2. ang ponolohiya ay nagmula sa
salitang griyego na “phono” na
nangangahulugang tunog o tinig
at “logia” o diskurso, teorya o
siyentipiko.
ito ay ang pag aaral sa mga
makabuluhang tunog ng wika o
ponema.
ANO ANG
PONOLOHIYA?
3. ito ay mula sa matandang salitang
Griyego na “phonema” o “phone”
na ang ibig sabihin ay tunog.
ang ponema ay kinakatawan ng
mga titik ng alpabeto, gayundin
ng mga marka o pananda na
gumagabay sa mambabasa upang
mabigkas nang wasto ang tunog,
salita o pangungusap.
PONEMA
4. Ito ay ang pag aaral sa mga tunog
na katumbas ng mga titik o letra
para ito ay mabasa o mabigkas.
Patinig, katinig, diptonggo, at
klaster ang bumubuo sa mga
ponemang segmental.
PONEMANG SEGMENTAL
5. Enerhiya- ito ang gumagawa ng puwersa o
presyon na nagpapalabas ng hangin na galing sa
baga.
Artikulador- nagpapagalaw sa hangin na
lumilikha ng tunog.
Resonador- ang sumasala at nagmomodopika ng
mga tunog patungong bibig.
TATLONG SALIK SA PAGSASALITA
7. PONEMANG PATINIG
May mga salitang nagkakapalit ang
ponemang /u/ at /o/, pati ang /l/ at /e/
ngunit hindi nagbabago ang kahulugan ng
salita.
Halimbawa:
babae - babai kalapati - kalapate
lalaki - lalake noon-nuon
8. PONEMANG PATINIG
Mayroon din namang mga salitang itinuturing
na hiwalay na ponemanang /u/, /o/, /i/, at /e/
dahil nagbibigay ito ng magkaibang
kahulugan at hindi maaaring palitan.
Halimbawa:
uso - modern mesa - table
oso - bear misa - mass
9.
10. PONEMANG KATINIG
PASARA- ang daanan ng hangin ng hangin ay
harang na harang /p, b/.
PAILONG- ang hangin na nahaharang dahil sa
pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulong
dila sa itaas ng mga ngipin, o kakay'y dahil sa
pagbaba ng velum malambot na ngalangala
ay hindi sa bibig kungdi sa ilong lumalabas.
/m, n, n/
11. PASUTSOT- ang hanging lumalabas ay
nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila at ng
ngalangala o kaya'y ng mga babagtingang
pantinig. /s, h/
PAGILID- ang hangin ay lumalabas sa mga gilid
ng dila sapagkat ang dulong dila ay nakadiit
punonggilagid. /l/
PAKATAL- ang hangin ay ilang ulit na hinaharang
at pinababayaang lumabas sa pamamagitan ng
ilang beses na pagpalag ng dulo ng nakaarkong
dila. /r/
13. DIPTONGGO
Ang salitang “diptonggo” ay
nagmula sa salitang Griyego na
“diphthongos,” na
nangangahulugang “dalawang
tunog.”
Kung gayon, tumutukoy ito sa mga
pantig na nagtataglay ng /ay/, /aw/,
/ey/, /ew/, /iy/, /iw/, /oy/, /ow/,
/uy/, at /uw/.
14. DIPTONGGO
Diptonggo rin ang tawag sa
magkasunod na patinig sa isang
pantig.
Halimbawa:
piano cuento
tiempo buitre
guapo suerte
15. KLASTER
Ang Kambal katinig o klaster ay
mga salitang mayroong magkadikit
o kabit na dalawang magkaibang
katinig na matatagpuan lamang sa
iisang pantig.
17. May tuntuning sinusunod ang bawat
wika upang makabuo ng pantig. Ang
pantig o grupo ng mga pantig ang
nagiging salita. Ayon sa Gabay sa
Ortograpikong Filipino, ang pantig ay
isang saltik ng dila o walang antalang
bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita.
PALAPANTIGANG
FILIPINO
18. Madaling makilala ang pantig ng
filipino lalo’t batid kung paano binubuo
ang kumbinasyon ng mga tunog sa
kinatawan ng mga letra sa loob ng
pantig. Tinutukoy ang kumbinasyon ng
mga letra sa pag sasama-sama ng
katinig at patinig batay sa
sistematikong ayos o kayarian.
19. Ang NG ay tutukuyin bilang isang letra
lamang sapagkat kumakatawan ito sa
tunog na /n/. Ang tunog na ito ay iba sa
tunog ng mga tunog ng /n/ at /g/.
Halimbawa:
Unang Pantig Gitnang Pantig
• nga-lan •pa-nga-nay
•ngi-ti •pa-ngu-lo
Huling Pantig
•sa-ging
•ma-ga-ling
20. • P - pantig na binubuo ng patinig
lamang, kaya't tinatawag na payak.
Halimbawa:
o-o, a-ko, i-kaw
• KP - pantig na binubuo ng patinig na
may tambal na katinig sa unahan, kaya't
tinatawag na tambal-una.
Halimbawa:
ba-ba-e, su-ma-yaw, lu-to
SIYAM (9) NA KAYARIAN NG
PANTIG
21. • PK - pantig na binubuo ng patinig na
may tambal na katinig sa hulihan, kaya't
tinatawag na tambal-huli.
Halimbawa:
ok-ra, is-da, ma-is
• KPK - pantig na binubuo ng patinig na
may tambal na katinig sa unahan at
hulihan, kaya't tinatawag na kabilaan.
Halimbawa:
su-lat, bun-dok
22. • KKP - pantig na binubuo ng patinig na
may tambal na klaster sa unahan.
Halimbawa:
tse-ke, dra-ku-la, blu-sa
• PKK - pantig na binubuo ng patinig na
may tambal na klaster sa hulihan.
Halimbawa:
blo-awt, eks-tra
23. • KKPK - pantig na binubuo ng patinig na
may tambal na klaster sa unahan at
katinig sa hulihan.
Halimbawa:
plan-tsa, trum-pe-ta, trak.
• KKPKK - pantig na binubuo ng patinig
na may tambal na klaster sa unahan at
sa hulihan.
Halimbawa:
trans-por-ta-syon, tsart
24. • KKPKKK - pantig na binubuo ng
tambal-katinig sa unahan, isang patinig
at tatlong magkasunod na katinig sa
hulihan.
Halimbawa:
short
25. ANG MGA PANTIG NG SALITA
Maaaring magkaroon ng isa, dalawa,
tatlo, apat o higit pang pantig.
26. Ito ay ang mga tunog na binibigkas
kaalinsabay ng mga kataga, salita,
parirala, at pangungusap at nagbibigay
ng mga dagdag na kahulugan o ideya sa
mga ito. Ang puwersang binubuga
upang mabigyan ng diin, haba o ikli,
paglalapat ng tono, paghinto, pahinga
at maging ang lakas at hina ng tinig sa
pagsasalita.
PONEMANG
SUPRASEGMENTAL
27. Tumutukoy sa pwersang ibinubuga ng
mambibigkas sa mga patinig ng salita.
May apat na diin ang pagbigkas ng mga
salita sa Filipino: malumanay, malumi,
mabilis, at maragasa.
DIIN
28. 1. Malumanay - binibigkas ito ng marahan
at diin sa ikalawang pantig buhat sa
hulihan. Hindi ito ginagamitan ng tuldok
at maaari itong magtapos sa patinig o
katinig.
2. Malumi - binibigkas ito tulad nang
malumanay. Ang ipinagkaiba lamang,
may impit sa dulo ang mg salitang
malumi. Lagi itong nagtatapos sa patinig.
Gumagamit ito ng tuldok na paiwa (‘).
29. 3. Mabilis- binibigkas ito ng tuloy - tuloy,
ang diin ay nasa huling pantig.
Nagtatapos ang salitang mabilis sa
katinig at patinig. Gumagamit ito ng
tuldok na pahilis.
4. Maragasa- binibigkas ito tulad ng
mabilis. Ang ipinagkaiba lamang ay may
impit sa dulo ang mga salitang maragasa.
Lagi itong nagtatapos sa patinig.
Gumagamit ito ng tuldok na pakopya (^).
30. Tumutukoy ang tono sa tindi, lumanay o
pwersa ng pagbigkas. Ang lakas o hina
ay bahagi rin nito. Mababatid sa
pamamagitan nito kung galit, masaya o
may pag aagam-agam o hindi kaya’y
may nais bigyang higit pagpapahalaga
nag mananalita.
TONO
31. Tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng
tinig sa pagsasalita. Ipinahihiwatig ng
intonasyon ang ilan sa sumusunod na
kaisipan: pagtatanong at pag-
aalinlangan, gayon din ang papasidhing
damdamin, kung ang himig ay
papataas;
INTONASYON
32. Pagpapakita ng tiyak na pagsang-ayon
o pagtutol, pagwawakas sa talumpati, o
kaya ay ang paglalahad ng mga paktwal
na kaisipan kung ang intonasyon ay
pababa.
Halimbawa:
Intonasyong pataas
Intonasyong pababa
Intonasyon pataas-pababa