FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK SUMMATIVE TEST- #.pptx
1. FILIPINO SA PILING LARANG
AKADEMIK SUMMATIVE TEST- # 1
Module 2- Uri ng Paglalagom
1. Nakasusulat nang maayos na
akademikong sulatin.
CS_FA11/12PU-0d-f-92
2. Nakasusunod sa istilo at
teknikal na pangangailangan ng
akademikong sulatin.
CS_FA11/12PU-0d-f-93
2. I. Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod na pahayag at
sagutin ito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang
papel.
____1. Ito ay ang pinasimple o pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.
A. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote
D.Lagom
____2. Isang uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang
nasa tekstong naratibo tulad ng kwento,salaysay ,nobela,dula,parabula at
iba pa.
A. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote
D.Lagom
____3. Uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng
isang tao.
A. Abstrak B. Sinopsis C.Bionote D.Lagom
3. 20XX presentation title 3
4. Uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga
akademikong papel tulad ng tesis,disertasyon,papel na
siyentipiko at teknikal ,lektyur at mga report.
A. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____5. Ito ay bahagi ng akademikong papel o ulat na
pinakahuling isinusulat ngunit kadalasang unang
binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel.
A. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote
D.Lagom
4. II. Panuto: PAGSUSURI SA PAHAYAG: Suriin ang mga pahayag. Isulat ang TAMA kung ito ay nagtataglay ng
katotohanan at MALI kung ito’y walang katotohanan.
6. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang
sulatin o akda. Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o
nakikinig ang kabuoang kaisipang nakapaloob sa paksang
nilalaman sng sulatin o akda.
7. Isang kakayahang mahuhubog sa mga mag-aaral ang natutuhan
ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa
binabasa. Natutukoy niya kung ano ang pinakamahalagang
kaisipang nakapaloob dito gayundin ang mga pantulong na
kaisipan.
8. Kailangan ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa
abstrak sapagkat ito ay nangangailangan ng detalyadong
pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
9. Kailangang unahin mong isulat ang Abstrak bago ka magsimula
sa pananaliksik.
5. III. Panuto: Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na
mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang
papel.
10. Nais gumawa ni Rency ng buod ng binasang kuwento, anong
paglalagom ang maaari niyang gawin?
A. sinopsis o buod B. paglalagom C. bionote D. abstrak
11. Isa sa panonood ng pelikula ang naging libangan ni Riza habang
nasa ilalim ng Community Quarantine ang bansa. Nais niyang
sumulat ng pinasimpleng bersiyon ng pinanood, anong uri ng lagom
ang dapat niyang gawin?
A. sinopsis o buod B. paglalagom C. bionote D. abstrak
20XX presentation title 5
6. 12. Bakit mahalagang basahin ang buong
seleksiyon ng akda bago bumuo ng sinopsis o
buod? A. upang makapagbalangkas
B. upang walang makalimutan sa isusulat
C. upang makuha ang buong kaisipan o paksa ng
diwa nito
D. para matiyak kung gaano kahaba ang
susulating sinopsis
20XX presentation title 6
7. IV. Panuto: PAGSUSURI SA ELEMENTO NG
ABSTRAK: Basahin ang abstrak at suriin ang
elemento nito gamit ang sumusunod:
13. Introduksyon/Rasyunal:
14. Saklaw at Delimitasyon:
15. Metodolohiya:
16. Resulta:
20XX presentation title 7
8. Kasanayan sa Pagsasalita ng Mga Mag-Aaral sa Ikaapat na Taon
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa
ika-apat na taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija.
Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng
mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento,
pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing
limang (15) mga mag-aaral na mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral
sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento
at talumpating impromptu,ekstomperenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng
antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang
walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng
datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang
“Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati
upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos.
Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga
mag-aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y
nabalitaan na kakulangan sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa
kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga
mag-aaral.
http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng-abstrak.html
20XX presentation title 8
9. V. Panuto: Sumulat ng isang halimbawa ng Bionote ng iyong
matalik na kaibigan. Isaalang-alang ang mga katangian sa
pagsulat ng isang Bionote. (17-20)
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________
20XX presentation title 9