Nakapagtatalakay ng kahulugan, katangian, at
bahagi ng ekspositori/paglalahad.
Nakapagbibigay ng iba’t ibang uri at halimbawa
ng maayos at mahusay na paglalahad.
Nakapaglalathala ng sariling halimbawa ng
maayos na paglalahad.
MGA LAYUNIN
Ano ang ekspositori / paglalahad?
Ang paglalahad ay ang pagpapahayag o
pagbibigay ng mga kaalaman o mga kabatiran at
kuro-kuro.
Sa pamamagitan ng paglalahad, naibabahagi ng
tao ang kaniyang ideya, damdamin, hangarin,
paniniwala at kuro-kuro sa mga pangyayari,
bagay, lugar o kapwa-tao.
Mga Katangian ng Mahusay na Paglalahad
1. Kalinawan - Dapat maunawaan ng nakikinig o
bumabasa ang anumang pahayag.
2. Katiyakan - Dapat nakatuon lamang sa paksang
tinatalakay.
3. Kaugnayan - Kailangang may kaugnayan ang lahat ng
bahagi ng talata o pangungusap at nagkakaugnay sa
bagay na pinag-uusapan.
4. Diin - Dapat may wastong pagpapaliwanag sa
pagtatalakay.
Mga Bahagi ng Paglalahad
1. Panimula
Kailangang may magandang panimula, na
makatatawag-pansin sa manbabasa.
Mga paraan upang makabuo ng maayos na panimula.
a. Magsimula sa pamamagitan ng tanong.
Halimbawa: Gaano kahalaga ang pag-ibig sa isang tao?
b. Magsimula sa pangungusap na makatawag-pansin.
Halimbawa: Pag-ibig! Pag-ibig! Pag-ibig!
c. Magsimula sa pamamagitan ng isang kuwento.
Halimbawa: Hindi matatawaran ang naging pag-ibig
nina Florante at Laura.
d. Magsimula sa isang diyalogo.
Halimbawa: “Alam mo, gusto kong laging nakikita ang
crush ko.”
e. Maaaring gumamit ng tuwirang sipi.
Halimbawa: “O pagsintang labis ng kapangyarihan
sampung mag-aama'y iyong nasasaklaw, pag ikaw ang nasok
sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka
lamang.”
f. Gumamit nang malalim na pangungusap
na taglay ang kaisipan at daan sa pagbukas ng
paliwanag.
Halimbawa: Pag-ibig, nagsisilbing salamin sa
buhay ng tao.
g. Magsimula sa tuwirang paksa.
Halimbawa: Pag-ibig, isang bagay na
mahalaga sa bawat tao.
2. Gitna / Katawan
Kaugnay ng panimula. Ito ang
nagbibigay ng detalye ng isang paksa.
3. Pangwakas
Sa bahaging ito matatagpuan ang
pangungusap o mga pangungusap na magtatapos
sa paliwanag tungkol sa paksa o kaisipan.
Mga Uri ng Paglalahad
1. Pagbibigay-Kahulugan - Ito ay paglalahad na kung ano
ang isang bagay o isang salita.
Halimbawa: Pag-ibig - pagmamahal
Dalawang Uri ng Pagbibigay-Kahulugan
a. Katuturang Maanyo (formal definition)
b. Sanaysay na Pangkatuturan (essay of definition)
Halimbawa: Ang kalayaan ay hindi iba kundi
kapangyarihang sumunod o sumuway sa sariling kalooban.
Ang tinatawag nating malaya ay yaong panginoon ng
kanilang kalooban.
2. Pangulong-tudling / Editoryal - Ito ay sariling kuro-kuro
ng patnugot o mamamahayag na naglalagay ng kanilang
sarili sa katayuan ng mga mambabasa. Layunin nito ang
magpaliwanag, magbigau-puri, magpahalaga, magtanggol o
manuligsa.
3. Suring-basa - Dito matatagpuan ang kuro-kuro, palagay,
damdamin at sariling kaisipan ng sumulat sa binibigyang
suri.
Mga Uri ng Ekspositori
4. Panuto - Ito ang nagbibigay-patnubay o direksiyon sa
paggawa ng isang bagay.
5. Paggawa ng Tala - Dito maaaring isulat sa maikling salita
pangungusap, parirala o pabalangkas. Sa pamamagitan ng
paggawa ng tala mapagtutuunan ng pansin ang isang bagay na
nangangailangan ng oras o panahon.
6. Sanaysay - Ito ay pagsasalaysay ng isang sanay. Ginigising
nito ang damdamin ng isang tao tungkol sa isang mahalagang
paksa o isyu.
7. Balita- Ito ay isang uri ng paglalahad kung saan nalalaman
ang pangyayari sa loob at labas ng bansa.
8. Buod - Tinatawag din itong lagom ng pinaikling akda o
katha.
9. Ulat - Nagbibigay ng mahahalagang impormasyon at mga
dapat gawin sa mga bagay na maaaring nangyari.
10. Pitak - Isang uri pa rin ng paglalahad na makikita sa mga
pahayagan o magasin. Tinatawag ring kolum.
Sa pambungad na araw, Lunes, Setyembre 3,
ng Linggo ng CESO na may temang “Bagani”, wagi
sa parada at sayaw sa masa ang tribung Taga-Laot
na ginampanan ng mga estudyante mula sa BSEd-
Math at ELGEN-C. Suot ang puting T-shirt na
dinesinyuhan ng nagkikintabang foil habang suot din
ang nakabibighaning head dress na kinorteng isda ay
pinamangha lamang ng tribu ang mga hurado at
manonood.
Ang parada ay nagsimula eksaktong alas
kuwatro y media ng hapon sa likod ng H Building,
kung saan nagtipon-tipon ang mga mag-aaral ng
Kolehiyo ng Edukasyon. Sa pagbuhos ng ulan,
hiyawan at sigawan lamang ang tanging naging ganti
ng tribung Taga-Laot. Kalakip pa niyan ay pinaindak
nila ang mga huradong nakaantabay sa tatlong
estasyon ng parada – Gemma, Tanghal, at MSU
Gym. “Bugsay! Salom! Tungha! Taga-Laot!” hindi
alintanang sigawan mula sa kanila.
Takip-silim na nang nagsimula ang kompetisyon ng
Sayaw sa Masa. Unang tagapalabas ang tribung Taga-
Disyerto, sinundan ng tribung Taga-Patag, sumunod
ang tribung Taga-Laot, at panghuli ang tribung Taga-
Gubat. Basa man dulot ng pag-ulan ay hindi ito naging
hadlang upang sungkitin ng tribu ang inaasam na
kampeonato. Dala na rin ng naglalakihang props,
nagkikintabang kasuotan at nakaiindayog pa nilang
pagsayaw ay hindi maipagkailang masusungkit talaga
nila ang unang trono at magapi ang iba pang tribu.
Sa pagtatapos ng paligsahan sa unang araw ng
selebrasyon ay nakalikom ng limampung (50) puntos
ang tribung Taga-Laot – dalampu’t limang (25) puntos
mula sa parada at dalampu’t limang (25) puntos din
mula sa Sayaw sa Masa. Naging dahilan ito upang mas
pagsumikapan pa ng tribung makamit ang
pangkalahatang kampeonato at maghari sa lahat ng
tribu ng Sansinukob.