Ang presentasyong ito ay naglalaman ng mga aralin tungkol sa pagsusuri ng ponolohikal na kaanyuan ng wika. Itinatampok dito ang mga kategorya ng ponemang Filipino, kahulugan ng bawat mahahalagang termino ng paksa, paraan ng pagbigkas ng tunog ng mga ponema, ang ponemang patinig at katinig, at ang mga uri ng ponemang segmental at suprasegmental.
1. Inihanda ni:
DONNA G. DELGADO-OLIVERIO,MATF
Father Saturnino Urios University
Butuan City
PONOLOHIYA
2. ● PONOLOHIYA – ang tawag sa
makaagham na pag-aaral ng mga
makabuluhang tunog ng isang salita na
bumubuo sa isang wika.
● PONEMA – ang tawag sa pinakamaliit
na makabuluhang tunog ng isang salita
na bumubuo sa isang wika.
MGA DEPINISYON:
4. Mga Kategorya ng Ponemang
Filipino
I. MGA PONEMANG SEGMENTAL
- hango ito sa Phoneme sa Ingles. Kinukulong natin ng dalawang guhit na pahilis / /
na simbolong kumakatawan sa bawat ponemang banggitin natin dito upang maipaiba ang anyo
nito sa mga karaniwang letrang ginagamit sa palabaybayan. Sinasabing makabuluhan ang isang
tunog kapag nag-iba ang kahulugan ng salitang kinasasamahan nito sa sandaling ito’y alisin o
palitan.
Ang salitang bansâ - nation, halimbawa, ay mag-iiba ng kahulugan kapag inalis o
pinalitan ang /s/ - [ bana ]- husband at kung ito naman ay papalitan ng ponemang
/ l / - [ bantâ ] – threat. Samakatwid, ang /s/ ay isang makabuluhang tunog sa Filipino. Ang
isang makabuluhang tunog sa Filipino ay tatawagin nating ponemang segmental o ponema.
5. Ang Filipino ay may 21 ponema – labing-anim
(16) sa mga ito ay katinig at lima (5) naman
ang patinig.
KATINIG
/ p /, / t /, / k / , / ʔ /, / b
/, /d/, /g/, /m/, /n/, /s/,
/l/, /r/, /w/, /h/, /ŋ /
PATINIG
/a/, /e/, /i/,
/o/, /u/
WALONG (8)
HIRAM NA TITIK
/v/, /f/, /q/, /c/,
/j/, /z/, /ñ/, /x/
01
02
03
7. A. MGA PONEMANG KATINIG
- ang mga katinig sa Filipino ay mainaayos ayon
sa punto at paraan ng artikulasyon at kung ang mga ito
ay binibigkas nang may tinig (m.t) o walang tinig (w.t).
Ang /ʔ/ ay tinatawag na impit na tunog ay nalikha sa
pamamagitan ng pagsasara sa glottis at ang katawagan
nito ay nakabatay sa Matandang Balarila (BALARILA NG
WIKANG PAMBANSA). Bukod pa dito, ang glottal na
pasutsot /h/ naman ay nalilikha sa pamamagitan ng
bahagyang nakabukas na glottis.
8. ANG TSART NG PONEMANG KATINIG SA FILIPINO
PARAAN
NG ARTIKULASYON
PUNTO NG ARTIKULASYON
PANLABI PANGNGIPIN PANGGILAGID
PANGNGALANGALA
GLOTTAL
PALATAL VELAR
Pasara
w.t
m.t
/p/
/b/
/t/
/d/
/k/
/g/
/ʔ/
Pailong
m.t. /m/ /n/ / ŋ /
Pasutsot
w.t /s/ /h/
Pagilid
m.t /l/
Pakatal
m.t /r/
Malapatinig
m.t /y/ /w/
9. *** Ang / ŋ / ay katumbas ng “ng”
sa ating alpabeto na bagamat
binubuo ng dalawang letra ay
sumasagisag lamang ng isang
makahulugang tunog.
Sa punto ng artikulasyon ay
inilalarawan kung saang bahagi
ng bibig nagaganap ang saglit na
pagpigil o pag-abala sa papalabas
na hangin sa pagbigkas ng isang
katinig. Mailalarawan ang mga
katinig ng Filipino sa
pamamagitan ng limang punto
ng artikulasyon, tulad ng
sumusunod:
10. PANLABI
-ang ibabang labi ay
dumidiit sa labing itaas.
/p, b, m/
GLOTTAL
- ang mga babagtingang pantinig ay
nagdidiit o naglalapit at hinaharang o inaabala ang
presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng
paimpit o pasutsot na tunog. /ʔ, h / Kung ang / ʔ/ ay
nasa pusisyong pinal ng nag-iisang salita o kaya’y ng
pangungusap, ang presyon ng papalabas na hangin
ay biglang pinipigil upang lumikha ng paimpit na
tunog.
PANGNGIPIN
- Ang dulo ng dila ay
dumidiit sa loob ng mga
ngiping itaas. /t, d, n/
- Ang ibabaw ng punong
dila ay dumidiit sa velum o
malambot na bahagi ng
ngalangala. /k, g, ŋ /
11. Sa punto ng artikulasyon,
naman ay inilalarawan kung
papaanong gumagana ang
ginagamit na mga sangkap sa
pagsasalita at kung paanong ang
hininga ay lumalabas sa bibig o sa
ilong sa pagbigkas ng alinman sa
mga ponemang katinig. Ito ay
mapapangkat sa anim, gaya ng
mga sumusunod:
12. - ang hangin na nahaharang
dahil sa pagtikom ng mga
labi, pagtukod ng dulong dila
sa itaas ng mga ngipin, o
kakay’y dahil sa pagbaba ng
velum o malambot na
ngalangala ay hindi sa bibig
kungdi sa ilong lumalabas.
/m, n, ŋ /
PAKATAL
- ang hangin ay ilang ulit na hinaharang
at pinababayaang lumabas sa
pamamagitan ng ilang beses na
pagpalag ng dulo ng nakaarkong dila. /r/
PASUTSOT
- ang hanging lumalabas
ay nagdaraan sa makipot
na pagitan ng dila at ng
ngalangala o kaya’y ng
mga babagtingang
pantinig. /s, h/
- ang hangin ay lumalabas
sa mga gilid ng dila
sapagkat ang dulong dila
ay nakadiit sa
punonggilagid. /l/
PAGILID
13. B. MGA PONEMANG PATINIG – ang mga patinig ng Filipino ay maiaayos
din sa tsart ayon naman sa kung aling bahagi ng dila
ang gumagana sa pagbigkas ng isang patinig – unahan,
sentral, likod, - at kung ano ang pusisyon ng nasabing
bahagi sa pagbigkas --- mataas, nasa gitna o mababa.
POSISYON NG
DILA
BAHAGI NG DILA
Harap Sentral Likod
Mataas
/ i / /u/
Gitna
/ e / /o/
Mababa
/a/
TSART NG PONEMANG PATINIG NG FILIPINO
14. Ang /i/, halimbawa, ay
tinatawag na mataas-harap
sapagkat kapag binibigkas ito, ang
harap na bahagi ng dila ang
gumagana na karaniwa’y
umaarko nang pataas.
***********
15. MGA SANGGUNIANG:
01
Almario, Virgilio S. 2014.
Ortograpiyang Pambansa. Manila
City: Komisyon sa Wikang Filipino.
Santiago, Alfonso O. at Tiangco,
Norma G. 2003. Makabagong
Balarilang Filipino, Binagong
Edisyon.Manila: Rex Book Store,
Inc.
Santiago, Alfonso O. 1979.
Panimulang Linggwistika. Quezon
City: Rex Book Store.
Ugot, Irma V. 2005. Batayang
Linggwistika. Cebu City: University
of San Carlos
02
03
16. CREDITS: This presentation template was
created by Slidesgo, including icons by Flaticon,
and infographics & images by Freepik.
MARAMING
SALAMAT!!!!!
Please keep this slide for attribution.