SlideShare a Scribd company logo
1 of 11
Download to read offline
45
DAILY LESSON LOG
(Pang-araw-araw na
Tala sa Pagtuturo)
Paaralan Baitang/ Antas 7
Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras Markahan Ikalawa
UNANG ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng konsensya sa Likas na Batas Moral.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang paglalapat ng wastong paraan upang itama ang mga maling pasya
o kilos bilang kabataan batay sa tamang konsensya.
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang code ng
bawat kasanayan
1. Nakikilalang natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang pagtungo sa kabutihan ay
may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay likas sa taong dapat gawin ang
mabuti at iwasan ang masama. EsP7PS-IC-6.1
2. Nakagagawa ng graphic organizer na may kasingkahulugan o ideya sa salitang konsensya.
3. Nakapagpapahayag ng kahalagahan ng konsensya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng
karanasang may kinalaman sa gamit ng konsensya.
II. Nilalaman Modyul 6 : Ang Kaugnayan ng Konsensya sa Likas na Batas Moral
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p.63-69
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang-Mag-aaral
Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 7LM p. 137-144
46
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula
sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Mga larawan mula sa internet
http://definitelyfilipino.com/blog/isa-pang-kuwento-ng-tagumpay/
Panturong Biswal: LCD projector, laptop
III. Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin
at pagsisimula ng bagong
aralin.
A. Tumawag ng 3 mag-aaral at sagutan ang tanong:
1. Ibigay ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos mula sa nakaraang aralin.
B. Pasagutan ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin. (gawin sa loob ng 10
minuto) (Reflective Approach)
Paunang Pagtataya
Isulat sa notbuk ang titik ng tamang sagot.
1. Lumaki si John Llyod sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at
nagkakaisip, nakikita niya ang maraming mga pagkakataon na kailangan niyang maging
matatag laban sa tuksong gumawa ng masama. Dahil dito, madalas siyang sumasangguni
sa maraming mga mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng mga batayan sa
pamimili ng tama at mabuti. Anong pamamaraan sa paglinang ng konsensya ang
inilalapat ni John Lloyd.
a. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsensya
b. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam-agam.
c. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsensya sa pamamagitan ng
pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin
d. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsensya sa
47
pagkilala sa mabuti at masama.
2. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensya?
a. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan
b. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
c. Makakamit ng tao ang kabanalan
d. Wala sa nabanggit
3. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao
b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayang nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
c. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama
d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.
4. Sobra ang sukling natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran.
Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa
rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsensya ang ginamit ni Melody?
a. Tamang konsensya
b. Maling konsensya
c. Purong konsensya
d. Mabuting konsensya
5. Ang likas na batas moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay
pangkalahatang katotohanan na may makatuwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na
batas moral ang tinutukoy sa pangungusap?
a. Obhektibo
b. Walang hanggan
c. Unibersal
d. Di nagbabago
48
6. Maaaring maging manhid ang konsensya ng tao. Ang pahayag ay:
a. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.
b. Mali, dahil kusang gumagana ang konsensya ng tao sa pagkakataon na ito ay kailangan
c. Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid dahil
sa patuloy na pagsasanay
d. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsensya magiging manhid
na ito sa pagkilala ng tama.
7. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensya?
a. Mapalalaganap ang kabutihan
b. Makakamit ng tao ang tagumpay
c. Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan
d. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan
8. Ang likas na batas moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa
lahat ng pagkakataon. Ito ay nangangahulugang ang likas na batas moral ay:
a. Obhektibo
b. Walang hanggan
c. Unibersal
d. Di nagbabago
9. Ang sumusunod ay katangian ng konsensya maliban sa:
a. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang ginawa o hindi
ginawa.
b. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na dapat gawin at
masamang dapat iwasan.
c. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa
nang maayos at tama o nagawa nang di-maayos o mali.
d. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat siyang
ginawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isagawa subalit ginawa.
49
10. Ang pagbebenta ng pirated na CD sa mga bangketa ay malaki ang naitutulong sa mga tao
dahil mas nakatitipid kaysa bumili ng orihinal na kopya. Halos lahat ng tao ay ito na ang
hinahanap sa kasalukuyan kung kaya lumalaki na ang negosyong ito at marami ang
natutulungan. Ang sitwasyong ito ay nagpapatunay na:
a. May mga pagkakataong ang paghuhusga ay nararapat na ibatay sa benepisyo o tulong sa
taong nagsasagawa ng kilos.
b. Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababalewala kung ang layunin
ay mabuti at tama.
c. Ang isang bagay na mali ay maaaring maging tama kung ito ay nakatutulong sa mas
nakararami.
d. May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa dami ng gumagawa nito.
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin at pagganyak
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
1. Nakikilala na natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang pagtungo sa kabutihan
ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay likas sa tao na dapat gawin
ang mabuti at iwasan ang masama.
2. Nakagagawa ng graphic organizer na may may kasingkahulugan o ideya sa salitang
konsensya.
3. Nakapagpapahayag ng kahalagahan ng konsensya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng
karanasang may kinalaman sa gamit ng konsensya.
B.Tingnan ang larawan at ibigay ang konsepto nito. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)
50
C. Ihanda ang pagsasatao ng sitwasyong ito. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Integrative
Approach
1. Atasan ang 3 mag-aaral na gaganap sa tatlong katauhan: una bilang mag-aaral; ikalawa,
katauhang nasa kanan na may halo sa ulo; ikatlo, katauhang nasa kaliwa na may
sungay; at isatao ang sitwasyon.
2. Kukumbinsihin ng dalawang katauhang nasa kaliwa at kanan ang mag-aaral ng dapat
niyang maging pasya.
3. Gagawa ng pasya ang mag-aaral. Pipili siya kung sino sa dalawang katauhan ang kanyang
pakikinggan.
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong aralin
Gamit ang PowerPoint Presentation, pag-aaralan ng mag-aaral ang isang case study. (gawin sa
loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
Sa apat na pagpipiliang gagawin, tukuyin mo kung ito ay tama o mali. Pangatuwiranan ang iyong
naging sagot, isulat ito sa espasyo para sa paliwanag. Gawing gabay ang ilustrasyon sa ibaba.
Naiwan kang mag-isa sa inyong silid-aralan. May nakita kang pitaka
sa ibabaw ng mesa. Nang tingnan mo, naglalaman ito ng dalawang
libong piso. Naroon din ang I.D. ng may-ari na isa mong
kaklase. May sakit ang tatay mo at kinakapos kayo sa perang pambili
ng kanyang gamot.
51
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
Sagutin ang sumusunod na tanong sa notbuk. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Alin sa apat na sitwasyon ang sinagutan mong tama? Bakit mo nasabing ito ay tama?
2. Alin sa mga ito ang may sagot kang mali? Bakit mo nasabing ito ay mali?
3. Paano mo nalaman ang tama o mali sa sitwasyong ito?
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
Muling balikan ang sitwasyon at ang apat na pagpipilian sa ilustrasyon sa itaas, ano ang iyong
gagawin kung ikaw ang nasa ganitong kalagayan? Alin sa apat na kilos ang iyong pipiliing gawin?
Ipaliwanag. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
Ibibigay ko ito sa kaklase ko na
nagmamay-ari nito.
( )TAMA ( )MALI
Paliwanag:
_____________________________
_
_____________________________
_
Ituturo ko ito sa kasama
ko para siya ang sasabihin
kong kumuha
( )TAMA ( )MALI
Paliwanag:
_____________________
______
Hahayaan ko lang ito sa mesa
tutal hindi naman ito sa akin.
( )TAMA ( )MALI
Paliwanag:
________________________
__
Kukunin ko ito para may
ipambili kami ng gamot para
sa tatay ko.
( )TAMA ( )MALI
Paliwanag:
_____________________
__________
______________
Kung ako ang nasa kalagayan ng mag-aaral na nakakita ng pitakang naglalaman ng
pera, ang gagawin ko ay _______________________________________________
___________________________________________________________________
_____________________________________________________________.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
52
F. Paglinang sa Kabihasahan
(Tungo sa Formative
Assessment)
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
1. Ano ang nakatulong sa iyo sa paggawa ng desisyong ito?
2. Ano ang pinagbatayan mo para sabihing tama o mali ang isang kilos?
G. Paglalapat sa aralin sa pang-
araw-araw na buhay
Magbigay/Magbahagi ng sitwasyon o karanasan kung saan nailapat ang iyong konsensya. (gawin
sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)
H. Paglalahat sa aralin Araw-araw gumagawa tayo ng maraming pagpapasya mula sa paggising sa umaga.
Magkagayunpaman, sa pagpili o paghugsgang ginagawa ng tao, may kailangan tayong pag-ukulan
ng pansin. Ito ay ang pagpili sa pagitan ng tama at mali na ating gagawin. Sa pagpili, gawing gabay
ang ating konsensya.
I. Pagtataya ng Aralin Ibigay ang kahulugan ng konsensya. Gawin ito sa pamamagitan ng graphic organizer. (gawin sa
loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
J. Karagdagang gawain para sa
takdang aralin at remediation
Isagawa ang sumusunod. Maghanap ng isang kaibigan, pinsan o kaya’y kapatid na nakauunawa ng
tungkol sa konsensya. Alamin kung paano nailapat ng tama ang kanyang konsensya sa isang
sitwasyon. Humanda sa pagbabahagi sa susunod na araw.
KONSENSYA
53
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nanang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punongguro
at superbisor?
54
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?
55

More Related Content

Similar to Module-6-day-1.pdf

2nd esp
2nd esp2nd esp
2nd espomej
 
PPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptx
PPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptxPPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptx
PPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptxJulia Valenciano
 
modyul-7-no-video-Mga-Yugto-ng-Makataong-Kilos-at-mga-Hakbang-sa-Moral-na-Pag...
modyul-7-no-video-Mga-Yugto-ng-Makataong-Kilos-at-mga-Hakbang-sa-Moral-na-Pag...modyul-7-no-video-Mga-Yugto-ng-Makataong-Kilos-at-mga-Hakbang-sa-Moral-na-Pag...
modyul-7-no-video-Mga-Yugto-ng-Makataong-Kilos-at-mga-Hakbang-sa-Moral-na-Pag...JohnClarkPGregorio
 
esp 7 2nd quarter assessment.docx
esp 7 2nd quarter assessment.docxesp 7 2nd quarter assessment.docx
esp 7 2nd quarter assessment.docxCRISTANALONZO
 
edukasyon sa pagpapakatao 10dll4thQ.docx
edukasyon sa pagpapakatao 10dll4thQ.docxedukasyon sa pagpapakatao 10dll4thQ.docx
edukasyon sa pagpapakatao 10dll4thQ.docxANNALYNBALMES2
 
Grade 7 Konsensya at Likas na Batas Moral
Grade 7 Konsensya at Likas na Batas MoralGrade 7 Konsensya at Likas na Batas Moral
Grade 7 Konsensya at Likas na Batas MoralBridget Rosales
 
Ang Pagsusuri sa Katotohanan
Ang Pagsusuri sa Katotohanan Ang Pagsusuri sa Katotohanan
Ang Pagsusuri sa Katotohanan KokoStevan
 
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdfmodyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdfMaCristinaPazcoguinP
 
Esp10.module9
Esp10.module9Esp10.module9
Esp10.module9Corz Gaza
 
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdf
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdfEsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdf
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdfDonJamesVillaro1
 
EsP DLL 8 Module 7.docx
EsP DLL 8 Module 7.docxEsP DLL 8 Module 7.docx
EsP DLL 8 Module 7.docxJoanBayangan1
 
EsP DLL 8 Module 7.pdf
EsP DLL 8 Module 7.pdfEsP DLL 8 Module 7.pdf
EsP DLL 8 Module 7.pdfAniceto Buniel
 
EsP7 Q2 Mod 4_Kalayaan.docx
EsP7 Q2 Mod 4_Kalayaan.docxEsP7 Q2 Mod 4_Kalayaan.docx
EsP7 Q2 Mod 4_Kalayaan.docxJoanBayangan1
 
EsP10-Modyul-2.pptx
EsP10-Modyul-2.pptxEsP10-Modyul-2.pptx
EsP10-Modyul-2.pptxVidaDomingo
 
SLMQ1G10ESPM4.pdf
SLMQ1G10ESPM4.pdfSLMQ1G10ESPM4.pdf
SLMQ1G10ESPM4.pdfJosephDy8
 
Es p10 q2_mod1_ang pagkukusa sa makataong kilos_v3
Es p10 q2_mod1_ang pagkukusa sa makataong kilos_v3Es p10 q2_mod1_ang pagkukusa sa makataong kilos_v3
Es p10 q2_mod1_ang pagkukusa sa makataong kilos_v3HazelManaay1
 

Similar to Module-6-day-1.pdf (20)

2nd esp
2nd esp2nd esp
2nd esp
 
PPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptx
PPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptxPPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptx
PPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptx
 
modyul-7-no-video-Mga-Yugto-ng-Makataong-Kilos-at-mga-Hakbang-sa-Moral-na-Pag...
modyul-7-no-video-Mga-Yugto-ng-Makataong-Kilos-at-mga-Hakbang-sa-Moral-na-Pag...modyul-7-no-video-Mga-Yugto-ng-Makataong-Kilos-at-mga-Hakbang-sa-Moral-na-Pag...
modyul-7-no-video-Mga-Yugto-ng-Makataong-Kilos-at-mga-Hakbang-sa-Moral-na-Pag...
 
esp 7 2nd quarter assessment.docx
esp 7 2nd quarter assessment.docxesp 7 2nd quarter assessment.docx
esp 7 2nd quarter assessment.docx
 
edukasyon sa pagpapakatao 10dll4thQ.docx
edukasyon sa pagpapakatao 10dll4thQ.docxedukasyon sa pagpapakatao 10dll4thQ.docx
edukasyon sa pagpapakatao 10dll4thQ.docx
 
Grade 7 Konsensya at Likas na Batas Moral
Grade 7 Konsensya at Likas na Batas MoralGrade 7 Konsensya at Likas na Batas Moral
Grade 7 Konsensya at Likas na Batas Moral
 
Ang Pagsusuri sa Katotohanan
Ang Pagsusuri sa Katotohanan Ang Pagsusuri sa Katotohanan
Ang Pagsusuri sa Katotohanan
 
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdfmodyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
 
Esp10.module9
Esp10.module9Esp10.module9
Esp10.module9
 
Module-6-day2.docx
Module-6-day2.docxModule-6-day2.docx
Module-6-day2.docx
 
Module-6-day2.docx
Module-6-day2.docxModule-6-day2.docx
Module-6-day2.docx
 
M2 L2.pptx
M2 L2.pptxM2 L2.pptx
M2 L2.pptx
 
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdf
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdfEsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdf
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdf
 
EsP DLL 8 Module 7.docx
EsP DLL 8 Module 7.docxEsP DLL 8 Module 7.docx
EsP DLL 8 Module 7.docx
 
EsP DLL 8 Module 7.pdf
EsP DLL 8 Module 7.pdfEsP DLL 8 Module 7.pdf
EsP DLL 8 Module 7.pdf
 
EsP7 Q2 Mod 4_Kalayaan.docx
EsP7 Q2 Mod 4_Kalayaan.docxEsP7 Q2 Mod 4_Kalayaan.docx
EsP7 Q2 Mod 4_Kalayaan.docx
 
EsP10-Modyul-2.pptx
EsP10-Modyul-2.pptxEsP10-Modyul-2.pptx
EsP10-Modyul-2.pptx
 
SLMQ1G10ESPM4.pdf
SLMQ1G10ESPM4.pdfSLMQ1G10ESPM4.pdf
SLMQ1G10ESPM4.pdf
 
Es p10 q2_mod1_ang pagkukusa sa makataong kilos_v3
Es p10 q2_mod1_ang pagkukusa sa makataong kilos_v3Es p10 q2_mod1_ang pagkukusa sa makataong kilos_v3
Es p10 q2_mod1_ang pagkukusa sa makataong kilos_v3
 
ep8pkmk.pptx
ep8pkmk.pptxep8pkmk.pptx
ep8pkmk.pptx
 

More from PantzPastor

modyul11eagrsgtdfygjhk-160121072131 (1).ppt
modyul11eagrsgtdfygjhk-160121072131 (1).pptmodyul11eagrsgtdfygjhk-160121072131 (1).ppt
modyul11eagrsgtdfygjhk-160121072131 (1).pptPantzPastor
 
rebolusyongpransespptweek6-220310131453 (3).ppt
rebolusyongpransespptweek6-220310131453 (3).pptrebolusyongpransespptweek6-220310131453 (3).ppt
rebolusyongpransespptweek6-220310131453 (3).pptPantzPastor
 
3rdquarterlesson1health-191111031420.ppt
3rdquarterlesson1health-191111031420.ppt3rdquarterlesson1health-191111031420.ppt
3rdquarterlesson1health-191111031420.pptPantzPastor
 
rebolusyongpransespkyjtahreEARSERUTIYOUDFGHJKptweek6-220310131453 (3).ppt
rebolusyongpransespkyjtahreEARSERUTIYOUDFGHJKptweek6-220310131453 (3).pptrebolusyongpransespkyjtahreEARSERUTIYOUDFGHJKptweek6-220310131453 (3).ppt
rebolusyongpransespkyjtahreEARSERUTIYOUDFGHJKptweek6-220310131453 (3).pptPantzPastor
 
ap8week4yugtongpagunladngtao-230426212206-e1a42895 (1).ppt
ap8week4yugtongpagunladngtao-230426212206-e1a42895 (1).pptap8week4yugtongpagunladngtao-230426212206-e1a42895 (1).ppt
ap8week4yugtongpagunladngtao-230426212206-e1a42895 (1).pptPantzPastor
 
region1ilocos-180930070346 (1/;glf.kysmatRB).ppt
region1ilocos-180930070346 (1/;glf.kysmatRB).pptregion1ilocos-180930070346 (1/;glf.kysmatRB).ppt
region1ilocos-180930070346 (1/;glf.kysmatRB).pptPantzPastor
 
thc-228-national-group-ilocos-sur4-230416103905-71d262eb (1).ppt
thc-228-national-group-ilocos-sur4-230416103905-71d262eb (1).pptthc-228-national-group-ilocos-sur4-230416103905-71d262eb (1).ppt
thc-228-national-group-ilocos-sur4-230416103905-71d262eb (1).pptPantzPastor
 
theilocosregion-120131020957-phpapp01 (1).ppt
theilocosregion-120131020957-phpapp01 (1).ppttheilocosregion-120131020957-phpapp01 (1).ppt
theilocosregion-120131020957-phpapp01 (1).pptPantzPastor
 
peaceeducationunit1-170518070038 (1).ppt
peaceeducationunit1-170518070038 (1).pptpeaceeducationunit1-170518070038 (1).ppt
peaceeducationunit1-170518070038 (1).pptPantzPastor
 
pamamahalangoras-230326234029-baf0e583.ppt
pamamahalangoras-230326234029-baf0e583.pptpamamahalangoras-230326234029-baf0e583.ppt
pamamahalangoras-230326234029-baf0e583.pptPantzPastor
 
thenegativeimpactofpo.n,bvcm xgbfvorenvironmentalsanitationonthehealthofindiv...
thenegativeimpactofpo.n,bvcm xgbfvorenvironmentalsanitationonthehealthofindiv...thenegativeimpactofpo.n,bvcm xgbfvorenvironmentalsanitationonthehealthofindiv...
thenegativeimpactofpo.n,bvcm xgbfvorenvironmentalsanitationonthehealthofindiv...PantzPastor
 
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.ppt
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.pptaralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.ppt
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.pptPantzPastor
 
bshsmangarapka-190629jmyhnsagbNmsd,f.k015719.ppt
bshsmangarapka-190629jmyhnsagbNmsd,f.k015719.pptbshsmangarapka-190629jmyhnsagbNmsd,f.k015719.ppt
bshsmangarapka-190629jmyhnsagbNmsd,f.k015719.pptPantzPastor
 
pptxap16-141112064004-conversion-gate02 (1).ppt
pptxap16-141112064004-conversion-gate02 (1).pptpptxap16-141112064004-conversion-gate02 (1).ppt
pptxap16-141112064004-conversion-gate02 (1).pptPantzPastor
 
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.ppt
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.pptaralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.ppt
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.pptPantzPastor
 
conceptofmentalhealthandmentalillness-210104065742 (1).ppt
conceptofmentalhealthandmentalillness-210104065742 (1).pptconceptofmentalhealthandmentalillness-210104065742 (1).ppt
conceptofmentalhealthandmentalillness-210104065742 (1).pptPantzPastor
 
mgapansarilingsaliksapagpilingtracko-180209000855 (1).ppt
mgapansarilingsaliksapagpilingtracko-180209000855 (1).pptmgapansarilingsaliksapagpilingtracko-180209000855 (1).ppt
mgapansarilingsaliksapagpilingtracko-180209000855 (1).pptPantzPastor
 
artsandcrafts7q3-17111008031nnnnnfdjyzhtg0 (2).ppt
artsandcrafts7q3-17111008031nnnnnfdjyzhtg0 (2).pptartsandcrafts7q3-17111008031nnnnnfdjyzhtg0 (2).ppt
artsandcrafts7q3-17111008031nnnnnfdjyzhtg0 (2).pptPantzPastor
 
musicofmindankhgfdzdfghmao-181006161124.ppt
musicofmindankhgfdzdfghmao-181006161124.pptmusicofmindankhgfdzdfghmao-181006161124.ppt
musicofmindankhgfdzdfghmao-181006161124.pptPantzPastor
 
modyul5-230915025852-bbaf3d,..... 84.ppt
modyul5-230915025852-bbaf3d,.....      84.pptmodyul5-230915025852-bbaf3d,.....      84.ppt
modyul5-230915025852-bbaf3d,..... 84.pptPantzPastor
 

More from PantzPastor (20)

modyul11eagrsgtdfygjhk-160121072131 (1).ppt
modyul11eagrsgtdfygjhk-160121072131 (1).pptmodyul11eagrsgtdfygjhk-160121072131 (1).ppt
modyul11eagrsgtdfygjhk-160121072131 (1).ppt
 
rebolusyongpransespptweek6-220310131453 (3).ppt
rebolusyongpransespptweek6-220310131453 (3).pptrebolusyongpransespptweek6-220310131453 (3).ppt
rebolusyongpransespptweek6-220310131453 (3).ppt
 
3rdquarterlesson1health-191111031420.ppt
3rdquarterlesson1health-191111031420.ppt3rdquarterlesson1health-191111031420.ppt
3rdquarterlesson1health-191111031420.ppt
 
rebolusyongpransespkyjtahreEARSERUTIYOUDFGHJKptweek6-220310131453 (3).ppt
rebolusyongpransespkyjtahreEARSERUTIYOUDFGHJKptweek6-220310131453 (3).pptrebolusyongpransespkyjtahreEARSERUTIYOUDFGHJKptweek6-220310131453 (3).ppt
rebolusyongpransespkyjtahreEARSERUTIYOUDFGHJKptweek6-220310131453 (3).ppt
 
ap8week4yugtongpagunladngtao-230426212206-e1a42895 (1).ppt
ap8week4yugtongpagunladngtao-230426212206-e1a42895 (1).pptap8week4yugtongpagunladngtao-230426212206-e1a42895 (1).ppt
ap8week4yugtongpagunladngtao-230426212206-e1a42895 (1).ppt
 
region1ilocos-180930070346 (1/;glf.kysmatRB).ppt
region1ilocos-180930070346 (1/;glf.kysmatRB).pptregion1ilocos-180930070346 (1/;glf.kysmatRB).ppt
region1ilocos-180930070346 (1/;glf.kysmatRB).ppt
 
thc-228-national-group-ilocos-sur4-230416103905-71d262eb (1).ppt
thc-228-national-group-ilocos-sur4-230416103905-71d262eb (1).pptthc-228-national-group-ilocos-sur4-230416103905-71d262eb (1).ppt
thc-228-national-group-ilocos-sur4-230416103905-71d262eb (1).ppt
 
theilocosregion-120131020957-phpapp01 (1).ppt
theilocosregion-120131020957-phpapp01 (1).ppttheilocosregion-120131020957-phpapp01 (1).ppt
theilocosregion-120131020957-phpapp01 (1).ppt
 
peaceeducationunit1-170518070038 (1).ppt
peaceeducationunit1-170518070038 (1).pptpeaceeducationunit1-170518070038 (1).ppt
peaceeducationunit1-170518070038 (1).ppt
 
pamamahalangoras-230326234029-baf0e583.ppt
pamamahalangoras-230326234029-baf0e583.pptpamamahalangoras-230326234029-baf0e583.ppt
pamamahalangoras-230326234029-baf0e583.ppt
 
thenegativeimpactofpo.n,bvcm xgbfvorenvironmentalsanitationonthehealthofindiv...
thenegativeimpactofpo.n,bvcm xgbfvorenvironmentalsanitationonthehealthofindiv...thenegativeimpactofpo.n,bvcm xgbfvorenvironmentalsanitationonthehealthofindiv...
thenegativeimpactofpo.n,bvcm xgbfvorenvironmentalsanitationonthehealthofindiv...
 
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.ppt
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.pptaralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.ppt
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.ppt
 
bshsmangarapka-190629jmyhnsagbNmsd,f.k015719.ppt
bshsmangarapka-190629jmyhnsagbNmsd,f.k015719.pptbshsmangarapka-190629jmyhnsagbNmsd,f.k015719.ppt
bshsmangarapka-190629jmyhnsagbNmsd,f.k015719.ppt
 
pptxap16-141112064004-conversion-gate02 (1).ppt
pptxap16-141112064004-conversion-gate02 (1).pptpptxap16-141112064004-conversion-gate02 (1).ppt
pptxap16-141112064004-conversion-gate02 (1).ppt
 
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.ppt
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.pptaralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.ppt
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.ppt
 
conceptofmentalhealthandmentalillness-210104065742 (1).ppt
conceptofmentalhealthandmentalillness-210104065742 (1).pptconceptofmentalhealthandmentalillness-210104065742 (1).ppt
conceptofmentalhealthandmentalillness-210104065742 (1).ppt
 
mgapansarilingsaliksapagpilingtracko-180209000855 (1).ppt
mgapansarilingsaliksapagpilingtracko-180209000855 (1).pptmgapansarilingsaliksapagpilingtracko-180209000855 (1).ppt
mgapansarilingsaliksapagpilingtracko-180209000855 (1).ppt
 
artsandcrafts7q3-17111008031nnnnnfdjyzhtg0 (2).ppt
artsandcrafts7q3-17111008031nnnnnfdjyzhtg0 (2).pptartsandcrafts7q3-17111008031nnnnnfdjyzhtg0 (2).ppt
artsandcrafts7q3-17111008031nnnnnfdjyzhtg0 (2).ppt
 
musicofmindankhgfdzdfghmao-181006161124.ppt
musicofmindankhgfdzdfghmao-181006161124.pptmusicofmindankhgfdzdfghmao-181006161124.ppt
musicofmindankhgfdzdfghmao-181006161124.ppt
 
modyul5-230915025852-bbaf3d,..... 84.ppt
modyul5-230915025852-bbaf3d,.....      84.pptmodyul5-230915025852-bbaf3d,.....      84.ppt
modyul5-230915025852-bbaf3d,..... 84.ppt
 

Module-6-day-1.pdf

  • 1. 45 DAILY LESSON LOG (Pang-araw-araw na Tala sa Pagtuturo) Paaralan Baitang/ Antas 7 Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao Petsa/Oras Markahan Ikalawa UNANG ARAW I. Layunin A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng konsensya sa Likas na Batas Moral. B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang paglalapat ng wastong paraan upang itama ang mga maling pasya o kilos bilang kabataan batay sa tamang konsensya. C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan 1. Nakikilalang natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang pagtungo sa kabutihan ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay likas sa taong dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama. EsP7PS-IC-6.1 2. Nakagagawa ng graphic organizer na may kasingkahulugan o ideya sa salitang konsensya. 3. Nakapagpapahayag ng kahalagahan ng konsensya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng karanasang may kinalaman sa gamit ng konsensya. II. Nilalaman Modyul 6 : Ang Kaugnayan ng Konsensya sa Likas na Batas Moral A. Sanggunian 1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p.63-69 2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 7LM p. 137-144
  • 2. 46 3. Mga pahina sa Teksbuk 4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource B. Iba pang Kagamitang Panturo Mga larawan mula sa internet http://definitelyfilipino.com/blog/isa-pang-kuwento-ng-tagumpay/ Panturong Biswal: LCD projector, laptop III. Pamamaraan A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin. A. Tumawag ng 3 mag-aaral at sagutan ang tanong: 1. Ibigay ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos mula sa nakaraang aralin. B. Pasagutan ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) Paunang Pagtataya Isulat sa notbuk ang titik ng tamang sagot. 1. Lumaki si John Llyod sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at nagkakaisip, nakikita niya ang maraming mga pagkakataon na kailangan niyang maging matatag laban sa tuksong gumawa ng masama. Dahil dito, madalas siyang sumasangguni sa maraming mga mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng mga batayan sa pamimili ng tama at mabuti. Anong pamamaraan sa paglinang ng konsensya ang inilalapat ni John Lloyd. a. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsensya b. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam-agam. c. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsensya sa pamamagitan ng pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin d. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsensya sa
  • 3. 47 pagkilala sa mabuti at masama. 2. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensya? a. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan b. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan c. Makakamit ng tao ang kabanalan d. Wala sa nabanggit 3. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay: a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayang nararapat na sinusunod ng lahat ng tao. c. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao. 4. Sobra ang sukling natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsensya ang ginamit ni Melody? a. Tamang konsensya b. Maling konsensya c. Purong konsensya d. Mabuting konsensya 5. Ang likas na batas moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay pangkalahatang katotohanan na may makatuwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na batas moral ang tinutukoy sa pangungusap? a. Obhektibo b. Walang hanggan c. Unibersal d. Di nagbabago
  • 4. 48 6. Maaaring maging manhid ang konsensya ng tao. Ang pahayag ay: a. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao. b. Mali, dahil kusang gumagana ang konsensya ng tao sa pagkakataon na ito ay kailangan c. Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid dahil sa patuloy na pagsasanay d. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsensya magiging manhid na ito sa pagkilala ng tama. 7. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensya? a. Mapalalaganap ang kabutihan b. Makakamit ng tao ang tagumpay c. Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan d. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan 8. Ang likas na batas moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay nangangahulugang ang likas na batas moral ay: a. Obhektibo b. Walang hanggan c. Unibersal d. Di nagbabago 9. Ang sumusunod ay katangian ng konsensya maliban sa: a. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang ginawa o hindi ginawa. b. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na dapat gawin at masamang dapat iwasan. c. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di-maayos o mali. d. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat siyang ginawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isagawa subalit ginawa.
  • 5. 49 10. Ang pagbebenta ng pirated na CD sa mga bangketa ay malaki ang naitutulong sa mga tao dahil mas nakatitipid kaysa bumili ng orihinal na kopya. Halos lahat ng tao ay ito na ang hinahanap sa kasalukuyan kung kaya lumalaki na ang negosyong ito at marami ang natutulungan. Ang sitwasyong ito ay nagpapatunay na: a. May mga pagkakataong ang paghuhusga ay nararapat na ibatay sa benepisyo o tulong sa taong nagsasagawa ng kilos. b. Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababalewala kung ang layunin ay mabuti at tama. c. Ang isang bagay na mali ay maaaring maging tama kung ito ay nakatutulong sa mas nakararami. d. May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa dami ng gumagawa nito. B. Paghahabi sa layunin ng aralin at pagganyak A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin. 1. Nakikilala na natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang pagtungo sa kabutihan ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay likas sa tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama. 2. Nakagagawa ng graphic organizer na may may kasingkahulugan o ideya sa salitang konsensya. 3. Nakapagpapahayag ng kahalagahan ng konsensya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng karanasang may kinalaman sa gamit ng konsensya. B.Tingnan ang larawan at ibigay ang konsepto nito. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
  • 6. 50 C. Ihanda ang pagsasatao ng sitwasyong ito. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Integrative Approach 1. Atasan ang 3 mag-aaral na gaganap sa tatlong katauhan: una bilang mag-aaral; ikalawa, katauhang nasa kanan na may halo sa ulo; ikatlo, katauhang nasa kaliwa na may sungay; at isatao ang sitwasyon. 2. Kukumbinsihin ng dalawang katauhang nasa kaliwa at kanan ang mag-aaral ng dapat niyang maging pasya. 3. Gagawa ng pasya ang mag-aaral. Pipili siya kung sino sa dalawang katauhan ang kanyang pakikinggan. C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Gamit ang PowerPoint Presentation, pag-aaralan ng mag-aaral ang isang case study. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) Sa apat na pagpipiliang gagawin, tukuyin mo kung ito ay tama o mali. Pangatuwiranan ang iyong naging sagot, isulat ito sa espasyo para sa paliwanag. Gawing gabay ang ilustrasyon sa ibaba. Naiwan kang mag-isa sa inyong silid-aralan. May nakita kang pitaka sa ibabaw ng mesa. Nang tingnan mo, naglalaman ito ng dalawang libong piso. Naroon din ang I.D. ng may-ari na isa mong kaklase. May sakit ang tatay mo at kinakapos kayo sa perang pambili ng kanyang gamot.
  • 7. 51 D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 Sagutin ang sumusunod na tanong sa notbuk. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) 1. Alin sa apat na sitwasyon ang sinagutan mong tama? Bakit mo nasabing ito ay tama? 2. Alin sa mga ito ang may sagot kang mali? Bakit mo nasabing ito ay mali? 3. Paano mo nalaman ang tama o mali sa sitwasyong ito? E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 Muling balikan ang sitwasyon at ang apat na pagpipilian sa ilustrasyon sa itaas, ano ang iyong gagawin kung ikaw ang nasa ganitong kalagayan? Alin sa apat na kilos ang iyong pipiliing gawin? Ipaliwanag. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) Ibibigay ko ito sa kaklase ko na nagmamay-ari nito. ( )TAMA ( )MALI Paliwanag: _____________________________ _ _____________________________ _ Ituturo ko ito sa kasama ko para siya ang sasabihin kong kumuha ( )TAMA ( )MALI Paliwanag: _____________________ ______ Hahayaan ko lang ito sa mesa tutal hindi naman ito sa akin. ( )TAMA ( )MALI Paliwanag: ________________________ __ Kukunin ko ito para may ipambili kami ng gamot para sa tatay ko. ( )TAMA ( )MALI Paliwanag: _____________________ __________ ______________ Kung ako ang nasa kalagayan ng mag-aaral na nakakita ng pitakang naglalaman ng pera, ang gagawin ko ay _______________________________________________ ___________________________________________________________________ _____________________________________________________________. _____________________________________________________________ _____________________________________________________________
  • 8. 52 F. Paglinang sa Kabihasahan (Tungo sa Formative Assessment) Sagutin ang mga sumusunod na tanong. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) 1. Ano ang nakatulong sa iyo sa paggawa ng desisyong ito? 2. Ano ang pinagbatayan mo para sabihing tama o mali ang isang kilos? G. Paglalapat sa aralin sa pang- araw-araw na buhay Magbigay/Magbahagi ng sitwasyon o karanasan kung saan nailapat ang iyong konsensya. (gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach) H. Paglalahat sa aralin Araw-araw gumagawa tayo ng maraming pagpapasya mula sa paggising sa umaga. Magkagayunpaman, sa pagpili o paghugsgang ginagawa ng tao, may kailangan tayong pag-ukulan ng pansin. Ito ay ang pagpili sa pagitan ng tama at mali na ating gagawin. Sa pagpili, gawing gabay ang ating konsensya. I. Pagtataya ng Aralin Ibigay ang kahulugan ng konsensya. Gawin ito sa pamamagitan ng graphic organizer. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation Isagawa ang sumusunod. Maghanap ng isang kaibigan, pinsan o kaya’y kapatid na nakauunawa ng tungkol sa konsensya. Alamin kung paano nailapat ng tama ang kanyang konsensya sa isang sitwasyon. Humanda sa pagbabahagi sa susunod na araw. KONSENSYA
  • 9. 53 IV. MgaTala V. Pagninilay A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya. B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin? D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation? E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong nanang lubos? Paano ito nakatulong? F. Anong suliranin ang aking naranasang solusyunan sa tulong ng aking punongguro at superbisor?
  • 10. 54 G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuhong nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?
  • 11. 55