K to 12 Grade 3 FILIPINO NAT (National Achievement Test) Reviewer
1. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ⓒ 2015 LiGhT | All Rights Reserved. | For Personal Use Only. www.slideshare.net
NAT REVIEWER FILIPINO GRAMMAR
Bilang 1-8: Bilugan ang tamang sagot.
1. Pauwi ng probinsya sa Quezon ang mga mag- anak na Santos. Habang nasa daan, masaya nilang
pinapanood ang mga ________ na punong mangga.
A. matitigas B. matataas C. madadahon D. mabubulaklak
2. Paliku- liko ang daan sa Quezon at ____ ang mga bangin kaya buong- ingat magmaneho ang drayber ng bus.
A. matatarik B. mapuputik C. malulumot D. madadamo
3. Pupuntahan nila ang bahay ng kanilang lolo na nakatira malapit sa dagat. Binabalak nilang sa susunod
na araw, sila ay ____ rito.
A. naligo B. naliligo C. maligo D. maliligo
4. Habang _____ sila ng bus napansin nila na maraming gayak ang mga kalsada. Piyestang bayan pala!
A. bumababa B. bumaba C. bababa D. baba
5. Dahil matagumpay ang pagdiriwang ng piyesta, ang Mayor ay nangakong __________ ng malaking parangal
para sa natatanging mamamayan ng lalawigan sa susunod na taon.
A. nagbibigay B. magbibigay C. nagbigay D. magbigay
6. Ang Mayo ay buwan ng kapistahan sa __________ lugar n gating bansa. ipagdiriwang ito halos sa lahat
ng panig ng Pilipinas.
A. mataong B. malaking C. maraming D. mayayamang
7. Sa bawat kalsada, mapapansin na nakasabit ang mga __________ na banderitas. May pula, dilaw at asul.
A. mabituin B. malalapad C. maluluho D. makukulay
8. Tuwing piyesta, pawang mga espesyal na pagkain ang inihahanda kaya ganadong kumain ang mga bisita.
Kapag ganadong kumain ang bisita, nangangahulugan na siya ay __________.
A. mabilis kumain C. nasisiyahang kumain
B. mapili sa pagkain D. napakalinis sa pagkain
Bilang 9-10: Piliin ang titik na nagsasaad ng pariralang pang- abay sa bawat pangungusap.
9. Ang mga bisita ay buong galak na inaasikaso. Sila ay may bitbit pa na pasalubong sa kanilang pag- uwi.
A B C D
10. Kaya naman kahit pagod, sobrang kasiyahan ang aking nadarama pag- araw ng piyesta sa aming lugar.
A B C D
11. Napadaan sa isang bundok ang mag- amang Roy at Andy nang makakita sila ng isang punong mangga
na hitik sa maliliit na bunga. Pumitas sila ng ilang bunga at pilit itong kinain kahit na __________ pa.
A. maasim B. mapait C. matamis D. mapakla
12. Humahawak sila sa baging dahil ________ ang lugar na kanilang dinadaanan.
A. maputik B. matayog C. malawak D. matarik
13. Biglang may sumulpot na malaking ahas at anyong __________ ang bata.
A. susugurin b. lalapitan c. tutuklawin d. titigilan
14. Dahan- dahan pa itong __________ nang papalayo nang tagain ito ni Mang Roy.
A. ginapangan b. gumagapang c. gagapang d. gumapang
15. Sa Linggo ay __________ kami sa Lucban, Quezon upang masaksihan naman ang Pahiyas.
A. pupuntahan b. puntahan c. pumunta d. pupunta
16. Sa mga bintana ng mga tahanan, may mga __________ dekorasyon ng mga pabitin.
A. magagarang b. mapupulang c. makikintab na d. maliliit na
17. May iba’t-ibang hugis at __________ ang mga pabitin.
A. matitibay b. matitimyas c. makukulay d. mababango
18. Kahit matanda na si Inay, mababakas pa rin ang kanyang alindog.
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
2. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ⓒ 2015 LiGhT | All Rights Reserved. | For Personal Use Only. www.slideshare.net
A. kagandahan b. katalinuhan c. kasipagan d. kabaitan
19. Ang pamilya ni Ana ay masayang naghanda ng baong pagkain at damit na panligo sa ilog.
Alin ang pariralang pang- abay sa pangungusap?
A. masayang naghanda C. pamilya ni Ana
B. damit na panligo D. baong pagkain
20. Masayang umuwi ang mag- anak kahit pagod na pagod sila sa maghapon.
Alin ang pariralang pang- abay sa pangungusap?
A. sa maghapon B. ang mag- anak C. pagod na pagod D. masayang umuwi
21. May laro ng basketbol ang team nina Alvin bukas. Kakailanganin niya ng isang ___bag upang madala
niya ang maraming gamit tulad ng uniporme, rubber shoes, tuwalya at pamalit na t- shirt.
A. malaking B. maliit na C. magarang D. makulay na
22. Gaganapin ang laro sa St. Mary’s School na mayroong __________ na palaruan kaya lahat ng palaro
ay maisasagawa dito.
A. masikap B. malawak C. mabato D. makitid
23. Ang koponang magwawagi ang siyang __________ sa pangdibisyong delegasyon ng manlalaro sa
rehiyong paligsahan.
A. pinapadala B. ipinadala C. ipapadala D. dinadala
24. Tinawag ang grupo nina Alvin at James. Sila ang unang __________ ng basketbol ngayon.
A. naglaro B. maglaro C. maglalaro D. naglalaro
25. Masasarap na pagkain ang __________ ni Aling Loleng para sa kanilang piyesta sa darating na Linggo.
A. magluluto B. lulutuin C. nagluluto D. lutuin
26. Ang aming lugar ay ________dahil sa ang bawat bahay ay bagong pintura at halos lahat ay bago rin
ang mga kurtina.
A. maganda B. mabango C. malinis D. malaki
27. Ang mga karosa ng mga santo at santa ay napapalamutian ng __________ bulaklak.
A. malalaking B. maliliit na C. mababangong D. matitinik na
28. Buong sigla at galak ang nadama ng buong pamilya ng matapos ang parade.
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. pagod B. husay C. lakas D. saya
29. Ang pamilya Santos ay masayang bumalik ng Maynila pagkatapos ng Linggong bakasyon.
Alin ang pariralang pang-abay?
A. masayang bumalik C. isang linggong bakasyon
B. bumalik ng Maynila D. pagkatapos ng isang lingo
30. Sa Maynila, masayang inihain nila sa mesa ang mga pagkaing pabaon sa kanila.
Alin ang pariralang pang- abay sa pangungusap?
A. pagkaing pabaon C. pabaon sa kanila
B. masayang inihain D. inihain sa mesa
31. Humanga ang lahat sa kulay ginto at __________ na binhi ng palay.
A. mapipino B. matutulis C. mabibilog D. mapipintog
32. Malulusog ang mga uhay ng palay dahil sa may patubig at __________ ang kanilang bukid.
A. malagkit B. malawak C. mayabong D. masagana
33. Sa susunod na buwan ang mga magsasaka ay __________ ng maraming palay.
A. aani B. umani C. umaani D. aanihin
34. Ang Nanay ay __________ ngayon ng tanghalian na dadalhin sa bukid.
A. nagluto B. magluto C. nagluluto D. magluluto
35. Si Kuya Bimbo ay __________ sa paligsahan na pag- awit sa darating na Linggo.
A. lumalahok B. lalahukan C. lumahok D. lalahok
36. Idaraos ang paligsahan sa isang __________ bulwagan upang maraming tao ang makapasok at
3. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ⓒ 2015 LiGhT | All Rights Reserved. | For Personal Use Only. www.slideshare.net
makapanood.
A. malaking B. malapit na C. mahabang D. malapad na
37. Pawang makukulay at ____________ ang kasuotan ng bawat kasali.
A. maluluwang B. magagara C. mapuputi D. malalaki
38. Masayang tumugon ang guro sa tanong ng mga magulang ng mga mag- aaral.
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. tumawa b. lumapit c. sumagot d. lumingon
39. Nakatulog ng matagal ang lahat dahil napagod sila.
Alin ang pariralang pang- abay sa pangungusap?
A. ang lahat B. napagod sila C. nang matagal D. nakatulog nang
40. Natakot ng lubha ang mga tao sa mabilis na pagbaha.
Alin ang pariralang pang- abay sa pangungusap?
41. __________ ang regalong dala- dala ni Daryl para kay Mae sa nalalapit nitong kaarawan.
A. makulay B. malasa C. maselan D. matulis
42. Gaganapin ang pagdiriwang ng kaarawan ni Mae sa kanilang ____ na hardin.
A. makipot B. madawag C. malawak D. makulay
43. Ako ay ___________ bukas ng aking isasayaw para sa programa sa kaarawan ni Mae.
A. nag-ensayo B. eensayo C. nag- eensayo D. mag- eensayo
44. Ang aking kasama sa pagsayaw ay kasalukuyang __________ ng tugtuging pangsayaw.
A. pumipili B. pipili C. pumili D. pinili
45. Ang iba pang bahagi ng programa ay _________ pa lang bukas.
A. ilista B. ililista C. inilista D. inililista
46. Ang ating bansa ay mayroon din mga ___________ na bundok na tulad ng Mt. Everest.
A. matatayog B. maliliit C. matataas D. malalawak
47. Maaaring matagpuan sa ating mga kabunduakan ang mga __________ na ginto at iba pang metal.
A. kumukutikutitap B. mabibigat C. maliliit D. kumikinang
48. Ang kaparehong kahulugan ng salitang matatagpuan ay __________.
A. makikita B. mapupuntahan C. masisilip D. matatapakan
Para sa Bilang 9-10, piliin sa pangungusap ang pariralang pang- abay. Isulat ang titik ng sagot.
49. Mabilis na tumakbo ang mga bata palayo sa humahabol na aso.
A B C D
50. Nang mailigaw ang aso, masayang umuwi ang mga bata sa kani- kanilang tahanan.
A B C D