SlideShare a Scribd company logo
1 of 11
DAILY LESSON LOG
(Pang-araw-araw na
Paaralan
Guro
Baitang/ Antas 7
Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Ikalawa
UNANG ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng konsensya sa Likas na Batas Moral.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang paglalapat ng wastong paraan upang itama ang mga maling pasya
o kilos bilang kabataan batay sa tamang konsensya.
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang code ng
bawat kasanayan
1. Nakikilalang natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang pagtungo sa kabutihan ay
may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay likas sa taong dapat gawin ang
mabuti at iwasan ang masama. EsP7PS-IC-6.1
2. Nakagagawa ng graphic organizer na may kasingkahulugan o ideya sa salitang konsensya.
3. Nakapagpapahayag ng kahalagahan ng konsensya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng
karanasang may kinalaman sa gamit ng konsensya.
II. Nilalaman Modyul 6 : Ang Kaugnayan ng Konsensya sa Likas na Batas Moral
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p.63-69
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang-Mag-aaral
Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 7LM p. 137-144
45
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula
sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Mga larawan mula sa internet
http://definitelyfilipino.com/blog/isa-pang-kuwento-ng-tagumpay/
Panturong Biswal: LCD projector, laptop
III. Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin
at pagsisimula ng bagong
aralin.
A. Tumawag ng 3 mag-aaral at sagutan ang tanong:
1. Ibigay ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos mula sa nakaraang aralin.
B. Pasagutan ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin. (gawin sa loob ng 10
minuto) (Reflective Approach)
Paunang Pagtataya
Isulat sa notbuk ang titik ng tamang sagot.
1. Lumaki si John Llyod sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at
nagkakaisip, nakikita niya ang maraming mga pagkakataon na kailangan niyang maging
matatag laban sa tuksong gumawa ng masama. Dahil dito, madalas siyang sumasangguni
sa maraming mga mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng mga batayan sa pamimili
ng tama at mabuti. Anong pamamaraan sa paglinang ng konsensya ang inilalapat ni John
Lloyd.
a. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsensya
b. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam-agam.
c. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsensya sa pamamagitan ng
pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin
d. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsensya sa
46
pagkilala sa mabuti at masama.
2. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensya?
a. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan
b. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
c. Makakamit ng tao ang kabanalan
d. Wala sa nabanggit
3. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao
b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayang nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
c. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama
d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.
4. Sobra ang sukling natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran.
Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa
rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsensya ang ginamit ni Melody?
a. Tamang konsensya
b. Maling konsensya
c. Purong konsensya
d. Mabuting konsensya
5. Ang likas na batas moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay
pangkalahatang katotohanan na may makatuwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na
batas moral ang tinutukoy sa pangungusap?
a. Obhektibo
b. Walang hanggan
c. Unibersal
d. Di nagbabago
47
6. Maaaring maging manhid ang konsensya ng tao. Ang pahayag ay:
a. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.
b. Mali, dahil kusang gumagana ang konsensya ng tao sa pagkakataon na ito ay kailangan
c. Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid dahil
sa patuloy na pagsasanay
d. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsensya magiging manhid
na ito sa pagkilala ng tama.
7. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensya?
a. Mapalalaganap ang kabutihan
b. Makakamit ng tao ang tagumpay
c. Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan
d. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan
8. Ang likas na batas moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa
lahat ng pagkakataon. Ito ay nangangahulugang ang likas na batas moral ay:
a. Obhektibo
b. Walang hanggan
c. Unibersal
d. Di nagbabago
9. Ang sumusunod ay katangian ng konsensya maliban sa:
a. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang ginawa o hindi
ginawa.
b. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na dapat gawin at
masamang dapat iwasan.
c. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa
nang maayos at tama o nagawa nang di-maayos o mali.
d. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat siyang
ginawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isagawa subalit ginawa.
48
10. Ang pagbebenta ng pirated na CD sa mga bangketa ay malaki ang naitutulong sa mga tao
dahil mas nakatitipid kaysa bumili ng orihinal na kopya. Halos lahat ng tao ay ito na ang
hinahanap sa kasalukuyan kung kaya lumalaki na ang negosyong ito at marami ang
natutulungan. Ang sitwasyong ito ay nagpapatunay na:
a. May mga pagkakataong ang paghuhusga ay nararapat na ibatay sa benepisyo o tulong sa
taong nagsasagawa ng kilos.
b. Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababalewala kung ang layunin
ay mabuti at tama.
c. Ang isang bagay na mali ay maaaring maging tama kung ito ay nakatutulong sa mas
nakararami.
d. May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa dami ng gumagawa nito.
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin at pagganyak
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
1. Nakikilala na natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang pagtungo sa kabutihan
ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay likas sa tao na dapat gawin
ang mabuti at iwasan ang masama.
2. Nakagagawa ng graphic organizer na may may kasingkahulugan o ideya sa salitang
konsensya.
3. Nakapagpapahayag ng kahalagahan ng konsensya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng
karanasang may kinalaman sa gamit ng konsensya.
B.Tingnan ang larawan at ibigay ang konsepto nito. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)
49
C. Ihanda ang pagsasatao ng sitwasyong ito. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Integrative
Approach
1. Atasan ang 3 mag-aaral na gaganap sa tatlong katauhan: una bilang mag-aaral; ikalawa,
katauhang nasa kanan na may halo sa ulo; ikatlo, katauhang nasa kaliwa na may
sungay; at isatao ang sitwasyon.
2. Kukumbinsihin ng dalawang katauhang nasa kaliwa at kanan ang mag-aaral ng dapat
niyang maging pasya.
3. Gagawa ng pasya ang mag-aaral. Pipili siya kung sino sa dalawang katauhan ang kanyang
pakikinggan.
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong aralin
Gamit ang PowerPoint Presentation, pag-aaralan ng mag-aaral ang isang case study. (gawin sa
loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
Naiwan kang mag-isa sa inyong silid-aralan. May nakita kang pitaka
sa ibabaw ng mesa. Nang tingnan mo, naglalaman ito ng dalawang
libong piso. Naroon din ang I.D. ng may-ari na isa mong
kaklase. May sakit ang tatay mo at kinakapos kayo sa perang pambili
ng kanyang gamot.
Sa apat na pagpipiliang gagawin, tukuyin mo kung ito ay tama o mali. Pangatuwiranan ang iyong
naging sagot, isulat ito sa espasyo para sa paliwanag. Gawing gabay ang ilustrasyon sa ibaba.
50
Hahayaan ko lang ito sa mesa
tutal hindi naman ito sa akin.
( )TAMA ( )MALI
Paliwanag:
________________________
Kukunin ko ito para may
ipambili kami ng gamot para
sa tatay ko.
( )TAMA ( )MALI
Paliwanag:
Ibibigay ko ito sa kaklase ko na
nagmamay-ari nito.
( )TAMA ( )MALI
Paliwanag:
_____________________________
Ituturo ko ito sa kasama
ko para siya ang sasabihin
kong kumuha
( )TAMA ( )MALI
Paliwanag:
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
Sagutin ang sumusunod na tanong sa notbuk. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Alin sa apat na sitwasyon ang sinagutan mong tama? Bakit mo nasabing ito ay tama?
2. Alin sa mga ito ang may sagot kang mali? Bakit mo nasabing ito ay mali?
3. Paano mo nalaman ang tama o mali sa sitwasyong ito?
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
Muling balikan ang sitwasyon at ang apat na pagpipilian sa ilustrasyon sa itaas, ano ang iyong
gagawin kung ikaw ang nasa ganitong kalagayan? Alin sa apat na kilos ang iyong pipiliing gawin?
Ipaliwanag. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
Kung ako ang nasa kalagayan ng mag-aaral na nakakita ng pitakang naglalaman ng
pera, ang gagawin ko ay _______________________________________________
___________________________________________________________________
51
F. Paglinang sa Kabihasahan
(Tungo sa Formative
Assessment)
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
1. Ano ang nakatulong sa iyo sa paggawa ng desisyong ito?
2. Ano ang pinagbatayan mo para sabihing tama o mali ang isang kilos?
G. Paglalapat sa aralin sa pang-
araw-araw na buhay
Magbigay/Magbahagi ng sitwasyon o karanasan kung saan nailapat ang iyong konsensya. (gawin
sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)
H. Paglalahat sa aralin Araw-araw gumagawa tayo ng maraming pagpapasya mula sa paggising sa umaga.
Magkagayunpaman, sa pagpili o paghugsgang ginagawa ng tao, may kailangan tayong pag-ukulan
ng pansin. Ito ay ang pagpili sa pagitan ng tama at mali na ating gagawin. Sa pagpili, gawing gabay
ang ating konsensya.
I. Pagtataya ng Aralin Ibigay ang kahulugan ng konsensya. Gawin ito sa pamamagitan ng graphic organizer. (gawin sa
loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
KONSENSYA
J. Karagdagang gawain para sa
takdang aralin at remediation
Isagawa ang sumusunod. Maghanap ng isang kaibigan, pinsan o kaya’y kapatid na nakauunawa ng
tungkol sa konsensya. Alamin kung paano nailapat ng tama ang kanyang konsensya sa isang
sitwasyon. Humanda sa pagbabahagi sa susunod na araw.
52
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nanang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punongguro
at superbisor?
53
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?
54
55

More Related Content

Similar to Module-6-day-1.docx

modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdfmodyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdfMaCristinaPazcoguinP
 
PPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptx
PPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptxPPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptx
PPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptxJulia Valenciano
 
2018-second grading exam esp.docx
2018-second grading exam esp.docx2018-second grading exam esp.docx
2018-second grading exam esp.docxJoanBayangan1
 
2nd esp
2nd esp2nd esp
2nd espomej
 
Esp10.module9
Esp10.module9Esp10.module9
Esp10.module9Corz Gaza
 
modyul-7-no-video-Mga-Yugto-ng-Makataong-Kilos-at-mga-Hakbang-sa-Moral-na-Pag...
modyul-7-no-video-Mga-Yugto-ng-Makataong-Kilos-at-mga-Hakbang-sa-Moral-na-Pag...modyul-7-no-video-Mga-Yugto-ng-Makataong-Kilos-at-mga-Hakbang-sa-Moral-na-Pag...
modyul-7-no-video-Mga-Yugto-ng-Makataong-Kilos-at-mga-Hakbang-sa-Moral-na-Pag...JohnClarkPGregorio
 
edukasyon sa pagpapakatao 10dll4thQ.docx
edukasyon sa pagpapakatao 10dll4thQ.docxedukasyon sa pagpapakatao 10dll4thQ.docx
edukasyon sa pagpapakatao 10dll4thQ.docxANNALYNBALMES2
 
SLMQ1G10ESPM3.pdf
SLMQ1G10ESPM3.pdfSLMQ1G10ESPM3.pdf
SLMQ1G10ESPM3.pdfJosephDy8
 
EsP7 Q2 Mod 4_Kalayaan.docx
EsP7 Q2 Mod 4_Kalayaan.docxEsP7 Q2 Mod 4_Kalayaan.docx
EsP7 Q2 Mod 4_Kalayaan.docxJoanBayangan1
 
Es p10 q2_mod1_ang pagkukusa sa makataong kilos_v3
Es p10 q2_mod1_ang pagkukusa sa makataong kilos_v3Es p10 q2_mod1_ang pagkukusa sa makataong kilos_v3
Es p10 q2_mod1_ang pagkukusa sa makataong kilos_v3HazelManaay1
 
esp 7 2nd quarter assessment.docx
esp 7 2nd quarter assessment.docxesp 7 2nd quarter assessment.docx
esp 7 2nd quarter assessment.docxCRISTANALONZO
 
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdf
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdfEsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdf
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdfDonJamesVillaro1
 
EsP10-Modyul-2.pptx
EsP10-Modyul-2.pptxEsP10-Modyul-2.pptx
EsP10-Modyul-2.pptxVidaDomingo
 
MGA PANLOOB NA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSYA SA PAGHUBOG.pptx
MGA PANLOOB NA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSYA SA PAGHUBOG.pptxMGA PANLOOB NA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSYA SA PAGHUBOG.pptx
MGA PANLOOB NA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSYA SA PAGHUBOG.pptxEricksonCalison1
 
Grade 7 Konsensya at Likas na Batas Moral
Grade 7 Konsensya at Likas na Batas MoralGrade 7 Konsensya at Likas na Batas Moral
Grade 7 Konsensya at Likas na Batas MoralBridget Rosales
 
EsP-DLL-9-Mod6.docx
EsP-DLL-9-Mod6.docxEsP-DLL-9-Mod6.docx
EsP-DLL-9-Mod6.docxJuliusBayaga
 

Similar to Module-6-day-1.docx (20)

modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdfmodyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
 
PPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptx
PPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptxPPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptx
PPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptx
 
2018-second grading exam esp.docx
2018-second grading exam esp.docx2018-second grading exam esp.docx
2018-second grading exam esp.docx
 
2nd esp
2nd esp2nd esp
2nd esp
 
Esp10.module9
Esp10.module9Esp10.module9
Esp10.module9
 
modyul-7-no-video-Mga-Yugto-ng-Makataong-Kilos-at-mga-Hakbang-sa-Moral-na-Pag...
modyul-7-no-video-Mga-Yugto-ng-Makataong-Kilos-at-mga-Hakbang-sa-Moral-na-Pag...modyul-7-no-video-Mga-Yugto-ng-Makataong-Kilos-at-mga-Hakbang-sa-Moral-na-Pag...
modyul-7-no-video-Mga-Yugto-ng-Makataong-Kilos-at-mga-Hakbang-sa-Moral-na-Pag...
 
edukasyon sa pagpapakatao 10dll4thQ.docx
edukasyon sa pagpapakatao 10dll4thQ.docxedukasyon sa pagpapakatao 10dll4thQ.docx
edukasyon sa pagpapakatao 10dll4thQ.docx
 
SLMQ1G10ESPM3.pdf
SLMQ1G10ESPM3.pdfSLMQ1G10ESPM3.pdf
SLMQ1G10ESPM3.pdf
 
EsP7 Q2 Mod 4_Kalayaan.docx
EsP7 Q2 Mod 4_Kalayaan.docxEsP7 Q2 Mod 4_Kalayaan.docx
EsP7 Q2 Mod 4_Kalayaan.docx
 
Es p10 q2_mod1_ang pagkukusa sa makataong kilos_v3
Es p10 q2_mod1_ang pagkukusa sa makataong kilos_v3Es p10 q2_mod1_ang pagkukusa sa makataong kilos_v3
Es p10 q2_mod1_ang pagkukusa sa makataong kilos_v3
 
esp 7 2nd quarter assessment.docx
esp 7 2nd quarter assessment.docxesp 7 2nd quarter assessment.docx
esp 7 2nd quarter assessment.docx
 
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdf
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdfEsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdf
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdf
 
EsP10-Modyul-2.pptx
EsP10-Modyul-2.pptxEsP10-Modyul-2.pptx
EsP10-Modyul-2.pptx
 
MGA PANLOOB NA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSYA SA PAGHUBOG.pptx
MGA PANLOOB NA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSYA SA PAGHUBOG.pptxMGA PANLOOB NA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSYA SA PAGHUBOG.pptx
MGA PANLOOB NA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSYA SA PAGHUBOG.pptx
 
Grade 7 Konsensya at Likas na Batas Moral
Grade 7 Konsensya at Likas na Batas MoralGrade 7 Konsensya at Likas na Batas Moral
Grade 7 Konsensya at Likas na Batas Moral
 
EsP-DLL-9-Mod6.docx
EsP-DLL-9-Mod6.docxEsP-DLL-9-Mod6.docx
EsP-DLL-9-Mod6.docx
 
ESP MODYUL-13
ESP MODYUL-13ESP MODYUL-13
ESP MODYUL-13
 
Module-6-day2.docx
Module-6-day2.docxModule-6-day2.docx
Module-6-day2.docx
 
Module-6-day2.docx
Module-6-day2.docxModule-6-day2.docx
Module-6-day2.docx
 
M2 L2.pptx
M2 L2.pptxM2 L2.pptx
M2 L2.pptx
 

More from Aniceto Buniel

GRADE 10 DLL.pdf0000000000000000000000000000000
GRADE 10 DLL.pdf0000000000000000000000000000000GRADE 10 DLL.pdf0000000000000000000000000000000
GRADE 10 DLL.pdf0000000000000000000000000000000Aniceto Buniel
 
AAB - LAC.pptx RESKILLING IN COMMUNICATING
AAB  - LAC.pptx RESKILLING IN COMMUNICATINGAAB  - LAC.pptx RESKILLING IN COMMUNICATING
AAB - LAC.pptx RESKILLING IN COMMUNICATINGAniceto Buniel
 
Daily Lesson Log in.pdf.................
Daily Lesson Log in.pdf.................Daily Lesson Log in.pdf.................
Daily Lesson Log in.pdf.................Aniceto Buniel
 
Q1 Grade 10 HEALTH D..........LL Week 2.pdf
Q1 Grade 10 HEALTH D..........LL Week 2.pdfQ1 Grade 10 HEALTH D..........LL Week 2.pdf
Q1 Grade 10 HEALTH D..........LL Week 2.pdfAniceto Buniel
 
MODULE 5 TO 7 G7.pptx music module grade 7 first grading period
MODULE 5 TO 7 G7.pptx music module grade 7 first grading periodMODULE 5 TO 7 G7.pptx music module grade 7 first grading period
MODULE 5 TO 7 G7.pptx music module grade 7 first grading periodAniceto Buniel
 
4. HEALTH 1ST QUARTER ddd mapeh word file
4. HEALTH 1ST QUARTER  ddd mapeh word file4. HEALTH 1ST QUARTER  ddd mapeh word file
4. HEALTH 1ST QUARTER ddd mapeh word fileAniceto Buniel
 
EsP DLL 8 Module 7.pdf
EsP DLL 8 Module 7.pdfEsP DLL 8 Module 7.pdf
EsP DLL 8 Module 7.pdfAniceto Buniel
 
EsP DLL 8 Module 6.pdf
EsP DLL 8 Module 6.pdfEsP DLL 8 Module 6.pdf
EsP DLL 8 Module 6.pdfAniceto Buniel
 
DLL-ESP 8-Module-13-16.pdf
DLL-ESP 8-Module-13-16.pdfDLL-ESP 8-Module-13-16.pdf
DLL-ESP 8-Module-13-16.pdfAniceto Buniel
 
DLL-ESP 8 Modyul 3.pdf
DLL-ESP 8 Modyul 3.pdfDLL-ESP 8 Modyul 3.pdf
DLL-ESP 8 Modyul 3.pdfAniceto Buniel
 
DLL ESP 8 preliminaries.pdf
DLL ESP 8 preliminaries.pdfDLL ESP 8 preliminaries.pdf
DLL ESP 8 preliminaries.pdfAniceto Buniel
 
DLL ESP 8 Modyul 1.pdf
DLL ESP 8 Modyul 1.pdfDLL ESP 8 Modyul 1.pdf
DLL ESP 8 Modyul 1.pdfAniceto Buniel
 

More from Aniceto Buniel (20)

GRADE 10 DLL.pdf0000000000000000000000000000000
GRADE 10 DLL.pdf0000000000000000000000000000000GRADE 10 DLL.pdf0000000000000000000000000000000
GRADE 10 DLL.pdf0000000000000000000000000000000
 
AAB - LAC.pptx RESKILLING IN COMMUNICATING
AAB  - LAC.pptx RESKILLING IN COMMUNICATINGAAB  - LAC.pptx RESKILLING IN COMMUNICATING
AAB - LAC.pptx RESKILLING IN COMMUNICATING
 
Daily Lesson Log in.pdf.................
Daily Lesson Log in.pdf.................Daily Lesson Log in.pdf.................
Daily Lesson Log in.pdf.................
 
Q1 Grade 10 HEALTH D..........LL Week 2.pdf
Q1 Grade 10 HEALTH D..........LL Week 2.pdfQ1 Grade 10 HEALTH D..........LL Week 2.pdf
Q1 Grade 10 HEALTH D..........LL Week 2.pdf
 
MODULE 5 TO 7 G7.pptx music module grade 7 first grading period
MODULE 5 TO 7 G7.pptx music module grade 7 first grading periodMODULE 5 TO 7 G7.pptx music module grade 7 first grading period
MODULE 5 TO 7 G7.pptx music module grade 7 first grading period
 
4. HEALTH 1ST QUARTER ddd mapeh word file
4. HEALTH 1ST QUARTER  ddd mapeh word file4. HEALTH 1ST QUARTER  ddd mapeh word file
4. HEALTH 1ST QUARTER ddd mapeh word file
 
EsP DLL 8 Module 7.pdf
EsP DLL 8 Module 7.pdfEsP DLL 8 Module 7.pdf
EsP DLL 8 Module 7.pdf
 
EsP DLL 8 Module 6.pdf
EsP DLL 8 Module 6.pdfEsP DLL 8 Module 6.pdf
EsP DLL 8 Module 6.pdf
 
DLL-ESP 8-Module-13-16.pdf
DLL-ESP 8-Module-13-16.pdfDLL-ESP 8-Module-13-16.pdf
DLL-ESP 8-Module-13-16.pdf
 
DLL-ESP 8 Modyul 3.pdf
DLL-ESP 8 Modyul 3.pdfDLL-ESP 8 Modyul 3.pdf
DLL-ESP 8 Modyul 3.pdf
 
DLL ESP 8 preliminaries.pdf
DLL ESP 8 preliminaries.pdfDLL ESP 8 preliminaries.pdf
DLL ESP 8 preliminaries.pdf
 
DLL ESP 8 Modyul 1.pdf
DLL ESP 8 Modyul 1.pdfDLL ESP 8 Modyul 1.pdf
DLL ESP 8 Modyul 1.pdf
 
DLL ESP7 Q1 WK2.docx
DLL ESP7 Q1 WK2.docxDLL ESP7 Q1 WK2.docx
DLL ESP7 Q1 WK2.docx
 
DLL ESP7 Q1 WK3.docx
DLL ESP7 Q1 WK3.docxDLL ESP7 Q1 WK3.docx
DLL ESP7 Q1 WK3.docx
 
DLL ESP7 Q1 WK4.docx
DLL ESP7 Q1 WK4.docxDLL ESP7 Q1 WK4.docx
DLL ESP7 Q1 WK4.docx
 
DLL ESP7 Q1 WK5.docx
DLL ESP7 Q1 WK5.docxDLL ESP7 Q1 WK5.docx
DLL ESP7 Q1 WK5.docx
 
DLL ESP7 Q1 WK6.docx
DLL ESP7 Q1 WK6.docxDLL ESP7 Q1 WK6.docx
DLL ESP7 Q1 WK6.docx
 
Module-8-.docx
Module-8-.docxModule-8-.docx
Module-8-.docx
 
DLL ESP7 Q1 WK2.docx
DLL ESP7 Q1 WK2.docxDLL ESP7 Q1 WK2.docx
DLL ESP7 Q1 WK2.docx
 
DLL ESP7 Q1 WK1..docx
DLL ESP7 Q1 WK1..docxDLL ESP7 Q1 WK1..docx
DLL ESP7 Q1 WK1..docx
 

Recently uploaded

ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfAizaStamaria3
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsJeielCollamarGoze
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxVALERIEYDIZON
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...AlliyahMonsanto
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxPundomaNoraima
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)SittieAlyannaZacaria1
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................VALERIEYDIZON
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxRheaGarciaPoyaoan
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxgracedagan4
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptxHannaLingatong
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-diannesofocado8
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfCamiling Catholic School
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAprilJeannelynFeniza
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxmalouevangelio1
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxVillasoClarisse
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanPaul649054
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2OlinadLobatonAiMula
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfjulliennelopega1
 

Recently uploaded (20)

ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 

Module-6-day-1.docx

  • 1. DAILY LESSON LOG (Pang-araw-araw na Paaralan Guro Baitang/ Antas 7 Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Ikalawa UNANG ARAW I. Layunin A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng konsensya sa Likas na Batas Moral. B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang paglalapat ng wastong paraan upang itama ang mga maling pasya o kilos bilang kabataan batay sa tamang konsensya. C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan 1. Nakikilalang natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang pagtungo sa kabutihan ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay likas sa taong dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama. EsP7PS-IC-6.1 2. Nakagagawa ng graphic organizer na may kasingkahulugan o ideya sa salitang konsensya. 3. Nakapagpapahayag ng kahalagahan ng konsensya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng karanasang may kinalaman sa gamit ng konsensya. II. Nilalaman Modyul 6 : Ang Kaugnayan ng Konsensya sa Likas na Batas Moral A. Sanggunian 1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p.63-69 2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 7LM p. 137-144 45
  • 2. 3. Mga pahina sa Teksbuk 4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource B. Iba pang Kagamitang Panturo Mga larawan mula sa internet http://definitelyfilipino.com/blog/isa-pang-kuwento-ng-tagumpay/ Panturong Biswal: LCD projector, laptop III. Pamamaraan A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin. A. Tumawag ng 3 mag-aaral at sagutan ang tanong: 1. Ibigay ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos mula sa nakaraang aralin. B. Pasagutan ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) Paunang Pagtataya Isulat sa notbuk ang titik ng tamang sagot. 1. Lumaki si John Llyod sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at nagkakaisip, nakikita niya ang maraming mga pagkakataon na kailangan niyang maging matatag laban sa tuksong gumawa ng masama. Dahil dito, madalas siyang sumasangguni sa maraming mga mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng mga batayan sa pamimili ng tama at mabuti. Anong pamamaraan sa paglinang ng konsensya ang inilalapat ni John Lloyd. a. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsensya b. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam-agam. c. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsensya sa pamamagitan ng pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin d. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsensya sa 46
  • 3. pagkilala sa mabuti at masama. 2. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensya? a. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan b. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan c. Makakamit ng tao ang kabanalan d. Wala sa nabanggit 3. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay: a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayang nararapat na sinusunod ng lahat ng tao. c. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao. 4. Sobra ang sukling natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsensya ang ginamit ni Melody? a. Tamang konsensya b. Maling konsensya c. Purong konsensya d. Mabuting konsensya 5. Ang likas na batas moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay pangkalahatang katotohanan na may makatuwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na batas moral ang tinutukoy sa pangungusap? a. Obhektibo b. Walang hanggan c. Unibersal d. Di nagbabago 47
  • 4. 6. Maaaring maging manhid ang konsensya ng tao. Ang pahayag ay: a. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao. b. Mali, dahil kusang gumagana ang konsensya ng tao sa pagkakataon na ito ay kailangan c. Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid dahil sa patuloy na pagsasanay d. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsensya magiging manhid na ito sa pagkilala ng tama. 7. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensya? a. Mapalalaganap ang kabutihan b. Makakamit ng tao ang tagumpay c. Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan d. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan 8. Ang likas na batas moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay nangangahulugang ang likas na batas moral ay: a. Obhektibo b. Walang hanggan c. Unibersal d. Di nagbabago 9. Ang sumusunod ay katangian ng konsensya maliban sa: a. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang ginawa o hindi ginawa. b. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na dapat gawin at masamang dapat iwasan. c. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di-maayos o mali. d. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat siyang ginawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isagawa subalit ginawa. 48
  • 5. 10. Ang pagbebenta ng pirated na CD sa mga bangketa ay malaki ang naitutulong sa mga tao dahil mas nakatitipid kaysa bumili ng orihinal na kopya. Halos lahat ng tao ay ito na ang hinahanap sa kasalukuyan kung kaya lumalaki na ang negosyong ito at marami ang natutulungan. Ang sitwasyong ito ay nagpapatunay na: a. May mga pagkakataong ang paghuhusga ay nararapat na ibatay sa benepisyo o tulong sa taong nagsasagawa ng kilos. b. Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababalewala kung ang layunin ay mabuti at tama. c. Ang isang bagay na mali ay maaaring maging tama kung ito ay nakatutulong sa mas nakararami. d. May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa dami ng gumagawa nito. B. Paghahabi sa layunin ng aralin at pagganyak A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin. 1. Nakikilala na natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang pagtungo sa kabutihan ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay likas sa tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama. 2. Nakagagawa ng graphic organizer na may may kasingkahulugan o ideya sa salitang konsensya. 3. Nakapagpapahayag ng kahalagahan ng konsensya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng karanasang may kinalaman sa gamit ng konsensya. B.Tingnan ang larawan at ibigay ang konsepto nito. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) 49
  • 6. C. Ihanda ang pagsasatao ng sitwasyong ito. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Integrative Approach 1. Atasan ang 3 mag-aaral na gaganap sa tatlong katauhan: una bilang mag-aaral; ikalawa, katauhang nasa kanan na may halo sa ulo; ikatlo, katauhang nasa kaliwa na may sungay; at isatao ang sitwasyon. 2. Kukumbinsihin ng dalawang katauhang nasa kaliwa at kanan ang mag-aaral ng dapat niyang maging pasya. 3. Gagawa ng pasya ang mag-aaral. Pipili siya kung sino sa dalawang katauhan ang kanyang pakikinggan. C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Gamit ang PowerPoint Presentation, pag-aaralan ng mag-aaral ang isang case study. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) Naiwan kang mag-isa sa inyong silid-aralan. May nakita kang pitaka sa ibabaw ng mesa. Nang tingnan mo, naglalaman ito ng dalawang libong piso. Naroon din ang I.D. ng may-ari na isa mong kaklase. May sakit ang tatay mo at kinakapos kayo sa perang pambili ng kanyang gamot. Sa apat na pagpipiliang gagawin, tukuyin mo kung ito ay tama o mali. Pangatuwiranan ang iyong naging sagot, isulat ito sa espasyo para sa paliwanag. Gawing gabay ang ilustrasyon sa ibaba. 50
  • 7. Hahayaan ko lang ito sa mesa tutal hindi naman ito sa akin. ( )TAMA ( )MALI Paliwanag: ________________________ Kukunin ko ito para may ipambili kami ng gamot para sa tatay ko. ( )TAMA ( )MALI Paliwanag: Ibibigay ko ito sa kaklase ko na nagmamay-ari nito. ( )TAMA ( )MALI Paliwanag: _____________________________ Ituturo ko ito sa kasama ko para siya ang sasabihin kong kumuha ( )TAMA ( )MALI Paliwanag: D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 Sagutin ang sumusunod na tanong sa notbuk. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) 1. Alin sa apat na sitwasyon ang sinagutan mong tama? Bakit mo nasabing ito ay tama? 2. Alin sa mga ito ang may sagot kang mali? Bakit mo nasabing ito ay mali? 3. Paano mo nalaman ang tama o mali sa sitwasyong ito? E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 Muling balikan ang sitwasyon at ang apat na pagpipilian sa ilustrasyon sa itaas, ano ang iyong gagawin kung ikaw ang nasa ganitong kalagayan? Alin sa apat na kilos ang iyong pipiliing gawin? Ipaliwanag. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) Kung ako ang nasa kalagayan ng mag-aaral na nakakita ng pitakang naglalaman ng pera, ang gagawin ko ay _______________________________________________ ___________________________________________________________________ 51
  • 8. F. Paglinang sa Kabihasahan (Tungo sa Formative Assessment) Sagutin ang mga sumusunod na tanong. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) 1. Ano ang nakatulong sa iyo sa paggawa ng desisyong ito? 2. Ano ang pinagbatayan mo para sabihing tama o mali ang isang kilos? G. Paglalapat sa aralin sa pang- araw-araw na buhay Magbigay/Magbahagi ng sitwasyon o karanasan kung saan nailapat ang iyong konsensya. (gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach) H. Paglalahat sa aralin Araw-araw gumagawa tayo ng maraming pagpapasya mula sa paggising sa umaga. Magkagayunpaman, sa pagpili o paghugsgang ginagawa ng tao, may kailangan tayong pag-ukulan ng pansin. Ito ay ang pagpili sa pagitan ng tama at mali na ating gagawin. Sa pagpili, gawing gabay ang ating konsensya. I. Pagtataya ng Aralin Ibigay ang kahulugan ng konsensya. Gawin ito sa pamamagitan ng graphic organizer. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) KONSENSYA J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation Isagawa ang sumusunod. Maghanap ng isang kaibigan, pinsan o kaya’y kapatid na nakauunawa ng tungkol sa konsensya. Alamin kung paano nailapat ng tama ang kanyang konsensya sa isang sitwasyon. Humanda sa pagbabahagi sa susunod na araw. 52
  • 9. IV. MgaTala V. Pagninilay A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya. B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin? D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation? E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong nanang lubos? Paano ito nakatulong? F. Anong suliranin ang aking naranasang solusyunan sa tulong ng aking punongguro at superbisor? 53
  • 10. G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuhong nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro? 54
  • 11. 55