2. Ang morpolohiya ay isang bahagi ng
lingguwistika na nagsusuri sa kahalagahan ng
morpema ng isang wika at ng pagsasama ng
mga ito upang makabuo ng salita.
Inilalarawan sa morpolohiya ang pagkakaroon
ng makabuluhang kahulugan ng isang salita sa
pamamagitan ng mga pinagsama-samang mag
tunog.
3. Ano nga ba ang kahulugan ng morpolohiya?
Ang morpolohiya ay tumutukoy sa maagham na
paraan ng pag-aaral ng mga tuntunin sa pagbuo at
pagdurugtong ng mga morponema ng isang wika. Ito
ay tinatawag ding palabuoan. Inilalarawan sa
morpolohiya ang pagkakaroon ng makabuluhang
kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng
pinagsama-samang tunog.
4. Morpema
Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng
isang salita na nagtataglay ng kahulugan.
Halimbawa, sa salitang doktora makabuluhan ang
“a” kahit na isang titik lamang ito dahil
nangangahulugan ito ng kasariang pambabae, dahil
kapag doktor lamang ay may kahulugan itong
kasariang panlalaki.
5. MGAANYONG MORPEMA
Napansin marahil ninyo na kahit na itinuturing na
isang salita lamang ang doktora, ito ay binubuo ng
dalawang anyo ng morpema, ang doktor bilang
salitang ugat at ang “a” bilang isang ponema lamang.
6. Tatlo ang anyo ng morpema: ponema, panlapi, at
salitang ugat.
a. Isang Makahulugang Tunog o Ponema
Matatagpuan ang ponemang ito sa mga salitang
buhat sa Kastila, tulad ng senador/senadora gayundin
sa mga salitang nagtatapos sa a na nangangahulugang
babae tulad ng abogado/abogada, barbero/barbera,
bombero/bombera, lalo na sa mga pangalan ng tao
Julieto/Julieta, Alexandro/Alexandra, Dino/Dina,
Mario/Maria.
7. b.Panlapi
May kahulugang taglay ang panlapi
kaya’t morpema ito. May tinatawag na
panlaping makangalan kapag ang nabubuong
salita’y pangngalan, panlaping maka-uri
kapag ang nabubuong salita ay pang-uri at
panlaping maka-diwa kapag ang nabubuong
salita’y pandiwa.
8. Halimbawa, ang panlaping –an ay maaaring maging
panlaping makangalan kung nagpapahayag itong ng pook,
maaaring panlaping pang-uri kung nagsasaad ito ng
kalakihan ng ipinahahayag ng salitang-ugat at maaaring
panlaping makadiwa kung nagpapahayag ito ng kilos.
kain+ -an = kainan – pook na pinaggaganapan ng pagkain
bibig + -an = bibigan – malaki ang bibig
punta + -han = puntahan – gaganap ng kilos na pagtungo sa
isang pook
9. c. Salitang-ugat
Isang payak na salitang panlapi ang tinatawag
na salitang-ugat. Maaaring pangngalan ang
salitang-ugat tulad ng tao, bagay, bundok at
langit. Maaari ring pang-uri tulad ng pangit,
tamad, dilaw at puti. Maaari ring pandiwa tulad
ng takbo, lakad, higa, at kain.
10. Mga Uri ng Morpema
May dalawang pangkalahatan uri ng mga morpema:
(1) mga morpemang may kahulugang leksikal, at (2)
mga morpemang may kahulugang pangkayarian.
Halimbawa, sa pangungusap na:
Nanonood ng parade sa Luneta ang mga mag-aaral.
11. Ang mga katagang ng, sa at – ang mga ay walang tiyak na
kahulugan tulad ng mga salitang parade, Luneta, at mag-aaral. Ang
mga katagang nabanggit ay nakapagpapalinaw ng kahulugan ng
buong pangungusap. Gayundin, iniuugnay ng mga salita ito ang
mga sangkap na dapat pag-ugnayin, o nagpapakilala kaya ng gamit
sa pangungusap ng kaugnayan ng parade at Luneta; ang ang mga ay
nagpapakitang ang sumusunod na pangngalan ay nasa kaukulang
palagyo. Anupa’t bawat isa ay kailangan sa kayarian ng
pangungusap. Hindi maaaring sabihing:
Nanonood parade Luneta mag-aaral.
12. Alomorp ng Morpema
May katangian ang morpema na magbago ng anyo. Ang mga
pagbabagong ito’y dala ng kanilang kaligiran na kung tawagin sa Ingles
ay allomorph. Galing ang katagang allomorph sa dalawang salitang allo
(kapara o katulad) at morph (yunit o anyo) na sa mahusay na
pagkakaasimila sa ating wika ay patuloy na tinatawag na alomorp.
Sa panglingguwistikang pag-aaral, ang alomorp ay tumutukoy sa
pagbabagong- anyo ng morpema maging sa kayarian o tunog ng
kaligiran. Magandang halimbawa nito ang morpemang (pang-). Ang
pang – ay may tatlong alomorp o anyo: pang-, pam-, at pan-.
13. May mga salitang distribusyon ang bawat
alomorp. Ang alomorp na (pang-) ay ginagamit kung
may inuunlaping salita ay nagsisimula sa mga
ponemang katinig na /k, g, h, m, n, w, y/; at mga
ponemang patinig na /a, e, i, o, at u/ dapat tandaan ang
paggamit ng gitling sa pag-uunlapi rito. (pam-) ang
ginagamit sa mga ponema na /b/, /p/ at ang (pan-)
naman ay para sa mga ponemang katinig na /d, l, r, s,
at t/.
14. TSART NG ALOMORP NG MORPEMA
(pang) + /k, g, ng, w, y, h at i, o, e, a, u/
Halimbawa
(pang-) + kahon = pangkahon
(pang-) + gawa = panggawa
(pang-) + negosyo = pangnegosyo
(pang-) + wisik = pangwisik
(pang-) + yero = pangyero
(pang-) + hatak = panghatak
(pang-) + ilaw = pang- ilaw
(pang-) + opera = pang-opera
(pang-) + ekis = pang-ekis
(pang-) + araw = pang-araw
(pang-) + upa = pang-upa
Tala: Ang mga patinig lamang ang gagamitan ng gitling.
15. (pang-) + /p, b/
Halimbawa:
AP AG
(pam-) + patay = pampatay o pamatay
(pam-) + pala = pampala o pamala
(pam-) + botika = pambotika
(pam-) + bili = pambili o pamili
(pam-) + blusa = pamblusa
(pam-) + bayad = pambayad o pamayad
Tala: AP – asimilasyong parsyal AG – asimilasyong ganap