1. Kambal Katinig o Klaster
Quarter 1 – Week 7
Gng. May G. Hipolito, MT-II
Mother Tongue
Grade 2 Edison
2. Pagsasama-sama ng mga Katinig at Patinig sa
Pagbuo ng Salitang Klaster
Layunin:
1. Nakapagsasama-sama ang mga katinig at patinig
upang makabuo ng salitang klaster
4. Pagganyak
Alam mo ba kung ilang letra mayroon ang bagong
Alpabetong Filipino?
Ang bagong Alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 na
letra.
5. Pagtatalakay
Ilan sa mga ito ang patinig? Ano-ano ang mga ito?
(5 patinig – A , E , I , O , U )
Ilan naman ang mga katinig? Ano-ano ang
mga ito?
( 23 katinig – B,C,D,F,G,H,J,K,L,M,N,Ñ,
NG,P,Q,R,S,T,V,W,X,Y,Z )
6. Pagtatalakay
Basahing mabuti ang isang maikling kuwento at sagutin
ang mga sumusunod na tanong.
Si Clarisa ay nag-iisang anak nina Aling Gloria at Mang
Troy. Pagtatanim ng prutas ang kanilang ikinabubuhay. Nasa
ikatlong baiting na si Clarisa. Masipag siyang mag-aaral
kaya pagdating ng pagtatapos ng klase ay makakatanggap
siya ng medalya. Ibinili siya ng kanyang nanay ng bagong
blusa na kulay rosas. Isusuot niya ito sa araw ng
parangal. Nakatanggap din siya ng bagong…
7. Pagtatalakay
…krayola at tsokolate na regalo ng kanyang nanay at tatay.
Tuwang-tuwa si Clarisa sa mga natatanggap niyang regalo
kaya mas pagbubutihan pa niya ang
kaniyang pag-aaral.
Mga Tanong:
1. Sino ang batang nasa ikatlong baitang?
2. Sino ang mga magulang ni Clarisa?
3. Ano ang kanilang ikinabubuhay?
4. Ano ang binili ng nanay ni Clarisa na isusuot niya sa
araw ng parangal?
8. Pagtatalakay
5. Ano-ano pa ang mga regalo na natanggap ni Clarisa?
Bigkasin ang ilang mga salitang ginamit sa kuwento:
Clarisa prutas krayola
Mang Troy blusa tsokolate
Aling Gloria
Ano ang napapansin ninyo sa dalawang
letrang may salungguhit?
9. Pagtatalakay
Ang dalawang letrang may salungguhit ay
parehong katinig.
Paano ninyo ito binigkas?
Binibigkas ng magkasama ang dalawang katinig
at patinig sa isang pantig.
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Ang mga salitang ito ay tinatawag na
salitang Klaster.
10. Suriing mabuti ang bawat salita.
1. Cla - ri – sa
Ito ay may 3 pantig at may kambal katinig na titik
c- at –l sa unang pantig.
2. pru – tas
Ito ay may 2 pantig at may kambal katinig na titik
p- at –r sa unang pantig.
3. tso – ko – la – te
Ito ay may 4 na pantig at may kambal
katinig na titik t- at –s sa unang
pantig.
11. Pagtatalakay
Mga halimbawa ng salitang may kambal-katinig o klaster.
Kulayan ng bughaw ang salitang may klaster.
1. palayok prinsipe palasyo palaka
2. tula tasa tsuper talong
3. brilyante bata buko bulaklak
4. guro gulong gansa gripo
5. kutsilyo kwarto kamay kuko
13. Paglalahat
Ang kambal-katinig o klaster ay magkakabit
na dalawang magkaibang katinig at patinig sa
isang pantig na salita. Ito ay maaaring makita
sa unahan, gitna o kaya sa hulihang
posisyon ng salita.
14. Pagtataya
Bilugan ang buong salita na may kambal-
katinig o klaster sa bawat pangungusap.
1. Labis na naapektuhan ang mga tsuper ng dyip dahil sa
pandemya.
2. Ibinili ng bagong tsinelas si Carlo ng kanyang nanay.
3. Naglaro kami ng trumpo ng aking mga kaibigan.
4. Nabasag ko ang plato habang ako ay naghuhugas.
5. Binigyan ako ng aking kapatid ng magandang kwintas.
15. Isaayos ang mga letra sa bawat bilang upang
mabuo ang tamang salitang klaster.
1. ( l b s u a ) _______________ - pambabaeng kasuotan
2. ( a l o y a r k ) ______________ - ginagamit pangkulay
sa ginuhit na larawan
3. ( r u m t e p t a ) ___________________ - instrument na
tumutunog kapag hinihipan
4. ( a s p r n s i e ) ___________________ - tawag sa anak
na babae ng hari at reyna
5. ( t a s p r u ) ______________________ - pagkaing
nagpapalakas ng resistensiya