FILIPINO
Naiuugnay sa sariling karanasan ang nabasang teksto F2PN-IIb-2
Mayroon ka bang nakatatandang
kapatid? Anoano ang ginagawa
ninyo tuwing kayo’y magkasama?
Lalaking Nakakumot na Puti
Ni: Jayson B. De Belen
Nagmamadali si Luna na umakyat sa itaas ng kanilang
bahay upang kuhanin ang paborito niyang laruan sa
kwarto. Tila siya palaka na tumalon upang mabilis na
makaakyat sa hagdanan. Mabilis niyang pinihit ang
seradura ng pinto upang ito ay buksan. Biglang may
lumitaw na lalaking nakataklob ng kumot na kulay puti sa
kaniyang harapan. "Waaaaah!" Napasigaw si Luna dahil sa
takot. "Hahahaha!" biglang bumulalas ang isang pamilyar
na boses mula sa nakakumot na puti. "Si Kuya lang pala
itong nanggulat sa akin,” nakangiting wika ni Luna.
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.
1. Sino ang nagmamadaling umakyat sa hagdanan ng
bahay?
2. Ano ang nais niyang kuhanin?
3. Saan niya kukuhanin ang kaniyang paboritong laruan?
4. Bakit napasigaw si Luna?
5. Anong emosyon ang namayani kay Luna nang makita
niya ang lalaking nakakumot na kulay puti?
Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa Nabasang Teksto
Mayroong mga karanasan na maihahalintulad sa mga
nababasang teksto. Ito ay maaaring masaya, malungkot,
nakatatakot, nakagugulat, nakapananabik at iba pang karanasang
hindi mo malilimutan.
Ang mga karanasang ito ay naiuugnay sa mga pangyayari sa
nababasang teksto. Katulad na lamang ng nangyari sa kuwento ni
Luna. Naranasan mo na rin ba na magulat at matakot katulad
niya?
Ang pag-uugnay ng sariling karanasan sa nabasang
kuwento ay isang mainam na kasanayan. Sa
pamamagitan nito, naihahayag ang mga saloobin,
pananaw o opinyon. Maraming mga pangyayari ang
nagaganap sa araw-araw. Maging ito ay maganda o
hindi maganda, inaasahan o biglaan, kapupulutan
ito ng mahahalagang aral. Ang mga aral na ito ay
pahalagahan upang tayo’y lalong maging matatag
sa ating buhay.
Pangkatang Gawain
Ano ang mga dapat tandan sa pangkatang
gawain?
(Ipapakita at ipaliliwanag ng guro ang rubriks
sa pangkatang gawain)
Panuto: Balikan ang tekstong “Lalaking Nakakumot na Puti” at iugnay ito sa
iyong sariling karanasan. Iguhit sa loob ng Venn Diagram ang karanasang hindi
mo malilimutan kasama ang iyong kapatid.
Basahin ang sitwasyon.
Oras ng recess, nakita mo na walang baon ang
iyong kamag-aral. Ano ang iyong gagawin?
Naranasan mo na ba na pumasok ng walang
baon?
Tandaan
Ang ating mga sariling karanasan ay nagdudulot sa
atin ng kasiyahan, kalungkutan, takot at marami
pang iba. Ang iba’t ibang karanasang ito ay
maiuugnay natin sa mga pangyayari na naganap sa
nabasang teksto o kuwento. Ito ay nagtuturo sa
atin ng mga aral upang lalong maging mahusay at
matatag ang ating buhay. Ito ay dapat nating
pahalagahan.
Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong batay sa iyong
sariling karanasan.
Si Lala
Ni: Jasmin S. Dela Cruz
1. Ano ang dapat gawin ni Lala?
a. Ayain ang mga kaibigan sa kanilang bahay upang maglaro. b.
Magpahatid at magpasama sa mga magulang sa parke. c.
Sumunod sa bilin ng magulang na huwag lalabas ng bahay.
2. Aling pangyayari, tulad kay Lala, ang nagagawa mo noong
wala pang Corona virus?
a. Maglakad papasok sa paaralan kasabay ang mga kaibigan. b.
Makipagkita at makipaglaro sa mga kaibigan sa parke tuwing
walang pasok. c. Masayang mag-aral at umawit kasama ang
guro sa paaralan.
3. Ano ang iyong bagong karanasan ngayong nagkaroon ng
Corona virus?
a. Maglaro ng habulan at taguan kasama ang mga pinsan.
b. Mamasyal sa labas kasama ang buong pamilya.
c. Manatili sa loob ng bahay habang nag-aaral.
4. Alin sa mga sumusunod ang maaari mo pang gawin bilang
isang mag-aaral habang mayroong Corona virus?
a. Basahin ang mga araling inihanda ng guro sa pisara.
b. Basahin at sagutan ang mga gawaing ipinadala ng guro sa
bahay.
c. Kumanta at sumayaw sa labas kasabay ang mga kamag-aral.
5. Sa iyong palagay bilang isang bata, paano ka
makatutulong sa pagtigil ng paglaganap ng virus
na ito?
a. Magsuot ng face mask at face shield sa tuwing
maglalaro sa labas.
b. Manatili lamang sa loob ng bahay at mag-aral.
c. Panatilihin ang social distancing kapag pupunta
sa mataong lugar
Panuto: Basahin ang kuwento at sumulat ng limang pangungusap tungkol sa iyong sariling karanasan
na may pagkakatulad dito. Isulat ito sa sagutang papel.
Sa tuwing uuwi ng bahay si Geng ay sumasalubong sa
kaniya ang paborito niyang alagang aso na si Timi.
Mabalahibo ito, may kulay na abuhin at maiksi ang
buntot. Malambing sa kaniya ang alaga. Mahilig si Timi
na pumulupot at ikiskis ang kaniyang mukha sa binti ni
Geng. Masayang pinakakain at pinaliliguan ni Geng si
Timi
FILIPINO
Naipaliliwanag nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa paligid (bahay, komunidad,
paaralan) at sa mga napanood (telebisyon, cellphone, kompyuter)
Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong batay sa iyong sariling karanasan
1. Anong kakaibang pangyayari ang ating naranasan pagpasok ng
taong 2020?
a.epidemya
b. giyera c. pandemya
2. Ano ang ipinatupad ng pamahalaan upang maiwasan ang mabilis na
paglaganap ng COVID-19? a.bagong batas
b. curfew c. quarantine
3. Alin ang palagiang isinusuot tuwing lalabas ng bahay? a. face mask b.
salamin c. sombrero
4. Alin ang nagbibigay ng karagdagang proteksyon sa ating mata at
ilong?
a. face shield b. panyo c. salamin
Nakaranas na ba kayo na mabully sa paaralan o sa inyong komunidad?
Ano ang inyong ginawa?
Ano ang nagaganap sa larawan?
Sino ang dapat ninyong lapitan kung
nakararanas kayo ng ganitong pangyayari?
Ano ang nagiging epekto nito sa
bata?
May magagawa ba tayo para matigil ito?
May karahasang nagaganap sa aming
paaralan.Nararapat lamang na ipagbigay alam ito sa
kinauukulan. Maaaring sa iyong magulang, guro, at
guidance ng paaralan. May masamang epekto ito sa
taong nakaranas at gumawa nito. Makatutulong tayo
upang maiwasan ang karahasang ito sa pagiging
responsableng batang may malasakit sa kapwa.
Paano mo iuulat o ikukuwento ang iyong nasaksihan
Ang pag-uulat nang pasalita ay sumasaklaw sa pagsasalaysay ng mga
nalikom na impormasyon tungkol sa isang paksa o maaaring naobserbahan
o nasaksihan.
Mga Pamantayan sa Isang Pag-uulat
 Gawing mahalaga ang bawat pangungusap sa paksa.
 Sabihing mabuti o bigkasin ng malinaw ang mga salita upang lalong
maunawaan ang iniuulat.
 Gumamit ng wasto at tiyak na pananalita.
 Upang maging matagumpay sa pag-uulat kailangan
ang :
 Ganap na paghahanda
 Maayos na paglikom ng impormasyon
 Magandang pagtatala ng mga impormasyon
Pangkatang Gawain
Ano ang mga dapat tandan sa pangkatang
gawain?
(Ipapakita at ipaliliwanag ng guro ang rubriks
sa pangkatang gawain)
Ilarawan ang mga pangyayaring napanood sa telebisyon,
cellphone at kompyuter
Panuto: Bilugan ang tamang sagot.
Maging (matalino, walang pakialam) sa lahat ng
ating ikinikilos at ipinahahayag upang hindi
mapahamak.Sundin ang ipinaguutos upang
maging payapa at (ligtas, sakitin )
Tandaan:
1. Ang pag-uulat nang pasalita ay sumasaklaw sa pagsasalaysay ng
mga nalikom na impormasyon tungkol sa isang paksa o maaaring
naobserbahan o
nasaksihan.
2. Mahalaga ang makatotohanang at responsableng pag-uulat
para sa kapakanan ng mga nakikinig at nanonood upang hindi ito
maligaw sa mga kaganapang nangyayari sa ating kapaligiran
3. Sa paguulat nang pasalita itala ang pangunahing detalye na
sinusuportahan naman na maliliit na kaisipan.
4-5. Sa pag-uulat ng pasalita, kailangan pinapanaltili ang tingin sa
kausap.Tumayo nang tuwid habang nagsasalita sa kausap.
Panuto: Bumuo nang ulat tungkol sa naobserbahanan sa
larawan. (5 puntos)
Mula sa larawang sa itaas ,ano kaya ang dahilan kung bakit
nagkaroon ng baha ? Sino ang may kasalanan?
May magagawa pa ba tayo upang maiwasan ito?
Isalaysay mo at isulat.
FILIPINO
Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa paligid (bahay, komunidad, paaralan) at
sa mga napanood (telebisyon, cellphone, kompyuter) F2PS-If-3.
Isulat ang mga karanasan mo sa mga sumusunod na
pangyayari:
1. unang araw ng pasukan
2. pagdalo sa kaarawan ng kaibigan
3. pagkain sa labas kasama ang iyong pamilya
Nakarinig o nakapanood ka na ba ng pag- uulat sa
radyo o telebisyon? Naranasan mo na bang gayahin
ang mga pag-uulat na iyong narinig?
Nakapagkuwento ka na ba ng nasaksihan mong
pangyayari? Paano mo ito ginawa?
Makinig nang mabuti habang binabasa ko ang
kasunod na balita. (Maaring maghanda ng
papel at lapis sa pagtatala ng mahahalagang
kaisipang narinig at ihanda ang sarili sa pag-
uulat nito.)
Itanong:
-Patungkol saan ang balita?
-Ano daw ang mga dapat gawin upang makaiwas
mapahaamak kapag may bagyo?
- Anu-ano ang mga bagay na dapat tandaan sa
pag-uulat ng mga nasaksihan sa paaralan, sa
pamayanan, narinig sa radyo o napanood sa
telebisyon
Ngayon, ating iisa-isahin ang mga bagay na dapat tandaan sa pag-uulat ng
mga nasaksihan sa paaralan, sa pamayanan, narinig sa radyo o napanood sa
telebisyon.
Makinig nang mabuti sa tagapaggabay habang nagbabasa upang
maunawaan ang mga sumusunod na tuntunin sa pag-uulat.
✓ Mahalagang matandaan natin ang mga detalye ng mga pangyayari.
✓ Sa pag-uulat, dapat ay kumpleto ang mga impormasyon; walang labis at
walang kulang.
✓ Maaari rin tayong gumamit ng magagalang na salita (po at opo) sa pag-
uulat.
✓ Ang tamang damdamin at ekspresyon ng mukha ay nakatutulong din
upang maging makatotohanan ang pag-uulat
Panuto: Suriin ang bawat larawan. Piliin sa loob ng kahon na nasa ibaba ang
angkop na pag-uulat sa bawat larawan. Iulat mo ito nang pasalita
pagkatapos.
a.Hindi dapat pinipitas ang mga bulaklak sa parke.
b. Masayang naglalaro ng basketbol ang mga bata.
c. Tumawid sa tamang tawiran upang hindi maaksidente.
Panuto: Pag-aralan ang larawan. Isipin mo na nasaksihan mo ang bawat
pangyayari. Iulat mo ngayon kung ano ang maaaring naganap sa larawan.
Tandaan:
Marami tayong nasasaksihang pangyayari sa paaralan at sa pamayanan,
naririnig sa radyo o napapanood sa telebisyon. Paano mo iuulat o
ikukuwento ang iyong nasaksihan?
✓ Mahalagang matandaan natin ang mga detalye ng mga pangyayari.
✓ Sa pag-uulat, dapat ay kumpleto ang mga impormasyon; walang labis at
walang kulang.
✓ Maaari rin tayong gumamit ng magagalang na salita (po at opo) sa pag-
uulat.
✓ Ang tamang damdamin at ekspresyon ng mukha ay nakatutulong din
upang maging makatotohanan ang pag-uulat.
Isulat ang letra ng pangungusap na nagpapahayag ng tamang pag-uulat
sa bawat larawan.
A. Kawawa naman ang bundok, nauubos na ang
mga puno.
B. Masayang naglalaro ang mga bata sa palaruan.
C. Nakapila nang maayos ang mga mag-aaral
habang umaawit ng Lupang Hinirang.
D. Nagdadasal ang buong mag-anak.
E. Nakikinig ang mga tao sa nagsasalita.
Iguhit sa iyong sagutang papel ang mukhang kung ang
pahayag ay mahalaga sa pag-uulat nang pasalita at
mukhang naman kung hindi.
_____ 1. Dapat iulat ang buong detalye ng ating
nasaksihang pangyayari.
_____ 2. Ugaliin nating mag-ulat nang may paggalang.
_____ 3. Sa pag-uulat ng nasaksihang pangyayari, ayos
amang na kulang ang ating iuulat.
_____ 4. Totoong pangyayari po lamang ang ating iuulat.
_____ 5. Iulat po lamang ang mga pangyayaring
FILIPINO
Natutukoy nang wasto ang mga salita, tatlo o apat na pantig, batayang talasalitaang pampaningin, at
natutuhang salita mula sa mga aralin
Panuto: Piliin ang pangyayaring iyong naobserbahan sa
bawat bilang. Lagyan ng tsek ( / ) kung ito ay iyong
naobserbahan at ekis ( X ) kung hindi.
_____ 1. Pagsusuot ng face mask tuwing lalabas ng bahay
_____ 2. Pagpasok sa paaralan araw-araw
_____ 3. Paglalagay ng alkohol sa kamay
_____ 4. Paglalaro ng mga bata sa labas
_____ 5. Paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig
Saan kayo madalas magbakasyon ng
inyong pamilya?
1.Ano ang katangian ng pamilya ni Mang Berto?
2.Saan sila magbabakasyon?
Bakit nais ni Mang Berto na sa probinsya gugulin ang bakasyon?
Basahin ang mga salita.
Pantigin ang mga salita.
Alin sa mga salitang ibinigay ang tatlong pantig? Apat na
pantig?
Tingnan ang larawan. Isulat sa patlang ang pangalan ng nasa
larawan
Panuto: Piliin ang salitang may maling baybay sa
pangungusap. Gawin ito sa sagutang papel.
1. Isang surpresang kaarawan ang inihanda nina Mang
Tonying at Aling Meding para kay Melinda.
2. Nakapulot ng pulang petaka si Maria sa kalsada.
3. Bumili si Tatay Mando ng bagong telibisyon kahapon.
4. Ang bagong salamen sa mata ni Pia ay nabasag.
5. Tumutugtog ng turumpeta si Marky tuwing pista sa
kanilang pamayanan.
Tandaan:
Narito ang mga dapat tandaan sa pagtukoy ng mga
salitang may maling baybay
▪ Suriing mabuti ang mga salita.
▪ Tingnang mabuti ang mga letrang bumubuo sa salita
upang makita kung may pagkakamali rito.
▪ Ang kasanayan sa pagpapantig ay makatutulong sa
pagtukoy ng mga salitang may maling baybay.
Panuto: Piliin ang bilang ng salita na may maling baybay.
Isulat ang bilang at iwasto ito sa iyong sagutang papel.
Ang halimbawa ay maari mong maging gabay.
Halimbawa:
Si Nanay ay masayang nagluluto ng pagkain sa kosina.
1 2 3 4 5
Sagot 5-kusina
1. Binilhan ako ni Nanay ng maraming laroan sa tindahan.
1 2 3 4 5
2. Masarap at matamis ang tindang sourbetes ni Mang Felix.
1 2 3 4 5
3. Tuwing Undas ay bumibisita kami nila Nanay sa siminteryo.
1 2 3 4 5
4. Maraming baong pagkaen si Maricar kahapon.
1 2 3 4 5
5.Iba’t – ibang bolaklak ang tanim ni Nanay sa bakuran.
1 2 3 4 5

power point presentation. for grade- 2

  • 1.
    FILIPINO Naiuugnay sa sarilingkaranasan ang nabasang teksto F2PN-IIb-2
  • 3.
    Mayroon ka bangnakatatandang kapatid? Anoano ang ginagawa ninyo tuwing kayo’y magkasama?
  • 4.
    Lalaking Nakakumot naPuti Ni: Jayson B. De Belen
  • 5.
    Nagmamadali si Lunana umakyat sa itaas ng kanilang bahay upang kuhanin ang paborito niyang laruan sa kwarto. Tila siya palaka na tumalon upang mabilis na makaakyat sa hagdanan. Mabilis niyang pinihit ang seradura ng pinto upang ito ay buksan. Biglang may lumitaw na lalaking nakataklob ng kumot na kulay puti sa kaniyang harapan. "Waaaaah!" Napasigaw si Luna dahil sa takot. "Hahahaha!" biglang bumulalas ang isang pamilyar na boses mula sa nakakumot na puti. "Si Kuya lang pala itong nanggulat sa akin,” nakangiting wika ni Luna.
  • 6.
    Panuto: Sagutin angsumusunod na katanungan. 1. Sino ang nagmamadaling umakyat sa hagdanan ng bahay? 2. Ano ang nais niyang kuhanin? 3. Saan niya kukuhanin ang kaniyang paboritong laruan? 4. Bakit napasigaw si Luna? 5. Anong emosyon ang namayani kay Luna nang makita niya ang lalaking nakakumot na kulay puti?
  • 7.
    Pag-uugnay ng SarilingKaranasan sa Nabasang Teksto Mayroong mga karanasan na maihahalintulad sa mga nababasang teksto. Ito ay maaaring masaya, malungkot, nakatatakot, nakagugulat, nakapananabik at iba pang karanasang hindi mo malilimutan. Ang mga karanasang ito ay naiuugnay sa mga pangyayari sa nababasang teksto. Katulad na lamang ng nangyari sa kuwento ni Luna. Naranasan mo na rin ba na magulat at matakot katulad niya?
  • 8.
    Ang pag-uugnay ngsariling karanasan sa nabasang kuwento ay isang mainam na kasanayan. Sa pamamagitan nito, naihahayag ang mga saloobin, pananaw o opinyon. Maraming mga pangyayari ang nagaganap sa araw-araw. Maging ito ay maganda o hindi maganda, inaasahan o biglaan, kapupulutan ito ng mahahalagang aral. Ang mga aral na ito ay pahalagahan upang tayo’y lalong maging matatag sa ating buhay.
  • 9.
    Pangkatang Gawain Ano angmga dapat tandan sa pangkatang gawain? (Ipapakita at ipaliliwanag ng guro ang rubriks sa pangkatang gawain)
  • 10.
    Panuto: Balikan angtekstong “Lalaking Nakakumot na Puti” at iugnay ito sa iyong sariling karanasan. Iguhit sa loob ng Venn Diagram ang karanasang hindi mo malilimutan kasama ang iyong kapatid.
  • 11.
    Basahin ang sitwasyon. Orasng recess, nakita mo na walang baon ang iyong kamag-aral. Ano ang iyong gagawin? Naranasan mo na ba na pumasok ng walang baon?
  • 12.
    Tandaan Ang ating mgasariling karanasan ay nagdudulot sa atin ng kasiyahan, kalungkutan, takot at marami pang iba. Ang iba’t ibang karanasang ito ay maiuugnay natin sa mga pangyayari na naganap sa nabasang teksto o kuwento. Ito ay nagtuturo sa atin ng mga aral upang lalong maging mahusay at matatag ang ating buhay. Ito ay dapat nating pahalagahan.
  • 13.
    Panuto: Basahin angkuwento at sagutin ang mga tanong batay sa iyong sariling karanasan. Si Lala Ni: Jasmin S. Dela Cruz
  • 15.
    1. Ano angdapat gawin ni Lala? a. Ayain ang mga kaibigan sa kanilang bahay upang maglaro. b. Magpahatid at magpasama sa mga magulang sa parke. c. Sumunod sa bilin ng magulang na huwag lalabas ng bahay. 2. Aling pangyayari, tulad kay Lala, ang nagagawa mo noong wala pang Corona virus? a. Maglakad papasok sa paaralan kasabay ang mga kaibigan. b. Makipagkita at makipaglaro sa mga kaibigan sa parke tuwing walang pasok. c. Masayang mag-aral at umawit kasama ang guro sa paaralan.
  • 16.
    3. Ano angiyong bagong karanasan ngayong nagkaroon ng Corona virus? a. Maglaro ng habulan at taguan kasama ang mga pinsan. b. Mamasyal sa labas kasama ang buong pamilya. c. Manatili sa loob ng bahay habang nag-aaral. 4. Alin sa mga sumusunod ang maaari mo pang gawin bilang isang mag-aaral habang mayroong Corona virus? a. Basahin ang mga araling inihanda ng guro sa pisara. b. Basahin at sagutan ang mga gawaing ipinadala ng guro sa bahay. c. Kumanta at sumayaw sa labas kasabay ang mga kamag-aral.
  • 17.
    5. Sa iyongpalagay bilang isang bata, paano ka makatutulong sa pagtigil ng paglaganap ng virus na ito? a. Magsuot ng face mask at face shield sa tuwing maglalaro sa labas. b. Manatili lamang sa loob ng bahay at mag-aral. c. Panatilihin ang social distancing kapag pupunta sa mataong lugar
  • 18.
    Panuto: Basahin angkuwento at sumulat ng limang pangungusap tungkol sa iyong sariling karanasan na may pagkakatulad dito. Isulat ito sa sagutang papel. Sa tuwing uuwi ng bahay si Geng ay sumasalubong sa kaniya ang paborito niyang alagang aso na si Timi. Mabalahibo ito, may kulay na abuhin at maiksi ang buntot. Malambing sa kaniya ang alaga. Mahilig si Timi na pumulupot at ikiskis ang kaniyang mukha sa binti ni Geng. Masayang pinakakain at pinaliliguan ni Geng si Timi
  • 19.
    FILIPINO Naipaliliwanag nang pasalitaang mga naobserbahang pangyayari sa paligid (bahay, komunidad, paaralan) at sa mga napanood (telebisyon, cellphone, kompyuter)
  • 20.
    Basahin ang tekstoat sagutin ang mga tanong batay sa iyong sariling karanasan
  • 21.
    1. Anong kakaibangpangyayari ang ating naranasan pagpasok ng taong 2020? a.epidemya b. giyera c. pandemya 2. Ano ang ipinatupad ng pamahalaan upang maiwasan ang mabilis na paglaganap ng COVID-19? a.bagong batas b. curfew c. quarantine 3. Alin ang palagiang isinusuot tuwing lalabas ng bahay? a. face mask b. salamin c. sombrero 4. Alin ang nagbibigay ng karagdagang proteksyon sa ating mata at ilong? a. face shield b. panyo c. salamin
  • 22.
    Nakaranas na bakayo na mabully sa paaralan o sa inyong komunidad? Ano ang inyong ginawa?
  • 23.
    Ano ang nagaganapsa larawan? Sino ang dapat ninyong lapitan kung nakararanas kayo ng ganitong pangyayari? Ano ang nagiging epekto nito sa bata? May magagawa ba tayo para matigil ito?
  • 24.
    May karahasang nagaganapsa aming paaralan.Nararapat lamang na ipagbigay alam ito sa kinauukulan. Maaaring sa iyong magulang, guro, at guidance ng paaralan. May masamang epekto ito sa taong nakaranas at gumawa nito. Makatutulong tayo upang maiwasan ang karahasang ito sa pagiging responsableng batang may malasakit sa kapwa.
  • 25.
    Paano mo iuulato ikukuwento ang iyong nasaksihan Ang pag-uulat nang pasalita ay sumasaklaw sa pagsasalaysay ng mga nalikom na impormasyon tungkol sa isang paksa o maaaring naobserbahan o nasaksihan. Mga Pamantayan sa Isang Pag-uulat  Gawing mahalaga ang bawat pangungusap sa paksa.  Sabihing mabuti o bigkasin ng malinaw ang mga salita upang lalong maunawaan ang iniuulat.  Gumamit ng wasto at tiyak na pananalita.  Upang maging matagumpay sa pag-uulat kailangan ang :  Ganap na paghahanda  Maayos na paglikom ng impormasyon  Magandang pagtatala ng mga impormasyon
  • 26.
    Pangkatang Gawain Ano angmga dapat tandan sa pangkatang gawain? (Ipapakita at ipaliliwanag ng guro ang rubriks sa pangkatang gawain)
  • 27.
    Ilarawan ang mgapangyayaring napanood sa telebisyon, cellphone at kompyuter
  • 29.
    Panuto: Bilugan angtamang sagot. Maging (matalino, walang pakialam) sa lahat ng ating ikinikilos at ipinahahayag upang hindi mapahamak.Sundin ang ipinaguutos upang maging payapa at (ligtas, sakitin )
  • 30.
    Tandaan: 1. Ang pag-uulatnang pasalita ay sumasaklaw sa pagsasalaysay ng mga nalikom na impormasyon tungkol sa isang paksa o maaaring naobserbahan o nasaksihan. 2. Mahalaga ang makatotohanang at responsableng pag-uulat para sa kapakanan ng mga nakikinig at nanonood upang hindi ito maligaw sa mga kaganapang nangyayari sa ating kapaligiran 3. Sa paguulat nang pasalita itala ang pangunahing detalye na sinusuportahan naman na maliliit na kaisipan. 4-5. Sa pag-uulat ng pasalita, kailangan pinapanaltili ang tingin sa kausap.Tumayo nang tuwid habang nagsasalita sa kausap.
  • 31.
    Panuto: Bumuo nangulat tungkol sa naobserbahanan sa larawan. (5 puntos) Mula sa larawang sa itaas ,ano kaya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng baha ? Sino ang may kasalanan? May magagawa pa ba tayo upang maiwasan ito? Isalaysay mo at isulat.
  • 32.
    FILIPINO Naiuulat nang pasalitaang mga naobserbahang pangyayari sa paligid (bahay, komunidad, paaralan) at sa mga napanood (telebisyon, cellphone, kompyuter) F2PS-If-3.
  • 33.
    Isulat ang mgakaranasan mo sa mga sumusunod na pangyayari: 1. unang araw ng pasukan 2. pagdalo sa kaarawan ng kaibigan 3. pagkain sa labas kasama ang iyong pamilya
  • 34.
    Nakarinig o nakapanoodka na ba ng pag- uulat sa radyo o telebisyon? Naranasan mo na bang gayahin ang mga pag-uulat na iyong narinig? Nakapagkuwento ka na ba ng nasaksihan mong pangyayari? Paano mo ito ginawa?
  • 35.
    Makinig nang mabutihabang binabasa ko ang kasunod na balita. (Maaring maghanda ng papel at lapis sa pagtatala ng mahahalagang kaisipang narinig at ihanda ang sarili sa pag- uulat nito.)
  • 37.
    Itanong: -Patungkol saan angbalita? -Ano daw ang mga dapat gawin upang makaiwas mapahaamak kapag may bagyo? - Anu-ano ang mga bagay na dapat tandaan sa pag-uulat ng mga nasaksihan sa paaralan, sa pamayanan, narinig sa radyo o napanood sa telebisyon
  • 38.
    Ngayon, ating iisa-isahinang mga bagay na dapat tandaan sa pag-uulat ng mga nasaksihan sa paaralan, sa pamayanan, narinig sa radyo o napanood sa telebisyon. Makinig nang mabuti sa tagapaggabay habang nagbabasa upang maunawaan ang mga sumusunod na tuntunin sa pag-uulat. ✓ Mahalagang matandaan natin ang mga detalye ng mga pangyayari. ✓ Sa pag-uulat, dapat ay kumpleto ang mga impormasyon; walang labis at walang kulang. ✓ Maaari rin tayong gumamit ng magagalang na salita (po at opo) sa pag- uulat. ✓ Ang tamang damdamin at ekspresyon ng mukha ay nakatutulong din upang maging makatotohanan ang pag-uulat
  • 39.
    Panuto: Suriin angbawat larawan. Piliin sa loob ng kahon na nasa ibaba ang angkop na pag-uulat sa bawat larawan. Iulat mo ito nang pasalita pagkatapos. a.Hindi dapat pinipitas ang mga bulaklak sa parke. b. Masayang naglalaro ng basketbol ang mga bata. c. Tumawid sa tamang tawiran upang hindi maaksidente.
  • 40.
    Panuto: Pag-aralan anglarawan. Isipin mo na nasaksihan mo ang bawat pangyayari. Iulat mo ngayon kung ano ang maaaring naganap sa larawan.
  • 41.
    Tandaan: Marami tayong nasasaksihangpangyayari sa paaralan at sa pamayanan, naririnig sa radyo o napapanood sa telebisyon. Paano mo iuulat o ikukuwento ang iyong nasaksihan? ✓ Mahalagang matandaan natin ang mga detalye ng mga pangyayari. ✓ Sa pag-uulat, dapat ay kumpleto ang mga impormasyon; walang labis at walang kulang. ✓ Maaari rin tayong gumamit ng magagalang na salita (po at opo) sa pag- uulat. ✓ Ang tamang damdamin at ekspresyon ng mukha ay nakatutulong din upang maging makatotohanan ang pag-uulat.
  • 42.
    Isulat ang letrang pangungusap na nagpapahayag ng tamang pag-uulat sa bawat larawan. A. Kawawa naman ang bundok, nauubos na ang mga puno. B. Masayang naglalaro ang mga bata sa palaruan. C. Nakapila nang maayos ang mga mag-aaral habang umaawit ng Lupang Hinirang. D. Nagdadasal ang buong mag-anak. E. Nakikinig ang mga tao sa nagsasalita.
  • 43.
    Iguhit sa iyongsagutang papel ang mukhang kung ang pahayag ay mahalaga sa pag-uulat nang pasalita at mukhang naman kung hindi. _____ 1. Dapat iulat ang buong detalye ng ating nasaksihang pangyayari. _____ 2. Ugaliin nating mag-ulat nang may paggalang. _____ 3. Sa pag-uulat ng nasaksihang pangyayari, ayos amang na kulang ang ating iuulat. _____ 4. Totoong pangyayari po lamang ang ating iuulat. _____ 5. Iulat po lamang ang mga pangyayaring
  • 44.
    FILIPINO Natutukoy nang wastoang mga salita, tatlo o apat na pantig, batayang talasalitaang pampaningin, at natutuhang salita mula sa mga aralin
  • 45.
    Panuto: Piliin angpangyayaring iyong naobserbahan sa bawat bilang. Lagyan ng tsek ( / ) kung ito ay iyong naobserbahan at ekis ( X ) kung hindi. _____ 1. Pagsusuot ng face mask tuwing lalabas ng bahay _____ 2. Pagpasok sa paaralan araw-araw _____ 3. Paglalagay ng alkohol sa kamay _____ 4. Paglalaro ng mga bata sa labas _____ 5. Paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig
  • 46.
    Saan kayo madalasmagbakasyon ng inyong pamilya?
  • 48.
    1.Ano ang katangianng pamilya ni Mang Berto? 2.Saan sila magbabakasyon? Bakit nais ni Mang Berto na sa probinsya gugulin ang bakasyon?
  • 49.
    Basahin ang mgasalita. Pantigin ang mga salita. Alin sa mga salitang ibinigay ang tatlong pantig? Apat na pantig?
  • 50.
    Tingnan ang larawan.Isulat sa patlang ang pangalan ng nasa larawan
  • 51.
    Panuto: Piliin angsalitang may maling baybay sa pangungusap. Gawin ito sa sagutang papel. 1. Isang surpresang kaarawan ang inihanda nina Mang Tonying at Aling Meding para kay Melinda. 2. Nakapulot ng pulang petaka si Maria sa kalsada. 3. Bumili si Tatay Mando ng bagong telibisyon kahapon. 4. Ang bagong salamen sa mata ni Pia ay nabasag. 5. Tumutugtog ng turumpeta si Marky tuwing pista sa kanilang pamayanan.
  • 52.
    Tandaan: Narito ang mgadapat tandaan sa pagtukoy ng mga salitang may maling baybay ▪ Suriing mabuti ang mga salita. ▪ Tingnang mabuti ang mga letrang bumubuo sa salita upang makita kung may pagkakamali rito. ▪ Ang kasanayan sa pagpapantig ay makatutulong sa pagtukoy ng mga salitang may maling baybay.
  • 53.
    Panuto: Piliin angbilang ng salita na may maling baybay. Isulat ang bilang at iwasto ito sa iyong sagutang papel. Ang halimbawa ay maari mong maging gabay. Halimbawa: Si Nanay ay masayang nagluluto ng pagkain sa kosina. 1 2 3 4 5 Sagot 5-kusina 1. Binilhan ako ni Nanay ng maraming laroan sa tindahan. 1 2 3 4 5 2. Masarap at matamis ang tindang sourbetes ni Mang Felix. 1 2 3 4 5
  • 54.
    3. Tuwing Undasay bumibisita kami nila Nanay sa siminteryo. 1 2 3 4 5 4. Maraming baong pagkaen si Maricar kahapon. 1 2 3 4 5 5.Iba’t – ibang bolaklak ang tanim ni Nanay sa bakuran. 1 2 3 4 5