinasyon o pagsasama-sama ng
ritmo at matindihan ng musika. Binubuo rin ito ng isa o higit pang mga
pariralang pangmusika. Ito ay isang elemento ng musika kung saan binubuo ito
ng maraming nota at mas malawak na saklaw. Sa kantang "Magdalena" ni
Freddie Aguilar , mapapansing naging kawili-wiliang palitan ng mga tono kaya
naman naipahayag nang maayos ang mensahe ng kanta.Kung sa una ay
gumamit ang mang-aawit ng mababang tono, indikasyong malumanay
atkahali-halina ang ipinapahiwatig ng saknong. Lumutang din ang garalgal ng
boses ng mang-aawit na tila ba isa itong paraan upang maayos niyang
mapalitan ang tono para samga susunod na nota na kanyang bibigkasin.
Sa huli ay masasabi ng manunuri nanagtugma at hindi naging mitikuloso
ang palitan ng mga tono dahil na rin sa paulit-ulit napagbigkas nito.
Nilalaman- Awit
Pagdating sa laman o mensahe ng kanta, masasabing
malalim ngunit buo ang detalyeng inihahatid nito sa mga
tagapakinig. Kung susuriin ay masasabi na ito ay makatotohanan
at tiyakna kapupulutan ng aral. Ang naturang awitin ay
tumatalakay sa isang babaeng inalipusta nglipunan. Kahirapan ay
mistulang pinag-ugatan ng kanyang mabigat na pinapasan. Ang
babae sasa awitin ay hindi nakapag-aral dala ng kahirapan
kung kaya’t siya ay nauwi sa pagigingbayaran. Walang pinag-
aralan, bigo sa pag-ibig, at mababa ang lipad. Ganito inilarawan
angbabae sa naturang awitin. Sa kabila ng kanyang kagustuhang
magbago, siya ay nananatilinghirap dahil tanging pangungutya at
panghuhusga lamang ang kanyang nakukuha mula sa mgataong
nakapaligid sa kanya
Sinisimbolo ng awiting “Magdalena” ang mga kababaihang napasok sa
uri ng trabahong hindi man nila gusto ay nagawa ilang suungin sa kagustuhan
nilang magkaroon ng laman angkanilang mga tiyan. Nais ipahiwatig ng kanta ang
saloobin ng mga babaeng hindi man akma salipunan ang ginagawa ay
nangangailangan pa rin ng respeto at pagtanggap mula sa kanilanglipunang
ginagalawan. Ang mensahe ng kanta ay labis na akma sa kasalukuyang panahon
sakadahilanang hanggang sa kasalukuyan ay marami pa ring kababaihan ang
hindi makakuha ngmaayos na trabaho kung kaya’t nauuwi sa pagbebenta ng
katawan. Mahusay ang pagkakasulatng kanta sapagkat sumasalamin ito sa
realidad ng buhay. Bagamat maikli ang piyesa ay naimulatnaman nito ang mga
tagapakinig sa mga kaganapang panlipunan na dapat solusyunan. Pinalutangdin
ng manunulat ng kanta ang mga bagay na maaaring mangyari dala ng labis na
kahirapan.Bagay na nakadagdag sa pagiging makabuluhan at kaakit-akit nito
Teoryang
Pampanitikan ang
ginamit sa Awit
1. Teoryang Realismo
Ang teoryang ito ay akma sa awitin ni
Freddie Aguilar na pinamagatang“Magdalena”
sapagkat hango ito sa mga kaganapang panlipunan na
kanyang nasaksihan
Ito ay hango sa totoong buhay sapagkat marami
naman talagang kababaihan ang hindinakakapag-aral kung
kaya’t napipilitang pasukin ang isang trabaho na ni minsan
ay hindinila pinangarap.
2. Teoryang Pormalistiko
Layunin nito na maiparating sa mga mambabasa at
tagapakinig ang ipinapaabotng isang manunulat. Sa kantang
“Magdalena”, nais iparating ng manunulat na isa sa mgadahilan
ng pagpasok sa prostitusyon ng mga kababaihan ay ang
kahirapan at angkatotohanan na sila ay hindi nakapag-aral.
3. Teoryang Sosyolohikal
Layunin nito na maipakita ang suliranin at
kalagayang panlipunan nakinabibilangan ng may-akda. Sa
awiting “Magdalena”, naipakita na isa ang kahirapan samga sakit
ng lipunan na tila hindi mabigyang lunas.
4.Teoryang Feminismo – Markismo Sa kantang “Magdalena”,
kinilala ng ilan sa mga kababaihan ang prostitusyonbilang
tuwirang tugon sa kanilang suliraning dinaranas.
Bisang Pampanitikan
Bisa sa Isip
Ang kanta ay nagbubukas ng isipan at nagbibigay ng
kaalaman sa mga tao lalo’thigit sa mga kabataan. Ito ay
pumapatungkol sa realidad ng buhay. Ipinaliliwanag nito nakaya
pumapasok sa mga ganoong trabahao ang ilan sa mga kababaihan
ay dahil sa hirapng buhay. Napipilitan lamang sila na suungin ang
ganoong takbo ng buhay dahil wala nasilang iba pang
pagpipilian. Ngunit dahil sa mapanghusgang mundo na
atingginagalawan, mababa ang tingin sa kanila at hindi inuunawa
ang kanilang kalagayan.Nais ipakita ng awit na ang mga kagaya
nila ay tao rin lamang na nagnanais na makaraossa hirap ng
buhay at patuloy na humihiling ng pagtanggap ng lipunan.
Bisa sa Damdamin
Ang kanta ay nakapagdulot ng kalungkutan at kaunting
pagkagalit sa manunuri. Para sa manunuri, nakakalungkot isipin
na dahil sa hirap ng buhay, napipilitan ang ibangtao na kumapit
sa patalim. Hindi ito naiintindihan ng iba kaya’t gayon
lamang angkanilang panghuhusga sa kanila. Sa ganitong mga
pagkakataon, mas kinakailangan ngmga mamamayan ang
pagkilos ng gobyerno sa pamamagitan ng paglulunsad ng
iba’tibang proyektong pangkabuhayan nang sa gayon ay hindi na
mapilitang gumawa ng maliang iba para lamang kumita. Ang
kabuuan ng kanta ay nakapagdudulot ng malungkot nadamdamin
subalit ito rin naman ay nakapagbibigay ng pag-asa. Pag-asang
darating angaraw na sila ay makakapagbagong-buhay at tuluyan
nang matatanggap sa lipunang atingginagalawan.
Bisa sa Kaasalan
Ang gawing nailahad ay kapuna-puna. Batay sa manunuri, ang
kanta ay nabuobatay sa mga balita at isyu sa ating lipunan. Ang isyu
ng kahirapan at ang dahilan kungbakit nakakagawa ng mali ang iba
nating kababayan. Makikita sa kanta ang pagigingmapanghusga ng
mga tao kahit hindi nila alam ang istorya sa likod ng bawat
pangyayari.Nais iparating ng awitin na dapat magkaroon ng puwang
ang pag-unawa sa puso ngbawat isa. Ang panghuhusga ng kapwa sa
kabila ng hindi paglalaan ng panahon para silaay unawain ay isa sa
mga bagay na hindi dapat taglayin. Dahil sa bawat maskara na
atingnakikita nakatago ang sakit at pighati na kanilang dinadala. Ang
pagkakamali ay lagingmay puwang sa buhay ng bawat isa kung kaya’t
marapat lamang na matuto ang lahat naumunawa ng iba at
magsilbing gabay para sila ay makapagbagong buhay.
Bisa sa Lipunan
Magsisilbing eye opener ang awiting ito sa mga mamamayan
lalo’t higit sa mgakabataan sa tunay na nangyayari sa ating
lipunan. Makakatulong din ito dahilmapapaalalahanan ang mga
kabataan na sikaping makapagtapos ng pag-aaral nang sagayon ay
makakuha sila ng marangal at maayos na trabaho pagdating ng araw.
Dahil sa naturang awitin, ipinaunawa rin sa kasalukuyang lipunan na
ang mgakababaihang pumapasok sa ganitong uri ng trabaho ay
nangangailangan din mga kamay
na handang tumulong at tumanggap sa kabila ng kanilang
mapait na kalagayan.Makakatulong din ito upang gumawa ng
paraan ang gobyerno nang sa gayon ay mataposna ang mga illegal na
gawain na patuloy na namamayagpag sa bansa katulad na lamangng
prostitusyon
Sanggunian :
Santos, T. (2009, April 4). Wika sa Saliw ng Musika.
Retrieved November 24, 2019, from The Varsitarian:
https://varsitarian.net/news/20090404/wika_sa_sa
liw_ng_musika/
Maraming Salamat
Pakikinig!

More Related Content

What's hot

What's hot (20)

Epiko ppt - copy
Epiko ppt - copyEpiko ppt - copy
Epiko ppt - copy
 
filipino
filipinofilipino
filipino
 
Uri ng pakikinig
Uri ng pakikinig Uri ng pakikinig
Uri ng pakikinig
 
Balita
BalitaBalita
Balita
 
Nakalbo ang datu
Nakalbo ang datuNakalbo ang datu
Nakalbo ang datu
 
Pahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampusPahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampus
 
ANG AKING PAG-IBIG_PPT-1.pptx
ANG AKING PAG-IBIG_PPT-1.pptxANG AKING PAG-IBIG_PPT-1.pptx
ANG AKING PAG-IBIG_PPT-1.pptx
 
PAGBUO NG PAGSUSULIT
PAGBUO NG PAGSUSULITPAGBUO NG PAGSUSULIT
PAGBUO NG PAGSUSULIT
 
Pagbasa 2013 (1)
Pagbasa 2013 (1)Pagbasa 2013 (1)
Pagbasa 2013 (1)
 
uri ng balita (Ayon sa saklaw).pptx
uri ng balita (Ayon sa saklaw).pptxuri ng balita (Ayon sa saklaw).pptx
uri ng balita (Ayon sa saklaw).pptx
 
Ang pagtataya ng natutuhan sa pilipino
Ang pagtataya ng natutuhan sa pilipinoAng pagtataya ng natutuhan sa pilipino
Ang pagtataya ng natutuhan sa pilipino
 
COT 1 FILIPINO 7.pptx
COT 1 FILIPINO 7.pptxCOT 1 FILIPINO 7.pptx
COT 1 FILIPINO 7.pptx
 
Fs3 power pointpress.
Fs3 power pointpress.Fs3 power pointpress.
Fs3 power pointpress.
 
Module 9- Pang-abay na Pamanahon, Panlunanan at Pamaraan.pptx
Module 9- Pang-abay na Pamanahon, Panlunanan at Pamaraan.pptxModule 9- Pang-abay na Pamanahon, Panlunanan at Pamaraan.pptx
Module 9- Pang-abay na Pamanahon, Panlunanan at Pamaraan.pptx
 
Aralin 1-Ponemiko.pptx
Aralin 1-Ponemiko.pptxAralin 1-Ponemiko.pptx
Aralin 1-Ponemiko.pptx
 
Pagbabagong morpoponemiko
Pagbabagong morpoponemikoPagbabagong morpoponemiko
Pagbabagong morpoponemiko
 
Ang Talumpati at Ilang Mahahalagang Salik
Ang Talumpati at Ilang Mahahalagang SalikAng Talumpati at Ilang Mahahalagang Salik
Ang Talumpati at Ilang Mahahalagang Salik
 
Ang pagtatalata
Ang pagtatalataAng pagtatalata
Ang pagtatalata
 
Pagwawasto ng sanaysay
Pagwawasto ng sanaysayPagwawasto ng sanaysay
Pagwawasto ng sanaysay
 
Detailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - AnekdotaDetailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - Anekdota
 

Similar to Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan (7)

AWIT-MAGDALENA_1983_KATARUNGAN_1985.pdf
AWIT-MAGDALENA_1983_KATARUNGAN_1985.pdfAWIT-MAGDALENA_1983_KATARUNGAN_1985.pdf
AWIT-MAGDALENA_1983_KATARUNGAN_1985.pdf
 
Lesson 1 Folk Song
Lesson 1 Folk SongLesson 1 Folk Song
Lesson 1 Folk Song
 
BOHEMIAN RHAPSODY.docx
BOHEMIAN RHAPSODY.docxBOHEMIAN RHAPSODY.docx
BOHEMIAN RHAPSODY.docx
 
Katutubong panitikan pptx (1)
Katutubong panitikan pptx (1)Katutubong panitikan pptx (1)
Katutubong panitikan pptx (1)
 
Lesson 1 FOLK SONGS Revised 2018
Lesson 1 FOLK SONGS Revised 2018Lesson 1 FOLK SONGS Revised 2018
Lesson 1 FOLK SONGS Revised 2018
 
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdfFILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
 
SEFIL ..
SEFIL ..SEFIL ..
SEFIL ..
 

Recently uploaded (7)

Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
 
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 FilipinoPagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
 
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
 
ThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public schoolThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public school
 
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptxuri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
 

Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan

  • 1. EdFil 300: Pagsusuri sa Awit Doc. Joseph Baluya Propesor Roeva Gerline S. SalaFrania Grace May B. Sinobago Taga- ulat-1 Taga-ulat-2
  • 2. PAKSA: Magdalena na Isinulat at Inawit ni Freddie Aguilar noong 1983
  • 3. LAYUNIN: a. Naipapahayag ang Isang Awiting Kinilala at Pumukaw sa Puso ng Madla b. Nalalaman ang suri sa elmentong ginamit sa awit c. Naipapahayag ang iba’t ibang halimabawa ng awit
  • 4. Introduksiyon Ang musika ay may malaking bahagi sa buhay ng bawat Pilipino. Sumasalamin ito sabuhay, kinagisnan, kultura, pakikibaka, inspirasyon, pangyayari sa kapaligiran maging sanararamdaman natin bilang mga tao (Canabangon,2009).
  • 5. Ang kantang “Magdalena” ay isa lamang sa kanyang mga awitin na tumatalakay sa isyung panlipunan. Ang naturang awitin ay isinulat noong 1983 kasabay ng paglobo ng bilang ng mga kababaihang kumakapit sa patalim para lamang matustusan ang kanilang pang araw-araw napangangailangan. Ito ay agad na sumikat sa Pilipinas noong 1980s na hanggang sa kasalukuyanay tinatangkilik pa rin ng maraming Pilipino. Ang angking ganda ng awiting ito ay nakapag-iwan na ng marka sa mga puso ng mga tagapakinig nito
  • 6. Tingin sa iyo'y isang putik, larawan mo'y nilalait Magdalena ikaw ay 'di maintindihan Ika'y isang kapuspalad, bigo ka pa sa pag-ibig Hindi ka nag-aral, 'pagkat walang pera Kaya ika'y namasukan, doon sa Mabini napadpad Mula noon, binansagang kalapating mababa ang lipad Hindi mo man ito nais, ika'y walang magagawa 'Pagkat kailangan mong mabuhay sa mundo Tiniis mo ang lahat, kay hirap ng kalagayan Ang pangarap mo, maahon sa hirap Magdalena Freddie Aguilar
  • 7. Kaya ika'y namasukan, doon sa Mabini napadpad Mula noon, binansagang kalapating mababa ang lipad Magdalena, ikaw ay sawimpalad Kailan ka nila maiintindihan Magdalena, ikaw ay sawimpalad Kailan ka nila maiintindihan Magdalena, Magdalena Magdalena Freddie Aguilar
  • 8. Ibig mo nang magbago at mamuhay na nang tahimik Ngunit ang mundo'y sadyang napakalupit Hanggang kailan maghihintay, hanggang kailan magtitiis Ang dalangin mo, kailan maririnig Magdalena, ikaw ay sawimpalad Kailan ka nila maiintindihan Magdalena, ikaw ay sawimpalad Kailan ka nila maiintindihan Magdalena, Magdalena Magdalena Freddie Aguilar
  • 10. 1. Ritmo Ang ritmo ay ang pulso at indayog ng tunog upang mabigyang buhay ang kanta.Ito ang paulit-ulit na tunog na naririnig. Masasabing ito ay mahalaga sa kadahilanang makukuha ang tono ng isang awitin. Sa pagsusuri ng awitin na Magdalena ni Freddie Aguilar, mapapansin na dalawang beses inulit ang tono ng naunang saknong at sinundanng panibagong tono upang maipakita ang bagong diwa ng awitin. Nailahad nang maayos ng mang-aawit ang kasidhian ng damdamin ng mga naunang talata dahil sa pagkakaroonng mababang indayog nito. Katulad ng mga naunang awitin ni Freddie Aguilar, ito ay nananatiling magaang emosyon na mabigat ang pasanin. Nabigyang tugon din ito sa mganaturang kanta noong 1980s
  • 11. 2.Timbre Isa sa mga elemento ng musika ang timbre. Ito ay tumutukoy sa kalidad ng isang tono, nota o kaya naman ay tunog sa isang kanta. Ayon naman sa Acoustical Society ofAmerica (ASA), ito ay ang kakayahan ng ating pandinig na makatukoy ng kaibahan ngdalawang tunog na magkapareho ang lakas at taas. Ang timbre ng mang-aawit napinamagatang “Magdalena” ay tenor, mataas na tono sa tinig ng mga kalalakihan.Masasabing garalgal ang boses ng mang-aawit lalo sa mga saknong na matataas na angtono. Pansinin ang linyang ito
  • 12. Suri sa Elemento “Kaya ika’y namasukan, doon sa Mabini napadpadMula noon, binansagang kalapating mababa ang lipad Magdalena, ikaw ay sawimpaladKailan ka nila maiintindihanlaMagdalena, ikaw ay sawimpaladKailan ka nila maiintindihanMagdalena, Magdalena .” Bagamat mapapansin sa mga unang linya na malumanay at kaunting garalgal lamang ang narinig, mayroon pa ring parte na tuluyan ang naturang tono nito.
  • 13. 3.Daynamiks Ang daynamiks ay isa sa mga sangkap ng musika. Ito ay pumapatungkol sa paglakas at paghina ng awitin o isang tugtugin. Kung ating susuriin ang kanta ni FreddieAguilar na pinamagatang “Magdalena”, mapapansing naging balanse ang pagkabigkas ng malalakas at mahihinang parte. Naiugnay rin ang kahulugan ng awitin sa angkop na antas ng daynamiks kagaya na lamang ng mahinang pagbigkas ng mapanglaw na mga taludtodsa nasabing kanta. Kagaya na lamang ng linya sa ibaba:
  • 14. Tingin sa iyo’y isang putik, larawan mo’y nilalait,Magdalena ikaw ay ‘di maintindihan Ika’y isang kapuspalad, bigo ka pa sa pag-ibigHindi ka nag- aral, ‘pagkat walang pera”
  • 15. 4.Liriko Bukod sa pagkakaroon ng mayamang damdamin, ang liriko ay isang instrumentong nagpapakita ng damdamin ng mang-aawit o ng manunulat. Kadalasang binubuo ito ng mga taludtod. Kung ating susuriin ang kantang "Magdalena", tila pasokang mga liriko nito sa gustong ipahiwatig ng mang- aawit o manunulat kung saan binibigyang tampok nito ang damdamin at maging ang pagbubulay-bulay ng mang-aawit. Mapapansin din na swak sa tyempo ang mga salitang ginamit sa bawat taludtod. Naipamalas din ang angking katapatan ng manunulat patungkol sa isyung lipunan nakinakaharap ng bansa, ang prostitusyon. Pagdating sa mga salita, ginamit ng mang-aawitang malalalim na salita at mga tayutay na kung iisipin man ay aabutin ka ng ilang minuto upang ito ay maintindihan. Bagamat malalim makikita pa rin ang buong mensahe ng nasabing kanta. Isang indikasyon ito upang masabi na pulido at makikita ang diwa ng liriko.”
  • 16. 5.Melodiya Ang melodiya sa musika ay ang kumbinasyon o pagsasama-sama ng ritmo at matindihan ng musika. Binubuo rin ito ng isa o higit pang mga pariralang pangmusika. Ito ay isang elemento ng musika kung saan binubuo ito ng maraming nota at mas malawak na saklaw. Sa kantang "Magdalena" ni Freddie Aguilar , mapapansing naging kawili-wiliang palitan ng mga tono kaya naman naipahayag nang maayos ang mensahe ng kanta.Kung sa una ay gumamit ang mang-aawit ng mababang tono, indikasyong malumanay atkahali-halina ang ipinapahiwatig ng saknong. Lumutang din ang garalgal ng boses ng mang-aawit na tila ba isa itong paraan upang maayos niyang mapalitan ang tono para samga susunod na nota na kanyang bibigkasin. Sa huli ay masasabi ng manunuri nanagtugma at hindi naging mitikuloso ang palitan ng mga tono dahil na rin sa paulit-ulit napagbigkas nito.
  • 18. Pagdating sa laman o mensahe ng kanta, masasabing malalim ngunit buo ang detalyeng inihahatid nito sa mga tagapakinig. Kung susuriin ay masasabi na ito ay makatotohanan at tiyakna kapupulutan ng aral. Ang naturang awitin ay tumatalakay sa isang babaeng inalipusta nglipunan. Kahirapan ay mistulang pinag-ugatan ng kanyang mabigat na pinapasan. Ang babae sasa awitin ay hindi nakapag-aral dala ng kahirapan kung kaya’t siya ay nauwi sa pagigingbayaran. Walang pinag- aralan, bigo sa pag-ibig, at mababa ang lipad. Ganito inilarawan angbabae sa naturang awitin. Sa kabila ng kanyang kagustuhang magbago, siya ay nananatilinghirap dahil tanging pangungutya at panghuhusga lamang ang kanyang nakukuha mula sa mgataong nakapaligid sa kanya
  • 19. Sinisimbolo ng awiting “Magdalena” ang mga kababaihang napasok sa uri ng trabahong hindi man nila gusto ay nagawa ilang suungin sa kagustuhan nilang magkaroon ng laman angkanilang mga tiyan. Nais ipahiwatig ng kanta ang saloobin ng mga babaeng hindi man akma salipunan ang ginagawa ay nangangailangan pa rin ng respeto at pagtanggap mula sa kanilanglipunang ginagalawan. Ang mensahe ng kanta ay labis na akma sa kasalukuyang panahon sakadahilanang hanggang sa kasalukuyan ay marami pa ring kababaihan ang hindi makakuha ngmaayos na trabaho kung kaya’t nauuwi sa pagbebenta ng katawan. Mahusay ang pagkakasulatng kanta sapagkat sumasalamin ito sa realidad ng buhay. Bagamat maikli ang piyesa ay naimulatnaman nito ang mga tagapakinig sa mga kaganapang panlipunan na dapat solusyunan. Pinalutangdin ng manunulat ng kanta ang mga bagay na maaaring mangyari dala ng labis na kahirapan.Bagay na nakadagdag sa pagiging makabuluhan at kaakit-akit nito
  • 21. 1. Teoryang Realismo Ang teoryang ito ay akma sa awitin ni Freddie Aguilar na pinamagatang“Magdalena” sapagkat hango ito sa mga kaganapang panlipunan na kanyang nasaksihan Ito ay hango sa totoong buhay sapagkat marami naman talagang kababaihan ang hindinakakapag-aral kung kaya’t napipilitang pasukin ang isang trabaho na ni minsan ay hindinila pinangarap.
  • 22. 2. Teoryang Pormalistiko Layunin nito na maiparating sa mga mambabasa at tagapakinig ang ipinapaabotng isang manunulat. Sa kantang “Magdalena”, nais iparating ng manunulat na isa sa mgadahilan ng pagpasok sa prostitusyon ng mga kababaihan ay ang kahirapan at angkatotohanan na sila ay hindi nakapag-aral. 3. Teoryang Sosyolohikal Layunin nito na maipakita ang suliranin at kalagayang panlipunan nakinabibilangan ng may-akda. Sa awiting “Magdalena”, naipakita na isa ang kahirapan samga sakit ng lipunan na tila hindi mabigyang lunas. 4.Teoryang Feminismo – Markismo Sa kantang “Magdalena”, kinilala ng ilan sa mga kababaihan ang prostitusyonbilang tuwirang tugon sa kanilang suliraning dinaranas.
  • 24. Bisa sa Isip Ang kanta ay nagbubukas ng isipan at nagbibigay ng kaalaman sa mga tao lalo’thigit sa mga kabataan. Ito ay pumapatungkol sa realidad ng buhay. Ipinaliliwanag nito nakaya pumapasok sa mga ganoong trabahao ang ilan sa mga kababaihan ay dahil sa hirapng buhay. Napipilitan lamang sila na suungin ang ganoong takbo ng buhay dahil wala nasilang iba pang pagpipilian. Ngunit dahil sa mapanghusgang mundo na atingginagalawan, mababa ang tingin sa kanila at hindi inuunawa ang kanilang kalagayan.Nais ipakita ng awit na ang mga kagaya nila ay tao rin lamang na nagnanais na makaraossa hirap ng buhay at patuloy na humihiling ng pagtanggap ng lipunan.
  • 25. Bisa sa Damdamin Ang kanta ay nakapagdulot ng kalungkutan at kaunting pagkagalit sa manunuri. Para sa manunuri, nakakalungkot isipin na dahil sa hirap ng buhay, napipilitan ang ibangtao na kumapit sa patalim. Hindi ito naiintindihan ng iba kaya’t gayon lamang angkanilang panghuhusga sa kanila. Sa ganitong mga pagkakataon, mas kinakailangan ngmga mamamayan ang pagkilos ng gobyerno sa pamamagitan ng paglulunsad ng iba’tibang proyektong pangkabuhayan nang sa gayon ay hindi na mapilitang gumawa ng maliang iba para lamang kumita. Ang kabuuan ng kanta ay nakapagdudulot ng malungkot nadamdamin subalit ito rin naman ay nakapagbibigay ng pag-asa. Pag-asang darating angaraw na sila ay makakapagbagong-buhay at tuluyan nang matatanggap sa lipunang atingginagalawan.
  • 26. Bisa sa Kaasalan Ang gawing nailahad ay kapuna-puna. Batay sa manunuri, ang kanta ay nabuobatay sa mga balita at isyu sa ating lipunan. Ang isyu ng kahirapan at ang dahilan kungbakit nakakagawa ng mali ang iba nating kababayan. Makikita sa kanta ang pagigingmapanghusga ng mga tao kahit hindi nila alam ang istorya sa likod ng bawat pangyayari.Nais iparating ng awitin na dapat magkaroon ng puwang ang pag-unawa sa puso ngbawat isa. Ang panghuhusga ng kapwa sa kabila ng hindi paglalaan ng panahon para silaay unawain ay isa sa mga bagay na hindi dapat taglayin. Dahil sa bawat maskara na atingnakikita nakatago ang sakit at pighati na kanilang dinadala. Ang pagkakamali ay lagingmay puwang sa buhay ng bawat isa kung kaya’t marapat lamang na matuto ang lahat naumunawa ng iba at magsilbing gabay para sila ay makapagbagong buhay.
  • 27. Bisa sa Lipunan Magsisilbing eye opener ang awiting ito sa mga mamamayan lalo’t higit sa mgakabataan sa tunay na nangyayari sa ating lipunan. Makakatulong din ito dahilmapapaalalahanan ang mga kabataan na sikaping makapagtapos ng pag-aaral nang sagayon ay makakuha sila ng marangal at maayos na trabaho pagdating ng araw. Dahil sa naturang awitin, ipinaunawa rin sa kasalukuyang lipunan na ang mgakababaihang pumapasok sa ganitong uri ng trabaho ay nangangailangan din mga kamay na handang tumulong at tumanggap sa kabila ng kanilang mapait na kalagayan.Makakatulong din ito upang gumawa ng paraan ang gobyerno nang sa gayon ay mataposna ang mga illegal na gawain na patuloy na namamayagpag sa bansa katulad na lamangng prostitusyon
  • 28. Sanggunian : Santos, T. (2009, April 4). Wika sa Saliw ng Musika. Retrieved November 24, 2019, from The Varsitarian: https://varsitarian.net/news/20090404/wika_sa_sa liw_ng_musika/