Makabagong Gramar ng Filipino. Sa pagsasalita, kailangan ng tatlong salik: Ang pinagbubuhatan ng enerhiya; Ang artikulador; at Ang resonador Ang interaksyon ng tatlong salik na ito ang lumilikha ng along ng mga tunog. Ang hangin naman ang nagiging midyum ng mga alon ng mga tunog upang marinig ang mga ito. An presyon o puwersang nilikha ng papalabas na hiningang galing sa baga ang siyang enerhiyang buhat sa babagtingang pantinig na nagpapagalaw sa artikulador. Nababago naman ang tunog dahil sa bibig na siyang resonador. Nasa bibig ang apat na bahaging mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog: Dila at panga, Ngipin at labi, Matigas na ngalangala, at Malambot na ngalangala Nagkakaroon ng pagbabagu-bago ng hugis at laki ang guwang sa loob ng bibig sa malayang iginagalaw ang panga at dila. Maaaring mapahaba, mapaikli, mapalapad, mapapalag ang dila na maitutukod sa ngipin o sa ngalangala, maaari ring iarko ayon sa gustong bigkasin. Nabibigkas ang mga patinig sa pagtaas at pagbaba ng harap, sentral o likod na bahagi ng dila kasama ng pagbabagu-bago ng hugis ng bibig, kasama na ang mga labi na dinarama ng tinig. Nag-iiba naman ang mga tunog ng mga katinig batay sa: Punto ng artikulasyon, Paraan ng artikulasyon, at Pagkakaroon o di-pagkakaroon ng tinig Tinatawag na punto ng artikulasyon ang bahaging pinakamaliit na guwang para makalusot ang hangin o di makalabas ang hangin. Anim ang punto ng artikulasyon: Labyal o panlabi na nangangahulugan ng paglalapat ng mga labi, Dental o pagngipin na nangangahulugan ng pagdidiit ng dulo ng dila at likod ng ngipin, Palatal o pangngalangala o pagdidiit ng gitnang bahagi ng dila at ng ngalangala, Velar o pagdidiit ng likod ng dila at ng velum, Glotal o impit na pagdidiit ng mga babagtingan, at Panlalamunan o larindyal/laryngeal. Pamamaraan ng artikulasyon ang tawag sa paraan ng paglabas ng hangin. Maaaring mahati sa: Pasara o istap o pabuga ang paglabas ng hangin kapag nasasarhan o napipigil ang paglabas ng hangin, Pailong o nasal kapag lumalabas sa ilong ang hangin, 3. Pasutsot o fricative kapag lumalabas ang hangin sa makitid na daanan sa pagitan ang artikulador at punto ng artikulasyon. 4. Pagilid o lateral kapag lumalabas ang hangin sa magkabilang tabi ng dila tungo sa sentro ng dila na siyang pumipigil dito, at 5. Pangatal o tril na buhat sa sunod-sunod na galaw ng dila. Maibibilang na rito ang pagkakaroon o di-pagkakaroon ng tinig ng mga katinig. May tinig kapag gumagalaw ang babagtingan kaya lumalabas ang tunog at walang tinig kung hindi gumagalaw ang babagtinga.