K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
1
Kagamitan ng Mag-aaral
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
PAG-AARI NG PAMAHALAAN
HINDI IPINAGBIBILI
INILAAN PARA SA
Distrito/ Paaralan: ____________________________________
Dibisyon: _____________________________________________
Unang Taon ng Paggamit: _______________________________
Pinagkunan ng Pondo (pati taon):________________________
ii
Araling Panlipunan– Unang Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral: Tagalog
Unang Edisyon, 2012
ISBN:
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang
8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapang kung
saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang
sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na
royalty bilang kondisyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. Quijano
Kawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz
Inilimbag sa Pilipinas ng ____________
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Office Address: 2
nd
Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue. Pasig
City, Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com
Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral
Mga Consultant: Maria Serena I. Diokno, PhD. at Marie Yvette Concepcion-Alcazar
Mga Manunulat: Maria Vanessa P. Lusung-Oyzon at Czarina B. Agcaoili
Mga Tagasuri: Haydee Alipustain, Thea Joy G. Manalo, Rodel C. Sampang,
Minda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas
Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Elvira E. Seguerra,
Grace U. Salvatus
Gumuhit ng mga Larawan: Erica Villanueva, Eric S. de Guia, Erich D. Garcia, at
Jayson R. Gaduena
Mga Naglayout: Allan R. Thomas, Ma.Theresa M. Castro
Encoder: Earl John V. Lee
iii
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Yunit 1: AKO AY NATATANGI
Aralin 1: Pagkilala sa Sarili …………………………………. 2
Aralin 1.1: Ang Aking Sarili ……………………………. 3
Aralin 1.2: Ako ay Katangi-tangi ................................ 10
Aralin 1.3: Ang Aking Pangangailangan ................... 17
Aralin 1.4: Ang Aking mga Paboritong Bagay …… 21
Aralin 2: Pagbabahagi ng Sariling Kuwento ng Buhay ... 32
Aralin 2.1: Ang Aking Paglaki ………………………….. 32
Aralin 2.2: Ang Pagbabago sa Aking Sarili ................ 38
Aralin 3: Pagpapahalaga sa Sarili ................................... 42
Aralin 3.1: Ang Aking Pagpapahalaga sa Sariling
Katawan ...................................................................... 43
Aralin 3.2: Ang Pagpapaunlad sa Aking Kakayahan .. 44
Aralin 3.3: Ang Aking mga Pangarap ........................ 46
Yunit 2: ANG AKING PAMILYA
Aralin 1: Pagkilala sa mga Kasapi ng Pamilya ................ 55
Aralin 1.1: Ang Aking Pamilya ..................................... 56
Aralin 1.2: Ang Bahaging Ginagampanan ng mga
Kasapi ng Aking Pamilya ………………………………. 62
Aralin 1.3: Ang Aking mga Tungkulin sa Pamilya...... 66
Aralin 2: Pagbabahagi ng Kuwento ng Sariling Pamilya 71
Aralin 2.1: Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng
Aking Pamilya .............................................................
72
Aralin 2.2: Mga Bagay na Nagbago at Nanatili sa
Aking Pamilya ……………………………………………
77
Aralin 2.3: Paghahambing sa Kuwento ng Aking
Pamilya at ng Pamilya ng Aking mga Kamag-aral ..
81
Aralin 3: Ang mga Alituntunin ng Aking Pamilya 87
Aralin 3.1: Ang Alituntuning Ipinatutupad ng Aking
Pamilya ……………………………..…………..
88
Aralin 3.2: Ang Kahalagahan ng Pagtupad sa mga
Alituntunin ng Aking Pamilya ......................
93
Aralin 4: Pagpapahalaga sa Pamilya ……………………… 97
iv
Aralin 4.1: Ipinagmamalaki Ko ang Aking Pamilya …. 98
Aralin 4.2: Ang Mabuting Pakikipag-ugnayan ng
Aking Pamilya sa Ibang Pamilya ................................. 102
YUNIT 3: Ang Aking Paaralan
Aralin 1: Pagkilala sa Paaralang Aking
Kinabibilangan……………………………………………
110
Aralin 1.1: Ang Pagkilala sa Aking Paaralan............. 111
Aralin 1.2: Ang Papel na Ginagampanan ng Paaralan
sa Aking Buhay…………………………………..……
114
Aralin 2: Ang Kuwento ng Aking Paaralan …………….. 117
Aralin 2.1: Ang mga Bagay na Nagbago at Di
Nagbago sa Aking Paaralan .....................................
118
Aralin 3: Ang mga Gawaing Dapat Kong Gawin Habang
nasa Paaralan ……………………………………...……
121
Aralin 3.1: Ang Aking mga Gawain sa Paaralan…… 122
Aralin 3.2: Ang Aking mga Tungkulin sa Paaralan..... 125
Aralin 4: Ang Pagsunod sa mga Alituntunin sa Aking Silid-
Aralan...........................................................................
132
Aralin 4.1: Ang mga Alituntunin sa Aking Silid-Aralan… 133
Aralin 5: Ang Aking Pagpapahalaga sa Aking Paaralan... 137
Aralin 5.1: Ang Kahalagahan ng Aking
Paaralan………
138
YUNIT 4: Ako at ang Aking Kapaligiran
Aralin 1: Ako at ang Aking Tahanan at Paaralan ……… 146
Aralin 1.1: Ang Aking Pag-unawa sa Konsepto ng
Distansiya ………………………………………………….
147
Aralin 1.2: Ang Aking Pag-unawa sa Konsepto ng
Direksiyon .....................................................................
151
Aralin 1.3: Ang Aking Nagawang Mapa…………… 155
Aralin 1.4: Ang Aking Dinaraanan Mula Bahay
Patungong Paaralan……………………………………
163
Aralin 2: Pangangalaga ng Aking Kapaligiran ............. 170
Aralin 2.1: Mga Paraan sa Pagpapanatili ng Kalinisan
sa Aking Paaralan........................................................
171
Aralin 2.2: Ang Aking Pagpapahalaga sa
Pagpapanatili ng Kalinisan ng Aking Paaralan........
176
3
Aralin 1.1: Ang Aking Sarili
Pag-isipan
Ano ang alam mo tungkol sa iyong
sarili?
Gawain 1
Maglaro muna tayo.
Makinig sa panuto ng guro. Magpapangkat-
pangkat kayo ng iyong mga kamag-aral ayon sa
sasabihin ng inyong guro. Sa larong ito, dapat ay
masasabi mo ang iyong pangalan, kaarawan,
edad, at tirahan.
Ano ang mga sinabi mo sa iyong mga kamag-
aral habang naglalaro?
Anong mga pagkakataon kailangan mong
sabihin ang iyong pangalan, kaarawan, edad at
tirahan?
Bakit dapat na alam mo ang iyong pangalan,
kaarawan, edad, at tirahan?
4
Gawain 2
Magpangkat ng tig-aapat. Makinig nang mabuti
sa babasahin ng iyong guro. Ipakita sa
pamamagitan ng pagsasadula kung paano mo
sasabihin ang iyong pangalan, kaarawan, edad,
at tirahan. Bibigyan kayo nang sapat na oras
upang maghanda at mag-ensayo.
Ibahagi sa klase ang inihandang dula.
Ano ang naramdaman mo matapos ibahagi sa
iyong mga kamag-aral ang inyong inihandang
dula?
Ikaw, naranasan mo na ba ang sitwasyong
inyong ipinakita sa dula?
5
Gawain 3
Isulat sa patlang ang hinihinging impormasyon
tungkol sa iyo.
Bago ka ba rito?
Anong pangalan
mo?
Ang pangalan ko
ay ______________
_________________.
Ipinanganak
ako noong
____________.
Kailan ka
pinanganak?
6
Nawawala ka
ba? Saan ka
nakatira?
Nakatira po
ako sa
_______________
_______________
______________.
Ilang taon ka
na?
Ako ay _______
taon na.
7
Gawain 4
Upang lubusang makilala ang iyong sarili, alamin
ang pinagmulan ng iyong pangalan. Tanungin
ang iyong magulang o tagapag-alaga kung
bakit ito ang ibinigay nilang pangalan sa iyo.
Isulat sa loob ng bituin ang iyong unang
pangalan. Halimbawa, Jose. Isulat naman sa
loob ng bilog ang dahilan kung bakit ito ang
ibinigay sa iyong pangalan. Halimbawa, pareho
ang araw ng kapanganakan namin ni Jose Rizal,
isang maipagmamalaking Pilipino.
Bakit po
Jose ang
pangalan
ko?
Dahil pareho ang
araw ng
kapanganakan
ninyo ni Jose Rizal,
isang
maipagmamalaking
Pilipino.
8
Humingi ng tulong sa iyong magulang o kasama
sa bahay sa pagsagot nito.
.
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
Pareho ang
araw ng
kapanganakan
namin ni Jose
Rizal, isang
maipagmama-
laking Pilipino.
JOSE
9
Gawain 5
Ano ang mga pangalang itinatawag sa iyo ng
iyong magulang o mga kaibigan bukod sa
unang pangalan mo? Sa mga pangalang ito,
alin ang pinakagusto mong itinatawag sa iyo?
Sa isang malinis na papel, gumawa ng name tag
na nakasulat ang pinakagusto mong pangalan.
Kulayan ito ng iyong paboritong kulay.
Magpatulong sa iyong guro sa paglalagay ng
tali. Isuot ito tuwing oras ng klase.
JOSE
Tandaan
Mahalagang malaman mo ang
iyong pangalan, kaarawan, edad, at tirahan.
Magagamit mo ang mga ito sa
pagpapakilala sa mga bagong kaibigan,
kamag-aral, at kalaro.
10
Aralin 1.2: Ako ay Katangi-tangi
Pag-isipan
Paano mo ilalarawan ang iyong sarili?
Anong pisikal na katangian mo ang
naiiba sa ibang tao sa iyong paligid?
Gawain 1
Kumuha ng isang malinis na papel at iguhit ang
iyong sarili.
Pagkatapos mong gumuhit, isulat ang iyong
pangalan sa ibabang bahagi ng iginuhit na
larawan. Ibahagi sa klase ang iyong ginawa.
11
Kasama ang iyong mga kamag-aral, ipaskil ang
inyong iginuhit sa isang bahagi ng silid-aralan.
Ano ang naramdaman mo habang –
a) iginuguhit ang iyong sarili?
b) ibinabahagi ang iyong iginuhit?
c) nakikinig sa pagbabahagi ng iyong mga
kamag-aral?
Ano ang napansin mo sa iyong iginuhit?
Ilarawan ito.
Bakit hindi magkakapareho ang inyong iginuhit?
Ano ang kaibahan ng iginuhit mo sa mga
ginawa ng iyong mga kamag-aral?
12
Gawain 2
Napagmasdan mo na ba ang iyong mga daliri
sa kamay? Tingnang mabuti ang mga guhit sa
iyong hinlalaki.
Lahat tayo ay may thumb print tulad ng nasa
larawang tinitingnan ng imbestigador. Subukin
mong ikumpara ang iyong thumb print sa iyong
mga kamag-aral.
Bumuo ng isang pangkat na may limang kasapi.
Kumuha ng isang malinis na papel at maghanap
ng maaaring ipangkulay sa inyong hinlalaki.
Matapos kulayan ang inyong hinlalaki, idiin ang
mga ito sa isang malinis na papel tulad ng nasa
larawan.
13
Tingnang mabuti ang mga guhit sa inyong
hinlalaki. Ano ang nalaman mo? Magkapareho
ba ang thumb print ninyo ng iyong mga kamag-
aral?
Bukod sa thumb print, may iba ka pang mga
pisikal na katangian na naiiba sa iyong mga
kamag-aral. May naiisip ka pa ba?
Tandaan:
Mayroon kang mga pisikal na
katangian na naiiba sa iyong mga kamag-
aral tulad ng thumb print, sukat o laki ng
katawan, hugis ng mukha, tangos ng ilong,
hugis at kulay ng mata, at ang kulay at anyo
ng buhok. Nararapat lamang na ipagmalaki
mo ang iyong mga angking katangian.
Bawat isa sa iyong kamag-aral ay natatangi
rin. Dapat mong igalang at pahalagahan
ang kanilang angking katangian.
Bukud tangi la rin ding balang kaklase
mu.Dapat mu la ring igalang ampong dinan
alaga ring karelang bukud tanging
14
Gawain 3
Masdan ang nasa larawan.
Ipinakikita sa larawan ang iba’t ibang damdamin ng
tao tulad ng masaya, malungkot, nagulat at galit.
Kailan mo nararamdaman ang mga damdaming
ito?
MalungkotMasaya
GalitNagulat
15
Maglaro tayo. Bumuo kayo ng dalawang pangkat
na may magkasindami ng kasapi. Bawat pangkat ay
bubuo ng isang bilog. Gayahin ninyo ang nasa
larawan.
Babasahin ng inyong guro ang iba’t ibang
pangyayari. Pagkatapos niyang mabasa ang isang
pangyayari, bibilang siya ng isa hanggang sampu
habang ang dalawang pangkat ay umiikot nang
magkasalungat. Pagkabilang ng sampu, ipakita sa
iyong katapat na kamag-aral ang iyong damdamin
sa binanggit na pangyayari ng inyong guro.
Ulitin ang gawaing ito sa susunod pang
pangyayaring babasahin ng guro.
Ano ang naramdaman mo habang ikaw ay
naglalaro? Magkatulad ba ang damdamin mo at ng
iyong katapat na kamag-aral sa iba’t ibang
pangyayaring nabanggit? Oo o hindi, bakit?
16
Gawain 4
May mga mukha sa loob ng kahon na
nagpapakita ng iba’t ibang damdamin. Tingnan
ang mga mukha sa loob ng bawat kahon.
Kulayan ang bawat mukha ng kulay na iyong
naiuugnay sa iba’t ibang damdamin. Iguhit din
ang mga bagay kung bakit ka masaya,
malungkot, nagugulat, at nagagalit sa paligid ng
mukha na nasa loob ng kahon.
Ang Aking Damdamin
Galit
Masaya
Nagulat
Malungkot
Tandaan
Mayroon kang sariling damdamin.
Mayroon ka ring sariling dahilan
kung bakit ka masaya, malungkot,
nagugulat at nagagalit. Katulad mo, ang
ibang bata ay may sariling damdamin na
kailangan mong igalang at kilalanin.
17
Aralin 1.3: Ang Aking Pangangailangan
Pag-isipan
Ano ang iyong pangangailangan sa
araw-araw?
Gawain 1
Tingnan ang mga pangyayari sa larawan.
Pagsunod-sunurin ang mga larawan ayon sa
pangyayari. Isulat sa loob ng bituin ang bilang 1-
4, 1 para sa pinakaunang pangyayari at 4
naman para sa pinakahuli.
Bakit ito ang naisip mong pagkakasunod-sunod
ng larawan?
Ang tawag sa iyong nabuo ay timeline.
Ipinapakita sa atin ng isang timeline kung kailan
naganap ang mga pangyayari at ano-ano ang
mga bagay na nagbago. Upang makagawa ng
timeline, isipin ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
18
Gawain 2
Narito ang timeline ng iyong ginagawa sa araw-
araw. Iguhit ang iba’t ibang bagay na kailangan
mo sa mga gawaing nakasulat
Mga Pang-araw-
araw na Gawain
Mga Bagay na
Kailangan
Paggising sa
umaga
Paliligo
Pagbibihis
Pagpasok sa
paaralan
19
Tingnan muli ang timeline at ang mga bagay na
iyong iginuhit.
Sa iyong mga iginuhit, alin sa mga bagay na ito
ang iyong kailangan upang mabuhay? Alin
naman sa mga iginuhit mo ang maaari kang
mabuhay kahit hindi mo ito makuha o magamit?
Pumili ng isang kamag-aral at ibahagi sa kaniya
ang iyong sagot. Pagkumparahin ang inyong
sagot.
Ibahagi sa buong klase ang napag-usapan ninyo
ng iyong kamag-aral.
Mga Pang-araw-
araw na Gawain
Mga Bagay na
Kailangan
Pag-uwi
mula sa
paaralan
Pagkain ng
ha hapunan
Paghahanda
bago matulog
sa gabi
20
Gawain 3
Tingnan ang larawan na nagpapakita ng mga
bagay na ginagamit sa araw-araw. Bilugan ang
mga bagay na iyong kailangan upang lagi kang
malakas at malusog.
Tandaan:
May iba’t ibang pangunahing
pangangailangan ang bawat bata tulad
ng pagkain, damit, tirahan, at mga gamit sa
paaralan.
Iba-iba ang pangangailangan ng bawat
bata ayon sa lugar na kinabibilangan at
sitwasyong nararanasan.
21
Aralin 1.4: Ang Aking mga Paboritong
Bagay
Pag-isipan
Ano ang paborito mong pagkain,
damit, laruan, lugar na pinupuntahan,
at gawain sa araw-araw?
Gawain 1
Mula sa mga lumang diyaryo o magazine,
gumupit ng larawan ng mga pagkain, damit,
laruan, lugar, at gawain na gustong-gusto mo at
nagpapakilala sa iyo. Dalhin ito sa klase.
Humingi ng isang malinis na papel sa iyong guro.
Gamit ang ginupit na larawan, idikit ang mga ito
sa malinis na papel. Huwag kalimutang ilagay
ang iyong pangalan at ang pamagat na “Ito
ang Gusto Ko.”
22
Alam mo ba kung ano ang tawag dito?
Collage (ko-láds) ang tawag sa gawaing ito. Ang
collage ay pinagsama-samang larawan na
nagpapakita ng isang malaking ideya.
Ibahagi ang iyong ginawang collage sa klase.
23
Gawain 2
Gupitin ang mga larawan ng pagkain. Idikit ang
mga ito sa plato. Iguhit sa plato ang iyong mga
paboritong pagkain.
24
Ang Aking mga Paboritong Pagkain
Kulayan ang iyong ginawa. Ibahagi ito sa klase
at sabihin kung bakit ito ang iginuhit mong mga
paboritong pagkain?
25
Gawain 3
Magdala ng mga paborito mong bagay tulad ng
aklat, damit, at laruan.
Ipakita at ibahagi sa klase ang iyong dalang
paboritong bagay.
26
Gawain 4
Pahulaan sa iyong mga kamag-aral ang
paborito mong gawain o bagay sa
pamamagitan ng larong charades. Alam mo ba
ang larong ito? Ang charades ay pagpapahula
ng isang gawain o bagay sa pamamagitan
lamang ng kilos nang hindi nagsasalita. Ang
gagawing pagpapahula ng bawat isa ay
oorasan ng iyong guro.
Matapos ang larong charades, sumama sa iyong
mga kamag-aral na may paboritong gawaing
katulad ng sa iyo. Maghanda ng isang
malikhaing presentasyon na magpapakita ng
inyong paboritong gawain.
Tandaan:
Ang bawat bata ay may kaniya-
kaniyang paboritong bagay, gawain, at
pagkain.
Ang mga ito ang nagpapakilala sa iyo bilang
natatanging bata.
27
Gawain 5
Sina Ana at Mara ay matalik na magkaibigan.
Lagi silang magkasama. Palagi rin silang
nagtutulungan. Pareho nilang gusto ang
paglalaro ng piko at bahay-bahayan.
Sina Jun, Anton, at Paco ay matalik na
magkakaibigan. Madalas silang makikitang
masayang naghahabulan, naglalaro ng sipa, at
nagtataguan. Palagi rin nilang ipinahihiram ang
kanilang mga laruan sa isa’t isa.
28
Ikaw sino ang iyong mga matalik na kaibigan?
Bakit mo sila naging kaibigan? Ano ang mga
katangian nila na nagustuhan mo?
Sumulat ng isang katangian nila sa nakalaang
hugis sa ibaba. Pagkatapos, gupitin ito at idikit sa
nakapaskil na larawan sa silid-aralan na inihanda
ng inyong guro.
Matapos ang gawain, awitin ang kantang “Ako’y
Natatangi” sa saliw ng awiting “Are You
Sleeping?”
Ako’y natatangi
Ako’y natatangi
Ikaw rin
Ikaw rin
Maglaro na tayo
Gumawa na tayo
Araw-araw
Araw-araw
29
Gawain 6
Tingnan at suriin ang larawan ni Jose.
Makikita sa larawan na may nakasulat sa
sombrero ni Jose. Mapapansin na ang mga
nakasulat ay naglalarawan kay Jose. Ang tawag
dito ay graphic organizer. Isa itong paraan ng
pagbabahagi at pagsasaayos ng mga ideya sa
isang malikhaing paraan.
30
Upang lubos na maipakilala ang iyong sarili,
isiping muli ang mga paborito mong bagay.
Ipakita ito sa pamamagitan ng graphic organizer
na kamay. Iguhit ang mga ito sa larawan ng
isang kamay tulad ng iyong paboritong gawain,
pagkain, at matalik na kaibigan. Isulat mo rin dito
ang iyong pangalan at edad.
Ang Aking mga Paboritong Bagay at
Matalik na Kaibigan
Pag-aralan ang graphic organizer.
31
Pagkatapos gawin ang graphic organizer,
bumuo ng pangkat na may sampung kasapi.
Alamin kung mayroon sa iyong mga kasama sa
pangkat ang may katulad ng nilalaman ng iyong
graphic organizer.
Bakit walang katulad ng iyong mga isinagot?
Tandaan:
Ikaw ay natatangi. May mga
katangian ka na naiiba sa
iyong mga kamag-aral.
Ang mga katangiang ito ang
nagpapakilala sa iyo. Nararapat lamang
na ipagmalaki mo ang iyong mga
angking katangian.
32
Aralin 2: Pagbabahagi ng Sariling
Kuwento ng Buhay
Panimula
Aralin 2.1: Ang Aking Paglaki
Pag-isipan
Anong mga bagay ang
nagbabago?
33
Gawain 1
Tingnan mo ang timeline na nagpapakita ng
paglaki at pagbabago ng isang agila.
Ano ang napansin mo sa agila?
Ano ang napansin mong pagbabago?
May alam ka pa bang ibang hayop o insekto na
ganito rin ang pagbabago?
Paano mo maihahalintulad sa tao ang mga
pagbabagong pinagdadaanan ng mga insekto
o hayop na natalakay sa klase?
Ano-ano ang pagkakatulad ng pagbabagong
nangyayari sa tao at hayop o insekto na
natalakay sa klase? Ano-ano naman ang
pagkakaiba?
Ang Paglaki at Pagbabago ng Isang Agila
34
Gawain 2
Masdan at ilarawan ang dalawang timeline na
nagpapakita ng pagbabago sa buhay ni Buboy at
Mimi.
Ano ang napansin mong pagbabago sa mga
larawan sa dalawang timeline?
Ang mga Pagbabago sa Buhay
ni Mimi
Ang mga Pagbabago sa Buhay
ni Buboy
35
Ano ang napansin mong pagbabago sa anyo nina
Mimi at Buboy?
Bakit kaya nagbago ang kanilang anyo?
Nakararanas ba lahat ng tao ng ganitong mga
pagbabago?
Pag-aralan ang sumusunod na larawan. Gupitin at
idikit sa tamang kahon ang bawat larawan ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga pagbabagong
nagaganap sa isang tao. Ilagay sa kahon na may
bilang 1 ang dapat na maunang larawan at ilagay
naman sa kahon na may bilang 5 ang dapat na
mahuli.
37
Gawain 2
Makinig nang mabuti sa ibabahagi ng inyong guro
tungkol sa mga pagbabagong naganap at
naranasan niya sa kaniyang buhay. Tingnan ang
timeline ng buhay ng iyong guro.
Ano ang mga pagbabagong naganap sa buhay ng
iyong guro
Tandaan:
Ang bawat tao ay nakararanas ng
pagbabago sa kanyang pisikal na anyo.
Kasabay ng mga pagbabago sa kanilang
katawan ang pagdami ng mga kaya nilang
gawin.
38
Aralin 2.2: Ang Pagbabago sa Aking Sarili
Pag-isipan
Anong mga pagbabago ang napansin
mo sa iyong sarili simula nang ikaw ay
ipinanganak hanggang sa iyong
kasalukuyang edad?
Gawain 1
Ipakuwento sa iyong mga magulang o tagapag-
alaga kung anong mga pagbabago sa iyong sarili
ang kanilang napansin mula nang ikaw ay
ipinanganak hanggang sa iyong kasalukuyang
edad.
Mula sa impormasyong nalaman mo tungkol sa mga
pagbabago sa iyong sarili, gumawa ng isang
Ano-ano
po ang
nagbago
sa akin?
Naku, anak!
Napakaraming
nagbago sa
iyo simula
nang
maipanganak
ka hanggang
ngayon.
39
timeline ng mahahalagang pangyayari sa iyong
buhay mula noong ikaw ay isang taong gulang pa
lamang hanggang sa kasalukuyan mong edad.
Iguhit ito sa film strip.
Ang Mahahalagang Pangyayari sa Aking Buhay
Isalaysay sa klase ang mga pagbabagong naganap
sa iyong sarili ayon sa binuong timeline.
40
Gawain 2
Ipakita sa iyong mga kamag-aral ang dinala mong
personal na gamit o iparinig ang kuwentong
ibinahagi sa iyo ng iyong magulang o tagapag-
alaga tungkol sa sarili mo. Iugnay rin ito sa timeline
na iyong ginawa sa Gawain 1.
41
Gawain 3
Anong mga bagay ang nagbago sa iyo mula noong
ikaw ay sanggol hanggang sa kasalukuyan?
Mayroon bang mga bagay tungkol sa iyo na
nananatili at hindi nagbago kahit lumipas ang mga
taon? Sa tulong ng iyong guro o magulang, isulat
ang iyong sagot sa nakalaang kahon.
Ang mga Bagay na Nanatili at Nagbago
sa Aking Buhay
Mga bagay na
nanatili
Mga bagay na
nagbago
Tandaan:
Ang bawat bata ay dumaraan at
nakararanas ng pagbabago sa
katangiang pisikal at kayang gawin.
Sa kabila ng pagbabagong ito, mayroon pa ring
mga bagay na nananatili tulad ng pangalan at
petsa ng kapanganakan.
43
Aralin 3.1: Ang Aking Pagpapahalaga sa
Sariling Katawan
Pag-isipan
Paano mo pinahahalagahan ang iyong
katawan?
Gawain 1
Tingnan ang mga larawang nasa loob ng kahon.
Lagyan ng tsek () ang larawang nagpapakita ng
wastong pangangalaga sa katawan. Lagyan
naman ng ekis (X) ang nagpapakita ng hindi
wastong gawi.
44
Tandaan:
Mahalagang pangalagaan ang
iyong katawan.
May iba’t ibang gawain na maaari
mong gawin upang mapanatiling
malusog ang iyong katawan.
Aralin 3.2: Ang Pagpapaunlad sa Aking
Kakayahan
Pag-isipan
Ano ang kaya mong gawin? Paano mo
pinauunlad ang iyong kakayahan?
Gawain 1
Kilala mo ba ang
batang nasa
larawan?
Makinig sa kuwento
ng kanyang buhay.
Bakit nabulag
si Roselle?
Ano ang iyong
naramdaman pagkatapos mong malaman ang
kuwento ng buhay ni Roselle?
Ano ang mga nakamit niyang tagumpay?
45
Paano siya nagtagumpay bilang mag-aaral?
Ano-anong katangian ni Roselle ang maaari mong
tularan?
Gawain 2
Sagutan ang mga patlang sa tulong ng iyong guro o
magulang.
Ako si
___________________________________.
Kaya kong
_________________________________.
Upang maging mas magaling, ako
ay________________________________.
Tandaan:
Mahalagang paunlarin ang iyong
mga kakayahan. May iba’t ibang gawain na
maaari mong gawin upang mapaunlad ang
iyong mga kakayahan.
46
Aralin 3.3: Ang Aking mga Pangarap
Pag-isipan
Ano ang mga nais mong gawin,
makamit, o matupad
sa iyong buhay?
Gawain 1
Pagmasdan ang mga taong nasa larawan sa ibaba.
Katulad mo, minsan din silang naging bata. Sa
kanilang pagsisikap, natupad nila ang kanilang mga
pangarap. Ang pangarap ay mga bagay na nais
mong gawin, makamit o matupad sa iyong buhay.
Ano ang iyong mga pangarap?
Kenneth
Cobonpue
Manny
Pacquiao
Jose RizalTony Tan
Caktiong
Soccoro
Ramos
Haja Amina
Appi
Lea Salonga Josette Biyo
47
Gawain 2
Ipikit ang iyong mata. Isipin mo na ikaw ay
dalawampung (20)taon na. Ano ang iyong nakikita
na ginagawa mo?
Iguhit sa loob ng bubble ang iyong sarili
dalawampung (20) taon mula ngayon.
48
Gawain 3
Tingnan ang larawan ng isang malaki at dalawang
maliit na bituin. Isulat sa gitna ng malaking bituin ang
iyong pangalan. Sa paligid nito, iguhit ang bagay o
mga bagay na nagpapakita ng iyong pangarap. Sa
dalawang maliit na bituin, iguhit ang mga dapat
mong gawin upang matupad ang iyong mga
pangarap. Tingnan ang halimbawa sa ibaba.
.
Butasan ang mga bituin katulad ng nasa larawan at
lagyan ng tali. Itali sa malaking butas ang maliit na
bituin. Isabit ito sa bintana o kisame ng inyong silid-
aralan, sa tulong ng iyong guro.
LINA
na ateng
ko.
49
Ang Aking Pangarap
Mahalaga ba ang iyong pangarap? Bakit
mahalagang magkaroon ng pangarap ang isang
tao?
Tandaan:
Ang bawat bata ay may sariling
pangarap.
May kailangan kang gawin upang makamit
ang iyong pangarap.
50
Ang Aking mga Nagawa
Panuto. Makinig sa babasahin ng guro. Lagyan ng
tsek () ang angkop na kahon ng iyong sagot.
1. Nasunod ko ang mga panuto.
2. Nagamit ko ang aking mga
kasanayan sa sining.
3. Nagbahagi ako ng aking
kuwento sa mga kamag-aral.
4. Nakinig ako sa kuwento ng aking
guro.
5. Nakinig ako sa kuwento ng aking
kamag-aral.
6. Nakapaghambing ako ng iba’t
ibang bagay.
7. Natukoy ko ang mga bagay na
gusto ko.
8. Naipaliwanag ko ang mga
bagay na may kinalaman sa
aking sarili.
9. Napahalagahan ko ang aking
sarili.
Mag-aaral Guro
51
Nagawa ko ang mga bagay na ito:
1. Nasabi ko ang mga
impormasyon tungkol sa aking
sarili .
2. Natukoy ko ang mga bagay
na gusto ko.
3. Naikumpara ko ang aking
pisikal na katangian at
karanasan sa aking mga
kamag-aral.
4. Naipagmalaki ko ang mga
taglay na katangian.
5. Nakagawa ako ng collage.
6. Nakabuo ako ng timeline.
7. Nakagawa ako ng graphic
organizer.
8. Naisaayos ko ang mga
larawan ayon sa wastong
pagkakasunod-sunod ng mga
ito.
Mag-aaral Guro
52
Naipapahayag ko ang mga ito tungkol sa
aking sarili:
1. Nasasabi ko na ako ay
natatangi.
2. Nasasabi ko na may mga
bagay na nanatili at nagbago
sa aking sarili.
3. Naipagmamalaki at
napahahalagahan ko ang
aking sarili.
4. Iginagalang ko ang mga
pisikal na katangian at
karanasan ng aking mga
kamag-aral.
Komento ng iyong guro:
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
____________________.
Mag-aaral Guro
54
Mga Layunin:
Matapos ang pag-aaral ng Yunit 2, inaasahang
magagawa mo ang sumusunod:
3. nasasabi na ang bawat pamilya ay may
angking katangian;
4. nakasusunod sa mga alituntunin ng pamilya;
7. napahahalagahan ang ugnayan ng
sariling pamilya sa ibang pamilya
1. nabibigyan ng kahulugan ang salitang pamilya;
2. nakikilala ang mga kasapi ng pamilya;
5. naipagmamalaki ang pamilya;
6. napahahalagahan ang mabuting pakikipag-
ugnayan sa ibang pamilya; at
55
Aralin 1: Pagkilala sa mga Kasapi
ng Pamilya
Panimula
Lolo Lola
Nanay Tatay
Ate
Ate
Kuya Bunso
56
Aralin 1.1: Ang Aking Pamilya
Pag-isipan
Sino ang mga kasapi ng iyong pamilya?
Gawain 1
Iguhit ang mga kasapi ng iyong pamilya sa loob ng
bahay na makikita sa ibaba.
57
Gawain 2
Sagutan ang mga patlang sa tulong ng iyong guro o
tagapag-alaga.
Ako si
______________________________________.
(Ano ang iyong pangalan?)
___________________ang kasapi ng aking
(Ilan ang kasapi ng iyong pamilya?)
pamilya.
Si _____________________ ang aking ama.
(Ano ang pangalan ng iyong ama?)
Si _____________________ang aking ina.
(Ano ang pangalan ng iyong ina?)
Si/ Sina
_______________________________________
(Kung mayroon kang kapatid o mga kapatid, ano o ano-ano
ang kanilang pangalan?)
ang aking kapatid/mga kapatid.
58
Gawain 3
Tanungin ang bawat kasapi ng iyong pamilya upang
masagutan ang mga patlang.
Ang ama ko ay si _________________________________.
Siya ay _____________________________ taong gulang.
Gusto niyang mag_______________________________.
Ang ina ko ay si___________________________________.
Siya ay _____________________________ taong gulang.
Gusto niyang mag ________________________________.
Si ___________________________________ay kapatid ko.
Siya ay ______________________________taong gulang.
Gusto niyang mag_________________________________.
59
Gawain 4
Tingnan ang larawan sa ibaba. Nagpapakita ito ng
mga lugar na pinasyalan ng pamilya ni Bing. Ito ay
isang halimbawa ng bar graph. Ipinakikita nito ang
bilang ng oras o tagal na inilagi ng pamilya ni Bing sa
bawat lugar na kanilang pinasyalan.
Ang bar graph ay isang uri ng graph na gumagamit
ng mga bar upang ipakita ang bilang o dami ng
isang bagay.
Bahay
ng lola
Bilang ng Oras na Inilagi ng Pamilya ni Bing sa
Lugar na Kanilang Pinasyalan
Oras
Mga Lugar na Pinasyalan
PamilihanSimbahan Parke
1
2
3
4
5
60
Sa paggamit ng bar graph, mahalagang
tingnan muna ang pamagat upang malaman kung
ano ang ipinakikita nito. Ang pamagat ng bar graph
na makikita sa itaas ay “Bilang ng Oras na Inilagi ng
Pamilya ni Bing sa mga Lugar na Kanilang
Pinasyalan.” Sa pinakaibabang bahagi ng graph,
makikita ang mga lugar na pinasyalan ng pamilya ni
Bing. Sa gilid naman nito makikita ang bilang ng oras
o tagal na inilagi nila sa bawat lugar. Ang bawat bar
sa graph ang nagsasabi kung ilang oras ang inilagi
ng pamilya sa isang lugar. Ituro ang iyong daliri sa
bar para sa simbahan. Umabot lamang ito sa bilang
dalawa (2). Nangangahulugang dalawang oras ang
inilagi ng pamilya ni Bing sa simbahan.
Ilang oras ang inilagi ng pamilya ni Bing sa parke?
Saang lugar sila pinakamatagal na nanatili?
Gawain 5
Kasama ang iyong mga kamag-aral, subukin
ninyong gumawa ng graph na nagpapakita ng
bilang ng mga kasapi ng inyong pamilya. Humingi
ng papel na hugis parisukat sa inyong guro. Ito ang
gagamitin ninyong bar sa gagawing bar graph
upang maipakita ang bilang ng kasapi ng inyong
pamilya.
61
Ang mga Kasapi ng Pamilya
Isulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng
iyong pamilya at idikit ito sa graph na ilalagay ng
inyong guro sa isang bahagi ng inyong silid-aralan.
Tandaan:
Ikaw ay bahagi ng isang pamilya.
May iba’t ibang kasaping bumubuo
sa iyong pamilya.
May pamilyang marami ang kasapi. May
pamilyang kakaunti ang kasapi.
Nato
Miko Bea Lina Paolo Tina
Pangalan ng Mag-aaral
Maki
Bert
Rosa
Mark
Malaya
Dan
Edna
Abbi
Pat
Ron
Susan Mila
Mong
Rina
Ben
Ned
Lito
Aris
Nena
1
2
3
4
5
6
9
8
7
10
BilangngKasapingPamilya
62
Aralin 1.2: Ang Bahaging Ginagampanan
ng mga Kasapi ng Aking Pamilya
Pag-isipan
Ano-ano ang ginagawa ng mga kasapi
ng iyong pamilya sa loob ng inyong
tahanan?
Gawain 1
Tingnan ang larawan ng dalawang kamay. Isulat
ang tawag mo sa iyong ama at ina o tagapag-
alaga sa patlang na makikita mo sa itaas ng
larawan.
63
Gawain 2
Basahin ang tula na pinamagatang “Ang Aming
Mag-anak”, nakuha mula sa http://www.takdang
aralin.com/Filipino/mga-tulang-pambata/mga-tula-
tungkol-sa-pamilya/.
Sa ating tula, ilan ang kasapi ng pamilya?
Sino-sino sila?
Ano ang naramdaman ng pamilya?
Paano mo ito nasabi?
Ano-ano ang ginagawa nila sa isa’t isa?
Sa iyong palagay, tama kaya ito? Oo o hindi,
bakit?
Ang Aming Mag-anak
Ang aming mag-anak ay laging masaya.
Maligaya kami nina ate at kuya.
Mahal kaming lahat ni ama’t ina.
Mayroon ba kayong ganitong pamilya?
Kahit sa paggawa’y pagod ang katawan,
Tulong ni ama ay laging nakaabang
Suliranin ni ate ay nalulunasan,
Sa tulong ni inang laging nakalaan
.
64
Gawain 3
Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Iguhit ang
iba’t ibang kasapi ng pamilya. Humingi ng stick sa
guro. Idikit ang mga iginuhit sa stick.
Ang inyong binuo ay isang halimbawa ng puppet.
Gamit ang ginawang puppet, isalaysay ninyo ang
araw-araw na gawain ng bawat kasapi ng pamilya.
Ipakita rin kung paano nagtutulungan ang bawat
kasapi.
65
Gawain 4
Sabay-sabay awitin ang awit na “Masaya kung
Sama-sama.”
Masaya kung sama-sama,
Sama-sama, sama-sama
Masaya kung sama-sama,
At nagtutulungan
Kay inam ng buhay
Kung nagmamahalan
Masaya kung sama-sama
Ang buong pamilya
Tandaan:
Ang bawat kasapi ng iyong
pamilya ay mahalaga. Bawat isa sa kanila
ay may bahaging ginagampanan sa inyong
pamilya.
66
Aralin 1.3: Ang Aking mga Tungkulin
sa Pamilya
Pag-isipan
Ano ang mga tungkulin mo sa iyong
pamilya?
Gawain 1
Tingnan ang mga larawan na nagpapakita ng isang
araw na gawain sa pamilya ni Ben. Alamin kung ano
ang ginagawa ni Ben sa bawat larawan.
Ano ang ginagawa ni Ben at ng kaniyang mga
kapatid?
67
Sa iyong palagay, tama ba ang ginagawa nila?
Bakit?
Ano kaya ang nararamdaman ng mga magulang ni
Ben sa ginagawa nilang magkakapatid?
Alin sa mga gawaing ito ang iyong ginagawa sa
inyong tahanan?
Ang nasa larawan ay nagpapakita ng mga
tungkulin ng bata sa kanilang tahahan. Ang
tungkulin ay mga bagay na dapat mong tuparin
upang mapanatili ang kaayusan, katahimikan, at
masayang pagsasama ng inyong pamilya.
Ano pa ang mga tungkulin mo sa inyong tahanan?
Gawain 2
Tingnan ang mga larawang nasa tsart. Alamin kung
alin sa mga ito ang nagpapakita na natupad ang
tungkulin.
Iguhit ang masayang mukha sa larawang
nagpapakita na natupad ang tungkulin at
malungkot na mukha naman kung nagpapakita
na hindi natupad ang tungkulin.
69
Gawain 3
Tingnan ang tsart ng mga tungkulin sa iyong
pamilya. Lagyan ng tsek () ang iyong nagawang
tungkulin sa bawat araw.
Mga Tungkulin
sa Pamilya
Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyern
es
70
Mga Tungkulin
sa Pamilya Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes
Tandaan:
Mayroon kang iba’t ibang tungkulin sa
iyong pamilya.
Mahalagang tuparin ang iyong mga tungkulin
upang mapanatili ang kaayusan, katahimikan,
at masayang pagsasama ng inyong pamilya.
72
Aralin 2.1: Mahahalagang Pangyayari
sa Buhay ng Aking Pamilya
Pag-isipan
Ano ang mga pangyayari sa inyong
pamilya na nagpasaya sa iyo?
Gawain 1
Mag-isip ng tatlong nangyari sa iyo kahapon. Iguhit
ang mga ito sa kahon ayon sa pagkakasunod-
sunod.
Ang Tatlong Bagay na Nangyari sa Akin
Kahapon
73
Gawain 2
Makinig sa kuwento ng iyong guro tungkol sa
mahahalagang pangyayari sa buhay ng kanyang
pamilya.
Mahahalagang
Pangyayari sa
Buhay ng
Pamilya ng
Guro
74
Gawain 3
Tignang mabuti ang larawang nasa ibaba.
Ano ang nakikita sa larawan?
Sino-sino ang nakikita sa larawan?
Anong pangyayari ang nakikita sa larawan?
Ano ang nararamdaman ng mga tao sa larawan?
Bakit?
Mahalaga kaya ang pangyayaring ito para sa
pamilyang nakikita sa larawan? Bakit mo ito nasabi?
Ano pa kayang pangyayari sa buhay ng pamilya
ang maituturing na mahalaga?
75
Gawain 4
Pumili ng limang mahahalagang pangyayari sa
buhay ng iyong pamilya. Iguhit ang bawat
pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod sa loob
ng larawan ng bahay.
76
Gawain 5
Ibahagi sa klase ang mahahalagang pangyayari sa
buhay ng iyong pamilya batay sa ginawang
timeline.
Ano ang naramdaman mo habang ibinabahagi ang
kuwento ng buhay ng iyong pamilya?
Tandaan:
May mahahalagang pangyayari sa
buhay ng iyong pamilya. Bahagi ito ng
iyong buhay. Makatutulong ang mga ito sa
pagpapabuti ng iyong sarili.
77
Aralin 2.2: Mga Bagay na Nagbago at Nanatili
sa Aking Pamilya
Pag-isipan
Ano ang mga bagay o pangyayaring
nagbabago o nagpapatuloy sa iyong
pamilya?
Gawain 1
Ito ang pamilya ni Laya noong isilang siya at noong
anim na taon na siya. Alin ang nagbago sa
dalawang larawan? Kulayan ito ng berde.
Larawan 1: Noong isilang si Laya
A B
78
Larawan 2: Noong anim na taong gulang na si Laya
Marami ka bang nakulayan?
Gawain 2
Ibahagi sa iyong mga kamag-aral ang mga
napansin mong nagbago at nanatili sa Larawan 1 at
Larawan 2 ng pamilya ni Laya.
Pareho lang ba ang bilang ng kasapi ng pamilya ni
Laya sa letrang A at letrang B ng Larawan 1?
Ikumpara ang hitsura ni Laya at ng mga kasapi ng
pamilya na nasa letrang A at letrang B ng Larawan
1. Anong pagbabago ang napansin mo sa kanila?
Ano ang masasabi mo sa kanilang bahay at sa
kapaligiran nito kung ikukumpara mo ang letrang C
at letrang D ng Larawan 2?
C D
79
Gawain 3
Mag-isip ka ng tatlong mahalagang pangyayari sa
iyong pamilya matapos kang isilang at kanilang
makasama. Gumawa ng timeline na nagpapakita
ng mga pangyayaring ito. Iguhit ito sa loob ng kahon
ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Mahahalagang Pangyayari sa
Buhay ng Aking Pamilya Simula
Nang Isilang Ako
80
Gawain 4
Tingnan ang ginawang timeline. Tukuyin kung ano
ang mga bagay na nagbago at nanatili sa buhay
ng iyong pamilya. Iguhit ang mga nagbago at
nanatili sa buhay ng iyong pamilya sa kahon.
Ang Buhay ng Aking
Pamilya
Ano ang
nagbago?
Ano ang
hindi
nagbago?
Kasapi
Tirahan
Ginagawa sa loob
ng bahay
Sa iyong palagay, bakit may mga bagay o mga
pangyayari na nagbabago at nananatili?
May naiisip ka pa bang mga bagay o pangyayari sa
buhay ng inyong pamilya na nagbago at mga
bagay na nagpatuloy o hindi nagbago?
Tandaan:
May mga bagay o pangyayari na
nagbabago at nananatili sa buhay
ng isang pamilya.
Ang pagpapasya ng mga kasapi ng isang
pamilya ang nagdudulot ng mga pagbabago
o pananatili ng isang bagay o pangyayari.
81
Aralin 2.3: Paghahambing sa Kuwento
ng Aking Pamilya at ng Pamilya ng Aking mga
Kamag-aral
Pag-isipan
Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad
ng iyong pamilya at pamilya ng iyong
kamag-aral?
Gawain 1
Iguhit ang iyong pamilya sa loob ng kahon. Kulayan
ito.
Sa tulong ng iyong guro o kasama sa bahay, punan
ng salita o mga salita ang mga patlang upang
makabuo ng kuwento ng iyong pamilya.
82
Ang Aking Pamilya
Ako ay nabibilang sa pamilya _________________.
(apelyido)
Binubuo ang aking pamilya ng _____________
(bilang ng kasapi)
kasapi.
Nakatira ang aming pamilya sa
______________________________________________.
(lugar ng tirahan)
Ang tatay ko ay isang _________________________.
(gawain o hanapbuhay)
Ang nanay ko ay isang ________________________.
(gawain o hanapbuhay)
Ang mga paborito naming ginagawa nang sama-
sama ay ________________________________.
(paboritong gawain ng pamilya)
Ang aming pamilya ay ________________________.
(pinakagustong katangian ng pamilya)
83
Gawain 2
Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Ibahagi
ang kuwento ng iyong pamilya. Sa tulong ng inyong
guro, isulat ang inyong ibinahagi sa tsart na makikita
sa ibaba.
Pangalan
ng mga
kasapi ng
pangkat
Apelyido
Bilang
ng
Kasapi
ng
Pamilya
Tirahan
Gawain
o
hanap-
buhay
ng
tatay
Gawain
o
hanap-
buhay
ng
nanay
Paboritong
gawain ng
pamilya
May napansin ka bang pagkakatulad at
pagkakaiba ng iyong pamilya at pamilya ng iyong
mga kamag-aral?
May nais ka pa bang ibahaging impormasyon
tungkol sa iyong pamilya?
84
Gawain 3
Magdala ng mga pangkulay, gunting, paste, at
makukulay na papel o lumang diyaryo o magazine o
tuyong dahon.
Gamit ang makukulay na papel o diyaryo o
magazine o tuyong dahon, gumawa ng isang puno
at idikit ito sa isang malinis na papel
Iguhit sa loob ng kahon ang mukha ng bawat kasapi
ng iyong pamilya. Gupitin ang mga kahon at idikit ito
sa ginawang puno.
85
Family tree ang tawag sa iyong ginawa. Ipinakikita
ng family tree ang mga kasapi ng pamilya at
ugnayan ng bawat isa.
86
Gawain 4
Ibahagi sa klase ang ginawang family tree. Ipaskil sa
pisara o isang bahagi ng silid-aralan ang natapos
ninyong family tree ng iyong mga kamag-aral.
Pagmasdang mabuti ang mga family tree. Ano ang
masasabi mo sa inyong mga nabuong family tree?
Bakit kaya magkakaiba ang mga nabuong family
tree?
Tandaan:
May pagkakaiba at pagkakatulad
ang katangian ng bawat pamilya. Sa
pagkakaibang ito makikita ang namumukod
na katangian ng isang pamilya.
Nararapat lamang na igalang ang
katangian ng bawat pamilya.
88
Aralin 3.1: Ang Alituntuning Ipinatutupad ng
Aking Pamilya
Pag-isipan
Ano ang mga dapat at di dapat gawin
sa loob ng inyong bahay?
Gawain 1
Pagmasdan ang sumusunod na larawan. Alin sa
mga ito ang iyong ginagawa sa bahay? Kulayan
ang mga larawan na nagpapakita ng iyong
ginagawa sa bahay.
Bakit mo ginagawa ang nasa larawang iyong
kinulayan? Ang mga ugali o gawi na ipinatutupad
ng iyong magulang o nakatatandang kasapi ng
pamilya ay tinatawag na alituntunin.
May naisip ka pa bang alituntunin na ipinatutupad
sa inyong pamilya? Ano ang mga ito?
89
Gawain 2
Tingnan ang mga larawang nasa loob ng kahon.
Lagyan ng tsek () kung alin sa mga ito ang
ipinatutupad at ginagawa sa inyong bahay.
A.
D.
Kumain ng masustansiyang pagkain Iligpit ang pinagtulugan
B. E.
Ubusin ang pagkaing inihanda Umuwi sa bahay sa
itinakdang oras
C. F.
Iwasang manood ng telebisyon lligpit ang pinagkainan
habang kumakain
.
90
G. Magsabi ng “po” at
“opo” sanakatatanda
H. Gawin muna ang
takdang
aralin bago maglaro
I. Iligpit ang mga laruan
matapos laruin
Maaari po
ba akong
sumama?
91
Gawain 3
Tukuyin kung anong uri ng alituntunin kabilang ang
mga sinagutan mo sa Gawain 2. Isulat ang letra sa
ikalawang hanay ng tsart na makikita mo sa ibaba.
Mga Uri ng Alituntunin
Pag-aaral
Pagpapahinga ng katawan at
isipan para sa kalusugan
Pagpapanatili ng kaayusan sa
tahanan
Paggalang sa nakatatanda
92
Gawain 4
Pumili ng isa sa iyong mga kamag-aral. Ibahagi sa
isa’t isa ang mga alituntuning ipinatutupad sa inyong
pamilya. Alamin ang pagkakatulad at pagkakaiba
ng mga alituntuntuning ito.
Tandaan:
May iba’t ibang alituntuning
ipinatutupad sa bawat pamilya.
Nararapat lamang igalang ang mga
alituntunin ng iyong pamilya at maging ng
ibang pamilya.
93
Aralin 3.2: Ang Kahalagahan ng Pagtupad sa
mga Alituntunin ng Aking Pamilya
Pag-isipan
Bakit mahalagang sundin ang mga
alituntunin ng iyong pamilya?
Gawain 1
Makinig sa kuwentong babasahin ng iyong guro na
pinamagatang “Ang Ilaw at ang Gamugamo.”
Anong sinabi ng matandang gamugamo sa batang
gamugamo?
Anong ginawa ng batang gamugamo?
Bakit hindi sinunod ng batang gamugamo ang sinabi
ng matandang gamugamo?
Ano kaya ang naramdaman ng matandang
gamugamo sa hindi pagsunod ng batang
gamugamo?
94
Anong nangyari sa batang gamugamo?
Kung ikaw ang batang gamugamo, gagawin mo rin
ba ang kaniyang ginawa? Bakit?
May mga pagkakataon ba na, tulad ng batang
gamugamo, hindi mo rin sinusunod ang payo o utos
sa iyo ng iyong nanay o tatay? Ikuwento mo nga
ang iyong karanasan.
Sa iyong palagay, bakit mahalagang sundin ang
mga alituntunin ng inyong pamilya?
Gawain 2
Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng
pagsunod sa mga alituntunin ng pamilya.
95
Gawain 3
Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Bawat
kasapi ng pangkat ay maglalaro ng binagong
“Snakes and Ladders.” Makinig sa panutong
sasabihin ng inyong guro para sa larong ito.
Ano ang naramdaman mo habang nilalaro ang
binagong Snakes and Ladders?
Ano ang nangyayari kapag natapat ang iyong
pamato sa larawang nagpapakita ng pagsunod sa
alituntunin?
Ano naman ang nangyayari kapag natapat ang
iyong pamato sa larawang nagpapakita ng hindi
pagsunod sa alituntunin?
96
Gawain 4
Magpatulong sa guro upang mapunan ang
patlang sa liham na naglalaman ng pangako mo
sa iyong magulang o tagapag-alaga
Mahal na _____________________,
Ipinangangako ko na simula sa araw na ito,
________________________________________________
Isulat ang petsa ngayon
susundin ko ang sumusunod na alituntunin sa ating
pamilya:
1. _________________________________________
2. _________________________________________
3. _________________________________________
______________________________________
Isulat ang buong pangalan
______________________________________
Papirmahan sa magulang o tagapag-alaga
Tandaan:
Mahalaga ang mga alituntunin.
Nagkakaroon ng kaayusan at katahimikan sa
pamilya kapag sinusunod ng mga kasapi ang
mga ito.
98
Aralin 4.1: Ipinagmamalaki Ko ang Aking
Pamilya
Pag-isipan
Ano ang maipagmamalaki mo sa iyong
pamilya?
Gawain 1
Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Isadula
ang mga katangian ng isang mabuting pamilya na
nakatakda sa inyong grupo.
Pangkat 1- Pamilyang mapagmahal
Pangkat 2- Pamilyang may takot sa Diyos
Pangkat 3- Pamilyang matulungin sa kapwa
Pangkat 4- Pamilyang may pagkakaisa
Pangkat 5- Pamilyang mapagkakatiwalaan
99
Gawain 2
Alin sa naisadulang mabubuting katangian ng isang
pamilya ang katangian din ng iyong sariling
pamilya? Lagyan ng tsek () ang mga larawang
nagpapakita nito.
May iba ka pa bang naiisip na mabubuting
katangian ng iyong pamilya?
100
Gawain 3
Anong mga gawain ang nagbibigay ng saya sa
iyong pamilya? Iguhit ang dalawa sa mga bagay na
ito sa loob ng kahon sa ibaba. Maaari ring magdala
ng larawan ng masasayang gawain ng inyong
pamilya. Halimbawa, namamasyal nang sama-
sama, nagsisimba, gumagawa ng gawaing-bahay,
at iba pa.
Pumili ng isa sa mga larawang iyong iginuhit at
isalaysay sa klase ang kuwentong ito ng inyong
pamilya.
101
Gawain 4
Gumawa ng isang liham ng pasasalamat sa iyong
pamilya. Sa tulong ng iyong guro, punan ang mga
patlang sa liham na nasa loob ng kahon.
Tandaan:
Ang bawat pamilya ay may taglay
na mabubuting katangian.
Nararapat lamang na ipagmalaki mo ang
pamilyang iyong kinabibilangan.
Sa aking mga mahal na ____________________,
(pangalan ng mga kasapi ng
pamilya)
Maraming salamat sa
_____________________________________________
_____________________________________________
____________________________________________.
(Ano ang mga nagawa o naiparamdam sa iyo ng mga kasapi ng iyong
pamilya na dapat mong pasalamatan)
Ipinagmamalaki ko ang ating pamilya!
Nagmamahal,
___________________________
(Isulat ang iyong pangalan)
102
Aralin 4.2: Ang Mabuting Pakikipag-ugnayan
ng Aking Pamilya sa Ibang Pamilya
Pag-isipan
Bakit mahalagang panatilihin ang
mabuting pakikipag-ugnayan ng iyong
pamilya sa iba pang pamilya?
Gawain 1
Kumuha ng isang malinis na papel. Iguhit ang
larawan ng iyong pamilya. Pagsama-samahin ang
mga larawang iginuhit ninyo ng iyong mga kamag-
aral. Bumuo ng letrang P, ang unang letra ng
salitang pamilya, gamit ang larawang iginuhit mo at
ng iyong mga kamag-aral. Idikit ito sa isang bahagi
ng inyong silid-aralan.
Alam mo ba ang tawag dito?
Ang inyong ginawa ay isang uri ng sining na
tinatawag na mosaic. Ang mosaic ay pinagdikit-dikit
na larawan upang makabuo ng isang hugis o
pattern.
103
Gawain 2
Makinig sa kuwentong babasahin ng iyong guro na
pinamagatang “Ang Pamilyang Ismid” na sinulat
nina Ramoncito Serrano at Rene O. Villanueva at
iginuhit ni Sammy Esquillon.
Ilan ang kasapi ng pamilyang Ismid?
Ano ang paboritong gawin ng pamilyang Ismid?
Ano ang problema sa lugar na tinitirahan ng
pamilyang Ismid?
Bakit hindi sila nakikipagtulungan sa iba pang
pamilya sa kanilang lugar?
Ano ang nangyari sa pamilyang Ismid isang gabi
habang sila ay natutulog?
Sino ang tumulong sa pamilyang Ismid?
Kung isa ka sa mga kasapi ng pamilyang Ismid, ano
ang mararamdaman mo sa ginawa sa iyong
pamilya ng inyong mga kapitbahay? Bakit?
104
Gawain 3
Maglaro tayo ng “Paint Me a Picture.” Alam mo ba
ang larong ito? Sa “Paint Me a Picture” ang mga
kasali sa laro ay bubuo ng larawan ng isang
pangyayari gamit ang kanilang katawan.
Bumuo ng pangkat na may walong kasapi.
Magpakita ng isang pangyayari na naglalarawan
nang naidudulot ng mabuting pakikipag-ugnayan
ng isang pamilya sa iba pang pamilya.
Kapag sinabi ng inyong guro na “1, 2, 3, Paint Me a
Picture”, ipakita ang napili ninyong pangyayari.
Huminto sa paggalaw hanggang sabihin ng inyong
guro na maaari na kayong muling kumilos.
Pahulaan sa mga kamag-aral kung ano ang
ipinakitang larawan ng inyong pangkat.
105
Gawain 4
Pagmasdan mo ang larawang nasa ibaba.
Ano ang ipinakikita ng larawan?
Bakit masaya ang mga taong nasa larawan?
Bakit mahalagang nagkakasundo at nagtutulungan
ang bawat pamilya?
Tandaan:
Mahalagang panatilihin ang
mabuting pakikipag-ugnayan ng iyong
pamilya sa iba pang pamilya.
Sa pamamagitan nito, napananatiling masaya
at tahimik ang inyong lugar. Ang iba’t ibang
pamilya rin ang nagtutulungan sa oras ng
pangangailangan.
106
Ang Aking mga Nagawa at Natutuhan:
Panuto. Makinig sa babasahin ng guro.
Lagyan ng tsek () ang angkop na kahon ng iyong
sagot.
Nagamit ko ang mga
kasanayang ito:
1. Nasunod ko ang mga panuto.
2. Nagamit ko ang aking kasanayan
sa sining.
3. Nagbahagi ako ng aking
kuwento sa aking mga kamag-
aral.
4. Nakinig ako sa kuwento ng aking
guro.
5. Nakinig ako sa kuwento ng aking
kamag-aral.
6. Nasuri ko ang iba’t ibang
larawan.
7. Nakapaghambing ako ng iba’t
ibang pangyayari.
8. Natukoy ko ang mga bagay na
nagbago at nanatili sa aking
pamilya.
9. Napahalagahan ko ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng
bawat pamilya.
10. Naipaliwanag ko ang iba’t ibang
bagay tungkol sa aking pamilya.
Mag-aaral Guro
107
Nagawa ko ang mga
bagay na ito:
1. Nasabi ko ang mga
impormasyon tungkol sa aking
pamilya.
2. Nakaguhit ako ng iba’t ibang
larawan.
3. Nakagawa ako ng stick
puppet.
4. Naisadula ko ang mabuting
katangian ng pamilya.
5. Naikumpara ko ang kuwento
ng aking pamilya sa kuwento
ng pamilya ng aking mga
kamag-aral.
6. Naipagmalaki ko ang aking
pamilya.
7. Nakagawa ako ng bar graph.
8. Nakabuo ako ng timeline.
9. Nakagawa ako ng graphic
organizer.
10. Nakagawa ako ng mosaic.
11. Nakasulat ako ng liham
pasasalamat sa aking
magulang.
12. Nakagawa ako ng family tree.
13. Nakabigkas ako ng isang tula.
14. Nakaawit ako ng isang kanta.
Mag-aaral Guro
108
Naipahahayag ko ang mga ito:
1. Nasasabi kong binubuo ng iba’t
ibang kasapi ang isang pamilya.
2. Nasasabi kong may iba’t ibang
tungkuling ginagampanan ang
bawat kasapi ng pamilya.
3. Nasasabi kong may mga bagay
na nanatili at nagbago sa isang
pamilya.
4. Nasasabi kong may iba’t ibang
Alituntuning ipinatutupad sa
bawat pamilya.
5. Nasasabi kong mahalaga ang
mabuting ugnayan ng bawat
pamilya sa isang pamayanan.
6. Naipagmamalaki ko at
napahahalagahan ang aking
pamilya.
7. Iginagalang ko ang mga
katangian at paniniwala ng ibang
pamilya.
Komento ng iyong guro:
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
_____________________.
Mag-aaral Guro
109
Yunit 3: ANG AKING PAARALAN
Panimula
Mga Layunin:
Matapos ang pag-aaral ng Yunit 3, inaasahang
magagawa mo ang sumusunod:
1. naipakikilala ang iyong paaralan;
2. nailalarawan ang pisikal na kapaligiran ng
paaralan;
3. nasasabi ang mabuting nagagawa ng
paaralan para sa iyo;
4. nasasabi ang konsepto ng pagbabago at
pagpapatuloy batay sa kuwento ng paaralan;
5. nasasabi ang mga dapat gawin ng isang mag-
aaral;
6. nakatutupad sa mga alituntunin ng silid-aralan;
at
7. napahahalagahan ang iyong paaralan.
111
Aralin 1.1: Ang Pagkilala sa Aking Paaralan
Pag-isipan
Anong mahahalagang impormasyon
ang masasabi mo sa iyong paaralan?
Gawain 1
Itanong sa inyong punong-guro ang sumusunod:
1. Ano ang pangalan ng ating paaralan?
2. Bakit ito ang pangalan ng ating paaralan?
3. Kailan itinayo ang ating paaralan?
4. Saan ito matatagpuan?
5. Sino-sino ang bumubuo sa ating paaralan?
112
Gawain 2
Iguhit ang iyong paaralan sa loob ng kahon sa
ibaba. Gawing makulay ang iyong iginuhit.
113
Tandaan:
Mahalagang makilala mo ang
paaralang iyong pinapasukan. Ito ang
nagsisilbing pangalawa mong tahanan.
Gawain 3
Buuin ang graphic organizer sa ibaba upang
maipakita ang mga batayang impormasyon
tungkol sa iyong paaralan.
Taon ng
Pagkakata-
tag
Lokasyon ng Paaralan
Paaralan
Mga Taong Bumubuo sa
Paaralan
Pangalan
ng
Paaralan
114
Aralin 1.2: Ang Papel na Ginagampanan ng
Paaralan sa Aking Buhay
Pag-isipan
Ano ang mabuting nagagawa ng
paaralan para sa iyo?
Gawain 1
Makinig sa kuwentong babasahin ng iyong guro na
pinamagatang “Celia Studious and Conrad Cat” ni
Regina S. Fernandez.
Saan pumupunta si Celia araw-araw?
Ano-ano ang ginagawa ni Conrad para
hikayatin si Celia na huwag nang pumasok sa
paaralan?
Bakit hindi nahihikayat ni Conrad si Celia na
lumiban sa pagpasok sa paaralan?
115
Ano ang natuklasan ni Conrad sa paaralan ni
Celia?
Ano-ano ang masayang karanasan ni Celia sa
kaniyang paaralan?
Ano kaya ang naramdaman ni Conrad noong siya
ay napasama sa paaralan ni Celia? Bakit ito ang
kaniyang naramdaman?
Kung ikaw si Conrad, sasama ka pa ba kay Celia sa
paaralan? Bakit?
Gawain 2
Ano ang iyong masasayang karanasan
sa paaralan? Pumili ng tatlong masayang
karanasan at iguhit ito sa loob ng mga bilog.
Ang Masasayang Karanasan ko sa
Paaralan
116
Gawain 3
Nakaguhit dito ang mga ginagawa at natutuhan ni
Celia sa paaralan. Subukin mong iguhit sa kabilang
kahon ang mga ginagawa at natututuhan mo sa
iyong paaralan.
Ang mga ginagawa at natututuhan
ni Celia sa paaralan
Ang mga ginagawa at
natututuhan ko sa aking
paaralan
Tandaan:
Ang paaralan ay isang lugar na marami
kang makikilalang bagong kaibigan na
iyong makakalaro,
makakasama sa pagbabasa, pagsusulat, pagguhit, at
iba pang mga gawain para matuto.
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng
paaralan sa iyong buhay.
118
Aralin 2.1: Ang mga Bagay na Nagbago at Di
Nagbago sa Aking Paaralan
Pag-isipan
Ano ang mga bagay na nagbago at di
nagbago sa aking paaralan?
Gawain 1
Tanungin ang bisitang inanyayahan ng iyong guro
tungkol sa pinagmulan ng iyong paaralan.
Narito ang maaaring itanong sa inyong bisita:
Ano po ba ang hitsura ng aming paaralan noong
itinatag ito?
Nagbago po ba ang laki o sukat nito?
Mas marami po ba ang mga mag-aaral na unang
pumasok sa aming paaralan kung ikukumpara sa
bilang ng mga mag-aaral sa aming paaralan
ngayon?
May uniporme po ba sila?
Ano po ang mga itinuturo ng mga guro?
Ano-ano pa po ang nagbago rito?
119
Gawain 2
Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Subukin
ninyo ng iyong mga kapangkat na punan ng
impormasyon ang tsart na makikita sa ibaba.
Ngayon Noon
Pangalan ng
paaralan
Lokasyon ng
paaralan
Laki o lawak ng
paaralan
Mga kasapi ng
paaralan
Bilang ng mga
mag-aaral
Uniporme ng
mga mag-aaral
na pumapasok
sa paaralan
Mga itinuturo sa
paaralan
Batay sa mga impormasyong inyong nakuha at
naisulat, ano ang mga bagay na nagbago at di
nagbago.
120
Gawain 3
Iguhit ang iyong paaralan noon at ngayon sa mga
kahong nasa ibaba.
Ang Aking Paaralan
Noon
Ang Aking Paaralan
Ngayon
Tandaan:
May mga bagay na nagbabago
at may mga bagay na nagpatuloy
o hindi nagbago sa iyong
paaralan.
Ang mga desiyon o pagpapasya ng mga
kasapi ng isang paaralan ang nagdudulot ng
mga pagbabago o pagpapatuloy.
121
Aralin 3: Ang mga Gawaing Dapat Kong
Gawin Habang Nasa Paaralan
Panimula
122
Aralin 3.1: Ang Aking mga Gawain sa Paaralan
Pag-isipan
Ano-ano ang iyong ginagawa sa
paaralan?
Gawain 1
Pagsunod-sunurin ang mga larawan ng mga gawain
ng mga mag-aaral sa paaralan. Isulat ang bilang 1
sa loob ng bilog para sa pinakaunang gawain at 5
naman sa pinakahuling gawain.
A. B. C.
D. E.
123
Gawain 2
Gumawa ng timeline na nagpapakita ng iyong
gawain sa iyong paaralan sa loob ng isang araw.
Iguhit ang mga ito sa loob ng kahon. Kulayan ang
iyong ginawa.
Ang Aking mga Gawain sa Paaralan sa
Loob ng Isang Araw
Bago
magsimula
ang klase
Habang
nagtuturo
ang aking
Guro
Oras ng
pagkain o
recess
Bago
mag-
uwian ang
klase
124
Gawain 3
Tingnan mo ang mga larawan. Kulayan ang mga
larawan na nagpapakita ng mga itinuturo ng iyong
guro at natututuhan mo sa iyong paaralan.
A. B. C.
D. E. F.
H.
G.
Maaari po
ba akong
makipaglaro
kay Laya
mamaya?
125
Aralin 3.2: Ang Aking mga Tungkulin sa
Paaralan
Pag-isipan
Ano ang mga dapat mong gawin sa
paaralan bilang isang mag-aaral?
Gawain 1
Si Len ay isang mag-aaral sa Baitang 1.
Ano sa palagay mo ang mga dapat gawin ni Len sa
paaralang kaniyang pinapasukan.
Suriin ang mga larawan at bilugan ang nagpapakita
ng mga tungkulin o mga dapat gawin ni Len bilang
isang mag-aaral.
A. B.
C.
Magandang
umaga po
Bb. Pablo.
126
A.
C.
B.
Bakit ito ang mga larawang iyong binilugan?
Ano ang mangyayari kapag ginawa ni Len ang mga
gawaing iyong binilugan?
Ano naman ang mangyayari kapag ginawa ni Len
ang mga gawaing hindi mo binilugan?
127
Gawain 2
Makikita sa tsart ang iba’t ibang tungkulin ng mag-
aaral sa paaralan. Alin sa mga ito ang ginagawa mo
sa bawat araw? Lagyan ito ng tsek () .
Mga Tungkulin
ng Mag-aaral
Mga Araw na May Pasok
Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes
Pumapasok sa
paaralan sa
wastong oras
Nakikinig sa
guro habang
siya ay
nagtuturo
Tinatapos ang
mga gawaing
ipinagagawa
ng guro sa
klase
128
Mga Tungkulin
ng Mag-aaral
Mga Araw na May Pasok
Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes
Inililigpit ang
pinagkainan
matapos ang
recess
Itinatapon ang
basura sa
basurahan.
Ginagawa
ang takdang-
aralin
Marami ka bang nailagay na tsek sa tsart?
Ano ang iyong naramdaman matapos mong
malagyan ng tsek ang mga tungkuling nagagawa
mo bilang mag-aaral?
Sa iyong palagay, bakit mahalagang gawin mo ang
iyong mga tungkulin sa paaralan?
129
Gawain 3
Tingnan at suriin ang mga larawan sa letrang A at
letrang B. Subukin mong iguhit sa loob ng kahon
kung ano ang posibleng mangyari sa huling bahagi
ng ipinakikitang sitwasyon.
A
1 2
3 4
Tahimik siyang
umupo sa
kaniyang upuan
at nakinig sa
kaniyang guro
habang
nagtuturo
Nagbigay ng
pagsusulit ang
kaniyang guro
Pumasok si Jun sa
kanilang silid-
aralan
130
B
1 2
3 4
Oras ng recess
ng klase ni
Mimay.
Masayang
kumain si Mimay
kasama ng
kaniyang mga
kaibigan.
Nang
magsisimula na
muli ang klase,
itinapon nina
Mimay sa sahig
ang kanilang
pinagkainan ?
131
Alin sa dalawang pangkat ng mga larawan ang
nagpapakita ng paggawa sa tungkulin ng isang
mag-aaral, letrang A o letrang B?
Bakit ang iyong iginuhit ang napili mong huling
pangyayari sa ipinakitang sitwasyon?
Bakit mahalagang gawin ng mga mag-aaral ang
kanilang mga tungkulin?
Tandaan:
Mayroon kang iba’t ibang
tungkulin sa paaralan.
Mahalagang gawin mo ang
iyong
mga tungkulin bilang mag-aaral upang
mapanatili ang kaayusan sa iyong
paaralan. Makatutulong din ito upang
mapabuti ang iyong pag-aaral.
132
Aralin 4: Ang Pagsunod sa mga Alituntunin sa
Aking Silid-Aralan
Panimula
133
Aralin 4.1: Ang mga Alituntunin sa Aking
Silid-Aralan
Pag-isipan
Anong mga alituntunin ang ipinatutupad
sa inyong silid-aralan?
Gawain 1
Bilang isang klase, bumuo ng isang graphic organizer
na nagpapakita ng iba’t ibang alituntunin na
ipinatutupad sa loob ng inyong silid-aralan.
Bago
magsimula
ang klase
Habang
nagkaklase
Tuwing
recess
Bago mag-
uwian
Gawain 2
Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Ano kaya
ang mangyayari o magiging bunga kapag ginawa
mo ang mga ito? Isulat sa nakalaang bahagi ng
graphic organizer ang iyong sagot sa bawat
sitwasyon.
134
B. Nakikipag-
kuwentuhan ka sa
iyong katabi habang
nagtuturo ang iyong
guro.
C.Isinisigaw mo ang
iyong sagot kahit
hindi ka pa
tinatawag ng iyong
guro para sumagot.
D. Pumipila nang
maayos
E. Hindi nagpapasa
ng takdang- aralin
sa
napagkasunduang
araw ng pasahan.
F. Tinatapos ang
gawaing
ipinagagawa ng
guro sa takdang
oras/araw ng
pasahan.
A. Tahimik na
hinihintay ang iyong
guro bago magsimula
ang klase.
135
Gawain 3
Balikan ang inyong ginawang graphic organizer. Sa
iyong palagay, alin sa mga sitwasyon ang
nagpapakita ng pagsunod sa mga alituntunin ng
inyong silid-aralan? Alin naman sa mga ito ang
nagpapakita ng hindi pagsunod sa mga alituntunin?
Isulat ang letra ng sitwasyon sa loob ng angkop na
kahon.
Ano ang nagiging bunga ng pagsunod sa
alituntunin?
Ano naman ang naging bunga ng hindi pagsunod
sa alituntunin?
Sa iyong palagay, bakit mahalagang sundin ang
mga alituntunin?
Pagsunod sa
Alituntunin
Hindi Pagsunod sa
Alituntunin
136
May iba ka pa bang naiisip na alituntunin na
maipatutupad para sa ikabubuti ng inyong
samahan sa silid-aralan?
Tandaan:
May iba’t ibang alituntuning
ipinatutupad sa inyong silid-
aralan.
Mahalagang sumunod sa mga
alituntunin upang mapanatili ang
kaayusan at katahimikan sa paaralan.
Makabubuti rin ang mga ito sa
pagpapanatili ng mabuting samahan
ninyo ng iyong mga kamag-aral at ng
inyong guro.
138
Aralin 5.1: Ang Kahalagahan ng Aking
Paaralan
Pag-isipan
Bakit mahalaga ang iyong paaralan?
Gawain 1
Sabay-sabay ninyong awitin o bigkasin ang “Bata pa
Ako” na sinulat ni Julia Abueva.
Bata Pa Ako
Di ka ba nagtataka
Ako'y nasa lansangan
At ikaw ay nasa sasakyan
Papuntang paaralan
Makatapos kaya ako
Kahit mga libro'y pinaglumaan mo
Pangarap lang ba
Pagka't mahirap lang ako
Pwede bang sumali sa inyong laro
Kahit kunwa-kunwaring nag-aaral din ako
Dala ba ng tadhana na tayo'y magkaiba
Sana balang araw maging tulad din kita
139
Ano ang nararamdaman mo habang inaawit o
binibigkas ninyo ang nilalaman ng “Bata pa Ako”?
Ano sa iyong palagay ang karanasan ng bata sa
inyong inawit o binasa? Nag-aaral kaya siya?
Ano-ano kaya ang mayroon ka ngayon na wala
siya?
Ano kaya ang nagagawa mo ngayon na gusto rin
niyang magawa o maranasan?
Paano bang sumulat, magbasa ng gaya
mo
Bata alam mo ba, na bata rin ako?
Musmos pa rin ako,
Di lang napapansin
Magulang at kapatid,
Nakaasa sa akin
Bata sino ba
Ang nagtuturo't gumagabay sa'yo
May pag-asa pa bang
Maturuan din nya ako
Sa lahat ng inaasam
Isa ang pinakagusto
Na sana'y pagtanda natin
Wala ng batang tulad ko
Mula sa : http://www.elyrics.net/read/j/julia-abueva-lyrics/bata-pa-ako-lyrics.html
140
Gawain 2
Ano kaya ang mangyayari sa isang bata sa
kaniyang pagtanda kung hindi man lamang siya
makapag-aral sa isang paaralan?
Alin sa mga larawan sa ibaba ang nagpapakita ng
maaaring mangyari sa mga taong nakapag-aral?
Alin naman ang nagpapakita ng maaaring
mangyari sa mga taong hindi nakapag-aral?
Lagyan ng arrow ( ) papunta sa larawan ng
paaralan ang mga larawang nagpapakita ng
maaaring mangyari sa mga taong nakapag-aral.
Tingnan mo ang halimbawa.
Nilagyan ng arrow ang larawan ng guro papunta sa
larawan ng paaralan.
141
Gawain 3
Sa loob ng kahon, gumuhit ng isang larawan na
nagpapakita ng kahalagahan ng iyong paaralan.
Sa tulong ng guro o magulang o tagapag-alaga,
punan ang patlang na nagpapahayag kung bakit
mahalaga sa iyo ang iyong paaralan.
Mahalaga ang aking paaralan dahil_________
______________________________________________
______________________________________________
Tandaan:
Mahalaga ang paaralan sa buhay
ng batang tulad mo. Sa tulong ng
paaralan,
mapapaunlad mo ang iyong mga angking
kakayahan at mga kaalaman.
Malaki ang pag-asa mong mapaunlad ang
iyong buhay kung pumapasok ka at nag-aaral
nang mabuti sa isang paaralan.
142
Ang Aking mga Nagawa at Natutuhan
Panuto. Makinig sa babasahin ng guro.
Lagyan ng tsek(√ ) ang angkop na kahon sa iyong
sagot.
Nagamit ko ang mga kasanayang ito:
1. Nasunod ko ang mga panuto.
2. Nagamit ko ang aking mga
kasanayan sa sining.
3. Nagbahagi ako ng aking
kuwento sa aking kamag-aral.
4. Nakinig ako sa kuwento ng
aking guro.
5. Nakinig ako sa kuwento ng
aking kaklase.
6. Nasuri ko ang iba’t ibang
bagay.
7. Nakapaghambing ako ng iba’t
ibang bagay.
8. Natukoy ko ang mga bagay
na nanatili at nagbago sa
aking paaralan.
9. Nakapag-isip ako ng maaaring
mangyari sa isang sitwasyon .
10. Napahalagahan ko ang aking
paaralang kinabibilangan.
Mag-aaral Guro
143
Nagawa ko ang mga bagay na ito:
1. Nasabi ko ang mga
batayang impormasyon
tungkol sa aking paaralan.
2. Natukoy ko ang iba’t ibang
kasapi ng paaralan.
3. Nakagawa ako ng isang
panayam.
4. Nakaguhit ako ng iba’t ibang
larawan.
5. Nakabuo ako ng timeline.
6. Nakagawa ako ng graphic
organizer.
7. Nakaawit ako ng isang awitin.
8. Nakabigkas ako ng isang tula.
9. Nasuri ko ang isang awit o
tula.
10. Naipagmalaki ko ang aking
paaralan.
Mag-aaral Guro
144
Naipahahayag ko ang mga ito:
1. Natutuhan ko ang mga batayang
impormasyon tungkol sa aking
paaralan.
2. Natutuhan ko ang mga batayang
impormasyon tungkol sa aking
paaralan.
3. Natutuhan ko na may iba’t ibang
kasapi na bumubuo sa aking
paaralan .
4. Natutuhan ko na may mga bagay
na nanatili at nagbago sa aking
paaralan.
5. Natutuhan ko ang kahalagahan
ng mga alituntuning ipinatutupad
sa aking paaralan.
6. Natutuhan ko ang kahalagahan
ng pagtupad sa mga tungkulin
bilang mag-aaral.
7. Natutuhan kong pahalagahan ang
aking pag-aaral at paaralan.
Komento ng iyong guro
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
__________________________.
Mag-aaral Guro
145
Yunit 4: AKO AT ANG UGNAYAN NG
AKING PAMILYA AT PAARALAN
Panimula
Mga Layunin:
Matapos ang pag-aaral ng Yunit 4, inaasahang
magagawa mo ang sumusunod:
1. natutukoy ang distansiyang katulad ng malapit
at malayo;
2. naituturo ang direksiyon tulad ng kanan at
kaliwa, likod at harapan, at iba pa;
3. natutukoy ang paraan ng pag-uugnayan at
pagtutulungan ng pamilya at paaralan para sa
kabutihan ng anak/mag-aaral; at
4. napahahalagahan ang ugnayan at
pagtutulungan ng pamilya at paaralan.
146
Aralin 1: Ang Pisikal na Kapaligiran ng
Aking Tahanan at Paaralan
Panimula
147
Aralin 1.1: Ang Aking Pag-unawa sa Konsepto
ng Distansiya
Pag-isipan
Ano ang distansiya?
Gawain 1
Bumuo ng pangkat na may tatlong kasapi.
Magtakda ng letra sa bawat kasapi. Halimbawa,
ang unang kasapi ay letrang A, ang ikalawa ay
letrang B at ang ikatlo ay letrang C. Pahawakan
ninyo sa kasapi A ang dalawang taling ibinigay ng
inyong guro. Ang kasapi B at kasapi C naman ang
hahawak sa dulo ng magkabilang tali. Hawak ang
dulo ng tali, sabihan ang kasapi B at kasapi C na
lumayo sa kasapi A hanggang sa maunat ito.
Kasapi A Ano ang napansin mong
pagkakaiba ng
dalawang tali?
Aling tali ang hawak ng
kasaping mas malayo?
Aling tali ang hawak ng
kasaping mas malapit?
Kasapi C
Kasapi B
Ang lapit o layo sa pagitan ng dalawang bagay ay
tumutukoy sa distansiya.
148
Gawain 2
Tingnan at suriin mo ang mga larawang nasa ibaba.
Kulayan ang larawan na nagpapakita ng
distansiyang malapit.
A. Mula sa pisara, aling bagay ang mas malapit?
B. Mula sa bag, aling bagay ang mas malapit?
149
C. Mula sa bola, aling bagay ang mas malapit?
D. Mula sa t-shirt, aling bagay ang mas malapit?
150
Gawain 3
Subukin mong sukatin ang distansiya ng mga bagay
na nakatala sa ibaba. Isulat kung ilang hakbang ang
layo sa pagitan ng dalawang bagay.
Mga bagay
Ilang hakbang
ang layo sa
pagitan
ng
dalawang
bagay?
A. A. pisara at mesa ng
B. iyong guro
C. B. pisara at upuan
D. ng iyong guro
C. pisara at pintuan
E. D. pisara at iyong
F. upuan
Mula sa pisara, alin sa mga gamit ang nagpapakita
ng distansiyang malapit? Alin sa mga gamit ang
nagpapakita ng distansiyang malayo?
Tandaan:
Ang distansiya ay nagpapakita ng
lapit o layo sa pagitan ng dalawang bagay.
151
Aralin 1.2: Ang Aking Pag-unawa sa
Konsepto ng Direksiyon
Pag-isipan
Nasaan ang iyong kanan, kaliwa, likod, at
harapan?
Gawain 1
Buksan ang iyong
kwaderno sa magkatapat
na malinis na pahina.
Bakatin ang iyong
kaliwang kamay sa unang
pahina at bakatin ang
iyong kanang kamay sa
kabilang pahina.
Gawain 2
Tingnan ang mga
larawan ng iba’t ibang
hayop sa ibaba. Itupi
ng pahalang ang isang
pahina ng iyong
kwaderno kagaya ng
nasa ibaba. Isulat ang
bilang ng mga hayop
na nakaharap sa
kaliwa sa unang hanay. Isulat ang bilang ng mga
hayop na nakaharap sa kanan sa ikalawang hanay.
152
Gawain 3
Awitin ang kantang “Kumusta ka?” at sundin ang
kilos na gagawin ng iyong guro.
Kumusta ka?
Kumusta ka?
Halina’t magsaya
Pumalakpak, pumalakpak
Ituro ang paa
Padyak sa kanan
Padyak sa kaliwa
Umikot nang umikot
at humanap ng iba
1
.
2
.
3
.
4
.
5
.
6
.
7
. 8
.
153
Gawain 4
Suriin ang larawan. Ano ang mga bagay na nasa
harapan ng bata? Bilugan ang mga ito. Ano naman
ang bagay na makikita sa kanyang likuran. Ikahon
ang mga bagay na ito.
154
Gawain 5
Maglaro tayo.
Bumuo ng dalawang pangkat. Bawat pangkat ay
pipili ng kinatawan. Tatakpan ng inyong guro ang
mata ng kinatawan ng inyong pangkat.
Layunin ng laro na makuha ng bawat nakapiring na
kinatawan ng pangkat ang panyo na inilagay ng
inyong guro sa isang bahagi ng inyong silid-aralan.
Ang mga natitirang kasapi ang magbibigay ng
direksiyon---kanan, kaliwa, harap at likod--- upang
mapuntahan ng kinatawan ang kinalalagyan ng
panyo. Ang grupong kinabibilangan ng kinatawan
na pinakamabilis na makakakuha ng panyo ang
siyang panalo.
Tandaan:
May iba’t ibang direksiyon tulad
ng kanan, kaliwa, harapan, at
likod na magagamit sa pagtukoy
ng kinalalagyan ng mga bagay.
155
Aralin 1.3: Ang Mapa ng Aming Bahay
Pag-isipan
Ano ang mapa?
Gawain 1
Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Habang
nakaupo, ilatag ang mga gamit tulad ng isang lapis,
isang aklat, isang pangkulay, at isang pirasong papel
sa mesa o sahig.
Tumayo kayo at pagmasdang mabuti ang mga
bagay na inyong inilatag sa mesa o sahig. Ano ang
inyong nakikita?
Pag-aralan ang kinalalagyan ng bawat bagay.
Subuking ilarawan sa isang papel ang iyong
napagmasdan at napag-aralang kinalalagyan ng
mga bagay habang kayo ay nakatayo. Sa halip na
iguhit ang eksaktong anyo ng mga bagay, gumamit
ng iba’t ibang hugis na kakatawan sa mga ito.
156
Halimbawa:
Kayo naman sa inyong grupo, ano ang inyong
iginuhit?
Ang inyong iginuhit ay isang halimbawa ng mapa.
Ang mapa ay isang larawang kumakatawan sa
kinalalagyan ng mga bagay o lugar. Ipinakikita nito
ang anyo ng bagay o lugar kung titingnan ito mula
sa itaas.
Idikit ang inyong ginawa sa isang bahagi
ng silid-aralan.
157
Gawain 2
Balikan ang ipinakitang halimbawa ng mapa sa
Gawain 1. Ipinakita rito ang iba’t ibang bagay tulad
ng papel, lapis, aklat, at pangkulay.
Ang maliit na kahon na nasa kanan ng mapa na
naglalaman ng hugis na kumakatawan sa papel,
lapis, aklat, at pangkulay ay tinatawag na pananda.
Ang pananda ang nagsasabi kung ano ang
kinakatawang bagay o lugar ng bawat hugis o kulay
na ginamit sa mapa.
Balikan ang mapang ginawa ng inyong pangkat.
Subukin ninyong gumawa ng isang pananda ng
inyong ginawang mapa.
Pananda:
aklat
pambura
lapis bag
158
Gawain 3
Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Pag-
aralan ang itsura ng inyong silid-aralan at gumuhit ng
mapa nito. Lagyan ito ng pananda.
Ibahagi sa klase ang ginawa ninyong mapa.
Magkakapareho ba ang ginawa ninyong mapa?
Bakit o bakit hindi?
159
Gawain 4
Ilarawan mo ang iyong paaralan. Aling bahagi ng
iyong paaralan ang paborito mo? Iguhit mo ito sa
loob ng picture frame na nasa ibaba.
Magpatulong sa guro o magulang upang sagutin
ang mga sumusunod batay sa nagawang mapa:
1. Anu-ano ang mga malalapit sa iyong silid-
aralan?
2. Anu-ano ang mga malalayo sa iyong silid-
aralan?
160
Gawain 5
Ipinakikita sa ibaba ang mapa ng loob ng isang
bahay.
Ano-ano ang iyong nakikita? Subukin mong
gumawa ng mapa ng loob ng inyong bahay. Tiyakin
na lagyan ito ng pananda.
161
Gawain 6
Aling bahagi ng inyong tahanan ang paborito mo?
Iguhit mo ito sa loob ng kahon at ipakita ang
sumusunod:
1. ang hugis ng bahagi ng bahay na paborito mo
2. ang pinto o bintana (kung mayroon)
3. mga kagamitang matatagpuan dito
4. iba pang mga detalye
162
Sa tulong ng iyong guro o magulang o tagapag-
alaga, punan ang patlang sa ibaba.
Paborito ko ang bahaging ito ng aming bahay
dahil__________________________________________.
Magpatulong sa guro o magulang upang sagutin
ang mga sumusunod batay sa nagawang mapa:
1. Ano-ano ang mga bagay ang malapit sa pinto?
2. Ano-ano ang mga bagay ang malayo sa
bintana (kung mayroon)?
3. Ano-ano ang mga bagay ang magkakalapit?
4. Ano-ano ang mga bagay ang magkakalayo?
Tandaan:
Magagamit mo ang mapa sa
paghahanap ng kinalalagyan ng
isang bagay o lugar.
Makikita mo rin dito ang anyo ng bagay o
lugar at kung alin ang mga bagay na
magkakalapit o magkakalayo.
163
Aralin 1.4: Ang Aking Dinaraanan Mula
Bahay Patungong Paaralan
Pag-isipan
Ano- ano ang iyong nakikita mula sa
inyong bahay patungong paaralan?
Gawain 1
Sa loob ng bintana sa ibaba, iguhit ang iyong mga
nakikita sa paligid ng inyong tahanan. Gawing
makulay ang iyong gawain.
164
Gawain 2
Malayo ba ang inyong bahay sa iyong paaralan?
Paano ka nakakarating sa iyong paaralan?
Kulayan ang mga larawang tumutukoy sa mga
paraan upang makarating ka sa iyong paaralan.
165
Gawain 3
Ano-ano ang nakikita mo sa daan patungo sa iyong
paaralan?
Kulayan ang mga larawang nakikita mo sa iyong
dinaraanan tuwing pumupunta ka o pauwi mula sa
paaralan.
Pamilihan
Mga puno Palaisdaan
Simbahan
Sementeryo
Ospital
167
Gawain 4
Pagmasdan mo ang mapa na nagpapakita ng
lokasyon ng bahay ni Mimi at ng kaniyang paaralan.
Ano-ano ang nadaraanan niya papunta sa
kaniyang paaralan?
Pananda:
Bahay ni Mimi
Bahay ng mga
kaklase ni Mimi
Simbahan
Puno
168
Gawain 5
Gumawa ng mapa sa loob ng kahon na
nagpapakita ng lokasyon ng inyong bahay at
paaralan. Tiyaking maiguhit din ang mga nakikita sa
dinaraanan mo papunta sa paaralan. Maglagay ng
pananda. Gawing makulay ang iyong gawain.
169
Tingnan ang ginawa mong mapa. Magpatulong sa
magulang o guro at sagutin ang mga sumusunod:
Saan matatagpuan ang iyong paaralan, sa kaliwa o
kanan ng inyong bahay?
Ano ang nasa harap at likuran ng iyong paaralan?
Malayo ba ang iyong bahay sa iyong paaralan?
Bakit mo nasabi ito?
Madali bang puntahan ang iyong paaralan?
Tandaan:
Nakatutulong ang mapa upang
malaman mo ang daan patungo
sa iyong mga
pinupuntahan. May iba’t ibang paraan ng
pagpunta mula sa isang lugar patungo sa iba
pang lokasyon.
170
Aralin 2: Ang Pag-uugnayan at
Pagtutulungan ng Aking Pamilya at
Paaralan
Panimula
171
Aralin 2.1: Ang Ugnayan ng Aking Pamilya
at Paaralan
Pag-isipan
Bakit mahalagang magkaroon ng
ugnayan ang aking pamilya at
paaralan?
Gawain 1
Pagmasdan ang dalawang larawan ng isang
paaralan sa ibaba. Aling paaralan ang nais mong
pasukan? Ipaliwanag sa iyong mga kaklase ang
iyong sagot.
172
Gawain 2
Basahin ang sumusunod na sitwasyon at piliin ang
maaring mangyari. Isulat ang napiling pangungusap
sa iyong kwaderno.
1. Sa aming paaralan, bago mag-umpisa ang
klase…
a. Ang paligid ng aming paaralan ay malinis.
b. Ang paligid ng aming paaralan ay marumi.
173
2. Nagpupulong ang mga mag-aaral upang
mapanatiling malinis ang paaralan.
a. Alam ng mga mag-aaral ang tamang
pagtapon ng basura.
b. Ang mga mag-aaral ay nagtatapon ng
basura kahit saan.
3. Naglalaro ang mga mag-aaral sa mga
halamanan ng paaralan.
a. Wala nang makikitang halamanan ang
paaralan.
b. Namumulaklak at malulusog ang mga
halaman sa halamanan ng paaralan.
Oo, para
mabawasan ang
kalat sa paaralan.
Mainam kung
magkaroon tayo ng
basurahan para sa
iba’t ibang uri ng
basura.
174
Gawain 3
Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang
pagpapanatili ng kalinisan ng paaralan?
Alin ang mga larawan na ginagawa ng kasapi ng
paaralan na nagpapakita ng pagpapanatili ng
kalinisan ng kapaligiran? Tukuyin ang mga ito at
sabihin sa mga kaklase.
175
Gawain 4
Pag-usapan ang mga pagkakataon na nagkaroon
ng sama-samang gawain ang mga kasapi ng iyong
paaralan sa pagpapanatili ng kalinisan sa inyong
kapaligiran. Paano ito nakapagpapaganda ng
inyong kapaligiran?
Tandaan:
Maraming paraan ng pagpapanatili
ng kalinisan ng paaralan. Mahalaga
ang mga gawaing tumutulong sa
pagpapanatili ng kalinisan ng bawat
isang mag-aaral.
176
Aralin 2.2: Ang Aking Pagpapahalaga sa
Mabuting Ugnayan ng Aking Pamilya at
Paaralan
Pag-isipan
Paano mo maipakikita ang iyong
pagpapahalaga sa mabuting ugnayan
ng iyong pamilya at paaralan?
Gawain 1
Suriin ang iba’t ibang sitwasyon sa ibaba at iguhit
ang iyong pakiramdam sa bawat pangyayari. Isulat
ang iyong sagot sa iyong kwaderno o isang papel.
1.
2.
3. 4.
177
Gawain 2
Pagmasdan at suriin ang mga larawan sa loob ng
kahon. Iguhit sa pinakahuling kahon ang maaaring
mangyari sa bawat sitwasyon.
1.
2.
3.
178
Gawain 3
Bilang isang mag-aaral, magsulat ng tatlong maaari
mong gawin upang mapabuti pa ang ugnayan ng
iyong pamilya at paaralan?
1._________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
2._________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
3._________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
Tandaan:
Nakatutulong sa iyo ang
mabuting ugnayan ng iyong
pamilya at paaralan.
Mahalagang gampanan mo ang iyong
bahagi sa pagpapatatag at pagpapabuti
ng ugnayang ito.
179
Ang Aking mga Nagawa at Natutuhan
Panuto. Makinig sa babasahin ng guro.
Lagyan ng tsek(√ ) ang angkop na kahon sa iyong
sagot.
Nagamit ko ang mga kasanayang ito:
1. Nasunod ko ang mga panuto.
2. Nagamit ko ang aking mga
kasanayan sa sining.
3. Nakapaghambing ako ng iba’t
ibang bagay.
4. Nagbahagi ako ng aking
kuwento sa aking kamag-aral.
5. Tumulong ako sa pangkatang
gawain.
6. Nakinig ako sa kuwento ng aking
guro.
7. Nakinig ako sa kuwento ng aking
kamag-aral.
8. Nasuri ko ang iba’t ibang bagay
9. Nakapag-isip ako ng maaaring
sumunod na mangyayari sa isang
sitwasyon.
Mag-aaral Guro
180
Nagawa ko ang mga bagay na ito:
1. Naikumpara ko ang distansiyang
malayo at malapit.
2. Natukoy ko ang direksiyong
kaliwa, kanan, harap at likod.
3. Nakaguhit ako ng iba’t ibang
larawan.
4. Nakagawa ako ng mapa.
5. Naitala ko ang mga dahilan ng
ugnayan ng pamilya at paaralan.
10. Napahalagahan ko ang
ugnayan ng aking pamilya at
paaralan.
11. Nasabi ko ang iba’t ibang
pagkakataon na nagkaroon ng
ugnayan ang aking pamilya at
paaralan.
12. Natukoy ko ang iba’t ibang
gawaing nagtutulungan ang
aking pamilya at paaralan.
Mag-aaral Guro
Mag-aaral Guro
181
Naipahahayag ko ang mga ito:
1. Natutuhan ko ang batayang
konsepto ng distansiya at direksiyon.
2. Natutuhan ko ang batayang
konsepto ng distansiya at direksiyon.
3. Natutuhan ko ang iba’t ibang
gawaing nagkakaroon ng ugnayan
ang aking pamilya at paaralan.
4. Natutuhan ko ang bahaging dapat
kong gampanan upang mapatatag
ang mabuting ugnayan g aking
pamilya at paaralan.
5. Natutuhan kong pahalagahan ang
mabuting ugnayan ng aking pamilya
at paaralan.
Komento ng iyong guro:
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________.
Mag-aaral Guro