Ang araling ito ay naglalaman ng paksa tungkol sa pagsasalita. Tinatampok dito ang pagtalakay sa paraan at punto ng pagsasalita ng isang tao gamit ang isang wika. Bukod pa dito, pinapakita dito ang bahagi ng bibig at kung paano dumadaloy ang hangin na mula sa baga upang makabuo ng tunog na kumakatawan sa bawat titik.
2. Huling Paalam
Jose Rizal, Ulitimo Adios-1896
salin ni Rufino Alejandro
Paalam, Bayan kong kasuyo ng araw,
Pumanaw na Edeng mutya ng Silangan,
Malugod kong hain yaring abang buhay;
At kung naging lalong sariwa’t
maringal,
Iaalay ko rin, matubos ka lamang.
3. - Ang tawag sa agham ng wika
kung paano nagsasalita ang
isang tao
PONEMIKA
4. 01.
Ang pagsasalita ay napag-
aaralan ng ponetika sa tatlong
pananaw o paraan:
02.
ARTICULATORY
- ito’y paglalarawan sa mga
sangkap ng pananalita sa
pagbigkas ng tunog.
03.AUDITORY
- ito’y paglalarawan sa mga
naririnig na alon ng mga
tunog.
ACOUSTIC
PHONETICS
- ito’y paglalarawan sa mga
alon ng tunog na nalilikha sa
pagsasalita.
5. Tatlong Salik ang kailangan upang makapagsalita ang tao:
ANG PINANGGAGALINGAN NG LAKAS O ENERHIYA – ang gumagawa ng puwersa o
presyon na nagpapalabas ng hininga mula sa baga.
ANG KUMAKATAL NA BAGAY O ARTIKULADOR – ang hiningang mula sa baga ang
nagpapagalaw sa mga babagtingang pantinig.
ANG PATUNUGAN O RESONADOR – minomodipika ng bibig na mula sa artikulador
ang gumaganap bilang patunugan. Ang bibig at guwang ng ilong ay
itinuturing na resonador.
6. ANG PRINSIPAL NA SANGKAP NG PANANALITA
- Nasa bibig ang apat na bahaging
mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog: 1.
dila at panga, 2 ngipin at labi, 3. matigas
na ngalangala at 4. malambot na
ngalangala.
ULO NI OSCAR
- Nagkakaroon ng pagbabagu-bago ng hugis at
laki ang guwang sa loob ng bibig dahil sa
malayang iginagalaw ang panga at dila. Maaarig
pampahaba, mapaikli, mapapalapad, mapapalag
ang dila na maitutukod sa ngipin o sa ngalangala,
maaari ring iarko ayon sa gustong bigkasin.
7. Ang dalas ng pagpalag ng
mga kwerdas pantinig ay
nakokontrol sa pamamagitan ng
pag-iiba-iba ng tension ng mga ito.
Sa ganitong paraan nakokontrol ng
isang nagsasalita ang pagtaas at
pagbaba, paglaki o pagliit ng kanyang
tinig. Sa ibang salita, nababago ang
tono ng ating tinig sa pamamagitan
ng pagbabago sa dalas ng pagpalag
ng ating mga kwerdas pantinig.
8. Ang pinagmulan ng enerhiyang kailangan sa pagsasalita ay ang presyon ng
palabas na hininga.
Ang pumapalag na mga bagay ay ang dalawang kwerdas pantinig na
matatagpuan sa laringhe.
Ang hanging mula sa mga baga ay nakakaabot sa laringhe sa pamamagitan ng
pagdaraan sa Trakya
Ang laringhe ay binubuo ng kartilago o lamad.
TANDAAN!!!!
9. Ang daanan ng hangin sa pagitan ng dalawang kwerdas pantinig ay
tinatawag na glottis.
Kapag tayo’y magsasalita, ang glottis ay bahagyang bubukas at
magkakaroon ng tensyon.
Ang presyon ng palabas na hininga ang siyang nagpapalag sa mga
kwerdas pantinig.
Napapadalas o napapabagal ang pagpalag ng mga kwerdas pantinig sa
pamamagitan ng pagpapalakas o pagpapahina ng tension sa mga ito.
Kung tayo’y humihinga nang karaniwan, ang glottis ay bukas na bukas.
10. MGA PATUNUGAN
Ang mga itinuturing na patunugan ay ang bibig at ang butas
ng ilong. Ang tunog na nalilikha sa laringhe ay namomodipika sa
pagdaraan sa bibig o sa ilong. Ang bibig ay may apat na parting
mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog: sa itaas ay ang ngalangala, sa
ibaba ay ang dila, sa unahan ay ang ngipin at mga labi, at sa likod ay
ang tinatawag na uvula o ang malambot na bahagi ng ngalangala na
tatawagin natin ditong uvula na rin na tulad sa Ingles.
11. BASAHIN ITO!!
Ang dayagram na nasa gilid ay
nagpapakita ng dinaraanan ng hanging
nagbubuhat sa mga baga. Ang hanging
nagbubuhat sa mga baga ay nagdaraan muna sa
trakya. Sa dakong itaas ng Trakya ay may isang
bagay na binubuo ng mga kartilago (cartilages).
Ito ay tinatawag na mga kwerdas pantinig (vocal
cords) na siyang ang paringhe (pharynx). Ang
mga ito ang dinaraanan ng hanging mula sa mga
baga.
12. Ipinapakita sa dayagram na ito
kung ano ang istura ng mga kwerdas
pantinig. Sa gawing harap, ang mga ito
magkakabit, samantalang sa gawing likod,
ang mga ito’y magkahiwalay. Bawat isa ay
nakakabit sa naigagalaw na kartilago. Ang
kinakakabitang mga kartilago ng dalawang
kwerdas pantinig ay maaaring paglapitin,
kaya’t ang mga kwerdas pantinig ay
napaglalapit din. Ang totoo, ang dalawang
kwerdas pantinig na ito ay napagdidikit at
nagpaglalayo ayon sa uri ng tunog na
gusting bigkasin ng nagsasalita. ******
13. MGA SANGGUNIAN:
Almario, Virgilio S. 2014. Ortograpiyang
Pambansa.Manila City: Komisyon sa Wikang
Filipino.
Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G.
2003.Makabagong Balarilang Filipino,Binagong
Edisyon.Manila: Rex Book Store, Inc.
Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang
Linggwistika. Quezon City: Rex Book Store.
Igot, Irma V. 2005. Batayang Linggwistika. Cebu
City:University of San Carlos.