3. isang makabuluhang tunog.
Ito ay hango sa wikang ingles na
phonemes na nahahati sa dalawang
salitang phone (tunog) at eme
(makabuluhan).
Ano ang PONEMA?
5. PONEMANG SEGMENTAL
5 Patinig - / a, e, i, o, u/
16 Katinig - /b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y, ?/
/?/- pasara/ impit na tunig o saglit na pagpigil na
hangin
Ito ang mga tunog na ginagamitan ng mga katumbas na
letra upang mabasa at mabigkas.
/ŋ/- kumakatawan sa titik na /ng/
7. Ito ay maiayos ayon sa punto at paraan ng artikulasyon
at kung ang mga ito ay binibigkas nang may tinig (m, t)
o walang tinig (w, t).
2 Uri ng Ponemang Katinig
1. Punto ng Artikulasyon
2. Paraan ng Artikulasyon
Ponemang Katinig
8. Punto ng Artikulasyon
• saang bahagi ng bibig nagaganap ang saglit na
pagpigil o pag-abala sa pagpapalabas ng hangin sa
pagbigkas ng isang katinig.
9. Punto ng Artikulasyon
1. Panlabi- dumidiit ang ibabang labi sa labing itaas /p, b, m/.
2. Pangngipin- dumiit sa loob ng mga ngiping itaas ang dulo
ng dila /t, d, n/.
3. Panlabi-Pangngipin- dumidiit ang ibabang labi sa mga
itaas na ngipin /f, v/.
4. Panggilagid- ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o
dumidiit sa punong gilagid /s, z, l, r/.
10. Punto ng Artikulasyon
5. Palatal- lumalapit o dumidiit sa matigas na bahagi ng nagalangala ang ibabaw
ng punong dila /y/.
6. Velar- dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng
punong dila /k, g, ŋ/.
7. Panlalamunan- ang likurang bahagi ng dila ay dumidiit sa lalamunan /j/.
8. Glottal- lumalapit o dumidiit ang mga babagtingang pantinig at hinaharang ang
presyon ng papalabas na hinihingang galing sa baga at pagkatapo ay
pakakawalan upang bumuo ng paimpit o pasutsot na tunog /?, h/
11. Paraan ng Artikulasyon
• papaanong gumagana ang ginagamit na mga
sangkap sa pagsasalita at kung paanong ang hininga
ay lumalabas sa bibig o ilong sa pagbigkas ng
alinman sa mga ponemang katinig.
12. Paraan ng Artikulasyon
a. Pasara. Hinaharangan ang daan ng hangin /p,t,j,?,b,d,g/.
b. Pailong. Nahaharang ang hangin na dapat ay sa bibig lumalabas
dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulong dila sa itaas
ng mga ngipin o kaya’y dahil sa pagbaba ng malambot na
ngalangala. Ang nangyayari ay hindi sa bibig lumalabas ang
hangin kundi sa ilong /m, n, ng/.
c. Pasutsot. Sa makipot na pagitan ng dila at ng ngalangala o
kaya’y ng mga babagtingang tinig lumalabas ang hangin /s, h/.
13. Paraan ng Artikulasyon
d. Pagilid. Dahil sa ang dulong dila ay nakadiit sa punong gilagid, sa
mga gilid ng dila lumalabas ang hangi /l/.
e. Pakatal. Dahil sa dulo ng nakaarkong dila ay pumapalag, ang
hangin sa loob ng bibig ay paiba-iba ng direksyon at ito ay
nahaharang /r/.
f. Malapatinig. Kapag malapatinig ang ponema, ang galwa ng labi
ob dila ay mula sa isang posisyon patungo sa ibang posisyon
/w. y/.
14.
15. maiaayos ayon naman kung aling bahagi ng dila ang
gumagana sa pagbigkas ng isang patinig at kung ano
ang pusisyon ng nasabing bahagi sa pagbigkas.
/a/, /e/, /i/, /o/, /u/
Ponemang Patinig
16.
17. Magkasamang patinig at malapatinig sa isang pantig.
Diptonggo
/w/ at /y/- aw, ew, ay, ey, iy, oy, uy
Halimbawa:
Bahay
Kahoy
18.
19. Magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang
pantig.
Klaster o Kambal-Katinig
Makikita sa inisyal, midyal at pinal na pangtig ng salita.
Halimbawa:
drama
sumbrero
Nars
20.
21. Ang pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit
magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban lamang
sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon.
Pares Minimal
Ito ay ginagamit sa pagpapakita ng pagkakaiba ng
mga tunog ng magkakahawig ngunit magkakaibang
ponema.
Halimbawa:
Pala-bala oso-uso tula-dula
Misa-mesa kulay-gulay
22. Magkaibang ponemang matatagpuan sa magkatulad
na kaligiran ngunit hindi nagbabago sa kahulugan ng
mga salita.
Ponemang Malayang Nagpapalitan
Karaniwang nangyayari sa ponemang patinig na i at e,
o at u
Halimbawa:
Lalaki-lalake Babai-babae Nuon-noon
23. Naging labing-anim ang ponemang katinig sa halip na
labinlima lamang dahil sa ponemang glottal na pasara.
Glottal na Pasara o Impit na Tunog
Sa halip ay inirereprisinta ito sa dalawang paraan:
Nakasama ito sa palatuldikan at inirereprisinta ng
tuldik na paiwa (`) kung nasa pusisyong pinal ng salita.
Ang mga salitang may impit na tunog sa pusisyong
pinal ay tinatawag na maragsa o malumi.
24. Malumi – bagà, pusò, saganà, talumpatì
Maragsa – bagâ, kaliwâ, salitâ, dukhâ
Glottal na Pasara o Impit na Tunog
Inirereprisinta ito ng gitling(-) kapag ito’y nasa
loob ng salita sa pagitan ng katinig at patinig
Karaniwang matatagpuan sa pagitan ng panlaping
nagtatapos sa katinig at ang salitang-ugat na
nagsisimula sa patinig.
Halimbawa:
May-ari, Mag-alis, Pang-ako
25. PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Pantulong sa ponemang segmental; na higit na
nagiging mabisa ang ating paggamit ng 21 ponemang
segmental sa ating pakikipagtalastasan sa
pamamagitan ng mga pantulong o suprasegmental na
tono, haba, diin at antala
Sangkap na pampalasang ginagamit sa ating
pakikipagtalastasan
26. Ang pagtaas o pagbaba na iniuukol natin sa pagbigkas
ng pantig ng isang salita upang hugit na maging
mabisa ang ating pakikipag-usap sa ating kapwa
Tono
Halimbawa:
3
pon
2
Ka
1
ha
3
ha
2
Ka
1
pon
27. Ang haba ay tumutukoy sa sa haba ng bigkas na
iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita
Haba
Halimbawa:
• Magnana.kaw- thief
• Magna.na.kaw- will steal
• Magna.nakaw- will go on stealing
28. Diin
Ang diin naman ay tumutukoy sa antas ng lakas ng
bigkas ng salita o bahagi ng salita.
May tuldik na nagpapakita ng higit na gamit ng diin
(`)- paiwa
(^)- pakupya
(′)- pahilis
29. 1. MALUMAY
Binibigkas ito nang may diin sa ikalawang pantig mula
sa huli.
Ang mga salitang malumay ay hindi tinutuldikan.
Ang mga ito ay maaring magtapos sa katinig o patinig.
Halimbawa:
tao, silangan, sarili, nanay
30. 2. MALUMI
Tulad ng malumay ba may diin sa ikalawa sa hulihang
pantig ngiunit nagtatapois sa impit na tunog.
Laging nagtatapos sa patinig.
Ang huling letra ay may tuldik na paiwa (`)
Halimbawa:
Lahì, balità
31. 3. MABILIS
Binibigkas nang tuloy-tuloy na ang diin ay nasa huling
pantig ngunit walang impit sa dulo.
Ang mga salitang ito ay ginagamitan ng tildik na
pahilis (′)
Halimbawa:
Bulaklak
32. 4. MARAGSA
Ito ay binibigkas nang tuloy-tuloy na ang huling pantig
ng salita ay may impit. Ito ay laging nagtatapos sa
patinig.
Ito ay tinutuldikan ng pakupya na itinatatapat sa huling
pantig ng salita.
Ito rin ay may impit sa dulo.
Halimbawa:
Yugtô, dugô, butikî
33. Antala/ Hinto
Saglit na pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na
maging malinaw ang mensaheng ibig nating ipahatid
sa ating kausap
Ito ay inihuhudyat ng kuwit, tuldok, semi-colon o kolon.
Halimbawa:
o Ma, Jon Lee ang kaibigan ko.
o Ma Jon, Lee ang kaibigan ko.
34. Tandaan:
Ponema- pinakamaliit ngunit makabuluhang tunog.
Ponemang Segmental- may katumbas na letra
o Patinig- 5 / a, e, i, o, u/
o Katinig- 16 /b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y, ?/
o Klaster- kambal katinig sa isnag pantig
o Dipitonggo- patinig at malapatinig sa isang salita (aw, ay)
o Pares-Minimal- magkatulad ang bigkas ngunit magkaiba
ang kahulugan
o Ponemang malayang nagpapalitan- magkaibang
ponema ngunit hindi nagbabago ang kahulugan.
35. Tandaan:
Suprasegmental- walang katumbas
o Tono/ intonasyon- pagtaas o pagbaba ng tinig
o Diin- lakas o hina
o Haba- iksi o haba
o Antala/ hinto- saglit na paghinto