1. Batayang Kaalaman
sa Teorya sa Pananaliksik
na Akma o Buhat sa Lipunang Pilipino
4. Ang
Pantayong
Pananaw
Reference : Ang Pantayong
Pananaw Bilang Diskursong
Pangkabihasnan
Ni Zues Salazar
2. Pantayong Pananaw
Upang maisakatuparan ang
pagnanais na bigyan ng
saysay ang sariling
kasaysayan, kailangan
munang lutasin ang isang
problema:
Zues Salazar
Marami sa mga nakasulat
ukol sa kasaysayan ng
Pilipinas ay nasa wikang hindi
naiintindihan ng karamihan
3. .
Kaya mula pa noong 1970s, kinailangan niyang
paunlarin ang isang iskuwelang pangkaisipan:
isang ideya na tinatawag niyang:
= ang pag-aaral ng kasaysayan
natin sa ating sariling
perspektiba gamit ang mga
konsepto (dalumat) at isang
wikang naiintindihan ng lahat.
“Pantayong Pananaw”
4. Itinatag ni Salazar ang Bahay Saliksikan ng
Kasaysayan at ang akda ni Ocampo ang una
lamang sa marami nitong mga publikasyon na
inilimbag sa wikang Filipino.
Ano ang nagudyok sa kanya upang itatag ito?
Nilapitan siya noong siya ay nasa Alemanya ng kanyang
estudyanteng si Nilo S. Ocampo sapagkat walang
gustong maglimbag sa Pilipinas ng kanyang tesis na
Katutubo, Muslim, Kristyano: Palawan, 1621-1901.
Ang tangi nilang dahilan: ito ay nakasulat sa Wikang
Filipino! Dapat raw ito ay nakasulat sa Ingles.
5. Ang “Pantayong Pananaw”
ay mula sa salitang “tayo.”
ito ay mga kwento at kasaysayan ng
Pilipino, na isinasalaysay ng mga Pilipino,
para sa mga Pilipino.
Para sa “Pantayong Pananaw”
dapat ang pagkukuwento ay nasa
wikang naiintindihan ng halos
lahat ng Pilipino—at sa panahong
ito, ito ay ang Wikang Filipino o
Tagalog.
6. Ayon kay Salazar, noong unang
panahon bago dumating ang mga
Espanyol, Pantayong Pananaw ang umiiral
sa pagkukuwento ng mga epiko at iba
pang kwentong bayan ng bawat grupo ng
tao sa Pilipinas.
Pook ang tawag sa kultura
na pinagsasaluhan ng isang
grupo ng tao.
7. Pagkakaugnay-ugnay at paguugnay
ng mga katangian, halagahin, kaalaman,
karunungan, hangarin, kaugalian, pagaasal at
karanasan ng isang kabuuang pangkalinangan
— kabuuang nababalot sa, at ipinapahayag sa
pamamagitan ng isang wika;
ibig sabihin, sa loob ng isang
nagsasariling talastasan/diskursong
pangkalinangan o pangkabihasnan.
9. Ang isang lipunan-at-kalinangan ay may “pantayong
pananaw” lamang kung :
ang lahat ay gumagamit ng mga konsepto at ugali na
alam ng lahat ang kahulugan, pati ang relasyon ng mga
kahulugang ito sa isa’t isa.
Ito ay nangyayari
lamang kung iisa
ang code o
“pinagtutumbas
an ng mga
kahulugan.
ibig sabihin, isang
pangkabuuang pag-
uugnay at pagkakaugnay
ng mga kahulugan,
kaisipan at ugali.
11. Bago makaugnay ang mga dayuhang
Kastila noong ika-16 na dantaon, wala pang
iisang pantayong pananaw ang mga
grupong etnolingguwistiko sa buong
arkipelago, sa kabila ng kanilang pagiging
magkakamag-anak at lubusang
pagkakahawig sa lahi at kalinangan
12. Ang nasyong Pilipino ay nabuo lamang
noong ikalawang bahagi ng nagdaang
dantaon sa isang bahagi ng Kapilipinuhan
na nalantad nang husto sa Kanluran at,
samakatuwid, nabahiran kung hindi man
talagang nabago nito. Ito ay dahil sa :
natuto ng wikang Kastila at napasok
(gaano man kabahagya) sa kulturang
Kastila at, sa pamamagitan nito, sa
sibilisasyon ng Kanluran
13. Mga elite “mga akulturadong grupo ng tao.”
Tinawag ang mga grupong ito
na ladino sapagkat sila ang
natuto ng Kastila.
Ginawa silang tagasalin at tagatulong ng mga prayle sa
ebanghelisasyon (pagpapasakristiyano) ng mga Pilipino.
Isinalin nila sa kanilang katutubong wika ang mga
konsepto at kaisipang ibig ipaliwanag ng mga prayle, at
isinalin din nila ang mga katutubong konsepto, ideya, at
kaisipan sa wikang Kastila para sa mga prayle.
14. Ang mga akulturadong ladino ang siya ring
nakipagtulungan sa mga Kanluranin sa proseso
ng akulturasyon na ibinunga ng pagkakolonisa
sa kanila mismo at sa kanilang mga kabahagi
sa kinagisnang kalinangan.
Simula noong ikatlong dekada ng ikalabingwalong
dantaon ay unti-unting pumasok nang mas
maramihan ang mga ladino sa sistemang kolonyal
ng mga Kastila.
15. Sila ay naging
mga escribanos (klerk,
sekretaryo, atbp.),
mga abu-abugado
(abogadillos,
apoderadillos), o di
kaya’y mga katuwang
ng mga alkalde at iba
pang opisyal na
Kastila.
Ang iba naman ay
pumasok sa sistemang
panrelihiyon. Naging mga
pari sila — mga paring
sekular sapagkat ayaw
silang tanggapin bilang
prayle o Heswita.
16. Ang pagkatatag ng mga seminaryo dahil sa
masidhi na noon ang pangangailangan sa pari dahil
sa paglaganap ng Kristiyanismo
= ay naging daan upang makapasok sa
mga simbahan at, bunga nito, namahala
sa mga parokya ang mga paring Pilipino.
Kaya masasabing ang paring sekular na Pilipino
bilang grupong panlipunan ay nagmula sa pangkat
ng mga ladino.
Sila ang humalili sa mga ladinong may malapit na
ugnayan, bilang grupong panlipunan, sa mga prayle
at iba pang Kastila.
17. kakumpetensya ng mga prayle ang mga sekular
na paring Pilipino.
Naging mas sanay kasi ang mga paring
sekular sa wika at kulturang Kastila at, bunga
nito, makakalaban sila ng mga prayle para sa
mga puwesto sa parokya.
18. mga ladinong pormal na nakapag-aral
— ibig sabihin, mga namulat at nagkamit ng
kaliwanagan o “naliwanagan” (ito ang katumbas ng
“ilustrado” sa Pilipino, adhetibo mula sa pangngalang
Kastila na ilustracian at salin ng les lumieres na
Pranses
Ang paglitaw ng mga Ilustrado
Ang diretsong pinagmulan ng uring ito ay ang mga
paring sekular.
19. Sila ay yaong “edukado sa labas ng Simbahan.”
At dahil sila ang pinaka-intelektuwal at edukado
sa mga “katutubo” sa Pilipinas, sila ang
pinakamadaldal.
Puwede silang makipag-usap sa Kastila nang
pantay-pantay.
20. Sila rin sa gayon ang puwedeng pagbuntunan ng
mga alipusta ng mga Kastila hinggil sa mga
“katutubo” (na para sa mga kolonyalista ay katulad
ng mga ilustrado dahil sila ay “magkakalahi”).
= Ito ay dahil sa pangyayaring ang mga ilustrado
ang tanging nakakaintindi ng Kastila at
nakakausap ng mga kolonyalista.
Subalit walang pakialam ang 95% o 98% ng mga
Kristiyano sa mga insultong ito. Hindi nila ito
naiintindihan (dahil ginawa kadalasan ang pandurusta
sa banyagang wika).
21. Ayon kay Rizal, nang
dumating ang mga Kastila,
bumagsak pa nga ang
kabihasnang katutubo dahil
nawalan ng interes ang mga
Pilipino na pagyamanin ito.
Ang linya ng kaisipan ni Rizal (at ng iba pang
Propagandista) ay, “Pag nawala na ang mga Kastila,
sisikat muli ang kabihasnang Pilipino mula sa
karimlang ikinasadlak nito; muling lalaganap ang
dating kaliwanagan sa Pilipinas.”
22. Nang dumating ang mga Amerikano, ang
inatupag naman ng mga ilustrado ay ang
ipakita sa mga bagong banyaga na ang Pilipino ay
pwedeng-pwedeng maging doktor, abogado,
inhinyero, at sa huli, pati na artista at beauty
contest winner (hindi pala pangit!).
Kaya sa kamalayan ng kulturang elitista, laging
ipinamamalas ang pagsulpot ng “Pilipino”
(ang unang Pilipino) sa kung anu-anong larangan.
23. Ginamit ang wikang Ingles noong
panahong Amerikano upang ipagpatuloy
ng mga bagong “intelektuwal” ang gawain
ng mga ilustrado noong Propaganda —
ang pagbubuo ng kulturang “nasyonal”
para sa Amerikanisadong” Pinoy at para sa
mga banyagang Amerikano at iba pang
marunong mag-Ingles.