SlideShare a Scribd company logo
1 of 12
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/ Antas 7
(Pang-araw-araw na
Tala sa Pagtuturo
Guro
Petsa/Oras
Asignatura
Markahan
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawa
IKALAWANG ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng konsensya sa Likas na Batas Moral.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang plano pag-unawa sa kaugnayan ng konsensya sa Likas na Batas
Moral.
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang code ng
bawat kasanayan
1. Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos na taliwas sa unang
prinsipyo ng Likas na Batas Moral. EsP7PS-Ic-6.2
2. Natutukoy ang gamit ng tamang konsensya.
3. Nakapagsasagawa ng maiksing presentasyon kung saan nailapat ang gamit ng konsensya.
II. Nilalaman Modyul 6: Ang Kaugnayan ng Konsensya sa Likas na Batas Moral
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao TG 63-78
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang-Mag-aaral
Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 7 LM 137-158
3. Mga pahina sa Teksbuk
55
4. Karagdagang Kagamitan mula
sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo
Panturong Biswal: LCD Projector, Laptop, speaker, audio
III.Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin
at pagsisimula ng bagong
aralin.
A. Tumawag ng 3 mag-aaral at sagutan ang tanong.
Ano-ano ang mga kahulugan ng konsensya na inyong nakuha batay sa mga naging gawain
noong nakaraang araw?
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin at pagganyak
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
1. Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos na taliwas sa unang
prinsipyo ng Likas na Batas Moral.
2. Natutukoy ang gamit ng tamang konsensya.
3. Nakapagsasagawa ng maiksing presentasyon kung saan nailapat ang gamit ng konsensya.
B. Gawin ang Think-Pair-Share. Batay sa nakaraang takdang aralin, ibahagi ang sitwasyon,
karanasan, insidente o pangyayari sa buhay mula sa kaibigan, kapatid o pinsan na kung saan
nailapat nang tama ang konsensya. (gawin ito sa loob ng 10 minuto) (Collaborative Approach)
1. Magpalitan ng pagbabahagi ng pangyayari.
2. Sagutin ang sumusunod na tanong:
a. Saan nagmula ang pananaw mo ukol sa konsensya?
b. Batay sa naging karanasan ng iyong kaibigan o kapatid, ano ang natuklasan mo tungkol sa
konsensya?
56
c. Paano nagabayan ang iyong kaibigan o kapatid ng konsensya sa kanyang naging pasya at
kilos?
d. Mabisa bang gabay ang konsensyang taglay mo/nila? Patunayan.
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong aralin
Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon at gumawa ng sariling pagpapasya. Isulat ang iyong
pasya at paliwanag kaugnay nito, sa iyong notbuk. (gawin sa loob ng 10 minuto)
(Constructivist/Reflective Approach)
Kaso 2
Mula sa natutunan mo sa inyong leksiyon tungkol sa kalinisan ng
kapaligiran, nalaman mo ang suliranin sa basura at mga epekto nito sa
sambayanan. Mayroong babala sa inyong baranggay na nagtatakda ng parusa
sa mga taong mahuhuling nagtatapon ng basura sa hindi itinakdang lugar na
tapunan nito.
Isang gabi na nagpapahangin ka sa labas ng inyong bahay, nakita mo
ang matalik na kaibigan ng iyong ama na nagtapon ng basura sa hind i
itinakdang lugar na tapunan. Ang ama mo ang kapitan ng inyong barangay. Ano
ang gagawin mo?
Kaso 2
Mula sa natutunan mo sa inyong leksiyon tungkol sa kalinisan ng
kapaligiran, nalaman mo ang suliranin sa basura at mga epekto nito sa
sambayanan. Mayroong babala sa inyong baranggay na nagtatakda ng parusa
sa mga taong mahuhuling nagtatapon ng basura sa hindi itinakdang lugar na
tapunan nito.
Isang gabi na nagpapahangin ka sa labas ng inyong bahay, nakita mo
ang matalik na kaibigan ng iyong ama na nagtapon ng basura sa hindi itinakdang
lugar na tapunan. Ang ama mo ang kapitan ng inyong barangay. Ano ang
gagawin mo?
57
Pag-isipan at sagutin mo ang tanong na ito:
1. Saan ibinabatay ng konsensya ang paghuhusga kung tama o mali ang isang kilos?
2. Paano ka nakasisigurong tama ang paghuhusga nito?
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
Listening Activity: Pakinggan ang sanaysay tungkol sa konsensya. (gawin ito sa loob ng 10
minuto) (Reflective Approach)
Close ba kayo ng konsensya mo? Wala ba kayong mga isyu lalo na tungkol sa decision-making, sa
mga ikinikilos, pagsasalita at sa feelings?
Di nga? Close talaga kayo???Kung gayon…indi ka tao.
Ang konsensya o para sa mas madaling paglalarawan…
Ang Safeguard ay isang mala-kaluluwang anino na kamukhang-kamukha mo pati ng suot mo na
siyang lalabas sa kanang bahagi mo with matching good lighting (andun daw kasi ang mas
magandang pokus ng camera) sa tuwing mahaharap ka sa mga bagay na kakailanganin mo ng
back up o sa madaling salita ay total brainstorming muna bago pa man ito isagawa.
Isa itong espesyal na alerto na nagsisimulang gumana sa panahon na tayo ay nasa tamang pag -
iisip para matimbang ang lahat-lahat ng dapat timbangin sa ating buhay. Isang sensitibong parte ng
ating katawan na siyang tinatablan tuwing gagawa tayo ng mga bagay na taliwas sa normal o sang-
ayon ng nakararami.
Mula Nursery hanggang College, pinag-aaralan natin ang kahalagahan nito sa ating buhay at ang
epekto ng ganitong gawain sa ating kapwa. Kung indi pa ba naman tumatak ito na parang tattoo sa
ating isipan eh ewan ko na lang.
58
Pero dahil nga sa likas na katigasan ng mga ulo natin… (alam nyo bang kinakailangan pang i-drill
ang bungo bago ito mag-crack? — ganun ito katigas.) kadalasan kahit alam natin ang ga-mundong
pagkakaiba ng tama sa mali na halos literal nang mangalabit ang mga safeguard natin eh…wala
talaga, dedma lang.
Kaya nga nauso ang White lies.
Ito ang kasinungalingan na nilagyan lang ng mga design sa background, parang designed frame sa
piktyer para kahit na pangit ang pagkakakuha ng mga taong nasa piktyer mismo, maganda pa ring
tingnan. Inde siya totally pagsisinungaling pero ganun na rin yon kung susumahin.
Parang ganito:
Ginabi ka ng uwi dahil nag-date kayo ng jowa mo. Ang siste, yari ka naman sa ermats at erpats mo
sa dalas nitong mangyari. Syempre, maninimbang ka. Ano bang mas less na sermon? Ang
pagkabuking mo at ng jowa mo o ang malaman na umuwi ka ng gabi dahil kasama mo ang mga
kaklase mo na puwede mo namang mapaganda ng konti ang dahilan? Naturalmente, mas gusto
mong matapos agad ang usapan nang makaiwas na maalala pa nila ang iba mo pang
kasalanan kaya, ito ang mas magandang isasagot mo sa kanila:
“Eh kasi po, dun na namin tinapos ang report namin sa bahay ng klasmeyt namin. Madalian lang
talaga po kasi bukas na kami pinagre-report, indi na rin po ako nakatawag kasi sobrang dami talaga
ng ginawa namin, hinati-hati na nga sa lahat ng member para matapos agad buti nga ganun ung
ginawa namin eh kundi mas gagabihin pa talaga kami.”
Commented [RON1]:
59
Sa mga ganitong eksena, nagiging magalang at mala-anghel ang dating mo. Syempre, pag
maangas ka pa, ikaw rin ang talo. Yan ang white lies. Indi mo intensyong magsinungaling pero
dahil sa ayaw mong makasakit at masaktan, nagagawa mo ito para lang makalusot sa sitwasyon.
Para rin itong Misleading advertisement.
Ito yung kadalasang makikita mo sa shopping malls – – – ang laki ng mga paskil ng SALE at
nakalagay sa mga metal bin ang mga damit na pinagsama-sama…syempre sale eh kaya
hahalukayin mo ito hanggang sa ilalim at kever sa presyo kasi nakalagay naman sa signage eh 50
lang. Tapos pagdating mo sa counter, napag-alaman mong yung isa sa nakuha mo, indi pala
kasama sa sale at “nahalo” lang daw ito. Nakakahiya naman kung ibabalik mo eh ang haba ng pila
at nakaabat lahat sa’yo kung bibilhin mo ba ito o inde…Syempre bibilhin mo kasi kakahiya naman
kung indi.
Yan ang misleading advertisement, sine-sale talaga nila ang iilan sa produkto nila pero sinasadya
din nilang ihalo ang mga indi sale na produkto para mabili rin ito ng mga walang kamalay-malay na
kustomer na eksayted sa sale chorva. Mabulaklak na white lie. Kaya konting ingat shoppers.
Pakyawan ang benta ng white lies. Kung ninenegosyo nga lang siguro ito, malamang napakayaman
na ng taong ito. Ang mabisang pampawala ng guilt dulot ng ating Safeguard. Parang Alcohol at
Betadine, pareho ng bisa pero di sing hapdi ang epekto.
Pero kahit gaano mo pa mapaganda ang mga white lies, indi pa rin ito makakalusot sa kalabit ng
Safeguard kahit na mas madalas, nagawa mo na ang isang bagay bago mo pa maramdaman ang
mga kuko nito.
60
Tulad ng eksena ng examination at unannounced quiz. Buong klase ang nakokonsensya sa
pangongopya. (normal na pakiramdam bago gumawa ng mali.) Pero nangingibabaw pa rin ang
takot na bumagsak sa exam at umulit ng subject kaya napipilitang gumawa ng indi maganda.
Ang isyu ng pangongopya, nagiging normal na lang na gawain. Ang pag-amin nito ay madali sa
harap ng mga kaibigan at kaklase, ikukwento mo pa ng detalyado ang lab stori ng pangongopya.
Kung Teacher, Magulang at si Kuya Jesus ang kaharap ang dami na sigurong white lies ang nag-
party sa ating bibig.
Meron kaming kapitbahay, napakasipag maglinis ng bahay pati ang bakuran nito, sagana sa walis.
Araw-araw naglalaba. Tuwing alas tres ng madaling araw, gising na ito para maglinis. Good for her
kasi masinop siya. Pero sana naman ginagamit niya yung pandakot na partner ng walis niya at indi
pilit niyang isinisiksik ang mga winalis niya sa gilid ng pinto namin.
Ang galing mag-white lies ng lola mo, kesyo maaga daw siya nagigising at wala naman daw siyang
nakikitang gumagawa nun. Sabihin mo kung nagmumulto ang mga alikabok sa harap ng bahay
namin at nagkukusa na silang sumiksik sa gilid ng pinto para naiintindihan ko naman. Buti rin sana
kung indi ko siya nakita ng ilang beses na gawin yon sa tuwing inaabot ako ng alas tres ng m adaling
araw galing sa lakaran. Kahit na nasermunan ako, natuwa pa rin nanay ko dahil na-caught in the act
ko naman kung sino ang masipag na tagasiksik ng dumi sa harap ng bahay namin.
Sa trabaho naman, kung pamilyar kayo sa mga umpukan tuwing break sa canteen o pantry, (sila
ang tropang dapat mong iwasan.) Yung mga kuwentuhang kala mo tungkol sa ekonomiya at pulitika
pero pag lumapit ka pa ng konti para pakinggan ang mga ito, showbiz pala at buhay ng ibang tao
ang topic nila. Minsan kahit indi ka naman talagang pumaparte sa usapan at tipong nakikinig lang
sa kanila, nakaka-guilty pag kabatian mo yung taong pinag-uusapan nila na walang kaalam-alam na
dina-dissect na pala ang pagkatao niya pag nakatalikod siya habang nakikipagkuwentuhan pa siya
ng masaya sa mga ito.
61
Syempre, ikaw na may alam sa mga kumakalat na chismis…ayaw mo nang madamay kaya indi ka
na rin magsasalita. Mahirap na malipat sa’yo ang sumpa. Tipong CIA ka na pero nagagawa mo
pang mag-design ng white lies dyan. Lahat ng palusot, masasabi mo wag lang niyang maisip na indi
mo nagawang ipagtanggol siya kahit konti kasi wala naman siyang ginawang masama sa’yo
whatsoever. Mga tama na indi naman kailangang baliin – – – binabaluktot lang.
Sa ibang pagkakataon, unintentionally nakakapag-design tayo ng white lies sa mga sitwasyon na
talagang ipit na. Wala eh, kesa naman sabihin mo ang totoo ‘di masisira na lahat. Inaako mo na
lang ang posisyon na magsinungaling at dedmahin ang Safeguard dyan sa tabi mo alang-alang sa
mararamdaman ng mga tao sa paligid mo.
(https://www.google.com.ph/search?biw=320&bih=241&ei=ncavWNXvKces8QXMuYmoCA&q=article+tungkol+sa+konsensya&oq=art
icle+tungkol+sa+konsensya&gs_l=mobile-gws-serp.3...2538.14307.0.15030.0.0.0.0.0.0.0.0..0.0....0...1c.1j4.64.mobile-gws-
serp..0.0.0.QyuiAg6YiZY)
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano ang tinutukoy na safeguard sa napakinggang sanaysay?
2. Sa ano-anong sitwasyon/pagkakataon magagamit ang konsensya?
3. Paano mo gagamitin ng tama ang iyong konsensya?
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
Basahin ang komiks at ipahayag ang damdamin sa nabasa. (gawin sa loob ng 10 minuto)
(Reflective Approach)
62
63
https://www.slideshare.net/mobile/sirlemuelestrada/modyul-6-ang-kaugnayan-ng-konsensya-sa-likas-na-batas-moral
Ipahayag ang saloobin sa nabasang kuwento.
F. Paglinang sa
Kabihasahan (Tungo sa
Formative Assessment)
Pumili sa sumusunod na pahayag tungkol sa konsensya at ipaliwanag.
1. Ang konsensya ay ang batayan ng kaisipan sa panghuhusga kung tama o mali ang
ginagawa.
2. Ang konsensya ay ang paglilitis ayon sa sariling paratang at pagtatanggol ng tama.
G. Paglalapat sa aralin sa pang-
araw-araw na buhay
Tumawag ng mag-aaral na makapagpapahayag ng damdamin kung paano makatutulong ang
konsensya sa mabuting pagpapasya sa sitwasyon na kinakaharap.
H. Paglalahat sa aralin Malaki ang papel na ginagampanan ng ating konsensya sa buhay natin. Dito nakasalalay ang
paghubog ng ating pagkatao dahil ito ang humuhusga sa kilos na ating pinipiling gawin.
64
I. Pagtataya ng Aralin Hatiin ang klase sa 5 pangkat. Magkaroon ng maiksing presentasyon na nagpapakita ng gamit ng
konsensya. (gawin ito sa loob ng 15 minuto) (Collaborative Approach)
Kraytirya: a. Husay ng pagganap-40%
b. Kooperasyon at Disiplina-30%
c. Pagkamalikhain (Props, Kasuotan)-30%
J. Karagdagang gawain para sa
takdang aralin at remediation
Basahin ang sipi sa modyul tungkol sa konsensya, pahina 147-152. Gumawa ng tala ng mga
konseptong matatagpuan sa babasahin.
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloysa
remediation?
65
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punongguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?
66

More Related Content

Similar to Module-6-day2.docx

esp 7 2nd quarter assessment.docx
esp 7 2nd quarter assessment.docxesp 7 2nd quarter assessment.docx
esp 7 2nd quarter assessment.docxCRISTANALONZO
 
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdfmodyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdfMaCristinaPazcoguinP
 
First-Quarter-Week-2-ESP.pptx
First-Quarter-Week-2-ESP.pptxFirst-Quarter-Week-2-ESP.pptx
First-Quarter-Week-2-ESP.pptxMarivicYang1
 
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdf
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdfEsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdf
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdfDonJamesVillaro1
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)LiGhT ArOhL
 
PPT - FIL3 Pagsasabi ng Sariling Ideya.pptx
PPT - FIL3 Pagsasabi ng Sariling Ideya.pptxPPT - FIL3 Pagsasabi ng Sariling Ideya.pptx
PPT - FIL3 Pagsasabi ng Sariling Ideya.pptxRichardDanagoHalasan
 
613645939-Esp-Powerpoint-Dec-5-9.pptx
613645939-Esp-Powerpoint-Dec-5-9.pptx613645939-Esp-Powerpoint-Dec-5-9.pptx
613645939-Esp-Powerpoint-Dec-5-9.pptxShefaCapuras1
 
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismoModyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismoAllan Ortiz
 
Nakapaghihinuha na nakapagdudulot ng kabutihan sa pagsasama nang maluwag ...
Nakapaghihinuha na nakapagdudulot ng     kabutihan sa pagsasama nang maluwag ...Nakapaghihinuha na nakapagdudulot ng     kabutihan sa pagsasama nang maluwag ...
Nakapaghihinuha na nakapagdudulot ng kabutihan sa pagsasama nang maluwag ...Rosanne Ibardaloza
 
power point presentation. for grade- 2
power point presentation.  for grade-  2power point presentation.  for grade-  2
power point presentation. for grade- 2JonilynUbaldo1
 
Modyul 19 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismo
Modyul 19 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismoModyul 19 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismo
Modyul 19 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismodionesioable
 

Similar to Module-6-day2.docx (20)

esp 7 2nd quarter assessment.docx
esp 7 2nd quarter assessment.docxesp 7 2nd quarter assessment.docx
esp 7 2nd quarter assessment.docx
 
ideya mo, igagalang ko.pptx
ideya mo, igagalang ko.pptxideya mo, igagalang ko.pptx
ideya mo, igagalang ko.pptx
 
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdfmodyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
 
module-6-day4.docx
module-6-day4.docxmodule-6-day4.docx
module-6-day4.docx
 
First-Quarter-Week-2-ESP.pptx
First-Quarter-Week-2-ESP.pptxFirst-Quarter-Week-2-ESP.pptx
First-Quarter-Week-2-ESP.pptx
 
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdf
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdfEsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdf
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdf
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
 
Q1-W2-DAY 3.docx
Q1-W2-DAY 3.docxQ1-W2-DAY 3.docx
Q1-W2-DAY 3.docx
 
PPT - FIL3 Pagsasabi ng Sariling Ideya.pptx
PPT - FIL3 Pagsasabi ng Sariling Ideya.pptxPPT - FIL3 Pagsasabi ng Sariling Ideya.pptx
PPT - FIL3 Pagsasabi ng Sariling Ideya.pptx
 
613645939-Esp-Powerpoint-Dec-5-9.pptx
613645939-Esp-Powerpoint-Dec-5-9.pptx613645939-Esp-Powerpoint-Dec-5-9.pptx
613645939-Esp-Powerpoint-Dec-5-9.pptx
 
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismoModyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
 
Q4 ARALIN 2.pptx
Q4 ARALIN 2.pptxQ4 ARALIN 2.pptx
Q4 ARALIN 2.pptx
 
module-6-day3.docx
module-6-day3.docxmodule-6-day3.docx
module-6-day3.docx
 
Q1 w10 d1 5 esp
Q1 w10 d1 5 espQ1 w10 d1 5 esp
Q1 w10 d1 5 esp
 
Nakapaghihinuha na nakapagdudulot ng kabutihan sa pagsasama nang maluwag ...
Nakapaghihinuha na nakapagdudulot ng     kabutihan sa pagsasama nang maluwag ...Nakapaghihinuha na nakapagdudulot ng     kabutihan sa pagsasama nang maluwag ...
Nakapaghihinuha na nakapagdudulot ng kabutihan sa pagsasama nang maluwag ...
 
W6-ESP.pptx
W6-ESP.pptxW6-ESP.pptx
W6-ESP.pptx
 
power point presentation. for grade- 2
power point presentation.  for grade-  2power point presentation.  for grade-  2
power point presentation. for grade- 2
 
Modyul 19 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismo
Modyul 19 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismoModyul 19 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismo
Modyul 19 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismo
 
Modyul 8.5
Modyul 8.5Modyul 8.5
Modyul 8.5
 
Modyul 8
Modyul 8Modyul 8
Modyul 8
 

More from Aniceto Buniel

GRADE 10 DLL.pdf0000000000000000000000000000000
GRADE 10 DLL.pdf0000000000000000000000000000000GRADE 10 DLL.pdf0000000000000000000000000000000
GRADE 10 DLL.pdf0000000000000000000000000000000Aniceto Buniel
 
AAB - LAC.pptx RESKILLING IN COMMUNICATING
AAB  - LAC.pptx RESKILLING IN COMMUNICATINGAAB  - LAC.pptx RESKILLING IN COMMUNICATING
AAB - LAC.pptx RESKILLING IN COMMUNICATINGAniceto Buniel
 
Daily Lesson Log in.pdf.................
Daily Lesson Log in.pdf.................Daily Lesson Log in.pdf.................
Daily Lesson Log in.pdf.................Aniceto Buniel
 
Q1 Grade 10 HEALTH D..........LL Week 2.pdf
Q1 Grade 10 HEALTH D..........LL Week 2.pdfQ1 Grade 10 HEALTH D..........LL Week 2.pdf
Q1 Grade 10 HEALTH D..........LL Week 2.pdfAniceto Buniel
 
MODULE 5 TO 7 G7.pptx music module grade 7 first grading period
MODULE 5 TO 7 G7.pptx music module grade 7 first grading periodMODULE 5 TO 7 G7.pptx music module grade 7 first grading period
MODULE 5 TO 7 G7.pptx music module grade 7 first grading periodAniceto Buniel
 
4. HEALTH 1ST QUARTER ddd mapeh word file
4. HEALTH 1ST QUARTER  ddd mapeh word file4. HEALTH 1ST QUARTER  ddd mapeh word file
4. HEALTH 1ST QUARTER ddd mapeh word fileAniceto Buniel
 
EsP DLL 8 Module 6.pdf
EsP DLL 8 Module 6.pdfEsP DLL 8 Module 6.pdf
EsP DLL 8 Module 6.pdfAniceto Buniel
 
DLL-ESP 8-Module-13-16.pdf
DLL-ESP 8-Module-13-16.pdfDLL-ESP 8-Module-13-16.pdf
DLL-ESP 8-Module-13-16.pdfAniceto Buniel
 
DLL-ESP 8 Modyul 3.pdf
DLL-ESP 8 Modyul 3.pdfDLL-ESP 8 Modyul 3.pdf
DLL-ESP 8 Modyul 3.pdfAniceto Buniel
 
DLL ESP 8 preliminaries.pdf
DLL ESP 8 preliminaries.pdfDLL ESP 8 preliminaries.pdf
DLL ESP 8 preliminaries.pdfAniceto Buniel
 
DLL ESP 8 Modyul 1.pdf
DLL ESP 8 Modyul 1.pdfDLL ESP 8 Modyul 1.pdf
DLL ESP 8 Modyul 1.pdfAniceto Buniel
 

More from Aniceto Buniel (20)

GRADE 10 DLL.pdf0000000000000000000000000000000
GRADE 10 DLL.pdf0000000000000000000000000000000GRADE 10 DLL.pdf0000000000000000000000000000000
GRADE 10 DLL.pdf0000000000000000000000000000000
 
AAB - LAC.pptx RESKILLING IN COMMUNICATING
AAB  - LAC.pptx RESKILLING IN COMMUNICATINGAAB  - LAC.pptx RESKILLING IN COMMUNICATING
AAB - LAC.pptx RESKILLING IN COMMUNICATING
 
Daily Lesson Log in.pdf.................
Daily Lesson Log in.pdf.................Daily Lesson Log in.pdf.................
Daily Lesson Log in.pdf.................
 
Q1 Grade 10 HEALTH D..........LL Week 2.pdf
Q1 Grade 10 HEALTH D..........LL Week 2.pdfQ1 Grade 10 HEALTH D..........LL Week 2.pdf
Q1 Grade 10 HEALTH D..........LL Week 2.pdf
 
MODULE 5 TO 7 G7.pptx music module grade 7 first grading period
MODULE 5 TO 7 G7.pptx music module grade 7 first grading periodMODULE 5 TO 7 G7.pptx music module grade 7 first grading period
MODULE 5 TO 7 G7.pptx music module grade 7 first grading period
 
4. HEALTH 1ST QUARTER ddd mapeh word file
4. HEALTH 1ST QUARTER  ddd mapeh word file4. HEALTH 1ST QUARTER  ddd mapeh word file
4. HEALTH 1ST QUARTER ddd mapeh word file
 
EsP DLL 8 Module 6.pdf
EsP DLL 8 Module 6.pdfEsP DLL 8 Module 6.pdf
EsP DLL 8 Module 6.pdf
 
DLL-ESP 8-Module-13-16.pdf
DLL-ESP 8-Module-13-16.pdfDLL-ESP 8-Module-13-16.pdf
DLL-ESP 8-Module-13-16.pdf
 
DLL-ESP 8 Modyul 3.pdf
DLL-ESP 8 Modyul 3.pdfDLL-ESP 8 Modyul 3.pdf
DLL-ESP 8 Modyul 3.pdf
 
DLL ESP 8 preliminaries.pdf
DLL ESP 8 preliminaries.pdfDLL ESP 8 preliminaries.pdf
DLL ESP 8 preliminaries.pdf
 
DLL ESP 8 Modyul 1.pdf
DLL ESP 8 Modyul 1.pdfDLL ESP 8 Modyul 1.pdf
DLL ESP 8 Modyul 1.pdf
 
DLL ESP7 Q1 WK2.docx
DLL ESP7 Q1 WK2.docxDLL ESP7 Q1 WK2.docx
DLL ESP7 Q1 WK2.docx
 
DLL ESP7 Q1 WK3.docx
DLL ESP7 Q1 WK3.docxDLL ESP7 Q1 WK3.docx
DLL ESP7 Q1 WK3.docx
 
DLL ESP7 Q1 WK4.docx
DLL ESP7 Q1 WK4.docxDLL ESP7 Q1 WK4.docx
DLL ESP7 Q1 WK4.docx
 
DLL ESP7 Q1 WK5.docx
DLL ESP7 Q1 WK5.docxDLL ESP7 Q1 WK5.docx
DLL ESP7 Q1 WK5.docx
 
DLL ESP7 Q1 WK6.docx
DLL ESP7 Q1 WK6.docxDLL ESP7 Q1 WK6.docx
DLL ESP7 Q1 WK6.docx
 
Module 7.docx
Module 7.docxModule 7.docx
Module 7.docx
 
Module-8-.docx
Module-8-.docxModule-8-.docx
Module-8-.docx
 
DLL ESP7 Q1 WK2.docx
DLL ESP7 Q1 WK2.docxDLL ESP7 Q1 WK2.docx
DLL ESP7 Q1 WK2.docx
 
DLL ESP7 Q1 WK1..docx
DLL ESP7 Q1 WK1..docxDLL ESP7 Q1 WK1..docx
DLL ESP7 Q1 WK1..docx
 

Recently uploaded

Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...LlemorSoledSeyer1
 
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGrade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGeizukiTaro
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumVALERIEYDIZON
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxLucy Datuin
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...SundieGraceBataan
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxRobinsonBaclaan
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxJieMartinez1
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxtambanillodaniel3
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptxcherrypastoral
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjAhKi3
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedRICXIE1
 
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdfNonieAnnGalang
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxevafecampanado1
 

Recently uploaded (20)

Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
 
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGrade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 

Module-6-day2.docx

  • 1. DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/ Antas 7 (Pang-araw-araw na Tala sa Pagtuturo Guro Petsa/Oras Asignatura Markahan Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawa IKALAWANG ARAW I. Layunin A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng konsensya sa Likas na Batas Moral. B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang plano pag-unawa sa kaugnayan ng konsensya sa Likas na Batas Moral. C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan 1. Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos na taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral. EsP7PS-Ic-6.2 2. Natutukoy ang gamit ng tamang konsensya. 3. Nakapagsasagawa ng maiksing presentasyon kung saan nailapat ang gamit ng konsensya. II. Nilalaman Modyul 6: Ang Kaugnayan ng Konsensya sa Likas na Batas Moral A. Sanggunian 1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao TG 63-78 2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 7 LM 137-158 3. Mga pahina sa Teksbuk 55
  • 2. 4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource B. Iba pang Kagamitang Panturo Panturong Biswal: LCD Projector, Laptop, speaker, audio III.Pamamaraan A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin. A. Tumawag ng 3 mag-aaral at sagutan ang tanong. Ano-ano ang mga kahulugan ng konsensya na inyong nakuha batay sa mga naging gawain noong nakaraang araw? B. Paghahabi sa layunin ng aralin at pagganyak A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin. 1. Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos na taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral. 2. Natutukoy ang gamit ng tamang konsensya. 3. Nakapagsasagawa ng maiksing presentasyon kung saan nailapat ang gamit ng konsensya. B. Gawin ang Think-Pair-Share. Batay sa nakaraang takdang aralin, ibahagi ang sitwasyon, karanasan, insidente o pangyayari sa buhay mula sa kaibigan, kapatid o pinsan na kung saan nailapat nang tama ang konsensya. (gawin ito sa loob ng 10 minuto) (Collaborative Approach) 1. Magpalitan ng pagbabahagi ng pangyayari. 2. Sagutin ang sumusunod na tanong: a. Saan nagmula ang pananaw mo ukol sa konsensya? b. Batay sa naging karanasan ng iyong kaibigan o kapatid, ano ang natuklasan mo tungkol sa konsensya? 56
  • 3. c. Paano nagabayan ang iyong kaibigan o kapatid ng konsensya sa kanyang naging pasya at kilos? d. Mabisa bang gabay ang konsensyang taglay mo/nila? Patunayan. C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon at gumawa ng sariling pagpapasya. Isulat ang iyong pasya at paliwanag kaugnay nito, sa iyong notbuk. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist/Reflective Approach) Kaso 2 Mula sa natutunan mo sa inyong leksiyon tungkol sa kalinisan ng kapaligiran, nalaman mo ang suliranin sa basura at mga epekto nito sa sambayanan. Mayroong babala sa inyong baranggay na nagtatakda ng parusa sa mga taong mahuhuling nagtatapon ng basura sa hindi itinakdang lugar na tapunan nito. Isang gabi na nagpapahangin ka sa labas ng inyong bahay, nakita mo ang matalik na kaibigan ng iyong ama na nagtapon ng basura sa hind i itinakdang lugar na tapunan. Ang ama mo ang kapitan ng inyong barangay. Ano ang gagawin mo? Kaso 2 Mula sa natutunan mo sa inyong leksiyon tungkol sa kalinisan ng kapaligiran, nalaman mo ang suliranin sa basura at mga epekto nito sa sambayanan. Mayroong babala sa inyong baranggay na nagtatakda ng parusa sa mga taong mahuhuling nagtatapon ng basura sa hindi itinakdang lugar na tapunan nito. Isang gabi na nagpapahangin ka sa labas ng inyong bahay, nakita mo ang matalik na kaibigan ng iyong ama na nagtapon ng basura sa hindi itinakdang lugar na tapunan. Ang ama mo ang kapitan ng inyong barangay. Ano ang gagawin mo? 57
  • 4. Pag-isipan at sagutin mo ang tanong na ito: 1. Saan ibinabatay ng konsensya ang paghuhusga kung tama o mali ang isang kilos? 2. Paano ka nakasisigurong tama ang paghuhusga nito? D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 Listening Activity: Pakinggan ang sanaysay tungkol sa konsensya. (gawin ito sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) Close ba kayo ng konsensya mo? Wala ba kayong mga isyu lalo na tungkol sa decision-making, sa mga ikinikilos, pagsasalita at sa feelings? Di nga? Close talaga kayo???Kung gayon…indi ka tao. Ang konsensya o para sa mas madaling paglalarawan… Ang Safeguard ay isang mala-kaluluwang anino na kamukhang-kamukha mo pati ng suot mo na siyang lalabas sa kanang bahagi mo with matching good lighting (andun daw kasi ang mas magandang pokus ng camera) sa tuwing mahaharap ka sa mga bagay na kakailanganin mo ng back up o sa madaling salita ay total brainstorming muna bago pa man ito isagawa. Isa itong espesyal na alerto na nagsisimulang gumana sa panahon na tayo ay nasa tamang pag - iisip para matimbang ang lahat-lahat ng dapat timbangin sa ating buhay. Isang sensitibong parte ng ating katawan na siyang tinatablan tuwing gagawa tayo ng mga bagay na taliwas sa normal o sang- ayon ng nakararami. Mula Nursery hanggang College, pinag-aaralan natin ang kahalagahan nito sa ating buhay at ang epekto ng ganitong gawain sa ating kapwa. Kung indi pa ba naman tumatak ito na parang tattoo sa ating isipan eh ewan ko na lang. 58
  • 5. Pero dahil nga sa likas na katigasan ng mga ulo natin… (alam nyo bang kinakailangan pang i-drill ang bungo bago ito mag-crack? — ganun ito katigas.) kadalasan kahit alam natin ang ga-mundong pagkakaiba ng tama sa mali na halos literal nang mangalabit ang mga safeguard natin eh…wala talaga, dedma lang. Kaya nga nauso ang White lies. Ito ang kasinungalingan na nilagyan lang ng mga design sa background, parang designed frame sa piktyer para kahit na pangit ang pagkakakuha ng mga taong nasa piktyer mismo, maganda pa ring tingnan. Inde siya totally pagsisinungaling pero ganun na rin yon kung susumahin. Parang ganito: Ginabi ka ng uwi dahil nag-date kayo ng jowa mo. Ang siste, yari ka naman sa ermats at erpats mo sa dalas nitong mangyari. Syempre, maninimbang ka. Ano bang mas less na sermon? Ang pagkabuking mo at ng jowa mo o ang malaman na umuwi ka ng gabi dahil kasama mo ang mga kaklase mo na puwede mo namang mapaganda ng konti ang dahilan? Naturalmente, mas gusto mong matapos agad ang usapan nang makaiwas na maalala pa nila ang iba mo pang kasalanan kaya, ito ang mas magandang isasagot mo sa kanila: “Eh kasi po, dun na namin tinapos ang report namin sa bahay ng klasmeyt namin. Madalian lang talaga po kasi bukas na kami pinagre-report, indi na rin po ako nakatawag kasi sobrang dami talaga ng ginawa namin, hinati-hati na nga sa lahat ng member para matapos agad buti nga ganun ung ginawa namin eh kundi mas gagabihin pa talaga kami.” Commented [RON1]: 59
  • 6. Sa mga ganitong eksena, nagiging magalang at mala-anghel ang dating mo. Syempre, pag maangas ka pa, ikaw rin ang talo. Yan ang white lies. Indi mo intensyong magsinungaling pero dahil sa ayaw mong makasakit at masaktan, nagagawa mo ito para lang makalusot sa sitwasyon. Para rin itong Misleading advertisement. Ito yung kadalasang makikita mo sa shopping malls – – – ang laki ng mga paskil ng SALE at nakalagay sa mga metal bin ang mga damit na pinagsama-sama…syempre sale eh kaya hahalukayin mo ito hanggang sa ilalim at kever sa presyo kasi nakalagay naman sa signage eh 50 lang. Tapos pagdating mo sa counter, napag-alaman mong yung isa sa nakuha mo, indi pala kasama sa sale at “nahalo” lang daw ito. Nakakahiya naman kung ibabalik mo eh ang haba ng pila at nakaabat lahat sa’yo kung bibilhin mo ba ito o inde…Syempre bibilhin mo kasi kakahiya naman kung indi. Yan ang misleading advertisement, sine-sale talaga nila ang iilan sa produkto nila pero sinasadya din nilang ihalo ang mga indi sale na produkto para mabili rin ito ng mga walang kamalay-malay na kustomer na eksayted sa sale chorva. Mabulaklak na white lie. Kaya konting ingat shoppers. Pakyawan ang benta ng white lies. Kung ninenegosyo nga lang siguro ito, malamang napakayaman na ng taong ito. Ang mabisang pampawala ng guilt dulot ng ating Safeguard. Parang Alcohol at Betadine, pareho ng bisa pero di sing hapdi ang epekto. Pero kahit gaano mo pa mapaganda ang mga white lies, indi pa rin ito makakalusot sa kalabit ng Safeguard kahit na mas madalas, nagawa mo na ang isang bagay bago mo pa maramdaman ang mga kuko nito. 60
  • 7. Tulad ng eksena ng examination at unannounced quiz. Buong klase ang nakokonsensya sa pangongopya. (normal na pakiramdam bago gumawa ng mali.) Pero nangingibabaw pa rin ang takot na bumagsak sa exam at umulit ng subject kaya napipilitang gumawa ng indi maganda. Ang isyu ng pangongopya, nagiging normal na lang na gawain. Ang pag-amin nito ay madali sa harap ng mga kaibigan at kaklase, ikukwento mo pa ng detalyado ang lab stori ng pangongopya. Kung Teacher, Magulang at si Kuya Jesus ang kaharap ang dami na sigurong white lies ang nag- party sa ating bibig. Meron kaming kapitbahay, napakasipag maglinis ng bahay pati ang bakuran nito, sagana sa walis. Araw-araw naglalaba. Tuwing alas tres ng madaling araw, gising na ito para maglinis. Good for her kasi masinop siya. Pero sana naman ginagamit niya yung pandakot na partner ng walis niya at indi pilit niyang isinisiksik ang mga winalis niya sa gilid ng pinto namin. Ang galing mag-white lies ng lola mo, kesyo maaga daw siya nagigising at wala naman daw siyang nakikitang gumagawa nun. Sabihin mo kung nagmumulto ang mga alikabok sa harap ng bahay namin at nagkukusa na silang sumiksik sa gilid ng pinto para naiintindihan ko naman. Buti rin sana kung indi ko siya nakita ng ilang beses na gawin yon sa tuwing inaabot ako ng alas tres ng m adaling araw galing sa lakaran. Kahit na nasermunan ako, natuwa pa rin nanay ko dahil na-caught in the act ko naman kung sino ang masipag na tagasiksik ng dumi sa harap ng bahay namin. Sa trabaho naman, kung pamilyar kayo sa mga umpukan tuwing break sa canteen o pantry, (sila ang tropang dapat mong iwasan.) Yung mga kuwentuhang kala mo tungkol sa ekonomiya at pulitika pero pag lumapit ka pa ng konti para pakinggan ang mga ito, showbiz pala at buhay ng ibang tao ang topic nila. Minsan kahit indi ka naman talagang pumaparte sa usapan at tipong nakikinig lang sa kanila, nakaka-guilty pag kabatian mo yung taong pinag-uusapan nila na walang kaalam-alam na dina-dissect na pala ang pagkatao niya pag nakatalikod siya habang nakikipagkuwentuhan pa siya ng masaya sa mga ito. 61
  • 8. Syempre, ikaw na may alam sa mga kumakalat na chismis…ayaw mo nang madamay kaya indi ka na rin magsasalita. Mahirap na malipat sa’yo ang sumpa. Tipong CIA ka na pero nagagawa mo pang mag-design ng white lies dyan. Lahat ng palusot, masasabi mo wag lang niyang maisip na indi mo nagawang ipagtanggol siya kahit konti kasi wala naman siyang ginawang masama sa’yo whatsoever. Mga tama na indi naman kailangang baliin – – – binabaluktot lang. Sa ibang pagkakataon, unintentionally nakakapag-design tayo ng white lies sa mga sitwasyon na talagang ipit na. Wala eh, kesa naman sabihin mo ang totoo ‘di masisira na lahat. Inaako mo na lang ang posisyon na magsinungaling at dedmahin ang Safeguard dyan sa tabi mo alang-alang sa mararamdaman ng mga tao sa paligid mo. (https://www.google.com.ph/search?biw=320&bih=241&ei=ncavWNXvKces8QXMuYmoCA&q=article+tungkol+sa+konsensya&oq=art icle+tungkol+sa+konsensya&gs_l=mobile-gws-serp.3...2538.14307.0.15030.0.0.0.0.0.0.0.0..0.0....0...1c.1j4.64.mobile-gws- serp..0.0.0.QyuiAg6YiZY) Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Ano ang tinutukoy na safeguard sa napakinggang sanaysay? 2. Sa ano-anong sitwasyon/pagkakataon magagamit ang konsensya? 3. Paano mo gagamitin ng tama ang iyong konsensya? E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 Basahin ang komiks at ipahayag ang damdamin sa nabasa. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) 62
  • 9. 63
  • 10. https://www.slideshare.net/mobile/sirlemuelestrada/modyul-6-ang-kaugnayan-ng-konsensya-sa-likas-na-batas-moral Ipahayag ang saloobin sa nabasang kuwento. F. Paglinang sa Kabihasahan (Tungo sa Formative Assessment) Pumili sa sumusunod na pahayag tungkol sa konsensya at ipaliwanag. 1. Ang konsensya ay ang batayan ng kaisipan sa panghuhusga kung tama o mali ang ginagawa. 2. Ang konsensya ay ang paglilitis ayon sa sariling paratang at pagtatanggol ng tama. G. Paglalapat sa aralin sa pang- araw-araw na buhay Tumawag ng mag-aaral na makapagpapahayag ng damdamin kung paano makatutulong ang konsensya sa mabuting pagpapasya sa sitwasyon na kinakaharap. H. Paglalahat sa aralin Malaki ang papel na ginagampanan ng ating konsensya sa buhay natin. Dito nakasalalay ang paghubog ng ating pagkatao dahil ito ang humuhusga sa kilos na ating pinipiling gawin. 64
  • 11. I. Pagtataya ng Aralin Hatiin ang klase sa 5 pangkat. Magkaroon ng maiksing presentasyon na nagpapakita ng gamit ng konsensya. (gawin ito sa loob ng 15 minuto) (Collaborative Approach) Kraytirya: a. Husay ng pagganap-40% b. Kooperasyon at Disiplina-30% c. Pagkamalikhain (Props, Kasuotan)-30% J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation Basahin ang sipi sa modyul tungkol sa konsensya, pahina 147-152. Gumawa ng tala ng mga konseptong matatagpuan sa babasahin. IV. MgaTala V. Pagninilay A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya. B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin? D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloysa remediation? 65
  • 12. E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong nang lubos? Paano ito nakatulong? F. Anong suliranin ang aking naranasang solusyunan sa tulong ng aking punongguro at superbisor? G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuhong nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro? 66