SlideShare a Scribd company logo
1 of 40
DAILY LESSON LOG
(Pang-araw-araw na
Tala sa Pagtuturo)
Paaralan Baitang/ Antas 7
Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras Markahan Ikalawa
UNANG ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kalayaan.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin o paunlarin ang kanyang
paggamit ng kalayaan.
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang code ng
bawat kasanayan
1. Nakikilala ang mga indikasyon/palatandaan ng pagkakaroon o kawalan ng kalayaan.
2. Napangangatuwiranan kung bakit hindi tunay na malaya ang mga taong nakapiit sa sariling
bisyo, maling pananaw, magulong buhay.
3. Naibabahagi ang sariling karanasan sa paggamit ng kalayaan. EsP7PTIIe-7.1
II. Nilalaman Modyul 7: Kalayaan
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 79-94
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang-Mag-aaral
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 161-181
3. Mga pahina sa Teksbuk
85
4. Karagdagang Kagamitan mula
sa portal ng Learning Resource
http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883
B. Iba pang Kagamitang Panturo Panturong Biswal: LCD projector, laptop, lapel/speaker
III. Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin
at pagsisimula ng bagong
aralin.
A. Sagutan ang mga tanong tungkol sa kaugnayan ng konsensya sa Likas na Batas Moral.
(gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)
1. Ano ang pinagbatayan mo para sabihing tama o mali ang isang kilos?
2. Paano ka ginabayan ng konsensiya sa mga pasya at kilos mo?
B. Sagutan ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin. (gawin sa loob ng 10
minuto) (Reflective Approach)
Paunang Pagtataya
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot sa sumusunod na katanungan.
1. Ang sumusunod na kilos ay nagpapakita nang mapanagutang paggamit ng
kalayaan maliban sa:
a. Inilaan ni Anthony ang malaking bahagi ng kanyang buhay upang mapalawak ang
kanyang kaalaman at karunungan, alam niyang malaking bagay ang magagawa nito
upang maiahon niya ang kanyang pamilya sa kahirapan at upang maibahagi niya sa
lahat ang kanyang mga kakayahan.
b. Nasaktan ni Rebecca ang kanyang ina dahil sa kanyang pagsisinungaling dito.
Inihanda niya ang kanyang sarili sa magiging reaksyon ng kanyang mga kapatid sa
kanyang ginawa. Dahil dito, siya na mismo ang gumawa ng paraan upang itama ang
kanyang pagkakamali kahit pa ito ay nangangahulugang siya ay mapapahiya at
masasaktan.
c. Nasaksihan ni Rupert ang ginawang panloloko ng kanyang kapatid sa kanyang mga
magulang. Ang alam nila, pumapasok siya araw-araw sa paaralan ngunit sa
86
halip, pumupunta siya sa computer shop kasama ang mga barkada. Dahi alam niyang
labis na mapagagalitan ang kanyang kapatid, hindi niya sinabi ito sa kanyang
magulang dahil ayaw niyang ito ay mapagalitan o masaktan.
d. Hindi lingid sa kaalaman ni Rachelle ang katiwaliang nagaganap sa loob ng kanilang
kompanya. Saksi siya sa pandarayang ginagawa ng kanyang matalik na kaibigan sa
report ng kinita ng kompanya. Sa kabila ng pakiusap nitong manahimik na lamang
siya ay sinabi pa rin niya ito sa kanyang boss na naging dahilan ng pagkatanggal ng
kanyang kaibigan sa trabaho at pakakaroon ng kaso sa hukuman.
2. Ang sumusunod ay palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan
maliban sa:
a. Nakahandang harapin ang anumang kahihinatnan ng mga pagpapasya
b. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat
c. Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral
d. Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito
3. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng
tao ang kanyang kilos tungo sa maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito.
Ito ay nangangahulugang:
a. Ang kalayaan ng tao katulad ng kilos-loob ay nakabatay sa dikta ng isip.
b. Malaya ang taong gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay
o kilos.
c. Ang hantungan ng kilos ay itinatakda ng tao batay sa kanyang pagiging mapanagutan
sa paggamit ng kanyang kalayaan
d. Lahat ng nabanggit
4. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang _________________.
a. Isip b. dignidad c. Kilos-loob d. Konsensya
87
5. Nakilahok sa isang pag-aalsa laban sa pamunuan ng kompanyang kanyang
pinagtratrabahuhan. Nangyari ito dahil sa hindi makataong pagtrato ng may-ari ng
kompanya sa lahat ng mga empleyado. Dahil dito, siya at ang ilan pang mga kasamang
itinuturing na pinuno ng mga manggagawa ay hinuli at ikinulong. Sa sitwasyong ito,
nawala ang kanyang _________________.
a. Karapatang pantao c. Panloob na kalayaan
b. Dignidad bilang tao d. Panlabas na kalayaan
6. Bakit mahalagang hayaan ng isang magulang ang kanyang anak na sumubok, pumili at
magpasya para sa kanyang sarili?
a. Ito ang magbibigay sa kanila ng mga karanasang maaari nilang gamiting gabay sa
mga isasagawang pagpapasya sa hinaharap
b. Ang pagkakataong ibinibigay ng magulang ang magtuturo sa mga anak na sumunod
mula sa pag-unawa at pagmamahal at hindi sa pamimilit.
c. Maiiwasan ang pagrerebelde ng isang anak dahil sa labis na pagnanais ng
magulang na magabayan ang kanyang anak patungo sa tamang landas.
d. Ang pagiging malaya sa pagpapasya ng isang anak ay maaaring magdulot ng sakit
dahil sa pagkakamali ngunit dito sila natututo ng mahalagang aral.
7. “Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti.” Ang pangungusap ay:
a.Tama, dahil ang tao ay nilikha ng Diyos na taglay ang likas na kabutihan.
b.Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay
gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan.
c. Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghuhusga
ng tao.
d. Mali, dahil magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kalayaan kung malayang
magagawa ng tao ang mabuti at masama.
8. Ano ang nagbibigay hugis o direksyon sa kalayaan?
88
a. Isip b. konsensya c. batas moral d. dignidad
9. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap na ito ay nangangahulugang:
a. Magiging malaya lamang ang tao kung ang kanyang ginawa ay kabutihan.
b. Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kanyang paglabag sa likas na batas moral
c. Hindi ganap na malaya ang tao, hindi siya maaaring mamili batay lamang sa kanyang
nais.
d. Lahat ng nabanggit
10. Ayon kay Fr. De Torre, ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anumang
kanyang naisin. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil hindi ganap ang tao.
b. Tama, dahil maraming bagay ang nais mangyari at gawin ang tao subalit hindi niya
magawa ang mga ito.
c. Mali, dahil taliwas ito sa tunay na kahulugan ng kalayaan.
d. Mali, dahil magagawa ng tao ang maraming bagay dahil mayroon siyang isip at kilos-
loob.
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin at pagganyak
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
a. Nakikilala ang mga indikasyon/palatandaan ng pagkakaroon o kawalan ng kalayaan.
b. Napangangatuwiranan kung bakit hindi tunay na malaya ang mga taong nakapiit sa
sariling bisyo, maling pananaw at magulong buhay.
c. Naibabahagi ang sariling karanasan sa paggamit ng kalayaan.
B. Panoorin ang video presentation ng Once upon A Time
(https://www.youtube.com/watch?v=m6sdrLsyH1Q) tungkol sa mga telepantasya at
sagutan ang katanungan sa susunod na pahina. (gawin sa loob ng 5 minuto)
(Integrative/Reflective Approach)
1. Ano ang taglay ng mga tauhan upang makamit ang kanilang naisin?
89
2. Paano nila hinaharap ang kanilang mga suliranin?
3. Kung wala ba silang taglay na kapangyarihan makakamit ba nila ang kanilang nais?
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong aralin
Gamit ang PowerPoint Presentation, ipabasa sa mga mag-aaral ang maikling kuwento at
magkaroon ng talakayan sa mga katanungan sa ibaba. (gawin sa loob ng 7 minuto) (Reflective
Approach)
Isang hindi pangkaraniwang nilalang na bahagi ng alamat ng mga Arabo ang Genie.
Sa mga palabas ngayon, ipinakikita na ang Genie ay gumaganap bilang isang nilalang na
may taglay na kapangyarihang magbigay ng tatlong kahilingan. Halimbawa, nagkaroon ka
ng pagkakataong humiling, ano ang iyong hihilingin? Ano ang magiging tugon mo sa
tanong ng Genie?
Mga tanong :
1. Isulat ang dahilan bakit ang mga ito ang iyong hiling.
2. Ang hiling mo ba ay maisasakatuparan kahit walang magic?
3. Paano ito mangyayari? Ano ang gagawin mo upang makamit ito?
4. Ano ang hindi mo gagawin upang makamit ito?
5. Ano ang taglay mo upang makamit ang iyong hiling kahit walang magic?
6. Ang nangyayari ba sa buhay ng tao ay magic?
7. Kabilang ba sa inyong kakayahang taglay ang kalayaang piliin ang kilos na gagawin
upang makamit ang iyong ninanais?
8. Sa paanong paraan mo ba ginagamit ang iyong kalayaan?
90
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
Gamit ang mga larawang nakapaskil sa pisara, idikit sa T-tsart ang larawang nagpapakita ng
pagkakaroon ng kalayaan at walang kalayaan. Sagutan ang sumusunod na tanong at ibahagi sa
klase ang naging kasagutan. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
Paggawa ng gawaing bahay Pag-inom ng alak Bayanihan
Pakikipagrelasyon Pakikipag-away sa katapat Pag-aaral
na kasarian
Masayang Pamiya Paninigarilyo Kahirapan
91
Nagpapakita ng Kalayaan Nagpapakita ng Kawalan ng Kalayaan
1. Bakit mo nasabing may kalayaan sa mga larawan sa unang hanay?
2. Bakit mo nasabing walang kalayaan sa mga larawan sa ikalawang hanay?
3. Ano ang ipinapakita nitong kahulugan ng kalayaan?
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
Pangkatin ang klase sa 5 at atasang pag-aralan ang mga sitwasyong nasa tsart. Pag-usapan ng
bawat pangkat kung may kalayaan o wala ang bawat sitwasyon. Gamit ang Manila paper, punan
ang format sa ibaba at pumili ng isang mag-uulat. Itanong sa mag-aaral ang nahinuhang kahulugan
ng kalayaan batay sa gawain. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative/ Constructivist
Approach)
Sitwasyon
1. Pagbibisyo (pagsugal,
pagsigarilyo, pag-inom ng
alak, pagkalulong sa
droga)
2. Maagang pag-aasawa o
pagbubuntis
May Kalayaan/ Walang
Kalayaan
Patunay na Malaya/
Hindi Malaya
92
3. Pagpapabaya sa pag-aaral
(Hindi gumagawa ng project, o
hindi gumagawa ng takdang
aralin,at iba pa.)
4. Pagrebelde sa magulang
5. Pagsama sa maling barkada
F. Paglinang sa Kabihasahan
(Tungo sa Formative
Assessment)
Punan ang Concept Map ng mga salitang may kaugnayan sa kalayaan. (gawin sa loob ng 5
minuto) (Constructivist/Reflective Approach)
Kalayaan
93
G.Paglalapat sa aralin sa pang
araw-araw na buhay
Bumuo ng isang sanaysay na may 5 o higit pang pangungusap tungkol sa pagkaunawa mo sa
tunay na kahulugan ng kalayaang ipinagkaloob sa iyo at kung paano mo ito gamitin. (gawin sa
loob ng 5 minuto) (Constructivist Approach)
Kraytirya:
a. Binanggit ang pagkaunawa sa pakahulugan sa kalayaan. 30%
b. Malinaw ang mga paraan ng paggamit ng kalayaan. . 40%
c. Natukoy ang tama at maling pagkaunawa at paraan ng kalayaan. 30%
Kabuuan 100%
H. Paglalahat sa aralin Ang nangyayari sa buhay ng tao ay hindi magic. Ito ay dulot ng mga pagpapasyang
ginagawa ng tao sa kanyang buhay at kanyang pagsisikap na makamit ito. Kabilang sa kakayahan
ng tao ang kalayaang piliin ang kilos na gagawin upang makamit ang ninanais sa buhay.
I. Pagtataya ng Aralin Tukuyin kung tama o mali ang bawat pangungusap at palitan ng tamang pahayag
kung mali. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
____1. Ang bawat tao ay may kalayaan.
____2. Walang hangganan ang kalayaang taglay ng tao.
____3. Dahil sa kalayaang taglay ng tao, nagagawa niyang pumili, magpasya at
magtakda ng sariling buhay.
____4. Ang bawat kalayaan ay walang katumbas na pananagutan.
____5. Dahil sa kalayaan, nagagawa kong lahat ang naiisin ko.
J. Karagdagang gawain para sa
takdang aralin at remediation
Sumulat ng mapagpalaya mong payo para kay Rose.
Gustong-gusto ni Rose Ann na magpabili ng bagong sapatos na panlaro. Nang magkapera na ang
kanyang tatay, humingi ng pambayad sa matrikula ang kapatid niyang nag-aaral sa kolehiyo.
IV. MgaTala
94
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong nang
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
95
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?
96
DAILY LESSON LOG
(Pang-araw-araw na
Tala sa Pagtuturo)
Paaralan Baitang/Antas 7
Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras Markahan Ikalawa
IKALAWANG ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kalayaan.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin o paunlarin ang kanyang
paggamit ng kalayaan.
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto.
Isulat ang code ng bawat
kasanayan
1. Nasusuri kung nakikita sa mga gawi ng kabataan ang kalayaan.
2. Nalilinang ang kaalaman, kakayahan at pag-unawa sa sariling kalayaan.
3. Nakapagbibigay-puna sa sariling mga gawi na nakaaapekto sa paggamit ng
Kalayaan. EsP7PTIIe
II. Nilalaman Modyul 7: Kalayaan
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p.
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang-Mag-aaral
Modyul sa Edukasyon sa PAgpapakatao 7 LM p.
3. Mga pahina sa Teksbuk Edukasyon sa Pagpapahalaga I, p.36
97
4. Karagdagang Kagamitan mula
sa portal ng Learning
Resource
http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883
B. Iba pang Kagamitang Panturo Manila paper, laptop, LCD projector, graphic organizer and PowerPoint Presentation
III.Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin
at pagsisimula ng bagong
aralin.
Ipakita ng guro ang Concept Map na nasa Manila paper at ipasulat sa mga mag-aaral sa loob ng
kahon ang pagkaunawa at paaran ng paggamit ng kanilang kalayaan. Tumawag ng ilang mag-aaral
na magbabahagi ng kasagutan. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/ Contructivist Approach)
_____________
_____________
_____________
_____________
_____________
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin at pagganyak
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
1. Nasusuri kung nakikita sa mga gawi ng kabataan ang kalayaan.
2. Nalilinang ang kaalaman, kakayahan at pag-unawa sa sariling kalayaan.
3. Nakapagbibigay-puna sa sariling mga gawi na nakaaapekto sa paggamit
ng kalayaan.
98
Pagkaunawa
sa
Kalayaan
Paraan
ng
paggamit
ng
kalayaan
B. Ipamahagi sa mag-aaral ang kopya ng tula, ipabasa nang sabayan at sagutan ang
tanong. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Collaborative Approach)
Malaya Ka Pa Ba?
ni Noel P. Sulay
Noong isang Lunes
Ikaw ay nagpasya
Kasama ng barkada
Sa sinehan ay pumunta
Nanood ng komedya
Iniwan ang eskwela
Alam na alam mong
Pagsusulit ay bukas na
Di ito pinansin
Mas inuna ang barkada
Kinabukasan, kabado ka
Pagsusulit nag-umpisa
Ang ‘yong paghahanda
Alam mong kulang pa
Kaya’t sa kaklase
Ikaw ay tumabi
Sinabi sa kanyang
“Pakopya nga pre”
Ililibre na kita
Doon sa Jollibee
Sa loob ng kwarto
Pumunta ka
Nakita mong bukas
Wallet sa lamesa
Sa kulay pa lamang
Agad nakilla
Kay daddy mo ito
Hindi ka nagduda
Di mo napigilan
Kinuha ang isang daan
Isinilid mo sa bulsa
At kwarto’y iniwan
Lumabas ng bahay
Sa mall ay namasyal
Natupad din ang gusto
mo
Ang maglayas at
maglibang
Nakamit mo ito
Sa tulong ng “isang
daan”
Nais ko pa sana
Magkwento’t magsabi
Sa haba ng tulang ito
Di na yata maaari
Ang tanong ko lamang
Saguting mabuti
Malaya ka pa ba
Mahal kong kumpare?
99
Sagutan ang sumusunod na katanungan:
a. Kung ikaw ang susulat ng tulang ito, ganito rin ba ng maiisip mong pamagat? Bakit?
b. Ano para sa iyo ang kahulugan ng kalayaan? Kailan mo masasabing malaya ang
isang tao? Ipaliwanag.
c. Sumasang-ayon ka ba sa sinasabi ng pahayag na ito?: “Malaya ang taong
nakagagawa ng lahat ng bagay na gusto niyang gawin.” Pangatuwiranan.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa
sa bagong aralin
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
Pangkatin ang klase sa apat na grupo. Atasan ang bawat pangkat ng limang gawi ng kabataang
nakaaapekto sa paggamit ng kalayaan. (gawin sa loob ng 10 minuto)
(Collaborative/Constructivist Approach)
Bilang Gawi ng Kabataang Nakaaapekto sa Paggamit ng Kalayaan
1
2
3
4
5
Ipaskil ang ginawa ng pangkat at pumili ng isang mag-uulat. Pagkatapos ng pag-uulat,
ipahambing ang sagot ng bawat pangkat. Sagutan ang tanong sa ibaba. (gawin sa loob ng 5
minuto) (Reflective Approach)
1. Ano ang kahalagahan ng kalayaan?
2. Paano magiging tunay na malaya ang isang tao?
100
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
Gamit ang dating pangkat, ipakita ang gawi ng tao sa paggamit ng kalayaan sa pamamagitan
ng dula-dulaan. (gawin sa loob ng 15 minuto) (Collaborative Approach)
Kraytirya:
Presentasyon- 30
Nilalaman - 30
Kooperasyon- 20
Pagkamalikhain 20
Kabuuaan 100 puntos
F. Paglinang sa Kabihasahan
(Tungo sa Formative
Assessment)
Sagutan ang sumusunod na tanong at isulat sa notbuk ang kasagutan. Tumawag ng ilang
mag-aaral na magbabahagi ng kasagutan. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Sa dula-dulaang ipinakita, ano ang posibleng mangyari kung aabusuhin ang iyong
kalayaan?
2. Kung may kalayaan ang bawat isa, paano niya ito dapat gamitin?
3. Bakit kailangang may hangganan ang paggamit ng kalayaan?
G. Paglalapat sa aralin sa
pangaraw-araw na buhay
Gumawa ng islogan na binubuo ng 10-15 salita tungkol sa kaalaman, kakayahan at pag-unawa sa
sariling kalayaan. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist Approach)
Kraytirya:
NIlalaman- 40%
Kaayusan- 30%
Kaangkupan- 20%
Oras- 10%
Kabuuan- 100%
101
H. Paglalahat sa aralin Ang bawat tao ay malaya. Dahil sa kalayaang taglay, nagagawa niyang pumili, magpasya at
magtakda ng sariling buhay. May hangganan ang kalayaang taglay ng tao. Ang bawat kalayaan ay
may katumbas na pananagutan na siyang nagtatakda at kumokontrol dito.
I. Pagtataya ng Aralin Buuin nang may kalayaan ang sumusunod na pahayag. Limang puntos bawat bilang. (gawin sa
loob ng 5 minuto) (Constructivist Approach)
1. Ang bawat tao ay nagtataglay ng ________________________________________
___________________________________________________________________
2. Sa pagpapalaya ko sa aking sarili, kailangan kong___________________________
___________________________________________________________________
3. Dahil sa kalayaan, nagagawa kong_______________________________________
J. Karagdagang gawain para sa
takdang aralin at remediation
Magsaliksik tungkol sa uri ng kalayaan, suriin ito at humanda sa pagbabahagi sa klase.
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?
102
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong nang
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan sa tulong
ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?
103
DAILY LESSON LOG
(Pang-araw-araw na
Tala sa Pagtuturo)
Paaralan Baitang/ Antas 7
Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras Markahan Ikaapat
IKATLONG ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kalayaan.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin o paunlarin ang kanyang
paggamit ng kalayaan.
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang code
ng bawat kasanayan
1. Nahihinuhang likas sa tao ang malayang pagpili sa mabuti o sa masama; ngunit ang kalayaan ay
may kakambal na pananagutan para sa kabutihan
2. Nakapaninindigan sa sariling posisyon tungkol sa pananagutan bunga ng paggamit ng kalayaang
pumili sa mabuti o masama.
3. Nakabubuo ng sanaysay na nagpapakita ng malayang pagpapasyang hindi naging maganda ang
bunga at napanagutan ang pagpili sa kilos. EsP7PTIIf-7.3
II. Nilalaman Modyul 7: Kalayaan
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 58-61
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang-Mag-aaral
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 75-89
3. Mga pahina sa Teksbuk
104
4. Karagdagang Kagamitan mula
sa portal ng Learning
Resource
http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883
B. Iba pang Kagamitang Panturo Panturong Biswal: LCD projector, laptop
III. Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin
at pagsisimula ng bagong
aralin.
Ipaskil ang ginawang islogan at ibahagi sa klase ang kaisipang nabuo. (gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
at pagganyak
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
1. Nahihinuha na likas sa tao ang malayang pagpili sa mabuti o sa masama; ngunit ang kalayaan
ay may kakambal na pananagutan para sa kabutihan
2. Nakapaninindigan sa sariling posisyon tungkol sa pananagutan bunga ng paggamit ng
kalayaang pumili sa mabuti o masama.
3. Nakabubuo ng sanaysay na nagpapakita ng malayang pagpapasyang hindi naging maganda
ang bunga at napanagutan ang pagpili sa kilos
B. Ipagawa ang larong Word Hunt. Hanapin at tukuyin ang mga salitang may kaugnayan sa
kalayaang nakasulat sa ibaba ng worksheets. Ito ay maaaring pahalang, pababa, pahilis o
pabaliktad. Bigyan ng premyo ang mga mag-aaral na naunang makakuha ng tamang
kasagutan. (gawin ito sa loob ng 5 minuto.) (Constructivist Approach)
105
A W D R B F Z L Q J O F N L U
Y S F U L A W X X J P X M J K
R K O E T Z T Y U Y L T S N T
A C G Y S A C A B R T L A C I
Y K M Y P N L K S S V T E C N
S F F Z B Z C I A - U B B U J
A M Y Z D L G S O G M O T G R
P N A H I T U B A K U O W S Z
A S B H L I P N J H O L R S C
P Z R A X X A Y Z B U - S A J
G K T B T N L T H N E S B U L
A K U V A A V P D S E O M U P
P R N P W T S P C H Q L L V U
A G C Y Q Z J I Y M Q I O Q T
J V N A A Y A L A K R K T S X
Batas-Moral Pananagutan Kabutihan
Kilos-Loob Pagpapasya Kalayaan
106
C.Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong aralin
Ipaskil ang tsart na inihanda ng guro. Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyong nakasulat dito.
Tumawag ng piling mag-aaral na magbabahagi. Isulat ng guro ang kasagutan ng mag-aaral.
Magkaroon ng talakayan sa natapos na gawain. (gawin sa loob ng 10 minuto)
(Constructivist/Integrative Approach)
SITWASYON RESULTA PANANAGUTAN
1. Pagbibisyo (pagsugal,
pagsigarilyo, pag-inom
ng alak, pagkalulong
sa droga)
2. Maagang pag-aasawa o
pagbubuntis
3. Pagpapabaya sa pag-
aaral (hindi gumagawa ng
project, o naghahanda ng
takdang aralin at iba pa.)
4. Pagrebelde sa magulang
5. Pagsama sa maling
barkada
107
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
Pangkatin ang klase sa apat na grupo. Ipabasa ang bahagi ng sanaysay na nakatakda sa bawat
pangkat at iulat ito sa klase gamit ang graphic organizer. (gawin sa loob ng 10 minuto)
(Collaborative Approach)
Unang Pangkat - Bubble Web
Konsepto ng Kalayaan
May mga kabataang nag-aakalang ang kalayaan ay kapangyarihan na gawin ang
anumang naisin ng tao. Kung susuriin ayon kay de Torre, ang tao ay walang kakayahang gawin
palagi ang anumang kanyang naisin. Maraming bagay ang nais niyang mangyari at gawin
subalit hindi niya magawa ang mga ito. Nais ng taong hindi magkasakit, hindi tumanda,
manatiling buhay, malaman ang lahat ng bagay ngunit wala siyang kalayaan upang magawa
ang mga ito. Kung ganoon, ano nga ba ang tinutukoy na kalayaan ng tao?
Sa kabila ng limitasyong ito ng kalayaan ng tao, ang tao ay tunay na malaya sa
kanyang pagpili o pagpapasya. Binigyang kahulugan ni Santo Tomas de Aquino ang
kalayaan bilang “katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa
kanyang maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito”. Nangangahulugan ito na
malaya ang taong gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay o
kilos. Ang tao ay nagtatakda ng kanyang kilos para sa kanyang sarili. Walang anumang
puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda nito para sa kanya. Maaari siyang
mahikayat, maganyak o maakit subalit hindi maaaring puwersahin o pilitin. Subalit ang
kalayaang ito ay hindi tumutukoy sa kalayaan upang piliin ng tao ang kahihinatnan ng
kanyang pagpili. Hindi sakop ng kanyang kalayaan ang likhain ang kahihinatnan ng
kanyang piniling kilos. Halimbawa, malaya ang isang mag-aaral na piliing magbarkada
kaysa mag-aral ng leksyon, subalit hindi siya malaya sa maaaring kahihinatnan nito. Hindi
maaaring mataas pa rin ang kanyang marka sa kabila ng kanyang piniling gawin. Hindi
malaya ang taong piliin ang kahihinatnan ng kilos na kanyang pinili. Samakatuwid, ang
108
kalayaan ay hindi lubos at ito ay may limitasyon. Ang limitasyong ito ay itinakda ng Likas
na Batas Moral. Ipinaliwanag ni Sr. Felicidad C. Lipio ang kaugnayan ng kalayaan sa batas
na ito katulad ng kaugnayan ng dalampasigan sa baybay dagat. Ang dalampasigan ang
nagbibigay hugis sa tubig at ang siyang nagbibigay hangganan dito. Gayundin, ang Likas
na Batas Moral ang nagbibigay hugis sa paggamit ng tunay na kalayaan at nagtatakda ng
hangganan nito. Ang batas moral kung gayon ay alituntuning kailangang sundin na
nagbibigay hugis at direksiyon sa kalayaan.
Ikalawang Pangkat - Concept Cluster
Uri Ng Kalayaan
Mayroong dalawang uri ng kalayaan:
1. Panloob na Kalayaan. Ayon sa obserbasyon ni Santo Tomas de Aquino, nakasalalay sa
kilos-loob ng tao ang kanyang kalayaan. Tinutukoy ng Panloob na Kalayaan ng kilos-
loob ang:
a. Kalayaang Gumusto (freedom of exercise) - ito ang kalayaang magnais o hindi
magnais
b. Kalayaang Tumukoy (freedom of specification) - ito naman ang kalayaan upang
tukuyin kung alin ang nanaisin
Sa babalang ito halimbawa, “Bawal ang Maligo Rito”. Ang iyong kilos-loob ay
malayang magnais o hindi magnais na sundin o kaya balewalain ang babala. Sakaling
nagpasya ang kilos-loob na sundin ang sinasabi ng babala, malaya nitong tukuyin kung
ano ang nanaising gawin bilang kapalit sa planong paliligo. Nanaisin niya marahil ang
magpiknik na lamang sa dalampasigan, lumipat ng ibang lugar o umuwi na lang.
Walang maaaring magtanggal ng panloob na kalayaan ng tao. Hindi ito maipagkakait,
makukuha o maaalis sa kanya.
2. Panlabas na Kalayaan. Ito ang kalayaan upang isakatuparan ang gawaing ninais ng kilos-
loob. Naiimpluwensiyahan ng mga panlabas na salik ang kalayaang ito. Maaaring
109
mabawasan o maalis ang kalayaang ito sa pamamagitan ng puwersa sa labas ng tao.
Kapag ang tao ay ikinulong, mawawala ang kanyang panlabas na kalayaan. Halimbawa
ng panlabas na kalayaan ay ang politikal, propesyonal at pang-akademikong kalayaan.
Nakapaloob sa politikal na kalayaan ang kalayaang pumili ng sasalihang samahang
politikal, bumoto o pumili ng taong mamumuno. Ang pang-akademikong kalayaan
halimbawa ay ang kalayaang pumili ng paaralang papasukan at kursong kukunin sa
kolehiyo. May kalayaan ang mga propesyonal na gampanan ang kanilang tungkulin ayon
sa sariling pamamaraan subalit hindi taliwas sa mga panuntunan.
Ayon kay Esther Esteban (1990), ang konsepto ng kalayaan ay nangangahulugang
nagagawa o nakakayang gawin ng tao ang nararapat upang makamit ang pinakamataas at
pinakadakilang layunin ng kanyang pagkatao. Malaya ang taong linangin ang kanyang sarili
at paunlarin ito.
Ikatlong Pangkat - Word Map
Ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa pagsunod sa Likas na Batas Moral. Ang tunay
na kalayaan ay masusumpungan sa pagsunod sa batas na ito. Sa bawat batas na
nauunawaan at sinusunod ng tao, mas nadaragdagan ang kanyang kalayaan. Bakit nga ba
pinayagan ng Diyos na maging malaya ang taong tanggapin o suwayin ang Kanyang batas?
Bakit hinahayaan ng isang magulang ang kanyang anak na sumubok, pumili at magpasya
para sa kanyang sarili? Ito ay sa dahilang umaasa ang Diyos o maging ang magulang ng
pagsunod mula sa pag-unawa at pagmamahal hindi dahil sa pinilit at pagsunod na may
takot. Dahil dito, ang kalayaan ng tao ay palaging may kakambal na pananagutan.
Ikaapat na Pangkat - Spider Web
Palatandaan ng Taong Mapanagutan sa Paggamit ng Kalayaan
110
Ang tao ay kailangang maging mapanagutan sa anumang kilos at pagpapasyang
gagawin. Paano mo malalaman kung naging mapanagutan ka sa paggamit ng kalayaan?
Narito ang ilang palatandaan ayon kay Esteban (1990):
1. Kung naisaalang-alang mo ang kabutihang pansarili (personal good) at ang kabutihang
panlahat (common good). Halimbawa, ginagamit mo ang kalayaan upang malampasan
ang mga balakid sa pag-unlad ng ating pagkatao. Ang maging malaya sa kamangmangan,
kahirapan, katamaran, kasamaan ay ilan sa mga ito. Itinatalaga rin ang kalayaan para sa
ikabubuti ng kapwa katulad ng pakikilahok sa mga proyektong pampamayanan o maging
sa pagtatanggol sa mabubuting adhikain.
2. Kung handa kang harapin ang anumang kahihinatnan ng iyong pagpapasya. Ang bawat
kilos o pagpapasya ay may katumbas na epekto, mabuti man o masama. Hindi lamang
sapat na harapin ang kahihinatnan ng pasya o kilos kundi ang gamitin ang kalayaan
upang itama ang anumang pagkakamali.
3. Kung ang iyong pagkilos ay hindi sumasalungat sa Likas na Batas Moral. Ang Likas na
Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya’y likhain. Nakasaad sa mga batas na ito ang
dapat gawin at di dapat gawin ng tao. Ang mga batas na ito ang siyang batayan sa
pagsasaalang-alang sa pagkilala ng kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.
Bagamat may kalayaang pumili ang tao dahil sa kanyang kilos-loob, ang tao ay may
kamalayan, kaya siya ay may kakayahang magsuri at pumili ng nararapat. Siya ay may
moral na tungkulin na piliin ang ayon sa moral na batayan. Ang kalayaan ng kilos-loob ay
bahagi ng ating ispirituwal na aspekto ng ating pagkatao. Bigay ito ng Diyos sa tao upang
malaya niyang mahubog ang kanyang pagkatao. Ang tunay na kalayaan ay mapanagutan
kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan. Ang tunay
na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti.
111
Bubble Web Concept Cluster
Spider map Word Map
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
Magsagawa ng pag-uulat ang bawat pangkat. Pumili ng tagapag-ulat at itanong sa mag-aaral ang
sumusunod. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
1. Paano maipamamalas ang tunay na kalayaan?
2. Bakit kailangang may hangganan ang kalayaan ng tao?
3. Paano naging malaya ang taong gumagawa ng mabuti?
112
F. Paglinang sa Kabihasahan
(Tungo sa Formative
Assessment)
Buuin ang pahayag sa pamamagitan ng pagsulat sa patlang ng tamang kasagutan. (gawin sa loob
ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
Likas sa tao ang ___________ sa ____________o ___________ ngunit ang ____________ay
may kakambal na __________para sa kabutihan.
Sagot: 1. Malaya 2. Pagpili 3. Pagpapasya 4. Kalayaan 5. Pananagutan
G. Paglalapat sa aralin sa pang-
araw-araw na buhay
Sumulat ng maikling sanaysay na binubuo ng 5 o higit pang pangungusap na nagpapahayag ng
isang panawagan sa kapwa mag-aaral na maging mapanagutan sa paggamit ng kalayaan (gawin
sa loob ng 5 minuto) (Constructivist Approach)
Kraytirya:
a. Nilalaman 40%
b. Kaugnayan sa Tema . 35%
c. Paggamit ng Salita 25%
Kabuuan 100%
H. Paglalahat sa Aralin May kalayaang pumili ang tao dahil sa kanyang kilos-loob. Ang tao ay may kamalayan
kaya siya ay may kakayahang magsuri at pumili ng nararapat. Siya ay may moral na tungkuling
piliin ang ayon sa moral na batayan. Ang kalayaan ng kilos-loob ay bahagi ng ispirituwal na
aspekto ng ating pagkatao. Bigay ito ng Diyos sa tao upang malaya niyang mahubog ang
kanyang pagkatao. Ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin
sa paggawa nang naaayon sa kabutihan. Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti.
113
I. Pagtataya ng Aralin Isulat sa notbuk at punan ng tamang sagot ang sumusunod: (gawin sa loob ng 5 minuto)
(Contructivist Approach)
Panuto: Piliin ang tamang sa sagot sa Hanay B para sa Hanay A. Isulat sa patlang ang titik ng iyong
napiling sagot.
Hanay A Hanay B
_____1. KALAYAAN A. Ito ay kalayaang nakasalalay sa kilos-loob ng tao
_____2. LIKAS NA BATAS MORAL B. Ito ang kalayaan upang isakatuparan ang gawaing
ninais ng kilos-loob.
_____3. PANLABAS NA KALAYAAN C. Ito ang nagbibigay-hugis sa paggamit ng tunay
na kalayaan at nagtatakda ng hangganan nito
_____4. PANLOOB NA KALAYAAN D. Ito ay kapag nagagawa ng isang taong gamitin
ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular
na bagay o kilos.
_____5.PANANAGUTAN E. Ito ang kakambal ng kalayaan.
J. Karagdagang gawain para sa
takdang aralin at remediation
Sagutan ang sumusunod na tanong. Isulat ito sa inyong notbuk at humanda sa pagbabahagi.
1. Ano ang konsepto ng tunay na kalayaan?
2. Paano mo malalaman kung naging mapanagutan ka sa paggamit ng kalayaan?
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
114
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng magaaral na
nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?
115
DAILY LESSON LOG
(Pang-araw-araw na
Tala sa Pagtuturo)
Paaralan Baitang/ Antas 7
Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras Markahan Ikaapat
IKAAPAT NA ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kalayaan.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin o paunlarin ang kanyang
paggamit ng kalayaan
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang code ng
bawat kasanayan
1. Naisasagawa ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin o paunlarin ang kanyang paggamit ng
kalayaan.
2. Naipamamalas ang paggamit ng kalayaan sa pagpili ng mabuti at napananagutan ang
pagpili sa masama
3. Naipapahayag ang paggamit ng kalayaan sa pagpili ng mabuti at napananagutan ang
pagpili sa masama sa pamamagitan ng panawagan. EsP7PTIIf-7.4
II. Nilalaman Modyul 7: Kalayaan!
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
Gabay sa Eduksayon sa Pagpapakatao 7 TG p. 91-
116
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang-Mag-aaral
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 176-178
3. Mga pahina sa Teksbuk OHSP EP I. Modyul 8, EASE EP I. Modyul 15, EASE EP IV. Modyul 10
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource
http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
Panturong Biswal: LCD Projector, Laptop
https://www.youtube.com/watch?v=bvPaNSiiGhA
III.Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at pagsisimula ng
bagong aralin.
1. Magbalik-aral hinggil sa mga paksang tinalakay ukol sa kalayaan at itanong sa mag-aaral ang
sumusunod. (gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)
a. Ano ang konsepto ng tunay na kalayaan?
b. Bakit kailangang may hangganan ang kalayaan ng tao?
117
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin at pagganyak
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
1. Naipamamalas ang paggamit ng kalayaan sa pagpili ng mabuti at napananagutan ang
pagpili sa masama
2. Nakabubuo ng mga hakbang upang baguhin o paunlarin ang kanyang paggamit ng kalayaan
3. Naipapahayag ang paggamit ng kalayaan sa pagpili ng mabuti at napananagutan ang
pagpili sa masama sa pamamagitan ng panawagan.
B. Panoorin ang isang short film (https://www.youtube.com/watch?v=bvPaNSiiGhA) na pinamagatang
Mabuti ka bang Tao?/Are you a Good Person? at itanong sa mag-aaral ang sumusunod. (gawin ito
sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Sa paanong paraan ipinakita ni Mr. Nice Guy ang kanyang pananagutan sa kanyang
ginawa?
2. Paano naging malaya ang taong gumagawa ng mabuti?
C. Pag-uugnay ng mga Punan ang tsart. Suriin ito sa pamamagitan ng pagkilala sa maaaring kahihinatnan ng kilos sa
118
halimbawa sa bagong
aralin
bawat sitwasyon. Isulat sa unang kolum ang agarang epekto o kahihinatnan ng kilos. Isulat din sa
ikalawang kolum ang pangmatagalang epekto ng kilos. Gabay mo ang naunang sitwasyon bilang
halimbawa. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Integrative/Constructivist Approach)
SITWASYON AGARANG EPEKTO PANGMATAGALANG
EPEKTO
Halimbawa:
Kapag tinanggihan ko ang
alok ng kaibigan kong
sumama sa kanya para
magsugal
Halimbawa:
-Hindi masasayang ang pera ko.
-Hindi ako matututong magsugal.
-Hindi niya na ako yayain ulit sa
susunod.
Halimbawa:
-Hindi ako magugumon
sa sugal.
-Makakapagtapos ako
ng pag-aaral
Kapag tumutulong ako sa
gawaing bahay
Kapag hindi ko ginawa
ang aking mga takdang
aralin
Kapag maaga akong
nakipagrelasyon sa
kabilang kasarian
Kapag nag-aral ako ng
leksiyon araw-araw
Kapag pinagbigyan ko ang
alok ng kaibigan kong
manood ng pornograpiya
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad
119
ng bagong kasanayan #1 Think-Pair-Share. Hayaang pumili ang mag-aaral ng kapareha upang ikumpara ang kanilang sagot sa
ginawang gawain. Atasan silang ipaliwanag ang konseptong kanilang naunawaan mula sa kanilang
ginawang tala. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Collaborative Approach)
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
Pangkatin ang klase sa lima. Ang bawat grupo ay gagawa ng headlines o ulo ng mga balita para
sa sumusunod na pahayagang nagpapapahayag ng kinahinatnan ng taong pinanagutan ang
pagpili ng masama at paggamit ng kalayaan sa pagpili ng mabuti. (gawin sa loob ng 10
minuto) (Collaborative/Constructivist Approach)
.
PILIPINO STARS
Balita Ngayon!
TEMPO
Napapanahong
Isyu!
TALIBA
Balitang Naiiba!
Kraytirya:
a. Nilalaman 40%
b. Kaugnayan sa Tema 30%
c. Paggamit ng Salita 30%
Kabuuan 100%
120
F. Paglinang sa Kabihasahan
(Tungo sa Formative
Assessment)
Magsagawa ng pag-uulat ang bawat pangkat. Pumili ng tagapag-ulat at itanong sa mag-aaral ang
sumusunod. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
1. Bakit kailangang maging mapanagutan ang bawat isa sa kanyang kilos o pasya?
2. Sa paanong paraan magiging tunay na malaya ang tao?
G. Paglalapat sa aralin sa
pang-araw-araw na buhay
Sumulat ng pagninilay tungkol sa natuklasan mong tunay na kahulugan ng kalayaan at isulat sa
journal. Sagutan ang sumusunod na tanong (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
Ano ang nabago sa Paano ko maipakikita
aking pananaw ang pagpapahalaga
tungkol sa ko sa kalayaang
kalayaan? taglay ko?
H. Paglalahat sa aralin Ang paggamit ng kalayaan ay may kakambal na pananagutan. Hindi perpekto ang tao kaya’t
siya ay nagkakamali sa ilang pagpapasya. Dahil sa kalayaan, maaari niyang baguhin at paunlarin ang
kanyang pagpapasya at ang kanyang pagkatao.
I. Pagtataya ng Aralin Punan ang bawat patlang upang mabuo ang sanaysay sa ibaba. Tapusin ang pangungusap upang
makabuo ng isang Explanatory Essay. Gawing makatuwiran at mapangganyak ang isusulat. Isang
puntos sa bawat tamang sagot. (gawin sa loob ng 7 minuto) (Constructivist/Reflective Approach)
121
Ang paggamit ng kalayaan ay may kakambal na _____________. Bagama’t hindi perpekto ang tao
kaya’t siya ay _______________________. Subali’t dahil sa kalayaan, maaari niyang baguhin at
paunlarin ang _____________________________. Ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa pagsunod
sa ______________. Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng ______________________.
Sagot: 1. Pananagutan 2. Nagkakamali 3. Pagkatao 4. Likas Batas Moral 5. Mabuti
J. Karagdagang gawain para
sa takdang aralin at
remediation
IV. MgaTala
Gawin ang “ Kalayaan Ko, Kabutihan Ko” sa pamamagitan ng pagtala ng mga kilos na nais mong
baguhin o paunlarin. Banggitin ang naging epekto nito sa iyong pagkatao o sa kapwa. Ano ang
gagawin mo upang mapaunlad o baguhin ang kilos. Itala rin ang mga araw ng pagsasagawa nito at
ang epekto o resulta nito. Humanda sa pagbabahagi.
Naging
Kilos na Nais Epekto sa
Epekto sa Gagawin kong
Kong Baguhin Pagkatao/Kapwa
Pagkatao/ Pagbabago
/Paunlarin
Kapwa
Halimbawa: Naging Pipiliin ko na x     Naging magalang at
Pagsagot walang ang mga mapagtimpi sa
nang respeto salitang sariling emosyon.
pabalang sa hindi lang gagamitin ko sa
aking mga sa pakikipagusap
magulang. magulang sa aking
kundi pati magulang.
sa ibang Magiging
tao. mahinahon ako.
122
Lunes
Martes
Merkules
Huwebes
Biyernes
Sabado
Linggo
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
magaaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punungguro
at superbisor?
123
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?
124

More Related Content

Similar to Module 7.docx

EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC - Copy.docx
EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC  - Copy.docxEsP DLL 9 Mod 1-NAMOC  - Copy.docx
EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC - Copy.docx
ErmaJalem1
 
Es p10 q2_mod1_ang pagkukusa sa makataong kilos_v3
Es p10 q2_mod1_ang pagkukusa sa makataong kilos_v3Es p10 q2_mod1_ang pagkukusa sa makataong kilos_v3
Es p10 q2_mod1_ang pagkukusa sa makataong kilos_v3
HazelManaay1
 
EsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docx
EsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docxEsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docx
EsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docx
ErmaJalem1
 
Q2-ESP DL week 1 day 1November 10, 2023.docx
Q2-ESP DL week 1 day 1November 10, 2023.docxQ2-ESP DL week 1 day 1November 10, 2023.docx
Q2-ESP DL week 1 day 1November 10, 2023.docx
ArlynAyag1
 
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdfmodyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
MaCristinaPazcoguinP
 

Similar to Module 7.docx (20)

EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC - Copy.docx
EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC  - Copy.docxEsP DLL 9 Mod 1-NAMOC  - Copy.docx
EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC - Copy.docx
 
M2 L2.pptx
M2 L2.pptxM2 L2.pptx
M2 L2.pptx
 
Es p10 q2_mod1_ang pagkukusa sa makataong kilos_v3
Es p10 q2_mod1_ang pagkukusa sa makataong kilos_v3Es p10 q2_mod1_ang pagkukusa sa makataong kilos_v3
Es p10 q2_mod1_ang pagkukusa sa makataong kilos_v3
 
EsP-DLL-9-Mod7.docx
EsP-DLL-9-Mod7.docxEsP-DLL-9-Mod7.docx
EsP-DLL-9-Mod7.docx
 
SLMQ1G10ESPM8.pdf
SLMQ1G10ESPM8.pdfSLMQ1G10ESPM8.pdf
SLMQ1G10ESPM8.pdf
 
M11part1
M11part1M11part1
M11part1
 
ESP MODYUL-13
ESP MODYUL-13ESP MODYUL-13
ESP MODYUL-13
 
EsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docx
EsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docxEsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docx
EsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docx
 
DIGNIDAD-Q1.pptx
DIGNIDAD-Q1.pptxDIGNIDAD-Q1.pptx
DIGNIDAD-Q1.pptx
 
1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx
 
1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx
 
1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx
 
esp 7 2nd quarter assessment.docx
esp 7 2nd quarter assessment.docxesp 7 2nd quarter assessment.docx
esp 7 2nd quarter assessment.docx
 
E10 Q2 W1.1.pptx
E10 Q2 W1.1.pptxE10 Q2 W1.1.pptx
E10 Q2 W1.1.pptx
 
SLMQ1G10ESPM4.pdf
SLMQ1G10ESPM4.pdfSLMQ1G10ESPM4.pdf
SLMQ1G10ESPM4.pdf
 
AP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docxAP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docx
 
SLMQ1G10ESPM6.pdf
SLMQ1G10ESPM6.pdfSLMQ1G10ESPM6.pdf
SLMQ1G10ESPM6.pdf
 
SLMQ1G10ESPM7.pdf
SLMQ1G10ESPM7.pdfSLMQ1G10ESPM7.pdf
SLMQ1G10ESPM7.pdf
 
Q2-ESP DL week 1 day 1November 10, 2023.docx
Q2-ESP DL week 1 day 1November 10, 2023.docxQ2-ESP DL week 1 day 1November 10, 2023.docx
Q2-ESP DL week 1 day 1November 10, 2023.docx
 
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdfmodyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
 

More from Aniceto Buniel

GRADE 10 DLL.pdf0000000000000000000000000000000
GRADE 10 DLL.pdf0000000000000000000000000000000GRADE 10 DLL.pdf0000000000000000000000000000000
GRADE 10 DLL.pdf0000000000000000000000000000000
Aniceto Buniel
 
AAB - LAC.pptx RESKILLING IN COMMUNICATING
AAB  - LAC.pptx RESKILLING IN COMMUNICATINGAAB  - LAC.pptx RESKILLING IN COMMUNICATING
AAB - LAC.pptx RESKILLING IN COMMUNICATING
Aniceto Buniel
 
Daily Lesson Log in.pdf.................
Daily Lesson Log in.pdf.................Daily Lesson Log in.pdf.................
Daily Lesson Log in.pdf.................
Aniceto Buniel
 
Q1 Grade 10 HEALTH D..........LL Week 2.pdf
Q1 Grade 10 HEALTH D..........LL Week 2.pdfQ1 Grade 10 HEALTH D..........LL Week 2.pdf
Q1 Grade 10 HEALTH D..........LL Week 2.pdf
Aniceto Buniel
 
4. HEALTH 1ST QUARTER ddd mapeh word file
4. HEALTH 1ST QUARTER  ddd mapeh word file4. HEALTH 1ST QUARTER  ddd mapeh word file
4. HEALTH 1ST QUARTER ddd mapeh word file
Aniceto Buniel
 

More from Aniceto Buniel (20)

GRADE 10 DLL.pdf0000000000000000000000000000000
GRADE 10 DLL.pdf0000000000000000000000000000000GRADE 10 DLL.pdf0000000000000000000000000000000
GRADE 10 DLL.pdf0000000000000000000000000000000
 
AAB - LAC.pptx RESKILLING IN COMMUNICATING
AAB  - LAC.pptx RESKILLING IN COMMUNICATINGAAB  - LAC.pptx RESKILLING IN COMMUNICATING
AAB - LAC.pptx RESKILLING IN COMMUNICATING
 
Daily Lesson Log in.pdf.................
Daily Lesson Log in.pdf.................Daily Lesson Log in.pdf.................
Daily Lesson Log in.pdf.................
 
Q1 Grade 10 HEALTH D..........LL Week 2.pdf
Q1 Grade 10 HEALTH D..........LL Week 2.pdfQ1 Grade 10 HEALTH D..........LL Week 2.pdf
Q1 Grade 10 HEALTH D..........LL Week 2.pdf
 
MODULE 5 TO 7 G7.pptx music module grade 7 first grading period
MODULE 5 TO 7 G7.pptx music module grade 7 first grading periodMODULE 5 TO 7 G7.pptx music module grade 7 first grading period
MODULE 5 TO 7 G7.pptx music module grade 7 first grading period
 
4. HEALTH 1ST QUARTER ddd mapeh word file
4. HEALTH 1ST QUARTER  ddd mapeh word file4. HEALTH 1ST QUARTER  ddd mapeh word file
4. HEALTH 1ST QUARTER ddd mapeh word file
 
EsP DLL 8 Module 7.pdf
EsP DLL 8 Module 7.pdfEsP DLL 8 Module 7.pdf
EsP DLL 8 Module 7.pdf
 
EsP DLL 8 Module 6.pdf
EsP DLL 8 Module 6.pdfEsP DLL 8 Module 6.pdf
EsP DLL 8 Module 6.pdf
 
DLL-ESP 8-Module-13-16.pdf
DLL-ESP 8-Module-13-16.pdfDLL-ESP 8-Module-13-16.pdf
DLL-ESP 8-Module-13-16.pdf
 
DLL-ESP 8 Modyul 3.pdf
DLL-ESP 8 Modyul 3.pdfDLL-ESP 8 Modyul 3.pdf
DLL-ESP 8 Modyul 3.pdf
 
DLL ESP 8 preliminaries.pdf
DLL ESP 8 preliminaries.pdfDLL ESP 8 preliminaries.pdf
DLL ESP 8 preliminaries.pdf
 
DLL ESP 8 Modyul 1.pdf
DLL ESP 8 Modyul 1.pdfDLL ESP 8 Modyul 1.pdf
DLL ESP 8 Modyul 1.pdf
 
DLL ESP7 Q1 WK2.docx
DLL ESP7 Q1 WK2.docxDLL ESP7 Q1 WK2.docx
DLL ESP7 Q1 WK2.docx
 
DLL ESP7 Q1 WK3.docx
DLL ESP7 Q1 WK3.docxDLL ESP7 Q1 WK3.docx
DLL ESP7 Q1 WK3.docx
 
DLL ESP7 Q1 WK4.docx
DLL ESP7 Q1 WK4.docxDLL ESP7 Q1 WK4.docx
DLL ESP7 Q1 WK4.docx
 
DLL ESP7 Q1 WK5.docx
DLL ESP7 Q1 WK5.docxDLL ESP7 Q1 WK5.docx
DLL ESP7 Q1 WK5.docx
 
DLL ESP7 Q1 WK6.docx
DLL ESP7 Q1 WK6.docxDLL ESP7 Q1 WK6.docx
DLL ESP7 Q1 WK6.docx
 
Module-6-day2.docx
Module-6-day2.docxModule-6-day2.docx
Module-6-day2.docx
 
Module-8-.docx
Module-8-.docxModule-8-.docx
Module-8-.docx
 
DLL ESP7 Q1 WK2.docx
DLL ESP7 Q1 WK2.docxDLL ESP7 Q1 WK2.docx
DLL ESP7 Q1 WK2.docx
 

Recently uploaded

Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
MaamMeshil1
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
KathlyneJhayne
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
HannaLingatong
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
SundieGraceBataan
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
CindyManual1
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
binuaangelica
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
MaamCle
 

Recently uploaded (20)

POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptxPresentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 

Module 7.docx

  • 1. DAILY LESSON LOG (Pang-araw-araw na Tala sa Pagtuturo) Paaralan Baitang/ Antas 7 Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao Petsa/Oras Markahan Ikalawa UNANG ARAW I. Layunin A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kalayaan. B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin o paunlarin ang kanyang paggamit ng kalayaan. C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan 1. Nakikilala ang mga indikasyon/palatandaan ng pagkakaroon o kawalan ng kalayaan. 2. Napangangatuwiranan kung bakit hindi tunay na malaya ang mga taong nakapiit sa sariling bisyo, maling pananaw, magulong buhay. 3. Naibabahagi ang sariling karanasan sa paggamit ng kalayaan. EsP7PTIIe-7.1 II. Nilalaman Modyul 7: Kalayaan A. Sanggunian 1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 79-94 2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 161-181 3. Mga pahina sa Teksbuk 85
  • 2. 4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883 B. Iba pang Kagamitang Panturo Panturong Biswal: LCD projector, laptop, lapel/speaker III. Pamamaraan A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin. A. Sagutan ang mga tanong tungkol sa kaugnayan ng konsensya sa Likas na Batas Moral. (gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach) 1. Ano ang pinagbatayan mo para sabihing tama o mali ang isang kilos? 2. Paano ka ginabayan ng konsensiya sa mga pasya at kilos mo? B. Sagutan ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) Paunang Pagtataya Panuto: Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot sa sumusunod na katanungan. 1. Ang sumusunod na kilos ay nagpapakita nang mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa: a. Inilaan ni Anthony ang malaking bahagi ng kanyang buhay upang mapalawak ang kanyang kaalaman at karunungan, alam niyang malaking bagay ang magagawa nito upang maiahon niya ang kanyang pamilya sa kahirapan at upang maibahagi niya sa lahat ang kanyang mga kakayahan. b. Nasaktan ni Rebecca ang kanyang ina dahil sa kanyang pagsisinungaling dito. Inihanda niya ang kanyang sarili sa magiging reaksyon ng kanyang mga kapatid sa kanyang ginawa. Dahil dito, siya na mismo ang gumawa ng paraan upang itama ang kanyang pagkakamali kahit pa ito ay nangangahulugang siya ay mapapahiya at masasaktan. c. Nasaksihan ni Rupert ang ginawang panloloko ng kanyang kapatid sa kanyang mga magulang. Ang alam nila, pumapasok siya araw-araw sa paaralan ngunit sa 86
  • 3. halip, pumupunta siya sa computer shop kasama ang mga barkada. Dahi alam niyang labis na mapagagalitan ang kanyang kapatid, hindi niya sinabi ito sa kanyang magulang dahil ayaw niyang ito ay mapagalitan o masaktan. d. Hindi lingid sa kaalaman ni Rachelle ang katiwaliang nagaganap sa loob ng kanilang kompanya. Saksi siya sa pandarayang ginagawa ng kanyang matalik na kaibigan sa report ng kinita ng kompanya. Sa kabila ng pakiusap nitong manahimik na lamang siya ay sinabi pa rin niya ito sa kanyang boss na naging dahilan ng pagkatanggal ng kanyang kaibigan sa trabaho at pakakaroon ng kaso sa hukuman. 2. Ang sumusunod ay palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa: a. Nakahandang harapin ang anumang kahihinatnan ng mga pagpapasya b. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat c. Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral d. Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito 3. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito. Ito ay nangangahulugang: a. Ang kalayaan ng tao katulad ng kilos-loob ay nakabatay sa dikta ng isip. b. Malaya ang taong gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay o kilos. c. Ang hantungan ng kilos ay itinatakda ng tao batay sa kanyang pagiging mapanagutan sa paggamit ng kanyang kalayaan d. Lahat ng nabanggit 4. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang _________________. a. Isip b. dignidad c. Kilos-loob d. Konsensya 87
  • 4. 5. Nakilahok sa isang pag-aalsa laban sa pamunuan ng kompanyang kanyang pinagtratrabahuhan. Nangyari ito dahil sa hindi makataong pagtrato ng may-ari ng kompanya sa lahat ng mga empleyado. Dahil dito, siya at ang ilan pang mga kasamang itinuturing na pinuno ng mga manggagawa ay hinuli at ikinulong. Sa sitwasyong ito, nawala ang kanyang _________________. a. Karapatang pantao c. Panloob na kalayaan b. Dignidad bilang tao d. Panlabas na kalayaan 6. Bakit mahalagang hayaan ng isang magulang ang kanyang anak na sumubok, pumili at magpasya para sa kanyang sarili? a. Ito ang magbibigay sa kanila ng mga karanasang maaari nilang gamiting gabay sa mga isasagawang pagpapasya sa hinaharap b. Ang pagkakataong ibinibigay ng magulang ang magtuturo sa mga anak na sumunod mula sa pag-unawa at pagmamahal at hindi sa pamimilit. c. Maiiwasan ang pagrerebelde ng isang anak dahil sa labis na pagnanais ng magulang na magabayan ang kanyang anak patungo sa tamang landas. d. Ang pagiging malaya sa pagpapasya ng isang anak ay maaaring magdulot ng sakit dahil sa pagkakamali ngunit dito sila natututo ng mahalagang aral. 7. “Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti.” Ang pangungusap ay: a.Tama, dahil ang tao ay nilikha ng Diyos na taglay ang likas na kabutihan. b.Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan. c. Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghuhusga ng tao. d. Mali, dahil magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kalayaan kung malayang magagawa ng tao ang mabuti at masama. 8. Ano ang nagbibigay hugis o direksyon sa kalayaan? 88
  • 5. a. Isip b. konsensya c. batas moral d. dignidad 9. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap na ito ay nangangahulugang: a. Magiging malaya lamang ang tao kung ang kanyang ginawa ay kabutihan. b. Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kanyang paglabag sa likas na batas moral c. Hindi ganap na malaya ang tao, hindi siya maaaring mamili batay lamang sa kanyang nais. d. Lahat ng nabanggit 10. Ayon kay Fr. De Torre, ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anumang kanyang naisin. Ang pangungusap ay: a. Tama, dahil hindi ganap ang tao. b. Tama, dahil maraming bagay ang nais mangyari at gawin ang tao subalit hindi niya magawa ang mga ito. c. Mali, dahil taliwas ito sa tunay na kahulugan ng kalayaan. d. Mali, dahil magagawa ng tao ang maraming bagay dahil mayroon siyang isip at kilos- loob. B. Paghahabi sa layunin ng aralin at pagganyak A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin. a. Nakikilala ang mga indikasyon/palatandaan ng pagkakaroon o kawalan ng kalayaan. b. Napangangatuwiranan kung bakit hindi tunay na malaya ang mga taong nakapiit sa sariling bisyo, maling pananaw at magulong buhay. c. Naibabahagi ang sariling karanasan sa paggamit ng kalayaan. B. Panoorin ang video presentation ng Once upon A Time (https://www.youtube.com/watch?v=m6sdrLsyH1Q) tungkol sa mga telepantasya at sagutan ang katanungan sa susunod na pahina. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Integrative/Reflective Approach) 1. Ano ang taglay ng mga tauhan upang makamit ang kanilang naisin? 89
  • 6. 2. Paano nila hinaharap ang kanilang mga suliranin? 3. Kung wala ba silang taglay na kapangyarihan makakamit ba nila ang kanilang nais? C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Gamit ang PowerPoint Presentation, ipabasa sa mga mag-aaral ang maikling kuwento at magkaroon ng talakayan sa mga katanungan sa ibaba. (gawin sa loob ng 7 minuto) (Reflective Approach) Isang hindi pangkaraniwang nilalang na bahagi ng alamat ng mga Arabo ang Genie. Sa mga palabas ngayon, ipinakikita na ang Genie ay gumaganap bilang isang nilalang na may taglay na kapangyarihang magbigay ng tatlong kahilingan. Halimbawa, nagkaroon ka ng pagkakataong humiling, ano ang iyong hihilingin? Ano ang magiging tugon mo sa tanong ng Genie? Mga tanong : 1. Isulat ang dahilan bakit ang mga ito ang iyong hiling. 2. Ang hiling mo ba ay maisasakatuparan kahit walang magic? 3. Paano ito mangyayari? Ano ang gagawin mo upang makamit ito? 4. Ano ang hindi mo gagawin upang makamit ito? 5. Ano ang taglay mo upang makamit ang iyong hiling kahit walang magic? 6. Ang nangyayari ba sa buhay ng tao ay magic? 7. Kabilang ba sa inyong kakayahang taglay ang kalayaang piliin ang kilos na gagawin upang makamit ang iyong ninanais? 8. Sa paanong paraan mo ba ginagamit ang iyong kalayaan? 90
  • 7. D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 Gamit ang mga larawang nakapaskil sa pisara, idikit sa T-tsart ang larawang nagpapakita ng pagkakaroon ng kalayaan at walang kalayaan. Sagutan ang sumusunod na tanong at ibahagi sa klase ang naging kasagutan. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) Paggawa ng gawaing bahay Pag-inom ng alak Bayanihan Pakikipagrelasyon Pakikipag-away sa katapat Pag-aaral na kasarian Masayang Pamiya Paninigarilyo Kahirapan 91
  • 8. Nagpapakita ng Kalayaan Nagpapakita ng Kawalan ng Kalayaan 1. Bakit mo nasabing may kalayaan sa mga larawan sa unang hanay? 2. Bakit mo nasabing walang kalayaan sa mga larawan sa ikalawang hanay? 3. Ano ang ipinapakita nitong kahulugan ng kalayaan? E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 Pangkatin ang klase sa 5 at atasang pag-aralan ang mga sitwasyong nasa tsart. Pag-usapan ng bawat pangkat kung may kalayaan o wala ang bawat sitwasyon. Gamit ang Manila paper, punan ang format sa ibaba at pumili ng isang mag-uulat. Itanong sa mag-aaral ang nahinuhang kahulugan ng kalayaan batay sa gawain. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative/ Constructivist Approach) Sitwasyon 1. Pagbibisyo (pagsugal, pagsigarilyo, pag-inom ng alak, pagkalulong sa droga) 2. Maagang pag-aasawa o pagbubuntis May Kalayaan/ Walang Kalayaan Patunay na Malaya/ Hindi Malaya 92
  • 9. 3. Pagpapabaya sa pag-aaral (Hindi gumagawa ng project, o hindi gumagawa ng takdang aralin,at iba pa.) 4. Pagrebelde sa magulang 5. Pagsama sa maling barkada F. Paglinang sa Kabihasahan (Tungo sa Formative Assessment) Punan ang Concept Map ng mga salitang may kaugnayan sa kalayaan. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Constructivist/Reflective Approach) Kalayaan 93
  • 10. G.Paglalapat sa aralin sa pang araw-araw na buhay Bumuo ng isang sanaysay na may 5 o higit pang pangungusap tungkol sa pagkaunawa mo sa tunay na kahulugan ng kalayaang ipinagkaloob sa iyo at kung paano mo ito gamitin. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Constructivist Approach) Kraytirya: a. Binanggit ang pagkaunawa sa pakahulugan sa kalayaan. 30% b. Malinaw ang mga paraan ng paggamit ng kalayaan. . 40% c. Natukoy ang tama at maling pagkaunawa at paraan ng kalayaan. 30% Kabuuan 100% H. Paglalahat sa aralin Ang nangyayari sa buhay ng tao ay hindi magic. Ito ay dulot ng mga pagpapasyang ginagawa ng tao sa kanyang buhay at kanyang pagsisikap na makamit ito. Kabilang sa kakayahan ng tao ang kalayaang piliin ang kilos na gagawin upang makamit ang ninanais sa buhay. I. Pagtataya ng Aralin Tukuyin kung tama o mali ang bawat pangungusap at palitan ng tamang pahayag kung mali. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) ____1. Ang bawat tao ay may kalayaan. ____2. Walang hangganan ang kalayaang taglay ng tao. ____3. Dahil sa kalayaang taglay ng tao, nagagawa niyang pumili, magpasya at magtakda ng sariling buhay. ____4. Ang bawat kalayaan ay walang katumbas na pananagutan. ____5. Dahil sa kalayaan, nagagawa kong lahat ang naiisin ko. J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation Sumulat ng mapagpalaya mong payo para kay Rose. Gustong-gusto ni Rose Ann na magpabili ng bagong sapatos na panlaro. Nang magkapera na ang kanyang tatay, humingi ng pambayad sa matrikula ang kapatid niyang nag-aaral sa kolehiyo. IV. MgaTala 94
  • 11. V. Pagninilay A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya. B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin? D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation? E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong nang lubos? Paano ito nakatulong? F. Anong suliranin ang aking naranasang solusyunan sa tulong ng aking punungguro at superbisor? 95
  • 12. G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuhong nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro? 96
  • 13. DAILY LESSON LOG (Pang-araw-araw na Tala sa Pagtuturo) Paaralan Baitang/Antas 7 Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao Petsa/Oras Markahan Ikalawa IKALAWANG ARAW I. Layunin A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kalayaan. B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin o paunlarin ang kanyang paggamit ng kalayaan. C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan 1. Nasusuri kung nakikita sa mga gawi ng kabataan ang kalayaan. 2. Nalilinang ang kaalaman, kakayahan at pag-unawa sa sariling kalayaan. 3. Nakapagbibigay-puna sa sariling mga gawi na nakaaapekto sa paggamit ng Kalayaan. EsP7PTIIe II. Nilalaman Modyul 7: Kalayaan A. Sanggunian 1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral Modyul sa Edukasyon sa PAgpapakatao 7 LM p. 3. Mga pahina sa Teksbuk Edukasyon sa Pagpapahalaga I, p.36 97
  • 14. 4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883 B. Iba pang Kagamitang Panturo Manila paper, laptop, LCD projector, graphic organizer and PowerPoint Presentation III.Pamamaraan A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin. Ipakita ng guro ang Concept Map na nasa Manila paper at ipasulat sa mga mag-aaral sa loob ng kahon ang pagkaunawa at paaran ng paggamit ng kanilang kalayaan. Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kasagutan. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/ Contructivist Approach) _____________ _____________ _____________ _____________ _____________ B. Paghahabi sa layunin ng aralin at pagganyak A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin. 1. Nasusuri kung nakikita sa mga gawi ng kabataan ang kalayaan. 2. Nalilinang ang kaalaman, kakayahan at pag-unawa sa sariling kalayaan. 3. Nakapagbibigay-puna sa sariling mga gawi na nakaaapekto sa paggamit ng kalayaan. 98 Pagkaunawa sa Kalayaan Paraan ng paggamit ng kalayaan
  • 15. B. Ipamahagi sa mag-aaral ang kopya ng tula, ipabasa nang sabayan at sagutan ang tanong. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Collaborative Approach) Malaya Ka Pa Ba? ni Noel P. Sulay Noong isang Lunes Ikaw ay nagpasya Kasama ng barkada Sa sinehan ay pumunta Nanood ng komedya Iniwan ang eskwela Alam na alam mong Pagsusulit ay bukas na Di ito pinansin Mas inuna ang barkada Kinabukasan, kabado ka Pagsusulit nag-umpisa Ang ‘yong paghahanda Alam mong kulang pa Kaya’t sa kaklase Ikaw ay tumabi Sinabi sa kanyang “Pakopya nga pre” Ililibre na kita Doon sa Jollibee Sa loob ng kwarto Pumunta ka Nakita mong bukas Wallet sa lamesa Sa kulay pa lamang Agad nakilla Kay daddy mo ito Hindi ka nagduda Di mo napigilan Kinuha ang isang daan Isinilid mo sa bulsa At kwarto’y iniwan Lumabas ng bahay Sa mall ay namasyal Natupad din ang gusto mo Ang maglayas at maglibang Nakamit mo ito Sa tulong ng “isang daan” Nais ko pa sana Magkwento’t magsabi Sa haba ng tulang ito Di na yata maaari Ang tanong ko lamang Saguting mabuti Malaya ka pa ba Mahal kong kumpare? 99
  • 16. Sagutan ang sumusunod na katanungan: a. Kung ikaw ang susulat ng tulang ito, ganito rin ba ng maiisip mong pamagat? Bakit? b. Ano para sa iyo ang kahulugan ng kalayaan? Kailan mo masasabing malaya ang isang tao? Ipaliwanag. c. Sumasang-ayon ka ba sa sinasabi ng pahayag na ito?: “Malaya ang taong nakagagawa ng lahat ng bagay na gusto niyang gawin.” Pangatuwiranan. C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 Pangkatin ang klase sa apat na grupo. Atasan ang bawat pangkat ng limang gawi ng kabataang nakaaapekto sa paggamit ng kalayaan. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative/Constructivist Approach) Bilang Gawi ng Kabataang Nakaaapekto sa Paggamit ng Kalayaan 1 2 3 4 5 Ipaskil ang ginawa ng pangkat at pumili ng isang mag-uulat. Pagkatapos ng pag-uulat, ipahambing ang sagot ng bawat pangkat. Sagutan ang tanong sa ibaba. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) 1. Ano ang kahalagahan ng kalayaan? 2. Paano magiging tunay na malaya ang isang tao? 100
  • 17. E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 Gamit ang dating pangkat, ipakita ang gawi ng tao sa paggamit ng kalayaan sa pamamagitan ng dula-dulaan. (gawin sa loob ng 15 minuto) (Collaborative Approach) Kraytirya: Presentasyon- 30 Nilalaman - 30 Kooperasyon- 20 Pagkamalikhain 20 Kabuuaan 100 puntos F. Paglinang sa Kabihasahan (Tungo sa Formative Assessment) Sagutan ang sumusunod na tanong at isulat sa notbuk ang kasagutan. Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kasagutan. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) 1. Sa dula-dulaang ipinakita, ano ang posibleng mangyari kung aabusuhin ang iyong kalayaan? 2. Kung may kalayaan ang bawat isa, paano niya ito dapat gamitin? 3. Bakit kailangang may hangganan ang paggamit ng kalayaan? G. Paglalapat sa aralin sa pangaraw-araw na buhay Gumawa ng islogan na binubuo ng 10-15 salita tungkol sa kaalaman, kakayahan at pag-unawa sa sariling kalayaan. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist Approach) Kraytirya: NIlalaman- 40% Kaayusan- 30% Kaangkupan- 20% Oras- 10% Kabuuan- 100% 101
  • 18. H. Paglalahat sa aralin Ang bawat tao ay malaya. Dahil sa kalayaang taglay, nagagawa niyang pumili, magpasya at magtakda ng sariling buhay. May hangganan ang kalayaang taglay ng tao. Ang bawat kalayaan ay may katumbas na pananagutan na siyang nagtatakda at kumokontrol dito. I. Pagtataya ng Aralin Buuin nang may kalayaan ang sumusunod na pahayag. Limang puntos bawat bilang. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Constructivist Approach) 1. Ang bawat tao ay nagtataglay ng ________________________________________ ___________________________________________________________________ 2. Sa pagpapalaya ko sa aking sarili, kailangan kong___________________________ ___________________________________________________________________ 3. Dahil sa kalayaan, nagagawa kong_______________________________________ J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation Magsaliksik tungkol sa uri ng kalayaan, suriin ito at humanda sa pagbabahagi sa klase. IV. MgaTala V. Pagninilay A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya. B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin? 102
  • 19. D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation? E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong nang lubos? Paano ito nakatulong? F. Anong suliranin ang aking naranasang solusyunan sa tulong ng aking punungguro at superbisor? G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuhong nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro? 103
  • 20. DAILY LESSON LOG (Pang-araw-araw na Tala sa Pagtuturo) Paaralan Baitang/ Antas 7 Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao Petsa/Oras Markahan Ikaapat IKATLONG ARAW I. Layunin A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kalayaan. B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin o paunlarin ang kanyang paggamit ng kalayaan. C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan 1. Nahihinuhang likas sa tao ang malayang pagpili sa mabuti o sa masama; ngunit ang kalayaan ay may kakambal na pananagutan para sa kabutihan 2. Nakapaninindigan sa sariling posisyon tungkol sa pananagutan bunga ng paggamit ng kalayaang pumili sa mabuti o masama. 3. Nakabubuo ng sanaysay na nagpapakita ng malayang pagpapasyang hindi naging maganda ang bunga at napanagutan ang pagpili sa kilos. EsP7PTIIf-7.3 II. Nilalaman Modyul 7: Kalayaan A. Sanggunian 1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 58-61 2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 75-89 3. Mga pahina sa Teksbuk 104
  • 21. 4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883 B. Iba pang Kagamitang Panturo Panturong Biswal: LCD projector, laptop III. Pamamaraan A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin. Ipaskil ang ginawang islogan at ibahagi sa klase ang kaisipang nabuo. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) B. Paghahabi sa layunin ng aralin at pagganyak A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin. 1. Nahihinuha na likas sa tao ang malayang pagpili sa mabuti o sa masama; ngunit ang kalayaan ay may kakambal na pananagutan para sa kabutihan 2. Nakapaninindigan sa sariling posisyon tungkol sa pananagutan bunga ng paggamit ng kalayaang pumili sa mabuti o masama. 3. Nakabubuo ng sanaysay na nagpapakita ng malayang pagpapasyang hindi naging maganda ang bunga at napanagutan ang pagpili sa kilos B. Ipagawa ang larong Word Hunt. Hanapin at tukuyin ang mga salitang may kaugnayan sa kalayaang nakasulat sa ibaba ng worksheets. Ito ay maaaring pahalang, pababa, pahilis o pabaliktad. Bigyan ng premyo ang mga mag-aaral na naunang makakuha ng tamang kasagutan. (gawin ito sa loob ng 5 minuto.) (Constructivist Approach) 105
  • 22. A W D R B F Z L Q J O F N L U Y S F U L A W X X J P X M J K R K O E T Z T Y U Y L T S N T A C G Y S A C A B R T L A C I Y K M Y P N L K S S V T E C N S F F Z B Z C I A - U B B U J A M Y Z D L G S O G M O T G R P N A H I T U B A K U O W S Z A S B H L I P N J H O L R S C P Z R A X X A Y Z B U - S A J G K T B T N L T H N E S B U L A K U V A A V P D S E O M U P P R N P W T S P C H Q L L V U A G C Y Q Z J I Y M Q I O Q T J V N A A Y A L A K R K T S X Batas-Moral Pananagutan Kabutihan Kilos-Loob Pagpapasya Kalayaan 106
  • 23. C.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Ipaskil ang tsart na inihanda ng guro. Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyong nakasulat dito. Tumawag ng piling mag-aaral na magbabahagi. Isulat ng guro ang kasagutan ng mag-aaral. Magkaroon ng talakayan sa natapos na gawain. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist/Integrative Approach) SITWASYON RESULTA PANANAGUTAN 1. Pagbibisyo (pagsugal, pagsigarilyo, pag-inom ng alak, pagkalulong sa droga) 2. Maagang pag-aasawa o pagbubuntis 3. Pagpapabaya sa pag- aaral (hindi gumagawa ng project, o naghahanda ng takdang aralin at iba pa.) 4. Pagrebelde sa magulang 5. Pagsama sa maling barkada 107
  • 24. D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 Pangkatin ang klase sa apat na grupo. Ipabasa ang bahagi ng sanaysay na nakatakda sa bawat pangkat at iulat ito sa klase gamit ang graphic organizer. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative Approach) Unang Pangkat - Bubble Web Konsepto ng Kalayaan May mga kabataang nag-aakalang ang kalayaan ay kapangyarihan na gawin ang anumang naisin ng tao. Kung susuriin ayon kay de Torre, ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anumang kanyang naisin. Maraming bagay ang nais niyang mangyari at gawin subalit hindi niya magawa ang mga ito. Nais ng taong hindi magkasakit, hindi tumanda, manatiling buhay, malaman ang lahat ng bagay ngunit wala siyang kalayaan upang magawa ang mga ito. Kung ganoon, ano nga ba ang tinutukoy na kalayaan ng tao? Sa kabila ng limitasyong ito ng kalayaan ng tao, ang tao ay tunay na malaya sa kanyang pagpili o pagpapasya. Binigyang kahulugan ni Santo Tomas de Aquino ang kalayaan bilang “katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kanyang maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito”. Nangangahulugan ito na malaya ang taong gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay o kilos. Ang tao ay nagtatakda ng kanyang kilos para sa kanyang sarili. Walang anumang puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda nito para sa kanya. Maaari siyang mahikayat, maganyak o maakit subalit hindi maaaring puwersahin o pilitin. Subalit ang kalayaang ito ay hindi tumutukoy sa kalayaan upang piliin ng tao ang kahihinatnan ng kanyang pagpili. Hindi sakop ng kanyang kalayaan ang likhain ang kahihinatnan ng kanyang piniling kilos. Halimbawa, malaya ang isang mag-aaral na piliing magbarkada kaysa mag-aral ng leksyon, subalit hindi siya malaya sa maaaring kahihinatnan nito. Hindi maaaring mataas pa rin ang kanyang marka sa kabila ng kanyang piniling gawin. Hindi malaya ang taong piliin ang kahihinatnan ng kilos na kanyang pinili. Samakatuwid, ang 108
  • 25. kalayaan ay hindi lubos at ito ay may limitasyon. Ang limitasyong ito ay itinakda ng Likas na Batas Moral. Ipinaliwanag ni Sr. Felicidad C. Lipio ang kaugnayan ng kalayaan sa batas na ito katulad ng kaugnayan ng dalampasigan sa baybay dagat. Ang dalampasigan ang nagbibigay hugis sa tubig at ang siyang nagbibigay hangganan dito. Gayundin, ang Likas na Batas Moral ang nagbibigay hugis sa paggamit ng tunay na kalayaan at nagtatakda ng hangganan nito. Ang batas moral kung gayon ay alituntuning kailangang sundin na nagbibigay hugis at direksiyon sa kalayaan. Ikalawang Pangkat - Concept Cluster Uri Ng Kalayaan Mayroong dalawang uri ng kalayaan: 1. Panloob na Kalayaan. Ayon sa obserbasyon ni Santo Tomas de Aquino, nakasalalay sa kilos-loob ng tao ang kanyang kalayaan. Tinutukoy ng Panloob na Kalayaan ng kilos- loob ang: a. Kalayaang Gumusto (freedom of exercise) - ito ang kalayaang magnais o hindi magnais b. Kalayaang Tumukoy (freedom of specification) - ito naman ang kalayaan upang tukuyin kung alin ang nanaisin Sa babalang ito halimbawa, “Bawal ang Maligo Rito”. Ang iyong kilos-loob ay malayang magnais o hindi magnais na sundin o kaya balewalain ang babala. Sakaling nagpasya ang kilos-loob na sundin ang sinasabi ng babala, malaya nitong tukuyin kung ano ang nanaising gawin bilang kapalit sa planong paliligo. Nanaisin niya marahil ang magpiknik na lamang sa dalampasigan, lumipat ng ibang lugar o umuwi na lang. Walang maaaring magtanggal ng panloob na kalayaan ng tao. Hindi ito maipagkakait, makukuha o maaalis sa kanya. 2. Panlabas na Kalayaan. Ito ang kalayaan upang isakatuparan ang gawaing ninais ng kilos- loob. Naiimpluwensiyahan ng mga panlabas na salik ang kalayaang ito. Maaaring 109
  • 26. mabawasan o maalis ang kalayaang ito sa pamamagitan ng puwersa sa labas ng tao. Kapag ang tao ay ikinulong, mawawala ang kanyang panlabas na kalayaan. Halimbawa ng panlabas na kalayaan ay ang politikal, propesyonal at pang-akademikong kalayaan. Nakapaloob sa politikal na kalayaan ang kalayaang pumili ng sasalihang samahang politikal, bumoto o pumili ng taong mamumuno. Ang pang-akademikong kalayaan halimbawa ay ang kalayaang pumili ng paaralang papasukan at kursong kukunin sa kolehiyo. May kalayaan ang mga propesyonal na gampanan ang kanilang tungkulin ayon sa sariling pamamaraan subalit hindi taliwas sa mga panuntunan. Ayon kay Esther Esteban (1990), ang konsepto ng kalayaan ay nangangahulugang nagagawa o nakakayang gawin ng tao ang nararapat upang makamit ang pinakamataas at pinakadakilang layunin ng kanyang pagkatao. Malaya ang taong linangin ang kanyang sarili at paunlarin ito. Ikatlong Pangkat - Word Map Ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa pagsunod sa Likas na Batas Moral. Ang tunay na kalayaan ay masusumpungan sa pagsunod sa batas na ito. Sa bawat batas na nauunawaan at sinusunod ng tao, mas nadaragdagan ang kanyang kalayaan. Bakit nga ba pinayagan ng Diyos na maging malaya ang taong tanggapin o suwayin ang Kanyang batas? Bakit hinahayaan ng isang magulang ang kanyang anak na sumubok, pumili at magpasya para sa kanyang sarili? Ito ay sa dahilang umaasa ang Diyos o maging ang magulang ng pagsunod mula sa pag-unawa at pagmamahal hindi dahil sa pinilit at pagsunod na may takot. Dahil dito, ang kalayaan ng tao ay palaging may kakambal na pananagutan. Ikaapat na Pangkat - Spider Web Palatandaan ng Taong Mapanagutan sa Paggamit ng Kalayaan 110
  • 27. Ang tao ay kailangang maging mapanagutan sa anumang kilos at pagpapasyang gagawin. Paano mo malalaman kung naging mapanagutan ka sa paggamit ng kalayaan? Narito ang ilang palatandaan ayon kay Esteban (1990): 1. Kung naisaalang-alang mo ang kabutihang pansarili (personal good) at ang kabutihang panlahat (common good). Halimbawa, ginagamit mo ang kalayaan upang malampasan ang mga balakid sa pag-unlad ng ating pagkatao. Ang maging malaya sa kamangmangan, kahirapan, katamaran, kasamaan ay ilan sa mga ito. Itinatalaga rin ang kalayaan para sa ikabubuti ng kapwa katulad ng pakikilahok sa mga proyektong pampamayanan o maging sa pagtatanggol sa mabubuting adhikain. 2. Kung handa kang harapin ang anumang kahihinatnan ng iyong pagpapasya. Ang bawat kilos o pagpapasya ay may katumbas na epekto, mabuti man o masama. Hindi lamang sapat na harapin ang kahihinatnan ng pasya o kilos kundi ang gamitin ang kalayaan upang itama ang anumang pagkakamali. 3. Kung ang iyong pagkilos ay hindi sumasalungat sa Likas na Batas Moral. Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya’y likhain. Nakasaad sa mga batas na ito ang dapat gawin at di dapat gawin ng tao. Ang mga batas na ito ang siyang batayan sa pagsasaalang-alang sa pagkilala ng kabutihang pansarili at kabutihang panlahat. Bagamat may kalayaang pumili ang tao dahil sa kanyang kilos-loob, ang tao ay may kamalayan, kaya siya ay may kakayahang magsuri at pumili ng nararapat. Siya ay may moral na tungkulin na piliin ang ayon sa moral na batayan. Ang kalayaan ng kilos-loob ay bahagi ng ating ispirituwal na aspekto ng ating pagkatao. Bigay ito ng Diyos sa tao upang malaya niyang mahubog ang kanyang pagkatao. Ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan. Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti. 111
  • 28. Bubble Web Concept Cluster Spider map Word Map E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 Magsagawa ng pag-uulat ang bawat pangkat. Pumili ng tagapag-ulat at itanong sa mag-aaral ang sumusunod. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) 1. Paano maipamamalas ang tunay na kalayaan? 2. Bakit kailangang may hangganan ang kalayaan ng tao? 3. Paano naging malaya ang taong gumagawa ng mabuti? 112
  • 29. F. Paglinang sa Kabihasahan (Tungo sa Formative Assessment) Buuin ang pahayag sa pamamagitan ng pagsulat sa patlang ng tamang kasagutan. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach) Likas sa tao ang ___________ sa ____________o ___________ ngunit ang ____________ay may kakambal na __________para sa kabutihan. Sagot: 1. Malaya 2. Pagpili 3. Pagpapasya 4. Kalayaan 5. Pananagutan G. Paglalapat sa aralin sa pang- araw-araw na buhay Sumulat ng maikling sanaysay na binubuo ng 5 o higit pang pangungusap na nagpapahayag ng isang panawagan sa kapwa mag-aaral na maging mapanagutan sa paggamit ng kalayaan (gawin sa loob ng 5 minuto) (Constructivist Approach) Kraytirya: a. Nilalaman 40% b. Kaugnayan sa Tema . 35% c. Paggamit ng Salita 25% Kabuuan 100% H. Paglalahat sa Aralin May kalayaang pumili ang tao dahil sa kanyang kilos-loob. Ang tao ay may kamalayan kaya siya ay may kakayahang magsuri at pumili ng nararapat. Siya ay may moral na tungkuling piliin ang ayon sa moral na batayan. Ang kalayaan ng kilos-loob ay bahagi ng ispirituwal na aspekto ng ating pagkatao. Bigay ito ng Diyos sa tao upang malaya niyang mahubog ang kanyang pagkatao. Ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan. Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti. 113
  • 30. I. Pagtataya ng Aralin Isulat sa notbuk at punan ng tamang sagot ang sumusunod: (gawin sa loob ng 5 minuto) (Contructivist Approach) Panuto: Piliin ang tamang sa sagot sa Hanay B para sa Hanay A. Isulat sa patlang ang titik ng iyong napiling sagot. Hanay A Hanay B _____1. KALAYAAN A. Ito ay kalayaang nakasalalay sa kilos-loob ng tao _____2. LIKAS NA BATAS MORAL B. Ito ang kalayaan upang isakatuparan ang gawaing ninais ng kilos-loob. _____3. PANLABAS NA KALAYAAN C. Ito ang nagbibigay-hugis sa paggamit ng tunay na kalayaan at nagtatakda ng hangganan nito _____4. PANLOOB NA KALAYAAN D. Ito ay kapag nagagawa ng isang taong gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay o kilos. _____5.PANANAGUTAN E. Ito ang kakambal ng kalayaan. J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation Sagutan ang sumusunod na tanong. Isulat ito sa inyong notbuk at humanda sa pagbabahagi. 1. Ano ang konsepto ng tunay na kalayaan? 2. Paano mo malalaman kung naging mapanagutan ka sa paggamit ng kalayaan? IV. MgaTala V. Pagninilay A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya. 114
  • 31. B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng magaaral na nakaunawa sa aralin? D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong nang lubos? Paano ito nakatulong? F. Anong suliranin ang aking naranasang solusyunan sa tulong ng aking punungguro at superbisor? G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuhong nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro? 115
  • 32. DAILY LESSON LOG (Pang-araw-araw na Tala sa Pagtuturo) Paaralan Baitang/ Antas 7 Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao Petsa/Oras Markahan Ikaapat IKAAPAT NA ARAW I. Layunin A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kalayaan. B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin o paunlarin ang kanyang paggamit ng kalayaan C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan 1. Naisasagawa ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin o paunlarin ang kanyang paggamit ng kalayaan. 2. Naipamamalas ang paggamit ng kalayaan sa pagpili ng mabuti at napananagutan ang pagpili sa masama 3. Naipapahayag ang paggamit ng kalayaan sa pagpili ng mabuti at napananagutan ang pagpili sa masama sa pamamagitan ng panawagan. EsP7PTIIf-7.4 II. Nilalaman Modyul 7: Kalayaan! A. Sanggunian 1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Eduksayon sa Pagpapakatao 7 TG p. 91- 116
  • 33. 2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 176-178 3. Mga pahina sa Teksbuk OHSP EP I. Modyul 8, EASE EP I. Modyul 15, EASE EP IV. Modyul 10 4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883 B. Iba pang Kagamitang Panturo Panturong Biswal: LCD Projector, Laptop https://www.youtube.com/watch?v=bvPaNSiiGhA III.Pamamaraan A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin. 1. Magbalik-aral hinggil sa mga paksang tinalakay ukol sa kalayaan at itanong sa mag-aaral ang sumusunod. (gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach) a. Ano ang konsepto ng tunay na kalayaan? b. Bakit kailangang may hangganan ang kalayaan ng tao? 117
  • 34. B. Paghahabi sa layunin ng aralin at pagganyak A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin. 1. Naipamamalas ang paggamit ng kalayaan sa pagpili ng mabuti at napananagutan ang pagpili sa masama 2. Nakabubuo ng mga hakbang upang baguhin o paunlarin ang kanyang paggamit ng kalayaan 3. Naipapahayag ang paggamit ng kalayaan sa pagpili ng mabuti at napananagutan ang pagpili sa masama sa pamamagitan ng panawagan. B. Panoorin ang isang short film (https://www.youtube.com/watch?v=bvPaNSiiGhA) na pinamagatang Mabuti ka bang Tao?/Are you a Good Person? at itanong sa mag-aaral ang sumusunod. (gawin ito sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) 1. Sa paanong paraan ipinakita ni Mr. Nice Guy ang kanyang pananagutan sa kanyang ginawa? 2. Paano naging malaya ang taong gumagawa ng mabuti? C. Pag-uugnay ng mga Punan ang tsart. Suriin ito sa pamamagitan ng pagkilala sa maaaring kahihinatnan ng kilos sa 118
  • 35. halimbawa sa bagong aralin bawat sitwasyon. Isulat sa unang kolum ang agarang epekto o kahihinatnan ng kilos. Isulat din sa ikalawang kolum ang pangmatagalang epekto ng kilos. Gabay mo ang naunang sitwasyon bilang halimbawa. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Integrative/Constructivist Approach) SITWASYON AGARANG EPEKTO PANGMATAGALANG EPEKTO Halimbawa: Kapag tinanggihan ko ang alok ng kaibigan kong sumama sa kanya para magsugal Halimbawa: -Hindi masasayang ang pera ko. -Hindi ako matututong magsugal. -Hindi niya na ako yayain ulit sa susunod. Halimbawa: -Hindi ako magugumon sa sugal. -Makakapagtapos ako ng pag-aaral Kapag tumutulong ako sa gawaing bahay Kapag hindi ko ginawa ang aking mga takdang aralin Kapag maaga akong nakipagrelasyon sa kabilang kasarian Kapag nag-aral ako ng leksiyon araw-araw Kapag pinagbigyan ko ang alok ng kaibigan kong manood ng pornograpiya D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad 119
  • 36. ng bagong kasanayan #1 Think-Pair-Share. Hayaang pumili ang mag-aaral ng kapareha upang ikumpara ang kanilang sagot sa ginawang gawain. Atasan silang ipaliwanag ang konseptong kanilang naunawaan mula sa kanilang ginawang tala. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Collaborative Approach) E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 Pangkatin ang klase sa lima. Ang bawat grupo ay gagawa ng headlines o ulo ng mga balita para sa sumusunod na pahayagang nagpapapahayag ng kinahinatnan ng taong pinanagutan ang pagpili ng masama at paggamit ng kalayaan sa pagpili ng mabuti. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative/Constructivist Approach) . PILIPINO STARS Balita Ngayon! TEMPO Napapanahong Isyu! TALIBA Balitang Naiiba! Kraytirya: a. Nilalaman 40% b. Kaugnayan sa Tema 30% c. Paggamit ng Salita 30% Kabuuan 100% 120
  • 37. F. Paglinang sa Kabihasahan (Tungo sa Formative Assessment) Magsagawa ng pag-uulat ang bawat pangkat. Pumili ng tagapag-ulat at itanong sa mag-aaral ang sumusunod. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) 1. Bakit kailangang maging mapanagutan ang bawat isa sa kanyang kilos o pasya? 2. Sa paanong paraan magiging tunay na malaya ang tao? G. Paglalapat sa aralin sa pang-araw-araw na buhay Sumulat ng pagninilay tungkol sa natuklasan mong tunay na kahulugan ng kalayaan at isulat sa journal. Sagutan ang sumusunod na tanong (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) Ano ang nabago sa Paano ko maipakikita aking pananaw ang pagpapahalaga tungkol sa ko sa kalayaang kalayaan? taglay ko? H. Paglalahat sa aralin Ang paggamit ng kalayaan ay may kakambal na pananagutan. Hindi perpekto ang tao kaya’t siya ay nagkakamali sa ilang pagpapasya. Dahil sa kalayaan, maaari niyang baguhin at paunlarin ang kanyang pagpapasya at ang kanyang pagkatao. I. Pagtataya ng Aralin Punan ang bawat patlang upang mabuo ang sanaysay sa ibaba. Tapusin ang pangungusap upang makabuo ng isang Explanatory Essay. Gawing makatuwiran at mapangganyak ang isusulat. Isang puntos sa bawat tamang sagot. (gawin sa loob ng 7 minuto) (Constructivist/Reflective Approach) 121
  • 38. Ang paggamit ng kalayaan ay may kakambal na _____________. Bagama’t hindi perpekto ang tao kaya’t siya ay _______________________. Subali’t dahil sa kalayaan, maaari niyang baguhin at paunlarin ang _____________________________. Ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa pagsunod sa ______________. Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng ______________________. Sagot: 1. Pananagutan 2. Nagkakamali 3. Pagkatao 4. Likas Batas Moral 5. Mabuti J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation IV. MgaTala Gawin ang “ Kalayaan Ko, Kabutihan Ko” sa pamamagitan ng pagtala ng mga kilos na nais mong baguhin o paunlarin. Banggitin ang naging epekto nito sa iyong pagkatao o sa kapwa. Ano ang gagawin mo upang mapaunlad o baguhin ang kilos. Itala rin ang mga araw ng pagsasagawa nito at ang epekto o resulta nito. Humanda sa pagbabahagi. Naging Kilos na Nais Epekto sa Epekto sa Gagawin kong Kong Baguhin Pagkatao/Kapwa Pagkatao/ Pagbabago /Paunlarin Kapwa Halimbawa: Naging Pipiliin ko na x     Naging magalang at Pagsagot walang ang mga mapagtimpi sa nang respeto salitang sariling emosyon. pabalang sa hindi lang gagamitin ko sa aking mga sa pakikipagusap magulang. magulang sa aking kundi pati magulang. sa ibang Magiging tao. mahinahon ako. 122 Lunes Martes Merkules Huwebes Biyernes Sabado Linggo
  • 39. V. Pagninilay A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya. B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng magaaral na nakaunawa sa aralin? D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation? E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong nang lubos? Paano ito nakatulong? F. Anong suliranin ang aking naranasang solusyunan sa tulong ng aking punungguro at superbisor? 123
  • 40. G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuhong nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro? 124