Talaan ng mga paksang tatalakayin (ayon sa pagkakasunod-sunod) sa isang pormal na pagpupulong. Ang adyenda ay mahalagang bahagi ng pagpaplano at pagpapatakbo ng pulong dahil nililinaw nito ang layunin, detalye ng mga paksang tatalakayin, mga mangunguna sa pagtatalakay at ang haba ng bawat isa.
COURSE SUBJECT: Filipino sa Piling Larangan-Akademik
Talaan ng mga paksang tatalakayin (ayon sa pagkakasunod-sunod) sa isang pormal na pagpupulong. Ang adyenda ay mahalagang bahagi ng pagpaplano at pagpapatakbo ng pulong dahil nililinaw nito ang layunin, detalye ng mga paksang tatalakayin, mga mangunguna sa pagtatalakay at ang haba ng bawat isa.
COURSE SUBJECT: Filipino sa Piling Larangan-Akademik
Ayon kay Sudprasert (2014), and adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ang isa sa mga susi ng matagumpay na pulong. Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong.
Narito ang ilang kahalagahan ng pagkakaroon ng adyenda ng pulong:
Ito ang nagsasaad ng sumusunod na mga impormasyon:
mga paksang tatalakayin
mga taong tatalakay o magpapaliwanag ng mga paksa
oras na itinakda para sa bawat paksa
Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan ang mga ito.
Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang tatalakayin ay kasama sa talaan.
Ito ay nagbibigay din ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang tatalakayin o pagdedesisyunan.
Ito ay nakatutulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda
Tulad ng paggawa ng memorandum, mayroon ding sinusunod na hakbang sa paggawa ng adyenda. Tandaan na ang mga paksang tatalakayin ay hindi lamang sa isang tao magmumula kundi manggagaling sa mga taong kasapi sa pulong.
Narito ang mga hakbang na dapat isagawa sa pagsulat ng adyenda:
Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang email na nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras, at lugar.
Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung email naman, kinakailangan magpadala sila ng kanilang tugon. Ipaliwanag din sa memo na sa mga dadalo, mangyaring ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang concerns o paksang tatalakayin at maging ang bilang ng minutong kanilang kailangan upang pag-usapan ito.
3) Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay napadala o nalikom na. Higit na magiging sistematiko kung ang talaan ng adyenda ay nakalatag sa talahanayan o naka-table format kung saan makikita ang adyenda o paksa, taong nagpapaliwanag, at oras kung gaano ito katagal pag-uusapan.
4) Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo, mga dalawa o isang araw bago ang pulong. Bilang paalala ay muling ilagay dito ang layunin ng pulong na ito, at kung kailan at saan ito gaganapin.
5) Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.
Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Adyenda:
1) Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay nakatanggap ng sipi ng mga adyenda. Ginagawa ito upang matiyak na ang bawat taong dadalo sa pulong ay may sapat na kaalaman hinggil sa mga paksang pag-uusapan. Gaya ng nabanggit sa unahan, maaari itong ibigay sa mga kasapi sa pulong, isang araw o dalawang araw bago ang pulong depende sa kultura ng organisasyon o institusyon. Maaaring magdala ng karagdagang kopya nito sa mismong araw ng pulong upang kung may nakalimot dalhin ito ay maaari mo s
Filipino sa Piling Larang-Akademik.
ito ay isang presentasyon na naglalaman ng komprehensibong impormasyon ukol sa pagsulat ng katitikan ng pulong, kahulugan ng katitikan ng pulong, mga bahagi ng katitikang ng pulong, at mga yugto sa pagsulat ng katitikan ng pulong.
"Y3-ARALIN-4-KATITIKAN-NG-PULONG" delves into the intricate world of linguistics and communication within the Filipino context. This topic explores the nuances of language, focusing on the dynamics of spoken discourse, its structures, and the underlying principles that govern it.
At its core, this lesson aims to unravel the complexities of "pulong" or dialogue, which serves as a fundamental mode of interaction among individuals. It ventures into the rich tapestry of Filipino communication, where words carry cultural connotations, historical significance, and social implications.
Students engaging with "Y3-ARALIN-4-KATITIKAN-NG-PULONG" embark on a journey to dissect the anatomy of conversation. They explore the various elements that constitute dialogue, including turn-taking, topic management, and the use of linguistic markers such as politeness strategies and conversational fillers. Through this exploration, learners gain insights into the mechanics of effective communication and the subtle cues that shape interpersonal relationships.
Furthermore, this lesson delves into the socio-cultural aspects of language use, highlighting how communication reflects societal norms, values, and power dynamics. Students are encouraged to critically examine the role of language in perpetuating or challenging social inequalities, as well as its ability to foster solidarity and empathy within communities.
Moreover, "Y3-ARALIN-4-KATITIKAN-NG-PULONG" invites students to engage with authentic examples of Filipino discourse, ranging from everyday conversations to formal settings such as public speeches or debates. By analyzing real-life instances of communication, learners deepen their understanding of language in action and develop practical skills for effective communication in various contexts.
In essence, "Y3-ARALIN-4-KATITIKAN-NG-PULONG" serves as a gateway to the intricate world of Filipino linguistics, offering students a comprehensive understanding of dialogue as a dynamic and culturally embedded phenomenon. Through this exploration, learners not only sharpen their language skills but also gain a deeper appreciation for the richness and diversity of Filipino communication.
2. KATITIKAN NG PULONG
Ang pulong ay mababalewala
kung hindi maitala ang napag-
usapan o napagkasunduan.
3. ANO ANG KATITIKAN NG PULONG?
•Opisyal na tala ng isang pulong.
•Ito ay kadalasang isinasagawa ng pormal,
obhektibo, organisado, sestimatiko at
comprehensibo o natataglay ng mahahalagang
detalyeng tinalakay sa pulong.
4. ANO ANG KATITIKAN NG PULONG
•Matapos itong maisulat at mapagtibay sa susunod
na pulong, ito ay magsisilbing opisyal at legal na
kasulatan ng kompanya o organisasyon na
maaaring magamit bilang prima fiece evidence sa
mga legal na usapin o sanggunian para sa susunod
na pagpaplano at pagkilos.
5. MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN NG
PULONG
1.Heading- Ito ay naglalaman ng pangalan ng
kampanya, samahan, organisasyon, o
Kagawaran. Makikita rito ang petsa, lokasyon,
at maging ang oras ngpagsisimula ng pulong.
6. MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN NG
PULONG
2. Mga Kalahok o Dumalo- dito nakalagay kung
sino ang nanguna sa tagapagdaloy sa pulong
gayundin ang mga dumalo sa pulong at
maging ng mga lumiban o hindi nakapagdalo
ay nakalista din dito.
7. MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN NG
PULONG
3. Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang Katitikan
ng pulong- dito makikita kung ang nakalipas na
Katitikan ng Pulong ay napatibay o may
pagbabagong isinagawa mula rito.
8. MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN
NG PULONG
4. Action Items o usaping napagkasunduan- dito
makikita ang mahahalagang tala hingil sa mga
paksang tinalakay. Inilalagay rin sa bahaging ito
kung sino ang taong manguna sa pagtalakay ng isyu
at maging desisyong nabuo ukol dito.
9. MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN NG
PULONG
5. Pabalita o patalastas- hindi ito madalas makikita sa
katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang
Pabalita o Patalastas mula sa mga dumalo ay tulad
halimbawa ng mga suhestiyong agenda parsa
susunod napulong ay maaaring ilagay sa bahaging
ito.
10. MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN NG
PULONG
6. Iskedyul ng susunod na pulong- Itinatala sa
bahaging ito kung kalian at saan gaganapin ang
susunod na pulong.
11. MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN NG
PULONG
7. Pagtatapos- inilalagay sa bahaging ito kung
anong oras nagwakas ang pulong.
8. Lagda- Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang
pangalan ng taong kumuha ng Katitikan mg
Pulong at kung kailan ito isinumite.
12. MGA DAPAT GAWIN NG TAONG NAATASANG
KUMUHA NG KATITIKAN NG PULONG
Ayon kay Bargo(2014) dapat tandaan ng sinumang
kumuha ng Katitikan ng Pulong na hindi nya
trabahong ipaliwanag o bigyang interpretasyon ang
napag-usapan sa pulong. Sa halipang kanyang
tanging gawain ay itala at iulat lamang ito.
Napakahalaga na siya ay maging obhektibo at
organisado sa pagsasagawa nito.
13. YON KAY SUDAPRASERT SA KANYANG AKLAT NA ENGLISH FOR
HE WORKPLACE 3 (2014) ANG KUMUKUHA NG KATITIKAN NG
PULONG AY KAILANGANG:
1. Hangga’t maaari ay hindi participant ng pulong
2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng grupo
3. May sipi ng mga pangalan ang mga taong dadalo sa pulong
4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang
pulong
5. Nakapokus at nakatuon lamang sa nakatalang adyenda ng
pangkat
14. 6. Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginawa ay
nagtataglay ng tumpak at kompletong heading.
7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan.
8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon ng
maayos .
9. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyonan ng
koponan.
10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan ng
pulong pagkatapos ng pulong
15. TATLONG URI/ESTILO NG PAGSULAT NG
KATITIKAN NG PULONG
1. Ulat ng katitikan- ang lahat ng detalyeng
napag-usapan sa pulong ay nakatala. Maging
ang pangalan ng mga taong nagsalita o
tumalakay sa paksa kasama ang pangalan ng
mga taong sumang ayon sa mosyong
isinagawa.
16. 2. Salaysay ng Katitikan- isinalaysay lamang ang
mahahalagang detalye ng pulong. Ang ganitong uri
ay maituturing na isang legal na dokumento.
3. Resolusyon ng Katitikan- Nakasaad lamang sa
katitikan na ito ang lahat ng isyung
napagkasunduan ng samahan. Hindi na itatala ang
pangalan ng mga taong tumalakay nito at maging
ang sumang ayon dito.
17. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG
KATITIKAN NG PULONG
Ayon kay Dawn Rosenberg Mckay, isang editor at
may-akda ng “The Everything Practice Interview Book
at The everything Get-a-job Book, sapagkuha ng
katitikan ng pulong mahalagang maunawaan ang
mga bagay na dapat gawin bago ang pulong,
habang isinasagawa ang pulong, at pagkatapos ng
pulong.
18. BAGO ANG PULONG
•Tiyaking handa ang lahat ng mga kagamitan bago
ang pagpupulong.
• Gamitin ang adyenda para gawin ng mas maaga
ang balangkas ng katitikan ng pulong. Maglaan
ng sapat na espasyo para sa bawat paksa.
19. HABANG ISINASAGAWA ANG PULONG
•Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa
pulong at hayaang lagdaan ito bawat isa.
•Kilalanin amy bawat isa upang madalijg matukoy
sino ang magsasalita sa pulong.
•Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.
•Itala ang mahahalagang ideya o puntos.
20. HABANG ISINASAGAWA ANG PULONG
•Itala ang mga mosyon o suhestiyong, maging ang
pangalan ng taong nabanggit nito, gayundin ang
mga sumang ayon, at naging resulta ng botohan.
•Itala ang bigyang-pansin ang mga mosyon na
pagbobotohan at pagdedesisyunan pa sa susunod
na pulong.
22. PAGKATAPOS NG PULONG
•Gawin kaagad ang katitikan pagkatapos na
pagkatapos habang sariwa pa ang lahat ng mga
tinalakay.
•Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan
o organisasyon, pangalan ng kometi,uri ng
pulong(buwanan o lingguhan) at maging ang
layunin nito.
23. PAGKATAPOS NG PULONG
•Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos.
•Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang
pangalan ng nanguna sa pagdadaloy ng pulong.
Lagyang ng “isinumite ni” kasunod ng iyong
pangalan.
24. PAGKATAPOS NG PULONG
•Basahing muli ang katitikan ng pulong bago
tuluyang ipasa sa kinauukulan para sa huling
pagwawasto nito.
•Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa
kinauukulan o sa taong nanguna sa pagdadaloy
nito