2. Balik-aral
Ano ang patinig at katinig?
Pagganyak
Palaro:Paunahin sa pagguhit na salitang na
nagsisimula sa pl ,br,gr,ts at bl
3. Paglalahad
Basahin ang kuwenyo, pagkatapos sagutin ang mga tanong .
Primo ang Batang Biboni
Jemerlyn DC. Taño
Natuto na si Primo dahil sa kanyang panaginip.Hindi na siya
basta nagtatapon ng basura sa kanal. Ang mga basurang di
nabubulok tulad ng mga bote, plastic, at dyaryo ay iniipon nila
sa isang malaking dram at saka ipinagbibili sa junk shop.Ang
mga nabubulok naman ay ibinabaon nila sa lupa para maging
pataba. Dahil dito ay kaunting basura na lang ang itinatapon
nila.
4. Pagtalakay
Klaster o Kambal-Katinig ang tawag sa dalawangpinagsamang katinig na
bumubuo ng isang tunog sa isangpantig. Karaniwang ginagamit ang mga
klaster sa mga salitang hiram na salita.
Makikita sa ibaba ang mga anyo ng pantig na may klaster:
KKP ( Kating – Katinig – Patinig )
Halimbawa: blo-awt , eks-tra
KKPK ( Katinig – Katinig – Patinig – Katinig )
Halimbawa : trum – po , trak , tren
KKPKK ( Katinig – Katinig – Patinig – Katinig – Katinig )
Halimbawa: trans – por – tas – yon
5. Pinatnubayang Pagsasanay
Piliin ang tamang salitang klaster sa kahon upang mabuo ang sumusunod
na pangungusap.
1.Ang ulam namin ay _____ manok.
2.Iwasan ang paggamit at pagtapon ng ____ upang hindi magbara ang mga
kanal.
3.Mataas ang ____ ng mga bilihin sa palengke.
4.Makaiwas tayo sa maraming ____ kung marunong tayong sumunod sa
batas.
5.Matamis ang lasa ng mga ____ tulad ng saging, bayabas at mansanas.
Plastic pritong prutas problema presyo klase
6. Malayang Pagsasanay
PANUTO: Isulat ang hinihinging salitang klaster:
1. palawit sa kuwintas ________________________
2. puntahan ng mga maysakit ____________________
3. dambuhalang ahas na kathang isip lamang
__________________
4. bahagi ng bahay na tinutulugan __________________
5. nilalagyan ng bulaklak _________________________
7. Paglalahat
Anong klaster o kambal katinig?
Tandaan na ang Klaster o Kambal-Katinig ay
dalawang pinagsamang katinig na bumubuo
ng isang tunog sa isang
pantig.
8. Pagtataya
PANUTO: Isulat sa patlang ang nawawalang kambal-katinig. Piliin ang sagot sa kahon.
bl br pl dr kr
1. __ayola
2. __agon
9. Pagtataya
PANUTO: Isulat sa patlang ang nawawalang kambal-katinig. Piliin ang sagot sa kahon.
bl br pl dr kr
3. so___e
4. ero__ano
5.___usa